Ipinabalik ni Austin si Helena sa bahay nito kung saan siya tumutuloy habang siya nama’y bumalik sa kanyang sariling unit. Sa pagbukas niya ng pinto, pagdating niya’y bumungad ang dilim at nakakabinging katahimikan.
“Cai…” halos pasigaw niyang tawag.
Ilang segundo muna ang lumipas bago niya mapagtanto ang isang bagay. Lumipat na nga si Cailyn sa ibang unit kasama ang lalaking kaibigan nito, si Jasper.
Agad naman nanlalamig ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“Sir Austin, kung wala na po akong maitutulong, baka p’wede naman na po akong bumaba?” kabado niyang tanong sa harap niya habang nakakunot-noo.
Sa annex building naka-pwesto ang mga yaya, guard, at driver nila at karaniwan ay silang dalawa ni Cailyn sa loob ng main building.
Sa loob ng halos tatlong taong pagsasama nila, nakasanayan niyang si Cailyn ang naghahanda ng lahat kagaya na lang ng pagluluto ng pagkain, pag aayos ng damit, gawaing bahay at maski pag aalaga sa sasakyan ay ginagawa nito.
Binigyan niya naman na ng hudyat ang driver at ibang katulong na maaari nang bumaba.
Gayunpaman, halata sa ekspresyon niya ang pagka-iritable nang hubarin niya ang kanyang sapatos. Naghubad na lang siya ng sapin sa paa at iniwang suot ang medyas.
“Ang sakit ng ulo ko, hilutin mo nga ‘ko,” may natira pang lambing sa boses niya.
Inikot niya ang ulo niya at kinusot ang mga mata– ilang minuto rin muna ang lumipas bago mapagtantong muli na wala na siyang kasama. Sa pagkakataong ito, nakakaramdam na siya ng kakaiba sa sarili, sa realidad na nasanay siyang kasama si Cai.
Sa sumunod na sandali, sinuntok niya ang armrest ng sofa sa panggagalaiti bago pumunta sa kusina. Dahil kung nandoon si Cailyn ay hindi niya na kinakailangan pang magtimpla ng sariling kape.
Halos sasabog na siya sa inis at hindi mapakali kaya naisipan niyang kunin ang cellphone at tawagan ang naturing niyang asawa.
“Cai, nasaan ‘yung mga gamit ko? ‘Yung baso at tsinelas, hindi ko makita!” sigaw nito.
Sa kabilang linya naman ay may sumagot ng pamilyar na boses. “Tarantado ka talaga ‘no? Tulog ‘yung tao, nagpapahinga, tapos hahanapan mo ngayon ng baso at tsinelas? Para kang isip batang naghahanap kung nasaan ang laruan” pabiro pang tugon ni Jasper.
Kumunot naman ang noo ni Austin sa galit. “Bigay mo nga sa kanya ‘yung cellphone, I need to talk to her.”
Pagkabitaw ng mga salitang iyon ay agaran namang ibinaba ni Jasper ang tawag.
Nang masigurado namang mahimbing pang natutulog si Cailyn, bumaba muna siya panandalian para bumili.
At sa paggising niya, dumiretso siya sa banyo kahit nakararamdam pa ng hilo. Unti-unti niya ring napagtanto ang isang bagay. Hindi niya na kinakailangan pang gumising ng maaga para pagsilbihan ang naturing na asawa. Natatawa na lang siya sa mga sumasagi sa isip niya sa mga oras na ‘yon pero ‘di maakilang iniisip niya pa rin si Austin na paglutuan.
Bumalik siya sa kama ngunit hindi na maibalik pa ang antok. Kinuha niya na lamang ang cellphone para basahin ang mga dokumento.
Mahigit dalawang dosena na bilang ng mga babaae ang interesado sa kanyang produkto at gusto pa ngang pumunta sa unit niya. Milyon-milyon ang nais na transakyon ng mga ito kaya isa na ring malaking oportunidad ito para sa kanya.
Habang nakatuon ang atensyon niya sa mga transaksyong iyon, isang pangalan naman ang biglang lumabas sa screen niya.
Austin is calling.
Hindi pa niya napapalitan ang nickname nito kaya ang nakalagay pa ay ‘My Husband’.
“Cailyn.” Isang malalim na tinig ang pumangibabaw sa kanyang tainga.
Napalunok siya at tumugon. “Anong kailangan mo,” diretsong tanong niya
“Where’s my cufflink? Saan mo ba nilagay? Kinuha mo ba?”
Masama ang tingin pagtingin niya habang pinariringgan ang boses ng lalaking iyon.
