Share

Chapter 3

The night went deeper but the party was just getting started. I got exhausted with the loud noise around me. Kaya nagpaalam na ako kay Mommy na papasok na sa loob ng bahay, at mabilis naman itong sumang-ayon. Ang mga kaibigan at kaklase ko ay nagsi-uwian na rin because tomorrow is Monday. 

But instead of going upstairs, I head out again. But this time, I went to the beach. I sat on the sand then looked around the endless dark ocean. Maganda ang panahon at kita ang nagkikislapang mga bituin sa langit. I took a deep breath, filling my lungs with some salty-fresh air. 

Matagal-tagal din akong nanatili sa ganoong posisyon, hanggang sa mag-decide akong maglaka-lakad sa baybayin. Hinubad ko ang sandals na suot ko and walked slowly. Manaka-naka’y nililingon ko ang aking pinanggalingan at tinatantya ko kung gaano na ako  kalayo, until I reached Franco’s resort. May mangilan-ngilan pa ring guests doon na nagkakasiyahan sa dalampasigan. 

Naisip ko si Franco. Maybe he was sleeping now, sa loob-loob ko.

I was about to turn around when something caught my attention. Sa likod ng isang punong niyog sa di kalayuan, ay may isang anino akong nakita. I got curious and walked straight to it. And then I saw Franco continuously punching the tree!

Agad akong naalarma. Nilapitan ko ito sa tahimik na paraan. Halos mapapikit ako sa lakas ng mga suntok nito sa puno. At alam kong sugatan na ang mga kamay nito.

“Franco…” anas ko mula sa likuran niya. 

Biglang siyang napalingon sa akin. Our eyes met. At kita ko sa mga mata nito ang matinding galit. Napaatras ako. Mali yata ang ginawa kong panghihimasok dito. 

“What are you doing here?” galit na galit na tanong niya sa akin na halos ikanginig ng mga binti ko. 

Hindi ko pa siya lubos na kilala, kaya hindi ko alam kung paano haharapin ang galit na nakikita ko sa mga mata niya. Yumuko ako and his hands caught my attention. Namumula iyon at umaagos ang sariwang dugo!

Mabilis ko itong sinulyapan ng may pag-aalala. “Your…hands…” ang nanginginig na turo ko sa mga kamay nito. 

Franco looked at his own hands. “It’s none of your business,” ang mariing wika niya bago ako muling hinarap. “Ypu should go home now. Malalim na ang gabi, birthday girl.” Dagdag nito habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ko. 

I was still wearing my dress. At ngayon ko lang na-realized kung gaano kalamig. Nanginig ang baba ko.

“Stay put. I won’t bite you.” Utos niya sabay hubad sa suot na jacket at inilagay iyon sa aking mga balikat.

“Thank you…” mahinang usal ko.

“Now, Princess… go home,” pagtataboy nito sa akin.

“But…” hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin, dahil mabilis na itong tumalikod at lumakad pabalik sa kanila. Wala akong nagawa kundi umuwi na rin sa amin. Bitbit sa dibdib ang pag-aalala sa nakita kong tagpo kanina. Pero hindi pa rin nakaligtas sa aking pandinig  ang endearment na ginamit nito.

Princess. 

At wala sa sariling napangiti ako habang papasok na ng aming bahay. He may seemed to be aloof, but I could his gentleness. At hanggang sa pagtulog ay laman si Franco ng aking isipan.

***

Weeks gone so fast, but Franco didn’t attend the school the whole week. Marahil ay nagpapagaling ito ng mga sugat sa mga kamay. 

Nabalitaan ko rin kay Mommy na lumipad daw papuntang U.S si Mrs. Saavedra. Hindi ko man alam ang eksaktong dahilan, pero mukhang iyon ang ugat ng pagkakaganoon ni Franco nung kaarawan ko.

Nang sumapit ang Sabado, naisipan kong maglakad-lakad muli sa dalampasigan. Nagbabakasakaling makita ko ulit si Franco. Nakarating ako sa lugar kung saan ko ito nakita nang gabing iyon. 

Iniikot ko ang mga mata sa paligid. Papalubog na ang araw ng mga sandaling iyon at nagsasabog ito ng iba’t ibang kulay sa kalangitan. It looks magnificent and enchanting.

Tinungo ko ang punong niyog na nakatikim ng galit ni Franco, at naroon pa rin ang mga tuyong dugong nagmula sa mga kamay nito. Pinaraanan ko iyon ng aking mga daliri and I could still remember the pain and anger on Franco’s eyes, while looking at it.

“You’re trespassing again, Princess,” anang baritonong tinig mula sa aking likuran. 

Nagpapitlag ako. Agad ko itong nilingon at nagtama ang aming mga mata. This time Franco wasn’t wearing his thick glasses. At ang maiitim nitong mga mata ay matiim matiim na nakatitig sa akin.

“Did I startled you?” ang tanong ni Franco sa akin.

“No! I mean yes.” Ang mabilis kong bawi.

“What are you doing here?” ang tanong ulit nito na hindi ako hinihiwalayan ng tingin. Bumukas-sara ang bibig ko ngunit, walang tinig na lumabas doon. I became speechless in front of him. “The Princess bite her tongue, huh!” may halong panunuyang sambot nito.

Marahas akong humugot ng hininga. “Stop calling me Princess,” naiiritang sabi ko dito. 

“Now, you’re talking,” anito. “What are you really doing here? This place is very dangerous for a Princess like you,” sabi ni Franco habang iginagala ang paningin sa paligid.

Nagyuko ako ng ulo. “Sorry… I shouldn’t be here,” sabi ko sa mababang tono. Sinipa-sipa ko ang mga buhangin sa aking paanan. 

Matagal akong pinagmasdan ni Franco, then I heard him sighed. “Fine. I won’t asked you again. Baka masyado ka namang matakot sa akin,” may himig pagbibirong wika nito.

Napatingin ako dito, there’s something in his eyes that I couldn’t figured out. Pero unti-unti napapalagay na ang loob ko sa kanya.

Bahagyang sumilay ang ngiti sa mga labi ko. “Thank you,” ang sabi ko. 

Mataman pa rin itong nakatitig sa akin. May kakaibang kislap sa mga mata nito at hindi ko mawari kung paghanga ba iyon o pagkainis.

“You wanna come with me?” ang sunod na namutawi sa bibig nito pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. 

Napakunot-noo ako. Ibang Franco na ang kaharap ko. Hindi na ito galit at lalong hindi nagsusuplado. Nagbago din ang tono ng pakikipag-usap nito sa ‘kin, naging pala-kaibigan na. 

Tumikhim ito na ikinapitlag niya.

“Where?” ang mabilis niyang bawi.

“Come, I’ll show you something,” anito at ngumiti sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. 

Tinitigan ko iyon. Laking pasasalamat ko ng makitang hilom na ang mga sugat doon. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa. Walang pag-aalinlangang tinanggap ko ang kamay nito.

At sa pagkakadikit ng mga balat namin, kakaibang init ang hatid noon sa aking katawan. Nagwawala ang aking puso. At hindi mawala sa isip ko ang ipinakita nitong pagngiti kanina. How I wished he was always like this dahil mas lalo itong gumwapo sa paningin ko. 

Dumeretso kami sa wharf ng mga ito. Sinuotan niya ako ng life vest. At pagkatapos ay nauna na itong sumakay sa jet ski. Ang isang kamay nito ay may hawak na flashlight na hindi ko agad napansin kanina. 

Inalalayan niya akong makaupo sa likuran nito. Mabilis nitong pinaandar ang jet ski hanggang sa matanaw ko ang tinutumbok namin. Isang isla. 

“Where are we?” tanong ko rito habang iginagala ang aking paningin sa paligid.

“My island,” maikling sabi nito at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa medyo may kasukalang gubat. 

Hindi na ako nagulat pa sa sinabi nito dahil mayaman naman sila. Bukod sa pag-aaring resort, mayroon din silang sampung chains ng gasoline station sa aming probinsya. Dati ring mayor ng San Bartolome ang ama nito. 

Sinundan ko si Franco at di ko alintana ang maliliit na sanga na humahampas sa akin. Narating namin ang isang napakalaking puno na sa tingin ko ay mas matanda pa sa mga magulang namin. At sa ituktok ng puno ay may isang bahay.

“A tree house!” manghang bulalas ko. Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ko iyon. 

Nakita kong ngumiti si Franco sa gilid ng aking mga mata. “Welcome to my haven, Princess.” Wika nito sabay yukod sa akin na animo’y isang prinsipe.

Natawa ako, “I didn’t know this place existed here.” Ang hindi pa rin makapaniwalang sabi ko. 

Iniikot ko ang paningin sa buong paligid. Nakakamagnetismo ang buong lugar. At ang puno ng tree house, tila ba isang hari na nakatunghay sa kanyang nasasakupang teritoryo.

“Papa bought this place for me… A my birthday gift.” aniya.

“How do you go up there?” tanong ko sa kanya. Kanina ko pa iyong naiisip, dahil wala akong nakikitang hagdanan paakyat sa itaas. 

Hinagod muna nito ng tingin ang katawan ng puno pataas sabay sabing, “Climbing.” 

Hindi ko mawari kung nagbibiro o hindi, dahil sa itaas nakatutok ang mga mata nito. “Are you serious?”

Nakangiting bumaling ito sa akin. “Of course, I am!” sagot nito sabay akyat sa puno. Walang kahirap-hirap na narating na nito ang tree house.

“How about me?” ang tanong ko. Unti-unting bumabangon ang inis sa dibdib ko. Isinama lang ba ako dito ni Franco para lang ipakita ang tree house na di ko naman maaakyat? 

Iiling-iling naman ang binata sa itaas. Mababakas ang nakalolokong ngiti sa mga labi nito. “Kung ayaw mong papakin ka ng lamok d’yan, di magsimula ka ng umakyat.” Sabi nito at pumasok sa loob ng tree house. Paglabas nito ay may dala ng alcohol lamp at sinindihan iyon.

“I don’t know how to climb a tree!” naiinis na sabi ko dito sabay talikod. Magmamartsa na sana ako paalis ng marinig ko ang malutong nitong halakhak. Napalingon ako bigla.

Sa naghahalong dilim at liwanag, at sa tulong ng alcohol lamp sa tabi nito ay kitang-kita ko ang kakaibang Franco. Kumikislap ang mga mata nito sa pagtawa. Aakalain mong hindi nito kayang magalit gaya ng nakita ko sa mga mata nito noong nakaraang linggo.

“Okay, Princess. I’ll help you climb to my palace. Just shout, Franco! Franco! Let down your stairs,” panggagahad pa nito sa boses ko.

Imbis na mainis, natawa na lang ako at ginaya ito, “Franco! Franco! Let down your stairs!” sabi ko. 

Nakangiti namang inihagis ni Franco ang hagdanan.  Tali iyon na may mga kahoy na nagsisilbing apakan. Bigla akong nag-alangang umakyat. I am doubting if it is durable or not.

“Makikipagtitigan ka na lang ba d’yan sa tali or you’re going to climb up here?” ang nakakalokong tanong nito sa akin.

Inirapan ko ito. Wala akong nagawa kundi ang umakyat. Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko habang ginagawa iyon. Pakiramdam ko anumang oras ay mahuhulog ako. Hindi nagtagal ay narating ko na ang tree house. 

Iginila kong muli ang mga mata sa paligid. This time I was right here on top of the tree. “Wow! This is really heaven! It’s so beautiful up here!” kulang ang mga salita para i-describe ang aking mga nakikita. Natatanaw ko ang buong isla at napakalawak na karagatan. Napakapayapa… Napakatahimik... Parang kaysarap tirahan.

Si Franco ay seryosong nakamasid lamang sa akin. 

Sunod ko namang inusisa ang mismong loob ng tree house. May kung anu-anong gamit na nakalagay dito. May banig, may mga old toys, libro, at… kumunot ang noo ko. Gitara? Napalingon ako kay Franco. “You played guitar?” tanong ko rito.

Humakbang ito palapit sa akin at kinuha iyon. “Uh-huh…” anito.

“Can you play one song?” ang mabilis kong sabi bago pa magbago ang mood nito. Isinantabi ko na muna ang kaunting hiya na nararamdaman ko para lang masaksihan ang tinatago nitong talento.

Nag-isip ito mabuti, bago tumango. Sumalampak ito ng upo sa sahig at ginaya ko naman iyon.

Franco started to strum the guitar. 

Sa una, parang kinakapa pa nito kung nasa tono iyon. Then, he stop and looked at me. 

Bigla akong kinabahan. 

Kakaiba ang tinging ibinibigay niya sa akin. Tila iyon nang-aarok. There’s a spark in his eyes that I couldn’t understand. And then, he started singing the first line.

And what the heck!

He has a very beautiful voice! Nanlalaki ang mga matang sabi ko sa sarili habang nakatingin dito.

Busog na busog ang mga tenga ko sa pakikinig sa kanya. 

Hearing him singing, and at the same time, playing the guitar was so relaxing. Para akong idinuduyan sa alapaap habang pinakikinggan si Franco. At bukod doon, kinikilig ako.

Hindi ko na namalayan pa na tumigil na pala ito, that the song was already ended. All i know was that he was starring at me intently which makes my heart beats faster. Halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng pagtibok niyon.

 Titig na titig pa rin siya sa akin, habang ako naman hindi malaman ang gagawin.  Pakiwari ko kakapusin na ako ng paghinga ng mga sandaling iyon.

Huminga ako ng malalim. Sunod-sunod. 

I realized one thing, Franco likes me! Pero… Paano??? Kelan pa??? 

Ang daming tanong sa aking isipan, subalit kakaiba ang reaksyon ng sutil kong puso. Walang tigil iyon sa mabilis na pagtibok.

 “Let’s go… It’s getting late. Baka hinahanap ka na sa inyo.” Basag nito sa katahimikan. Tumango lamang ako. Hindi ko makuhang umimik. Inalalayan niya akong makatayo at hanggang sa makababa ng hagdanan. At tahimik lang kaming naglakad pabalik sa dalampasigan hanggang makauwi sa resort nila.

