"Hello, my baby Ken-ken!" masigla kong bati sa aking dalawang taong gulang na anak. Tatlong taon makalipas ang gabing iyon ay heto na nga kami, magkasama sa iisang bahay. Ako, siya, at ang aking mga magulang.
Tulad ng aking inaasahan ay nadismaya nga sa akin sina mama't papa. Ako ang kanilang pag asa sa buhay pero binigo ko sila. Naging mahirap sa akin ang lahat. Umabot pa sa punto na kailangan kong huminto sa pag aaral at maghanap ng trabaho. Sa awa ng diyos ay napagbigyan naman ako. "Mama!" Masaya akong sinalubong nito at tinaas pa ang kamay upang yumakap sa aking binti. Lumawak ang aking ngiti ng makitang nakalagay ang kanyang mga laruan sa lalagyan nito at nakaayos pa. Napapansin ko na mas advance mag-isip ang aking anak kumpara sa ibang bata. Kahit dalawang taong gulang pa lamang siya ay marunong na siyang ibalik ang kanyang mga laruan pagkatapos niya maglaro. "Kay lola ka na muna, anak. Magpapalit lang ng damit at magluluto ang mama, 'kay?" lambing ko. Kinarga ko siya at binigay kay mama. Agad naman akong nagpalit ng damit atsaka nagsimulang magluto ng aming hapunan. Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang maramdaman ang pagod ng aking katawan. Tulad ng mga nagdaang araw, umuwi na naman akong walang magandang balita. Ilang beses na akong sumubok mag apply sa mga nangangailangan ng empleyado ngunit nauuwi lang sa wala. Umabot na ako sa kung saan-saan ngunit ayaw ako tanggapin dahil sa hindi pasok ang aking educational background. Pero kailangan kong tatagan ang aking sarili dahil pinangako ko noon sa sarili ko na itatago ko ang aking anak sa ama nito. At walang makakaalam kung sino ang kanyang ama maliban sa akin. Hindi ako hihingi ng pinansyal na suporta. Ngunit talaga ngang nanghahamon ang buhay dahil ang siyam na buwan na pagdadala ko kay baby Ken-ken sa aking sinapupunan ay ang pinakamahirap na yugto sa buong buhay ko. Nawalan ako ng koneksyon sa aking mga kaibigan dahil naibenta ko ang aking cellphone. Maging ang iba pa naming mga gamit sa bahay ay naibenta na rin. Si mama, nagbebenta na siya ng mga tinatahi niya upang may pandagdag gastusin sa aking pagbubuntis. Si papa naman ay gano'n pa rin ang trabaho, isang taxi driver. Mahal ko sila parehas. Sa kabila ng pagkadismaya ay hindi nila ako tinalikuran. Naiintindihan ko kung bakit nadismaya sila, syempre, mahirap lang kami at nag-iisa nila akong anak. Sa huli ay dumating rin ang araw na natanggap na nila ang lahat ng katotohanan. Kinabukasan ay nakatanggap ako ng isang tawag mula sa kompanya ng D.E.M Furniture company. Pinapatawag nila ako sa kanilang gusali. Hindi naman malayo ang kanilang gusali mula sa aming bahay kaya nakarating rin ako kaagad. Malaki ang gusali at umabot ng labing-isa ang bilang ng palapag. Sa labas pa lamang ay kapansin-pansin na ang magagandang disenyo na makikita sa paligid. Agaw atensyon din ang mga muwebles. Pagpasok ko ay diretso agad ako sa front desk. Ngumiti ang receptionist sa akin at nagtanong kung may appointment daw ba ako. Nanghingi lang siya ng ID na kailangan ipakita at agaran ko namang sinunod. "Uh, tumawag sa akin ang HR department kanina. Nais nilang makita ako ngayon at makausap." "Okay ma'am, just go to the 7th floor and you can see the HR department office there. At the right side, there's a room intended for application. You can wait there. Rest assured, I will call the HR department," aniya at nagsimulang magpindot sa intercom kaya naman pumunta na ako sa elevator. Wews! Muntik ko pang hindi mahanap kung nasaan ang elevator dahil sa lawak ng paligid. Nang makarating ako sa room na tinutukoy ng receptionist ay hindi nagtagal at dumating na rin ang isang nasa mid-thirties na