After 30 monthsTIFFANNY POVMalapit nang matapos ang kontrata namin ni Lincon, habang nakatayo ako sa harap ng salamin at nagmumuni muni, ramdam ko ang matinding pag-aalboroto sa aking dibdib. Hindi ko kayang itago ang sakit at init ng galit na hindi ko maipaliwanag. Ang mga mata ko, tila isang saglit na nagsusumbong ng lahat ng hindi ko kayang sabihin. Ang lahat ng nangyayari sa pagitan namin, parang isang malaking kasinungalingan. Lincon. Hindi ko ma-imagine na sa loob ng mahabang panahon ay ginawa lang niya akong parausan, pagtatalik na walang pagmamahal. Bakit ba ako nagtiwala? Puno ng tanong, puno ng hinagpis, ngunit ang pinakamabigat puno ng galit ang puso ko. Hindi ko na kaya. Ang mga araw na dumaan, palagi na lang kaming nag-aaway. Parang bawat araw, siya’y isang estranghero. At ako? ako ang kaniyang s*x slave na buhay.Habang binabaybay ko ang malamlam na mukha ko sa salamin, narinig ko ang tunog ng aking telepono. Isang tawag mula sa tauhan ko. Ang boses niya, mabilis at n
Napasandal ako sa upuan. Hindi ko matanggap na ang aking ama, na siyang dapat simbolo ng proteksyon sa amin, ay siya ngayon ang nagiging sanhi ng lahat ng ito. Ang mga salitang binitiwan ni Noel ay parang mga palaso na tumama sa puso ko, at sa bawat kilometro, mas lalo akong nagiging balisa. “Hintayin nyo ako. Malapit na ako,” sabi ko, at pinilit kong magsalita nang matatag, kahit na ang puso ko ay puno ng pangamba. Nasa kalahating daan pa lang ako, at ang agos ng aking damdamin ay parang hindi ko kayang kontrolin. Parang may malalaking pader na unti-unting bumangon sa harap ko, at hindi ko alam kung paano ko sila babanggain. Makalipas ang halos isang oras ay dumating na din kami sa aming lugar. Pagdating ko sa bahay, tumigil ang lahat ng usapan ng mga taong nakiki-usyoso sa ngyayari sa bahay namin. Parang tumigil ang oras sa bawat hakbang na ginawa ko mula sa sasakyan. Tahimik ang paligid, pero ang bigat ng mga matang nakatingin sa akin ay nararamdaman ko. Mga mata na puno ng pag
Sa puntong iyon, naramdaman ko na hindi ko na kayang pigilin ang galit na nag-uumapaw sa loob ko. Tumayo ako nang matuwid at nagsalita, ang tinig ko ay malakas at matatag. "AKO SI TIFFANY MOORE, ANG CEO NG MOORE CORPORATION" sigaw ko sa kanilang lahat. “CEO daw ng Moore Corporation?” pangungutya niya. “Ang babaeng ito? Nagbibiro ka ba? Huwag ka ngang nagpapanggap!” “Maniwala ka man o hindi, wala akong pakialam,” sabi ko, ang tinig ko ay naging malamig at matalim. “Pero mananagot ka sa bawat sinabi at ginawa mo sa kapatid ko. At sa susunod na makita kita, hindi lang salita ang tatanggapin mo. Maghanda ka, dahil sisiguraduhin kong pagsisishan mo ang lahat ng mga pinagsasasabi mo sakin, lahat kayo.” Alam kong hindi lahat ay naniniwala, pero sa puntong iyon, hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga, alam kong ipinaglaban ko si Bernadette, at alam niyang hindi ko siya pababayaan, kahit ano pa ang mangyari. Galit na galit ako. Ang mga insulto, kasinungalingan, at pang-aalipustang
Tumingin ako kay Papa, ang mga mata ko ay puno ng sakit at pagkasuklam. “Ikaw pa talaga Papa , of all people ang gaganito samin. Napakawalang kwenta mong ama!,” sabi ko sa kaniya. Galit na galit ito sa akin. Muli niya akong hinampas. Naramdaman ko din ang paglapat ng kamay ni Ronald sa aking mukha. "Ang kapal ng mukha mong sabihan ng ganyan si Papa" sagot niya sa akin Ginantihan ko siya ng sampal at mariing inaway ito "mas makapal ang mukha mo, bagutan at palamunin!. " sigaw ko sa kaniya. Natulala siya dahil hindi niya inaasahan na ang isang Tiffany ay sasagot ng walang takot sa kanila. Ang dating inaapi nila ngayon ay lumalaban na. "Pa, ohhh.. si Tiffany..." pagsusumbong niya kay Papa pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso ang tingin ko kay Roque. Hindi na ako nagdalawang-isip. Hinila ko si Bernadette mula sa kanyang kamay, halos mapunit ang damit niya sa lakas ng paghila ko. Hindi ko siya bibitiwan. Hindi ko hahayaang sirain nila ang kapatid ko, ang pamilya ko. “Sinabi ko n
“Lincon… anak…” narinig kong mahina ang boses ni Papa, pero hindi siya pinansin ni Lincon. Parang wala siyang naririnig mula kay Papa, na tila binabalewala ang lahat ng koneksyon nila, lahat ng pakiusap. “Sir…. Hindi ko naman alam , kung alam ko lang hindi ako susuong dito please sir patawarin mo ako. Hindi ko talaga sinasadya. Kung alam ko lang hindi ko hahayaan ang mga lapastangang ito na pagsalitaan ng hindi maganda ang asawa niyo.” Tila maamong tuta na sabi ni Manager. Kung kanina ay parang tigre itong manlait sa amin ngayon naman ay akala mo ay parang pusa na natatakot sa isang mabagsik na aso. Sa halip, humakbang si Lincon palapit sa akin, at maingat na inalalayan niya ako. Nakita ko sa kanyang mga mata ang galit, ngunit may halong pag-aalala para sa akin. Hinawakan niya ako sa braso, tinapik niya nang mahigpit ang aking balikat, at saka niya kinuha si Bernadette na parang sinasabi sa kanya na ligtas na siya ngayon. “Tara na , kasama nating babalik ang Mama mo pati na si Be
Tahimik lang si Lincon sa tabi ko. Alam ko, tinulungan niya kami, ngunit parang hindi ko siya kayang tingnan. Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata ko. Ang mga mata ko ay laging nakatutok kay Mama at kay Bernadette. Sila ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko, at ako’y natatakot na baka madali kong makalimutan ang mga taong nagbigay ng lakas sa akin, sa kabila ng tulong na ibinigay ni Lincon. Si Mama ang unang nagsalita, ang boses niya ay puno ng lungkot ngunit may halong pag-asa. “Tiffany…” Mahina ang kanyang boses. “Hindi ko alam kung anong nangyari sa ating pamilya, kung anong bang pagkakamali ko. Pero, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa amin. Kahit sa kabila ng lahat ng nangyari, pinili mo pa ring lumaban para sa amin.” Halos mangiyak ngiyak na din ako ng makita kong umiiyak si mama, at hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano kalaki ang pasasalamat ko kay Mama. “Mama, lahat gagawin ko para ma protektahan ko kayo , pero ang tanging alam ko lang ay hindi ko kayang makita kayo
TIFFANY CHUA Pagkarating namin sa bahay na titirhan nila Mama, agad ko silang pinagpahinga. Halata sa mukha nila ang pagod mula sa mahabang biyahe at sa hirap na pinagdaanan nila kanina sa kamay ni Papa at ng mga umalipusta sa kanila. Tahimik ko silang tinulungan na ayusin ang kanilang gamit at binilinan ang mga tauhang magbabantay sa kanila. “Babalik ako bukas, Ma,” sabi ko, pilit na pinapakalma ang kaba ko. “Madali lang niyo akong mapupuntahan. Ilang bahay lang naman ang pagitan natin. Dun lang po kami kung may kailangan kayo tawagan niyo lang ako. Bukas mamimili tayo ng ilang gamit niyo. Simula ngayon ito na ang magiging bagong bahay niyo." nakangiti kong sabi Ngumiti si Mama, pero ramdam ko ang bigat sa kaniyang loob. Tumango siya, at niyakap ako nang mahigpit. "salamat Tiffany." maiksi niyang tugon. Alam kong mahal na mahal ni Mama si Papa kaya nga nagtitiis siya pero hindi ko hahayaang pati ang kapatid ko ay ipambayad niya sa utang niya dahil sa kakasugal niya. "hindi mo k
"ito lang naman ang gusto mo hindi ba?" ang kaniyang mga mata ay naniningkit sa galit. Pulang pula ang kaniyang mukha sa poot na kaniyang nararamdaman. Pilit akong nagpupumiglas ng sunggaban niya ng marahas na halik ang aking mga labi. Halik na nakakapaso, halik na mapanakit. Bahagya kong kinagat ang kaniyang labi dahilan para magdugo ito."ahhhh" malakas na sigaw niya sabay tingin sa kaniyang palad na pinangkapit niya sa duguan niyang labi. "diba gusto mo lang naman yung hinaharot ka. Haha " mapanglait siyang tumawa "sige Tiffany pagbibigyan kita!""wag Lincon please wag ganito." sagot ko sa kaniya ng makita kong walang awa ito sa gagawin niya sa akin. Tumalikod ako sa kaniya pero hinila niya ang braso ko."huli na ang lahat Tiffany para mag back out ka pa" parang isang tigreng nakakita ng oportunidad para kainin ako ng buong buo si Lincon. Muli niyang inangkin ang aking labi sa pagkakataong ito ay mas maalab, mas mainit. Nanlaban ako ng paulit ulit pero tinalo ako ng lakas ni Lincon
“Sorry,” sabi ko, hinahanap ang tamang salita. “Hindi ba masyadong personal na ‘yan? Pero… kung gusto mo talagang mag-share, nandito ako. Handa akong makinig.” Tinignan ko siya nang diretso, sinserong ipinapaabot na walang paghusga ang maririnig niya mula sa akin. Bumuntong-hininga siya, mahaba at mabigat, bago nagsimula. Halatang binabalikan niya ang isang sugat na hindi pa lubos na naghihilom. “Nangyari lahat ng ’to few years back,” panimula niya, ang boses niya’y mababa pero puno ng emosyon. “Yung lalaking ‘yon—siya si Daryll, ex-boyfriend ko. At yung babae naman… ex-bestfriend ko si Denise.” Tumigil siya saglit, tila hinahanap ang lakas na magpatuloy. “Malalim ang pinagsamahan naming tatlo. Mula pa elementary days, magkakaklase na kami hanggang sa naging boyfriend ko si Daryll. Naging mas close kami ni Denise dahil palagi siyang third wheel Sa amin nuon ni Daryll. Nang mag-college kami, nagdesisyon kaming tatlo na sa iisang school na lang kami mag enroll para hindi kami magkahi
THEO POV Nagdadabog na umalis ang magkasintahang nakaalitan ng babaeng ito. Pasimpleng inasar ko pa sila ng kaway habang palabas ng bar, iniisip na baka sa wakas ay magiging maayos na ang pakikitungo niya sa akin. Pero nagkamali ako. Parang bumalik na naman siya sa pagiging tigre tuwing ako ang kaharap. “Tara na, Alex! Baka mamaya humingi pa ng kapalit ang lalaking ’yan,” inis na aya niya sa kanyang kaibigan. Sinabayan pa niya ng irap bago tuluyang lumayo sa harapan ko. Napailing na lang ako habang natatawa. Kakaiba talaga siya. Ang ibang babae, tinitingnan ko pa lang, bumibigay na. Ang iba pa nga, halos isuko na ang lahat sa akin. Pero siya? Pinagtanggol ko na, halos makipagsuntukan na ako sa ex-boyfriend niya kung sakaling lumaban, pero ni simpleng “salamat” ay hindi ko narinig mula sa kanya. “Bro, iba tama mo diyan ah. Ang tapang ng babaeng ’yan! Mukhang mapapalaban ka,” biro ni Ezekiel. “Hayaan mo na, itagay na lang natin ’to, bro!” sagot ko, sabay lagok ng alak habang pas