***

Dali-dali akong bumaba ng jet ski ng marating namin ang wharf. I knew by now, my Mom were looking for me. At siguradong malilintikan ako rito kapag nalamang wala pa ako sa amin.

“Can we meet again tomorrow?” Franco asked.

“I don’t know… Baka hindi ako payagan ni Mommy oras na makitang wala pa ako hanggang ngayon sa amin.” Nakayukong sabi ko upang itago ang panghihinayang na nadarama ko. 

“Then, I’ll go with you,” Franco said at nagpati-una na itong maglakad papunta sa bahay namin. 

Mabilis akong sumunod dito. Naguguluhan man pero mas lamang ang katuwaang nadarama ko sa aking puso. I still have a chance to be with him. 

Hindi man nito inuungkat ang nangyari sa tree house kanina, palagay ko sinasadya n’ya lang iyon. Hindi ko alam kung alin sa aming dalawa ang ginagawa nitong dahilan, kung nahihiya ba ito o binibigyan lang ako ng panahon na mag-isip.

Pagdating sa amin, malayo pa lang ay natatanaw ko na sa bungad ng pintuan si Mommy. Hindi ko maiwasang kabahan ng todo lalo na at ang kasama ko ay lalaki.

“Where have you been Marga?” ma-awtoridad na tanong ni Mommy sa akin, pagkapasok na pagkapasok namin sa gate.

“Good evening, Mrs. Agustin.” Magalang na bati ni Franco kay Mommy. Nabaling naman ang atensyon ni Mommy sa kanya. “Sorry for sending Marga late. I asked her to help me on my studies. Marami po kasi akong na-missed na lessons.” Paliwanag ni Franco na ikinagulat ko.

 Pinanlakihan ko ito ng mga mata. What was he thinking? Natatakot na tanong ko sa aking sarili, habang naka-finger cross ang mga daliri ko sa likod. Oras na mahuling nagsisinungaling kami, maga-grounded ako nang wala sa oras.  

Nag-aalangang tumingin ako kay Mommy na saktong lumingon sa akin.

“Really?” sabi ni Mommy. Tinitigan niya akong maigi sa mga mata, waring sinusukat kung tama ang sinasabi ni Franco. 

Wala akong nagawa nang mga sandaling iyon kundi ang tumango at ngumiti ng bahagya, para sang-ayunan ang sinabi ng binata. Ngumiti din naman si Mommy na ikinahinga ko ng maluwag. 

“Have you eat dinner, Franco?” tanong ni Mommy kay Franco. 

“Yes, Mrs. Agustin. Thank’s for asking.” Ang magalang na tanggi nito, kahit ang totoo ay hindi pa naman talaga ito kumakain. 

Tiningnan ko ito ng masama pero hindi naman nito iyon pinansin. Now, I also cannot eat dinner. Mommy would think I eat with him.

“By the way Mrs. Agustin—” napatigil si Franco ng biglang iwinasiwas ni Mommy ang kanyang kamay. 

“Drop that Mrs. Agustin, hijo. Just call me Tita Zen.” Mabilis na saad ni Mommy na sinundan ng napakatamis na ngiti. 

Pinandilatan ko ang mommy, pero hindi naman ako pinansin nito. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko sa mga ngiti nito. 

Mabilis namang tumango si Franco. “Alright... Tita Zen, then,” saad ni Franco.

“Ano nga ulit ‘yung sasabihin mo, hijo?” tanong ni Mommy. Hindi na yata talaga mawawala ang matamis na ngiti sa labi nito. Mukhang nagustuhan agad ito ni Mommy.

“Can I asked your permission, Tita? Gusto ko po sanang imbitahan si Marga sa resort bukas. I just wanted to treat her dahil sa favour na ginawa niya sa akin ngayon,” ani Franco na ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwalang maglalakas-loob itong magpaalam kay Mommy. 

“Sure, hijo. Walang problema.” Mabilis pa sa alas-kuatrong sagot nito kay Franco. “Wala rin namang gagawin si Marga bukas kundi magkulong sa kwarto niya,” dagdag pa nito.

Parang wala ako sa harap ng mga ito kung mag-usap ang dalawa. ‘Ni hindi man lang ako tinanong ni Mommy kung pumapayag ba ako.

“Thank you, Tita Zen.” Masiglang sabi ni Franco. “Uuwi na po ako. Susunduin ko na lang po si Marga bukas,” pamamaalam nito.

“Sige, hijo. Mag-iingat ka…” sabi pa ni Mommy.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Franco. Natutuwa akong malaman na mabilis nitong nakasundo si Mommy. Isa pa, aminin ko man o hindi, excited na ako para bukas. At mukhang hindi ako makakatulog ngayong gabi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Funbun
hello author, i am so amazed with your stories po, andami nyo rin pong nagawa, anyway, thank you for following me po..you are my first follower talga. you deserve my gem.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status