Hindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtatagpo, may mabubuo nga bang pag-iibigan kung nagsimula lamang ang lahat sa kasinungalingan? Saksi ang alon sa mga nangyaring karahasan sa nakaraan. Ngunit sa pagsira sa kasulukuyan, anong mangyayari sa bukas na inaasahan? How can a spark of love survive over deep-seated hatred, life-altering decisions, and a desire for vengeance? Sa tabing dagat nagsimula ang lahat, doon nga rin ba magtatapos?
View More“Mommy, who’s that man?” Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang pagsagot sa tanong na iyon. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagkabog sa dibdib ko. Ang makita si Fourth sa isang hindi inaasahang lugar... “Maybe he’s just a friend, Yvi” Napatingin ako kay Carson. Matalino si Carson, at alam kung nahalata na niya ang kinikilos ko kanina. At sa tingin ko ay nakilala niya si Fourth. May pagkakahawig kasi sila dahil sa kaniya nagmana ang anak namin. Hindi ko alam kung napansin ba iyon ni Fourth o ni Yvianne. “A friend? Like Tito Josh?” inosenteng tanong ni Yvianne. Tumango-tango naman si Carson. “Yes” Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Ang marinig na tinatawag nilang kaibigan ang sarili nilang ama... Mariin akong napapikit at inisip kung anong dapat gawin. Alam kong hindi iyon ang magiging una at huling pagkikita namin ni Fourth. At nangako rin naman ako sa mga bata ma ipakikilala ko sila sa ama nila. Pero papaano? Ni hindi ko mahagilap nang tama ang mga salit
Pinawi ko ang mga nakatakas na luha habang nakatingin kay Yvianne na mahimbing na natutulog. Gabi na akong nakauwi dahil nagpalipas pa ako ng oras sa isang bar. Hindi naman ako masyadong naglasing. Umasa kasi ako na mawawala ang nararamdaman kong sakit. Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa mga anak ko na imposible nang maging kami ng ama nila. Hindi ko masisisi si Fourth. Pero ang daya. Bakit sa lahat ng tao, si Dani pa? Bakit kapatid ko pa? Mariin akong pumikit bago tumayo at lumabas sa silid ni Yvianne. Napangsihap ako sa gulat nang makita ko si Carson sa labas ng pintuan. “Carson? Bakit ka pa gising?” nag-aalala kong tanong at binuhat siya. Nilakad ko ang daan patungo sa silid niya saka siya marahan na inilapag sa sarili niyang kama. “Gabi na, baby. You have to rest” Inayos ko ang kumot niya at saglit siyang pinatakan ng halik sa noo. “Uminom ka po?” mahina niyang tanong. Inamoy ko ang sariling hininga at pilit na ngumiti. “Konti lang, baby. Take a rest, okay? Maliligo a
“Welcome back po sa inyo, ma’am!” salubong sa amin ng sekretarya ni lola. Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang mga anak ko. Nagpaiwan si lola sa Hong Kong dahil may gagawin pa raw siya roon kaya kami na lamang ang umuwi. Bago pa man ako nag-desisyon, kinausap ko muna ang dalawa lalo na si Carson. Pumayag naman siya kahit na nakikita ko sa mga mata niya ang kaba. “Saan po tayo, ma’am?” tanong ng driver nang makapasok kami sa sasakyan. Ibinaba ko ang suot na salamin. “Sa bahay po, Manong”Sa loob ng maraming taon, sinubukan naming kontakin si Dani subalit ni isa sa mga tawag, texts, at emails, ay hindi niya sinagot. Tapos malalaman kong kasama niya si Fourth sa pagpapakilos sa kaso? Akala ko ba galit siya sa kaniya? Napatunayan na bang walang kasalanan si Fourth? Gusto kong malaman ang lahat. “Jess, nalaman mo na ba kung nasaan si Dani ngayon?” tanong ko habang inaayos ang buhok ni Yvianne na nililipad na ng hangin dahil nakabukas an
