TIFFANY CHUA POV Ilang buwan na nga ba ang nakalipas mula nang tumuntong ako sa posisyon na ito? Ilang buwan na din ang nagdaan mula nang ipahayag ni Lincon ang magiging bagong papel ko bilang CEO ng Moore Corporation. Para bang isang mahabang panaginip—hindi ko alam kung nagtagumpay na ba ako o nagising sa bangungot. Pero, sa isip ko alam kong kahit anong mangyari hindi ako puwedeng magpatalo. Hindi puwedeng umatras sa kahit na anong laban ang iharang nila sa daan ko. Habang nakaupo ako sa swivel chair ay napapaisip ako, bakit ba ganito ang ngyari sa buhay ko bawat araw na nagdadaan ay isang hamon. Bawat desisyon, bawat pagpirma, bawat meeting lahat iyon ay may bigat, at minsan nga parang sinasanay ko na lang ang sarili kong hindi mabuwal. Nang pumunta ako sa finance department para mag check ng mga files. Hindi ko maiwasan ang hindi masaktan sa mga mapang husgang mga empleyado. Hindi ko sinasadyang marinig ang mga bulungan ng mga tao sa opisina. malalakas na halakhakan ang mari
LINCON POV Habang patuloy na nagtatagumpay si Tiffany, tila lalo akong nahuhulog sa isang sitwasyon na hindi ko kayang kontrolin. Sa opisina, siya na ang tinuturing na boss ang bagong CEO na humahawak sa helm ng kumpanya. Pero sa likod ng mga ngiti at pagbati, mayroong init na umuusok sa akin, isang tensyon na nahahawakan sa pagitan namin. Madalas, naiisip ko kung ano ang talagang nararamdaman ni Tiffany at Napapaisip na din ako sa aking sarili sa kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ko para kay Tiffany. Nakita ko siyang naging mahusay, at sa bawat tagumpay, mas lalo akong natatakot. Ngunit sa mga pag-uusap namin ni Hanz, nararamdaman kong unti-unti akong nahuhulog sa kanyang pang-aasar. “Lincon, honestly, mukhang nahuhulog ka na kay Tiffany,” sabi niya sa tono ng panunukso. “Ikaw na ang pinaka-proud na asawa sa buong mundo, huh?” “Tumigil ka na, Hanz,” sagot ko nang may pagkadismaya, ngunit may bahid na ng katotohanan ang kanyang sinasabi. “Walang ganun. Alam mo ang dahila
AFTER 1 WEEK LINCON MOORE POV Pumasok ako sa opisina na may mabigat na pakiramdam. Habang binabaybay ko ang pasilyo, sinalubong ako ni Hanz na may nakakalokong ngiti sa mukha. “Bro, malapit na palang ikasal si Jillian!” aniya, puno ng excitement. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang pangalan ni Jillian ay tila nag-uudyok ng mga alaala at emosyon na gusto kong kalimutan. “Wala akong pakialam,” medyo masungit kong sagot, dahil ayaw kong mapag-usapan ang mga bagay na iyon. “Hindi pa kami nagkakaayos ni Bruce kaya wag ka ng umasang pupunta ako duon, at mas mabuti pang iwasan na lang ang mga usapan tungkol sa kanya nakakasira lang ng araw.” “Bakit, ayaw mo bang makilala ang mga magiging in-laws mo?” pang-uuyam niya. "Tumigil ka na! I said i'm not interested okay." sagot ko sa kaniya "okay sige. Mamaya gigimik ako sasama ka ba?" tanong niya sa akin “Hindi na, ikaw na lang muna. Uuwi ako ng maaga mamaya dahil maghahanda si Tiffany ng pagkain sa bahay,” sagot ko, tumalikod n
Pwes wala naman na akong pakielam dun. Mabuhay ka sa madilim na mundong gusto mong tahakin mag isa.” Sagot pa niiya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. “Hindi mo alam ang sinasabi mo,” sagot ko, tila takot na takot. “Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mga pinagdaanan ko.” “Pwes hayaan mo akong alamin ang mga pinagdaan mo. Hindi ako tau-tauhan dito not unless wala ka tlaagang naramdaman na pagmamahal sa ating dalawa” sagot niya. Sa bawat sagot niya, ang kanyang mga mata ay tila nag-aapoy, puno ng determinasyon. “Hindi na kailangan. Hindi mo kailangang malaman ang lahat lahat tungkol sa magulo kong buhay,” sagot ko, ngunit ang damdamin ko ay unti-unting nagiging mas matindi. “Bakit? Dahil takot kang masaktan ulit? Takot kang umibig?” tanong niya, at naramdaman ko ang bigat ng bawat salita. “Wala akong takot. Takot akong magkamali,” tugon ko, pero sa loob loob ko hindi ko na kayang pigilan ang aking nararamdaman. Ngunit sa huli, hindi ko kayang sabihin lahat ng saloobin ko sa ka
TIFFANY CHUA POV Napayuko na lang ako ng iwan ako ni Licon sa kusina. Papaiyak na ako ng magulat ako. Mabilis na naglakad pasulong sa akin si Lincon. Seryoso ang mga mata at tila handang sumunggab ano mang oras. Nang dumating siya sa aking tapat ay agad niyang hinapit ang aking balakang. "ito lang naman ang gusto mo hindi ba?" ang kaniyang mga mata ay naniningkit sa galit. Pulang pula ang kaniyang mukha sa poot na kaniyang nararamdaman. Pilit akong nagpupumiglas ng sunggaban niya ng marahas na halik ang aking mga labi. Halik na nakakapaso, halik na mapanakit. Bahagya kong kinagat ang kaniyang labi dahilan para magdugo ito. "ahhhh" malakas na sigaw niya sabay tingin sa kaniyang palad na pinangkapit niya sa duguan niyang labi. "wag please Lincon wag ganito." sagot ko sa kaniya ng makita kong walang awa ito sa gagawin niya sa akin. Ngunit parang isang tigreng nakakita ng oportunidad para kainin ako ng buong buo. Muli niyang inangkin ang aking labi sa pagkakataong ito ay mas
Hindi ko mapigilang hindi mapaatras sa hapdi ng ipasok niya ito sa loob ng aking pagkababae. Muli na naman itong umindayo ng pagbayo sa aking ibabaw. Parang hayok sa laman si Lincon . Naguguluhan na ako sa pinapakita sa akin ni Lincon. Panay ang kaniyang halik sa aking noo. “OH TIFANNY! ANG SIKIP SIKIP MO TALAGA. AHHHH ANG SARAP.... NAKAKABALIW KA! I WANT TO FVCK YOU MORE" kinapitan niya ang isa kong daliri at sinubo ito habang patuloy ang paglalaro niya sa loob ng aking pagkababae gamit ang kaniyang pagkalalake na walang tigil sa pagtigas. Parang bakal itong kumikiskis sa loob ng aking perlas. Inangat niya ako sa at siya naman ang umilalim., hinayaan niya akong gumiling mula sa kaniyang ibabaw. Dahil sa mas maliit ako kaysa kay Lincon ay naging para akong bata. Mas ramdam na ramdam ko ang pag-ulos ng matigas niyang pagkalalake. Hinawi ko ang aking mahabang buhok. At hinayaan ko ang aking sarili na magtaas baba sa kaniyang ibabaw. "ahhh..... ahhhh... " napakapit siya sa kaniyang
After 30 monthsTIFFANNY POVMalapit nang matapos ang kontrata namin ni Lincon, habang nakatayo ako sa harap ng salamin at nagmumuni muni, ramdam ko ang matinding pag-aalboroto sa aking dibdib. Hindi ko kayang itago ang sakit at init ng galit na hindi ko maipaliwanag. Ang mga mata ko, tila isang saglit na nagsusumbong ng lahat ng hindi ko kayang sabihin. Ang lahat ng nangyayari sa pagitan namin, parang isang malaking kasinungalingan. Lincon. Hindi ko ma-imagine na sa loob ng mahabang panahon ay ginawa lang niya akong parausan, pagtatalik na walang pagmamahal. Bakit ba ako nagtiwala? Puno ng tanong, puno ng hinagpis, ngunit ang pinakamabigat puno ng galit ang puso ko. Hindi ko na kaya. Ang mga araw na dumaan, palagi na lang kaming nag-aaway. Parang bawat araw, siya’y isang estranghero. At ako? ako ang kaniyang s*x slave na buhay.Habang binabaybay ko ang malamlam na mukha ko sa salamin, narinig ko ang tunog ng aking telepono. Isang tawag mula sa tauhan ko. Ang boses niya, mabilis at n
