Captive by Lust Lover

Captive by Lust Lover

last updateLast Updated : 2025-02-11
By:  Naked EyeOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
173Chapters
24.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Tungkol sa isang mayaman at maimpluwensyang lalaki na na-inlove sa isang lady stripper. Si Mariel ay isang stripper sa gabi nilang kaniyng partime at full time job niya ang maging housekeeping sa hotel sa umaga. Nag do-double job siya para matulungan niya ang nanay niyang may sakit. Malaki ang kaniyang medical bills kaya niya naisipang mamasukan bilang lady stripper. Mas mabilis ang pera , mas madali siyang makakaipon para sa pagpapagamot ng kaniyang ina. Babayaran ni Jacob ang kaniyang puri sa halagang 5million. Pumayag siya alang alang sa kapakanan ng kaniyang ina. Dahil sa pagkahiya niya ay tumayo kagad siya papunta sa banyo. Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Jacob sa kaniyang likuran. Anong mangyayari kung malalaman ni Marielle na ang taojg kaniyang sinipa ang pagkalalaki ay siya pang may ari ng kaniyang pinagtatrabahuhan. Pano niya matatakasan si Jacob?!

View More

Chapter 1

Kabanata 001

PROLONGUE:

“Bring her to my hotel room. Ito ang address,” madiin na sabi ni Jacob kay Steven, iniabot ang isang piraso ng papel na may nakasulat na address. “7pm Sharp. Ayokong naghihintay. Kilala mo ako Steven, i always get what I want” Ang kaniyang boses ay malamig at puno ng awtoridad, isang boses na hindi sanay tumanggi sa kaniyang kausap.

Hindi mapakali si Steven, kitang-kita ang kaba sa kanyang mukha, alam niyang isang maling sagot na kaniyang sasabihin ay maari siyang mapahamak. “Aah, sir Jacob. pasensya na po, pero hindi po talaga pumapayag si Marielle na lumabas , isa po ito sa kasunduan namin. Baguhan pa kasi si Marielle at parte lang po siya ng show, hindi siya sumasama sa mga guests,” sagot niya, halos humihina na ang boses sa takot.

“Wala akong pakialam,” malamig na tugon ni Jacob, “Gawan mo ng paraan. Kung ayaw mong mawala ang negosyo mo. Alam mo na ang pwedeng mangyari sa bar mo kung hindi ko makukuha ang babaeng yan ngayong gabi"

Napalunok si Steven at wala na siyang nagawa kundi tumango. “Sige, sir… susubukan ko.”

Nagningning ang mga mata ni Jacob habang pinagmamasdan si Marielle, na parang isang mabangis na hayop na inaalam ang kanyang biktima. Walang ibang babae ang makahihigit sa kanyang alindog. Si Marielle lang ang nakakuha ng kanyang buong atensyon, ang mapang-akit na sayaw nito sa entablado habang kumikislap ang kanyang maiksing pulang damit. Kasabay ng pagpatay sindi ng ilaw ang pagkinang ni Marielle ng gabing iyon. Sa bawat pag-lamlam ng ilaw , ang kaniyang katawan ang nagmimistulang liwanag sa buong paligid, Malandi niyang sinasayawan ang poste sa gitna ng entablado. Bawat galaw ng kaniyang katawan ay nang-aakit sa paningin ni Jacob.

Ngunit sa kabila ng kaniyang ningning, alam ni Marielle ang katotohanan sa likod ng kaniyang mga ngiti at bawat galaw. Ang kaniyang mga mata, bagama't tinatago ng maskara, nagkukubli ang malaking sakripisyo at pighati ng isang anak sa kaniyang ina. Ang kaniyang buhay sa gabi ay punong puno ng kasinungalingan.

Hindi pa man nakakaalis si Steven ay sinenyasan na niya ang isang babae para lapitan si Jacob, sinayawan niya ito ng mapang akit at sinubukang makuha ang kaniyang atensyon. Pero tinabig lang ito ni Jacob ng walang pag-aalinlangan.

"What are you doing Steven?!, sinabi ko sayong ang babaeng iyon ang gusto ko at wala ng iba". Tila tigreng sabi ni Jacob.

"Oo Sir pupuntahan ko na si Marielle, patapos na din namana ng show niya" tarantang sagot ni Steven ang bar owner na pinagtatrabahahuhan ni Marielle sa kaniyang night duty. Matapos nga ang prod ni Marielle ay nagmamadali siyang pumunta sa dressing room nito. Habang naglalakad sa hallway ay panay ang bulong ni Steven sa sarili “hayyyy ! Bakit ba kasi sa kinadami dami ng babae dito sa kasa si Marielle pa nagustuhan nitong si Jacob” bugnot niyang sabi sa sarili.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Steven bago pumasok siya pumasok sa loob ng dressing room ni Marielle, isinarado niya ang pinto. Nakaupo naman si Marielle sa harap ng salamin, tinanggal na ang kanyang maskara at wig, gayundin ang makapal na make up na ngtatago sa natural niyang ganda . Tinititigan siya ng malamlam na mga mata nito.

“Anong kailangan mo, Steven?” tanong ni Marielle, bahagyang napapakunot ang noo,. Sa buong gabi, siya ang naging sentro ng atensyon. Ang misteryosong babaeng nasa ilalim ng makislap na mga ilaw, ngunit ngayon, alam niyang may seryosong pakay ang kaniyang boss.

“Marielle…” huminga nang malalim si Steven, pilit na tinagago ang kaba sa kanyang boses. “May guest tayong VIP, at gusto kang makasama nang pribado, kahit isang gabi lang.” umaasang sasang ayon si Marielle sa kaniya

Bahagyang napaurong si Marielle, halatang nagulat sa sinabi niya. “Ano? Sinabi ko na sa’yo, Steven, na hindi ako ganung klaseng babae. Hindi ako sasama sa mga ganung deal, kasama to sa kasunduan natin wag mo naman sanang kalimutan.” madiing sagot niya.

“Alam ko, Marielle, pero…” Napatitig si Steven sa sahig, pakiramdam niya ay wala siyang ibang magawa. “Handa siyang magbayad ng limang milyon. Isang gabi lang. At kung tatanggihan natin siya… ipapasara niya ang bar. Alam kong seryoso siya. “

Natigilan si Marielle. Ramdam niya ang galit at pagkasuklam sa loob, pero kasabay nito ang bigat ng sitwasyong inilagay siya ni Steven. “So, gusto mo akong isakripisyo para sa negosyo mo?” mariing tanong niya, ang bawat salita ay puno ng hinanakit.

“Hindi ganun, Marielle, pero wala akong ibang magawa. Kung hindi natin ito gagawin, mawawala ang lahat. Isa pa isipin mo na lang ang tungkol sa pangangailangan mo para sa pagpapagamot mo sa nanay mo. “ pangungunsensya niyang sabi.

Matagal na nanatiling tahimik si Marielle,. Sa bawat segundo na lumilipas, ramdam ni Steven ang tumitinding tensyon. Sa kabila ng lahat, alam niyang kahit anong sabihin niya, napakalaking bagay ang hinihingi niya kay Marielle.

“Isang gabi lang,” halos bulong na sabi ni Steven, hindi maipinta ang mukha sa kaba. “Pangako, hindi na mauulit.” Tahimik pa rin si Marielle sa kaniyang pagkakaupo. “Marielle, ito na ang pagkakataon mo . Isipin mo sa isang gabi magkaka limang milyon ka. Kahit saan ay hindi mo ito makukuha. Malaki ang matutulong ng perang ito para sa medical bills ng nanay mo. Lunukin mo na lang ang pride mo. Alam ko namang hindi mo gustong gawin ito pero isipin mo para sa kapakanan ng nanay mo." mararamdaman sa boses ni Steven ang pagmamakaawa, bawat salita niya ay tumatagos kay Marielle. Nag-iisip kung ano ba ang tama niyang gawin.

"Sh*t wala na ba talagang ibang paraan para matustusan ko ang pangangailangan ng nanay ko. Noong una , pumasok ako bilang stripper dito sa Kasa ngayon naman ibebenta ko ang sarili ko?" Halos madurog ang puso ni Marielle. Napalunok siya, pilit na kinakalma ang sarili, ngunit dama niya ang lalim ng pagkasuklam sa kanyang sitwasyon. Nakatitig siya sa kanyang repleksyon, hawak ang maskara at wig. Ang proteksyon niyang nagtatago sa kanyang tunay na pagkatao.

"isipin mo blessing in discguise na din ito para sayo.Diba kailangan ng operahan ang nanay mo sa lalong madaling panahon?" may pangungunsensyang sabi ni Steven.

“Sige…” sagot niya, halos pabulong, at dama ang bigat ng kanyang salita. “‘Pero, Steven, ito na ang una’t huling beses na gagawin ko to.”

“Alam ko, Marielle. Pangako ito na ang huling beses, wala na itong magiging kasunod ” sagot ni Steven, bahagyang napayuko, parang nakalunok ng tinik sa bawat salitang kanyang sinabi.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Roxxy Nakpil
More update po ms. A
2025-01-28 01:31:58
0
173 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status