Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
view moreIlang oras ang nakalipas at nagising na lang ako na nakakulong na ako sa isang silid. Maayos ang silid na iyon pero hindi ko alam kung saan iyon nakalagay. Saplo saplo ko ang aking ulo. Sumakit ito siguro dala ng tapang ng gamot na pinaamoy sa akin. Inalala ko ang lahat ng nangyari sa akin. Galit na galit ako ng maisip kong trinaydor ako ni Master. Pinagkatiwalaan ko ito akala ko ay maayos na ang lahat sa pagitan naming dalawa. Nagmamadali akong tumayo sa kama kung saan nila ako dinala. Lumapit ako sa pintuan. Humihiyaw ako ng malakas na malakas. “Buksan niyo ang pinto! Naririnig niyo ba ko buksan niyo ito sabi.” Pinaghahahampas ko ang pintuan. Ng wala akong marinig na response mula sa labas ay naghanap ako ng kahit na anong bagay na matigas para ipampukpok sa pintuan. Nakita ko ang upuan sa gilid ng closet ng silid na iyon. Ihinampas ko iyon sa pintuan ng silid na yun sa aking pagka-sorpresa ay hindi ito nasira. Sobrang tibay nito. Pinagsususntok ko ito hanggang sa umawas ang dugo s
SA ORAS NG KASAL BAGO MAGPUNTA NG SIMBAHAN SI THEO THEO POV Ito na ata ang pinaka masayang araw sa aking buhay. Sa wakas sa hinaba haba ng panahon ngayon ay makakasama ko na rin araw araw ang taong mahal ko . Habang nakatingin ako sa aking sarili sa salamin ay napapaisip ako. Anong maganda ba ang nagawa ko sa aking buhay at ibinigay niya si Karen sa akin. Isang babaeng pinuno ng kahulugan ang magulo kong buhay nuon. Magmula ng makilala ko si Karen ay sigurado na akong wala akong ibang makasama sa aking buhay kung hindi siya lang. “Hoooo!” Malakas na pagbuga ko ng hininga para mabawasan ang kaba na nararamdaman ko. Nagulat naman ako sa biglang pagpasok sa aking silid ni Michael. Dumiretso ito sa CR kung san ako nakatingin sa aking sarili. “You look great bro congratulations” aniya nito sakin. Tinapik pa niya ang aking balikat at nagsabay na kaming lumabas. Dumaan din sa bahay sila Mae kasama si John . Sila ang mga pinsan kong kasabayan ko sa paglaki. Lahat ng pagkadapa at pagkapana
MICHAEL POVILANG ORAS MATAPOS ANG PAGKAWALA NI THEOHindi ko inaasahan na ganito kabigat ang ginawa ni Master. Ngayon, hindi ko mapigilan ang konsensyang bumabagabag sa akin. Hindi ko alam na ganito kalala ang tunay niyang plano. Nagulat na lang ako nang magkagulo sa simbahan, at hanggang ngayon, wala akong ideya kung saan niya dinala si Theo.Bago pa man ang kasal, sinuhulan ako ni Master. Ang utos niya? Itago ang ireregalo ni Theo para kay Karen upang mapilitan itong bumalik sa bahay nang mag-isa. Hindi ko man lang naisip noon kung ano ang maaaring kahinatnan nito. Wala siyang binanggit tungkol sa mga susunod nilang hakbang—basta gawin ko lang ang ipinapagawa niya, at bilang kapalit, ibibigay niya sa akin ang pangarap kong bahay sa America.Sa totoo lang, may inggit din akong naramdaman kay Theo. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya. Samantalang kami, walang karapatang kumontra kay Master. Pero si Theo? Sa kabila ng pagsuway niya, binigyan pa rin siya ng napakagandang regalo—isang re
AT LAUDE’s MANSIONMAE POVAgad na nagpatawag ng pagpupulong si Tito Philip matapos ang kaguluhang nangyari sa simbahan dahil sa biglaang pagkawala ni Theo sa mismong araw ng kanyang kasal. Pagkatapos mula sa simbahan, dumiretso kaming lahat sa mansyon.Galit na galit siya at hindi matanggap na basta na lang nawala si Theo nang walang dahilan. Lahat kami ay saksi kung gaano kamahal ni Theo si Karen. Hindi siya natakot mawalan ng mana, anuman ang gawin ni Master upang pigilan siya. Hindi siya nagdalawang-isip na ipaglaban ang kanyang desisyon at talikuran ang lahat para kay Karen. Pero dahil sa paborito siya ni Master, hindi nito itinuloy ang bantang pagtatakwil sa kanya. Kitang-kita namin kung paano niya ipinaglaban ang kanilang kasal, kaya't lalo kaming nagtataka kung bakit hindi siya sumipot—lalo pa at kasama pa namin siya sa bahay niya noong umaga bago ang kaniyang kasal.Alam naming handa na siya. Kung alam lang namin na ganito ang mangyayari, sana ay pinilit namin siyang sumabay
“Mom, Dad… humihingi po ako ng tawad sa ginawa kong eskandalo. Alam ko, nasaktan ko kayo, pero sana maintindihan niyo. Arthur, salamat sa pagiging protector ko, at Jennifer, salamat sa pagmamahal mo. Pero Dad, may hiling po ako… sana po, payagan niyo akong lumabas ng bansa. Hindi ko po nakakalimutan ang mga obligasyon ko dito, pero kailangan ko lang ng oras… oras para maghilom, para magpahinga sa madilim na kabanatang ito ng buhay ko. Please, Mommy, Daddy, payagan niyo po ako.”Ramdam ko ang bigat ng bawat salita. Hindi ko na kayang ipaliwanag ang sakit na nagmumula sa bawat letra, pero kailangan nilang malaman kung gaano ako nasaktan at kung gaano ko pinahahalagahan ang pamilya ko.Malalim na bumuntong hininga si Daddy bago ito nagsalita. "Karen anak , makinig ka kay Daddy. Kung ano mang ngyari ngyaong araw. Tandaan mo wala kang kasalanan dito. At hindi ka nagdala ng kahihiyan sa amin anak. Tandaan mo na si Mommy at Daddy ay palaging proud sayo dahil sa lahat ng ginagawa mo ay alam
Bawat salita niya ay parang dagok sa aking puso. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—galit, kalungkutan, pagkabigo—lahat ng emosyon ay nagsanib at naging isang matinding pighati. Nagsimula akong maghisterikal, hindi ko kayang itago ang sakit. “HINDI MOMMY! TATAWAGAN KO SI THEO! HINDI KAYANG GAWIN SAKIN ’TO NI THEO!” umiiyak kong sigaw, ipinipilit na tawagan siya ngunit walang sumasagot. Ang bawat pag-ring ng phone ko ay parang sakit na higit pang lumalala.Pagsapit ko sa kanyang bahay, ako’y nahulog sa pagkabigla at pagkagalit. Pinilit ko ibagsak ang lahat ng aking nararamdaman. Bakit ganito ang nangyari? Sinadya ba talaga ni Theo na hindi dumating sa kasal? Ang tanong na iyon ay paulit-ulit sa aking isipan habang nililibot ko ang mga pader ng kanyang bahay, ang mga gamit na walang kalat, ang katahimikan na nagsisilibing isang sagot na ayokong tanggapin.Tumakbo akong bumalik sa bahay ko, puno ng galit at sakit, at doon ko iniimpake ang mga gamit ko. Isang tanong lamang ang buma
LINCON POVNag-aalab ang aking puso, hindi ko kayang itago ang kaba. Lahat ng ito, batay sa mga nangyayari ngayon, tila naglalakad ako patungo sa isang napakalaking pagkatalo—isang puso na muling mababali. Hindi ko kayang tiisin ang sakit na dulot nito sa anak ko. Nagmadali akong lumapit kay Philip at hindi ko na kayang itago ang matinding galit ko dahil sa sitwasyon.“Philip, anong nangyayari? Bakit hanggang ngayon, wala pa rin si Theo?! Nagmessage na si Karen kay Tiffany, papunta na siya dito!” sigaw ko, ang boses ko puno ng iritasyon at pag-aalala.“Hindi ko rin alam, kumpadre,” sagot ni Philip, ang boses niya ay puno ng pagkalito, “Sabi ng mga bata, bago sila umalis sa bahay ni Theo, nakahanda na siya. Pinauna lang sila, at pasunod na sana. Alam mo naman kung gaano kamahal ni Theo ang anak ninyo. Kung anuman ang nasa isip mo, hindi ‘yun magagawa ni Theo kay Karen.”Tumayo akong matigas sa harap ni Philip, mga ilang minuto ng matinding pag-iisip. Ang mga pinsan ni Theo, aligaga, a
KAREN POVTHE DAY AFTER THE PROPOSALMaaga akong nagising dahil nais kong tulungan ang mga farmers na maghanda ng almusal. Hindi lang kasi ang pamilya namin ang bisita kundi pati mga kaibigan namin ni Theo na nakidalo sa mahalagang event na ito sa aming buhay.Lingid sa aking kaalaman na kumalat na pala sa online ang proposal ni Theo sa akin. Kaya naman ang daming messages ang natanggap ko mula sa aming mga kaibigan at kamag anak. Isa isa ko silang pinasalamatan ang iba nga ay tumatawag pa sa akin at kinakausap ko habang nagluluto kami. Matapos ang aming pakay ay agad na kaming bumalik sa Pilipinas para paghadaan ang nalalapit na kasal namin ni Theo. Naisipan naming gawin na namin ito sa lalong madaling panahon. Nais naming within 6months ay mairaos na namin ang aming kasal. Ayaw na din ni Theo patagalin na maging legal ang aming pagsasama.Masaya kaming nagsalo salo sa huling araw namin sa Indonesia. Natapos na din naming i check ang mga produktong ipapadala sa Europe . Nagpaalam n
THEO POVNang matapos ang kasiyahan ay nag kanya-kanya na kaming tungo sa aming mga silid. Sanay kami ni Karen na magkatabing matulog pero itong gabing ito ay may kakaibang kilig ang hatid sakin dahil sa ginawa kong proposal. Nauna akong matapos kay Karen maligo . Sinadya ko ito para sa nais kong ihanda. Sinilip ko pa ito sa CR at siniguradong hindi pa ito tapos maligo saka ko hinanda ang aming kama. Nilagyan ko ito ng red rose petals at sa gitna nito ay pinuwesto ko ang regalong hinanda ko para sa kanya . Alam kong gustong gusto ni Karen ang Rolex Lady-Datejust 26 (69178) 18k yellow gold watch. Lagi ko itong nakikitang tumitingin online tungkol sa relong ito. Kaya lamang ay lagi siyang nanghihinayang sa pagbili nito para sa kaniyang sarili dahil mas pinipili niyang ibigay as donation sa mga orphanage ang kaniyang pera. May mga regular itong charity na tinutulungan. Palagi kasi niyang naalala ang ngyari sa kaniya noon 20 years ago ng iwanan siya ng kaniyang tunay na ina sa isang ka
TIFFANY CHUA; "Tiffany , come to my office now!" ma awtoridad na utos sa akin ni Mr.Moore ang aking boss na madalas pinagtitimpian ko na lang dahil sa kaialangan kong makapag ipon para mabawi ko ang aking kapatid at nanay. Walang lingon lingon ay dumiretso siya sa pagpunta sa loob ng kaniyang opisina. Nagkatinginan kaming dalawa ni Estella. "Sige na girl mamaya mo na balikan tong kinakain mo mukhang mainit na naman ang ulo ng amo mo. Mabulyawan ka pa niyan" pagtataboy sa akin ng aking kaibigan. Halos magkandarapa-rapa na ako sa pag sa pagmamadali sa pagpunta sa kaniyang opisina. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kaniyang opisina. Nagulat ako sa paglipad ng kaniyang mga gamit na muntik ng tumama sa mukha ko. Kung hindi ako nakaiwas ay paniguradong malaking bukol ang inabot ko. "bwisit talaga tong lalaking to, idadamay na naman ako sa init ng ulo niya. Pinagmadali-madali akong pumunta dito sa opisina niya hindi pa pala tapos makipagtalo sa kausap niya." naghihimutok kong sabi...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments