LINCON POV Habang patuloy na nagtatagumpay si Tiffany, tila lalo akong nahuhulog sa isang sitwasyon na hindi ko kayang kontrolin. Sa opisina, siya na ang tinuturing na boss ang bagong CEO na humahawak sa helm ng kumpanya. Pero sa likod ng mga ngiti at pagbati, mayroong init na umuusok sa akin, isang tensyon na nahahawakan sa pagitan namin. Madalas, naiisip ko kung ano ang talagang nararamdaman ni Tiffany at Napapaisip na din ako sa aking sarili sa kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ko para kay Tiffany. Nakita ko siyang naging mahusay, at sa bawat tagumpay, mas lalo akong natatakot. Ngunit sa mga pag-uusap namin ni Hanz, nararamdaman kong unti-unti akong nahuhulog sa kanyang pang-aasar. “Lincon, honestly, mukhang nahuhulog ka na kay Tiffany,” sabi niya sa tono ng panunukso. “Ikaw na ang pinaka-proud na asawa sa buong mundo, huh?” “Tumigil ka na, Hanz,” sagot ko nang may pagkadismaya, ngunit may bahid na ng katotohanan ang kanyang sinasabi. “Walang ganun. Alam mo ang dahila
AFTER 1 WEEK LINCON MOORE POV Pumasok ako sa opisina na may mabigat na pakiramdam. Habang binabaybay ko ang pasilyo, sinalubong ako ni Hanz na may nakakalokong ngiti sa mukha. “Bro, malapit na palang ikasal si Jillian!” aniya, puno ng excitement. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang pangalan ni Jillian ay tila nag-uudyok ng mga alaala at emosyon na gusto kong kalimutan. “Wala akong pakialam,” medyo masungit kong sagot, dahil ayaw kong mapag-usapan ang mga bagay na iyon. “Hindi pa kami nagkakaayos ni Bruce kaya wag ka ng umasang pupunta ako duon, at mas mabuti pang iwasan na lang ang mga usapan tungkol sa kanya nakakasira lang ng araw.” “Bakit, ayaw mo bang makilala ang mga magiging in-laws mo?” pang-uuyam niya. "Tumigil ka na! I said i'm not interested okay." sagot ko sa kaniya "okay sige. Mamaya gigimik ako sasama ka ba?" tanong niya sa akin “Hindi na, ikaw na lang muna. Uuwi ako ng maaga mamaya dahil maghahanda si Tiffany ng pagkain sa bahay,” sagot ko, tumalikod n
Pwes wala naman na akong pakielam dun. Mabuhay ka sa madilim na mundong gusto mong tahakin mag isa.” Sagot pa niiya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. “Hindi mo alam ang sinasabi mo,” sagot ko, tila takot na takot. “Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mga pinagdaanan ko.” “Pwes hayaan mo akong alamin ang mga pinagdaan mo. Hindi ako tau-tauhan dito not unless wala ka tlaagang naramdaman na pagmamahal sa ating dalawa” sagot niya. Sa bawat sagot niya, ang kanyang mga mata ay tila nag-aapoy, puno ng determinasyon. “Hindi na kailangan. Hindi mo kailangang malaman ang lahat lahat tungkol sa magulo kong buhay,” sagot ko, ngunit ang damdamin ko ay unti-unting nagiging mas matindi. “Bakit? Dahil takot kang masaktan ulit? Takot kang umibig?” tanong niya, at naramdaman ko ang bigat ng bawat salita. “Wala akong takot. Takot akong magkamali,” tugon ko, pero sa loob loob ko hindi ko na kayang pigilan ang aking nararamdaman. Ngunit sa huli, hindi ko kayang sabihin lahat ng saloobin ko sa ka