“Nasa loob ng pangatlong kabinet, at kung hindi mo pa rin mahanap, tanungin mo na lang ‘yung secretary mo.” Tugon nito at binaba na rin agad ang telepono.
Tunay nga na halos masanay na si Austin sa mga naging galaw ni Cailyn. Dumating sa punto na parang katulong na ang tingin niya rito.
Bumalik naman agad sa dokumento ang pokus at atensyon niya matapos niyon. Huminga siya nang malalim at pinilit ‘wag nang alalahanin ang nangyari.
Ngunit makalipas lang ang limang minuto ay tumawag muli ito at tila ba’y nangungulit.
“Hey, what about my pair of starry cufflinks? Bakit nawawala ‘yun dito, ha?”
Starry sky cufflinks.
Sa pagkakaalala niya ay binigay niya ito sa kanya ng matagal na panahon na. Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang muli niya itong hanapin, at sa kanya pa.
“Magkakasama lahat ng cufflinks mo. Kung hindi mo pa rin mahanap, pakiusap lang, p’wede bang itanong mo na lang sa secretary mo.” Madiin niyang sabi na may halo ng inis.
Umagang-umaga pa lang ay mainit na agad ang ulo niya. Mula sa paghahanap ng medyas, baso, at ngayon naman ay ang kanyang cufflinks.
“Sir, okay na po ‘yung breakfast mo.” Ani ng yaya nito habang nakangiti nang pagkababa niya sa hagdan.
Tumango lang siya at bumaba na sa dining table ng isang restaurant.
Sa ibabaw ng lamesa ay mayroong iba’t-ibang uri ng pagkain na madalas at paborito niyang kainin, lalo na noong panahong si Cailyn pa ang gumagawa nito para sa kanya.
Kumuha siya ng kape na nasa tasa at dahan-dahang hinigop ito. Ngunit sa kasamaang palay, pagkalasa niya pa lang nito ay parang gusto niya na agad iluwa.
“Ano bang klaseng coffee bean ang iniligay n’yo rito? Ang pangit ng lasa, sobrang tapang. ‘Yung totoo, papatayin n’yo ba ‘ko?” tanong niya sa inis na tono.
Nanginginig sa takot ang isa sa mga katulong nito. “Sir, ginaya ko lang po kung paano gawin ni Ma’am Cai ‘yung pagtimpla niya sa ‘yo.”
Umiling siya at kumuha na lang ng tinapay na may palamang omelette. Ngunit napansin niya na namang iba ang pagkakaluto nito. Maliban sa malamig na ay wala itong pagkalasa-lasa. Kaya hindi na niya tinangka pang kainin ang kahit ano roon.
Ibinaba ni Austin ang chopstick na hawak niya, inayos ang suit jacket at umalis na nang walang paalam.
Nanlamig naman sa takot ang isa sa katulong niya at dagli tinawagan ang asawa nitong si Cailyn.
“Ma’am.” Halos mangiyak-ngiyak at nanginginig niyang sambit sa cell phone.
Nakatanggap ng tawag si Cailyn at narinig ang piling salita.“Hindi ko na kayang maging katulong niya sa mga susunod pang araw.” Saad nito.Nagmamadali naman siyang tumayo at nag almusal na inihanda ng kasambahay ni Jasper. Bigla naman niyang napaisip sa dating sitwasyon na kinaharap niya kasama si Austin. Kung saan siya ang nagluluto at naghahanda sa pagkain nilang dalawa.Laking pasalamat niya na lang nang ginising siya sa katotohanan.Sa kalagitnaan ng pagkain niya ng almusal, dumating naman ang kaibigan nitong si Jasper na tila may dala-dalang balita. Sino ang mag aakalang naitatag ng dugo’t-pawis niya ang Cai Cosmetics Group. Isa na ito sa pinakasikat na makeup at healthcare brand sa buong Pilipinas na itinatag ng sinong mag aakalang naitatag ng isang kasambahay. Sa katunayan, hindi pa siya kasambahay nang magkaroon na siya ng ideya at kaalaman tungkol dito. Bata pa lamang siya nito at tinuturuan ng kanyang lola. Dagdag na rin nito ay nakapag aral siya sa Unibersidad ng Pilipin
