Share

CHAPTER 4.1

last update Last Updated: 2021-08-30 16:12:56

SABIK NA SABIK akong naglagay ng shampoo sa palad ko na binili ni Brianna para sa sakin. Amoy na amoy ko ang bulaklak na aroma nito. Amoy pa lang, nagkakahalaga na ng limangdaan. Kapag nakaraos ako ay ganito na ang gagamitin namin ng mga kapatid ko. Pero sa ngayon, needs muna bago ang wants. Pangangailangan muna namin ang dapat unahin.

Sunod ay ang bodywash. Hanggang sa natapos akong maligo. Sobrang ganda sa pakiramdam. Gamit ang maliit na salamin ko ay tinignan ko ang sarili. Suot ko na ang blouse at skirt. Handa na akong maging secretary. Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang saya.

"Kalma, self. Kailangan umakto kang professional," ani ko sa sarili. Kailangan interview pa lang galingan ko na. Kailangan ako ang mapili kahit na sabi ni Brianna ay sigurado siyang makukuha ako. Kahit unfair ang ganoon, wala na akong magagawa. Kasama 'yon sa plano.

"Wow, ate! Ang ganda-ganda mo!" bati ni Potpot sa akin habang pinagmamasdan ako. Nakasuot na sila ng uniporme at paalis na. Kalalabas ko lang mula sa kwarto.

"Dahil diyan, dadagdagan ko ang baon mo." Inabutan ko si Potpot ng isang daang piso. Halos lumuwa ang mata niya. Yumakap siya sa akin habang tumatalon-talon. Mabuti na lang ay marami pang sobra sa bigay ni Brianna sa akin.

"Salamat, ate! Best ate ka po talaga!" bola pa niya sa akin.

"Ganiyan na po ba ang uniporme sa restaurant niyo, ate?" usisa ni Pia habang inaayos ang gamit sa bag. Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya. Tanging si papa lang ang nakakaaalam.

"Umalis na ako doon, lilipat na ako ng trabaho," sabi ko sa kanila. Kumunot ang noo ni Pia, nagtatanong ang mukha niya. "Mag-a-apply ako bilang secretary!" masayang ibinalita ko sa kanila. Nagliwanag ang mukha ng mga kapatid ko, halos patalon silang lumapit at niyakap ako. Alam nilang pangarap ko ito. Masayang-masaya sila para sa akin. Ako rin. Masaya ako, sobrang saya ko.

"Sana makapasa ka, ate!" ani Pia habang naka-angat ang ulo at nakatingin sa akin.

"Ngayon, sigurado na akong papasa ako," kumpiyansa kong sabi. Hindi naman sila nagtanong pa at humiwalay na sa yakap.

"Pia!" tawag ko sa atensyon niya. Inabot ko ang isang daang piso sa kanya, sumilay ang malawak na ngiti sa labi niya. "Mag-ingat kayo, ah," paalala ko sa kanila. Sinagot nila ako ng tango bago kumaway. Hinatid ko sila hanggang pintuan.

Matapos ay nag-ayos na ako ulit. Ikinulot ko ang mahaba at itim na itim kong buhok. Sa una ay hindi ko pa makuha kung paano ba ito, nakailang paso muna ako bago ko nagamay kung paano gamitin ang pangkulot sa buhok.

Nang tignan ko ang sarili ko ay napangiwi ako. Kung hindi lang dahil sa salamin sa mata na suot ko, hindi ko makikilala na sarili ko ang nasa salamin. Sobrang laki ng pinagbago. Nasanay ako na nakapusod. Ngayon ko lang naranasan ang ganito kahanda para sa interview. Kinuha ko ang lipstick na kasama sa binili ni Brianna. Hindi ito nalalayo sa kulay ng labi ko mas mapula lang ng kaunti. Ipinahid ko ito sa labi ko para sa pinaleng itsura ko.

Muli kong tinignan nang maigi ang sarili. Ang ganda ko. Malayo sa Peng na walang ka-ayos-ayos, maputla, nakapusod ang buhok at manang ang mga suotan.

