"Buntis ako! At ikaw ang ama ng dinadala ko."
Kasabay ng pagbuka ng aking mga labi ay ang malakas na busina ng ambulansya. Mabilis ang takbo nito ngunit malakas ang tunog na kahit malayo na ay maririnig pa rin. Nang dumako ang aking tingin sa mga mata ng lalaking nasa harapan ko, nakita ko ang kuryusidad dito. Napa 'o' agad ang aking bibig at mahinang bumuntong hininga. Sa hula ko ay hindi niya ako narinig. "Pardon?" Ay bwisit! Sabi na nga ba at hindi niya narinig. Huminga ako ng malalim upang mag ipon ng panibagong lakas ng loob habang hindi hinihiwalay ang aming tiningan. "Sabi ko, bunti- " nabitin sa ere ang aking sasabihin dahil sa babaeng dumating. "Dion! You're here lang pala. Let's go home?" Lumapit ito at kumapit sa braso ng lalaki bago bumaling sa akin. Napaatras ang aking mga paa. Ang kanyang presensya ay nakakaintimida. Mukha siyang sosyalin at mayaman na maarte. Lumilitaw ang kanyang maputing balat sa suot na kulay itim na dress at may mahabang manggas ngunit kita ang likod nito. Sa mabagal na paraan, bumaba ang kanyang tingin mula sa aking ulo hanggang sa aking paa. Matapos ay pinagtaasan niya ako ng kilay. Kung umasta siya ay tila ba malapit sila ng lalaki sa isa't isa. At dito sumagi sa isip ko na hindi ko nga pala alam ang pangalan ng lalaki. "Who is she, Dion? Is she just like the other girls who come to you to offer their body?" anito. Nagpantig ang aking tainga matapos marinig ang kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin, na lumapit ako para makatikim sa lalaking ito? No way! Kahit na may nangyari na sa amin hindi ako desperadang babae para ialok ang aking katawan. "No, Sabrina. She's just asking me something." Muli kong narinig ang kanyang malalim at buong buo na boses. Ngayon na hindi na ako lasing ay mas nasilayan ko ang kanyang kagwapuhan. "Like what? Are you two friends?" ani ng babae sa maarteng tono. Napairap naman ako ngunit sinigurado ko na hindi niya makikita. "Mawalang galang na miss, pero kailangan ko siyang makausap," hindi ko mapigilang singit. Nakakairita. Girlfriend niya ba ang babae? Sana hindi. "Look, I don't know who you are. And it seems like Dion doesn't know you either. I don't care what you want to say to him but I just want to inform you that Dion is my fiance. I have the right to know what you are going to say because I want to make sure that you are not here to offer your body to him. Now, would you like to tell your concern right here, right now?" diretsong saad ng babae na may halong pag aangkin. Kita ko ang paghigpit ng kanyang kapit sa braso ng lalaki. "Stay out of this Sabrina! Don't make decision for me. Leave us for a moment, will you?" naiiritang sagot ng lalaki. Hindi ko agad naisip na maaring ganoon ang kanilang relasyon. Ang tanga ko. Mayaman siya, gwapo at kaakit-akit. Malamang ay sa edad niya ngayon maaring kasal o ikakasal na siya. Bakit hindi ko kaagad ito naisip? Dapat hindi na ako umasa na tatanggapin niya ang magiging anak namin lalo na kung mahirap lamang ang ina. Napakurap ako. Hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Ikakasal na siya. Magkakaroon na siya ng bagong pamilya. Pero buntis ako! Gusto kong isigaw ang mga katagang iyon pero parang naubusan ako ng oxygen at hindi makahinga. Parang isang bilog na pakwan ang bumara sa aking lalamunan. Anong ginagawa ko? Muntik na akong makasira ng relasyon sa pag amin na buntis ako. Handa ba akong sirain ang kanilang relasyon? Kapag sinabi ko ang totoo, dalawa lamang ang kalalabasan. Una, maaring magbigay siya ng suporta ngunit ibig sabihin ay masisira ang relasyon nila. Syempre hindi papayag ang babae na magkaroon ng anak sa iba ang kanyang mapapangasawa. Pangalawa, maaring hindi niya akuin ang responsibilidad. Ang malala ay kung pilitin niya ako na ipalaglag ang bata. Ang huli ay mas mataas ang tsansa na pipiliin niya. Dahil sino ba naman ako para piliin. Pagkakamali lang naman ang lahat ng nangyari sa amin. Sa nanginginig na labi ay nagsalita ako, "Wala. Nagkamali lang ako ng mapagtatanungan." Tumalikod agad ako at mabilis na naglakad palayo. Narinig ko pa na pinapatigil ako ng lalaki ngunit mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad. Nang makalayo ay biglang bumuhos ang mga luha ko na parang malakas na ulan. Walang tigil sa pagbagsak ng aking mga luha. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya naman minabuti kong maghanap ng mauupuan upang makapag pahinga. Habang umiiyak ay hindi maalis sa aking isip kung paano na kami ng baby gayong ikakasal na pala ang ama. Hindi ko alam kung bakit iniiyakan ko siya. Wala naman akong personal na kalakip sa kanya. Pero ang isipin na ikakasal na siya sa iba ay nakakasama ng loob at masakit sa dibdib. Napagdesiyunan ko na lamang na umuwi. Pagod na ako mag isip. Gusto ko na lang magpahinga. Gusto kong malinawan bago ako mag desisyon. Sa ngayon, hindi dapat ako magpadalos dalos sa aking kilos. Dumaan ang mga araw ngunit hindi pa rin ako nakakapag desisyon. Nag aalala na din ang aking mga magulang sapagkat hindi na ako nakakapasok sa aking trabaho. Madalas rin ang pagkahilo ko kung kaya't nasa kwarto lamang ako palagi pagkatapos ng klase. Dahil na rin sa mabilis akong mapagod ay hindi na kinakaya ng aking katawan ang mag trabaho pa sa cafeteria. Kapag tinatanong nila ako ay umiiwas na lamang ako o kaya iniiba ang paksa dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanila. Nakakadepress! Lalo na at malapit na ang exam week sa aming paaralan. Madaming proyekto na kailangan tapusin at patong patong na rin ang aking mga bayarin. Paubos na ang aking ipon at balita ko ay itatanggal na ako sa cafeteria dahil sa leave without notice. Nakakapang hinayang ngunit kailangan kong tanggapin dahil ako naman ang may kasalanan. Hindi ko pa rin alam ang aking gagawin. Ilang araw na akong parang naglalakad ng walang buhay. Pakiramdam ko tuloy ay napaka unfair ng mundo sa akin. Patong-patong na problema ang ibinigay sa aking balikat. Hindi ako makahingi ng tulong sa aking mga magulang dahil hindi ko maamin sa kanila na nabuntis ako ng kung sino lang. Hindi man nila sabihin sa akin pero alam kong ako ang kanilang pag asa. Kaya naman madidismaya sila kapag nalaman nila ang totoo. Sa sumunod na araw ay lumabas ako para hanapin ulit ang lalaki. Ngayon ay kailangan ko na talagang masabi sa kanya na buntis ako. Naglakad lakad muna ako habang nag iisip kung paano ko siya hahanapin. Wala akong impormasyon tungkol sa kanya, pangalan, tirahan maging ang kanyang trabaho. Ang pag asa ko na lamang ay ang makita siya dito sa daan or sa mall. Ang pag aakalang makikita ko siya ay nangyari nga. Ngunit hindi sa daan o parkingan, hindi sa mall, at hindi rin sa club, kundi sa isang trapal na nakasabit sa isang malaking gusali. Sa trapal ay naroon ang kanyang litrato kasama ng kanyang babaeng mapapangasawa. Kaakibat nito ang mga impormasyon tungkol sa kasal nila. At sa pinaka ibabang bahagi nakalagay ang nakatakdang petsa sa kanilang opisyal na seremonya. "Dionysus Elliot Moore," basa ko sa pangalan ng lalaki. Isa pala siyang tagapagmana ng kanilang kompanya. Totoo nga na mayaman at sikat siya sa mundo ng negosyo. Kahit nga mga normal na tao ay may nakakakilala sa kanya. Sa likod ko ay may mga estudyante na bagong dating at tumigil upang pag usapan ang nasa trapal. "Aww sayang naman. Crush ko pa naman si Dion," anito. "Okay lang yan, maganda at mayaman naman ang mapapangasawa kaya bagay na bagay sila. Tsaka ka na umepal kapag kaya mo ng higitan ang ganda ng babae," tugon naman ng isa pa nilang kasama. Tila ba inaasar ang kanyang kasamahan. "Panigurado ay mas lalong magiging sikat ang kanilang kompanya kapag naikasal na sila," dagdag ng panibagong boses. Ang mga sumunod nilang pag uusap ay hindi ko na narinig sapagkat mabilis akong umalis sa pwesto. Pareho pala silang big-time. Mali ito. Hindi ako pwede umepal sa kanilang dalawa. Paniguradong aatakihin ako ng mga tao kapag ginawa ko yun. Isa pa, mali ang nangyari sa amin. Ano na lang sasabihin nila sa akin? Na nagpabuntis ako para makasagap ng kanyang pera? Umuwi akong nanghihina ang tuhod ngunit nilakasan ko ang aking loob at hinanda ko na ang aking sarili. Mamaya ay sasabihin ko na ang lahat sa aking mga magulang. Magsisinungaling na lamang ako na hindi ko nakilala ang taong nakabuntis sa akin. Bahala na kung anong mangyari. Bahala na kung anong maging reaksyon nila. Ang importante ay malaman nila ang totoo sapagkat sila na lamang ang aking makakapitan."Hello, my baby Kenken!" masigla kong bati sa aking dalawang taong gulang na anak. Tatlong taon makalipas ang gabing iyon ay heto na nga kami. Magkasama sa iisang buhay, ako, siya, at ang aking mga magulang. Tulad ng aking inaasahan ay nadismaya nga sila sa akin. Ako ang kanilang pag asa sa buhay pero binigo ko sila. Naging mahirap sa akin ang lahat. Umabot pa sa punto na kailangan kong huminto sa pag aaral at maghanap ng trabaho. Sa awa ng diyos ay napagbigyan naman ako. "Mama!" Masaya naman akong sinalubong nito at tinaas pa ang kamay upang yumakap sa aking binti. Lumawak ang aking ngiti ng makitang nakalagay ang kanyang mga laruan sa lalagyan nito at nakaayos pa. Napapansin ko na parang mas advance mag isip ang aking anak kumpara sa ibang bata. Kahit dalawang taong gulang pa lamang siya ay marunong na siyang ibalik ang kanyang mga laruan pagkatapos niya maglaro. "Kay lola ka na muna, baby ken. Magpapalit lang ng damit at magluluto ang mama, 'kay?" lambing ko. Kinarga ko siy
DIONYSUS Palihim akong napangisi dahil alam kong hindi mananalo sa akin ang aking kanang kamay na si Charles Dominguez. "You should consider this, for your company," pagpipilit niya. Tiningan ko lamang siya gamit ang aking blankong mukha. "My company survived even though I'm not showing myself to our clients. You know why? It is because of our high quality products. They came to us because they trusted us and not because of me!" giit ko. "Okay, you win again," aniya habang nakataas ang dalawang kamay para ipakita ang pagkatalo. Umiling-iling ako at naupo. Dumako ang aking mga kamay sa leeg upang marahan itong imasahe. Ito ang ayaw ko sa pakikipaghalubilo sa ibang tao, ang daming mga akitibidad na kailangan gawin. Pero dahil ako ang may pinakamataas na donasyon sa charity, wala na akong magawa kundi ang magpakita sa kanila. Mabilis kong niluwagan ang aking necktie upang makahinga ng maayos nang may mapansin akong maliit na bagay sa sahig. Agad sumimangot ang aking mukha nang ma
Habang naglalakad ako palabas ng gusali ay pansin ko ang bulong-bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan pa ang aking mga hakbang. Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may kung ano sa akin nang marinig ko ang boses niya, o baka naman naiintimida lang ako. Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay. Nang makababa sa jeep ay sinimulan ko ng lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang maglakad. Parang eskinita kumbaga. Nadaanan ko na rin ang bilihan ng tinapay kaya naman bumili ako ng paborito ni baby Ken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang mahilig dito. Bumili na rin ako ng pandecoco para sa amin ng mga magulang ko. Sa
Habang nililinisan ko ang mga gamit panglinis ay padarag na pumasok ang babaeng masungit na para bang palaging may dalaw, ang aming head. "Pinapatawag ka muli sa baba. Galing uli sa boss natin," mataray na saad niya. Narinig ito ng iba ko pang mga kasamahan sa sobrang lakas ng kanyang boses kaya naman hindi ko maitago ang aking hiya. Alam ko na kung para saan pa ito. Wala na akong magawa kundi itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali. "Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Hindi ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kompanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D," dada niya. Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang wala ng saysay ang makipag-usap sa kanya. Nakarating ako sa baba na ang iniisip lamang ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. "Magandang umaga, Mr. D. Ako po ito, si Ayumi na janitress," paunang bati ko.
"We should talk about us," tugon niya sa mababang boses. Kalmado lang ang kanyang postura at tono ngunit ang kanyang titig ay salungat. Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang sumikip ang silid kung nasaan kami. Marahil ay dahil sa tensyon na namamagitan sa amin kaya naman ang hirap huminga lalo na't titig na titig siya. Matapos ang ilang taon kong paghihirap ay biglang sasabihin niya na kailangan namin mag usap? Taas-noo kong hinarap ang kanyang titig. Hindi dapat ako magpaintimida sa kanya kahit boss ko pa siya. "Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kung ano ang nangyari noon, hanggang doon na lang iyon," gigil kong pagtapos sa usapan. Mabilis akong humakbang paalis bago pa may mangyaring hindi maganda. Ngayon na nagkita na kami ay bumabalik sa aking alaala ang mga pinagdaanan ko. Naisip ko si baby Ken. Gusto niyang makita ang kanyang ama. Gusto niyang may makakalaro din siya gaya ng ibang mga bata. Ngunit wala pa akong balak na ipakilala ang lalaking ito bilang ama ng a
Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko sila sa kusina at patapos ng kumain. Dumiretso ako sa aking mga magulang para magmano bago pumunta sa tabi ni Kenken. "Oh iha, ba't kakauwi mo lang? Hindi ka na namin nahintay kasi gutom na ang anak mo." Nag aalalang tanong sa akin ng aking ina. "Overtime, ma. Kailangan eh." Sabi ko sabay baling sa aking anak. Agad kumurba ang aking labi ng makitang gulay ang nasa ibabaw ng kanyang plato. Kahit sa murang edad niya ay alam niya ng mas masustansya kainin ang mga gulay. Hindi siya mapili pagdating sa mga pagkain."Galing naman ng baby ko. Kaya mo na ba kumain mag isa?" Lambing ko sa kanya. Tumango lang siya at kumuha ulit ng maliit na parte ng pritong kalabasa at sinawsaw sa ketchup bago sinubo. Mayabang siyang humarap sa akin at nag akto pa na busog habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. I understood the assignment. Alam kong nais niya na purihin ko siya. Bilang ina ay pumalakpak ako ng malakas at sinabing, "Wow! Very good, anak. Good boy
Kinabukasan ay tinotoo nga niya ang pagsundo sa akin. 6:30 am nang mag abang ako ng jeep sa labasan. Kalapit ito ng bakery na kung saan 'dun ako binaba ng ihatid niya ako kahapon. At nagulat na lamang ako ng makitang muli ang isang black porsche. Nandoon na pala siya at kanina pa naghihintay. Patay malisya akong tumayo sa pwesto. Kunwari ay 'di ko siya nakikita. Diretso lamang ang aking tingin sa daan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang sasakyan na marahil ay pag aari niya. Ngunit hindi ko mapigilang bumaling sa kanya. Nakita ko itong naglakad papalapit sa akin. "Good morning," bati niya ng makalapit na sa akin. Pansin ko ang pag tingin tingin ng mga bumibili ng tinapay sa banda namin pati na ang mga nakatambay na malapit sa aming pwesto. Napapikit ako ng mariin ng may marealize ako. Kaagad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan. Wala na akong choice kundi ang hilahin siya papunta sa kanyang kotse para lamang makaiwas sa mga chismosang tao. Baka mamaya niyan maririni
"As I've told you, I will make things up to you." Sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho ay sa wakas nagbukas siya ng topic. "This… is one of my ways." Tukoy niya sa pagsundo sa akin. "I know it's your first time." Mabilis siyang sumulyap sa akin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun. Nagtataka akong napatingin sa kanya. First time na ano? Nang pumasok sa aking utak kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa katagang iyon ay namula ang aking pisngi sa hiya. First time to experience s*x. Sana naman 'wag niya ng sinasabi ang mga ganyang klaseng bagay."It must have hurt you. And I know you treasure your virginity." Pagpapatuloy niya. Hindi ako makapagsalita sapagkat hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Muli siyang nagsalita. Ang mga mata ay tutok sa aming dinadaanan ngunit nahuhuli ko siyang paminsan minsang pag sulyap sa aking gawi. "In just one night, I took away your treasure. So, please, allow me to help you as my compensation. I'm responsible for the mistake I made.""Pag
Natapos ang araw ng wala ako sa aking sarili. Maka-ilang beses pa akong nagkamali kanina habang naglilinis sa buong floor. Kahit pilit kong libangin ang aking sarili ay talagang bumabalik sa aking alaala ang naging halikan namin. Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang aking katawan na makapag pahinga. "Ma… sama kuya Lucas?" kasabay ng tanong ni Kenken ay ang paghila niya ng mahina sa aking damit para maagaw ang aking atensyon. Linggo ngayon kaya sinadya namin agahan ang gising para makapag simba kami ng alas singko.Bumaling ang aking ulo sa kaliwang tabi kung saan nakaupo ang aking anak. Kanina niya pa ako kinukulit pero dahil nagsusuot ako ng sapatos ay hindi ko muna siya pinansin. Besides, hindi rin ako sigurado kung makakasama nga si Lucas sa aming pag simba. Nang maayos ko na ang sintas ay humarap ako sa full body mirror para matingnan ang aking ayos. Suot-suot ko ang isang puting blouse na pinares ko sa isang black fitted skirt na abot hanggang tuhod. Hindi naman kahabaan an
"Alam ko pong sa'yo to pero…" Hindi ko alam kung anong idudugtong ko. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pinatawag niya ako para mag linis kung gayong hindi naman pala siya umalis ng opisina. Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Ano..""Yes? Do you have something to say to me?" Tumaas ang kanyang dalawang kilay. "Uh oo, gusto ko sanang sabihin na babalik na lang ako mamaya.""No, you can clean now." Sabat niya at kinuha ang kanyang MacBook. Binuksan niya ito, mukhang may gawain pa siya dito ah. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi."Mr. D, babalik na lang po ako mamaya para makapag focus ka sa trabaho mo. Besides, hindi naman tama na maglinis ako habang nandito ka diba?" Peke akong tumawa upang mawala ang tensyon na pumapaligid sa amin. Ang kaninang malawak na espasyo ay biglang naging masikip para sa akin ngayong nandito siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pabago bago ang aking pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Minsan nalilimutan kong boss ko s
"Ayumi, tapos ka na ba maglinis sa buong 10th floor?" Pagpasok ko sa janitor's room ay iyon agad ang bungad sa akin ng aming head. Tulak-tulak ko ang lalagyan ng mga pang linis.Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nagsalita, "Kakatapos ko lang po, ma'am."Tumango-tango naman siya bago tumingin sa akin at sa dala kong mga pang linis. "Bawasan mo ang mga 'yan." Turo niya dito. "Kakailanganin mo lang ang pang linis sa sahig at bintana. Ikaw ang naatasan na maglinis sa office ni Mr. D." Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad paalis. Agad naman akong naalarma at hinabol siya."Teka lang po, ma'am." Hinawakan ko ang kanyang braso upang mapigilan siya sa paglalakad. "Bakit naman po ako ang maglilinis eh hindi ba may naka assign 'dun na iba?" Nang humarap ito ay tumingin pa siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya't dali dali ko naman itong tinanggal. Nang tinaas niya ang kanyang tingin sa aking mukha ay blanko lamang ito. "Ah sinusuway mo ba si Mr. D? Sino ka ba sa akala m