Share

Casanova's Obsession
Casanova's Obsession
Author: Aesthetica_Rys

CHAPTER 1

last update Huling Na-update: 2021-08-12 23:54:39

Phoebe's POV

"SIR, NAGMAMAKAAWA po ako sa inyo! 'Wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi ko po ipagsasabi na may relasyon kayo ni Chef—" natigilan ako sa pagsasalita ko at napapikit sa gulat nang hampasin ni Sir Daniel, boss ko at ang may ari ng restaurant, ang lamesa na namamagitan sa aming dalawa.

"Shhh! Iyan na nga ba ang sinasabi ko," bulong niya, iniiwasan na may makarinig ng sinasabi niya. Hinilot niya ang sentido niya at sumandal sa inuupuan, ubos na ubos na ang pasensya sa akin. "Sorry to tell you this, Phoebe. I'm firing you, hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi lang tungkol sa issue ang problema ko sa iyo, sobrang dami mo nang naidulot na aberya dito sa restaurant, hindi ko na hihintayin pang malugi ako nang dahil sa pagiging lampa mo. Pasensyahan tayo." Umiling siya pagkatapos sabihin 'yon.

Pinagdikit ko ang mga palad ko, hindi iniinda ang masakit na sinabi niya. "Sir, sige na po! Kailangan ko itong trabaho na ito, may sakit po ang tatay ko at may dalawa akong kapatid na nag-aaral. Ako lang po ang inaasahan nila. Sir..." pagmamakaawa ko sa boss ko. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho, ngayon pang na-stroke ang tatay ko. Paano na lang kami?

"O siya, sige. Bibigyan pa kita ng dalawang linggo para makapaghanap ng panibagong trabaho," aniya. Nabuhayan ako ng loob kahit papaano. Nagningning ang mga mata ko at saka ngumiti ng malawak. Sunud-sunod na tango ang itinugon ko sa kaniya.

"Sobrang salamat po, Sir. Pasensya na rin po. Hindi ko po talaga sinasadya na makita kayong naghahalik—" Sa ikalawang pagkakataon ay pinutol niya ang sinasabi ko. Halos mamula sa galit ang boss ko pero pinipigilan ang sarili na sumigaw.

Itinuro niya ang pintuan sa likod ko habang nanlalaki ang butas ng ilong. "Lumabas ka na, please lang. Pinapaalalahanan lang kita, Phoebe. Itikom mo ang bibig mo," pabulong na paalala niya sa akin. Sunud-sunod ulit na tango ang ibinalik ko sa kaniya. Tumayo na ako at lumabas ng opisina ng boss ko baka lalo lang magalit at bugahan na ako ng apoy.

Kung hindi ko sana siya nahuli na kasama si Chef habang gumagawa ng kababalaghan sa kusina nitong restaurant, baka may trabaho pa ako ngayon. Wala naman akong balak sabihin sa asawa niya na may kabit siya. May problema rin ako kaya wala akong panahon na pakialaman ang buhay nila.

Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na maging clumsy minsan. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong nakabasag ng pinggan at makailang beses na rin akong nakatapon ng pagkain sa customers. Sobra-sobrang pasensya na ang ibinigay ng boss ko kaya naiintindihan ko rin kung bakit gusto niya na akong tanggalin. Tao lang rin naman ang boss ko, napupuno.

Bumuntong-hininga ako paglabas ko. Napatulala na lang ako habang iniisip kung saan ako maghahanap ng bagong trabaho. Halos lahat ay nasubukan ko na bago pa ako mapunta rito, limang buwan na ang nakakaraan. Itong restaurant lang ang tanging tumanggap sa akin. Sobrang saya ko na natanggap akong waitress kahit na secretarial ang tinapos ko. Tapos ako ng kolehiyo pero lagi akong hindi natatanggap sa trabaho. Palakasan kasi ang labanan, palakasan ng backer sa kumpanya. Sino ba naman kasi ako?

Naglakad ako sa labas para tulungan ang mga kasamahan ko na mag-serve sa mga customer. Bagsak-balikat ako habang nagtatrabaho, wala sa ginagawa ko ang focus ko. Problemado ako kung paano ko tutustusan ang mga pangangailangan namin sa mga susunod na araw. Bumalik ako sa sarili nang may humawak sa balikat ko, si Tanya, isa sa mga kaibigan ko rito sa restaurant, muntik ko nang mabitawan ang hawak kong plato.

"Hoy, bakit ka pinatawag ni Sir!? Sahod na ba!?" masiglang tanong ni Tanya. Kasalukuyan akong nagpupunas ng mga plato sa kusina.

"Tanggal na ako, Tanya." Nalukot ang mukha niya dahil sa sagot ko.

"Ano!? Bakit naman?" bulalas niya, hindi makapaniwala sa ibinalita ko.

"Kasalanan ko rin naman, tatanga-tanga kasi ako minsan. Hindi ko naman sinasadya na—" napatakip ako ng bibig para pigilan ang sinasabi ko. Muntik na naman madulas ang dila ko. Bakit ba kasi napakadaldal ko!? Ang tanga mo, Phoebe! 'Pag nagkataon, pati ang dalawang linggong pag-asa ko ay mawawala na rin.

"Na...? Alin ang hindi mo sinasadya?" tanong ni Tanya sa sinabi ko. Napapikit ako sabay umiling.

"Hindi ko naman sinasadya na makabasag ng mga pinggan," palusot ko, sana ay makumbinsi siya sa palusot ko. Nagtaka ako nang luminga si Tanya sa pintuan. Kaming dalawa lang ang nandito sa kusina dahil uwian na. Ang iba ay nasa labas nag-i-inventory. Lumapit si Tanya sa pinto, sinara niya ito nang dahan-dahan at naghahadaling lumapit sa akin.

"Alam ko na 'yan..." halos pabulong na sabi sa akin ni Tanya. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Nakita mo rin ba sila?" makahulugang tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ibig-sabihin hindi lang ako ang nakakita ng nangyari? Kaya pala hindi umaasenso itong restaurant niya. Gumagawa sila ng kababuyan dito lagi. Dahan-dahan ay tumango ako, sumang-ayon sa sinabi niya.

"Bakit ka naman kasi nagpahuli? Wala ka tuloy trabaho ngayon," na-iiling na wika ni Tanya, bakas ang pag-aalala at panghihinayang sa mukha niya. Napanguso ako, kung hindi ko lang sana nabangga ang vase at nabasag. May trabaho pa sana ako.

"Hayaan mo na, marami pa namang trabaho diyan. May two weeks pa naman ako para makapaghanap ng trabaho," sabi ko. Ngumiti ako kahit pilit para ipakita na ayos lang ang lahat sa akin. Kahit sa totoo lang hindi talaga.

"Kapag may alam akong raket, sasabihan kita agad." Hinawakan niya ang braso ko habang marahan na piniga ito at saka ako nginitian.

"Salamat, Tanya," matipid kong sagot, ngumiti rin ako pabalik.

Nang matapos kami ay dumiretso na ako pauwi. Sa jeep pa lang ay pinipigilan ko na ang maiyak. Hindi ko alam paano ibabalita sa kanila na wala na akong trabaho. Mahalaga sa amin ito dahil ito lang ang inaasahan namin.

"Nandito na ako!" sabi ko pagpasok ko ng bahay, siniglahan ko ang boses ko para hindi sila magtaka. Inilapag ko sa maliit na sofa namin ang bag ko at saka nagtungo sa kusina para ilapag naman ang bigas at ulam sa lamesa, pagkain nila para bukas dahil alam kong nakakain na sila ngayong gabi.

"Ate Peng!" bati ng bunso kong kapatid na si Potpot, short for Patrick, sabay yakap sa akin. Napakalambing talaga ng kapatid kong ito. Kaya hindi ako napapagod na magtrabaho at itaguyod sila.

Lumabas naman mula sa kwarto ang papa ko na naka-upo sa wheel chair habang tulak-tulak ng pangalawa kong kapatid. Hindi niya naigagalaw ang kalahating katawan niya buhat nang na-stroke siya dahil sa init ng panahon. Bago siya magkaganyan ay masipag na trycicle driver siya. Simula nang mawala si Mama habang nanganganak kay Potpot ay siya na lang ang nagtaguyod sa aming tatlong magkakapatid. Hindi niya kami pinabayaan, hindi niya hinahayaang magutom kami.

