Share

Chapter 4

Hindi pa sumusikat ang araw kinabukasan, gising na agad ako. Kainip-inip ang bawat sandali para sa akin. Kung pwede nga lang hilahin ang oras ay ginawa ko na. Alas-nuebe nang dumating si Franco sa amin. 

Nagkukumahog akong bumaba ng aming hagdanan ng ipaalam sa akin ni Manang Lourdes na naghihintay na sa akin si Franco.

“Be back before dinner, Marga. And hijo, ingatan mo itong dalaga namin, ha? Malilintikan ako kay Tito Valencio mo kapag may nangyaring masama dito,” ang mahabang bilin ni Mommy sa aming dalawa. Hindi nawawala ang makahulugang ngiti nito habang nakatingin sa akin.

“Yes, Tita. I’ll make sure she will be back before dinner.” Nakangiting sagot ni Franco kay Mommy sabay kindat sa akin.

I blushed at nagwelga nang sobra ang puso ko. Pakiramdam ko sasabog ito anumang sandali. Now, I realized Franco has a naughty side of him. Aside from that, he’s also a gentleman. Unti-unti ko na itong nakikilala.

“We’ll go ahead, Tita.” Paalam ni Franco.

“Bye, Mommy,” ang tangi ko na lang nasabi sabay halik sa pisngi nito.

“Sige. Mag-iingat kayo, ha? Enjoy!” nakangiting wika niya sa amin. Sabay pa kaming tumango ni Franco dito.

Habang daan, hindi ko maiwasang sulyapan ito nang panaka-naka. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nito. At isa pa, wala akong kaalam-alam kung saan ba talaga kami pupunta. Sumusunod lang ako dito.

Biglang tumigil si Franco na ikinagulat ko. “Stop staring at me like that, Princess.” Seryosong sabi nito sabay talikod.

Naguluhan ako sa sinabi nito. Ano bang ibig n’yang sabihin? Tanong ko noon sa aking sarili. Narating naming dalawa ang dalampasigan. At sa pangalawang pagkakataon ay dumeretso ulit kami sa wharf.

“Saan ba talaga tayo pupunta Franco?” hindi na nakatiis na tanong ko kay Franco.

“You’ll see when we get there.” Franco said. At maingat ako nitong inalalayan na makasakay sa may bandang likuran nito. Wala namang pagtutol na sumunod na lang ako. 

He brought me to another island, smaller than what he owns. Natatawa na lang ako sa aking sarili habang papalapit kami doon. 

Sa San Bartolome ako ipinanganak at nagkaisip ngunit, ang mga lugar na pinagdadalhan sa akin ni Franco ay hindi ko alam na nag-eexist pala dito mismo sa amin. Kung sabagay, ma hilig kong magpunta sa plantasyon kesa magtampisaw sa dagat at maglibot dito. 

Nang makadaong kami sa isla nakita kong may nakahandang picnic sa dalampasigan nito. Its picnic by the beach. Napangiti ako. Hindi kasi ito common para sa akin. Because what I read from the books were mostly a date under the moonlight, not under the scorching heat of the sun!

Well, sa totoo lang, hindi ko pa talaga nararanasan na makipagdate sa opposite sex. This is my first time and I think this will be worth remembering.

Inakay ako ni Franco papunta sa picnic na may kung anu-anong pagkain. May kanin, fruits, adobo, fried eggs na halos masunog na, at toasted bread na brown pa rin naman ang kulay. Mukhang si Franco mismo ang nag-prepare ng mga iyon base na rin sa pagkakaluto. Pinaupo niya ako sa banig na nakalatag, which another thing that makes me smile. Ang banig. 

Kunot-noong pinagmasdan ako ni Franco. “Why are you smiling?” tanong nito. I didn’t know that Franco was watching me, while my eyes were roaming around the food.

“Nothing,” ang maikling tugon ko habang nagpipigil pa ring matawa ng malakas. Hindi na kasi maipinta ang mukha nito.

“Sorry… ito lang talaga ang kaya ko,” wika nito na kakamot-kamot sa ulo.

Doon na ako napabunghalit ng tawa na sinabayan naman nito. Ang malutong naming mga halakhak ay nag-echo sa buong isla. Subalit, unti-unting naging seryoso si Franco habang pinagmamasdan ako. Mataman niya akong tinitigan. Naging aware naman ako sa ginagawa nito kaya’t huminto ako sa pagtawa. 

Franco extended his right arm on me. Hindi ako magalaw. Parang akong itinulos sa aking kinauupuan. Then, he gathered my hair that brushing away by the sea breeze and put them at the back of my ear. Halos hindi ako humihinga ng lumapat ang mga daliri niya sa mukha ko. Nagbigay iyon nang libo-libong boltahe na nanulay sa buong sistema ko. At parang may mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tyan ko.

