Share

Chapter 06: Abort

Author: Yazellaxx
last update Huling Na-update: 2025-02-01 19:24:14

Tiningnan siya ni Cailyn at bahagyang tinaas ang kanyang tingin, ang kanyang mga mata’y natural na kaakit-akit.

"Kung sigurado kang hindi mo talaga anak ang batang ‘to, puwede na akong makipagdiborsyo sa’yo ngayon."

Nagsalubong ang kilay ni Austin, lumalim ang titig.

"O di kaya, bibitawan na lang kita para makasama mo si Helen. Pangako, hindi ko na kayo guguluhin."

"Cailyn!" Muling lumamig ang boses ni Austin, matigas at puno ng galit. "Anong karapatan mong gawing kabit si Helen?"

Ngumiti si Cailyn, puno ng pait.

"Kung ganun, hiwalayan mo na ako. Sabihin mo lang kung anong oras bukas?"

"Ano'ng hiwalayan? Sino'ng aalis?"

Biglang isang matigas na boses ng babae ang pumukaw sa kanila.

Lumingon si Cailyn at nakita si Emelita, papalapit na may matalim na tingin.

"Ma," bati niya tulad ng dati.

Sinuri siya ni Emelita, saka ibinaling ang tingin kay Austin.

"Austin, alam kong buntis si Cailyn. Huwag kang gumawa ng gulo."

Kung hindi lang siya buntis, baka pumayag pa si Emelita na maghiwalay sila. Pero ngayong may dinadala si Cailyn, hindi siya puwedeng umalis.

Kapag nanganak na siya, saka pa lang siya mawawala sa buhay ng pamilya Buenaventura—pero ang bata, mananatili.

Nang marinig ito, pinigilan ni Austin ang pagsagot. Mariing pinagtagpo ang kanyang labi, binigyan lang ng isang tingin si Emelita bago binitiwan ang pulso ni Cailyn at diretsong pumasok sa bahay.

Ni hindi man lang niya pinansin ang sariling ina.

Sanay na si Emelita sa ganoong pagtrato ni Austin sa kanya, kaya hindi na siya nagalit. Sa halip, sinundan niya ng tingin ang anak bago humarap kay Cailyn.

Hinawakan niya ang kamay nito at hinaplos ang tiyan. "Kumusta ka? Maayos ba ang bata?"

Si Cailyn at Austin, hindi nila alam kung paano nabuo ang kambal sa sinapupunan niya.

Pero si Emelita, alam niya.

Siya mismo ang nagplano ng lahat. May ipinagawa siya sa inumin ni Austin para masiguradong mangyayari ang hindi inaasahan.

Pero kailanman, hindi niya ito aaminin. Dahil kung malalaman ni Austin, lalo lang silang magkakalamat.

Tumango si Cailyn. "Ayos lang po ako, Ma."

"Mabuti," sagot ni Emelita habang inaakay siya papasok ng bahay.

Sa Hapunan...

Habang kumakain, napansin ni Lee ang maputlang mukha ni Cailyn.

Si Lee, sa papel, siya pa rin ang ulo ng pamilya. Pero simula nang pumanaw ang panganay niyang anak na si Ace, halos si Austin na ang humawak ng lahat.

"Cailyn, nabalitaan kong naospital ka. Mas mabuting bumalik ka muna rito habang nagbubuntis ka. Mas aalagaan ka namin."

Hindi ito tanong, desisyon ito ni Emelita.

Sa tagal nang pagsunod ni Cailyn sa kanya, ni hindi sumagi sa isip ni Emelita na tatanggi ito.

Pero bago pa makahanap ng paraan si Cailyn para tumanggi, isang malamig na tinig ang pumigil sa kanya.

"Hindi ako pumapayag."

Nagulat si Cailyn.

"Anong ibig mong sabihin, Austin?" malamig na tanong ni Emelita.

Pormal ang mukha ni Austin, pero may bahagyang pang-iinsulto sa kanyang ngiti. "Hindi ba siya doktor? Kaya na niyang alagaan ang sarili niya."