Ganoon na lang ang pagbabago ng buhay namin nang ma-stroke siya. Nabaon kami sa utang, ang ipinundar nila ni Mama na trycicle ay naibenta para mapagamot siya. Kung mahirap kami noon, mas lalong naghirap kami ngayon. Mabuti na lang dahil saktong kaka-graduate ko lang noon, naghanap kaagad ako ng trabaho para matustusan ang mga pangangailangan namin. Iyon nga lang, hindi pa rin sapat.

"Uminom na ba ng gamot si Papa?" tanong ko sa kapatid ko na sumunod sa akin, si Pia. Lumapit ako kay Papa at saka inabot ang kamay niya para magmano. Ako ang panganay at ang breadwinner ng pamilyang 'to. Kahit naman ganito kami, masaya ako basta sama-sama kami.

"Opo, ate. Oo nga pala dumating na 'yong bill ng tubig pati ng kuryente. Naniningil na rin si aling Tess para sa utang sa tindahan," masamang balita sa akin ni Pia. Ito na nga ba ang ikinababahala ko. Paano ko kaya pagkakasyahin ang dalawang libo na natira sa sahod ko. Ngayon pang natanggal ako sa trabaho.

Ngumiti ako sa kanila, alam kong mag-aalala si Papa pag nakita niyang nahihirapan ako. "Sige, ako na ang bahala. Ipasok mo na si Papa sa kwarto para makapagpahinga na. Kayo rin, magpahinga na kayo, may pasok kayo bukas 'di ba?" sunod-sunod na paalala ko sa kanila, pilit na itinatago ang lungkot sa boses ko.

Pagkatapos ko kumain ay nilinis ko nang bahagya ang maliit na bahay namin. Hinati ito sa dalawang kwarto habang ang kalahati ay ang sala at kusina. Lalo tuloy akong nabubuhayan para magsikap pa, gusto ko silang bigyan ng isang komportableng buhay. Ayoko na silang magtiis sa maliit na bahay na ito, ayoko na silang magkasakit dahil sa environment sa squatter na lugar na ito.

Naghahanda na akong matulog nang makarinig ako nang ilang katok mula sa pintuan. Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Aling Precy, ang may-ari ng inuupahan naming bahay. Napatitig ako sa buhok nitong may nakalagay na pang-perm at sa malaking nunal niya sa pisngi. Tinaasan niya ako nang kilay at saka inilahad ang palad sa harap ko.

"Bayad niyo sa upa niyo ngayon buwan? Huwag mong kalilimutan na may balance pa kayo na limandaan noong nakaraang buwan. Ang usapan ay dalawang buwan lang pwedeng pumalya at kapag lumagpas doon, mag-impake na kayo," masungit na sabi niya habang naniningil ng bayad para sa upa ng bahay.

"Naku! Aling Precy, pasensya na po. Hindi pa po kasi ako sumasahod. Pero bukas, pangako ko po na ibibigay ko 'yong kalahati at sa sahod naman po ang kalahati pa," pakiusap ko, nagpaawa pa ako ng mukha baka sakaling pagbigyan ako.

"Siguraduhin mo lang, Peng. Kahit kaibigan ka ng anak ko, wala akong paki. Business is business," pagmamatigas niya habang nakasimangot ang mukha. Binawi na niya ang kamay niya at saka ipinagkrus ang mga ito. Matalik nq kaibigan ko kasi ang anak niya na si Marco, kababata ko. Napakalayo ng ugali ni Marco sa nanay niyang matapobre. Mapagbigay si Marco at laging handa akong tulungan.

"Opo, Aling Precy. Gagawaan ko po ng paraan," paninigurado ko sa kaniya kahit na walang kasiguraduhan ito. Saan kaya kami pupulutin kapag pinaalis kami sa tinitirahan namin. Huwag naman sanang mangyari 'yon!

