My Anonymous Boss

My Anonymous Boss

last updateLast Updated : 2023-10-26
By:  Aliella  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
14Chapters
739views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

MY ANONYMOUS BOSS IS THE FATHER OF MY CHILD. **** Ayumi Hilary Serra came from a poor family. Everything is difficult for her as she was a working student. But things suddenly became more complicated after she got pregnant by a stranger. Her life was put in a state of turmoil… uncertainty, anxiety and social disturbances arise. She needed to stop studying and find a job. Blaming the stranger for getting her pregnant is all she can do. After three years, she was hired into a big company, the D.E.M Furniture company, as a janitress. She didn't know the real name of her boss or atleast its physical appearance. Little did she know that her anonymous boss is the father of her child. What will happen if the two cross their path again? Will they recognize each other?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

AYUMI HILARY Napabalikwas agad ako mula sa pagkakahiga ng makitang hindi pamilyar ang paligid. Malamig, malinis at maaliwalas. Hindi kagaya ng lagi kong nabubungaran kapag nagigising ako sa umaga. Mahahalata na ako ay nasa isang hotel ngayon dahil na rin sa mga gamit na aking nakikita pati na ang disenyo nito. Munting kaluskos ang umabot sa aking pandinig dahilan para mapatingin ako sa aking kaliwa. Tumambad sa aking mga mata ang malapad na likod ng isang lalaki habang nakadapa sa kama at natutulog. Hindi ko siya kilala. Wala itong suot pantaas at may nakabalot na kumot sa kanyang ibabang bahagi. Bigla kong nahugot ang aking hininga nang magrehistro sa aking isip ang sitwasyon ko ngayon. Bukod sa suot na polo na hindi ko naman pag aari ay wala na akong ibang suot pang loob. Marahil ay polo ito ng estrangherong lalaki. Wala akong matandaan na sinuot ko ang polong ito bago makatulog ngunit naaalala ko ang lahat ng nangyari sa amin kagabi. Biglang uminit ang aking pisngi sa kahihiy

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Chin Chin
This kind of story is what I love ... Baby win man yey! I would love to read the whole story!
2023-05-14 01:40:05
1
user avatar
Black queen _2
Nice blurb,wish I could understand and read the entire story..I got to understand the story with the blurb..nice one......️...️
2023-05-14 00:28:24
1
14 Chapters

Chapter 1

AYUMI HILARY Napabalikwas agad ako mula sa pagkakahiga ng makitang hindi pamilyar ang paligid. Malamig, malinis at maaliwalas. Hindi kagaya ng lagi kong nabubungaran kapag nagigising ako sa umaga. Mahahalata na ako ay nasa isang hotel ngayon dahil na rin sa mga gamit na aking nakikita pati na ang disenyo nito. Munting kaluskos ang umabot sa aking pandinig dahilan para mapatingin ako sa aking kaliwa. Tumambad sa aking mga mata ang malapad na likod ng isang lalaki habang nakadapa sa kama at natutulog. Hindi ko siya kilala. Wala itong suot pantaas at may nakabalot na kumot sa kanyang ibabang bahagi. Bigla kong nahugot ang aking hininga nang magrehistro sa aking isip ang sitwasyon ko ngayon. Bukod sa suot na polo na hindi ko naman pag aari ay wala na akong ibang suot pang loob. Marahil ay polo ito ng estrangherong lalaki. Wala akong matandaan na sinuot ko ang polong ito bago makatulog ngunit naaalala ko ang lahat ng nangyari sa amin kagabi. Biglang uminit ang aking pisngi sa kahihiy
Read more

Chapter 2

"AYUMI HILARY SERRA!" Dumagundong sa apat na sulok ng istasyon ng pulis ang boses ni papa nang tawagin niya ako. May halong pag aalala at galit sa kanyang bilog at buong boses. Napapikit naman ako sa hiya. Pinagtitinginan na rin ako ng iba pang mga tao at pulis dito sa loob ng istasyon. "Pa, ma! Umuwi na tayo," pabulong na pamimilit ko. Agad kong hinila ang aking mga magulang palayo sa mga pulis at nagpahila naman sila. Kasalukuyan kaming nasa istasyon ng pulis sapagkat hindi ko na naabutan ang aking mga magulang sa bahay, talagang inireport nila sa pulis. Sa pagmamadali ay hindi na ako nakapagpalit pa ng damit. Suot suot ko pa rin ang dress kaya lalo kong naagaw ang mata ng mga tao. "Saan ka ba kasi galing, Ayumi? Hindi ba'y kabilin bilinan ko sa'yo na bago mag hatinggabi ay umuwi ka na? Oh, asan ang mga kaibigan mo?" sunod sunod na tanong ni mama. Si Cheska at Leighton ang inaasahan ng aking mga magulang na maghahatid sa akin kagabi ngunit anong ginawa ko? Sumama ako sa lala
Read more

Chapter 3

"Buntis ako! At ikaw ang ama ng dinadala ko." Kasabay ng pagbuka ng aking mga labi ay ang malakas na busina ng ambulansya. Mabilis ang takbo nito ngunit malakas ang tunog na kahit malayo na ay maririnig pa rin. Nang dumako ang aking tingin sa mga mata ng lalaking nasa harapan ko, nakita ko ang kuryusidad dito. Napa 'o' agad ang aking bibig at mahinang bumuntong hininga. Sa hula ko ay hindi niya ako narinig. "Pardon?" Ay bwisit! Sabi na nga ba at hindi niya narinig. Huminga ako ng malalim upang mag ipon ng panibagong lakas ng loob habang hindi hinihiwalay ang aming tiningan. "Sabi ko, bunti- " nabitin sa ere ang aking sasabihin dahil sa babaeng dumating. "Dion! You're here lang pala. Let's go home?" Lumapit ito at kumapit sa braso ng lalaki bago bumaling sa akin. Napaatras ang aking mga paa. Ang kanyang presensya ay nakakaintimida. Mukha siyang sosyalin at mayaman na maarte. Lumilitaw ang kanyang maputing balat sa suot na kulay itim na dress at may mahabang manggas n
Read more

Chapter 4

"Hello, my baby Kenken!" masigla kong bati sa aking dalawang taong gulang na anak. Tatlong taon makalipas ang gabing iyon ay heto na nga kami. Magkasama sa iisang buhay, ako, siya, at ang aking mga magulang. Tulad ng aking inaasahan ay nadismaya nga sila sa akin. Ako ang kanilang pag asa sa buhay pero binigo ko sila. Naging mahirap sa akin ang lahat. Umabot pa sa punto na kailangan kong huminto sa pag aaral at maghanap ng trabaho. Sa awa ng diyos ay napagbigyan naman ako. "Mama!" Masaya naman akong sinalubong nito at tinaas pa ang kamay upang yumakap sa aking binti. Lumawak ang aking ngiti ng makitang nakalagay ang kanyang mga laruan sa lalagyan nito at nakaayos pa. Napapansin ko na parang mas advance mag isip ang aking anak kumpara sa ibang bata. Kahit dalawang taong gulang pa lamang siya ay marunong na siyang ibalik ang kanyang mga laruan pagkatapos niya maglaro. "Kay lola ka na muna, baby ken. Magpapalit lang ng damit at magluluto ang mama, 'kay?" lambing ko. Kinarga ko siy
Read more

Chapter 5

DIONYSUS Palihim akong napangisi dahil alam kong hindi mananalo sa akin ang aking kanang kamay na si Charles Dominguez. "You should consider this, for your company," pagpipilit niya. Tiningan ko lamang siya gamit ang aking blankong mukha. "My company survived even though I'm not showing myself to our clients. You know why? It is because of our high quality products. They came to us because they trusted us and not because of me!" giit ko. "Okay, you win again," aniya habang nakataas ang dalawang kamay para ipakita ang pagkatalo. Umiling-iling ako at naupo. Dumako ang aking mga kamay sa leeg upang marahan itong imasahe. Ito ang ayaw ko sa pakikipaghalubilo sa ibang tao, ang daming mga akitibidad na kailangan gawin. Pero dahil ako ang may pinakamataas na donasyon sa charity, wala na akong magawa kundi ang magpakita sa kanila. Mabilis kong niluwagan ang aking necktie upang makahinga ng maayos nang may mapansin akong maliit na bagay sa sahig. Agad sumimangot ang aking mukha nang ma
Read more

Chapter 6

Habang naglalakad ako palabas ng gusali ay pansin ko ang bulong-bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan pa ang aking mga hakbang. Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may kung ano sa akin nang marinig ko ang boses niya, o baka naman naiintimida lang ako. Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay. Nang makababa sa jeep ay sinimulan ko ng lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang maglakad. Parang eskinita kumbaga. Nadaanan ko na rin ang bilihan ng tinapay kaya naman bumili ako ng paborito ni baby Ken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang mahilig dito. Bumili na rin ako ng pandecoco para sa amin ng mga magulang ko. Sa
Read more

Chapter 7

Habang nililinisan ko ang mga gamit panglinis ay padarag na pumasok ang babaeng masungit na para bang palaging may dalaw, ang aming head. "Pinapatawag ka muli sa baba. Galing uli sa boss natin," mataray na saad niya. Narinig ito ng iba ko pang mga kasamahan sa sobrang lakas ng kanyang boses kaya naman hindi ko maitago ang aking hiya. Alam ko na kung para saan pa ito. Wala na akong magawa kundi itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali. "Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Hindi ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kompanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D," dada niya. Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang wala ng saysay ang makipag-usap sa kanya. Nakarating ako sa baba na ang iniisip lamang ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. "Magandang umaga, Mr. D. Ako po ito, si Ayumi na janitress," paunang bati ko.
Read more

Chapter 8

"We should talk about us," tugon niya sa mababang boses. Kalmado lang ang kanyang postura at tono ngunit ang kanyang titig ay salungat. Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang sumikip ang silid kung nasaan kami. Marahil ay dahil sa tensyon na namamagitan sa amin kaya naman ang hirap huminga lalo na't titig na titig siya. Matapos ang ilang taon kong paghihirap ay biglang sasabihin niya na kailangan namin mag usap? Taas-noo kong hinarap ang kanyang titig. Hindi dapat ako magpaintimida sa kanya kahit boss ko pa siya. "Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kung ano ang nangyari noon, hanggang doon na lang iyon," gigil kong pagtapos sa usapan. Mabilis akong humakbang paalis bago pa may mangyaring hindi maganda. Ngayon na nagkita na kami ay bumabalik sa aking alaala ang mga pinagdaanan ko. Naisip ko si baby Ken. Gusto niyang makita ang kanyang ama. Gusto niyang may makakalaro din siya gaya ng ibang mga bata. Ngunit wala pa akong balak na ipakilala ang lalaking ito bilang ama ng a
Read more

Chapter 9

Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko sila sa kusina at patapos ng kumain. Dumiretso ako sa aking mga magulang para magmano bago pumunta sa tabi ni Kenken. "Oh iha, ba't kakauwi mo lang? Hindi ka na namin nahintay kasi gutom na ang anak mo." Nag aalalang tanong sa akin ng aking ina. "Overtime, ma. Kailangan eh." Sabi ko sabay baling sa aking anak. Agad kumurba ang aking labi ng makitang gulay ang nasa ibabaw ng kanyang plato. Kahit sa murang edad niya ay alam niya ng mas masustansya kainin ang mga gulay. Hindi siya mapili pagdating sa mga pagkain."Galing naman ng baby ko. Kaya mo na ba kumain mag isa?" Lambing ko sa kanya. Tumango lang siya at kumuha ulit ng maliit na parte ng pritong kalabasa at sinawsaw sa ketchup bago sinubo. Mayabang siyang humarap sa akin at nag akto pa na busog habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. I understood the assignment. Alam kong nais niya na purihin ko siya. Bilang ina ay pumalakpak ako ng malakas at sinabing, "Wow! Very good, anak. Good boy
Read more

Chapter 10

Kinabukasan ay tinotoo nga niya ang pagsundo sa akin. 6:30 am nang mag abang ako ng jeep sa labasan. Kalapit ito ng bakery na kung saan 'dun ako binaba ng ihatid niya ako kahapon. At nagulat na lamang ako ng makitang muli ang isang black porsche. Nandoon na pala siya at kanina pa naghihintay. Patay malisya akong tumayo sa pwesto. Kunwari ay 'di ko siya nakikita. Diretso lamang ang aking tingin sa daan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang sasakyan na marahil ay pag aari niya. Ngunit hindi ko mapigilang bumaling sa kanya. Nakita ko itong naglakad papalapit sa akin. "Good morning," bati niya ng makalapit na sa akin. Pansin ko ang pag tingin tingin ng mga bumibili ng tinapay sa banda namin pati na ang mga nakatambay na malapit sa aming pwesto. Napapikit ako ng mariin ng may marealize ako. Kaagad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan. Wala na akong choice kundi ang hilahin siya papunta sa kanyang kotse para lamang makaiwas sa mga chismosang tao. Baka mamaya niyan maririni
Read more
DMCA.com Protection Status