Maya-maya pa, unti-unting lumalapit ang muka niya sa akin. And my instinct told me to close my eyes! And I did! Nararamdaman ko na ang pagtama ng kanyang mabangong hininga sa aking mukha na nagpanginig sa aking katawan. But then, Franco stop. Just an inched away from my face.

Then, he leaned on my side and said…

“You’re driving me crazy, Princess.” Anas niya sa may punong tainga ko.

I opened my eyes. Pakiramdam ko nagkukulay strawberry na ang mukha ko sa pagkapula. This is so embarrassing! Ang inis na sabi ko sa aking sarili. Nakakahiya! Nagyuko ako ng aking ulo, para hindi nito makita ang pamumula ng aking mukha.

Pinakalma ko ang aking sarili. I took a deep breathe before looking at him. “Can we eat?” sabi ko upang mabaling sa iba ang atensyon ko.

Ngumiti si Franco, and showed his perfect set of white teeth. “Alin ba ang gusto mo? ‘Yung sunog na itlog o brown na tinapay?” ang birong-sakay ni Franco. 

Natawa naman ako. “Siguro parehas na lang. Wala rin naman akong choice di ba?” 

Si Franco na mismo ang nagdulot ng pagkain sa akin. Isang mahinhing ngiti at pag-usal ng pasasalamat ang iginanti ko rito. 

Tahimik kaming kumain at ng matapos ay ‘inaya niya akong mag-snorkeling sa paligid ng isla.

Hindi rin naman kami nagtagal at umahon din kaagad. Then I saw Franco started packing up. Nagtatakang tiningnan ko ito. 

“I told you Princess, don’t looked at me like that. You should have known what it brought upon me,” warning na sabi niya sa akin. Hindi ko alam na tapos na pala itong magligpit ng mga gamit.

“Are we going home already?” ‘di na makatiis na tanong ko dito.

“No.” Tipid na sagot ni Franco.

“Then, where are we going?” 

“At the tree house. Gusto mo bang matusta dito?” tanong nito.

Oo nga naman. Kung kaninang dating namin ay matindi na ang init ng araw, lalo na ng tumanghali. That’s why Franco lend me his sunglasses.

Mabilis akong sumunod sa kanya. Maingat naman niya akong inalalayan pasakay ng jet ski. Makalipas lamang ang ilang sandal ay naroroon na kami sa isla nito. Ngayon ko lang napagmasdang maigi ang isla. Marami ring puno ng niyog at saging sa paligid. May mangga rin na parang itinanim lang sadya doon. Marami ding ligaw na bulaklak na nakakaaliw pagmasdan. And what really caught my attention was the mini waterfalls na napakalinis ng tubig! Parang kaysarap doong magtampisaw. 

Pagkahatid sa akin ni Franco, he headed back and get the things we left. At habang papalapit ito sa akin ay napagmasdan ko itong maigi. Tinatangay ng hangin ang alon-alon nitong buhok. Namumula na ang balat nito sa sikat ng araw. And my God! Napaka-gwapo nito sa suot nitong sunglasses. Mala – Zac Efron ang dating, pero pinoy version.

Napahagikhik ako sa aking sarili. Hindi nakapagtatakang patay na patay dito si Nicole. Malamang kung ‘di ito tahimik sa school nilahe will became a campus heartthrob. Well… marami na rin namang may gusto dito kahit nakasuot ng makapal na salamin kapag pumapasok. 

“Are you gonna help me o tititigan mo na lang ako?” seryosong tanong nito sa akin. 

Kanina pa pala ito may iniaabot sa akin. “Ito na,” mabilis na wika ko. “Ano ba kasi ang mga ito?” tanong ko dito. Nakita ko ang kung anu-anong bungkos ng plastic ang dala-dala nito.

“Wala,” maikling sagot nito at dumeretso na sa loob ng tree house.

Napa-iling na lang ako. Ito ang isang problema dito. Nuknukan ng sungit kung minsan. 

“What do you want for lunch?” tanong nito habang inaayos ang mga gamit sa loob ng tree house. 

Tabingi akong ngumiti. Base kasi sa breakfast namin kanina parang nag-aalangan na akong kumain ng luto nito.

“Are you sure makakain ang sinasabi mo?” ang birong tanong ko rito.

“Of course!” Mabilis na sagot nito. “Wait here, I will caught some fish for you,” sagot nito at may kinuha sa likurang bahagi ng bahay. Isang pana.

“Are you gonna spearfishing?” ang manghang tanong ko rito.

“Yes. At iyon ang kakainin natin,” sabi nitong nakataas noo at pagkatapos ay bumaba na. Naglakad na ulit ito pabalik sa dalampasigan.

Pagkaalis ni Franco ay pumasok ako sa loob. Nahiga ako sa nakalatag na banig.  Sa katahimikan ng paligid ay napaisip ako. Alam kong may nararamdaman si Franco para sa akin, pero hindi pa naman ito nagsasabi directly. Well, that’s good. At least nakikilala ko muna s’ya ng maayos. 

Sa ngayon kasi nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko para dito. Alam kong bago pa ang lahat sa akin at siguro, gusto ko munang i-secure ang puso ko sa mga pwedeng maganap. Wala akong karanasan when it comes to love, at natatakot ako sa kaalamang ‘yon. Ayoko pang masaktan. 

Nakatulugan ko na ang pag-iisip ng mga bagay-bagay tungkol sa amin. Nagising na lamang ako sa mabining haplos ni Franco sa pisngi ko. 

“Princess, wake up,” anas nito. 

Nagmulat ako ng aking mga mata. Ang gwapong mukha nito ang tumambad sa akin. Biglang nagrambol ang puso ko. Ganito na kalala ang epekto ni Franco sa sistema ko.

“Lunch is ready,” mahinang sabi nito.

Tumango ako. Inalalayan naman ako ni Franco na makabangon. Paglabas namin ng tree house ay naamoy ko na kaagad ang aroma ng inihaw na isda. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Pakiwari ko ay pasado alas-dos na kaya siguro gutom na gutom na ako.

May apat na kalakihang isda akong nakita na inihaw nito. Sa isang banda ay may buko at saging. Lalo akong nagutom. 

Nauna na akong umupo at nagsimulang kumain ng hindi ito pinapansin. Parang nakalimutan kong may kasama ako. Sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo. Uncaring even if Franco was watching me.

“Sorry… I should have known na hindi ka nga pala masyadong nakakakain kanina. Gutom na gutom ka tuloy,” hinging-paumanhin nito sa akin. Umiling lamang ako at nagthumbs-up dito. Hindi ko kasi makuhang magsalita dahil punong-puno ng pagkain ang bibig ko. 

Naintindihan naman niya ako. Naupo na rin ito sa tabi ko at nagsimula na ring kumain. Panaka-naka’y tinitingnan niya ako. Napansin ko na napatigil ito sa pagkain. 

“Bakit? Masarap naman ‘to, ah,” wika ko.

Napangiti ito at iiling-iling na dumukhang sa harapan ko, sabay punas ng kamay nito sa gilid ng labi ko. Dagli akong napaatras. May uling pala ako sa mukha.

Nabigla naman ako sa ginawa nito pagkuwa’y kiming ngumiti. “Salamat.” Sabi ko.

“You’re welcome. Masarap ba?”

“Uh-huh... Not unlike our breakfast,” ang sagot ko na hinaluan ng panunudyo ang aking boses.

Natawa naman ito. “Pasensya ka na. Hindi ako sana’y magluto ng ganoong pagkain. But… from now on, I will asked Yaya Saling to prepare our food next time we go here, ” sabi ni Franco.

“So you mean to say we will come here again?” ang natutuwa kong tanong dito.

“That if only you’d like to come with me again.” 

“Of couse!” ang mabilis kong sagot. Masaya naman akong kasama ito at nag-eenjoy talaga ako ng husto.

Nakita kong ngumiti si Franco at naging magana na rin ito sa pagkain. Things may be unclear between us but, we both enjoy each others company. And I think that would be enough… for now.

**

“Good evening, Tita Zen.” Bati ni Franco kay Mommy ng ihatid niya ako sa amin

“O…hijo, hija. Andyan na pala kayo,” ani Mommy at iniwan ang kanyang ginagawa. Humalik ako sa pisngi nito. “Nag-enjoy ba kayong dalawa?” tanong niya habang mataman kaming pinagmamasdan ni Franco.

“Yes, Tita…” 

“Yes, Mommy…” magkasabay naming sagot ni Franco.

Natawa naman si Mommy. “Franco joined us for dinner. Nagpahanda ako nang marami kay Manang Felly,” pag-iimbita ni Mommy kay Franco maya-maya.

“I would gladly accept that, Tita.” tugon ni Franco. Sumabay na ito sa amin papasok ng bahay. Ako naman ay dumeretso muna sa kwarto ko at nagpalit ng damit. 

Nagtatawanan sina Mommy at Franco ng baba ko. Wala pa si Daddy na malamang ay nasa manggahan pa rin sa mga oras na iyon.

“Marga, sit down,” ang sabi ni Mommy sa akin. “Franco and I were talking about his naughtiness way back before. Imagine he always tend to hide at the coconut tree when he was a little,” ang kwento pa ni Mommy sa akin. Mukhang magkasundong-magkasundo ang dalawa at pati kalokohan ni Franco ay naikwento na niya kay Mommy. 

Tahimik akong naupo sa tapat ni Franco. Maingat naman akong dinulutan nito ng pagkain. Nahihiya naman ako kay Mommy na mataman lang kaming pinagmamasdang dalawa.

“So tell me Franco, do you like my daughter?” walang kaabog-abog na tanong ni Mommy dito. Pareho pa kaming nagulat sa tanong nitong iyon. Namumula ang aking mukha na nilingon ang aking ina.

“Mommy!” mabilis na sawata ko dito. Hindi ko na alintana pa kung puno pa ang bibig ko.

Isang warning looked ang ibinigay nito sa akin. “Marga, your table manners,” anito.

Si Franco naman ay tinitigan ako. Pagkatapos ay, “Yes, Tita,” anito sa seryosong tinig habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang aking mga mata. 

He confessed directly for the first time! At sa harapan pa talaga ni Mommy!

Napalunok ako bigla at bigla rin namang naubo dahil hindi ko pa nangunguya ang pagkain sa bibig ko. Dali-dali akong inabutan ni Franco ng tubig. Inisang lagok ko iyon at nakahinga ako ng maluwag ng mawala ang bara sa aking lalamunan.

Nagbalik sa isip ko ang sinabi nito. At parang biglang nagtititili ang utak ko. Franco likes me! Franco likes me! 

At kasunod noon ang ‘di matatawarang kasiyahan na aking nadarama ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko para akong nakalutang sa ulap. Ngayon mas malinaw na sa akin ang lahat.  Akala ko hindi pa ako handang marinig iyon, pero mali pala, dahil nawala ang nadarama kong takot dito sa puso ko.

Bigla namang tumikhim si Mommy. Para kasing hindi na ito nag-eexist kung magtitigan kaming dalawa ni Franco. Bigla akong nagyuko ng ulo at sumubo ulit ng aking pagkain.

“Really? When did it started?” pangungulit pa ni Mommy. Mukhang mas excited pa ito kesa sa akin.

“Mommy, pwede ba… Stop asking questions like that to Franco. Nakakahiya...” sabi ko pagkatapos lunukin ang aking pagkain. 

Para kasing teenager ang mommy ko. Daig pang ito ang nililigawan.

“Its okay, Marga. Hindi naman nakaka-offend ang tanong ni Tita. She has the right to know ‘cause I’m courting her daughter from now on,” ani Franco at ngumiti kay Mommy. 

Hindi na talaga maaawat ang puso ko. Parang may sarili itong isip na kusang nagre-response sa tuwing may sasabihin si Franco. Nagwewelga ng sobra.

“So? When was it?” ulit pa ni Mommy sa tanong niya kanina.

“Many years ago, Tita,” ang sagot ni Franco na mas ikinabigla ko naman.

Many years ago! Nagtutumining sa isip ko ang sinabi nitong iyon. So, all this time, may gusto na pala si Franco sa akin! 

“We haven’t been friends in school, nor chatted for a very long time with regards on other things,” pagdiriin nito sa huling sinabi. “Nagkakausap lang kami when it comes to school activities or group projects. But, regardless of that, I fell for her. You do not see her in school, but she’s very popular. She has this kind of personality that everyone could easily fall for her even without trying,” mahabang paliwanag nito. “But I know her priorities. In fact, I intentionally distanced myself from her. I don’t want to be her distractions. And besides, Benedict always around,” ang natatawa pang dugsong nito na ang tinutukoy ay ang kapatid ko. Natawa ng malakas si Mommy at ako naman ay napangiti.

Oh God! All this time, he was just watching me from a far, waiting for the right chances to come. Kinikilig kong sabi sa sarili. Nakakapang-lambot ng tuhod ang mga sinasabi nito ngayon at sa harapan pa talaga ni Mommy!

“Right… Right... Benedict won’t let anyone hurt her little sister. He’s very protective to Marga,” sang-ayon ni Mommy kasabay ng pagtango.

“I understand him. I could have done the same if I have a sister, too.” Sagot ni Franco.

Marami pang napag-usapan ang dalawa. Hindi naman ako halos umiimik sa buong duration ng dinner namin. Masyado pa kasing bago sa akin ang lahat. Natatakot pati ako, na baka sa oras na magsalita ako’y ipagkanulo ako ng aking nararamdaman. Alam ko kasing unti-unti ng nagkakapuwang sa puso ko si Franco.

Masaya ako tuwing kasama ko siya at para bang laging nakikipagkarera ang puso ko sa tuwing tititigan niya ako. Wala kasi itong tigil sa mabilis na pagtibok. Nakahinga ako nang maluwag ng matapos na kaming kumain. Nagpaalam na si Franco kay Mommy. At inihatid ko naman siya sa may gate.

“See you at the school, Princess. Good night,” ang turan ni Franco sa akin. Isang mahinang tango lang ang isinukli ko dito at pumasok na ako sa loob ng bahay nang mawala na ito sa aking paningin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status