"Hayaan mo na siya, tara na," aya ko kay Alex. Pero hindi tumigil si Denise. Hinila niya ako sa braso, at nagpatuloy siya sa kanyang pang-iinsulto."Bakit, masakit bang malaman na nag-propose na si Daryll sa akin? Well, congratulations to us!" dagdag pa nito, at sa pagkakataong iyon, lahat ng tao sa CR ay nakatingin sa amin. "Ano, magsalita ka. Pipi ka na ngayon? Iniwan ka lang, hindi ka na makapagsalita. Nasan na ang tapang mo, Karen?!" sabi pa niya sa akin."Well, ayaw mong magtigil? Sige, pagbibigyan kita," sagot ko, nagtataglay ng galit sa aking mga mata. "Cravings? Putahe ka na pala ngayon? Kung putahe ka, ano ka laing?! Kasi, Napaka-kati mo. Hindi ko naman siguro kasalanan kung makati pa sa higad ang ex-boyfriend ko na fiancé mo na ngayon. Kasalanan ko bang mahuli ko kayong nagtatalik sa loob ng cr sa bahay namin? Given na ikaw pa ang pretending bestfriend ko na nagpapayo pa sa akin na 'kesyo babaero si Daryll, wag mong babalikan si Daryll.' Hey, Denise, wake up! Kung sinabi mo
Nakakabingi ang malakas na tugtugin, pero parehong nag-eenjoy kami ni Alex. Nakailang order na rin kami ng alak, at masaya kaming nakikisabay sa sayawan ng crowd. Ramdam ko ang init ng saya at ang adrenaline ng walang pakialam sa oras. Parang ang tagal na rin simula noong huling beses naming nagwalwal—mahigit dalawang linggo na mula noong huli naming punta rito, dahil subsob ako sa trabaho.Sa gitna ng sayawan, may grupo ng kalalakihang nakisalo sa amin, dahilan para lalo pang masiyahan si Alex. Halatang tuwang-tuwa siya, habang ako naman ay panay ang sulyap sa paligid. Sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin makita ang lalaking nakagitgitan ko kanina sa kalsada. Mukhang mali nga ang hinala namin na ang sasakyan niya ang nakita namin sa parking lot.Napansin kong nawawala na talaga ang tiwala ko sa mga lalaki. Kaya nang lumapit ang grupo sa amin, agad akong bumulong kay Alex na babalik muna ako sa aming pwesto. Hindi ko alam na mula sa kabilang sulok ng bar, may isang lalaking kanina pa p
Nang makarating ako sa bahay ni Alex, nandoon na siya, naghihintay sa tapat ng gate. Suot niya ang paborito niyang floral button-down shirt, na tinernuhan niya ng dark jeans at sneakers. Nagkatinginan kami, sabay sabing, “Ready na ba?!”Gaya ng sinabi ko, eksaktong 30 minuto ang lumipas at nasa tapat na ako ng bahay nila Alex. Paglabas niya, panay ang pagmaktol niya, pero panay rin naman ang pagpatugtog niya ng malalakas na kanta sa sasakyan. Sabi niya, “warm-up” daw ito para pagdating sa bar, kondisyon na siya.“Ready!” sagot niya, sabay akbay sa akin habang papunta kami sa sasakyan.“Sa Ozone tayo, ha? Pero, bakla, ikaw na bahala sa drinks!” Tumawa siya habang isinasakay ang sarili sa passenger seat.“G, walang problema! Basta ikaw ang bahala sa kwento mamaya.” Sinimulan kong paandarin ang kotse, at habang binabaybay namin ang maingay na kalsada, pakiramdam ko ay isang gabi na naman ito ng pagtakas mula sa mga alaala.Tatawa-tawa akong nagmamaneho habang panay ang kulit niya. Sumasa
PRESENT TIME"Anak, masyado ka namang nagpupuyat sa trabaho," sabi ni Mommy Tiffany, dala ang tasa ng mainit na kape habang abala ako sa harap ng computer.Sa kabila ng pagkakaroon ko ng sariling bahay, mas pinipili kong magbalik tuwing weekend sa lumang bahay. Hindi ko alam kung bakit, pero ang simpleng mga yakap at ngiti ni Mommy ay parang lunas sa pagod ko.“Thank you, Mommy!” sabi ko habang yumakap sa kanya. Hininto ko na ang trabaho, hinayaan ang init ng kape at pagmamahal ni Mommy na pakalmahin ang araw ko. "What will I do with you, Mom? Mwuah!" malambing kong sabi, sabay halik sa kanyang pisngi.Nakangiti siya, pero alam kong may gusto siyang sabihin. "Karen," nagsimula siya, "hindi naman sa tinutulak ka namin na mag-asawa na, pero siguro panahon na para bitawan mo na ang nakaraan. Alam kong hindi naging maganda ang ginawa ni Daryll noon, pero anak, deserve mong maging masaya."Tumigil ako at tinitigan siya. Alam kong tama siya. Mula noong masaktan ako sa relasyon naming ni Dar
