Noong nalaman ni Cailyn na magkakaanak siya ng kambal, binigyan siya ni Austin Buenaventura ng divorce agreement at breakup fee na 300 milyon sa kadahilanang umuwi na ng Manila si Helen, ang babaeng iniibig niya. Sa halip na magmakaawa, tinanggap ni Cailyn ang pera at sinimulan ang bagong yugto ng kanyang buhay. Ngunit hindi natapos doon ang pighati at sakit, dahil ipinilit pa ni Austin na ipalaglag ang batang kanyang dinadala. Masasagot pa kaya ang mga katanungang bumabagabag sa kanilang isipan? May pag-asa pa kayang maibalik ang dating samahan na puno ng tiwala at pagmamahal, o tuluyan na nilang pipiliing isara ang kabanatang minsang nagbigay-kulay sa kanilang buhay?
view moreNakatanggap ng tawag si Cailyn at narinig ang piling salita.“Hindi ko na kayang maging katulong niya sa mga susunod pang araw.” Saad nito.Nagmamadali naman siyang tumayo at nag almusal na inihanda ng kasambahay ni Jasper. Bigla naman niyang napaisip sa dating sitwasyon na kinaharap niya kasama si Austin. Kung saan siya ang nagluluto at naghahanda sa pagkain nilang dalawa.Laking pasalamat niya na lang nang ginising siya sa katotohanan.Sa kalagitnaan ng pagkain niya ng almusal, dumating naman ang kaibigan nitong si Jasper na tila may dala-dalang balita. Sino ang mag aakalang naitatag ng dugo’t-pawis niya ang Cai Cosmetics Group. Isa na ito sa pinakasikat na makeup at healthcare brand sa buong Pilipinas na itinatag ng sinong mag aakalang naitatag ng isang kasambahay. Sa katunayan, hindi pa siya kasambahay nang magkaroon na siya ng ideya at kaalaman tungkol dito. Bata pa lamang siya nito at tinuturuan ng kanyang lola. Dagdag na rin nito ay nakapag aral siya sa Unibersidad ng Pilipin
Ipinabalik ni Austin si Helena sa bahay nito kung saan siya tumutuloy habang siya nama’y bumalik sa kanyang sariling unit. Sa pagbukas niya ng pinto, pagdating niya’y bumungad ang dilim at nakakabinging katahimikan. “Cai…” halos pasigaw niyang tawag.Ilang segundo muna ang lumipas bago niya mapagtanto ang isang bagay. Lumipat na nga si Cailyn sa ibang unit kasama ang lalaking kaibigan nito, si Jasper.Agad naman nanlalamig ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Sir Austin, kung wala na po akong maitutulong, baka p’wede naman na po akong bumaba?” kabado niyang tanong sa harap niya habang nakakunot-noo.Sa annex building naka-pwesto ang mga yaya, guard, at driver nila at karaniwan ay silang dalawa ni Cailyn sa loob ng main building.Sa loob ng halos tatlong taong pagsasama nila, nakasanayan niyang si Cailyn ang naghahanda ng lahat kagaya na lang ng pagluluto ng pagkain, pag aayos ng damit, gawaing bahay at maski pag aalaga sa sasakyan ay ginagawa nito. Binigyan niya naman na ng hudyat ang
Labis na lamang ang pag-alala ng kaibigan nito kay Cailyn. Dahil sa awra pa lang ng mukha, mahahalata mo na agad na mayroon siyang mabigat na dinaramdam.“I know you’re not okay.”Kakaiba ang pamumutla niya na ikinabahala ng kaibigan niyang si Jasper. “Magsabi ka, gusto mo bang dumiretso na tayo ngayon sa ospital? Kinakabahan naman kasi ako sa itsura mo. That’s very unusual. Never pa kitang nakitang ganyan kaputla sa loob ng ilang taong pagkakaibigan natin.” Pag aalalang wika niya.Umiling lamang siya at bumuntong hininga. “Ano ka ba, okay lang ako ‘no. Sige na, magpapahinga muna ‘ko.” Tugon niya at isinara na ni Jasper ang bintana ng sasakyan at tumungo na sa lugar kung saan sila pupunta. Nang makauwi rin naman si Austin, laking gulat niya nang makitang inaayos ng kanyang kanang kamay at iba pang mga kasamahan ang mga gamit ng asawa niyang si Cailyn. Maigting ang galit nito kaya naman tinanggal niya ang kurbata sa leeg at itinapon sa tabing sofa.“Ibalik n’yo lahat ‘yan!”Tumayo niy
