“Marga…” basag nito sa kanilang katahimikan sabay titig sa akin. Ang mala-agila nitong mga mata ay may kakaibang pinahihiwatig. Parang may nais itong sabihin ngunit pinipigilan nito ang sarili.Bahagya akong naguluhan sa titig na ibinibigay nito sa akin. “Hmmm?” tugon ko dito. “I’m so sorry,” pagkuwa’y sabi nito. “I won’t leave you anymore, I promised.” Anito at iniangat nito ang kamay papunta sa mukha ko. Marahan nitong hinaplos iyon ng mapakunot-noo ito. “What happened here?” takang tanong nito na ang tinutukoy ay ang bakas ng kamay ni Bianca sa aking pisngi.Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong sagutin iyon. Ayokong makadagdag pa iyon sa iniisip nito. Baka pagmulan pa iyon ng away nilang mag-asawa.Pero bumangon ito at pilit ako pinaharap sa kanya. This time, he’s very serious. “Where did you get this Marga?”Nanatiling nakatikom ang mga bibig ko. And from the agonizing looked a while ago, he was now very frustrated.“Is it Bianca?” tanong nito na mukhang nahulaan na kung ano talaga an
I was in the restaurant that day when I got a skype call from Troy.“Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!” ang tumitiling sabi nito pagkasagot na pagkasagot ko. Halos bumuka na ‘ata lahat ng vocal chords nito sa lalamunan sa tindi ng tiling ginawa nito.Tatawa- tawa naman ako sa itsura nito. Kakatapos ko lang kasi itong i-message tungkol sa status ng relasyon namin ni Franco at wala pang ilang segundo ay heto at kausap ko na ito.“Oh! My! God!” ang humihingal pang sabi nito habang iwinawasiwas ang kamay sa mukha nito na parang init na init. “I’m not dreaming right?” Tumango ako. Nakikita kong kilig na kilig ito.“So tell me, did you two did it?” tanong nito.“Do what?” kunot-noong tanong ko rito. Kakaiba ang ngiting ibinigay nito sa akin. “Troy!” ang naeeskandalong sabi ko ng ma-realize ang ibig nitong sabihin. “Marga its 2021! At matagal kayong nagkahiwalay! Alangan namang hindi ninyo na-missed ang isa’t isa.” Tumitirik ang mga matang sabi nito.Huminga ako nang malalim bago ito sinagot. “We just w
“Mommy looked,” sabi ng tatlong taong gulang naming anak na si Sandro. Itinuturo nito ang mga ibon sa himpapawid. Nasa tree house kami ng mga sandaling iyon. Tuwing may oras kami ay lagi naming ipinapasyal ang kambal naming anak na sina Sandro at Veronica dito. Si Veronica ay masayang naglalaro ng barbie doll niya sa isang tabi.“What do you call with that?” tanong ng nakangiting si Franco na papalapit sa aming mag-iina.“Berdhs,” sagot naman ni Sandro sa medyo utal pang boses.Kinuha ni Franco si Veronica at kasamang naupo sa tabi namin.“So, do you like berdhs?” panggagaya ko sa sinabi nito na ikinangiti ng aking asawa.“Yes, Mommy. I also like treesh and fishes,” madaldal pang dugtong nito na ikinatawa naming mag-asawa.“And you also like Diana,” sabi naman ni Veronica na mas matatas magsalita kaysa dito. Tiningnan ito ng masama ni Sandro na lalo naming ikinatuwa.“So, who is this Diana?”nagmamaang-maangang tanong ni Franco kay Veronica.“Diana is Ninang Gina’s daughter. Have yo
Marga“Congratulations to us!” ang masayang sabi ni Troy sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina nito. Nakuha ko kasi ang deal sa Paradise Hotel, one of the best hotel dito sa Singapore. We were planning to expand our business, and Paradise Hotel is a great stepping stone for us. Kaming dalawa ni Troy ay magkasosyo sa negosyo. Itinayo namin ang Artemis Grill seven years ago, at ngayon nga ay isa na ito sa kinikilalang restaurant sa bansa. Si Troy Gascon ay isang Filipino – Singaporean at ang COO ng business namin. Sa edad nitong tatlumpu’t lima ay marami na rin itong napatunayan sa buhay. Matanda lang siya sa akin ng dalawang taon. Ako naman ay nagmula sa isang prominenteng pamilya sa Pilipinas na nag-base na sa Singapore, thirteen years ago, at ngayon ay siyang CEO ng restaurant namin. “Well, we both know na ikaw ang dahilan kung bakit natin nakuha ang deal,” ang tatawa-tawang wika ko sa kanya. Umirap siya sa akin at humalukipkip. “Fine! Fine! Whatever!” aniya na ikinataw
