Ikaw Lamang

Ikaw Lamang

By:  Gael Aragon   Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings
20Chapters
4.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Nagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya pagkatapos ng kanilang kasal na may sakit siya... Breast Cancer. Stage Two. Halos gumuho ang mundo ni Marga. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang asawa oras na malaman niya ito. Kaya ng gabing dapat ay honeymoon nila, tumakas siya at nagpakalayo-layo. After thirteen years, muli siyang nagbalik bilang isang successful CEO. Walang sakit, walang cancer. At sa pagtatagpo ng landas nila ni Franco, ang tamis at sakit ng nakaraan ay muling nagbabalik. Pero paano niya ito pakikitunguhan, kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nababakas niya ang tindi ng galit nito? At paano ba niya pipigilan ang kanyang pusong huwag mahulog dito gayong may asawa na ito?

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Lanie Villariza
recommended, nice story and ending.
2022-09-23 15:55:32
3
user avatar
bhing llait
wow..amazing stories..luv it.....️more stories,plz...️
2022-06-12 13:23:33
2
user avatar
johann masikap
maganda ang story.. keep it up author
2022-06-08 00:09:24
3
20 Chapters

Chapter 1

Marga“Congratulations to us!” ang masayang sabi ni Troy sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina nito. Nakuha ko kasi ang deal sa Paradise Hotel, one of the best hotel dito sa Singapore. We were planning to expand our business, and Paradise Hotel is a great stepping stone for us. Kaming dalawa ni Troy ay magkasosyo sa negosyo. Itinayo namin ang Artemis Grill seven years ago, at ngayon nga ay isa na ito sa kinikilalang restaurant sa bansa. Si Troy Gascon ay isang Filipino – Singaporean at ang COO ng business namin. Sa edad nitong tatlumpu’t lima ay marami na rin itong napatunayan sa buhay. Matanda lang siya sa akin ng dalawang taon. Ako naman ay nagmula sa isang prominenteng pamilya sa Pilipinas na nag-base na sa Singapore, thirteen years ago, at ngayon ay siyang CEO ng restaurant namin. “Well, we both know na ikaw ang dahilan kung bakit natin nakuha ang deal,” ang tatawa-tawang wika ko sa kanya. Umirap siya sa akin at humalukipkip. “Fine! Fine! Whatever!” aniya na ikinataw
Read more

Chapter 2

Oras nang uwian, nasa labas na ako ng campus para hintayin ang sundo ko. Karaniwan ay alas-singko pa lang ay nasa campus na si Mang Dante, ngunit mag-aala sais na ay wala pa rin ito. Medyo madilim na ang paligid at mukhang uulan, kaya naisipan kong mag-commute na lang. Iti-next ko na lamang si Mang Dante na huwag na akong sunduin. Baka kasi nasiraan ito sa kung saan kaya hindi dumating sa takdang oras ng sundo ko. Pumara ako ng jeep at dali-daling sumakay. May mangilan-ngilang estudyante akong nakasabay sa loob. Ilang metro na lamang ang layo ko sa amin nang biglang bumuhos ang ulan. Wala akong dalang payong, kaya sa ayaw at sa gusto ko ay magsasayi na lamang ako sa ulanan. “Manong sa tabi lang po,” ang magalang kong sabi sa driver ng jeepney. Kahit nag-aalangang bumaba dahil sa lakas ng ulan, wala naman na akong pagpipilian. Dali-dali akong bumaba ng huminto ang jeep. Tatakbo na sana ako pagkababa ko nang biglang may narinig akong isang mahinang click, at biglang may bumukas na p
Read more

Chapter 3

The night went deeper but the party was just getting started. I got exhausted with the loud noise around me. Kaya nagpaalam na ako kay Mommy na papasok na sa loob ng bahay, at mabilis naman itong sumang-ayon. Ang mga kaibigan at kaklase ko ay nagsi-uwian na rin because tomorrow is Monday. But instead of going upstairs, I head out again. But this time, I went to the beach. I sat on the sand then looked around the endless dark ocean. Maganda ang panahon at kita ang nagkikislapang mga bituin sa langit. I took a deep breath, filling my lungs with some salty-fresh air. Matagal-tagal din akong nanatili sa ganoong posisyon, hanggang sa mag-decide akong maglaka-lakad sa baybayin. Hinubad ko ang sandals na suot ko and walked slowly. Manaka-naka’y nililingon ko ang aking pinanggalingan at tinatantya ko kung gaano na ako kalayo, until I reached Franco’s resort. May mangilan-ngilan pa ring guests doon na nagkakasiyahan sa dalampasigan. Naisip ko si Franco. Maybe he was sleeping now, sa loob-l
Read more