Inayos ko na ang sling bag ko at lumabas ulit ng kwarto. Nilapitan ko si Papa. Sumilay ang maliit na kurba sa labi niya. Kahit nahihirapan siyang ngumiti alam kong masaya siya.

"Papa, tignan mo. Magiging secretary na ang anak mo," sabi ko, pinipigilan ang paggaralgal ng boses ko dahil sa iyak. Umikot ako para ipakita ang damit ko sa kaniya. Humuni siya kaya napangiti ako. Nilapitan ko siya at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Pag-iigihan ko po ang trabaho ko para sa inyo, mapapagamot ko na kayo." Hinagod ko ang buhok ni Papa. Kinagat ko ang labi para pigilan na maiyak, baka mawala ang mga inilagay ko sa mukha, sayang naman.

Umayos ako ng tayo at nagpaalam na. Katulad ng nakagawian, kay tita ko iniwan si Papa. Naglakad na ako papuntang kanto para doon sumakay ng trycicle. Malayo pa man ay nagkukumpulan na ang mga chismosa sa lugar namin. Hindi ko man marinig, alam kong ako ang pinaguusapan nila. Kasama doon ang nanay ni Marco. Napa-iling na lang ako. Hindi talaga sila mabubuhay nang hindi nangingialam ng buhay ng ibang tao. Hindi ko sila pinansin hanggang makalagpas ako ay nakasunod ang mga mapanghusgang mata nila.

"Peng..." Pinilig ko ang ulo ko sa pinaggagalingan ng boses. Papalapit sa akin si Marco, bahagyang nakabuka ang bibig at nanlalaki ang mata. Napapansin ko na lagi siyang nakatambay dito sa kanto. "Peng ikaw ba talaga 'yan? Napakaganda mo," bukambibig niya nang makalapit sa akin. Gamit ang dalawang kamay, sinakop niya ang magkabilang pisngi ko.

"Ano ka ba, baka mabura ang makeup na inilagay ko," reklamo ko at saka hinatak paalis ang kamay niya na nasa mukha ko. Sinimangutan ko ito.

"Sungit mo naman. Saan ka ba pupunta at naka-ayos ka yata?" tanong niya. Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Sinabi ko na sa 'yo, hindi ba? Mag-a-apply nga ako bilang secretary," pag-uulit ko sa sinabi ko noong nakaraan. Tumango naman siya. Hinawakan niya ang buhok ko at pinagmasadan.

"Kailangan nakakulot? Siguro gwapo ang boss mo kaya ka nagpapaganda," hinuha niya. Hinampas ko siya sa balikat.

"Siraulo, hindi ko pa nga nakikita ang boss ko."

"Syempre, naninigurado lang. Dapat ako lang ang pinakagwapo sa mata mo," mayabang na sabi ni Marco. Hinawi pa niya ang buhok gamit ang palad at saka nagpa-cute. Ang yabang talaga.

"Bakit? Sino bang nagsabing gwapo ka?" pagsisinungaling ko. Sa totoo lang, ang hitsura ni Marco ay pwedeng pang-model. Nakulangan lang sa ligo at bahagyang naging brown ang maputi niyang balat dahil sa pagmo-motor. Ayoko lang na purihin siya dahil baka lumaki ang ulo niya at lalong magyabang.

"Talaga? Bakit nagniningning ang mata mo kapag nakikita ako?" nang-aasar na tanong niya. Umakto akong nasusuka. Kapag talaga si Marco ang kasama ko, lumalabas ang sungay ko na pinakatinatago ko.

"Mangdiri ka nga sa sinasabi mo, Marco!" Humakbang na ako paalis. "Mauna na ako, baka mahuli pa ako sa interview," paalam ko.

"Teka lang, ihahatid na kita," habol ni Marco habang binubunot ang susi sa bulsa. Hinarap ko siya at saka pinigilan.

"Magko-commute na lang ako." Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko.

"Sigurado ka ba?" tanong niya. Sinagot ko siya ng tango. Hindi ako komportableng mag-motor ngayon, pakiramdam ko ay masisilipan ako. "Sige, ingat sila sa 'yo. Nangangagat ka pa naman."

Sinamaan ko siya ng tingin. Epal talaga! Inismidan ko siya at saka umalis.

Pagdating sa Contero's Corporation, hindi na maalis ang kaba ko. Nanglalamig ang kamay ko at parang nanghihina ang mga tuhod ko. Ganito lagi ang nararamdaman ko tuwing interview. Naghahanda na ako para sa isasagot ko sa mga tanong tulad ng 'Why should we hire you?'. Pagdating ko sa office ng HR, hinanap ko kaagad ang naka-usap kong manager.

"Umakyat ka sa 45th floor, ang CEO ang mag-i-interview sa 'yo," sabi ng lalaking nakasalamin at sa sobrang nipis ng buhok ay kaya mo nang bilangin. Teka, CEO ang mag-i-interview sa akin? Bakit? Hindi ba trabaho ng HR iyon? Kung sabagay, may mga cases nga pala na CEO mismo ang nag-i-interview.

"S-sige po." Ang kaba ko kanina ay natriple dahil sa sinabi ng manager. Wala na akong nagawa pa kundi ang sundin na lang ang sinabi niya.

Papasara na ang elevator nang habulin ko ito. "Wait lang!" sigaw ko habang nakataas ang kamay. Tunog ng takong na tumatama sa sahig at sigaw ko ang maririnig sa buong pasilyo.

Isang lalaking matangkad, neat looking, naka-suot ng salamin sa mata na akala mo tirik ang araw ang nakasakay sa elevator. Siya lang ang nandoon. Konti na lang ay malapit na ako pero pasara na rin ito. Lumingon ang lalaki kaya sigurado akong nakita niya ako.

Ngumisi siya, hindi ako pinansin hanggang sa tuluyan nang nagsara ang elevator. Ibang klase! Napasinghap ako habang nakatulala sa harap ng elevator.

"Napaka-selfish naman no'n! Akala mo kung sino!" nanggagalaiti kong sabi sa sarili. Siya lang naman ang sakay ng elevator hindi man lang ako hinintay makasakay!

Hinintay ko na lang ang pagbalik ng elevator. Mabuti na lang dahil walang ibang sakay. Sumakay ako at huminto ang elevator sa 45th floor. Bago ako lumabas ay isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Paglabas ko, bumungad ang isang malaking pinto na nag-iisa dito sa buong floor. Lumakad ako ng kaunti, napakatahimik ng buong pasilyo. Inikot ko ang tingin at namataan ang isang space na may lamesa, computer at marami pang iba. Hindi ako pwedeng magkamali, ito na ba ang pwesto ng secretary?

Gamit ang isang kamay ay pinasadahan ko ang lamesa. Ini-imagine ko na ang sarili ko na naka-upo rito habang ginagawa ang trabaho ko. Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan ko. Excited na ako!

Muli kong hinarap ang malaking pinto, huminga ako nang malalim. Kumatok ako ng tatlong beses bago tinulak pabukas ang malaking pinto. Sumilip ako sa loob, nanuot ang malamig at mabangong panlalaking amoy sa ilong ko.

Pumasok ako nang walang ibang tao akong makita. Napansin ko ang magarbong lamesa ng CEO at swivel chair nito. Naalala ko tuloy ang drama ng pag-ikot ng swivel chair habang unti-unting haharap sa iyo tapos nandoon nakaupo ang CEO. Iyon ay isa sa scene na nabasa ko sa libro.

Sakto namang nakatalikod ang swivel chair ng CEO at bahagyang gumagalaw ito. Umayos ako ng tayo at pinagpag ang damit ko, inaalis ang mga lukot at dumi.

"Good morning, Sir," bati ko. Nagulat ako nang biglang may tumayo na babae sa likod ng upuan. Sumunod ang pag-ikot ng upuan paharap sa akin at nakita ko ang lalaking kamukha noong nasa elevator, wala nga lang ang salamin niya. Bakas ang pagkagulat ng babae at hindi ito makatingin sa akin. Pinunasan niya ang labi niya. Habang ang lalaki ay nagbubutones ng suot na pangibaba.

"I'm leaving. Bye babe," malanding paalam ng babae sa lalaking nakaupo. Hahalik pa sana ang babae pero humarang ang kamay ng lalaki kaya hindi niya ito naituloy.

"Just leave," dominanteng tugon niyo. Hindi makapaniwala ang babae bago tuluyan nang umalis.

Nang tumingin sa akin ang CEO ay umiwas ako ng tingin. Nagpanggap ako na parang walang nakita at walang ideya sa ginagawa nilang kababalaghan. Bakit ba lagi na lang may ganito sa lahat ng napupuntahan ko. Bakit hindi nila gawin sa mas pribadong lugar ang pagse-s*x? Hays.

"I've been waiting for you, Phoebe Hermoso," malamig na sabi niya. Kunot-noong ibinalik ko ang tingin sa kaniya.

"Paano niyo po ako nakilala?" naguguluhang tanong ko. May kinuha siyang papel sa lamesa at saka inangat paharap sa akin. Bahagya akong lumapit para mas makita ang nasa papel. Ang resume ko! Kaya pala. Nang alisin niya ang papel na humaharang sa mukha niya para makita ko ay ganoon na lang ang pagkabigla ko nang matandaan ko ang mukha niya.

Itinuro ko siya gamit ang hintuturo at saka napanganga. "Ikaw? Ikaw 'yong lalaki sa parking lot na muntik nang sumagasa sa akin!" napabulalas ko, mabilis na tinakpan ko ang bibig at gusto kong bawiin ang sinabi ko. Hindi talaga ako nag-iisip! Ang t*nga mo Phoebe! Paano ako matatanggap nito sa trabaho!?

Ang lalaki sa parking lot at elevator ay ang CEO ng Contero's Corporation!?

Napapikit ako at napayuko habang ipinagdikit ang mga palad. "Sorry po, sana po bigyan niyo pa rin ako ng chance makapag-apply dito sa kumpanya niyo. Hindi ko po sinasadya na kuwelyuhan kayo—" Napatigil ako nang tumawa siya.

"If I were you, magpapasalamat pa ako. Dahil sa encounter natin, naalala kita. Kaya naman ikaw lang ang tinanggap kong applicant today," sabi niya habang pinaglalaruan sa kamay ang ballpen.

Nag-angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya habang magkasalubong ang mga kilay. Ako lang ang aplikante? Kaya pala walang ibang tao sa labas kundi ako dahil ako lang ang aplikante para sa secretary!

"You are hired," sabi niya pagkatapos ay ngumisi. Napailing-iling ako. Hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Malayo ito sa inaasahan ko. "You may start today," aniya. Gimbal na gimbal na ako sa mga pangyayari ngayon. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Kasama ba ito sa plano ni Brianna?

Ang isipin mo na lang Peng ay tanggap ka na! Trabaho ang ipinunta ko rito kaya doon na lang ako magpo-focus. Nginitian ko ang CEO ng pinakamatamis at totoong ngiti ko. Sobrang saya ko ngayon!

"Thank you so much, Sir!"

Related chapters

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 1

    Phoebe's POV "SIR, NAGMAMAKAAWA po ako sa inyo! 'Wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi ko po ipagsasabi na may relasyon kayo ni Chef—" natigilan ako sa pagsasalita ko at napapikit sa gulat nang hampasin ni Sir Daniel, boss ko at ang may ari ng restaurant, ang lamesa na namamagitan sa aming dalawa. "Shhh! Iyan na nga ba ang sinasabi ko," bulong niya, iniiwasan na may makarinig ng sinasabi niya. Hinilot niya ang sentido niya at sumandal sa inuupuan, ubos na ubos na ang pasensya sa akin. "Sorry to tell you this, Phoebe. I'm firing you, hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi lang tungkol sa issue ang problema ko sa iyo, sobrang dami mo nang naidulot na aberya dito sa restaurant, hindi ko na hihintayin pang malugi ako nang dahil sa pagiging lampa mo. Pasensyahan tayo." Umiling siya pagkatapos sabihin 'yon. Pinagdikit ko ang mga palad ko, hindi iniinda ang masakit na sinabi niya. "Sir, sige na po! Kailangan ko itong trabaho na ito