AFTER 10 YEARSKAREN POVSampung taon ang lumipas mula nang magising ako sa ospital, hindi matandaan kung paano o bakit ako naroroon. Ang mga alaala ng nakaraan ay tila itinapon sa kawalan, kasama ang lahat ng masasakit na salitang narinig ko kay Mommy Jillian. Lagi niyang sinasabi kung gaano kasama sina Lincon at Tiffany—mga pangalan na sa mahabang panahon ay wala namang kahulugan sa akin, hanggang sa dumating ang araw na natuklasan ko ang lahat.Pagkatapos ng ospital, walang ni isang dumating para sunduin ako. Naiwan akong mag-isa, isang batang walang alam sa mundo, sa loob ng mga pader ng DSWD. Ang bawat araw ay tila isang taon, puno ng tanong: Nasaan si Mommy? Ano ang nangyari? Bakit niya ako iniwan? Sa halip na sagot, balita ang dumating—wala na si Mommy Jillian. Napatigil ang puso niya, kasabay ng matinding laban niya sa kanser sa matres.Ang sakit ay hindi lamang dahil sa pagkawala niya, kundi sa matinding kawalan ng paliwanag. Bakit parang tinapos niya ang lahat nang walang pa
TIFFANY POV Isang lumalagabog na katok sa pintuan ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Napatigil ako sa ginagawa ko, tila sinundan ng kaba ang bawat tunog ng pintuan. Mula sa taas ng hagdan, narinig ko si Lincon na nagmamadaling bumaba, ang mga hakbang niya’y nagmamarka ng tensyon sa bawat segundo. Lumapit siya sa ring bell camera at sinilip kung sino ang nasa labas. Mula sa kanyang reaksyon, alam kong may kakaibang nangyayari. Agad siyang sumigaw, “Tiffany! Bilis! May bata rito!” Nagmadali akong bumaba at tinanong siya, “Anong nangyayari?” Bago pa siya makasagot, bumukas na ang pinto, at sa harap namin ay isang batang babae, gusgusin, nanginginig, at tila takot na takot. “A-anong pangalan mo?” tanong ni Lincon sa mahinahong boses habang lumapit kami sa bata. “Ka… Karen,” ang sagot niya, nanginginig ang boses. Ngunit bago pa namin matanong kung bakit siya naroon, bigla siyang nawalan ng malay. “Hala! Lincon, dalhin na natin siya sa ospital!” taranta kong sabi. Wala kaming inaksay
Isang gabi, habang pinapanood ko silang maglaro ng basketball sa harap ng bahay, naramdaman ko ang tila bumalik ang sigla sa paligid. Tumingin si Lincon sa akin at ngumiti, at sa simpleng tingin na iyon, parang sinasabi niyang, “Salamat.” Dalawang taon na ang lumipas mula nang magsimula kaming muli. Ang mga araw na lumipas ay puno ng pagbabago, pagsubok, at muling pagkatuklas ng mga bagay na akala ko ay nawala na. Ngayon, narito kami—buo, masaya, at puno ng pagmamahal. Hindi naging madali ang prosesong ito. May mga sandali na gusto kong bumitaw. Ang mga alaalang bumabalik sa akin mula sa aming nakaraan ay madalas na nagpapabigat sa damdamin ko. Ang mga luhang bumalong sa akin noon ay tila nararamdaman ko pa rin sa tuwing may mga hindi pagkakaunawaan kami ni Lincon. Ngunit sa bawat tanong at takot na bumalot sa akin, nakita ko ang determinasyon ni Lincon na ayusin ang lahat. Hindi siya sumuko. Si Josh ang naging inspirasyon namin para magpatuloy. Sa kanyang inosenteng mga mata, n