Chapter 4

Hindi pa sumusikat ang araw kinabukasan, gising na agad ako. Kainip-inip ang bawat sandali para sa akin. Kung pwede nga lang hilahin ang oras ay ginawa ko na. Alas-nuebe nang dumating si Franco sa amin. Nagkukumahog akong bumaba ng aming hagdanan ng ipaalam sa akin ni Manang Lourdes na naghihintay na sa akin si Franco.“Be back before dinner, Marga. And hijo, ingatan mo itong dalaga namin, ha? Malilintikan ako kay Tito Valencio mo kapag may nangyaring masama dito,” ang mahabang bilin ni Mommy sa aming dalawa. Hindi nawawala ang makahulugang ngiti nito habang nakatingin sa akin.“Yes, Tita. I’ll make sure she will be back before dinner.” Nakangiting sagot ni Franco kay Mommy sabay kindat sa akin.I blushed at nagwelga nang sobra ang puso ko. Pakiramdam ko sasabog ito anumang sandali. Now, I realized Franco has a naughty side of him. Aside from that, he’s also a gentleman. Unti-unti ko na itong nakikilala.“We’ll go ahead, Tita.” Paalam ni Franco.“Bye, Mommy,” ang tangi ko na lang nas
Read more

Chapter 5

Mula noon, madalas na kaming magkasama ni Franco. We both agreed to become civil on school, but other than that, parang hindi na kami mapaghiwalay na dalawa. At lingid ito sa kaalaman ng mga kaibigan ko.Nang dumating ang prom namin, Franco asked me to be his date na hindi ko naman tinanggihan. It was the night he was waiting for, ang ipangalandakan sa buong eskwelahan na nililigawan niya ako.“Hija, bilisan mo naman. Kanina pa naghihintay si Franco sa ibaba,” sabi ni Mommy ng silipin niya akong muli sa aking kwarto. “Just a minute, Mom.” Sagot ko.Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Muli akong umikot sa harap ng salamin. Naka-yellow dress ako na parang damit ni Belle sa Beauty and the Beast. Ang buhok ko ay itininaas ni Mommy at nagtira lang ng konting mga hibla sa harap. As usual, light pa rin ang make-up ko na nagpalutang sa taglay kong kagandahan.Nang makontento ako sa aking ayos, bumaba na ako. Nasa puno pa lamang ako ng hagdanan sa taas ay matamang nakamasid na sa akin si Fran
Read more

Chapter 6

Hindi na pumasok sa SPC si Greg after what happened. Nabalitaan na lang namin na lumipat siya ng eskwelahan. It’s good to know about it, dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin ni Franco dito once na makita pa itong muli.At sa paglipas ng taon, nananatiling matatag ang relasyon naming dalawa ni Franco. We graduate high school and took the same course in college at SPC. We were so very happy at inaasahan na ng lahat na kami na talaga hanggang dulo. Well… Sino nga bang makapagsasabi kung ano ang hinaharap. Only God knows kung ano talaga ang itinadhana ng kapalaran para sa amin. “You’re at it again,” ani Franco ng sunduin niya ako sa amin. This is what our regular days looked like. Susunduin ako ni Franco sa amin at sabay kaming papasok, pagkatapos ay sabay ding uuwi. Things doesn’t changed at all, pero hindi naman ako nagsasawa doon. Mas lalo pa nga akong na-eexcite sa araw-araw. “Nabawasan na ba ang kagwapuhan ko?” nagbibirong tanong nito ng mahalata niyang tinititigan ko
Read more