    Last Updated : 2021-08-12
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 2.1

    IDINAMPI KO SA MUKHA ko ang pulbos na nasa palad ko, naghihingalo na ang laman ng garapon at humihingi na ng kapalit. Kahit pulbo ay hindi ko pa magawang bumili ulit. Humarap ako sa maliit na salamin para siguraduhin na maayos ang pagkakalagay nito sa mukha ko. Isinuot ko ang salamin ko sa mata na aalisin ko rin mamaya sa trabaho, ipinagbawal kasi sa akin na magsuot ako nito habang nagtatrabaho. Kahit hirap akong umaninag, pinilit ko na lang kaysa wala akong trabaho, hindi ko rin afford sa ngayon ang contact lense. Ang pagiging malabo rin ng mata ko ang isa sa dahilan kung bakit maka-ilang beses na akong nakakabasag o nakakatapon ng pagkain. Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. Panibagong araw, kaya panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ko. Kailangan kong maghanap ng raket sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, sa kangkungan kami pupulutin mag-a-ama. "Ate Peng, aalis na po kami." Paglingon ko ay pumasok sa kwarto kung nasaan ako s

    Last Updated : 2021-08-12
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 2.2

    "IBIG MO BANG SABIHIN na magta-trabaho ako bilang secretary niyang—" huminto ako at nag-isip kung nabanggit ba niya ang pangalan ng 'Casanova' na sinasabi niya. Kung nabanggit nga niya, hindi ko maalala. "Ano nga ulit ang pangalan no'n?" tanong ko sa kaniya. "He is Knox Contero, the heir of Contero Corporation. He is now the CEO. He's good, smart and charming. But don't be decieve by his charm," babala niya sa akin, kung magsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ang Knox na iyon. Nakatanaw siya sa malayo habang sumisilay ang ngiti sa kaniyang labi na tila ba may naalala na nagpangiti sa kaniya. Pero bago pa tuluyang lumawak iyon ay sumimangot na siya ulit. "Kung magsalita ka, parang close kayo, ah? Ex-boyfriend mo ba 'yon?" usisa ko. Kung tama ako, maaaring dahilan kaya ginagawa niya ito ay dahil sa galit. Maaaring niloko siya o sinaktan. Kung hindi naman baka isa sa mga kaibigan niya ang sinaktan kaya siya ang naghihiganti. Pero kung ako kasing yaman niy

    Last Updated : 2021-08-13
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 3.1

    ALAS-SAIS PA LANG ng umaga ay gising na ako. Naghahanda para sa pagpasok ng mga kapatid ko. Nagluto ako ng almusal na tanghalian na rin ng mga kapatid ko. Magbabaon sila ng Tocino at kanin ngayon dahil medyo nakakaluwag-luwag ako ngayon. Madalas kasi itlog lang. Iba't ibang luto ng itlog. Kahit gusto ko magbaon sila ng masasarap, hindi ko maibigay 'yon sa kanila. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bandang tiyan ko nang maalala na magiging secretary ako. Ang pinapangarap kong trabaho ay sa wakas, makakamtan ko na. Bigla rin naglaho ang kiliti na nararamdam ko at napalitan ng pagkabog ng dibdib ko. Pero kaugnay no'n ang paggawa ko ng bagay na labag sa loob ko. Ano kayang hitsura ng Knox Contero na 'yon? Anong ugali? Parang hindi ko yata kakayanin. Pumikit ako nang mariin. Hindi! Dapat kayanin ko dahil ito na ang pagkakataon ko para magsimula ulit. Para maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Lalong-lalo na si Papa. "Ate! Masusunog na ang To

    Last Updated : 2021-08-22
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 3.2