babae. "Hello, Ms. Serra. Maraming salamat sa pagpunta mo. I am Carmina Valer, the hiring manager under the HR department," pagpapakilala niya. Nakipag kamayan siya sa akin na malugod kong tinanggap. "Maupo ka," tukoy niya sa upuan na nasa tabi ko. "Nakita ko ang iyong application. Sa kasamaang palad ay hindi tumatanggap ng undergraduate ang posisyon na in-applyan mo. Kailangan ay graduate ka sa kolehiyo sa kursong office administration," pagpapaliwanag niya. Parang mahuhulog ang aking puso sa dismaya. Para saan ba ang pagpunta ko dito? Hindi naman siguro nila ako ipapatawag para ipamukha sa akin na hindi ako nagtapos ng kolehiyo di'ba? Nakakainis naman! "Ngunit dahil kulang kami sa maintenance department ay tinawagan ka namin. Gusto mo ba na magtrabaho dito bilang janitress? 'Yun lamang ang kaya namin ialok saiyo. Nasa saiyo ang desisyon kung tatanggapin mo o hindi," pagkausap niya sa mahinhin na paraan. "Hindi ito sapilitan. Kung talagang gusto mo maging sekretarya ay sa ibang kompanya ka na lang," pagpapatuloy niyang muli. Tinanggap ko ang kanyang alok. Hindi na rin masama sapagkat malaki ang kompanyang iyon kaya malaki-laki rin ang sahod kahit na janitress lang. *** Sumakay ako sa jeep papunta sa gusali ng D.E.M Furniture. Ngayong araw ang simula ng aking trabaho. Umaabot ng labing-lima na minuto ang byahe papunta doon at alas sais y media na ngayon. Bilang nasa maintenance department, obligado kaming pumasok ng alas syete para makapag simula na sa paglilinis ng mga offices bago pa dumating ang ibang tao. Pagkarating ko ay nagkaroon muna ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin pati na ang aking nakatakdang palapag. "As you see, we have 11 floors here. The first floor is the reception and entertainment. We have the front desk and they are responsible for the people who come in. Your facility room is on the second floor. The 3rd floor up to 5th floor is intended for the product we made. All finished and unfinished furniture are there and we need to clean them up regularly. The 6th to 9th floor are the offices such as the general management, marketing department, operation department, finance department, sales department, purchase department, human resource department and so on..." tumigil siya saglit at nilingon ako. “The 10th floor is for meetings while the 11th floor is the office of our CEO and other higher-ups," mahabang lintanya ng taong nagpapaliwanag sa akin. "And you," sabay turo sa akin. "You are assigned on the 10th floor. The meeting usually starts at 8 am, so you need to clean the meeting room at exactly 7 in the morning and also after each meeting. Then afterwards you can clean the hallway, windows, and other rooms. Understood?" Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtango ko. Alas syete na kaya sinimulan ko na rin ang pag mop sa meeting room. Napakalawak nito at sa gitna ay may mahabang mesa. Habang nag mo-mop ay napalapit ako sa dulo ng mesa at 'dun ko lamang napansin ang isang pahabang bagay na may nakaukit na Mr. DEM. Sa ibaba naman nito ay may CEO na nakalagay. Marahil ay ito ang upuan ng aking boss. Nabanggit rin pala sa akin kanina na kakaunti pa lamang ang nakakakita sa aming boss. At 'yun ang mga nasa taas na posisyon. Isa siyang tinaguriang anonymous boss sa kanyang sariling kompanya at mga tauhan. Hindi nga rin nila alam ang kanyang tunay na pangalan kundi DEM lamang. Initials ito ng kanyang tunay na pangalan. Hindi siya nagpapakita sa mga tao at madalas sa kanyang mga meeting ay iba ang nagrerepresenta sa kanya. Pinadausdos ko ang aking mga daliri sa nakaukit na pangalan ni Mr. DEM. Ano kaya ibig sabihin ng DEM? Kahit ako ay walang ka ide-ideya. Pagkatapos maglinis sa meeting room ay lumabas naman ako para sa bintana naman maglinis. Ilang oras na rin ang lumipas at tapos na ako sa lahat-lahat kaya't minabuti ko na lamang na bumalik sa aming headquarters. Bitbit ang mga panlinis ay naglakad na ako pabalik ngunit bago pa ako makaliko sa hallway ay may narinig akong mga nag-uusap. "Oh, come on! You know me, I hate involving with other people." Isang buo at malalim na boses ang aking narinig. Kumunot ang aking noon, pilit inaalala kung saan ko ba narinig ang boses na 'yun. Pamilyar! "Please Mr. D, just this time. You need to meet her, she's our important client," ani ng isa pang lalaki. Mr. D? Like Mr. DEM, our boss? "Do your duty. Meet her and if ever she looks for me, just say I'm busy. " Saktong pagliko ko sa hallway ay siya namang pagpasok ng dalawang lalaki sa meeting room. Parehas na silang nakatalikod kung kaya't hindi ko naaninag ang kanilang mga mukha. Ngunit nasisigurado ko na pareho silang matangkad at may matikas na pangangatawan. Ang mas gumamba sa aking isip ay ang likod ng isang lalaki dahil pamilyar ito.DIONYSUS Palihim akong napangisi dahil alam kong hindi mananalo sa akin ang aking kanang kamay na si Charles Dominguez. "You should consider this, for your company," pagpipilit niya. Tiningan ko lamang siya gamit ang aking blankong mukha. "My company survived even though I'm not showing myself to our clients. You know why? It is because of our high quality products. They came to us because they trusted us and not because of me!" giit ko. "Okay, you win again," aniya habang nakataas ang dalawang kamay para ipakita ang pagkatalo. Umiling-iling ako at naupo. Dumako ang aking mga kamay sa leeg upang marahan itong imasahe. Ito ang ayaw ko sa pakikipaghalubilo sa ibang tao, ang daming mga akitibidad na kailangan gawin. Pero dahil ako ang may pinakamataas na donasyon sa charity, wala na akong magawa kundi ang magpakita sa kanila. Mabilis kong niluwagan ang aking necktie upang makahinga ng maayos nang may mapansin akong maliit na bagay sa sahig. Agad sumimangot ang aking mukha nang ma
Habang naglalakad ako palabas ng gusali ay pansin ko ang bulong-bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan pa ang aking mga hakbang. Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may kung ano sa akin nang marinig ko ang boses niya, o baka naman naiintimida lang ako. Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay. Nang makababa sa jeep ay sinimulan ko ng lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang maglakad. Parang eskinita kumbaga. Nadaanan ko na rin ang bilihan ng tinapay kaya naman bumili ako ng paborito ni baby Ken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang mahilig dito. Bumili na rin ako ng pandecoco para sa amin ng mga magulang ko. Sa
Habang nililinisan ko ang mga gamit panglinis ay padarag na pumasok ang babaeng masungit na para bang palaging may dalaw, ang aming head. "Pinapatawag ka muli sa baba. Galing uli sa boss natin," mataray na saad niya. Narinig ito ng iba ko pang mga kasamahan sa sobrang lakas ng kanyang boses kaya naman hindi ko maitago ang aking hiya. Alam ko na kung para saan pa ito. Wala na akong magawa kundi itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali. "Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Hindi ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kompanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D," dada niya. Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang wala ng saysay ang makipag-usap sa kanya. Nakarating ako sa baba na ang iniisip lamang ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. "Magandang umaga, Mr. D. Ako po ito, si Ayumi na janitress," paunang bati ko.
"We should talk about us," tugon niya sa mababang boses. Kalmado lang ang kanyang postura at tono ngunit ang kanyang titig ay salungat. Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang sumikip ang silid kung nasaan kami. Marahil ay dahil sa tensyon na namamagitan sa amin kaya naman ang hirap huminga lalo na't titig na titig siya. Matapos ang ilang taon kong paghihirap ay biglang sasabihin niya na kailangan namin mag usap? Taas-noo kong hinarap ang kanyang titig. Hindi dapat ako magpaintimida sa kanya kahit boss ko pa siya. "Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kung ano ang nangyari noon, hanggang doon na lang iyon," gigil kong pagtapos sa usapan. Mabilis akong humakbang paalis bago pa may mangyaring hindi maganda. Ngayon na nagkita na kami ay bumabalik sa aking alaala ang mga pinagdaanan ko. Naisip ko si baby Ken. Gusto niyang makita ang kanyang ama. Gusto niyang may makakalaro din siya gaya ng ibang mga bata. Ngunit wala pa akong balak na ipakilala ang lalaking ito bilang ama ng a
Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko sila sa kusina at patapos ng kumain. Dumiretso ako sa aking mga magulang para magmano bago pumunta sa tabi ni Kenken. "Oh iha, ba't kakauwi mo lang? Hindi ka na namin nahintay kasi gutom na ang anak mo." Nag aalalang tanong sa akin ng aking ina. "Overtime, ma. Kailangan eh." Sabi ko sabay baling sa aking anak. Agad kumurba ang aking labi ng makitang gulay ang nasa ibabaw ng kanyang plato. Kahit sa murang edad niya ay alam niya ng mas masustansya kainin ang mga gulay. Hindi siya mapili pagdating sa mga pagkain."Galing naman ng baby ko. Kaya mo na ba kumain mag isa?" Lambing ko sa kanya. Tumango lang siya at kumuha ulit ng maliit na parte ng pritong kalabasa at sinawsaw sa ketchup bago sinubo. Mayabang siyang humarap sa akin at nag akto pa na busog habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. I understood the assignment. Alam kong nais niya na purihin ko siya. Bilang ina ay pumalakpak ako ng malakas at sinabing, "Wow! Very good, anak. Good boy
Kinabukasan ay tinotoo nga niya ang pagsundo sa akin. 6:30 am nang mag abang ako ng jeep sa labasan. Kalapit ito ng bakery na kung saan 'dun ako binaba ng ihatid niya ako kahapon. At nagulat na lamang ako ng makitang muli ang isang black porsche. Nandoon na pala siya at kanina pa naghihintay. Patay malisya akong tumayo sa pwesto. Kunwari ay 'di ko siya nakikita. Diretso lamang ang aking tingin sa daan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang sasakyan na marahil ay pag aari niya. Ngunit hindi ko mapigilang bumaling sa kanya. Nakita ko itong naglakad papalapit sa akin. "Good morning," bati niya ng makalapit na sa akin. Pansin ko ang pag tingin tingin ng mga bumibili ng tinapay sa banda namin pati na ang mga nakatambay na malapit sa aming pwesto. Napapikit ako ng mariin ng may marealize ako. Kaagad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan. Wala na akong choice kundi ang hilahin siya papunta sa kanyang kotse para lamang makaiwas sa mga chismosang tao. Baka mamaya niyan maririni
"As I've told you, I will make things up to you." Sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho ay sa wakas nagbukas siya ng topic. "This… is one of my ways." Tukoy niya sa pagsundo sa akin. "I know it's your first time." Mabilis siyang sumulyap sa akin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun. Nagtataka akong napatingin sa kanya. First time na ano? Nang pumasok sa aking utak kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa katagang iyon ay namula ang aking pisngi sa hiya. First time to experience s*x. Sana naman 'wag niya ng sinasabi ang mga ganyang klaseng bagay."It must have hurt you. And I know you treasure your virginity." Pagpapatuloy niya. Hindi ako makapagsalita sapagkat hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Muli siyang nagsalita. Ang mga mata ay tutok sa aming dinadaanan ngunit nahuhuli ko siyang paminsan minsang pag sulyap sa aking gawi. "In just one night, I took away your treasure. So, please, allow me to help you as my compensation. I'm responsible for the mistake I made.""Pag
"Ayumi, tapos ka na ba maglinis sa buong 10th floor?" Pagpasok ko sa janitor's room ay iyon agad ang bungad sa akin ng aming head. Tulak-tulak ko ang lalagyan ng mga pang linis.Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nagsalita, "Kakatapos ko lang po, ma'am."Tumango-tango naman siya bago tumingin sa akin at sa dala kong mga pang linis. "Bawasan mo ang mga 'yan." Turo niya dito. "Kakailanganin mo lang ang pang linis sa sahig at bintana. Ikaw ang naatasan na maglinis sa office ni Mr. D." Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad paalis. Agad naman akong naalarma at hinabol siya."Teka lang po, ma'am." Hinawakan ko ang kanyang braso upang mapigilan siya sa paglalakad. "Bakit naman po ako ang maglilinis eh hindi ba may naka assign 'dun na iba?" Nang humarap ito ay tumingin pa siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya't dali dali ko naman itong tinanggal. Nang tinaas niya ang kanyang tingin sa aking mukha ay blanko lamang ito. "Ah sinusuway mo ba si Mr. D? Sino ka ba sa akala m
Bago pa man tuluyang makaabot sa mismong building ay huminto na kami. "Maraming salamat ulit, Mr. D!"Humarap ako sa kanya pagkababa ng kotse, bahagyang nakayuko ang ulo habang hawak ang pinto nito. Saglit akong naghintay sa pag-aakalang may sasabihin pa siya. Ngunit nang magtaas siya ng kilay na parang nagtatanong ay umiling ako at nahihiyang umiwas ng tingin. Bumuka ang aking mga labi ngunit agad ko rin tinikom dahil wala akong maisip na sasabihin.Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Sabihin mo lang kung gusto mong isama kita sa harap ng building. I can make a ride for you!" Pumikit ako sa pagtitimpi. 'Nakakaasar ka din talaga minsan.' Padabog kong sinara ang pinto bago niya pa dagdagan ang kanyang sinabi. Alam ko na kasunod 'nun! Dahil sa iniiwasan ko na makita kaming magkasama ng mga tao ay mas nakakabuti kung hindi ako bababa sa mismong building. Dumaan ako sa likod at sumakay ng elevator. Natuwa ako sa isiping maaga ako ngayong papasok kaya hindi ko kailangang makipaghabulan sa
Natapos ang araw ng wala ako sa aking sarili. Maka-ilang beses pa akong nagkamali kanina habang naglilinis sa buong floor. Kahit pilit kong libangin ang aking sarili ay talagang bumabalik sa aking alaala ang naging halikan namin. Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang aking katawan na makapag pahinga. "Ma… sama kuya Lucas?" kasabay ng tanong ni Kenken ay ang paghila niya ng mahina sa aking damit para maagaw ang aking atensyon. Linggo ngayon kaya sinadya namin agahan ang gising para makapag simba kami ng alas singko.Bumaling ang aking ulo sa kaliwang tabi kung saan nakaupo ang aking anak. Kanina niya pa ako kinukulit pero dahil nagsusuot ako ng sapatos ay hindi ko muna siya pinansin. Besides, hindi rin ako sigurado kung makakasama nga si Lucas sa aming pag simba. Nang maayos ko na ang sintas ay humarap ako sa full body mirror para matingnan ang aking ayos. Suot-suot ko ang isang puting blouse na pinares ko sa isang black fitted skirt na abot hanggang tuhod. Hindi naman kahabaan an
"Alam ko pong sa'yo to pero…" Hindi ko alam kung anong idudugtong ko. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pinatawag niya ako para mag linis kung gayong hindi naman pala siya umalis ng opisina. Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Ano..""Yes? Do you have something to say to me?" Tumaas ang kanyang dalawang kilay. "Uh oo, gusto ko sanang sabihin na babalik na lang ako mamaya.""No, you can clean now." Sabat niya at kinuha ang kanyang MacBook. Binuksan niya ito, mukhang may gawain pa siya dito ah. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi."Mr. D, babalik na lang po ako mamaya para makapag focus ka sa trabaho mo. Besides, hindi naman tama na maglinis ako habang nandito ka diba?" Peke akong tumawa upang mawala ang tensyon na pumapaligid sa amin. Ang kaninang malawak na espasyo ay biglang naging masikip para sa akin ngayong nandito siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pabago bago ang aking pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Minsan nalilimutan kong boss ko s