Share

Kabanata 004

PROLONGUE

Naguguluhan man si Tiffany, pero wala siyang nagawa kundi sumunod. Sumakay na siya sa loob ng sasakyan ni Hanz, hindi niya mapigilang mag-isip tungkol sa mga naging pagbabago sa pagitan nila ni Lincon. Mula sa isang mahigpit at seryosong boss, ngayon ay tila may mas malalim na koneksyon na bumabalot sa kanilang dalawa, dahil ngayon ang kaniyang boss ay siya na ring asawa niya. Hindi niya lubos maunawaan kung paano ito nangyari at kung bakit sa dinami dami ng babae siya ang naisipang alukin ng ganuong kasunduan ng kaniyang boss.

"Ms. Arevallo, mukhang hindi ka sanay sa mga ganitong set-up ah," biro ni Hanz habang nagmamaneho. "Ngayon lang kita nakitang sobrang tahimik at parang kinakabahan. Pagpasensyahan mo na si Lincon"

Pilit na napangiti si Tiffany kahit may halong kaba sa puso. “Hindi ko kasi talaga alam kung anong iniisip ni Mr. Moore. Ganyan na ba talaga Sir Hanz ang mga mayayaman, kahti ang kasal ay kaya na nilang bilhin. Wala na bang halaga sa kanila ngayon ang kahalagahan ng salitang kasal. Alam niya bang sagrado iyon at mahalaga para sa isang babae. Nakakalungkot lang din na makakasama ko sa iisang bubong ang isang lalaking hindi ko maintindihan ang ugali kanina ayos lang kami, parang normal na usapan, pero ngayon… parang napaka-iba. Hindi ko alam kung paano mag-adjust sa bago kong buhay.  Mali ata ang naging desisyon ko" sagot nito kay Hanz na ang mata ay hindi naalis sa kalsada.

“Huwag kang mag-alala,” ani Hanz, pilit na pinapakalma siya. “Gano’n lang talaga si Lincon. Kapag may plano siya, lahat nakaayos at hindi ka ipapahamak ni Lincon. Minsan nga, kahit kami na matagal na niyang kasama, hindi namin alam kung ano ang iniisip niya. Pero sa tingin ko, gusto ka niyang makasama sa paraan na mas komportable ka dahil alam niyang hindi maliit itong hiniling niya sa iyo. Mabait si Lincon sadyang ganyang lang siya ka istrikto sa labas, but  I swear to God magugustuhan mo din siya"

"ay naku! kung ganyan ka bugnutan ewan ko na lang, parang hindi ko siya kayang makasama araw-araw. Sa bahay at sa trabaho. Wala na akong kalayaan" sagot ni Tiffany kay Hanz.

"matututunan mo din siyang magustuhan, basta sundin mo na lang ang gusto niya para hindi kayo magtalo. Short temoer kasi si Lincon. Pero the best na kaibigan yan. Ang swerte mo nga at ikaw ang napili niya. ANg ibang babae pumipila talaga sa kaniya" 

"hindi ko lang alam sa akin." sagot ko sa kaniya "bahala na, nandito na ko hindi na din ako makakaatras" ilang minuto nga lang ay dumating na din sila sa bahay ni Lincon. Nalula siya sa laki nito. 2 lang silang nakatira ni Manang dito.

Mula sa pintuan ay sinalubong na sila ni Manang, na agad na pinakita kay Tiffany ang silid kung saan siya mananatili. Nag-aalangan pa rin siya, ngunit naisip niyang sundin na lang ang sinabi ni Lincon. Nag-shower siya, at habang naghahanda ay hindi niya maiwasang mag-isip kung ano ang gustong mangyari ni Lincon sa mga susunod na sandali.

Matapos ang kasal, hindi maitatago ni Lincon ang bigat ng kaniyang damdamin. Sa halip na sumabay sa pag uwi kay Tiffany ay mas minabuti niyang  dumiretso sa bahay ng kanyang stepbrother, kung saan nakatira rin ang ex-girlfriend niyang si Jillian. Tahimik siyang nagmasid mula sa di kalayuan. Kitang-kita niya si Jillian na masayang nakikipag-usap at mukhang kontento sa buhay na wala siya. Ramdam ni Lincon ang kirot sa kaniyang puso, ngunit mas matindi ang galit na sumiklab sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya’y naagawan siya ng isang bagay na hindi pa siya handang pakawalan.

Sa sobrang bigat ng kaniyang nararamdaman, napagdesisyunan niyang dumiretso sa isang bar. Ang bawat shot ng alak ay parang may kasamang alaala ng pagmamahal niya kay Jillian, masakit, ngunit pilit niyang nilulunod ang kaniyang sarili.

"FVCK JILLIAN!" hinampas niya ang lamesa kung saan siya nakaupo. 

Sa gitna ng kanyang pagkalasing, binalikan niya ang lahat ng masasayang sandali nila ni Jillian, at unti-unting naipon ang mga tanong na bumabagabag sa kaniya: Bakit nga ba nila kailangang maghiwalay? Bakit tila masaya na si Jillian sa piling ng iba, habang siya ay nakakulong pa rin sa pag-ibig na iyon?

Hindi niya namalayang napuno na siya ng galit at pagkalasing. At sa isang iglap, napagtanto niyang kailangan niyang gumawa ng isang hakbang upang mailabas ang lahat ng kaniyang nararamdaman. Isang desisyon na maaaring magdulot ng pagbabago sa kaniyang buhay.

"Sir dumating na pala kayo, gusto niyo pong hatidan ko kayo ng malamig na tubig sa kwarto niyo?" tanong ni Manang kay Lincon

"hindi na po Manang okay lang po ako, si Tiffany nasaan?" tanong niya

"nasa kwarto niyo na po. Magmula ng dumating siya hindi po siya lumabas ng silid niyo. Baka nahihiya po siya" 

"ganoon ba, sige Manang magpahinga na kayo. Kaya ko na sarili ko, pupuntahan ko na asawa ko" napakamot na lang sa ulo si Manang.

Alam ni Lincon na madami dami na din siyang nainom, pasuray suray siyang naglakad paangat sa kaniyang silid, pero gayun pa man bawat ikilos at sabihin niya ay alam na alam pa niya. anag kaniyang . Dumiretso siya sa kaniyang kwarto , napapangiti siyang isipin na naghihintay sa kaniya si Tiffany, nawala sa isip niya ang sakit na naramdaman niya ng makita niya si Jillian ang babaeng dapat kasama niya ngayon sa silid na iyon. Pagpasok niya ay nakasindi lang ang dim na ilaw , lumapit siya sa pwesto ng higaan ni Tiffany na sarap na sarap na sa kaniyang pagkakatulog. Suot -suot ang kaniyang biniling pulang damit pantulog.

dahan-dahan niyang hinawi ang manipis na buhok na humarang sa mukha ni Tiffany "napakaganda mo pala Tiffany" pabulong niyang sabi ng malapitan niya ang dalaga, 

"You're mine tonight!" napapangiti niyang sabi habang napapakagat labi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status