    PAGTAPOS NAMIN KUMAIN ay nilinisan ko na si Papa ng katawan. Pinunasan ko ito at pinagpahinga na sa kwarto niya. Ang mga kapatid ko ay nasa kwarto na rin nagpapahinga. Naghugas muna ako ng pinggan bago naghilamos at pumasok sa kwarto.Nilapitan ko ang isa sa paper bag na naglalaman ng mga damit galing kay Brianna. Ito ang mga outfits na susuotin ko kapag secretary na ako. Kinuha ko ang isang paper bag at inilabas ang laman. Itinapat ko ito sa katawan ko. Nasukat ko na ang lahat ng ito at alam ko na ang dapat magkaka-partner para magandang tignan.Binilinan ako ni Brianna na dapat maganda ako dahil mapili ang CEO. Ibinaba ko ang damit at ibinalik sa loob ng paper bag. Kinuha ko ang maliit na salamin ko at saka pinagmasdan ang mukha. Bago umuwi ay dinala ako ni Brianna sa salon at spa. Sobrang sarap sa feeling. Parang natanggal lahat ng libag ko sa katawan at mukha. Sobrang lambot rin ng buhok ko at napakabango. Hindi lang damit ang binigay ni Brianna sa akin

    Last Updated : 2021-08-24

Latest chapter

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 4.1

    SABIK NA SABIK akong naglagay ng shampoo sa palad ko na binili ni Brianna para sa sakin. Amoy na amoy ko ang bulaklak na aroma nito. Amoy pa lang, nagkakahalaga na ng limangdaan. Kapag nakaraos ako ay ganito na ang gagamitin namin ng mga kapatid ko. Pero sa ngayon, needs muna bago ang wants. Pangangailangan muna namin ang dapat unahin.Sunod ay ang bodywash. Hanggang sa natapos akong maligo. Sobrang ganda sa pakiramdam. Gamit ang maliit na salamin ko ay tinignan ko ang sarili. Suot ko na ang blouse at skirt. Handa na akong maging secretary. Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang saya."Kalma, self. Kailangan umakto kang professional," ani ko sa sarili. Kailangan interview pa lang galingan ko na. Kailangan ako ang mapili kahit na sabi ni Brianna ay sigurado siyang makukuha ako. Kahit unfair ang ganoon, wala na akong magagawa. Kasama 'yon sa plano."Wow, ate! Ang ganda-ganda mo!" bati ni Potpot sa akin habang pinagmamasdan ako. Nakasuot na sila ng

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 3.2

    PAGTAPOS NAMIN KUMAIN ay nilinisan ko na si Papa ng katawan. Pinunasan ko ito at pinagpahinga na sa kwarto niya. Ang mga kapatid ko ay nasa kwarto na rin nagpapahinga. Naghugas muna ako ng pinggan bago naghilamos at pumasok sa kwarto.Nilapitan ko ang isa sa paper bag na naglalaman ng mga damit galing kay Brianna. Ito ang mga outfits na susuotin ko kapag secretary na ako. Kinuha ko ang isang paper bag at inilabas ang laman. Itinapat ko ito sa katawan ko. Nasukat ko na ang lahat ng ito at alam ko na ang dapat magkaka-partner para magandang tignan.Binilinan ako ni Brianna na dapat maganda ako dahil mapili ang CEO. Ibinaba ko ang damit at ibinalik sa loob ng paper bag. Kinuha ko ang maliit na salamin ko at saka pinagmasdan ang mukha. Bago umuwi ay dinala ako ni Brianna sa salon at spa. Sobrang sarap sa feeling. Parang natanggal lahat ng libag ko sa katawan at mukha. Sobrang lambot rin ng buhok ko at napakabango. Hindi lang damit ang binigay ni Brianna sa akin

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 3.1

    ALAS-SAIS PA LANG ng umaga ay gising na ako. Naghahanda para sa pagpasok ng mga kapatid ko. Nagluto ako ng almusal na tanghalian na rin ng mga kapatid ko. Magbabaon sila ng Tocino at kanin ngayon dahil medyo nakakaluwag-luwag ako ngayon. Madalas kasi itlog lang. Iba't ibang luto ng itlog. Kahit gusto ko magbaon sila ng masasarap, hindi ko maibigay 'yon sa kanila. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bandang tiyan ko nang maalala na magiging secretary ako. Ang pinapangarap kong trabaho ay sa wakas, makakamtan ko na. Bigla rin naglaho ang kiliti na nararamdam ko at napalitan ng pagkabog ng dibdib ko. Pero kaugnay no'n ang paggawa ko ng bagay na labag sa loob ko. Ano kayang hitsura ng Knox Contero na 'yon? Anong ugali? Parang hindi ko yata kakayanin. Pumikit ako nang mariin. Hindi! Dapat kayanin ko dahil ito na ang pagkakataon ko para magsimula ulit. Para maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Lalong-lalo na si Papa. "Ate! Masusunog na ang To

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 2.2

    "IBIG MO BANG SABIHIN na magta-trabaho ako bilang secretary niyang—" huminto ako at nag-isip kung nabanggit ba niya ang pangalan ng 'Casanova' na sinasabi niya. Kung nabanggit nga niya, hindi ko maalala. "Ano nga ulit ang pangalan no'n?" tanong ko sa kaniya. "He is Knox Contero, the heir of Contero Corporation. He is now the CEO. He's good, smart and charming. But don't be decieve by his charm," babala niya sa akin, kung magsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ang Knox na iyon. Nakatanaw siya sa malayo habang sumisilay ang ngiti sa kaniyang labi na tila ba may naalala na nagpangiti sa kaniya. Pero bago pa tuluyang lumawak iyon ay sumimangot na siya ulit. "Kung magsalita ka, parang close kayo, ah? Ex-boyfriend mo ba 'yon?" usisa ko. Kung tama ako, maaaring dahilan kaya ginagawa niya ito ay dahil sa galit. Maaaring niloko siya o sinaktan. Kung hindi naman baka isa sa mga kaibigan niya ang sinaktan kaya siya ang naghihiganti. Pero kung ako kasing yaman niy

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 2.1

    IDINAMPI KO SA MUKHA ko ang pulbos na nasa palad ko, naghihingalo na ang laman ng garapon at humihingi na ng kapalit. Kahit pulbo ay hindi ko pa magawang bumili ulit. Humarap ako sa maliit na salamin para siguraduhin na maayos ang pagkakalagay nito sa mukha ko. Isinuot ko ang salamin ko sa mata na aalisin ko rin mamaya sa trabaho, ipinagbawal kasi sa akin na magsuot ako nito habang nagtatrabaho. Kahit hirap akong umaninag, pinilit ko na lang kaysa wala akong trabaho, hindi ko rin afford sa ngayon ang contact lense. Ang pagiging malabo rin ng mata ko ang isa sa dahilan kung bakit maka-ilang beses na akong nakakabasag o nakakatapon ng pagkain. Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. Panibagong araw, kaya panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ko. Kailangan kong maghanap ng raket sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, sa kangkungan kami pupulutin mag-a-ama. "Ate Peng, aalis na po kami." Paglingon ko ay pumasok sa kwarto kung nasaan ako s

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 1

    Phoebe's POV "SIR, NAGMAMAKAAWA po ako sa inyo! 'Wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi ko po ipagsasabi na may relasyon kayo ni Chef—" natigilan ako sa pagsasalita ko at napapikit sa gulat nang hampasin ni Sir Daniel, boss ko at ang may ari ng restaurant, ang lamesa na namamagitan sa aming dalawa. "Shhh! Iyan na nga ba ang sinasabi ko," bulong niya, iniiwasan na may makarinig ng sinasabi niya. Hinilot niya ang sentido niya at sumandal sa inuupuan, ubos na ubos na ang pasensya sa akin. "Sorry to tell you this, Phoebe. I'm firing you, hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi lang tungkol sa issue ang problema ko sa iyo, sobrang dami mo nang naidulot na aberya dito sa restaurant, hindi ko na hihintayin pang malugi ako nang dahil sa pagiging lampa mo. Pasensyahan tayo." Umiling siya pagkatapos sabihin 'yon. Pinagdikit ko ang mga palad ko, hindi iniinda ang masakit na sinabi niya. "Sir, sige na po! Kailangan ko itong trabaho na ito

DMCA.com Protection Status