AYUMI HILARY
Napabalikwas agad ako mula sa pagkakahiga ng makitang hindi pamilyar ang paligid. Malamig, malinis at maaliwalas. Hindi kagaya ng lagi kong nabubungaran kapag nagigising ako sa umaga. Mahahalata na ako ay nasa isang hotel ngayon dahil na rin sa mga gamit na aking nakikita pati na ang disenyo nito. Munting kaluskos ang umabot sa aking pandinig dahilan para mapatingin ako sa aking kaliwa. Tumambad sa aking mga mata ang malapad na likod ng isang lalaki habang nakadapa sa kama at natutulog. Hindi ko siya kilala. Wala itong suot pantaas at may nakabalot na kumot sa kanyang ibabang bahagi. Bigla kong nahugot ang aking hininga nang magrehistro sa aking isip ang sitwasyon ko ngayon. Bukod sa suot na polo na hindi ko naman pag aari ay wala na akong ibang suot pang loob. Marahil ay polo ito ng estrangherong lalaki. Wala akong matandaan na sinuot ko ang polong ito bago makatulog ngunit naaalala ko ang lahat ng nangyari sa amin kagabi. Biglang uminit ang aking pisngi sa kahihiyan ng mga pinagsasabi at pinaggagawa ko kagabi, lalo na nang maisip ko ang lalaking nasa tabi ko. Ang kanyang mga ungol, halik, himas, at pawis na dumikit sa aking katawan na tila nakatatak na sa aking isipan. Hindi, bakit ako ganito? Hindi ako ganito. Tinapik tapik ko ang aking pisngi para magising ang diwa. Bakit ko hinayaan na makuha ng isang estrangherong lalaki ang aking pagkababae? Lintik na alcohol 'yan! Lasing ako kaya naman umiral at nagsaya ang aking sex hormones. Naging sanhi ito ng pagpukaw sa aking sekswal na pagnanasa. 'Argh! Ang landi ko. Bakit ako pumayag na makuha ang pagkababae ko?' Sisi ko sa aking sarili at napa sabunot pa sa inis. Tatayo na sana ako nang maramdaman ko ang hapdi sa aking gitna. Maluha luha ko namang tinitigan ang lalaki sa aking tabi. Lasing ako kagabi kaya dapat hindi niya ako sinamantala. Ang mga memorya kagabi ay biglang bumuhos sa aking isip na parang isang malaking baha. Naglalakad ako dahil sa pagkabagot habang naghihintay sa taxi na kinuha ng aking kaibigan. Kaarawan niya ngayon at ginusto niyang ipagselebrar ito sa isang club. Kaya naman nandito ako ngayon at lasing na lasing. Sa aking paglalakad ay hindi ko inaasahang mabangga sa isang may matikas na pangangatawan. Napahawak agad ako sa dibdib nito upang hindi lubusang matumba. Sh*t! Lasing na talaga ako. Kaunting tulak lang sakin ay matutumba na talaga ako. Pag angat ko ng tingin ay nagulat pa ako sapagkat ito ang lalaking nakita ko sa ikalawang palapag ng club na nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal nakatitig sa akin ngunit alam kong ang titig na iyon ay may kahulugan. Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga habang ang mga mata niya ay nakatitig sa aking katawan. Dahil 'dun ay napansin ko agad ang kanyang mala-perpekto at kaakit-akit na panga na tila ba inukit ng isang magaling na artista. "Ahem," pilit kong ubo para agawin ang atensyon niya kasabay ng pag bitaw ko sa kanyang dibdib. Umatras ako ng ilang hakbang upang bigyan ang sarili ng distansya. Ngunit ang totoo ay hindi ko lang talaga kaya na lumapit sa kanya sapagkat naiilang ako sa kanyang titig. Ngayon na malapitan na kami ay saka ko lamang natitigan ng mabuti ang lalaki. Siya ay napaka gwapo, moreno, malinis ang pagkakagupit sa buhok, matangkad at walang balbas na makikita sa kanyang mukha. Amoy mayaman. Ngunit sa hula ko ay nasa late 20's or early 30's na siya. "You seem drunk," saad niya habang ang kanyang may pagnanasang mga mata ay humagod sa buong katawan