Oras nang uwian, nasa labas na ako ng campus para hintayin ang sundo ko. Karaniwan ay alas-singko pa lang ay nasa campus na si Mang Dante, ngunit mag-aala sais na ay wala pa rin ito. Medyo madilim na ang paligid at mukhang uulan, kaya naisipan kong mag-commute na lang. Iti-next ko na lamang si Mang Dante na huwag na akong sunduin. Baka kasi nasiraan ito sa kung saan kaya hindi dumating sa takdang oras ng sundo ko. Pumara ako ng jeep at dali-daling sumakay. May mangilan-ngilang estudyante akong nakasabay sa loob. Ilang metro na lamang ang layo ko sa amin nang biglang bumuhos ang ulan. Wala akong dalang payong, kaya sa ayaw at sa gusto ko ay magsasayi na lamang ako sa ulanan. “Manong sa tabi lang po,” ang magalang kong sabi sa driver ng jeepney. Kahit nag-aalangang bumaba dahil sa lakas ng ulan, wala naman na akong pagpipilian. Dali-dali akong bumaba ng huminto ang jeep. Tatakbo na sana ako pagkababa ko nang biglang may narinig akong isang mahinang click, at biglang may bumukas na p
The night went deeper but the party was just getting started. I got exhausted with the loud noise around me. Kaya nagpaalam na ako kay Mommy na papasok na sa loob ng bahay, at mabilis naman itong sumang-ayon. Ang mga kaibigan at kaklase ko ay nagsi-uwian na rin because tomorrow is Monday. But instead of going upstairs, I head out again. But this time, I went to the beach. I sat on the sand then looked around the endless dark ocean. Maganda ang panahon at kita ang nagkikislapang mga bituin sa langit. I took a deep breath, filling my lungs with some salty-fresh air. Matagal-tagal din akong nanatili sa ganoong posisyon, hanggang sa mag-decide akong maglaka-lakad sa baybayin. Hinubad ko ang sandals na suot ko and walked slowly. Manaka-naka’y nililingon ko ang aking pinanggalingan at tinatantya ko kung gaano na ako kalayo, until I reached Franco’s resort. May mangilan-ngilan pa ring guests doon na nagkakasiyahan sa dalampasigan. Naisip ko si Franco. Maybe he was sleeping now, sa loob-l
Hindi pa sumusikat ang araw kinabukasan, gising na agad ako. Kainip-inip ang bawat sandali para sa akin. Kung pwede nga lang hilahin ang oras ay ginawa ko na. Alas-nuebe nang dumating si Franco sa amin. Nagkukumahog akong bumaba ng aming hagdanan ng ipaalam sa akin ni Manang Lourdes na naghihintay na sa akin si Franco.“Be back before dinner, Marga. And hijo, ingatan mo itong dalaga namin, ha? Malilintikan ako kay Tito Valencio mo kapag may nangyaring masama dito,” ang mahabang bilin ni Mommy sa aming dalawa. Hindi nawawala ang makahulugang ngiti nito habang nakatingin sa akin.“Yes, Tita. I’ll make sure she will be back before dinner.” Nakangiting sagot ni Franco kay Mommy sabay kindat sa akin.I blushed at nagwelga nang sobra ang puso ko. Pakiramdam ko sasabog ito anumang sandali. Now, I realized Franco has a naughty side of him. Aside from that, he’s also a gentleman. Unti-unti ko na itong nakikilala.“We’ll go ahead, Tita.” Paalam ni Franco.“Bye, Mommy,” ang tangi ko na lang nas
Mula noon, madalas na kaming magkasama ni Franco. We both agreed to become civil on school, but other than that, parang hindi na kami mapaghiwalay na dalawa. At lingid ito sa kaalaman ng mga kaibigan ko.Nang dumating ang prom namin, Franco asked me to be his date na hindi ko naman tinanggihan. It was the night he was waiting for, ang ipangalandakan sa buong eskwelahan na nililigawan niya ako.“Hija, bilisan mo naman. Kanina pa naghihintay si Franco sa ibaba,” sabi ni Mommy ng silipin niya akong muli sa aking kwarto. “Just a minute, Mom.” Sagot ko.Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Muli akong umikot sa harap ng salamin. Naka-yellow dress ako na parang damit ni Belle sa Beauty and the Beast. Ang buhok ko ay itininaas ni Mommy at nagtira lang ng konting mga hibla sa harap. As usual, light pa rin ang make-up ko na nagpalutang sa taglay kong kagandahan.Nang makontento ako sa aking ayos, bumaba na ako. Nasa puno pa lamang ako ng hagdanan sa taas ay matamang nakamasid na sa akin si Fran