Lero POV,
Hatinggabi na ng papunta ako sa palasyo ng Gold Queen. Naging tapat ako sa kanya mula ng niligtas niya ako sa kamay ng mga mangangaso kaya utang ko ang buhay ko sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang." Boses ng Gold Queen na narinig ko mula sa kung saan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kinaroonan niya. Nakakasilaw ang kanyang gintong kasuotan.
"Na..nakaharap ko na ang Prinsesang tinutukoy mo kamahalan kaya ....ngayon lang ako nakabalik." Napabuntong hininga pa ako bago ko sinabi.
Nakatayo siya ng mga oras na yun hawak-hawak ang salamin habang tinitingnan ang sarili. Ang kanyang baston ay nasa gilid ng truno ng hari at reyna.
"Sinabi ko na sayo ang dapat mong gawin sa prinsesa at huwag mo akong bibiguin." Paalala niya sa akin.
Humarap siya sa akin at binitawan ang salamin. Kinuha niya ang kanyang mahiwagang baston. Tela may kung anong mahika na nabalot sa baston na yun na iniingatan ng Gold Queen.
"Di ko makakalimutan ang iyong pinag uutos kamahalan." Sagot ko sa kanya at tumalikod na ako.
Palabas na ako ng palasyo ng matanaw ko ang mga diwata at engkanto na mistulang naging ginto maging ang iba pang nilalang. Nawala na ang dating ganda ng gardenya dahil sa paghihigante ng Gold Queen.
Papasok ako sa kakahuyan ng bigla kong naalala ang maamong mukha ng prinsesa. Di ko maitangging nagagandahan ako sa kanya at masaya ako kasama siya. Subalit bigla ko rin naalala ang sinabi ng Gold Queen.
"Kunin mo ang loob ng prinsesa at paibigin mo ito tsaka mo dalhin sa akin."Mahina ang pagkakasabi niya pero makakaramdam ka ng panghihina at takot.
"Kailangan mawala ng prinsesa bago ang kanyang kaarawan at nalalapit na yun kaya bilisan mo." Pagpatuloy niya ng nakatingin ang nanlilisik niyang mga mata.
"Kung hindi mo yun magawa, ako ang siyang gagawa kaya bilisan mo." Pagpatuloy niya.
3 o clock ng madaling araw ng napansin kong nasa harap na ako ng bahay ng prinsesa. Tiningnan ko ang paligid at inikot ko ang aking paningin. Nakatanaw ako sa mga bintana, baka sakaling matanaw ko ang prinsesa. Mayamaya nakita kung sumisilip siya sa bintana. Nakita niya ako kaya suminyas siya ng sandali. Mabilis siyang bumaba para puntahan ako.
"H...hi, bakit ka nandito." Tanong niya sa akin. Nakasuot siya ng dress na pampatulog na kulay puti. Mapapansin mo rin ang mahaba at maganda niyang buhok at napakaputi niya.
"Ah..wa..wala, kakamustahin sana kita."Nauutal pa ako ng sagutin ko ang tanong niya. Napapayuko ako habang kausap siya.
"Bakit ganitong oras ka pumunta? Baka gusto mo pumasok sa loob.? yaya pa niya sa akin pero tumanggi ako.
"Hindi na, ok na ako dito." Nakatingin ang mga mata ko sa kanya.
"Halika ka sumama ka sa akin." Bigla na lang hinablot niya ang kamay ko at hinila papunta sa kung saan.
Dinala niya ako sa ilalim ng dalawang malaking puno. May dalawang swing na makikita at umupo kami pareho.
"Alam mo kapag malungkot ako dito ako pumupunta pero minsan lang kasi ako ako nasa garden." Nakangiti siya habang nagkukwento sa akin. Napapalingon din siya at pinagmamasdan ako.
Tinitingnan ko lang ang maamo niyang mukha.