ko. Napatikhim ako matapos marinig ang boses ng estrangherong lalaki. Buong buo ito at lalaking lalaki. Malalim din ito na parang nang aakit. "Uh, hindi ah. Madilim lang kaya hindi kita nakita. Pasensya na," tanggi ko agad kahit alam kong hindi kapani paniwala. "You should go home. It's getting late. I will give you a ride," aniya sabay hila sa akin papunta sa katabing kotse. Ito ay kulay itim na porsche. Tama nga ang hula ko na siya ay mayaman. Pagkabukas niya ng pinto ay sinenyasan niya ako na pumasok na hindi ko sinunod. Ngunit dahil sa epekto ng alak ay umandar ang pagkapilyo ko. "Ride?" tanong ko habang nakangiti ng malawak. "Saan ba ako sasakay, sa kotse mo or sayo?" malanding bulong ko at humawak pa sa kanyang dibdib. "Wow. Tigas ng dibdib ah halatang nag gy-gym," walang hiya kong sabi at pinisil pisil ang kanyang dibdib. Biglang nilapit ng lalaki ang kanyang mukha sa tabi ng aking tainga at bumulong. "Your choice, which of us do you want, hmm?" Nagdulot ng init ang kanyang hininga sa aking buong katawan, dahilan upang tumaas ang aking sexual desire at walang pag aalinlangang sumagot, "What if I want you?" "My pleasure, baby," aniya habang nakatitig sa may bandang dibdib ko. Bigla naman akong napatawa ng malakas na ikinataka niya. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo. "Sorry, mister. Pero hindi ako kagaya ng iba. Hinding hindi ako sasakay sa estranghero," madiin kong sabi sa mukha nya. "Really? Then why are your hands on my chest? If you want, I can take off my polo," nakangisi nitong saad at mas lalong lumapit sa aking mukha. Agad ko namang binaba ang aking kamay at humakbang paatras ngunit mabilis ang mga kamay niya para ikulong ako. Ang kanyang kanang kamay ay nakahawak sa nakabukas na pinto ng kotse at ang kaliwang kamay naman ay nasa tabi ng aking balikat. Talagang nakulong niya na ako, wala na akong takas. "Anong ginagawa mo?" tanong ko agad dahil para akong di makahinga sa lapit ng aming mga katawan. Ang kanyang mga titig ay nakakalunod. Mas lalo ako nalasing nang malanghap ko ang kanyang amoy. "I know you want me. I can feel it. I can see it on how you look at me." "Hindi. Nagsisinungaling lang ako kanina. Wala akong planong sumama sayo. Isa kang estranghero at hindi dapat ako sumama sayo. Bitaw na. Kaya kong umuwi mag isa," nahahapo kong sagot sa kanya sapagkat sobrang lapit niya sa akin. Hindi pa nakakatulong ang init na aking nararamdaman. Napansin ko ang pag higpit ng hawak nya sa pinto ng kanyang kotse. Mula sa aking mga mata ay bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Mga limang segundo ang lumipas at naramdaman ko ang paglapat ng aming mga labi. Awtomatikong dumapo ang aking kamay sa kanyang dibdib upang itulak siya ngunit hindi ko natuloy dahil sa sumunod na kanyang ginawa. Ginalaw niya ang kanyang mga labi dahilan para matigilan ako lalo. Nag iinit ang aking buong katawan at parang isang kalabit na lamang ay bibigay na ako. Gusto ko siyang itulak ngunit hindi ko magawa. Nang maghihiwalay na sana siya sa akin ay hindi na ako nakapigil. Wala pa sa isang segundo ang pag hawak ko sa collar ng kanyang polo at pag higit sa kanya palapit sa akin. Tumugon ako sa kanyang halik. Kahit hindi ko alam kung paano humalik or tama ba ang ginagawa ko ay nagpatuloy pa rin ako. Naramdaman ko ang pagngisi niya sa aking labi. "See?" mahinang bulong niya nang hindi inihihiwalay ang aming mga labi. Dahil sa kasabikan ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa isang hotel. "Lay down there