“Sigurado ka na ba talaga sa plano mo, apo?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ‘yang itinanong ni lola. Ngumiti ako habang hawak-hawak ang maliit ko pang tiyan. “Opo, lola. Bubuhayin ko po siya” “Sige, susuportahan kita sa desisyon mong ‘yan. Akong bahala sa ‘yo at sa magiging anak mo” Naikuwento ko na kay lola ang tungkol kay Fourth matapos naming makumpirma na nagdadalang tao nga ako. Halo-halo ang naramdaman ko. Kaba, saya, takot, at iba pa. Maraming “papaano” ang pumasok sa isip ko pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong makita niya ang mundo. Hindi ko alam kung anong bukas ang naghihintay sa ’min. Pero ngayong alam ko nang hindi ako nag-iisa, desidido na akong bumangon at maging matatag para sa magiging anak ko. Matapos ang ilang buwan ay napagdesisyunan naming lumipat na sa ibang bansa. Maliit lamang ang Pilipinas, at kung gugustuhin ni Fourth na hanapin ako ay mahahanap at mahahanap niya talaga ako. At ayokong mangyari iyon. Hindi pa ako handa. Lumipad kami patung
Nagising ako sa isang magarbong silid. Agad akong bumangon at inilibot ang tingin. Pamilyar ang kuwartong ‘to. Hindi ko lang maalala kung kailan ako nakapasok dito. Napatingin ako sa maliit na mesa katabi ng kama. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang makita ko ang picture namin ni lola kasama sina mama at papa. Inabot ko iyon para tingnan.Ito ‘yung panahon kung kailan maayos pa ang lahat. Dahan-dahan kong pinadaan ang hinlalaki sa mukha ni mama. Nami-miss ko na siya. Ang maamo niyang mukha at ang ngiti niyang nakakasilaw. “Kumusta ka na, ma?” naiiyak kong tanong sa hangin. “Miss na miss na kita” Kumilos ang daliri ko sa mukha ni papa. Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti niya. Niyakap ko iyon at umiyak nang umiyak. Nakakapanghina ang nangyayari sa buhay ko. Ano bang naging kasalanan ko para maranasan ang lahat ng ‘to?Nawala na si mama. Ngayon naman ay pati si papa at Tita Dette ay wala na rin. Ano nang gagawin ko? Saan ako magsisimula?“Ysa? Apo? Gising ka na ba?” Mabilis
“Mayaman ang pamilya niyo bago pa man tumakbo ang papa mo sa pagka-mayor. Naging malapit siya sa mga tao rito. Lalo na ang mama mo. Naging malapit ang papa ni Fourth at ang mama mo sa isa’t-isa. Ngunit iba ang naging pagtingin ni Yohann sa pagkakaibigan nila. Nang mamatay ang mama mo dahil sa sakit, nagkaroon din ng sakit si Fourth. Kakapanalo pa lamang ng papa mo sa pagka-mayor noon at palaging bumabagyo kaya hindi namin nagagawang pumalaot sa dagat. Nagbakasakali siyang matulongan ni Yohann kaya siya pumunta sa inyo. Bata ka pa lang nun kaya siguro hindi mo na naaalala.”Diyan siya nagkakamali. Oo, bata pa lamang ako noon pero may nakita ako sa labas ng bahay namin sa isang maulan na gabi. Isang lalaki na basang-basa sa ulan na nagsisigaw sa labas. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nga sa malakas na buhos ng ulan pero sigurado akong iyon ang tinutukoy niya. “Hindi tinulongan ng papa mo si Fernando dahil nga sa selos. Iyon ang naging dahilan kaya ka niya nagawang kidnapin.”Nap
“Dani!” sigaw ko nang maabutan ko ang mga nagkukumpulang mga tao sa labas ng gate ng bahay namin. Nagkalat rin ang mga pulis at pinipigilan pa akong makapasok.“Nasa loob ang kapatid ko, ano ba!” patakbo kong pinasok ang bahay namin. Nagulat ako dahil sobrang gulo ng mga gamit. Nagkalat rin ang mga dugo sa bawat parte ng bahay. Inakyat ko ang hagdanan at dumiretso sa silid niya. “Dani!” muli kong tawag. Bumukas ang pintuan ng walk-in closet namin at sinugod niya ako ng yakap habang umiiyak. “Wala na sila. Wala na sila, Ysa. Patay na sila. Wala na...” paulit-ulit niyang wika at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa ’kin. “Nagbibiro ka lang ‘di ba? Nasaan si papa? Nasa trabaho ba? Si tita? May nilakad? Hindi ko sila nakita sa baba kaya—”“Sabing wala na sila!” sabay tulak niya sa ’kin kaya napaupo ako sa sahig. Umupo siya sa kama at ginulo ang sariling buhok saka muling humagulhol. “N-Nanalo si Papa sa eleksiyon. Gusto niya iyon ibalita sa ‘yo nang personal kaya tinawagan niy
“Are you sure that you’re okay now?” nag-aalala niyang tanong matapos huminto sa harapan ng building kung saan ako nagtatrabaho. Ngumiti ako sa kaniya at mabilis na pinatakan ang labi niya ng halik. “Ayos na ako. Nakakalakad na ako nang maayos ngayon. Huwag ka nang mag-alala” halakhak ko dahil kita talaga sa mukha niya ang pangamba. Ilang araw na ang nakalipas matapos may mangyari sa aming dalawa. Nilagnat ako kinaumagahan kaya mabilis niya akong inuwi at tumawag ng kakilalang doctor. Ang sabi, nagkasugat sa loob ko dahil uh... masyado siyang malaki. Ilang araw rin akong nagpagaling. Sinabi ko na nga lang kay Luce na may sakit ako kaya hindi muna ako makakapasok. At dahil ayos na ako ngayon. Kinumbinse ko siyang ihatid ako rito. “I’m sorry” mahina niyang sabi. Ngumuso ako at mahina siyang tinampal sa balikat. “Tama na ang kaka-sorry. Hindi naman kita sinisisi dahil ginusto ko rin naman ang nangyari. Mauuna na ako. Tatawagan na lang kita mamaya,” saad ko bago lumabas sa kotse niy
“Okay! That’s it! Good job, Ysa!” papuri ng photographer sabay palakpak. Ngumiti ako at nagpasalamat. Agad na lumapit si Luce para bigyan ako ng tuwalya. Basang-basa kasi ako dahil kung ano-ano ang pinaggagawa ko sa dagat. Umupo ako sa bakanteng upuan at uminom. Nakakakalma ang simoy ng hangin. Sinadya rin yata nilang mag-shoot dito ngayong gabi dahil bilog na bilog ang buwan. Mas lalo pa ‘yung gumanda dahil litaw na litaw rin ang mga nagsisikislapan na mga bituin. Maganda naman dito pero mas gusto ko ang dagat sa amin. “Good job, everyone. Puwede niyo nang gawin ang gusto niyong gawin. Maligo, uminom, magsaya, kayo na ang bahala. Magpapahinga na ako,” saad ni Madame Queenie. “Yes!” sigaw naman ng marami. Tumayo na ako at nagpaalam na rin sa kanila. “Sige, Ysa. Rest well!” Tinapik ako ni Luce bago tumabi sa kanila. Binalot ko ang sarili sa tuwalya at nagsimulang naglakad paalis. “Ysa!” Tumigil ako para tingnan kung sino ang tumawag. Tumakbo si Deither palapit sa ’kin at ngumi
“Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Dani nang makita niyang umiba ako ng daan. Umiling ako at nagpaalam. Nilakad ko ang daan patungong tabing dagat. Tumungo ako sa mabatong parte at naupo. Tanaw mula rito ang bangka ng mga mangingisdang pumapalaot sa dagat. Kakababa pa lamang ng araw at naghahalo pa rin ang kakaibang kulay sa kalangitan. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang malamig na hangin. 8 years old ako nang pumanaw si mama dahil sa sakit na cancer. Si papa naman nag-asawa ulit kaya nagkaroon ako ng bagong pamilya. Ayos naman sila, mababait naman kahit papaano. Pero hindi ko pa ring maiwasang ma-miss ang pamilya namin noon. Mayor si papa dito sa Santa Cruz. Si mama naman anak ng isang negosyante sa isang siyudad sa Luzon. Oo lumaki akong may marangyang buhay. Pero iilan lamang ang naging kaibigan ko sa kadahilanang pinagbabawalan kami ni papa na makipagkapwa-tao sa mga hindi naman ka-estado. Mabait naman si papa. Nagbago lang ang pagtingin niya sa mga hindi namin ka-lebel nang ma...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments