Chapter: Kabanata 074Napangiti si Evony, mukhang gumaan ang pakiramdam niya. "Salamat, Jacob. Ayoko lang na ma-misinterpret." Habang kumakain kami, bumalik ang natural na kulitan. Pero sa kabila ng mga ngiti, naramdaman kong mas maingat na si Evony. At si Jacob, bagamat nakangiti, parang may hinahanap na hindi niya masabi. Pagkaalis ni Evony, napabuntong-hininga si Jacob habang nakaupo sa sofa. "Okay naman siya," sabi niya, pero parang nag-iisip. "Bakit? Ano'ng iniisip mo?" tanong ko, naupo sa tabi niya. "Wala naman," sagot niya, tumingin sa akin. "Pero sana nga, tuluyan nang maayos ang lahat. Ayoko lang na magkaroon ng problema. "Promise, wala nang magiging problema," sagot ko saka ko siya niyakap. Pero sa loob ko, hindi ko maiwasang magtanong. Totoo na ba talagang maayos ang lahat? O may mga bagay pa ring nananatiling nakatago? Kinabukasan abala na naman sa trabaho buong araw. Walang kalagyan ang pagod ko ngayong mga panahon na to. Ang daming meetings at mga pinapagawa ng aming mga boss. Ma
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: Kabanata 073MARIELLE POV “Girl nasa gate na ko!” Sabi ni Evony ng sagutin ko ang tawag mula sa kaniya. “Sige pasok ka na binuksan ko na yan.” Sagot ko naman sa kaniya. Maikling kamustahan lang kami at dumiretso na kami kaagad sa aming hapag. Nauna na samin si Jacob doon. Habang kumakain kami, biglang nagtanong si Evony ng diretsahan. "Jacob, if you dont mind may ex ka ba na taga Makati ?” Napatingin si Jacob sa kanya, mukhang nagulat sa tanong. "Oo, pero matagal na 'yun. Bakit mo naman natanong?" “Wala lang," sagot ni Evony, ngumiti nang bahagya. "Gusto ko lang malaman kung naalala mo pa yung nakaraan mo! Para kasing napaka perfect mo batay sa kwento sakin ni Marielle" Napatingin ako kay Evony, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit parang ang lalim ng interes niya kay Jacob? Tama nga ba ang hinala sa kaniya ng asawa ko? "Evony," sabat ko, pilit na tinatawag ang tensyon, "it was all in the past kaya hindi ko na dapat balikan." Sagot ni Jacob “isa pa sa tagal na nun hindi
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: Kabanata 072Bago pa man ako makapagpatuloy ng pag-iisip, naramdaman kong may mga mata sa aking likuran. Tumigil ako sandali at muling tinanaw si Marielle. Hinahanap ko ang mga mata niya, ngunit nakayuko siya, tila abala sa pagkain. Tinutok ko ang aking pansin kay Harry. “Babalik na ako. Huwag mong pabayaan ’yan, ha?” mahigpit kong sinabi, sabay patay ng telepono. Habang papalapit ako kay Marielle, napansin ko ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya. May kabuntot na katanungan sa mga mata niya, at bago ko pa man matanong, nagsalita siya. “Jacob, may nangyayari ba na hindi ko alam?” Dahil sa tanong niyang iyon, sumagi sa isip ko ang mga bagay na hindi ko pa kayang isiwalat. Iba ang nararamdaman ko kay Evony; ayokong madamay si Marielle sa anumang kaguluhan na dadating sa buhay ko. “Wala naman love , tungkol lang sa pinag utos ko kay Harry. Hindi pa rin kasi nila makuha kuha ang dapat nilang gawin sa isang project namin kaya tumawag ulit siya.” Pagsisinungaling kong sabi kay Marielle. Ayoko
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: Kabanata 071MARIELLE POV At the office Hindi ko mapigilang mapansin ang pagiging mausisa ni Evony tungkol kay Jacob. Sa tuwing magkasama kami sa opisina, laging napupunta ang usapan sa kanya kahit na malayo ang nasimulan naming topic. “Marielle, curious lang ako girl. Paano kayo nagkakilala ni Jacob?" tanong niya isang hapon habang nasa pantry kami. “Actually matatawa ka kung saan kami nagsimula. Diba nga yung rumors about sa pagiging stripper ko ?! Totoo naman yun. At hindi ko yun kinakahiya. Pero hindi ako yung tipong bayarang babae. Entertainer lang ako. Dun kami unang nagkita ni Jacob sa bar na pinagtatrabahuhan ko.," sagot ko sa kaniya. Naging sariwa sa aking isip ang mga kaganapan sa unang pagkikita namin ni Jacob. Naalala ko sa isip ko ang unang maglapiat ang mga labi. Bahagya akong kinilig kaya napangiti ako kay Evony "actually hindi kami talaga nag click kagad sa isa’t isa. Hindi ko talaga siya gusto hanggang sa dumating ang panahon parang bigla na lang akong nahulog sa kaniya.
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: Kabanata 070Kinabukasan Pagpasok ko sa opisina, agad akong sinalubong ni Evony. Masaya siyang nakangiti at seryoso, halatang may gusto siyang sabihin. "Marielle, salamat kagabi, ha. Kahit ayaw ko talaga noong una, naging okay naman," sabi niya sa akin, pero parang may iba sa tono niya. "Of course! Alam kong mag-eenjoy ka. Si Jacob nga, natuwa rin na makilala ka," sagot ko, pero ramdam kong parang may bigat ang usapan. Ngumiti siya nang bahagya pero hindi sumagot agad. "Alam mo, Marielle, may gusto lang sana akong itanong sa'yo. Huwag kang magalit, ha?" "Oo naman, ano 'yun?" sagot ko, bahagyang kinakabahan. Nagbuntong-hininga siya bago magsalita. "Sigurado ka bang okay si Jacob para sa'yo? Alam mo na... parang hindi ko lang siya narraamdaman na genuine." Parang tinamaan ako ng kung ano sa sinabi niya. "Evony, seryoso ka ba? Si Jacob ang pinaka-supportive na tao sa buhay ko. Bakit mo naman nasabi 'yan?" "Pasensya na," sabi niya, medyo tumingin sa malayo. "Pero noong gabing 'yun, par
Huling Na-update: 2024-12-10
Chapter: Kabanata 069Kinabukasan pagpasok ko sa opisina ay agad kong nilapitan si Evony sa kaniyang desk. "Good morning Evony, may sasabihin sana ako," bungad ko sa kaniya, kinakabahan ako pero excited din at the same time. "hindi ka ba busy?" "Hindi naman, bakit Marielle?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo, pero bakas ang interes sa kanyang mukha. "Gusto sana kitang imbitahan na mag dinner sa bahay," sagot ko sa kaniya. "Para sana magpasalamat sa lahat ng tulong mo sa akin. “ Napataas ang kilay niya. "Ha? Bakit? Hindi na kailangan, Marielle. Natural lang 'yun bilang kaibigan mo. Hindi naman big deal sakin yun! I just help because you needed help” sabi pa niya sakin "Hindi, seryoso ako," pagpupumilit ko sa kaniya “Gusto ko talagang magpasalamat nang maayos. Tsaka, gusto ko ring magkakilala kayo ni Jacob." "Si Jacob?" tanong niya, mukhang nag-aalangan. "Hindi kaya awkward 'yan? Marielle, promise hindi na kailangan. Okay na ako kahit wala ng ganyan. Saka nakakahiya naman sa asawa
Huling Na-update: 2024-12-10
Great Revenge of the Lady CEO
Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo.
Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
Basahin
Chapter: Kabanata 033Kinabukasan matapos ang mapait na sinapit ko kagabi sa mapang husgang mga mata at pananalita ni Lincon ay pumasok pa rin ako sa opisina kahit na gulong gulo ang utak ko. Hindi ko pwedeng baliwalain ang trabaho ng dahil sa mga ginawa nila sa akin. Bahala na kung anong inabot kong pasa sa braso ng dahil sa ngyari kahapon, hindi ko din alam kung saan ko nakuha iyon. Masakit pa rin ang ulo ko hanggang ngayon , hindi ko alam kung kakayanin ko bang harapin ang lahat. Sa totoo lang mahal na mahal ko si Lincon pero hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko. Sinubukan ko na ding umalis ng kompanya pero namutawi ang awa ko sa mga tauhan ko. Habang nagmumuni muni pa rin ako sa kaganapan kagabi ay nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ng opisina ko, bumungad si Lincon—mabilis at puno ng galit ang mga hakbang niya. Hinagis niya ang annulment papers sa lamesa ko. Ang tunog ng pagbagsak ng mga papel ay parang hampas ng kidlat sa katahimikan ng silid. “ANO ’TO, TIFFANY?!” sigaw niya, halos pumutok a
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: Kabanata 032Hindi pa ako nakakaalis nang biglang nag-iba ang ekspresyon ni Jillian. Kanina, nakangiti siya, puno ng panunukso at kayabangan. Pero ngayon, bigla siyang humikbi, halos parang nasasaktan, at nagsimulang magpahid ng pisngi na parang may luha sa mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagbago ang kaniyang awra. Napataas ang kilay ko sa biglang pagbabago ng itsura niya. “Ano na namang drama ’to, Jillian?” tanong ko, halatang may inis sa boses ko. Hindi siya sumagot. Bigla na lang niyang hinubad ang jacket niya at inilabas ang braso. Nagulat ako ng magsimula siyang kalmutin ang sarili niya dahilan para magkaruon siya ng maraming kalmot. “Anong ginagawa mo?!” sigaw ko, nagulat ako sa kanyang kilos kaya lumapit ako sa kaniya para pahinahunin sana siya. Pero Nagpatuloy siya sa pagkakalmut sa sarili, sabay umarte na parang may tumulak sa kanya. Bumagsak siya sa sahig, hawak-hawak ang tiyan niya, at nagsimulang umiyak nang malakas. “Lincon! Please ahhhhhh ang sakit….Lincon tulu
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: Kabanata 031TIFFANY POV Halos hindi ko na kaya ang bigat ng lahat. Ang mga issue tungkol sa amin ni Markus, ang mga kasinungalingang kumakalat—lahat ito ay unti-unting sumisira sa pagkatao ko. Sobrang stress na stress na ako. May mga panahong dinudugo na din ako sa sobrang depression. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya shinare ko na kay Bernadette ang tungkol sa totoong sitwasyon ko. Pero magpa-hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung pano ko sasabihin kay Lincon ang tungkol sa pagbubuntis ko lalo pa ngayon na ang daming balitang nagli-link sa akin at kay Markus. Pero mas masakit ang katotohanang pati ang sarili kong asawa ay tila hindi na ako paniwalaan sa lahat ng sinasabi ko. Naiinis ako. Mahal ko si Lincon, pero hindi ko nararamdaman na ganun din siya sa akin. “Ate okay ka lang ba?” Tanong ni Bernadette sa akin “Okay lang ako. Pero kailangan kong harapin ang problema sa harapan ko. Alam ko naman. Mali din akong binigay konang 100% na pagmamahal ko para kay Lincon.” Napasubsob
Huling Na-update: 2024-12-10
Chapter: Kabanata 030JILLIAN POVNagising ako nang maramdaman ang paggalaw ni Lincon sa tabi ko. Alam kong oras na. Sa sandaling makita niya ang sitwasyon namin, magbabago ang lahat.Pagdilat niya, parang nawala ang kulay sa mukha niya. Halata ang pagkagulat habang dahan-dahan niyang tinaas ang kumot na tumatakip sa amin. Napatayo siya agad, na parang nakita niya ang isang bagay na hindi niya maintindihan. "Jillian!" halos pasigaw niyang sabi. "Anong... anong ginawa mo dito?!" Nagkunwari akong inosente, sinabayan ng malanding ngiti. "Ginawa ko? Lincon, hindi ko kasalanan na nangyari ito. Alam mo kung gaano ka naging wild kagabi."Umiling siya, nagmamadaling kunin ang mga damit niya. "Hindi! Hindi ito nangyari! Hindi ko ginusto 'to!"Tumawa ako, mahinang tumitig sa kanya. "Talaga? Gusto mo bang ipaalala ko kung paano mo hinubaran ang bawat saplot ko kagabi? Kung paano mo ako hinila papalapit sa'yo?""Jillian, tigilan mo 'yan!" galit niyang sigaw. "Lasing ako! Hindi ko alam kung paano nangyari 'to
Huling Na-update: 2024-12-08
Chapter: Kabanata 029Kinabukasan ay hindi na ako nag aksaya ng oras. Umuwi ako sa bahay namin para sabihin kay Lincon ang magandang balitang ito tanggapin man niya o hindi ay alam kong kaya kong buhayin ang anak ko. Hawak ko pa rin ang pregnancy test sa bulsa ng coat ko habang tumatapak ako sa bawat baitang ng hagdanan papasok sa bahay namin. Ang dibdib ko ay punong-puno ng kaba at takot, pero pilit kong pinapalakas ang loob ko. Kailangan ko itong sabihin kay Lincon, kahit na sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin nitong mga nakaraang linggo.Pagbukas ko ng pinto ay nakakabinging katahimikan ng bahay ang sumalubong sa akin. Ang ilaw mula sa kwarto namin sa itaas ang tanging liwanag sa paligid. Ang katahimikan na dati’y nagpapakalma sa akin, ngayon ay parang isang babala. Akala ko magiging maayos ang gabing ito. Pero nagmali ako.Habang paakyat, naririnig ko ang mahina at pamilyar na boses ng isang babae mula sa loob ng kwarto namin. Tumigil ako at pilit iniintindi kung tama ba ang naririnig ko. Hindi p
Huling Na-update: 2024-12-07
Chapter: Kabanata 028TIFFANY POV Tahimik ang bahay nila Mama , ilang araw na din akong hindi umuuwi sa bahay namin ni Lincon. Dahil ayoko, hindi pa ako handa. Hindi ko matanggap na hanggang ngayon si Jillian pa rin ang pina-prioritize niya. Naririnig ko ang mga tunog ng kutsara mula sa kusina dahil abala si Mama sa paghuhugas ng mga pinggan samantalang si Bernadette ay, nasa sala, abala sa panonood ng TV. Pero ako? Tahimik sa labas ng balkon pero parang may kung anong sumasabog sa loob ko. Ayokong maging dagdag pa ako ng isipin ni Mama.Ilang araw na akong hindi mapalagay. Ang pakiramdam na parang may mali, pero ayaw kong aminin sa sarili ko kung ano iyon. Alam kong mahal ko si Lincon pero alam ko din na hindi ganun ang nararamdaman niya sa akin.Napakagat-labi ako habang dahan dahan akong umakyat sa aking kwarto. Malamig ang hangin sa loob, pero pakiramdam ko, pinapawisan ang mga kamay ko. May isang bagay akong gustong gawin pero natatakot kasi ako. Mula ng huling pagtatalik namin ni Lincon ay hindi p
Huling Na-update: 2024-12-06