Matapos ang tatlong araw na pananatili sa ospital, nakauwi na siya nang maayos sa condo unit na kanilang tinitirhan sa Makati.Ngunit nang pagkalapag niya palang ng gamit ay may narinig siyang yapak ng isang tao sa loob. Nakumpirma naman niya na iyon ay secretary lamang ni Austin na si Fe at kampante siya na walang dapat na ikabahala.“Ma’am Cailyn, inutusan po ako ni Sir Austin na kunin lahat ng gamit na ibinigay niya sa ‘yo, lalo na po ‘yung mga alahas, bags, at mamahaling damit.” Gusto niya mang tumugon pero hindi na niya nagawa pa. Matapos lang ang tatlong taon, kukunin niya na ang halagang tatlong daang milyon para maisalba ang utang ng kanyang pamilya, pinili niya rin ang huminto ng pag aaral at tuluyang pakasalan si Austin. Kaya hindi na niya kinakailangan pang lumabas at magtrabaho sa labas para kumita ng pera.Mayroon na ring siyang naitayong parmasya na tiyak papatok sa merkado, lalo na’t may mga nai-develop na siyang produkto. Matagal na ring kilala ni Fe si Caitlyn sa l
Madilim, mausok at halos hirap makahinga si Cailyn nang makarating siya sa lugar kung saan malapit ang bahay nila ni Austin. Pagkarating niya kaagad sa condo unit, dumiretso siya sa comfort room para mag-ayos ng kaunti. Todo-ayos, ligo, at pabango ang inihanda niya sa kanyang sarili.“May kailangan kang malaman.” Bungad na saad ni Austin paglabas pa lang niya ng banyo.Sa gitna ng tensyon, isang balita ang lumabas sa telebisyon na pumukaw naman agad sa kanilang atensyon.“Sa kasalukuyan, kasama natin ang presidente ng Buenaventura Corp. na ngayo’y kararating lamang sa Ninoy Aquino Airport, upang salubungin ang tinaguriang Cello Queen na si Helen,” saad sa balita at napalingon ang dalawa.“May narinig kaming balita na may balak ka raw pakasalan si Helen, tama ho ba ‘yon, Mr. Austin?” dagdag pa nito na mas nagpakaba sa kay Caitlyn..Sandali namang napakamot siya ng ulo at napangiwi sa balitang narinig. “Kalokohan. Wala namang katotohanan ‘yang sinasabi nila, ‘di ba?” Umismid si Austin
Madilim, mausok at halos hirap makahinga si Cailyn nang makarating siya sa lugar kung saan malapit ang bahay nila ni Austin. Pagkarating niya kaagad sa condo unit, dumiretso siya sa comfort room para mag-ayos ng kaunti. Todo-ayos, ligo, at pabango ang inihanda niya sa kanyang sarili.“May kailangan kang malaman.” Bungad na saad ni Austin paglabas pa lang niya ng banyo.Sa gitna ng tensyon, isang balita ang lumabas sa telebisyon na pumukaw naman agad sa kanilang atensyon.“Sa kasalukuyan, kasama natin ang presidente ng Buenaventura Corp. na ngayo’y kararating lamang sa Ninoy Aquino Airport, upang salubungin ang tinaguriang Cello Queen na si Helen,” saad sa balita at napalingon ang dalawa.“May narinig kaming balita na may balak ka raw pakasalan si Helen, tama ho ba ‘yon, Mr. Austin?” dagdag pa nito na mas nagpakaba sa kay Caitlyn..Sandali namang napakamot siya ng ulo at napangiwi sa balitang narinig. “Kalokohan. Wala namang katotohanan ‘yang sinasabi nila, ‘di ba?” Umismid si Austin...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments