Si Phoebe Hermoso ay isang tahimik, sobrang clumsy, at kakambal ay kamalasan. Saan man siya mapunta ay laging may kasunod na kaguluhan. Simple lang ang nais ni Phoebe, iyon ay ang maitaguyod ang pamilya niya sa kahirapan. Dala ng kagipitan at sunod-sunod na problema tinanggap niya ang alok na mapalapit kay Knox Contero. Ang lalaking walang ginawa kundi paglaruan ang mga babae. Isa sa misyon niya ay ang paibigin at iwan ito ngunit katumbas nito ay ang pagkakait sa kaniya na umibig pabalik sa lalaki. Magawa niya kaya ito? O handa siyang tumaliwas sa plano para ipaglaban ang pagmamahalan nilang dalawa?
View MoreSABIK NA SABIK akong naglagay ng shampoo sa palad ko na binili ni Brianna para sa sakin. Amoy na amoy ko ang bulaklak na aroma nito. Amoy pa lang, nagkakahalaga na ng limangdaan. Kapag nakaraos ako ay ganito na ang gagamitin namin ng mga kapatid ko. Pero sa ngayon, needs muna bago ang wants. Pangangailangan muna namin ang dapat unahin.Sunod ay ang bodywash. Hanggang sa natapos akong maligo. Sobrang ganda sa pakiramdam. Gamit ang maliit na salamin ko ay tinignan ko ang sarili. Suot ko na ang blouse at skirt. Handa na akong maging secretary. Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang saya."Kalma, self. Kailangan umakto kang professional," ani ko sa sarili. Kailangan interview pa lang galingan ko na. Kailangan ako ang mapili kahit na sabi ni Brianna ay sigurado siyang makukuha ako. Kahit unfair ang ganoon, wala na akong magagawa. Kasama 'yon sa plano."Wow, ate! Ang ganda-ganda mo!" bati ni Potpot sa akin habang pinagmamasdan ako. Nakasuot na sila ng
PAGTAPOS NAMIN KUMAIN ay nilinisan ko na si Papa ng katawan. Pinunasan ko ito at pinagpahinga na sa kwarto niya. Ang mga kapatid ko ay nasa kwarto na rin nagpapahinga. Naghugas muna ako ng pinggan bago naghilamos at pumasok sa kwarto.Nilapitan ko ang isa sa paper bag na naglalaman ng mga damit galing kay Brianna. Ito ang mga outfits na susuotin ko kapag secretary na ako. Kinuha ko ang isang paper bag at inilabas ang laman. Itinapat ko ito sa katawan ko. Nasukat ko na ang lahat ng ito at alam ko na ang dapat magkaka-partner para magandang tignan.Binilinan ako ni Brianna na dapat maganda ako dahil mapili ang CEO. Ibinaba ko ang damit at ibinalik sa loob ng paper bag. Kinuha ko ang maliit na salamin ko at saka pinagmasdan ang mukha. Bago umuwi ay dinala ako ni Brianna sa salon at spa. Sobrang sarap sa feeling. Parang natanggal lahat ng libag ko sa katawan at mukha. Sobrang lambot rin ng buhok ko at napakabango. Hindi lang damit ang binigay ni Brianna sa akin
ALAS-SAIS PA LANG ng umaga ay gising na ako. Naghahanda para sa pagpasok ng mga kapatid ko. Nagluto ako ng almusal na tanghalian na rin ng mga kapatid ko. Magbabaon sila ng Tocino at kanin ngayon dahil medyo nakakaluwag-luwag ako ngayon. Madalas kasi itlog lang. Iba't ibang luto ng itlog. Kahit gusto ko magbaon sila ng masasarap, hindi ko maibigay 'yon sa kanila. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bandang tiyan ko nang maalala na magiging secretary ako. Ang pinapangarap kong trabaho ay sa wakas, makakamtan ko na. Bigla rin naglaho ang kiliti na nararamdam ko at napalitan ng pagkabog ng dibdib ko. Pero kaugnay no'n ang paggawa ko ng bagay na labag sa loob ko. Ano kayang hitsura ng Knox Contero na 'yon? Anong ugali? Parang hindi ko yata kakayanin. Pumikit ako nang mariin. Hindi! Dapat kayanin ko dahil ito na ang pagkakataon ko para magsimula ulit. Para maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Lalong-lalo na si Papa. "Ate! Masusunog na ang To
"IBIG MO BANG SABIHIN na magta-trabaho ako bilang secretary niyang—" huminto ako at nag-isip kung nabanggit ba niya ang pangalan ng 'Casanova' na sinasabi niya. Kung nabanggit nga niya, hindi ko maalala. "Ano nga ulit ang pangalan no'n?" tanong ko sa kaniya. "He is Knox Contero, the heir of Contero Corporation. He is now the CEO. He's good, smart and charming. But don't be decieve by his charm," babala niya sa akin, kung magsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ang Knox na iyon. Nakatanaw siya sa malayo habang sumisilay ang ngiti sa kaniyang labi na tila ba may naalala na nagpangiti sa kaniya. Pero bago pa tuluyang lumawak iyon ay sumimangot na siya ulit. "Kung magsalita ka, parang close kayo, ah? Ex-boyfriend mo ba 'yon?" usisa ko. Kung tama ako, maaaring dahilan kaya ginagawa niya ito ay dahil sa galit. Maaaring niloko siya o sinaktan. Kung hindi naman baka isa sa mga kaibigan niya ang sinaktan kaya siya ang naghihiganti. Pero kung ako kasing yaman niy
IDINAMPI KO SA MUKHA ko ang pulbos na nasa palad ko, naghihingalo na ang laman ng garapon at humihingi na ng kapalit. Kahit pulbo ay hindi ko pa magawang bumili ulit. Humarap ako sa maliit na salamin para siguraduhin na maayos ang pagkakalagay nito sa mukha ko. Isinuot ko ang salamin ko sa mata na aalisin ko rin mamaya sa trabaho, ipinagbawal kasi sa akin na magsuot ako nito habang nagtatrabaho. Kahit hirap akong umaninag, pinilit ko na lang kaysa wala akong trabaho, hindi ko rin afford sa ngayon ang contact lense. Ang pagiging malabo rin ng mata ko ang isa sa dahilan kung bakit maka-ilang beses na akong nakakabasag o nakakatapon ng pagkain. Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. Panibagong araw, kaya panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ko. Kailangan kong maghanap ng raket sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, sa kangkungan kami pupulutin mag-a-ama. "Ate Peng, aalis na po kami." Paglingon ko ay pumasok sa kwarto kung nasaan ako s
Phoebe's POV "SIR, NAGMAMAKAAWA po ako sa inyo! 'Wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi ko po ipagsasabi na may relasyon kayo ni Chef—" natigilan ako sa pagsasalita ko at napapikit sa gulat nang hampasin ni Sir Daniel, boss ko at ang may ari ng restaurant, ang lamesa na namamagitan sa aming dalawa. "Shhh! Iyan na nga ba ang sinasabi ko," bulong niya, iniiwasan na may makarinig ng sinasabi niya. Hinilot niya ang sentido niya at sumandal sa inuupuan, ubos na ubos na ang pasensya sa akin. "Sorry to tell you this, Phoebe. I'm firing you, hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi lang tungkol sa issue ang problema ko sa iyo, sobrang dami mo nang naidulot na aberya dito sa restaurant, hindi ko na hihintayin pang malugi ako nang dahil sa pagiging lampa mo. Pasensyahan tayo." Umiling siya pagkatapos sabihin 'yon. Pinagdikit ko ang mga palad ko, hindi iniinda ang masakit na sinabi niya. "Sir, sige na po! Kailangan ko itong trabaho na ito
Phoebe's POV "SIR, NAGMAMAKAAWA po ako sa inyo! 'Wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi ko po ipagsasabi na may relasyon kayo ni Chef—" natigilan ako sa pagsasalita ko at napapikit sa gulat nang hampasin ni Sir Daniel, boss ko at ang may ari ng restaurant, ang lamesa na namamagitan sa aming dalawa. "Shhh! Iyan na nga ba ang sinasabi ko," bulong niya, iniiwasan na may makarinig ng sinasabi niya. Hinilot niya ang sentido niya at sumandal sa inuupuan, ubos na ubos na ang pasensya sa akin. "Sorry to tell you this, Phoebe. I'm firing you, hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi lang tungkol sa issue ang problema ko sa iyo, sobrang dami mo nang naidulot na aberya dito sa restaurant, hindi ko na hihintayin pang malugi ako nang dahil sa pagiging lampa mo. Pasensyahan tayo." Umiling siya pagkatapos sabihin 'yon. Pinagdikit ko ang mga palad ko, hindi iniinda ang masakit na sinabi niya. "Sir, sige na po! Kailangan ko itong trabaho na ito
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments