Share

Great Revenge of the Lady CEO
Great Revenge of the Lady CEO
Author: Naked Eye

Kabanata 001

TIFFANY CHUA;

"Tiffany , come to my office now!" ma awtoridad na utos sa akin ni Mr.Moore ang aking boss na madalas pinagtitimpian ko na lang dahil sa kaialangan kong makapag ipon para mabawi ko ang aking kapatid at nanay. Walang lingon lingon ay dumiretso siya sa pagpunta sa loob ng kaniyang opisina.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Estella. "Sige na girl mamaya mo na balikan tong kinakain mo mukhang mainit na naman ang ulo ng amo mo. Mabulyawan ka pa niyan" pagtataboy sa akin ng aking kaibigan. Halos magkandarapa-rapa na ako sa pag sa pagmamadali sa pagpunta sa kaniyang opisina.

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kaniyang opisina. Nagulat ako sa paglipad ng kaniyang mga gamit na muntik ng tumama sa mukha ko. Kung hindi ako nakaiwas ay paniguradong malaking bukol ang inabot ko. "bwisit talaga tong lalaking to, idadamay na naman ako sa init ng ulo niya. Pinagmadali-madali akong pumunta dito sa opisina niya hindi pa pala tapos makipagtalo sa kausap niya." naghihimutok kong sabi, dahan-dahan akong naglakad paatras at akmang lalabas na ng silid ng bigla niya akong tawagin.

"san ka pupunta?!" sigaw niya sa akin. "stay"

Napalunok ako at pilit na nag-ipon ng lakas ng loob bago magsalita. "okay Mr. Moore, ito na po nag-stay na. Ano pong urgent na ipapagawa ninyo?" magalang kong tanong sa kaniya pero sa kabila ng aking isip ay inis na inis na ako. 

"Tommorrow at 3pm be at the Municipal Hall, use white dress. anything basta puti." sabi niya sa akin, nag-aalangan man pero nilakasan ko ang loob ko. 

"Pero Mr. Moore off po ako bukas." sabi ko sa kaniya na halos hindi na marinig sa hina ng aking boses.

"Cancel your off, i will pay you double tommorrow. Ilagay mo iyan sa calendar mo. Understand?!" istrikto niyang sabi na nakakunot pa rin ang noo hanggang ngayon. 

"ok sir noted po. Pero Mr. Moor ano pong gagawin sa munispyo? may kailangan po ba kayong documents? ako na lang po kukuha para hindi na kayo maabala." pagpapalusot ko dahil ayaw na ayaw ko talagang nakakasama siya. 

"We are getting Married tomorrow, ikaw na ang magiging legal na Mrs. Moore starting tomorrow!" casual niyang sabi sa akin. 

"ok sir Noted!" parang hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi. "Teka what Mr. Moore? magpapakasal tayo bukas?"

"Yes! wala ng maraming tanong sundin mo ang pinag-uutos ko." sabi niya sa akin.

“Pero, Mr.Moore hindi ganuon basta-basta ang inuutos niyo. Kasal ito. Hindi ba dapat may dahilan? Isa pa hindi na ito parte ng trabaho ko SIR! ,” sabi ko, hindi alintana ang pagkalito at kaba sa boses ko.

Tumayo siya mula sa kanyang desk at lumapit sa akin, seryoso niya akong tinignan. “I don’t need you to understand everything right now, Tiffany. Just trust me. This arrangement will be beneficial for both of us.”

“Beneficial? Mr.Moore, ang kasal ay hindi basta arrangement lang! Alam mo ba kung ano ang pinapasok mo?” tanong ko, naguguluhan. Alam kong may respeto ako sa kanya bilang boss, pero hindi ko maisip na darating kami sa puntong ganito.

“Huwag mo nang masyadong isipin. I already made the decision,” sagot niya, nananatiling kalmado at seryoso. “Besides,” aniya, bahagyang bumaba ang boses niya, “I don’t want anyone else to this , ikaw lang naisip kong hindi magkakainteres sa akin at hindi mag-ta-take advantage sa ginawa kong kasunduan.  I will pay you 20 million as a compensation sa 3 years contract na magpapanggap ka bilang asawa ko.”

Natigilan ako. “Pero… paano na ang personal kong buhay? Pamilya? Mga plano ko? Ayokong basta basta na lang ibigay ang pagkababae ko kahit kanino”

Huminga siya ng malalim, tila inip na sa mga tanong ko. “After tomorrow, you’ll be part of my family. At lahat ng pangangailangan mo, ako ang bahala. Tiffany, stop overthinking this. Hindi kita pipilitin sa mga dapat mong gawin para sa akin pero bilang asawa  ko ay may mga pangangailangan ako minsan na kailangan ko”

“Mr. Moore....,” bulong ko, halos hindi alam kung ano pa ang sasabihin.

Hinawakan niya ang balikat ko, at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang isang tila mas malambot na ekspresyon sa kanyang mukha. “I know this is sudden, pero alam kong kaya mo. Be my wife, Tiffany. Tomorrow at 3 PM. Alam kong kailangan mo ng pera para mabawi mo ang kapatid mong babae at nanay mo. " nagulat ako sa kaniyang sinabi pano niyang nalaman ang tungkol doon, napatitig lang ako sa kanya, naguguluhan at walang masabi.

Habang nakatayo ako sa tapat ng pintuan ng opisina niya, parang biglang bumagsak ang buong mundo ko. Tatlong taon bilang asawa niya? Kapalit ng kalayaan ng kapatid ko mula sa mapang-abusong buhay namin?

“Tiffany,” malamig niyang ulit, tila ba nagdududa sa kakayahan kong tumupad sa usapan. “Huwag ka ng magdalawang isip dahil lahat ay naka set na. Ikaw na lang ang kailangang lumutang bukas sa munisipyo."

Napalunok ako, pilit kinakalma ang sariling lumalaban. “Paano kung ayoko, Mr. Moore? Hindi ba’t masyadong… mali ang hinihingi mo?”

Napangisi siya, ngunit ang mga mata niya ay matalim, puno ng determinasyon. “Kapag tumanggi ka, siguraduhin mo na kakayanin mong bumangon sa hirap. Because trust me, Tiffany, I can make your life even worse. Ako ang may kontrol dito, sa lahat ng kailangan mo. Don’t you want to save your sister and mother from that hell?”

Napahigpit ang hawak ko sa aking palda. Alam kong tama siya; wala akong laban sa impluwensya niya. Kung hindi ko gagawin ito, paano ko haharapin ang mga pangarap ko para sa kapatid at ina ko? Pero ang ideya ng kasal nang walang pagmamahal, nang walang kahit konting kalayaan…

“Three years. Three years lang,” ulit niya, boses niya ay nag-uumapaw sa awtoridad. “After that, tapos na ang lahat. At hindi lang iyon, Tiffany, during the period ng ating kasunduan I will make you the CEO of Moore Corporation. Ibinibigay ko na sa iyo ang lahat ng gusto mo. Just showed up tomorrow and all of this will be yours”

Hindi ko na nagawang magsalita, nanlumo ako sa harap ng kalupitan at tila walang puso kong amo. Ginamit niya ang kahinaan ko para pumayag sa kaniyang kagustuhan. Tanging paghihimutok na lang sa aking puso ang aking naiisip.

“So by tomorrow at 3 PM, we’re getting married, whether you’re ready or not. Now, go home and pack your things.” Wala na siyang sinabi pa, binalik niya ang kaniyang tuon sa kaniyang ginagawa at walang pakielam kung sumang ayon ako o hindi.

Paglabas ko ng opisina, parang may mabigat na pako sa dibdib ko, ngunit hindi ko na iyon kayang alisin. Parang wala ako sa sarili habang kinukuha ang mga gamit ko. Pakiramdam ko, biglang bumagsak ang lahat ng inaasahan ko. Ano ba ang napasok ko? Paano ako napunta sa sitwasyong ito?

Nang makalabas ako sa opisina, nakita ko si Estella, nakatingin sa akin ng nagtataka.

“Girl, okay ka lang ba? Anong nangyari? Bakit parang lutang ka?” tanong niya, halatang may pag-aalala sa boses niya.

Hindi ko alam kung paano sasabihin. Napakagat ako sa labi, pilit kong tinatago ang takot sa mga mata ko. “Estella… hindi ko alam paano sasabihin sa’yo. Si Mr. Moore… si Lincon… gusto niya akong pakasalan,” mahina kong sabi, halos pabulong.

Nanlaki ang mga mata niya, halatang gulat na gulat. “Ano? Girl, anong ibig mong sabihin? Pakasalan ka? Biglaan?”

Tumango ako, ramdam ang bigat ng bawat salita. “Gusto niyang pakasalan ako… bukas, sa opisina ng mayor. Sabi niya, tatlong taon lang daw, tapos mawawala na ang kasal. Pero kailangan ko siyang sundin. Siya lang ang makakatulong para makuha ko ang kapatid ko mula sa tatay ko.”

Nagulat si Estella, pero biglang lumambot ang tingin niya. “Girl… alam kong mahirap ‘yan, pero sigurado ka ba? Gusto mo bang gawin ‘yan? Tatlong taon kasama si Mr. Moore…”

Hindi ko alam ang isasagot. Pakiramdam ko ay nasa isang bangungot ako na hindi ko magising. “Wala na akong ibang choice, Estella,” mahina kong sagot. “Ayokong pagdaanan ni Bernadette ang pinagdaanan ko. Kung ito ang paraan para mailigtas ko siya at si Mama, kahit mahirap, gagawin ko.”

Hinawakan ni Estella ang kamay ko at tumitig sa akin, puno ng pang-unawa at suporta. “Kung ‘yan ang desisyon mo, andito lang ako para sa’yo, Tiffany. Basta tandaan mo, hindi ka nag-iisa.”

Ngumiti ako ng kaunti, kahit mabigat ang dibdib ko. “Salamat, Estella. Kailangan ko talaga ‘yan ngayon.”

Lumabas ako ng opisina, dala ang bigat ng desisyong ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status