on the bed, baby." Parang tuta naman akong sumunod sa utos nya. "You are really gorgeous and hot, baby. Did you know that? Hmm? I was watching you at the club the whole time. And I promised myself to take you tonight. Now, please be a good girl and I will do the rest," aniya sa gitna ng kanyang mga halik sa aking leeg. Hindi na ako makapag isip ng diretso. Hindi ko na rin sinubukan pang pumalag, talagang pinaubaya ko na sa kanya ang aking katawan. Napabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang aking cellphone. Doon ko lamang naalala ang aking mga magulang. Dali dali kong hinanap ang aking dress na suot sa pagpunta ng club at saka nagpalit. Pagkatapos ay umalis na ako nang hindi nagpapaalam sa lalaki. Sino ba naman siya para magpaalam pa ako. Isa siyang lalaking nagsamantala sa lasing na babae. Lasing ako at nasa tamang kamalayan siya ngunit bakit hindi siya nagpigil? Naiinis ako at sinisisi siya. Nagsisisi rin ako na naganap pa ang gabing iyon. Labis ang aking kaba habang pauwi sa aming bahay. Sigurado akong nag aalala na ang aking mga magulang. Nang buksan ko ang aking cellphone ay tumambad sa akin ang 82 na mensahe at 24 na missed calls mula sa aking mga magulang at mga kaibigan. Biglang na lamang akong nanlumo nang mabasa ang kahuli-huling mensahe galing kay papa. "Pag sumikat na ang araw at wala ka pa dito sa bahay ay mag rereport na kami ng mama mo sa pulis.""AYUMI HILARY SERRA!" Dumagundong sa apat na sulok ng istasyon ng pulis ang boses ni papa nang tawagin niya ako. May halong pag aalala at galit sa kanyang bilog at buong boses. Napapikit naman ako sa hiya. Pinagtitinginan na rin ako ng iba pang mga tao at pulis dito sa loob ng istasyon. "Pa, ma! Umuwi na tayo," pabulong na pamimilit ko. Agad kong hinila ang aking mga magulang palayo sa mga pulis at nagpahila naman sila. Kasalukuyan kaming nasa istasyon ng pulis sapagkat hindi ko na naabutan ang aking mga magulang sa bahay, talagang inireport nila sa pulis. Sa pagmamadali ay hindi na ako nakapagpalit pa ng damit. Suot suot ko pa rin ang dress kaya lalo kong naagaw ang mata ng mga tao. "Saan ka ba kasi galing, Ayumi? Hindi ba'y kabilin bilinan ko sa'yo na bago mag hatinggabi ay umuwi ka na? Oh, asan ang mga kaibigan mo?" sunod sunod na tanong ni mama. Si Cheska at Leighton ang inaasahan ng aking mga magulang na maghahatid sa akin kagabi ngunit anong ginawa ko? Sumama ako sa lala
"Buntis ako! At ikaw ang ama ng dinadala ko." Kasabay ng pagbuka ng aking mga labi ay ang malakas na busina ng ambulansya. Mabilis ang takbo nito ngunit malakas ang tunog na kahit malayo na ay maririnig pa rin. Nang dumako ang aking tingin sa mga mata ng lalaking nasa harapan ko, nakita ko ang kuryusidad dito. Napa 'o' agad ang aking bibig at mahinang bumuntong hininga. Sa hula ko ay hindi niya ako narinig. "Pardon?" Ay bwisit! Sabi na nga ba at hindi niya narinig. Huminga ako ng malalim upang mag ipon ng panibagong lakas ng loob habang hindi hinihiwalay ang aming tiningan. "Sabi ko, bunti- " nabitin sa ere ang aking sasabihin dahil sa babaeng dumating. "Dion! You're here lang pala. Let's go home?" Lumapit ito at kumapit sa braso ng lalaki bago bumaling sa akin. Napaatras ang aking mga paa. Ang kanyang presensya ay nakakaintimida. Mukha siyang sosyalin at mayaman na maarte. Lumilitaw ang kanyang maputing balat sa suot na kulay itim na dress at may mahabang manggas n
"Hello, my baby Kenken!" masigla kong bati sa aking dalawang taong gulang na anak. Tatlong taon makalipas ang gabing iyon ay heto na nga kami. Magkasama sa iisang buhay, ako, siya, at ang aking mga magulang. Tulad ng aking inaasahan ay nadismaya nga sila sa akin. Ako ang kanilang pag asa sa buhay pero binigo ko sila. Naging mahirap sa akin ang lahat. Umabot pa sa punto na kailangan kong huminto sa pag aaral at maghanap ng trabaho. Sa awa ng diyos ay napagbigyan naman ako. "Mama!" Masaya naman akong sinalubong nito at tinaas pa ang kamay upang yumakap sa aking binti. Lumawak ang aking ngiti ng makitang nakalagay ang kanyang mga laruan sa lalagyan nito at nakaayos pa. Napapansin ko na parang mas advance mag isip ang aking anak kumpara sa ibang bata. Kahit dalawang taong gulang pa lamang siya ay marunong na siyang ibalik ang kanyang mga laruan pagkatapos niya maglaro. "Kay lola ka na muna, baby ken. Magpapalit lang ng damit at magluluto ang mama, 'kay?" lambing ko. Kinarga ko siy
DIONYSUS Palihim akong napangisi dahil alam kong hindi mananalo sa akin ang aking kanang kamay na si Charles Dominguez. "You should consider this, for your company," pagpipilit niya. Tiningan ko lamang siya gamit ang aking blankong mukha. "My company survived even though I'm not showing myself to our clients. You know why? It is because of our high quality products. They came to us because they trusted us and not because of me!" giit ko. "Okay, you win again," aniya habang nakataas ang dalawang kamay para ipakita ang pagkatalo. Umiling-iling ako at naupo. Dumako ang aking mga kamay sa leeg upang marahan itong imasahe. Ito ang ayaw ko sa pakikipaghalubilo sa ibang tao, ang daming mga akitibidad na kailangan gawin. Pero dahil ako ang may pinakamataas na donasyon sa charity, wala na akong magawa kundi ang magpakita sa kanila. Mabilis kong niluwagan ang aking necktie upang makahinga ng maayos nang may mapansin akong maliit na bagay sa sahig. Agad sumimangot ang aking mukha nang ma
Habang naglalakad ako palabas ng gusali ay pansin ko ang bulong-bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan pa ang aking mga hakbang. Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may kung ano sa akin nang marinig ko ang boses niya, o baka naman naiintimida lang ako. Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay. Nang makababa sa jeep ay sinimulan ko ng lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang maglakad. Parang eskinita kumbaga. Nadaanan ko na rin ang bilihan ng tinapay kaya naman bumili ako ng paborito ni baby Ken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang mahilig dito. Bumili na rin ako ng pandecoco para sa amin ng mga magulang ko. Sa
Habang nililinisan ko ang mga gamit panglinis ay padarag na pumasok ang babaeng masungit na para bang palaging may dalaw, ang aming head. "Pinapatawag ka muli sa baba. Galing uli sa boss natin," mataray na saad niya. Narinig ito ng iba ko pang mga kasamahan sa sobrang lakas ng kanyang boses kaya naman hindi ko maitago ang aking hiya. Alam ko na kung para saan pa ito. Wala na akong magawa kundi itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali. "Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Hindi ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kompanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D," dada niya. Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang wala ng saysay ang makipag-usap sa kanya. Nakarating ako sa baba na ang iniisip lamang ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. "Magandang umaga, Mr. D. Ako po ito, si Ayumi na janitress," paunang bati ko.
"We should talk about us," tugon niya sa mababang boses. Kalmado lang ang kanyang postura at tono ngunit ang kanyang titig ay salungat. Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang sumikip ang silid kung nasaan kami. Marahil ay dahil sa tensyon na namamagitan sa amin kaya naman ang hirap huminga lalo na't titig na titig siya. Matapos ang ilang taon kong paghihirap ay biglang sasabihin niya na kailangan namin mag usap? Taas-noo kong hinarap ang kanyang titig. Hindi dapat ako magpaintimida sa kanya kahit boss ko pa siya. "Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kung ano ang nangyari noon, hanggang doon na lang iyon," gigil kong pagtapos sa usapan. Mabilis akong humakbang paalis bago pa may mangyaring hindi maganda. Ngayon na nagkita na kami ay bumabalik sa aking alaala ang mga pinagdaanan ko. Naisip ko si baby Ken. Gusto niyang makita ang kanyang ama. Gusto niyang may makakalaro din siya gaya ng ibang mga bata. Ngunit wala pa akong balak na ipakilala ang lalaking ito bilang ama ng a
Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko sila sa kusina at patapos ng kumain. Dumiretso ako sa aking mga magulang para magmano bago pumunta sa tabi ni Kenken. "Oh iha, ba't kakauwi mo lang? Hindi ka na namin nahintay kasi gutom na ang anak mo." Nag aalalang tanong sa akin ng aking ina. "Overtime, ma. Kailangan eh." Sabi ko sabay baling sa aking anak. Agad kumurba ang aking labi ng makitang gulay ang nasa ibabaw ng kanyang plato. Kahit sa murang edad niya ay alam niya ng mas masustansya kainin ang mga gulay. Hindi siya mapili pagdating sa mga pagkain."Galing naman ng baby ko. Kaya mo na ba kumain mag isa?" Lambing ko sa kanya. Tumango lang siya at kumuha ulit ng maliit na parte ng pritong kalabasa at sinawsaw sa ketchup bago sinubo. Mayabang siyang humarap sa akin at nag akto pa na busog habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. I understood the assignment. Alam kong nais niya na purihin ko siya. Bilang ina ay pumalakpak ako ng malakas at sinabing, "Wow! Very good, anak. Good boy
Natapos ang araw ng wala ako sa aking sarili. Maka-ilang beses pa akong nagkamali kanina habang naglilinis sa buong floor. Kahit pilit kong libangin ang aking sarili ay talagang bumabalik sa aking alaala ang naging halikan namin. Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang aking katawan na makapag pahinga. "Ma… sama kuya Lucas?" kasabay ng tanong ni Kenken ay ang paghila niya ng mahina sa aking damit para maagaw ang aking atensyon. Linggo ngayon kaya sinadya namin agahan ang gising para makapag simba kami ng alas singko.Bumaling ang aking ulo sa kaliwang tabi kung saan nakaupo ang aking anak. Kanina niya pa ako kinukulit pero dahil nagsusuot ako ng sapatos ay hindi ko muna siya pinansin. Besides, hindi rin ako sigurado kung makakasama nga si Lucas sa aming pag simba. Nang maayos ko na ang sintas ay humarap ako sa full body mirror para matingnan ang aking ayos. Suot-suot ko ang isang puting blouse na pinares ko sa isang black fitted skirt na abot hanggang tuhod. Hindi naman kahabaan an
"Alam ko pong sa'yo to pero…" Hindi ko alam kung anong idudugtong ko. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pinatawag niya ako para mag linis kung gayong hindi naman pala siya umalis ng opisina. Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Ano..""Yes? Do you have something to say to me?" Tumaas ang kanyang dalawang kilay. "Uh oo, gusto ko sanang sabihin na babalik na lang ako mamaya.""No, you can clean now." Sabat niya at kinuha ang kanyang MacBook. Binuksan niya ito, mukhang may gawain pa siya dito ah. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi."Mr. D, babalik na lang po ako mamaya para makapag focus ka sa trabaho mo. Besides, hindi naman tama na maglinis ako habang nandito ka diba?" Peke akong tumawa upang mawala ang tensyon na pumapaligid sa amin. Ang kaninang malawak na espasyo ay biglang naging masikip para sa akin ngayong nandito siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pabago bago ang aking pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Minsan nalilimutan kong boss ko s
"Ayumi, tapos ka na ba maglinis sa buong 10th floor?" Pagpasok ko sa janitor's room ay iyon agad ang bungad sa akin ng aming head. Tulak-tulak ko ang lalagyan ng mga pang linis.Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nagsalita, "Kakatapos ko lang po, ma'am."Tumango-tango naman siya bago tumingin sa akin at sa dala kong mga pang linis. "Bawasan mo ang mga 'yan." Turo niya dito. "Kakailanganin mo lang ang pang linis sa sahig at bintana. Ikaw ang naatasan na maglinis sa office ni Mr. D." Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad paalis. Agad naman akong naalarma at hinabol siya."Teka lang po, ma'am." Hinawakan ko ang kanyang braso upang mapigilan siya sa paglalakad. "Bakit naman po ako ang maglilinis eh hindi ba may naka assign 'dun na iba?" Nang humarap ito ay tumingin pa siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya't dali dali ko naman itong tinanggal. Nang tinaas niya ang kanyang tingin sa aking mukha ay blanko lamang ito. "Ah sinusuway mo ba si Mr. D? Sino ka ba sa akala m
"As I've told you, I will make things up to you." Sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho ay sa wakas nagbukas siya ng topic. "This… is one of my ways." Tukoy niya sa pagsundo sa akin. "I know it's your first time." Mabilis siyang sumulyap sa akin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun. Nagtataka akong napatingin sa kanya. First time na ano? Nang pumasok sa aking utak kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa katagang iyon ay namula ang aking pisngi sa hiya. First time to experience s*x. Sana naman 'wag niya ng sinasabi ang mga ganyang klaseng bagay."It must have hurt you. And I know you treasure your virginity." Pagpapatuloy niya. Hindi ako makapagsalita sapagkat hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Muli siyang nagsalita. Ang mga mata ay tutok sa aming dinadaanan ngunit nahuhuli ko siyang paminsan minsang pag sulyap sa aking gawi. "In just one night, I took away your treasure. So, please, allow me to help you as my compensation. I'm responsible for the mistake I made.""Pag
Kinabukasan ay tinotoo nga niya ang pagsundo sa akin. 6:30 am nang mag abang ako ng jeep sa labasan. Kalapit ito ng bakery na kung saan 'dun ako binaba ng ihatid niya ako kahapon. At nagulat na lamang ako ng makitang muli ang isang black porsche. Nandoon na pala siya at kanina pa naghihintay. Patay malisya akong tumayo sa pwesto. Kunwari ay 'di ko siya nakikita. Diretso lamang ang aking tingin sa daan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang sasakyan na marahil ay pag aari niya. Ngunit hindi ko mapigilang bumaling sa kanya. Nakita ko itong naglakad papalapit sa akin. "Good morning," bati niya ng makalapit na sa akin. Pansin ko ang pag tingin tingin ng mga bumibili ng tinapay sa banda namin pati na ang mga nakatambay na malapit sa aming pwesto. Napapikit ako ng mariin ng may marealize ako. Kaagad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan. Wala na akong choice kundi ang hilahin siya papunta sa kanyang kotse para lamang makaiwas sa mga chismosang tao. Baka mamaya niyan maririni