Napasandal ako sa upuan. Hindi ko matanggap na ang aking ama, na siyang dapat simbolo ng proteksyon sa amin, ay siya ngayon ang nagiging sanhi ng lahat ng ito. Ang mga salitang binitiwan ni Noel ay parang mga palaso na tumama sa puso ko, at sa bawat kilometro, mas lalo akong nagiging balisa. “Hintayin nyo ako. Malapit na ako,” sabi ko, at pinilit kong magsalita nang matatag, kahit na ang puso ko ay puno ng pangamba. Nasa kalahating daan pa lang ako, at ang agos ng aking damdamin ay parang hindi ko kayang kontrolin. Parang may malalaking pader na unti-unting bumangon sa harap ko, at hindi ko alam kung paano ko sila babanggain. Makalipas ang halos isang oras ay dumating na din kami sa aming lugar. Pagdating ko sa bahay, tumigil ang lahat ng usapan ng mga taong nakiki-usyoso sa ngyayari sa bahay namin. Parang tumigil ang oras sa bawat hakbang na ginawa ko mula sa sasakyan. Tahimik ang paligid, pero ang bigat ng mga matang nakatingin sa akin ay nararamdaman ko. Mga mata na puno ng pag
Inabot sa kanya ng isang farmer ang mikropono. Mahigpit niya itong hinawakan bago nagsimulang magsalita."Hi, Love!" Masuyong bati ni Theo, isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang pabulong niyang sinagot ang tanong ko kung ano ang nangyayari. Napapalibutan na kami ng maraming tao, sabik na masaksihan ang sandaling ito."Karen, Love. Dalawang taon na ang lumipas mula nang ibigay mo sa akin ang iyong matamis na ‘oo,’ at araw-araw akong nagpapasalamat sa Diyos para doon. Mahal kita, at alam mo ‘yan. Salamat sa pagpapakita mo sa akin ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Salamat sa pagbabago mo sa pananaw ko sa buhay. Wala akong ibang gustong makasama kundi ikaw lang. Utang ko sa ‘yo ang lakas ng loob ko, lalo na sa mga panahong mahirap ang sitwasyon. Alam ng Diyos ang naging papel mo sa buhay ko. Mula sa isang lalaking walang direksyon ang buhay, isang lalaking puro gimik at pagwaldas ang alam gawin, isang lalaking puro pagpapasaway sa pamilya ngayon ay hindi ko na nakikita ang saril
Pagkalabas ko ng pintuan ng mansyon ng Laude, nakatanggap ako ng mensahe mula kina Mommy at Daddy." I'm proud of you, son, for standing up for your happiness," maikling mensahe ni Daddy pero ramdam ko ang lalim ng kahulugan nito. Napangiti ako, lalo akong ginanahan sa gagawin ko.Makalipas ang dalawang taon ng walang sawang panunuyo, sa wakas ay nakuha ko rin ang matamis na "oo" ni Karen. Nangyari ito noong June 25,2022, eksaktong 6 PM, sa paborito naming kainan sa Tomas Morato. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon—ang araw na tuluyang nagbago ang pananaw ko sa buhay.Sa loob ng dalawang taon bilang magkasintahan, masasabi kong sapat na ang panahong iyon upang hingin ko ang kamay ni Karen mula sa kanyang mga magulang. Mahal ko siya, at handa kong gawin ang lahat para sa kaligayahan niya. Kahit pa kalabanin ko ang sarili kong pamilya, wala akong pakialam.Ayon sa aming plano, dapat ay magkasama kaming babiyahe patungong Indonesia kasama ang kanyang pamilya. Ngunit nagdahilan
Ilang segundo munang natahimik si Tito Lincon matapos kong magsalita. "Hmmm, Theo, una sa lahat, masaya ako na ikaw ang naging karelasyon ni Karen. Bukod sa mahalaga ang pagkakaibigan namin ng mga magulang mo, mahal din namin si Karen, kahit hindi siya nagmula kay Tiffany. Buong puso namin siyang tinanggap bilang bahagi ng pamilya. Kaya tandaan mo ito kung masasaktan mo ang aking anak, ako ang unang hahanap sa'yo. Naiintindihan mo ba ako?" mariing sabi ng Daddy niya."Naiitindihan ko po ang ibig niyong sabihin. Pinapangako ko, pero gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya ni Karen," sagot ko nang seryoso."Kung gayun, our answer is yes! Binabasbasan namin ang plano mo," nakangiti niyang sabi."Naku, thank you po talaga, Tito, Tita!" masayang tugon ko. Ipinaliwanag ko rin ang aking plano kung kailan at saan ko balak mag-propose. Kinuntsaba ko na rin si Alex, ang kaibigan ni Karen, para tumulong sa mga detalye ng mangyayaring event na ito.Kinagabihan, matapos silang pumayag, agad kong
Bago kami maghiwa-hiwalay, nagpasalamat ako sa kanila habang sumakay kami pabalik sa aming sasakyan. “Thank you, Theo. Sobrang nag-enjoy ako. Ang saya ng pamilya mo! Medyo scary nga lang talaga ang lolo mo, pero sabi n’yo nga, normal lang sa kanya ’yun,” sabi ko kay Theo habang nagmamaneho siya pabalik sa bahay ko. “Masasanay ka rin kay Master. Hahaha. At saka, huwag mo siyang tatawaging ‘Lolo’ sa susunod, gusto niya ‘Master’ ang itawag mo sa kanya. Pakiramdam niya kasi bata pa rin siya,” bilin niya sa akin. Tumango lang ako at sumang-ayon. Natapos ang gabi namin nang masaya. Agad din siyang umalis matapos akong maihatid dahil inaantok na rin siya sa dami ng alak na nainom namin. AFTER 2 YEARS Maagang gumising si Theo ngayong araw para sa isang mahalagang plano na matagal na niyang pinaghandaan. Simula nang makilala niya si Karen, marami nang nagbago sa kanyang buhay—hindi lamang sa trabaho kundi pati na rin sa personal niyang pananaw. Natutunan niyang pahalagahan ang mga tao
Lahat ng atensyon ay napunta sa pagbaba ng matandang tinutukoy nilang “Master.” “Andiyan na si Master!” sigaw ng mga batang pamangkin ni Theo habang nagtatakbuhan papunta sa entrada ng mansyon. “Master? Sinong Master?!” tanong ko sa kanilang ng may pagtataka. “Hahaha! Si Lolo ’yun. Gusto niya kasing tinatawag siyang Master dahil lagi niyang ikinukuwento sa amin na noong kabataan niya, isa siya sa pinakamagaling pagdating sa babae at naging Master ng isang negosyong sobrang umunlad noong early ’70s. Kaya may ganito kaming buhay ngayon. Pero kung anong business iyon, walang nakakaalam. Hahaha!” paliwanag ni Michael, na sinang-ayunan naman ng iba pa niyang mga pinsan. Bumulong naman sa akin si Mae, “Maghanda ka, Karen! Huwag kang matakot sa Lolo namin, at sana hindi ka mabigla pagkatapos kang ipakilala ni Theo sa kaniya.” Napatingin ako sa kanya, at nginitian niya lang ako, dahilan para lalo akong kabahan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Master mamaya. Pagbaba nito,
Matapos kong mag-ayos, dumating si Theo sa bahay nang eksaktong 7:30 PM. Habang bumababa siya ng kotse, hindi ko maiwasang humanga sa porma niya. Nakasuot siya ng dark blue suit na bumagay sa kaniyang matangkad at matipunong pangangatawan. Sa isang iglap, naramdaman kong kumakabog ang puso ko.“Bakit parang natulala ka diyan?” nakangiti niyang tanong habang tinutulungan akong sumakay sa sasakyan.“H-Ha? Wala! Tara na,” sagot ko, pilit tinatago ang pamumula ng aking pisngi.Habang nasa daan, ramdam kong tahimik ako at hindi mapakali. Napansin ito ni Theo at hinawakan ang aking kamay. “Relax ka lang, Karen. Wag kang mahiya. I know my family can be intimidating, pero I’m here with you, okay?”Napangiti ako at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko. “Thanks, Theo. Hindi lang kasi ako sanay sa ganito.” Dumiretso na muna ako sa Contis para bumili ng cake na maari kong dalhin bilang presents sa pamilya ni Theo."Karen wag kang mabibigla sa lolo ko kung sakalaing may sabihin siyang hindi kana
Pagkasara ng gate, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ni Theo. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may nagkakagulong mga emosyon na hindi ko maintindihan. Bumalik ako sa loob ng bahay at inabutan ko si Mommy at Jennifer na nakaupo sa sofa, parehong nakatingin sa akin na para bang hinihintay akong magsalita.“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” tanong ni Jennifer na may malisyosong tingin.“Wala ah,” pagtatanggi ko, pero alam kong hindi ako makakaligtas sa kanila.“Karen, anak,” singit ni Mommy, may lambing sa kanyang tinig. “Mukhang iba na ang kinang sa mga mata mo. Ano ba talaga ang nararamdaman mo kay Theo?”Umupo ako sa tabi nila at napabuntong-hininga. “Ewan ko, Mommy. Hindi ko rin maintindihan. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Parang kailan lang, iniisip ko na wala siyang alam sa negosyo, na spoiled brat lang siya… pero iba pala siya sa inaakala ko.”Nagtinginan si Mommy at Jennifer, parehong tila kinikilig para sa akin.“Eh kung gus
Pinuntahan ito ni Jennifer at ilang sandali lang ay bumalik siya sa sala, may kakaibang ngiti sa kanyang mukha.“Ate, may bisita ka. Si Kuya Theo,” mahinhin niyang sabi, pero halata ang kilig sa kanyang tono.Napakunot-noo ako. “Huh? Wala naman kaming usapan.” Lumingon ako kay Mommy at nakita kong napapangiti siya habang sumisimsim ng kanyang tsaa.“Sige na, anak. Puntahan mo muna siya. Baka may kailangan,” sabi ni Mommy na parang may kung anong iniisip.Lumabas ako sa aming sala at agad kong nilapitan si Theo na nakatayo sa harap ng gate, may nakakalokong ngiti sa kanyang mukha.“Oh, bakit Theo? May nakalimutan ka ba? Wala naman tayong usapan ngayon, ah?” Nagtataka kong tanong, pero sa loob-loob ko, may kung anong kaba ang bumabalot sa akin.Ngumisi siya, pero seryoso ang kanyang mga mata. “Nasan sila Tita at Tito?”Mas lalong lumalim ang aking pagtataka. “Kinakabahan ako sa’yo. Ano bang pakay mo, Theo?” Inis kong tanong, pero may halong curiosity.Natawa siya at napakamot ng ulo. “H
KAREN POVSa ilang araw na pananatili namin sa Indonesia ni Theo, naramdaman ko ang paglalim ng aming samahan. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka-natural ang pagsasama namin sa loob ng mahabang panahon. Simula noong dumating kami rito, unti-unti kong nakita kung paano niya niyayakap ang mundong ginagalawan ko—ang mundo ng negosyo, pakikitungo sa mga supplier, at pagtiyak sa kalidad ng mga produkto. Napagtanto kong mali ang mga kwento at sabi-sabi tungkol sa kanya.Sa mga nakalipas na taon, lagi kong naririnig mula sa iba ang kaniyang pangalan, na si Theo Laude ay isang spoiled brat—isang taong lumaki sa karangyaan at walang direksyon sa buhay. Ngunit ngayong kasama ko siya, ibang-iba ang nakita ko. Nandito siya, nagpupursige at nagpapakita ng determinasyon para matutunan ang bawat aspeto ng aming negosyo. Sa bawat araw na magkasama kami, napansin ko ang kanyang pagbabago—mula sa isang taong walang pakialam patungo sa isang taong puno ng dedikasyon at malasakit sa kanyang ginagaw