Walang sabi-sabi ay tinalikuran niya ako at saka umalis. Isinara ko na ang pinto at ini-lock ito. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang iyak. Nagpunta ako sa loob ng maliit na banyo namin at saka nanghihina ang tuhod na napa-upo sa toilet. Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng mga luha ko. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon namin. Bakit ba nangyayari sa akin ang mga bagay na ito? Sunod-sunod na kamalasan na lang ang nangyayari sa buhay ko. Kailan kaya giginhawa naman ang buhay ko?

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi lumabas ang ingay na gawa ng paghikbi ko. Ayos lang na mahirapan ako basta alam kong nasa ayos ang pamilya ko. Iniisip ko kung paano na ang mga gamot ni Papa, hindi pwedeng matigil 'yon.

Humagulgol ako nang walang tunog at umiyak sa loob ng banyo para itago ang bigat na nararamdaman ko.

Ayokong makita nila na nagkakaganito ako.

Ayokong makita nila na nawawalan na ako ng pag-asa.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
sun_ny
apaka galing talaga ng bebe namin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 2.1

    IDINAMPI KO SA MUKHA ko ang pulbos na nasa palad ko, naghihingalo na ang laman ng garapon at humihingi na ng kapalit. Kahit pulbo ay hindi ko pa magawang bumili ulit. Humarap ako sa maliit na salamin para siguraduhin na maayos ang pagkakalagay nito sa mukha ko. Isinuot ko ang salamin ko sa mata na aalisin ko rin mamaya sa trabaho, ipinagbawal kasi sa akin na magsuot ako nito habang nagtatrabaho. Kahit hirap akong umaninag, pinilit ko na lang kaysa wala akong trabaho, hindi ko rin afford sa ngayon ang contact lense. Ang pagiging malabo rin ng mata ko ang isa sa dahilan kung bakit maka-ilang beses na akong nakakabasag o nakakatapon ng pagkain. Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. Panibagong araw, kaya panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ko. Kailangan kong maghanap ng raket sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, sa kangkungan kami pupulutin mag-a-ama. "Ate Peng, aalis na po kami." Paglingon ko ay pumasok sa kwarto kung nasaan ako s

    Huling Na-update : 2021-08-12
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 2.2

    "IBIG MO BANG SABIHIN na magta-trabaho ako bilang secretary niyang—" huminto ako at nag-isip kung nabanggit ba niya ang pangalan ng 'Casanova' na sinasabi niya. Kung nabanggit nga niya, hindi ko maalala. "Ano nga ulit ang pangalan no'n?" tanong ko sa kaniya. "He is Knox Contero, the heir of Contero Corporation. He is now the CEO. He's good, smart and charming. But don't be decieve by his charm," babala niya sa akin, kung magsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ang Knox na iyon. Nakatanaw siya sa malayo habang sumisilay ang ngiti sa kaniyang labi na tila ba may naalala na nagpangiti sa kaniya. Pero bago pa tuluyang lumawak iyon ay sumimangot na siya ulit. "Kung magsalita ka, parang close kayo, ah? Ex-boyfriend mo ba 'yon?" usisa ko. Kung tama ako, maaaring dahilan kaya ginagawa niya ito ay dahil sa galit. Maaaring niloko siya o sinaktan. Kung hindi naman baka isa sa mga kaibigan niya ang sinaktan kaya siya ang naghihiganti. Pero kung ako kasing yaman niy

    Huling Na-update : 2021-08-13
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 3.1

    ALAS-SAIS PA LANG ng umaga ay gising na ako. Naghahanda para sa pagpasok ng mga kapatid ko. Nagluto ako ng almusal na tanghalian na rin ng mga kapatid ko. Magbabaon sila ng Tocino at kanin ngayon dahil medyo nakakaluwag-luwag ako ngayon. Madalas kasi itlog lang. Iba't ibang luto ng itlog. Kahit gusto ko magbaon sila ng masasarap, hindi ko maibigay 'yon sa kanila. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bandang tiyan ko nang maalala na magiging secretary ako. Ang pinapangarap kong trabaho ay sa wakas, makakamtan ko na. Bigla rin naglaho ang kiliti na nararamdam ko at napalitan ng pagkabog ng dibdib ko. Pero kaugnay no'n ang paggawa ko ng bagay na labag sa loob ko. Ano kayang hitsura ng Knox Contero na 'yon? Anong ugali? Parang hindi ko yata kakayanin. Pumikit ako nang mariin. Hindi! Dapat kayanin ko dahil ito na ang pagkakataon ko para magsimula ulit. Para maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Lalong-lalo na si Papa. "Ate! Masusunog na ang To

    Huling Na-update : 2021-08-22
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 3.2

    PAGTAPOS NAMIN KUMAIN ay nilinisan ko na si Papa ng katawan. Pinunasan ko ito at pinagpahinga na sa kwarto niya. Ang mga kapatid ko ay nasa kwarto na rin nagpapahinga. Naghugas muna ako ng pinggan bago naghilamos at pumasok sa kwarto.Nilapitan ko ang isa sa paper bag na naglalaman ng mga damit galing kay Brianna. Ito ang mga outfits na susuotin ko kapag secretary na ako. Kinuha ko ang isang paper bag at inilabas ang laman. Itinapat ko ito sa katawan ko. Nasukat ko na ang lahat ng ito at alam ko na ang dapat magkaka-partner para magandang tignan.Binilinan ako ni Brianna na dapat maganda ako dahil mapili ang CEO. Ibinaba ko ang damit at ibinalik sa loob ng paper bag. Kinuha ko ang maliit na salamin ko at saka pinagmasdan ang mukha. Bago umuwi ay dinala ako ni Brianna sa salon at spa. Sobrang sarap sa feeling. Parang natanggal lahat ng libag ko sa katawan at mukha. Sobrang lambot rin ng buhok ko at napakabango. Hindi lang damit ang binigay ni Brianna sa akin

    Huling Na-update : 2021-08-24
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 4.1

    SABIK NA SABIK akong naglagay ng shampoo sa palad ko na binili ni Brianna para sa sakin. Amoy na amoy ko ang bulaklak na aroma nito. Amoy pa lang, nagkakahalaga na ng limangdaan. Kapag nakaraos ako ay ganito na ang gagamitin namin ng mga kapatid ko. Pero sa ngayon, needs muna bago ang wants. Pangangailangan muna namin ang dapat unahin.Sunod ay ang bodywash. Hanggang sa natapos akong maligo. Sobrang ganda sa pakiramdam. Gamit ang maliit na salamin ko ay tinignan ko ang sarili. Suot ko na ang blouse at skirt. Handa na akong maging secretary. Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang saya."Kalma, self. Kailangan umakto kang professional," ani ko sa sarili. Kailangan interview pa lang galingan ko na. Kailangan ako ang mapili kahit na sabi ni Brianna ay sigurado siyang makukuha ako. Kahit unfair ang ganoon, wala na akong magagawa. Kasama 'yon sa plano."Wow, ate! Ang ganda-ganda mo!" bati ni Potpot sa akin habang pinagmamasdan ako. Nakasuot na sila ng

    Huling Na-update : 2021-08-30

Pinakabagong kabanata

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 1

    Phoebe's POV "SIR, NAGMAMAKAAWA po ako sa inyo! 'Wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi ko po ipagsasabi na may relasyon kayo ni Chef—" natigilan ako sa pagsasalita ko at napapikit sa gulat nang hampasin ni Sir Daniel, boss ko at ang may ari ng restaurant, ang lamesa na namamagitan sa aming dalawa. "Shhh! Iyan na nga ba ang sinasabi ko," bulong niya, iniiwasan na may makarinig ng sinasabi niya. Hinilot niya ang sentido niya at sumandal sa inuupuan, ubos na ubos na ang pasensya sa akin. "Sorry to tell you this, Phoebe. I'm firing you, hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi lang tungkol sa issue ang problema ko sa iyo, sobrang dami mo nang naidulot na aberya dito sa restaurant, hindi ko na hihintayin pang malugi ako nang dahil sa pagiging lampa mo. Pasensyahan tayo." Umiling siya pagkatapos sabihin 'yon. Pinagdikit ko ang mga palad ko, hindi iniinda ang masakit na sinabi niya. "Sir, sige na po! Kailangan ko itong trabaho na ito

DMCA.com Protection Status