"Ang ganda mo."mahina lang ang pagkakasabi ko habang dinuduyan ng bahagya ang sarili ko.
Nang lingunin ko siya ay nilalakasan niya ang pagduyan sa sarili niya. Sinabayan ko siya at nagkatinginan kami. Napatawa siya at napatawa din ako. Sabay naming sinamantala ang oras na magkasama.
"Ah...kailangan ko na umalis." Pagpapaalam ko sa kanya.
"Sige, mag ingat ka." Nakayuko siya at biglang ngumiti.
Nginitian ko siya pabalik at yun ang unang ngiti na nagawa ko buong buhay ko. Tanging ang prinsesa lamang ang unti-unting nagpabago sa akin. Kakaiba ang aking naramdaman sa kanya na di ko maipaliwanag. "Paano ang misyon ko sa kanya, ayaw ko siyang mapahamak." Ang bulong ko sa aking isipan.
Nagulat ako ng yakapin niya ako. May kung ano pakiramdam ang naramdaman ko. Ng nakabitaw na siya sa pagkakayakap ay nagkatinginan kami. Magkalapit na ang aming mga labi. Binalak kong siyang halikan subalit natakot ako na baka di niya magustuhan ang gagawin ko kaya pinigilan ko ang aking sarili.
"Makikita pa ba ulit kita?" tinanong niya ako ngunit di ko siya sinagot at umalis na ako.
Callea POV,
Nakalayo na si Lero mula sa kinatatayuan ko. Pumasok na ako sa bahay at kinandado ko muna ang pinto. Paakyat na ako ng hagdan ng matanaw ko ang munti kong kaibigan. Nagpatuloy ako sa pag ayat papunta kung saan naroon ang aking silid.
Sumunod na rin siya na parang sumasabay sa hangin ang kanyang paglipad.
"Prinsesa sino yung kasama mo kanina?" Tanong niya sa akin. Malapit siya sa balikat ko at tinitingnan ko lang siya.
"Si Lero, nakilala ko sa gubat kasi parang nawawala ako nung time na yun." Nakangiti pa ako habang binibigkas ang pangalang Lero.
Inaayos ko ang higaan namin at pinagpag ko ang unan para maayos kapag nakahiga na kami. Sa unan lang naman natutulog ang munti kong kaibigan.
"Prinsesa, wag ka po sana magtitiwala lalo na sa gubat mo lamang nakilala." Nakatayo siya sa mesa habang pinapaalalahanan ako.
Pumunta muna ako sa salamin at kinuha ko ang suklay sa kinalalagyan nito.
"Hmm...mukha naman siyang mabait at di niya naman siguro ako sasaktan." Sinusuklay ko ang aking buhok ng nakaharap sa salamin.
Lumipad siya at pumunta sa harap ko malapit sa salamin.
"Pero Prinsesa baka may masamang balak yun sayo lalo na nalalapit na ang iyong kaarawan." kinuha ko siya at inilapag sa mesa.
Natapos na ako sa pag suklay ng aking buhok. Gusto ko kasi maayos ang buhok ko bago ako matulog kaya nakaugalian ko na suklayin lagi ang mahaba kong buhok na may kunting kakulutan.
"Don't worry alam ko ginagawa ko at kaya ko sarili ko kung ano man ang balak ni Lero sa akin kaya wag ka na mag alala for me." Kinuha ko siya at nilapag sa unan. Nahiga na rin ako katabi niya. Malapit na sumikat ang araw pero inaantok pa ako dahil di ako nakatulog ng maayos. Tiningnan ko ang orasan sa tabi ng mesa na nasa gilid ng kama ko.
5:35 na ng umaga at kailangan ko pang bumawi ng tulog. Di ko namalayan nakatulog na ang munti kong kasama. Ang himbing ng tulog niya. Pinagmasdan ko ang kanyang anyo. After nun nakatulog na rin ako.
Kinabukasan pag gising ko wala ang munti kong kaibigan. Di ko pa natanong kung ano ang pangalan niya.
Callea POV, Alas dyes ng umaga. Pumunta ako sa madilim na kakahuyan. Nakadress ako na kulay asul at nakasapatos dahil baka masugatan na naman ang paa ko ng huling punta ko dito na kasama si Lero kaya sapatos ang sinuot ko. Hinahanap ko ang aking munting kaibigan, nagbakasakali dito siya sa madilim na kakahuyan na ito. Nakasuot ako ng kwentas na may gintong pendant na susi pero hindi yun ang mahiwagang kwentas. May suot din akong hikaw at bracelet na kulay ginto. "Fairy.....fairy......" Sumisigaw ako sa tahimik at madilim na kakahuyan. Subrang tahimik ng paligid ngunit may nabubuhay na halaman sa bawat nadaanan ko. Sandyang may kung anong mahika na di ko maipaliwanag kaya kailangan ko ng kasagutan. pakiramdam ko hindi ako pangkaraniwang tao. Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako na kung ano mang bagay na tumatakbo. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Paglingon ko sa aking likuran ay nakita k
"Prinsesa may parating." Mabilis na sabi ng fairy sa akin bago siya nagtago. Natanaw ko kung sino ang parating. "Ah....mga friends ko lang yan, don't worry." Sabi ko ng nakangiti sa di kalayuan na nakatingin sa parating kung mga kaibigan. Nagtatawanan pa sila ng palapit sa kinaroroonan namin. "Ano meron at ang saya nyo? Tanong ko agad sa kanila ng mapansin kung nagkakatuwaan sila. " Ah wala lang nagbibiruan kasi kami." Mahinhin na sabi ni Tin. Umupo na ang bawat isa. "Ano meron at nandito kayo lahat? Tanong ko sa kanila. May mga hawak na gadget ang bawat isa. Kaya di agad nila nasagot ang tanong ko. "Wala lang, gusto ka lang namin makasama." Sabi naman ni Jack. Seryoso ang pagkakaupo ng tumingin sa akin. "Oo nga Cal.., tsaka pwede ba kami mag stay muna ngayong gabi dito. Bukas kasi pupuntahan natin yung madilim na kakahuyan. "Sabi naman ni Robert. "Nakakatakot dun nohhh..tinawag nga y
"Ano itong nakakasilaw na liwanag?" Ang tanong ko habang papasok sa lagusan. Pagpasok ko ng lagusan ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Nagpatuloy ako sa paglalakad papalapit sa maliwanag na bagay na yun. Nang makalapit na ako ay unti-unting nawala ang liwanag. Nakita ko ang isang mahiwagang pinto. "Ano kaya meron sa likod ng mahiwagang pinto na ito? Tanong ko sa aking isipan." Ngunit hindi ko ito mabuksan. Tela kailangan ng susi para mabuksan ito. Naalala ko ang kwentas na kinuha ng aking ina. Maliit lang ang pinto na nagliliwang na kulay ginto at sa paligid nito ay wala kang makikita kundi kaputian ng paligid. Sadyang mahiwaga ang lugar na iyon. Callea....Callea.... Tawag sa akin ng mga friends ko. Lumabas na ako sa lagusan na pinasukan ko. "Cal, saan ka naman nagpunta?" Tanong sa akin ni Robert ng makita nila ako. "Pinag aalala mo kaya kami tsaka kanina ka pa namin hinahanap no
Callea POV, Nakadungaw ako sa bintana kung saan ako kinulong ni Lero. Di ko mapagtanto kong anong nangyayari. Tela wala akong kaalam-alam sa mga nagaganap. May maliit na liwanag akong natanaw at papalapit sa akin ang bagay na yun. "Teka, Si Fairy nandito." Pagtataka ko. Binuksan ko ang bintana at iginilid ang puting kurtina. Nakalapit na siya sa akin at dumiretso ito papasok ng silid kung saan ako naroroon. "Prinsesa, sorry umalis ako sa tabi mo."Paghingi niya ng tawad. "It's ok fairy di naman ako napahamak." Sagot ko sa kanya. Inilahad ko ang kaliwang palad ko at dumapo siya dito. "Pero bihag ka nila mahal na prinsesa." Pag aalala niya. Pumunta ako sa upuan at dun umupo. Nilapag ko siya sa tabi ng higaan. Tela inosente ako na walang kaalam-alam sa nangyayari. "Ahh..fairy ano nga pala ang pangalan mo.? Tanong ko sa kanya. "Gusto ko lang malaman kasi... fairy ang tanging pa
Lero POV, "Bukangliwayway na...." Sambit ko at napangiti ako. After kung umalis sa silid na kinaroroonan ng prinsesa ay pumunta ako sa tahimik na lugar na may taglay na mahika. Di ito alam ng Gold Queen dahil puno ng galit at paghihiganti nang puso niya at di nakakapasok sa lugar na yun ang mga masasama. Tahimik lang ako habang nagmamasid sa umaagos na tubig. May mga ibon din na lumilipad at yung iba naman ay nakadapo sa mga sanga. Nalaman ko ang lugar na yun dahil sa aking ina. Isa rin siyang diwata na tagapanglingkod sa palasyo. Ito ay pinakita niya sa akin kapag ako'y malungkot at kailangan kong mapag-isa. "Anak halika, at may papakita ako sayo." Paanyaya ng aking ina. Naalala ko ang mga sandali na kasama ko ang aking ina. Lumapit ako sa kanya at Napahawak sa kamay niya. "Saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Napapatingala ako dahil sa maliit pa ako ng mga oras na yun. Nakarating kami sa isang malaking puno. Napapal
Callea POV, "Malapit na gumabi Lila at baka hinahanap na nila ako." Pag aalala ko. Nakaupo kami pareho sa malaking kama. "Prinsesa may alam ako para makaalis dito." Sabi ni Lila habang may dinudukot sa kanyang bulsa. " Paano? May alam ka?" Tanong ko sa kanya. Pinakita niya sa akin ang bagay na kinuha niya sa bulsa niya. Isang kaperasong bato na kumikinang. Maliit lamang ito ngunit napakagandang tingnan. "Ano yan?" Tanong ko ulit. Tumayo ako at bigla rin siyang tumayo. "Hindi po ito simpleng bato lamang. Ito po ay nakakagawa ng lagusan. Isipin mo lamang kung saan ka patungo at ibibigay ng batong ito ang lagusan sa gusto mo puntahan." paliwanag niya. " Itago mo muna yan, dahil hindi ko pa nakikita ang Gold Queen." Sabi ko sa kanya. Di na siya nakapagsalita at binalik niya ang bato sa kanyang maliit na bulsa. "Kamahalan may nagbubukas ng pinto." Bulong ni Lila sa akin. "Halika ka magtago tayo."
Lero POV, Wala na akong maisip na paraan ng mahuli kami ng Gold Queen kundi ang isuko muli ang prinsesa. Wala ring kaalam-alam ang Queen na wala na ako sa ilalim ng kanyang kapangyarihan. "Lero, maghanda ka dahil darating ang aking mga kampon." marahan sinabi niya sa akin. Nasa tapat siya ng bintana ng mga sandaling yun at nasa likuran niya ako. "Masusunod po kamahalan." At napayuko ako. "Kailangan ito malaman ng Prinsesa pero paano at nakabantay ang Gold Queen." Nasaisip-isip ko. "Ang aking nais ay nagaganap na, at wala ng makakapigil pa sa aking mga plano. Natutuwang sambit ng Queen sabay tawa ng malakas. "Paano po ang Prinsesa? Anong balak mo po gawin sa kanya.? "Tanong ko. Lumingon siya sa akin at biglang siyang napatigil tsaka nagsalita. "Gusto ko... na makita niya ang pagwasak ng sanlibutan at ang kanyang kaharian." At tumawa ito ng napakalakas. Nilamon na ng galit at paghihiganti ang p
Callea POV, Isang masamang pangitain ang aking napanaginipan ng mga sandaling mahimbing akong natutulog. Napansin kong wala sa aking tabi ang munting fairy. "Lila...!Lila..!" Tawag ko sa pangalan niya. Kahit anino ay di ko siya nakita. "Baka nagtungo siya sa mundo ng mga tao." Nasaisip ko. Di ko na magawang matulog muli kaya naisipan kung lumabas ng silid kung saan ako naroroon. Bahagya kong binuksan ang pinto at sumilip muna ako sa maliit na siwang ng pintuan. Tahimik ang paligid kaya lumabas na ako at dahan-dahan na isinara ang pintuan. "Bat ang tahimik." Pagtataka ko. Naglakad ako at nilibot ang buong palasyo. Napakaganda tingnan ng palasyo ngunit nasira ang ganda nito dahil sa mga ginto. Habang naglalakad ay di ko namalayan na nasa truno ng ako ng totoong hari at reyna. Wala ang queen at di ko siya makita sa kung saan. " Bakit ka nandito?" pamilyar ang boses na nasa aking likuran. Paglingon ko ay nakita
" Lumabas na tayo, wala na sila." Wika ni Lero na pinapawisan sa init sa loob ng butas ng malaking puno. Nasa loob pa rin sila ng isang malaking puno ng mga oras na yun. Tumingin sa butas si Robert para siguraduhin na wala na ang mga mangkukulam sa paligid. " Ano Robert? Did you see them?" Tanong ni Tin. "Ssshhhh......!!!! Ani Robert na tila pinapatahimik niya si Tin. Nag aabang naman ng sagot ni Robert ang prinsesa at si Lero na kung safe na ba sa labas. " I think their gone." Sagot ni Robert sa kanila. " Are you sure ha,? baka mamaya meron pa pala nakaabang dyan sa tabi at naghihintay na lumabas tayo." Wika ni Tin na natatakot lumabas. " Yeah, i'm sure guys don't worry." Sabi ni Robert. "Mukhang safe na nga tayo this time but hindi pa rin titigil ang bruha sa paghahanap sa prinsesa." Marahan na wika ni Lero habang malungkot na nakatingin sa prinsesa at sa mga kaibigan nito. "Kay
Bago sumikat ang araw ay nagsimula ng magpaalam ang prinsesa at mga kasama nito sa matanda upang di sila madamay o mapahamak dahil sa masamang dulot ng gold queen. "Maraming salamat sa pagpapatuloy nyo po sa amin sa inyong munting tahanan. Tatanawin naming utang na loob ang pagtulong nyo sa amin. " Pagpapasalamat ng prinsesa sa matanda na katabi naman nito ang dalawang babae na umaalalay sa kanya. "W*....walang anuman, naway gabayan kayo ng nakatataas sa inyong paruruunan. Lalo na ikaw binibini na sadyang nabubukod tangi nawa'y ingatan mo rin ang iyong sarili lalo na sa paparating na kapahamakan." Wika ng matanda sa prinsesa. Nasa bakuran na sila ng bahay at isa-isang nagpaalam sa matanda at sa mga kasama nito. Lumapit si Tin at Robert sa matanda at nagmano ang mga ito. " Lola, aalis na po kami at maraming salamat po sa lahat." Wika ni Tin pagkatapos magmano. Napangiti naman ang matanda. Kasun
Sumapit ang gabi at laganap na naman ang kadiliman sa paligid. Isang grupo ng kampon ng dilim ang pinakawalan ng gold queen upang hanapin ang prinsesa at ang mga kasama nito. Isang nakakatakot na grupo ng mga nilalang na may mga malalaking pakpak. Nagkalat sila sa buong lugar at nakarating sa kung saan. Sa bahaging kinaroroonan ng prinsesa ay napadpad sa lugar din yun ang mga nilalang na may malaking pakpak. Nakakatakot ang kanilang wangis na parang kalahating tao at kalahating hayop. Ang mukha ay kulubot na di maintindihan at may matulis na mga ilong at taenga. Parang mga mangkukulam na may mga pakpak. Habang nasa hapagkainan ang prinsesa/ Cal at ang mga kasama nito ay bigla silang nakarinig ng ingay galing sa labas at maging sa taas ng kanilang bubong. Natigilan sa pagkain ang lahat at pinakinggan ang ingay na kanilang naririnig. Nagsitayo ang silang lahat... "Naririnig nyo ba yun? Ano yun?" Tanong ni Tin at napatingin ito sa paligid.
"Guys, i think kailangan na nating magpatuloy sa paglalakad kasi magdidilim na." Sabi ni Tin. "Magdidilim na nga." Wika naman ni Cal. Nasa kakahuyan pa rin sila ng mga oras na yun at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinahak nila ang daan kung saan maraming puno ang makikita lalo ng unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ng gubat. " Sana may makita manlang tayong matutuluyan." Wika ni Robert na nababahala sa kung ano ang mangyari sa kanila sa kakahuyan ng mga oras na yun. "Magtiwala lang kayo at may makikita din tayo." Wika ni Cal. " Meron akong alam na matutuluyan pero medyo may kalayuan kaya bilisan natin ang paglalakad." Seryosong sabi ni Lero. Nagmadali sa paglalakad ang lahat habang tinatahak ang masukal na gubat. Maya-maya ay lumitaw ang mga nag-iilawan na mga alitaptap sa paligid. Parami ito ng parami hanggang sa nabigyan liwanag ang paligid na kanilang kinatatayuan. Napahinto sila at namangha sa mga maliliit na insekto na nagli
"Kamusta po kayo prinsesa nung nawala ako sa tabi mo?" Tanong ng fairy. "Hmmm....Mahirap sabihin ang buong pangayayari pero hindi maganda ang nangyari sa amin sa loob ng palasyo. Naabutan kasi kami ng gold queen at ginawa niyang ginto ang dalawa kong kaibigan. Maging si Lero ay muntik ng tuluyang maging ginto ngunit biglang nawala ang gintong bumalot sa kanya at hindi namin alam kung paano nangyari yun. Wala ni Isa man sa amin ang nakaalam o nakasaksi. Nakita na lang namin na unti-unting nawala ang mga ginto sa katawan ni Lero." kwento ng prinsesa. " Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga kaibigan mahal na prinsesa." Wika ng fairy at dumapo ito sa balikat ng prinsesa at inilapat niya ang kanyang pisngi sa malambot na pisngi ng prinsesa. Sa mga oras na yun ay nagsisimula na silang maglakbay at tahakin ang daan patungo sa kanilang pupuntahan. Lumapit si Lero kay Cal/prinsesa bago magsalita ito. " Sa tingin ko may nagbabadyang panganib na na
Sa isang kweba kung saan nagtungo ang gold queen pagkatapos ng paghaharap nila ng prinsesa. "Isang kalapastanganan ang ginawa mo Lero. Isang hangal para saluhin ang bagsik ng aking kapangyarihan." Galit na galit na wika ng gold queen. Nagkakagulo at nag-iingay ang mga alagad ng bruha sa isang kweba na kanilang kinaroroonan kaya lalong nainis ang bruha. " Magsitahimik kayo..!" Sigaw ng gold queen. Sumunod naman ang kanyang mga alagad at nagsitahimik ang mga ito. " Hindi ako papayag na napahiya ako sa araw na ito. Babalikan ko kayo!" Wika ng bruha. Nanghihina pa rin ang bruha dahil sa tindi ng tama ng kapangyarihan ng prinsesa/Callea sa kanya. Sa loob ng palasyo ng gardenya ay naroon pa rin ang prinsesa na luhaan habang kayakap si Lero. "Patawad mahal na prinsesa." Malungkot na wika ni Lero. "Huwag ka magsalita ng ganyan." Sabi ng prinsesa kay Lero. Tuluyan ng nabalot ng ginto ang katawan ni Le
Magkasama ang magkakaibigan at ang prinsesa ng mga sandaling nahanap nila ang isa't-isa. Si Lero ay tahimik lamang habang ang mga kaibigan ng prinsesa ay nag uusap. " Guys ano na ang gagawin natin dito, Let's go!" Wika ni Leila na naiirita. Nasa loob sila ng isang silid sa palasyo. "Leila, pwede ba manahimik ka muna dyan." Seryosong wika ni Robert. " At bakit ka ba sumasabat, ha, di naman ikaw yung tinatanong ko. Di lang naman ikaw ang kasama ko dito nohh, hmmp." Naiinis na sabi ni Leila sa kaibigang si Robert. " Alam nyo guys, kanina pa kayo nagbabangayan dyan. Pwede ba kumalma muna kayong dalawa." Wika naman ni Tin. Napansin ni Cal ang pag-aaway ng dalawa ngunit natawa lamang si Cal sa kanila. Nakita ni Cal ang kaibigang si Jack na tahimik lamang sa isang sulok kaya nilapitan niya ito. "Jack, okay ka lang?" Tanong ni Cal. Napatingin sa kanya si Jack. "Hmmm...Yeah, i'm okay." Sagot ni Jack. Malapi
"Hi Jack..," Bati ni Leila sa kaibigan si Jack. Nakaupo si Jack sa labas ng bahay nila sa guest area. May pinipinta siyang na kung anong bagay na kanyang pinagkakaabalahan. " Oh, hi Leila. Ano ginagawa mo dito?" "Gusto ko lang bisitahin ka. Bawal ba, ayaw mo ba nandito ako, ha." Wika ni Leila. Naupo si Leila sa tabi ni Jack. "Ah, hindi..hindi naman sa ganun." Sagot naman ni Jack. Bahagyang ngumiti si Leila at sinamantala ang pagkataon na magkasama sila ni Jack. Bukod sa sa kanilang pakikipagkaibigan, Si Jack ang kanyang first love ngunit may ibang gusto si Jack kaya di siya napapansin nito. "Ano yang ginagawa mo.?" Tanong ni Leila ng mapansin niya na abalang-abala si Jack sa kanyang ginagawa. " Ahh wala to, wag mo ng pansinin." Biglang itinabi ni Jack ang hawak niya at isinantabi ang kanyang ginagawa. Dumating si Robert ng di nila namalayan. "Abahhh parang may nagaganap na sweet
Alas tres ng hapon habang naglalakad sa harden ang prinsesa kasama si Lero. Masaya ang mga sandaling magkasama silang dalawa. "Lero, bukas na ang aking kaarawan ngunit." Natigilan ang prinsesa. "Oh bat parang natigilan ka.?" Tanong ni Lero. "Naalala ko lang mga magulang ko at mga friends ko." Sagot ng prinsesa. "Wag ka mag alala matatapos din ang lahat ng to." Niyakap siya ni Lero. " Thank you Lero at nandyan ka." Pasasalamat niya. Tumungo na sila sa palasyo. "Lero sandali." "Ano yun?" Tanong ni Lero. Nasa tapat sila ng pintuan ng mga oras na yun. "Ah wala. Sige pumasok na tayo." Hinawakan niya si Lero sa kanang kamay at hinila papasok ng palasyo. " Be lated happy bday Cal." Ngumiti ito sa kanya habang papasok sila ng palasyo. "Thanks," Bumawi siya ng malaking ngiti kay Lero. Napansin nila na wala ang Queen sa truno. " Saan na naman nagpunta ang Queen?"