Madilim, mausok at halos hirap makahinga si Cailyn nang makarating siya sa lugar kung saan malapit ang bahay nila ni Austin. Pagkarating niya kaagad sa condo unit, dumiretso siya sa comfort room para mag-ayos ng kaunti. Todo-ayos, ligo, at pabango ang inihanda niya sa kanyang sarili.“May kailangan kang malaman.” Bungad na saad ni Austin paglabas pa lang niya ng banyo.Sa gitna ng tensyon, isang balita ang lumabas sa telebisyon na pumukaw naman agad sa kanilang atensyon.“Sa kasalukuyan, kasama natin ang presidente ng Buenaventura Corp. na ngayo’y kararating lamang sa Ninoy Aquino Airport, upang salubungin ang tinaguriang Cello Queen na si Helen,” saad sa balita at napalingon ang dalawa.“May narinig kaming balita na may balak ka raw pakasalan si Helen, tama ho ba ‘yon, Mr. Austin?” dagdag pa nito na mas nagpakaba sa kay Caitlyn..Sandali namang napakamot siya ng ulo at napangiwi sa balitang narinig. “Kalokohan. Wala namang katotohanan ‘yang sinasabi nila, ‘di ba?” Umismid si Austin
Matapos ang tatlong araw na pananatili sa ospital, nakauwi na siya nang maayos sa condo unit na kanilang tinitirhan sa Makati.Ngunit nang pagkalapag niya palang ng gamit ay may narinig siyang yapak ng isang tao sa loob. Nakumpirma naman niya na iyon ay secretary lamang ni Austin na si Fe at kampante siya na walang dapat na ikabahala.“Ma’am Cailyn, inutusan po ako ni Sir Austin na kunin lahat ng gamit na ibinigay niya sa ‘yo, lalo na po ‘yung mga alahas, bags, at mamahaling damit.” Gusto niya mang tumugon pero hindi na niya nagawa pa. Matapos lang ang tatlong taon, kukunin niya na ang halagang tatlong daang milyon para maisalba ang utang ng kanyang pamilya, pinili niya rin ang huminto ng pag aaral at tuluyang pakasalan si Austin. Kaya hindi na niya kinakailangan pang lumabas at magtrabaho sa labas para kumita ng pera.Mayroon na ring siyang naitayong parmasya na tiyak papatok sa merkado, lalo na’t may mga nai-develop na siyang produkto. Matagal na ring kilala ni Fe si Caitlyn sa l
Labis na lamang ang pag-alala ng kaibigan nito kay Cailyn. Dahil sa awra pa lang ng mukha, mahahalata mo na agad na mayroon siyang mabigat na dinaramdam.“I know you’re not okay.”Kakaiba ang pamumutla niya na ikinabahala ng kaibigan niyang si Jasper. “Magsabi ka, gusto mo bang dumiretso na tayo ngayon sa ospital? Kinakabahan naman kasi ako sa itsura mo. That’s very unusual. Never pa kitang nakitang ganyan kaputla sa loob ng ilang taong pagkakaibigan natin.” Pag aalalang wika niya.Umiling lamang siya at bumuntong hininga. “Ano ka ba, okay lang ako ‘no. Sige na, magpapahinga muna ‘ko.” Tugon niya at isinara na ni Jasper ang bintana ng sasakyan at tumungo na sa lugar kung saan sila pupunta. Nang makauwi rin naman si Austin, laking gulat niya nang makitang inaayos ng kanyang kanang kamay at iba pang mga kasamahan ang mga gamit ng asawa niyang si Cailyn. Maigting ang galit nito kaya naman tinanggal niya ang kurbata sa leeg at itinapon sa tabing sofa.“Ibalik n’yo lahat ‘yan!”Tumayo niy

Ipinabalik ni Austin si Helena sa bahay nito kung saan siya tumutuloy habang siya nama’y bumalik sa kanyang sariling unit. Sa pagbukas niya ng pinto, pagdating niya’y bumungad ang dilim at nakakabinging katahimikan. “Cai…” halos pasigaw niyang tawag.Ilang segundo muna ang lumipas bago niya mapagtanto ang isang bagay. Lumipat na nga si Cailyn sa ibang unit kasama ang lalaking kaibigan nito, si Jasper.Agad naman nanlalamig ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Sir Austin, kung wala na po akong maitutulong, baka p’wede naman na po akong bumaba?” kabado niyang tanong sa harap niya habang nakakunot-noo.Sa annex building naka-pwesto ang mga yaya, guard, at driver nila at karaniwan ay silang dalawa ni Cailyn sa loob ng main building.Sa loob ng halos tatlong taong pagsasama nila, nakasanayan niyang si Cailyn ang naghahanda ng lahat kagaya na lang ng pagluluto ng pagkain, pag aayos ng damit, gawaing bahay at maski pag aalaga sa sasakyan ay ginagawa nito. Binigyan niya naman na ng hudyat ang