Share

CHAPTER 2.2

last update Huling Na-update: 2021-08-13 08:44:48

"IBIG MO BANG SABIHIN na magta-trabaho ako bilang secretary niyang—" huminto ako at nag-isip kung nabanggit ba niya ang pangalan ng 'Casanova' na sinasabi niya. Kung nabanggit nga niya, hindi ko maalala. "Ano nga ulit ang pangalan no'n?" tanong ko sa kaniya.

"He is Knox Contero, the heir of Contero Corporation. He is now the CEO. He's good, smart and charming. But don't be decieve by his charm," babala niya sa akin, kung magsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ang Knox na iyon. Nakatanaw siya sa malayo habang sumisilay ang ngiti sa kaniyang labi na tila ba may naalala na nagpangiti sa kaniya. Pero bago pa tuluyang lumawak iyon ay sumimangot na siya ulit.

"Kung magsalita ka, parang close kayo, ah? Ex-boyfriend mo ba 'yon?" usisa ko. Kung tama ako, maaaring dahilan kaya ginagawa niya ito ay dahil sa galit. Maaaring niloko siya o sinaktan. Kung hindi naman baka isa sa mga kaibigan niya ang sinaktan kaya siya ang naghihiganti. Pero kung ako kasing yaman niya? Hindi ko pag-aaksayahan ng oras 'yan. Marami namang lalaki diyan, mas gwapo, mabait, matalino o kung ano pa ang type mo sa isang lalaki. Napakaraming choices.

"Anyway, I'm Brianna," pakilala niya, hindi pinansin ang tanong ko. "Brianna Decker. And you?" Iminuwestra niya ang kamay niya sa akin para makipagkamay.

Napaawang ang bibig ko, pangalan pa lang halatang mayaman na. Pero halata naman dahil tindig pa lang niya ay parang nagkakahalaga na ng isang milyong piso. Idagdag pa itong magarang sasakyan niya na halos katumbas na yata ng pambili ng house and lot. Ang halaga naman yata ng damit niya ay katumbas ng panggastos namin sa anim na buwan.

Malugod at may malawak na ngiti kong tinanggap ang kamay niya. "Ako si Phoebe Hermosa, pero pwede mo naman akong tawaging, Peng. Nakatira ako sa San Roque—"

"I'm not asking for further information, pangalan mo lang," masungit niyang sabi sa akin. Pumikit siya nang mariin at saka bumuga ng hangin. "And yes. He's going to be your boss," sagot niya sa tanong ko kanina. Napaka-short-tempered naman ni Brianna. Natatakot tuloy ako na maging kaaway siya.

Bumaba ang tingin niya sa kamay namin na magkahawak. Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Does this mean that you're accepting my offer?"

Napaisip ako. Wala na akong trabaho dahil sa babaeng ito. Pero siya rin ang magiging dahilan kaya magkakatrabaho ulit ako. Kung hindi ako gagawa ng aksyon ngayon, bukas ay sa bangketa kami matutulog. Simple lang naman ang gagawin ko, hindi naman siguro makakabawas sa dignidad ko. Isa pa, ito na ang pagkakataon ko para i-showcase ang galing ko sa pagiging secretary. Kapag pinakawalan ko pa itong oportunidad na ito, hindi ako sigurado kung kailan ulit may magbubukas.

Kaya ko ito, at kakayanin ko para sa pamilya ko. Pagkakataon ko na ito para mabigyan sila ng maayos na buhay.

Tinanguhan ko siya bilang pagsang-ayon sa plano na gusto niya. Wala ng atrasan ito!

"Good," maikli at malamig na tugon niya.

"I've been waiting for this chance, and I've been waiting for you. Ang kagaya mo ang kailangan ko para ma-execute ang plano ko." Naguluhan ako sa sinabi niya kaya tinanong ko kung anong ibig niyang sabihin na hinihintay niya ako. "Hindi ko alam kung destined na magkita tayo or this is all plain coincident. You are exactly what I need, who has other priority than boys."

Tumaas ang magkabilang kilay ko dahil sa sinabi niya. Medyo na-flutter ako doon, ah!

"Wait, paano naman tayo nakakasigurado na matatanggap ako bilang secretary niya at magiging boss ko siya?" Ngumisi siya kaya kinabahan ako. Medyo misteryoso ang dating nitong babae na 'to. Parang marami siyang itinatagong sikreto.

"Everything is perfectly planned, Phoebe," sagot niya na para bang magko-commit kami ng isang malagim na krimen. "Just sit back and chill. Everything is under control, ako ang bahala sa iyo," siguradong sagot niya. Prenteng sumandal siya habang hindi inaalis ang ngisi sa mga labi. Napatingin ako sa oras sa relo ko. Kailangan ko nang umuwi!

"Brianna, kailangan ko ng umuwi, hinihintay na ako ng mga kapatid at tatay ko," paalam ko sa kaniya. Gamit ang hintuturo ay inayos ko ang salamin ko sa mata. Pagkatapos ay hinawakan ko na ang bukasan ng pinto ng kotse.

"Oh, okay. But wait..." Napahinto naman ako sa pagbubukas ng pinto ng kotse niya. Kinunutan ko siya ng noo at binuka ang bibig na parang sinasabi ang salitang 'Ha?'.

"Ihahatid na kita, so I know where I can find you. Since we need to meet tomorrow, you'll need to sign a contract and I'll tell you something tomorrow." Nagdududa ba siya na baka hindi ko siya siputin? Dapat nga ako pa ang dapat matakot, gustong-gusto ko kaya ang position na gusto niyang apply-an ko. Hindi ko na papalampasin ito!

Muntik ko nang makalimutan, wala pa akong hawak na pera ngayon. Sisingilin na naman ako ng nanay ni Marco. O ang mas malala pa ay paalisin niya na kami ng tuluyan.

"'Wag kang mag-alala, hindi kita tatakasan, kailangan ko lang talagang humanap ng raket ngayon. Baka wala na kaming bahay bukas," nangangamba kong tugon sa kaniya. Hanggang ngayon ito pa rin ang problema ko.

"Hindi pa ba raket ang tawag mo sa negotiaton natin na ito?" sarkastikong tanong naman niya, kulang na lang ay sapakin na niya ako dahil sa pag-ubos ko ng pasensya niya.

"Ay, oo nga 'no. Hehe," sabi ko habang kumakamot sa noo. Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Pinanood ko si Brianna habang may dinudukot sa mamahalin niyang bag. Inilabas niya ang isang wallet at kumuha ng pera.

"Here, is ten thousand enough for you?" tanong niya, inabot sa akin ang mga asul na papel, mga lilibuhin. Nagningning at halos lumuwa ang mga mata ko. Grabe! Seryoso ba siya? Sobra-sobra naman yata 'yon. Hindi ko kinuha ang lahat ng 'yon at kumuha lang ng tatlong libo.

"Ito, ayos na siguro ito sa ngayon, baka nga sobra pa." Itinaas ko ang hawak kong pera. Kinuha niya naman ang kamay ko at saka inilagay doon ang natira pang pitong libo.

"Naku! Sobra na 'yan." Pilit kong ibinabalik sa kaniya ang pera. Sinamaan niya ako ng tingin kaya hindi ko na ipinilit pa.

"Okay na 'yan, paunang bayad ko na 'yan sa 'yo. Give me your number so I can contact you tomorrow. Be ready at exactly eight in the morning, or else..." paalala niya. Tumigil ang paghinga ko nang sabihin niya ang 'or else'.

"I'll deduct your salary," pagtutuloy niya sa sinabi niya. Umiling-iling ako para siguruhin siya na hindi ako male-late. Sayang naman 'yon.

"Good, tomorrow, I'll discuss everything about the plan."

Hinatid ako ni Brianna hanggang sa amin. Pag-uwi ko ay bigla akong nakaramdam ng kaba habang pinagmamasdan ang sampung libong piso na hawak ko. Tinanggap ko na ang pera kaya wala nang atrasan ito. Kailangan kong gawin ito para sa pamilya ko.

Knox's POV

We gasped as our lips parted after a wild kiss. We just finish making out in my car with the girl I met in the night club. Ganito lang lagi ang routine ko. Work. Go at a night club. Hook up some woman. Fuck their brain out. And the best part is disposing them. Leave them.

I don't take serious relationship. Hindi na ako makakapag-enjoy kung may girlfriend akong laging nakabantay sa lahat ng kilos ko. I hate that. I hate someone clinging around with me, even my secretary. I'd rather play with different girls every night, get fire and enjoy. I'm thrilled doing this everytime.

"Bukas ulit, babe? You're so f*ckin hot, I want to do this again with you," said the woman beside me after pulling her skirt down then start clinging on my neck while I'm getting dress. Kapag nailabas ko na ang dapat kong ilabas, kusa na akong nawawalan ng gana sa kanila. I can change woman every night without using much effort anyway. Sila pa nga ang lumalapit sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakapulupot niya sa leeg ko. Tsk.

"Sorry, I don't eat the same dish again." Nalukot ang mukha niya, I forgot her name but anyway, I don't give a f*ck. Namumula at nag-aapoy ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi niya ako maaapektuhan sa mga ganyan. Galit na galit niya akong pinaghahampas at pinagmumura.

Sa tagal ko nang ganito, pwede na akong tawaging expert. May mas malala pa nga sa hampas at sabunot na natanggap ko sa mga babae pagkatapos ko silang iwan. Ang isa ay tinutukan ako ng baril, but I was sorry for her, I'm trained with self-defense. I'm wealthy, hindi na bago ang may magtangka na kidnap-in ako para manghingi ng ransom. Kaya bata pa lang, sinanay na kami ng iba't ibang self-defense, hindi lang ang pagpapatakbo ng kumpanya.

Napahinto kami nang mag-ring ang phone ko. Sa pag-aakalang ang tatay ko 'yon, sinuway ko ang katabi kong babae.

"Don't say anything, Marina. You'll be dead." At last, I remember her name. Kumunot ang noo niya nang sabihin ko 'yon. Aba! Umaangal pa siya?

"I'm not Marina! I'm Maurine, f*cking idiot!" she shouted at me. I just shrugged. Gwapo lang ako pero hindi ako magaling sa mga pangalan.

Sumunod naman siya pero nanggagalaiti pa rin ang mukha. Humalukipkip siya sa isang tabi at nanahimik.

Napangiwi ako nang makitang ang secretary ko ang tumatawag. Bakit ba ang kulit-kulit ng babaeng ito? Napagbigyan lang ng isang gabi hindi na ako tinantanan.

"What?" malamig kong tanong sa kaniya, to let her know that I'm not interested talking to her.

"I miss you..." malambing na sabi niya. I rolled my eyes. Kinilabutan ako dahil sa sinabi niya.

"We're not done yet, Knox!" Marina— Maxine— Argh! Maurine butted in. Ano bang problema ng mga babae na 'to? Kulang ba sila sa pansin?

"Who is that!? Don't tell me you f*cked with other woman again!?" My secretary angrily shouted.

"Stop acting like a girlfriend, Luna." I stopped her. I heard her cuss but I don't mind.

"I'm not Luna. It's Lani," she corrected me.

"Tapos ka na? I'll hang up the call," walang gana kong sabi sa kaniya.

"Napakasama mo talaga, Knox! This is so annoying! I really hate you! I'm resigning now and you'll never see me again!" I almost laughed. Anong akala niya pipigilan ko siya? Kahit tumalon pa siya bangin, hindi ko siya pipigilan. Manigas siya!

"Pfft! Then, do it!" I don't care kung hindi ko na siya makita ulit. Mas mainam kung ganoon. As of now, siya ang pinaka nakakasakal. Pare-parehas lang naman silang 'for fuck only'. Tsk.

As I ended the call my forehead furrowed. The girl beside me is grinning, like she accomplished something. I shrugged. Nababaliw lang siguro siya.

"I'm going home so would you mind getting out of my car?" I politely asked her. Mas kinilabutan ako nang hindi mawala ang ngisi niya. She's looking ate me with her face delighted.

"I don't mind," she answered, like she's satisfied. I motioned her to go out. She's getting creepy.

Next day, I woke up early as if nothing happened. I'm used to it. Sanay na akong mang-iwan ng mga babae pagkatapos makuha ang gusto ko. Sanay na akong iwan at itapon na lang sila. Para lang silang damit kung magpalit ako.

Kinuha ko ang phone ko sa isang sulok ng bathroom ko. I called someone. Mabuti at sinagot rin kaagad dahil kung hindi, he's fired by now.

"Maghanap ka na ng bagong secretary ko, ASAP," I told him without hesitant. I want her to realize, she's not a loss. I wonder who's going to be my next secretary.

Kaugnay na kabanata

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 3.1

    ALAS-SAIS PA LANG ng umaga ay gising na ako. Naghahanda para sa pagpasok ng mga kapatid ko. Nagluto ako ng almusal na tanghalian na rin ng mga kapatid ko. Magbabaon sila ng Tocino at kanin ngayon dahil medyo nakakaluwag-luwag ako ngayon. Madalas kasi itlog lang. Iba't ibang luto ng itlog. Kahit gusto ko magbaon sila ng masasarap, hindi ko maibigay 'yon sa kanila. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bandang tiyan ko nang maalala na magiging secretary ako. Ang pinapangarap kong trabaho ay sa wakas, makakamtan ko na. Bigla rin naglaho ang kiliti na nararamdam ko at napalitan ng pagkabog ng dibdib ko. Pero kaugnay no'n ang paggawa ko ng bagay na labag sa loob ko. Ano kayang hitsura ng Knox Contero na 'yon? Anong ugali? Parang hindi ko yata kakayanin. Pumikit ako nang mariin. Hindi! Dapat kayanin ko dahil ito na ang pagkakataon ko para magsimula ulit. Para maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Lalong-lalo na si Papa. "Ate! Masusunog na ang To

    Huling Na-update : 2021-08-22
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 3.2

    PAGTAPOS NAMIN KUMAIN ay nilinisan ko na si Papa ng katawan. Pinunasan ko ito at pinagpahinga na sa kwarto niya. Ang mga kapatid ko ay nasa kwarto na rin nagpapahinga. Naghugas muna ako ng pinggan bago naghilamos at pumasok sa kwarto.Nilapitan ko ang isa sa paper bag na naglalaman ng mga damit galing kay Brianna. Ito ang mga outfits na susuotin ko kapag secretary na ako. Kinuha ko ang isang paper bag at inilabas ang laman. Itinapat ko ito sa katawan ko. Nasukat ko na ang lahat ng ito at alam ko na ang dapat magkaka-partner para magandang tignan.Binilinan ako ni Brianna na dapat maganda ako dahil mapili ang CEO. Ibinaba ko ang damit at ibinalik sa loob ng paper bag. Kinuha ko ang maliit na salamin ko at saka pinagmasdan ang mukha. Bago umuwi ay dinala ako ni Brianna sa salon at spa. Sobrang sarap sa feeling. Parang natanggal lahat ng libag ko sa katawan at mukha. Sobrang lambot rin ng buhok ko at napakabango. Hindi lang damit ang binigay ni Brianna sa akin

    Huling Na-update : 2021-08-24
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 4.1

    SABIK NA SABIK akong naglagay ng shampoo sa palad ko na binili ni Brianna para sa sakin. Amoy na amoy ko ang bulaklak na aroma nito. Amoy pa lang, nagkakahalaga na ng limangdaan. Kapag nakaraos ako ay ganito na ang gagamitin namin ng mga kapatid ko. Pero sa ngayon, needs muna bago ang wants. Pangangailangan muna namin ang dapat unahin.Sunod ay ang bodywash. Hanggang sa natapos akong maligo. Sobrang ganda sa pakiramdam. Gamit ang maliit na salamin ko ay tinignan ko ang sarili. Suot ko na ang blouse at skirt. Handa na akong maging secretary. Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang saya."Kalma, self. Kailangan umakto kang professional," ani ko sa sarili. Kailangan interview pa lang galingan ko na. Kailangan ako ang mapili kahit na sabi ni Brianna ay sigurado siyang makukuha ako. Kahit unfair ang ganoon, wala na akong magagawa. Kasama 'yon sa plano."Wow, ate! Ang ganda-ganda mo!" bati ni Potpot sa akin habang pinagmamasdan ako. Nakasuot na sila ng

    Huling Na-update : 2021-08-30
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 1

    Phoebe's POV "SIR, NAGMAMAKAAWA po ako sa inyo! 'Wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi ko po ipagsasabi na may relasyon kayo ni Chef—" natigilan ako sa pagsasalita ko at napapikit sa gulat nang hampasin ni Sir Daniel, boss ko at ang may ari ng restaurant, ang lamesa na namamagitan sa aming dalawa. "Shhh! Iyan na nga ba ang sinasabi ko," bulong niya, iniiwasan na may makarinig ng sinasabi niya. Hinilot niya ang sentido niya at sumandal sa inuupuan, ubos na ubos na ang pasensya sa akin. "Sorry to tell you this, Phoebe. I'm firing you, hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi lang tungkol sa issue ang problema ko sa iyo, sobrang dami mo nang naidulot na aberya dito sa restaurant, hindi ko na hihintayin pang malugi ako nang dahil sa pagiging lampa mo. Pasensyahan tayo." Umiling siya pagkatapos sabihin 'yon. Pinagdikit ko ang mga palad ko, hindi iniinda ang masakit na sinabi niya. "Sir, sige na po! Kailangan ko itong trabaho na ito

    Huling Na-update : 2021-08-12
  • Casanova's Obsession   CHAPTER 2.1

    IDINAMPI KO SA MUKHA ko ang pulbos na nasa palad ko, naghihingalo na ang laman ng garapon at humihingi na ng kapalit. Kahit pulbo ay hindi ko pa magawang bumili ulit. Humarap ako sa maliit na salamin para siguraduhin na maayos ang pagkakalagay nito sa mukha ko. Isinuot ko ang salamin ko sa mata na aalisin ko rin mamaya sa trabaho, ipinagbawal kasi sa akin na magsuot ako nito habang nagtatrabaho. Kahit hirap akong umaninag, pinilit ko na lang kaysa wala akong trabaho, hindi ko rin afford sa ngayon ang contact lense. Ang pagiging malabo rin ng mata ko ang isa sa dahilan kung bakit maka-ilang beses na akong nakakabasag o nakakatapon ng pagkain. Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. Panibagong araw, kaya panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ko. Kailangan kong maghanap ng raket sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, sa kangkungan kami pupulutin mag-a-ama. "Ate Peng, aalis na po kami." Paglingon ko ay pumasok sa kwarto kung nasaan ako s

    Huling Na-update : 2021-08-12

Pinakabagong kabanata

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 2.2

    "IBIG MO BANG SABIHIN na magta-trabaho ako bilang secretary niyang—" huminto ako at nag-isip kung nabanggit ba niya ang pangalan ng 'Casanova' na sinasabi niya. Kung nabanggit nga niya, hindi ko maalala. "Ano nga ulit ang pangalan no'n?" tanong ko sa kaniya. "He is Knox Contero, the heir of Contero Corporation. He is now the CEO. He's good, smart and charming. But don't be decieve by his charm," babala niya sa akin, kung magsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ang Knox na iyon. Nakatanaw siya sa malayo habang sumisilay ang ngiti sa kaniyang labi na tila ba may naalala na nagpangiti sa kaniya. Pero bago pa tuluyang lumawak iyon ay sumimangot na siya ulit. "Kung magsalita ka, parang close kayo, ah? Ex-boyfriend mo ba 'yon?" usisa ko. Kung tama ako, maaaring dahilan kaya ginagawa niya ito ay dahil sa galit. Maaaring niloko siya o sinaktan. Kung hindi naman baka isa sa mga kaibigan niya ang sinaktan kaya siya ang naghihiganti. Pero kung ako kasing yaman niy

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 2.1

    IDINAMPI KO SA MUKHA ko ang pulbos na nasa palad ko, naghihingalo na ang laman ng garapon at humihingi na ng kapalit. Kahit pulbo ay hindi ko pa magawang bumili ulit. Humarap ako sa maliit na salamin para siguraduhin na maayos ang pagkakalagay nito sa mukha ko. Isinuot ko ang salamin ko sa mata na aalisin ko rin mamaya sa trabaho, ipinagbawal kasi sa akin na magsuot ako nito habang nagtatrabaho. Kahit hirap akong umaninag, pinilit ko na lang kaysa wala akong trabaho, hindi ko rin afford sa ngayon ang contact lense. Ang pagiging malabo rin ng mata ko ang isa sa dahilan kung bakit maka-ilang beses na akong nakakabasag o nakakatapon ng pagkain. Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. Panibagong araw, kaya panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ko. Kailangan kong maghanap ng raket sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, sa kangkungan kami pupulutin mag-a-ama. "Ate Peng, aalis na po kami." Paglingon ko ay pumasok sa kwarto kung nasaan ako s

  • Casanova's Obsession   CHAPTER 1

    Phoebe's POV "SIR, NAGMAMAKAAWA po ako sa inyo! 'Wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi ko po ipagsasabi na may relasyon kayo ni Chef—" natigilan ako sa pagsasalita ko at napapikit sa gulat nang hampasin ni Sir Daniel, boss ko at ang may ari ng restaurant, ang lamesa na namamagitan sa aming dalawa. "Shhh! Iyan na nga ba ang sinasabi ko," bulong niya, iniiwasan na may makarinig ng sinasabi niya. Hinilot niya ang sentido niya at sumandal sa inuupuan, ubos na ubos na ang pasensya sa akin. "Sorry to tell you this, Phoebe. I'm firing you, hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi lang tungkol sa issue ang problema ko sa iyo, sobrang dami mo nang naidulot na aberya dito sa restaurant, hindi ko na hihintayin pang malugi ako nang dahil sa pagiging lampa mo. Pasensyahan tayo." Umiling siya pagkatapos sabihin 'yon. Pinagdikit ko ang mga palad ko, hindi iniinda ang masakit na sinabi niya. "Sir, sige na po! Kailangan ko itong trabaho na ito

DMCA.com Protection Status