Sumingit si Cailyn. "Tama po, Ma. Huwag kayong mag-alala, iingatan ko ang sarili ko."

Pero sa loob-loob niya, hindi lang ito sagot para sa pamilya, kundi lalo na para kay Austin.

Dahil matigas ang paninindigan ni Austin, hindi na ipinilit ni Emelita ang gusto niya.

Pagkatapos ng Hapunan...

Kahit buntis, hindi pa rin maiwasan ni Cailyn na pumunta sa kusina para maghanda ng prutas, isang bagay na madalas niyang gawin para sa pamilya.

Maingat niyang inarrange ang mga prutas sa plato, parang isang obra maestra.

Si Cailyn, sa paningin ng lahat, ay perpektong asawa. Masipag, magalang, maaasahan. Maganda at may magandang pangangatawan.

Kaya kahit labag sa loob ni Emelita noon ang kasal nila ni Austin, hindi niya kailanman hinikayat ang anak na makipagdiborsyo.

Pero habang papalabas siya mula sa kusina, napansin niyang wala na ang tatlong Buenaventura sa hapag-kainan.

Sinabi ng isa sa mga katulong na nasa study room ang mga ito.

Bitbit ang plato ng prutas, naglakad si Cailyn paakyat.

At sa pagbukas ng elevator, isang matinis na boses ang agad niyang narinig.

"Anong sinabi mo?! Gusto mong ipalaglag ni Cailyn ang bata at makipagdiborsyo siya?!"

Biglang natigilan ang kanyang mga paa.

"Bakit, hindi mo pa rin kayang alisin si Helen sa buhay mo?"

Mas lalong tumalim ang boses ni Emelita.

At sa puntong iyon, hindi na nakagalaw si Cailyn.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 07: Visit

    Pagbalik ni Austin sa Luna Villa, sinalubong siya ng matagal nang yaya ng pamilya, si Manang Flor.Kinuha nito ang kanyang blazer, maingat na inilapag ang tsinelas sa sahig, at iniabot sa kanya ang isang baso ng maligamgam na tubig.Karaniwan lang ang mga kilos ni Manang Flor. Ganito naman palagi. Pero sa mga mata ni Austin, tila may mali at lalo lang siyang nairita.Habang paakyat, napansin niya ang isang lumang larawan na nakasabit sa dingding.Siya, ang nakatatandang kapatid niya, at si Cailyn.Biglang sumama ang kanyang pakiramdam.Larawang kuha walong taon na ang nakalilipas sa Hanz Villa, kung saan nakatira ang kanyang ina.Sa larawan, labing-anim na taong gulang pa lang si Cailyn. Nakatayo ito sa pagitan nilang magkapatid, pero halatang mas malapit ito kay Ace. Ang tingin nito—hindi sa kanya, kundi sa kapatid niya.Maliwanag ang mga mata ni Cailyn noon, parang bituin sa langit na punung-puno ng kasiyahan.Kung hindi lang… kung hindi lang nangyari ang trahedya…Kung hindi namatay

    Huling Na-update : 2025-02-01
  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 08: Stealing

    "Nasaan si Cailyn?"Sa may pintuan, malamig ang tingin ni Austin habang pasimpleng sinipat ang paligid. Matatalas ang kanyang mga mata, para bang kayang hanapin si Cailyn sa isang sulyap lang. Sayang nga lang at natatakpan ng isang burdadong kurtina ang kanyang paningin."Anong hangin ang nagdala sa'yo rito?"Matipid ang tanong ni Jasper, halatang walang interes sa pagdating ni Austin. Hindi na niya hinintay ang sagot ng yaya nang marinig ang tamad at may bahagyang panunuyang boses ng lalaki.Mula sa likod ng kurtina, lumabas si Mathilda. Lalong bumigat ang tingin ni Austin."Aba, mukhang malakas ang hangin ngayon!" sagot ni Jasper, kasabay ng isang bahagyang ngiti. Hindi niya iniwasan ang matalim na titig ni Austin."Nandito ba si Ma'am Cailyn? Pakitawag na lang siya." Sambit ng isang tauhan ni Austin.Nakangiti pa rin si Jasper, pero nang marinig niyang binanggit ang "Ma'am Cailyn," biglang nagdilim ang kanyang mukha.Bahagyang kumibot ang kanyang labi bago mapait na ngumisi."Wow, t

    Huling Na-update : 2025-02-02
  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 09: Helping the Thief

    "Miss Buenaventura, sigurado akong hindi mo naman ibinenta ang mga alahas dahil lang sa pera, hindi ba?"Punong-puno ng pangungutya ang boses ni Manang Fe, parang siya ang tagapagsalita ni Austin.Biglang tumayo si Jasper, hindi na napigilan ang sarili. Itinutok niya ang daliri kay Manang Fe."Ang apelyido niya ay Ramirez, hindi na siya Buenaventura! At kung gusto mo ng gulo, tatawag na ako ng security!"Hindi takot si Manang Fe kay Jasper, pero sa sandaling ito, parang gusto niyang bawiin ang mga sinabi niya. Hindi niya maiwasang manginig."Jas."Mahinang tawag ni Cailyn. Hinawakan niya ang manggas ng damit ni Jasper at hinila ito nang bahagya. Mahina ngunit may pakiusap niyang sinabi, "Huwag mo siyang pansinin. Sinabi lang niya ang gusto niyang marinig ni Austin."Matalim ang tingin ni Austin kay Cailyn, para bang inaakit siya ng babae sa bawat salita nito.Napakuyom ng kamao si Jasper bago bumitaw at may matigas na sagot, "Sige, bukas, hihintayin ko."Pagkasabi nito, tumalikod siya

    Huling Na-update : 2025-02-02
  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 10: Charity

    Nagmadaling pumunta si Cailyn sa ospital at doon niya nakita ang anak ni Jacob—isang maliit, payat, at maputlang batang babae.Sa kabila ng init ng panahon, suot nito ang isang winter beanie, lalong pinatingkad ang kanyang malalaking mata na puno ng lungkot.Habang pinagmamasdan niya ito, may kung anong kirot siyang naramdaman. Hindi lang dahil sa kalagayan ng bata, kundi dahil napansin niyang maraming batang katulad nito sa ospital—mahina, walang sapat na tulong, at tila nakikipaglaban para mabuhay.Bigla niyang naisip ang kanyang lola.Naalala niya kung paano ito walang pag-aalinlangang gumastos ng milyon-milyon taon-taon para sa kawanggawa. Kahit bumagsak ang negosyo ng pamilya, hindi ito nagdalawang-isip na ipagpatuloy ang pagtulong sa iba.Pero hindi ito nagustuhan ng kanyang mga magulang.Dahil sa prinsipyo ng kanyang lola, unti-unting lumayo ang loob ng kanyang pamilya rito. At dahil mas malapit si Cailyn sa matanda, itinuring din siyang estranghero ng sarili niyang magulang.Ta

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 11: Why Would She Steal?

    "Ha! May mukha ka pa talagang ihaharap?" Malamig at matalim ang tinig ni Cailyn habang tinitigan si Helen."Cailyn!" sigaw ni Helen, bakas sa mukha niya ang matinding galit.Napasinghap ito sa inis, pero bago siya tuluyang magwala, huminga siya nang malalim at tumalikod sa kamera—siniguradong hindi mahagip ang mukha niya sa anumang larawan o video."Gusto ko lang itanong, Ms. Cailyn, may karapatan ka pa bang manatili bilang asawa ni Austin?"Bahagyang tumaas ang kilay ni Cailyn. "Wow, mukhang masyado ka namang invested sa buhay ko."Matalim ang tingin ni Helen nang mapadako ang mata niya sa tiyan ni Cailyn."Huwag mo sanang isipin na may halaga pa ‘yang bata sa sinapupunan mo." Malamig at matalim ang boses niya. "Ang posisyon mo bilang asawa ni Austin? Wala nang saysay ‘yon. Huwag mong kalimutan, si Ginang Carmina ang nagpilit na pakasalan ka niya. Pero kailanman, hindi ka niya minahal. Ako lang ang tunay niyang minahal."Ngumisi si Cailyn, pero walang bahid ng lungkot o sakit ang ka

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 12: Transplant

    "Sa kaniya nanggaling ‘yan, pero siya pa ang magnanakaw?!"Malamig ang tingin ni Austin kay Manang Fe. Ang bawat pulgada ng kanyang katawan ay nanginginig sa galit."Paano mo nagagawang sabihin sa’kin na siya pa ang nagnakaw, eh siya mismo ang nagbalik ng lahat?!"Napalunok si Manang Fe, kitang-kita sa kanyang mga mata ang kaba. Nanginginig ang kanyang kamay, hindi makatingin nang diretso sa mata ng amo."S-Sir, hindi ko po talaga alam..." bulong niya, pero halatang hindi na siya paniniwalaan ni Austin.Hindi na siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita pa."Ikaw ba ang nagnakaw? Umamin ka na!"Malakas ang tunog ng hampas ng kamay ni Austin sa mesa. Tumilapon ang ilang alahas sa sahig, at isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa opisina."Get out. Now!"Halos mapatakbo si Manang Fe palabas ng opisina, nanginginig ang buong katawan. Sa pagmamadali, nadulas siya sa suot niyang takong. Bumagsak siya sa sahig, pero kahit masakit, agad siyang bumangon at nagpatuloy sa paglabas.Sama

    Huling Na-update : 2025-02-04
  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 13: Come Back

    "Ngayon, sabihin mo sa’kin ang totoo. Ano na ba talaga ang meron sa’yo at kay Austin?"Diretso ang tanong ni Samantha, halatang walang balak palampasin ang sitwasyon.Nagpalitan sila ng titig ni Cailyn. Ilang saglit na katahimikan, habang naglalaban ang emosyon sa kanyang loob.Pero sa huli, isang mapait na ngiti lang ang isinagot ni Cailyn.“Ano pa ba, Sam? Wala na. Wala nang ‘kami’ ni Austin.”Napailing si Samantha, hindi kumbinsido."Kung wala na kayo, bakit andiyan pa rin siya? Bakit hindi ka pa rin niya matalikuran nang tuluyan? At ikaw, bakit ka pa rin apektado sa ginagawa niya?”Napabuntong-hininga si Cailyn. Inilapag niya ang baso ng tubig sa mesa at hinaplos ang kanyang tiyan—isang kilos na hindi nakaligtas kay Samantha.Nanlaki ang mata ng kaibigan niya."Cai..."Huminga nang malalim si Cailyn bago marahang sumagot.“Sam, buntis ako.”Halos malaglag ang chopsticks ni Samantha. Ilang segundo siyang natulala, bago muling nagsalita.“Ano?! Alam ba ni Austin?!”Tumango si Cailyn.

    Huling Na-update : 2025-02-04
  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 14: Divorce Agreement

    Dalawang taon nang nasa Australia si Samantha para tuparin ang pangarap niya. Pero kahit malayo, hindi siya tumigil sa pagsubaybay sa buhay ni Cailyn.Ngayon, magkasama silang kumakain sa isang pribadong lugar. Tahimik lang si Cailyn, tila walang pakialam habang dahan-dahang kinukuha ang gulay gamit ang chopsticks. Pero ang sumunod niyang sinabi, malamig at diretso.“Sa huli, magdi-divorce din kami ni Austin. Wala nang koneksyon, wala nang kahit ano.”"Ano?!" Napalunok si Samantha, natigilan bago sumandal sa upuan. "Sigurado ka? Talagang gusto mo na siyang hiwalayan?"Tatlong taon nang kasal si Cailyn at Austin, pero ni minsan, hindi siya tinuring bilang asawa. Sa paningin ng iba, isa lang siyang alila—isang pangtapal sa buhay ng lalaking ni hindi marunong umamin sa nararamdaman niya.At naalala ni Samantha ang isang eksena bago siya umalis papuntang ibang bansa.Isang gabi, nakalimutan ni Cailyn maghanda ng hapunan dahil sa pag-uusap nila ni Sam. Pagkauwi ni Austin, napansin nitong wa

    Huling Na-update : 2025-02-05

Pinakabagong kabanata

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 143: Evenly Matched

    “Pasensya na.” Napakamot sa noo si Cailyn. “Hindi ko dapat hinayaang makatulog ako.”“Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?” tanong ni David habang patuloy na nagre-record ng data at tinatanong siya.“Ayos lang, hindi ko rin alam kung paano ako nakatulog.” Sabi ni Cailyn habang tumatayo.Pagkabangon niya, agad na nahulog ang blazer ni David na nakapatong sa kanya.Mabilis niya itong pinulot at tiningnan.Walang duda, pagmamay-ari talaga ito ni David.“Salamat sa coat mo, bakit hindi mo na lang ito isuot?”“Ikaw na muna, susuotin ko na lang mamaya.” Sabi ni David nang hindi man lang tumitingin.Sunud-sunuran si Cailyn at isinabit ang coat sa sandalan ng upuan. Saka niya iniabot ang kamay niya rito.“Tara na.”“May limang minuto pa bago tayo umalis, linisin mo na ang gamit mo para makakain na tayo.” Sabi ni David.Tumingin si Cailyn sa data na naitala niya, saka ngumiti at masunuring nag-ayos ng gamit niya.Nang mailigpit na niya ang mga gamit na kailangang kolektahin, napatingin si

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 142: Sneaky

    Sakto namang may klase nang hapon at si Sophia ang professor.Pagkatapos ng klase, sinubukan siyang habulin ni Cailyn para kausapin.Pero tinapunan lang siya ni Sophia ng matalim na tingin, sinabihan ng "p*ta" nang pabulong, at dire-diretsong naglakad palayo na parang walang nakita."Uy, Professor Sophia, alam mo ba kung bakit mas pinili ng Dean na ikaw ang umalis kesa ako ang matanggal?" patuloy na habol ni Cailyn habang tinatanong ito.Napakunot-noo si Sophia.Huminto rin siya sa wakas, at malamig na tumitig kay Cailyn. "Hindi ba dahil nakatulog ka na kina Adonis at David? Syempre, ipagtatanggol ka nila."Napangiti si Cailyn. "Ah, so ganun pala ang tingin mo kay Professor David? Kung ganyan, bakit mo pa siya gusto?"Napahiya si Sophia, hindi alam ang isasagot."'Yung halaga na naibibigay ko sa university, hindi mo kayang ibigay. Walang Dean na tatanggi sa isang malaking donasyon mula sa mga sponsors para lang protektahan ang isang professor—lalo na kung may baho ang professor na ‘yo

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 141: Pretend To Be My Girlfriend

    Hindi napigilan ni Uncle Wade ang mapabuntong-hininga. “Si Cailyn ay napakabuting babae. Bakit hindi kayo magkasundo? At bakit mo siya iniwan?”Matanda na si Uncle Wade, pero ilang dekada siyang naglingkod sa pamilya Tan. Kahit pinalaya na siya at bumalik sa probinsya, hindi niya kailanman nakalimutan ang mga nangyari sa pamilya Tan.Isang taon na ang nakalipas mula nang pumutok online ang love triangle nina Austin, Helen, at Cailyn. Natural lang na umabot rin sa kaalaman ni Uncle Wade ang eskandalo.“Uncle Wade, kasalanan ko ang lahat. Ako ang may mali.” Napayuko si Austin, ramdam ang bigat ng konsensya at guilt. “Pinabayaan ko si Cailyn. Sinaktan ko siya. Hindi ko siya pinahalagahan…”Kung may pagkakataon lang sanang ulitin ang lahat…Pero nakakalungkot. Walang rewind button ang buhay.Matapos ang hapunan nila ni Uncle Wade, sinigurado muna ni Austin na makakauwi nang maayos si Uncle Wade at ang kanyang apo.Iniutos din niya kay Felipe na magpadala ng ₱500,000 bilang pasasalamat kay

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 140: Abuse On Your Own

    Sa loob ng itim na Maybach, tahimik na nagbabasa ng mga dokumento si Austin habang ang driver na si Kristopher ay nakatutok sa daan. Biglang may humarang sa harapan ng sasakyan—isang bodyguard na halatang nagmamadali. Agad na inapakan ni Kristopher ang preno.Mabuti na lang at kalalabas pa lang nila ng garahe, kaya hindi ganoon kabilis ang takbo ng sasakyan. Ngunit ramdam pa rin ang biglaang paghinto.Hindi nag-angat ng tingin si Austin, ngunit bahagyang gumalaw ang kanyang talukap at tumingin sa windshield.“Boss, bodyguard ni Dahlia.” Agad na iniulat ni Felipe, na nasa passenger seat.Napatingin si Austin sa harapan. Bumaba mula sa isang kotse si Dahlia at mabilis na lumapit, halatang hindi niya intensyong umalis hangga’t hindi siya kinakausap nito. Bahagyang sumikip ang kanyang mga mata at malamig na inutusan si Kristopher, “Huwag mong pansinin, patakbuhin mo.”Walang tanong-tanong, tinapakan ni Kristopher ang accelerator. Umungol ang makina ng sasakyan—isang mabangis na paalala na

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 139: Desperate

    Sa Opisina ng Buenaventura Group.Abala si Austin sa pagbabasa ng mga dokumento nang biglang may kumatok. Pumasok si Felipe."Hindi ba kita pinapasok?" tanong ni Austin nang hindi man lang tumitingin.Nanatiling tahimik si Felipe, halatang may gustong sabihin pero nag-aalangan.Hindi siya pinansin ni Austin at tinapos muna ang binabasa. Matapos pirmahan ang huling pahina, saka lang siya napatingin kay Felipe at doon niya napansin ang kaba at takot sa mukha nito."Sabihin mo na," malamig na sabi niya, pero ramdam na niya ang hindi magandang balita.Ibinaling ni Felipe ang tingin sa sahig. "Boss… kagabi sa engagement party, may pinadalang ‘regalo’ si Raven para sa’yo."Napakunot ang noo ni Austin sa narinig.Si Raven?Hindi sila magkaibigan. Wala silang anumang koneksyon.Kahit may kaunting pakikisama si Lee sa pamilya Tan noon, alam nilang ang pamilya Buenaventura ang may utang na loob sa mga Tan—hindi baliktad.Kaya anong dahilan ni Raven para regaluhan siya? Malamang, may mas malalim

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 138: The Old Cailyn Is Gone

    Maya-maya, lumapit ang butler at sinabing handa na ang hapunan. Lahat ay agad na tumuloy sa dining area, kung saan nakahain na ang napakaraming masasarap na pagkain sa bilog na mesa."Wait lang, 10 minutes lang, magluluto pa ako ng dalawang side dish," sabi ni Cailyn bago pa sila makaupo.Dahil nangako siya kay Prof. David na siya mismo ang magluluto para sa kanya, hindi niya ito pwedeng balewalain."Ang dami nang pagkain, sapat na ‘to," sabat ni Yllana.Ngumiti si Cailyn, parang pamilya na ang turing niya sa Tan family at hindi na nagdalawang-isip na sabihin, "Pinangako ko kay Prof. David na ako mismo ang magluluto para sa kanya, at hindi ko pwedeng baliin ‘yon."Hindi kalayuan, nakatayo si Mario at tahimik na pinagmamasdan ang usapan. Napatingin siya kay David nang may bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon.Ngumiti si David, bakas sa mukha ang banayad na pag-aalaga. "Tama siya, sobra-sobra na ang pagkain ngayon. Kung magluluto ka pa, masasayang lang."Tiningnan muli ni Cailyn an

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 137: A Family

    Sa Cambridge City.Sa ika-100 araw nina Daniel at Daniella, dumating ang pamilya Tan sa Weston Manor—kasama si Yanyan.Handang-handa si Yllana para sa kanyang mga "apo." Apat na sasakyan ang puno ng mga regalo—mula sa pagkain, damit, laruan, at kung anu-ano pang mamahaling gamit. Halos lahat ay custom-made, walang tipid, walang kulang.Pero pagdating nila sa manor, wala roon si Cailyn. Abala ito sa kanyang research sa laboratoryo ni David.Walang nakakaalam sa pagdating ng pamilya Tan. Gusto nilang sorpresahin si Cailyn. Nang tanungin sila ng butler kung gusto nilang ipatawag ito, mabilis na sumagot si Raven, "Huwag. Hayaan natin siyang mag-focus muna."Kaya habang hinihintay nila si Cailyn, pinaglaruan muna nina Yllana at Yanyan sina Daniel at Daniella.Pero ang totoo, may mas malalim pang dahilan kung bakit naroon si Yanyan.Nais niyang humingi ng tawad kay Cailyn.Noon, bulag siya sa katotohanan—pinaniwalaan niya si Yuna at muntik nang gumawa ng malaking pagkakamali. Nang ipagtangg

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 136: No Groom

    Nang mapagtanto ni Emelita ang sitwasyon, bigla siyang tila may naisip.Saglit siyang nag-alinlangan, pero sa huli, sinabi niya, “Dahil wala si Austin… mas mabuti sigurong ituloy na lang ang engagement—”“Hindi, Mommy.”Bago pa matapos ni Emelita ang sasabihin niya, agad siyang pinutol ni Dahlia Song. Agad itong tumayo, halatang kabado pero determinado. “Kaya kong mag-isa. Tulad ng sinabi ni Austin, kaya kong tapusin ang engagement kahit wala siya.”“Oo, tama.” Mabilis ding sumang-ayon si Lydia, ina ni Dahlia, pilit na ngumingiti para mapanatili ang dignidad nila. “Siguradong may mas mahalagang dahilan si Austin kung bakit hindi siya nakadalo. Hindi natin siya masisisi.”Alam ni Emelita na ayaw ng mga Sevilla na matanggal ang engagement nila ni Austin, lalo na sa harap ng napakaraming tao. Dahil mukhang tanggap naman ng pamilya Sevilla ang nangyari, wala na siyang nagawa kundi hayaan ito.At sa ganitong paraan, ang dapat sana’y pinakamagandang engagement party ng dalawang prominenteng

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 135: Revenge

    Bumuhos ang sigaw ni Austin sa tenga ni Emelita. Napako siya sa kinatatayuan, hindi makapaniwala.Maging si Lee, natigilan. Bago pa siya makapag-react, binaba na ni Austin ang tawag."Si Austin... bakit siya ganyan magalit sa'yo?" Hindi mapakali si Emelita, pilit na kumakalma habang tinitingnan si Lee.Pero si Lee, halos hindi makahinga sa galit. Pinilit niyang panatilihin ang tikas niya, pero halatang pigil na pigil ang poot."Ikaw kasi!" singhal ni Lee. "Naputol ang proyekto ng Sevilla family sa Germany dahil sa environmental issues, tapos gusto mo pang pilitin akong humarap at ipagtanggol sila!"Hindi makapaniwala si Emelita. Akala niya, kaya sumugod si Austin dahil sa ibang bagay. Pero hindi niya matanggap na ganito na lang ang trato nito sa kanila dahil sa isang proyekto."Ni hindi nga gusto ni Austin si Dahlia! Wala siyang kahit anong nararamdaman para sa kanya! Pero pilit mong inilalagay siya sa sitwasyon na wala siyang choice! Gusto mong ipakasal siya kay Dahlia kahit ayaw niy

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status