TIFFANY CHUA POV Napayuko na lang ako ng iwan ako ni Licon sa kusina. Papaiyak na ako ng magulat ako. Mabilis na naglakad pasulong sa akin si Lincon. Seryoso ang mga mata at tila handang sumunggab ano mang oras. Nang dumating siya sa aking tapat ay agad niyang hinapit ang aking balakang. "ito lang naman ang gusto mo hindi ba?" ang kaniyang mga mata ay naniningkit sa galit. Pulang pula ang kaniyang mukha sa poot na kaniyang nararamdaman. Pilit akong nagpupumiglas ng sunggaban niya ng marahas na halik ang aking mga labi. Halik na nakakapaso, halik na mapanakit. Bahagya kong kinagat ang kaniyang labi dahilan para magdugo ito. "ahhhh" malakas na sigaw niya sabay tingin sa kaniyang palad na pinangkapit niya sa duguan niyang labi. "wag please Lincon wag ganito." sagot ko sa kaniya ng makita kong walang awa ito sa gagawin niya sa akin. Ngunit parang isang tigreng nakakita ng oportunidad para kainin ako ng buong buo. Muli niyang inangkin ang aking labi sa pagkakataong ito ay mas
Hindi ko mapigilang hindi mapaatras sa hapdi ng ipasok niya ito sa loob ng aking pagkababae. Muli na naman itong umindayo ng pagbayo sa aking ibabaw. Parang hayok sa laman si Lincon . Naguguluhan na ako sa pinapakita sa akin ni Lincon. Panay ang kaniyang halik sa aking noo. “OH TIFANNY! ANG SIKIP SIKIP MO TALAGA. AHHHH ANG SARAP.... NAKAKABALIW KA! I WANT TO FVCK YOU MORE" kinapitan niya ang isa kong daliri at sinubo ito habang patuloy ang paglalaro niya sa loob ng aking pagkababae gamit ang kaniyang pagkalalake na walang tigil sa pagtigas. Parang bakal itong kumikiskis sa loob ng aking perlas. Inangat niya ako sa at siya naman ang umilalim., hinayaan niya akong gumiling mula sa kaniyang ibabaw. Dahil sa mas maliit ako kaysa kay Lincon ay naging para akong bata. Mas ramdam na ramdam ko ang pag-ulos ng matigas niyang pagkalalake. Hinawi ko ang aking mahabang buhok. At hinayaan ko ang aking sarili na magtaas baba sa kaniyang ibabaw. "ahhh..... ahhhh... " napakapit siya sa kaniyang
After 30 monthsTIFFANNY POVMalapit nang matapos ang kontrata namin ni Lincon, habang nakatayo ako sa harap ng salamin at nagmumuni muni, ramdam ko ang matinding pag-aalboroto sa aking dibdib. Hindi ko kayang itago ang sakit at init ng galit na hindi ko maipaliwanag. Ang mga mata ko, tila isang saglit na nagsusumbong ng lahat ng hindi ko kayang sabihin. Ang lahat ng nangyayari sa pagitan namin, parang isang malaking kasinungalingan. Lincon. Hindi ko ma-imagine na sa loob ng mahabang panahon ay ginawa lang niya akong parausan, pagtatalik na walang pagmamahal. Bakit ba ako nagtiwala? Puno ng tanong, puno ng hinagpis, ngunit ang pinakamabigat puno ng galit ang puso ko. Hindi ko na kaya. Ang mga araw na dumaan, palagi na lang kaming nag-aaway. Parang bawat araw, siya’y isang estranghero. At ako? ako ang kaniyang s*x slave na buhay.Habang binabaybay ko ang malamlam na mukha ko sa salamin, narinig ko ang tunog ng aking telepono. Isang tawag mula sa tauhan ko. Ang boses niya, mabilis at n
Napasandal ako sa upuan. Hindi ko matanggap na ang aking ama, na siyang dapat simbolo ng proteksyon sa amin, ay siya ngayon ang nagiging sanhi ng lahat ng ito. Ang mga salitang binitiwan ni Noel ay parang mga palaso na tumama sa puso ko, at sa bawat kilometro, mas lalo akong nagiging balisa. “Hintayin nyo ako. Malapit na ako,” sabi ko, at pinilit kong magsalita nang matatag, kahit na ang puso ko ay puno ng pangamba. Nasa kalahating daan pa lang ako, at ang agos ng aking damdamin ay parang hindi ko kayang kontrolin. Parang may malalaking pader na unti-unting bumangon sa harap ko, at hindi ko alam kung paano ko sila babanggain. Makalipas ang halos isang oras ay dumating na din kami sa aming lugar. Pagdating ko sa bahay, tumigil ang lahat ng usapan ng mga taong nakiki-usyoso sa ngyayari sa bahay namin. Parang tumigil ang oras sa bawat hakbang na ginawa ko mula sa sasakyan. Tahimik ang paligid, pero ang bigat ng mga matang nakatingin sa akin ay nararamdaman ko. Mga mata na puno ng pag
Sa puntong iyon, naramdaman ko na hindi ko na kayang pigilin ang galit na nag-uumapaw sa loob ko. Tumayo ako nang matuwid at nagsalita, ang tinig ko ay malakas at matatag. "AKO SI TIFFANY MOORE, ANG CEO NG MOORE CORPORATION" sigaw ko sa kanilang lahat. “CEO daw ng Moore Corporation?” pangungutya niya. “Ang babaeng ito? Nagbibiro ka ba? Huwag ka ngang nagpapanggap!” “Maniwala ka man o hindi, wala akong pakialam,” sabi ko, ang tinig ko ay naging malamig at matalim. “Pero mananagot ka sa bawat sinabi at ginawa mo sa kapatid ko. At sa susunod na makita kita, hindi lang salita ang tatanggapin mo. Maghanda ka, dahil sisiguraduhin kong pagsisishan mo ang lahat ng mga pinagsasasabi mo sakin, lahat kayo.” Alam kong hindi lahat ay naniniwala, pero sa puntong iyon, hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga, alam kong ipinaglaban ko si Bernadette, at alam niyang hindi ko siya pababayaan, kahit ano pa ang mangyari. Galit na galit ako. Ang mga insulto, kasinungalingan, at pang-aalipustang
TWO DAYS LATER Mabilis at mabigat ang bawat hakbang ko patungo sa bahay na minsan kong tinawag na tahanan. Ang malamig na hangin ay parang patalim na tumatama sa balat ko, ngunit hindi iyon sapat para patahanin ang nagbabagang damdamin ko. Hawak ko sa kanang kamay ang susi—isang bagay na ilang buwan ko nang hindi nagagamit. Sa bawat galaw nito sa palad ko, parang may bigat na humihila sa akin pabalik, ngunit desidido akong matapos na ang lahat. Ito na ang huling beses na papasok ako sa bahay na iyon. Wala akong balak bumalik para sa mga gamit na wala nang kahulugan sa akin. Ang tanging pakay ko lang ay kunin ang mga dokumentong magbibigay-daan para tuluyan akong makaalis ng bansa at magsimula ng bagong kabanata—malayo sa kasinungalingan, sa sakit, sa pagtataksil. Huminto ako sa pintuan, pilit na kinakalma ang sarili ko bago ipasok ang susi sa seradura. Ang malamig na bakal ay tila sumisimbolo sa matagal nang nagyelong damdamin sa pagitan namin ni Lincon. Huminga ako nang malalim
TIFFANY POV Galit na galit si Lincon sa akin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkasuklam, at hindi ko maialis ang bigat ng kanyang mga titig na parang sinisigawan akong ako ang may kasalanan. Nang bumagsak si Jillian mula sa hagdan, agad niya itong binuhat at isinugod sa ospital. “Ano pang ginagawa mo rito, Tiffany? Umulis ka na!” galit niyang sabi habang papasok kami sa kotse. Ngunit hindi ako sumunod. Sumama ako kahit na ayaw niya. Hindi dahil sa nakukunsensya ako, dahil alam kong wala akong kasalanan. Sumama ako dahil gusto kong makita na ayos lang siya lalo na at buntis din siya, naawa ako hindi para kay Jillian kundi para sa anak niya. "ahhhhh.... ang sakit Lincon, ang baby natin....." malakas na sigaw niya. Pati ako ay natataranta din sa nerbyos at nakakaramdam ako ng galit. "pag may ngyaring masama sa baby namin Tiffany ,sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang lahat. Hinding hindi kita mapapatawad." sabi pa niya habang nakatingin sa akin ng masama. "alam mong wala akong g
JILLIAN POV Hindi ko kayang maghintay ng anim na buwan bago tuluyang hiwalayan ni Lincon si Tiffany.Madaming pwedeng mangyari, magmula ng bumalik sa bahay si Tiffany ay nararamdaman ko ang paminsanang panlalamig ni Lincon sakin. Kailangan mailagay ko na ang posisyon ko sa buhay ni Lincon kaya't kailangan kong madaliin na ang annulment. Ako ang dapat niyang piliin—ako at hindi si Tiffany. Kaya’t gumawa ako ng plano, isang plano na sisiguraduhin kong ako ang panalo sa laban na ito. Tinawagan ko si Tiffany. Pilit kong pinatamis ang boses ko at sinusubukan kong itago ang totoong intensyon sa likod ng kunwaring pagsisisi. “Tiffany,” simula ko, mahina at halos may panginginig sa boses na parang napakatapat ng sinasabi ko. “Pwede ba tayong mag-usap? Alam kong wala akong karapatan, pero… gusto kong humingi ng tawad.” Nag-aalangan siyang sumagot, halatang iniisip kung ano ang totoong motibo ko. “Jillian? Tawad? Sa lahat ng ginawa mo? wow parang iba to?! ." sagot niya sa akin na may halon
TIFFANY POVPagkatapos naming pag-usapan ni Markus ang tungkol sa proyekto, agad siyang nagpaalam sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi tanggapin iyon kahit pa gusto kong makipag kwentuhan pa saglit. Kitang-kita sa kilos niya na ayaw niyang masangkot sa kaguluhang dala ng sitwasyon ko kay Lincon.“Markus pasensya na sa nasaksihan mo kanina. Hindi ko talaga sinasadya na makita mo yung ganung eksena samin ni Lincon. Hindi ko naman expected na magiging wild siya." nahihiya kong pag hingi ng pasensya kay Markus"it's okay Tiffany, kapag ang selos na ang tumama wala ka ng magagawa diyan." napapangiti niyang sabi "sayang Tiffany, if I knew you earlier. I swear to God na hindi kita sasaktan, pahahalagahan kita at any cost. I know Lincon. Kapag mahal niya ang isang tao nakakagawa siya ng mga bagay na unpredictable." sagot niya sa akin"that's not true, hindi niya ako mahal, dahil kung mahal niya ako hindi niya hahayaang magkasira kami. Sana pinaglaban niya ako hindi yung ganito. Sige na, i'l
Kinabukasan matapos ang mapait na sinapit ko kagabi sa mapang husgang mga mata at pananalita ni Lincon ay pumasok pa rin ako sa opisina kahit na gulong gulo ang utak ko. Hindi ko pwedeng baliwalain ang trabaho ng dahil sa mga ginawa nila sa akin. Bahala na kung anong inabot kong pasa sa braso ng dahil sa ngyari kahapon, hindi ko din alam kung saan ko nakuha iyon. Masakit pa rin ang ulo ko hanggang ngayon , hindi ko alam kung kakayanin ko bang harapin ang lahat. Sa totoo lang mahal na mahal ko si Lincon pero hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko. Sinubukan ko na ding umalis ng kompanya pero namutawi ang awa ko sa mga tauhan ko. Habang nagmumuni muni pa rin ako sa kaganapan kagabi ay nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ng opisina ko, bumungad si Lincon—mabilis at puno ng galit ang mga hakbang niya. Hinagis niya ang annulment papers sa lamesa ko. Ang tunog ng pagbagsak ng mga papel ay parang hampas ng kidlat sa katahimikan ng silid. “ANO ’TO, TIFFANY?!” sigaw niya, halos pumutok a
Hindi pa ako nakakaalis nang biglang nag-iba ang ekspresyon ni Jillian. Kanina, nakangiti siya, puno ng panunukso at kayabangan. Pero ngayon, bigla siyang humikbi, halos parang nasasaktan, at nagsimulang magpahid ng pisngi na parang may luha sa mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagbago ang kaniyang awra. Napataas ang kilay ko sa biglang pagbabago ng itsura niya. “Ano na namang drama ’to, Jillian?” tanong ko, halatang may inis sa boses ko. Hindi siya sumagot. Bigla na lang niyang hinubad ang jacket niya at inilabas ang braso. Nagulat ako ng magsimula siyang kalmutin ang sarili niya dahilan para magkaruon siya ng maraming kalmot. “Anong ginagawa mo?!” sigaw ko, nagulat ako sa kanyang kilos kaya lumapit ako sa kaniya para pahinahunin sana siya. Pero Nagpatuloy siya sa pagkakalmut sa sarili, sabay umarte na parang may tumulak sa kanya. Bumagsak siya sa sahig, hawak-hawak ang tiyan niya, at nagsimulang umiyak nang malakas. “Lincon! Please ahhhhhh ang sakit….Lincon tulu
TIFFANY POV Halos hindi ko na kaya ang bigat ng lahat. Ang mga issue tungkol sa amin ni Markus, ang mga kasinungalingang kumakalat—lahat ito ay unti-unting sumisira sa pagkatao ko. Sobrang stress na stress na ako. May mga panahong dinudugo na din ako sa sobrang depression. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya shinare ko na kay Bernadette ang tungkol sa totoong sitwasyon ko. Pero magpa-hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung pano ko sasabihin kay Lincon ang tungkol sa pagbubuntis ko lalo pa ngayon na ang daming balitang nagli-link sa akin at kay Markus. Pero mas masakit ang katotohanang pati ang sarili kong asawa ay tila hindi na ako paniwalaan sa lahat ng sinasabi ko. Naiinis ako. Mahal ko si Lincon, pero hindi ko nararamdaman na ganun din siya sa akin. “Ate okay ka lang ba?” Tanong ni Bernadette sa akin “Okay lang ako. Pero kailangan kong harapin ang problema sa harapan ko. Alam ko naman. Mali din akong binigay konang 100% na pagmamahal ko para kay Lincon.” Napasubsob
JILLIAN POVNagising ako nang maramdaman ang paggalaw ni Lincon sa tabi ko. Alam kong oras na. Sa sandaling makita niya ang sitwasyon namin, magbabago ang lahat.Pagdilat niya, parang nawala ang kulay sa mukha niya. Halata ang pagkagulat habang dahan-dahan niyang tinaas ang kumot na tumatakip sa amin. Napatayo siya agad, na parang nakita niya ang isang bagay na hindi niya maintindihan. "Jillian!" halos pasigaw niyang sabi. "Anong... anong ginawa mo dito?!" Nagkunwari akong inosente, sinabayan ng malanding ngiti. "Ginawa ko? Lincon, hindi ko kasalanan na nangyari ito. Alam mo kung gaano ka naging wild kagabi."Umiling siya, nagmamadaling kunin ang mga damit niya. "Hindi! Hindi ito nangyari! Hindi ko ginusto 'to!"Tumawa ako, mahinang tumitig sa kanya. "Talaga? Gusto mo bang ipaalala ko kung paano mo hinubaran ang bawat saplot ko kagabi? Kung paano mo ako hinila papalapit sa'yo?""Jillian, tigilan mo 'yan!" galit niyang sigaw. "Lasing ako! Hindi ko alam kung paano nangyari 'to
Kinabukasan ay hindi na ako nag aksaya ng oras. Umuwi ako sa bahay namin para sabihin kay Lincon ang magandang balitang ito tanggapin man niya o hindi ay alam kong kaya kong buhayin ang anak ko. Hawak ko pa rin ang pregnancy test sa bulsa ng coat ko habang tumatapak ako sa bawat baitang ng hagdanan papasok sa bahay namin. Ang dibdib ko ay punong-puno ng kaba at takot, pero pilit kong pinapalakas ang loob ko. Kailangan ko itong sabihin kay Lincon, kahit na sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin nitong mga nakaraang linggo.Pagbukas ko ng pinto ay nakakabinging katahimikan ng bahay ang sumalubong sa akin. Ang ilaw mula sa kwarto namin sa itaas ang tanging liwanag sa paligid. Ang katahimikan na dati’y nagpapakalma sa akin, ngayon ay parang isang babala. Akala ko magiging maayos ang gabing ito. Pero nagmali ako.Habang paakyat, naririnig ko ang mahina at pamilyar na boses ng isang babae mula sa loob ng kwarto namin. Tumigil ako at pilit iniintindi kung tama ba ang naririnig ko. Hindi p