Chapter 7

“Let’s go,” yaya agad ni Franco sa akin pagkatapos n gaming graduation.“Teka magpapaalam muna ako sa mga magulang natin.” Sabi ko at iginala ko ang aking mga mata sa paligid para hanapin ang mga ito. Nakita ko naman na kausap ng mga ito ang dean namin.“I already did.” Mabilis na sagot ni Franco.“But…” wala na akong nagawa ng akayin ako nito papunta sa kotse. Mabilis nitong pinaandar iyon na parang may humahabol dito.“Franco, slow down,” sabi ko rito. “Hindi na kasi ako makapaghintay pa, Princess.” Nakangiting sagot nito.“Saan ba talaga tayo pupunta?”“You’ll see when we get there.” Anito at hinawakan ang aking kamay. Napansin kong pinagpapawisan ang kamay nito, pero hindi na lang ako nagtanong pa hanggang sa mkarating kami sa aming patutunguhan.Sa isang subdivision kami tumuloy. Nakakunot ang noong tiningnan ko si Franco, pero nasa pagda-drive ang atensyon nito. Huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay.“Who own this place, Franco?” nagtataka na talagang tanong ko.“Tito M
Read more

Chapter 8

Marga, PresentYears passed by, mula ng umalis ako ng Pilipinas at nagpagamot sa Singapore, walang araw o gabing hindi ko naiisip si Franco. Mga alaala na lang namin ang tanging naging sandalan ko sa paglaban sa aking sakit na halos ikamatay ko na. Nabalitaan ko ring halos mawala sa kanyang sarili si Franco ng umalis ako. And when my parents went back to the Philippines, sinabi ni Mommy kay Franco na hindi na ako babalik pa kailanman at iyon ay nagdulot ng pagkakaaksidente nito. Inakala niyang patay na ako at ganoon din ang gusto nitong mangyari sa sarili. But, Tito Sandro saves him hanggang sa mabalitaan ko na lamang na nagpakasal na ito.Nang mga sandaling iyon parang bumalik ang sakit ko. I felt my whole world shattered. Hinang-hina ako at parang saglit na nawalan ng buhay. Walang katumbas ang sakit na nadarama ko noon, ngunit anong magagawa ko? Ako rin naman ang may kasalanan ko ng lahat. I was the first one whole broke our promises between each other, at hindi ko masisisi si F
Read more

Chapter 9

Katatapos ko lang magluto ng tawagan ako ni Troy.“So, kumusta ang deal natin kay Mr. Lorenzo?” agad na tanong nito pagkasagot ko ng telepono.“Bakit ‘di mo sinabi sa akin na matagal na palang may offer sa atin si Mr. Lorenzo?” ganting tanong ko rito, habang nakapamaywang ang isang kamay.Narinig kong humugot ito ng malalim na hininga sa kabilang linya. “You know the answer to that,” anito.Umirap ako. “Buti na lang mabait si Mr. Lorenzo at hindi ka n’ya tinantanan. We could have lost a great opportunity here,” panenermon ko sa kanya.“Well… tell that to yourself Marga. Ikaw lang naman ang iniisip ko ng mga panahong iyon,” nangongonsensya namang sagot nito.Ako naman ang bumuntong-hininga at naupo. “I know that and I really appreciate your concern. Pero kung sinabi mo siguro ng mas maaga sa akin, walang dahilan na hindi kita maiintindihan. Like what you always said, this is our business.”Natahimik ito at ganoon din ako. Tila pareho kaming may iniisip.“So, when are you going to sign
Read more

Chapter 10

“Would you like me to say hi on you?” Franco asked sarcastically.Napapikit ako at bahagyang napapitlag ng marinig ang tinig nito. Ang pamilyar na tinig nitong iyon ay hinding-hindi ko nakakalimutan. It always makes my knees wobbled and weak.But, Franco was never been the same. Hindi nito alintana kung kinakabahan ako ng mga sandaling iyon. His dark aura was too powerful at nakadama ako ng bahagyang takot.Tumaas-baba ang dibdib ko. Kumapit ako sa railing ng elevator para kumuha ng lakas doon.“Why? Are you afraid of me? Ha, Marga?” sabi pa nito sa mapang-uyam na tinig.Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ramdam na ramdam ko ang galit nito and I cannot looked on him straight from the eyes.Pagak na natawa si Franco. “Hindi ba ako ang dapat matakot sa ‘yo? I was doubting myself kung tama ba ang nakikita ng mga mata ko, but it wasn’t. You were right here in front of me, breathing.” At hinagod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.Bigla akong nanlamig. Kakaiba ang tinging ibinibigay nit
Read more
DMCA.com Protection Status