“Saan ka, Ysa?” rinig kong tanong ni Manong Jamer nang makita niya akong naglalakad patungo sa tabing dagat. Lumingon ako at ngitian siya.
“Mamimingwit lang po!” sigaw ko at nagpatuloy sa paglalakad.“Mag-iingat ka riyan!”Tumango ako at itinaas ang hinlalaki bilang sagot. Dahan-dahan akong umakyat sa malalaking bato at inihanda ang pamingwit na dala. Mabuti na lamang at wala kaming pasok ngayon. Inaya ako ni Dani na sumama sa kanila ng mga kaibigan niya pero agad akong humindi dahil may iba akong plano ngayong araw. Ang mamingwit.Matapos mailagay ang pain, malakas ko itong itinapon sa malalim na parte at umupo para maghintay. Katulad pa rin naman ng dati ang dagat. Mapayapa at tanging mga alon lang ang naglalaro. May mga turista rin namang dumadayo rito ngunit mas marami sa kabilang parte.Napalingon ako nang may narinig akong mga yapak. May dalawang lalaki na naglalakad sa gilid ng dagat habang nag-uusap. Sa tingin ko ay mga dayo.Muli akong humarap sa dagat at huminga nang malalim. Ilang taon na rin ang nagdaan. Mayor pa rin naman si papa. Sa totoo nga niyan, mas lalong lumawak ang koneksiyon niya sa politika. Balita ko nga tatakbo siya bilang Gobernador. Hindi ko lang alam kung kailan.May narinig ulit akong mga boses ay yapak ng paa ngunit nang akmang lilingon na ako, gumalaw ang hawak ko. Tanda na may nahuli na akong isda. Muntik na akong mapatalon sa tuwa pero pinigilan ko rin. Hinila ko ang pamingwit at napasigaw ako sa tuwa nang may mahuli nga ako.“Yes! Isa na!” ngiting-ngiti kong sigaw at inilagay sa balde ang isda. Malaki-laki rin iyon ah.Sa hindi inaasahang pagkakataon, natapakan ko ang madulas na parte ng bato. Napasigaw ako sa gulat nang mahulog ako sa dagat.Gustong-gusto ko ang dagat pero may isa lang akong problema.Hindi ako marunong lumangoy.Pilit kong ini-ahon ang sarili ngunit lumulubog talaga ako. Ginaya ko pa ang mga napapanuod ko sa tv pero hindi ko talaga kaya.Marami-rami na ang nainom kong tubig-alat nang may marinig akong tunog ng pagbagsak. Kita ko ang paglangoy ng isang tao papunta sa ’kin bago pa naging madilim ang lahat.Napabalikwas ako nang bangon habang niluluwa ang tubig na lumalabas sa bibig ko. Ramdam ko ang paghaplos ng kamay sa likuran ko habang patuloy pa rin ako sa pag-ubo. Sumasakit ang lalamunan ko pati na rin ang ulo at mga mata ko.Saka lang rumihestro sa ’kin ang nangyari.Muntikan na akong malunod.“Jusko! Ysabelle!” rinig kong sigaw ni Mang Kanor. Lumingon ako at nakita ko silang tumatakbo patungo sa ’kin. Kasama niya si Aling Matilda at isang lalaki. Agad akong nilapitan ni Aling Matilda at binalot ang dalang tuwalya sa katawan ko.“Ayos ka lang ba, iha?”Marahan akong tumango. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.“Fourth! Ano ba talagang nangyari?” tanong ni Mang Kanor habang nakatingin sa likuran ko. Agad naman akong napalingon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nakilala ko noon sa tabing dagat din. ‘Yung may dalang balde dahil bibili raw ng bagong huling isda. Fourth pala ang pangalan niya.Malaki ang ipinagbago niya, mas lalo pa siyang nagmumukhang mas nakatatanda sa ’kin.Tumingin siya sa batong pinagtayuan ko kanina at saka bumaling sa ’kin.“Nahulog po siya. Nadulas yata,” aniya sabay tingin sa lalaking kasama nina Mang Kanor kanina.“We were talking when we heard her shout for help. Nakita na lang namin na bumagsak na siya sa tubig at pilit na umaahon. I realized she doesn’t know how to swim kaya agad akong lumangoy para iligtas siya,” paliwanag niya at tumayo.“Salamat sa pagtawag sa kanila,” dagdag niya pa, kausap ang lalaking katabi ni Mang Kanor.“No probs,” sagot naman ng lalaki at bahagya pang tinapik ang balikat niya.Sa kaniya lang talaga ako nakatingin. Pinapanuod ang bawat kilos niya.Hindi talaga ako makapaniwalang makalipas ang ilang taon ay magkikita ulit kami. ‘Yung una naming pagkikita noon ay sya na ring naging huli. Pabalik-balik ako rito sa tabing dagat para abangan siya pero ni anino niya hindi ko makita. Gusto kong tanungin si Mang Kanor noon patungkol sa kaniya pero naisip kong baka isumbong niya ako. Nakakahiya.“Jusko naman. Malalagot ka na naman sa Papa mo nito”Para akong nagising sa panaginip nang mabanggit si papa. Agad akong tumingin kina Aling Matilda at Mang Kanor sa nangungusap na mga mata.“Huwag na po sana itong makarating kay papa. Kapag nalaman nun ang nangyari, tiyak hindi na niya ako papayagang bumalik pa rito,” saad ko at dahan-dahang tumayo. Agad naman akong inalalayan ni Aling Matilda.“Ayos lang po ako, salamat,” dagdag ko pa at tumingin sa dalawang lalaki.“Salamat din sa inyo”Tumango lamang ‘yung nagngangalang Fourth. Ngumiti naman ang katabi niya ay inilahad ang kamay.“My name’s Cavin,” aniya at mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi. Tinanggap ko naman ang kamay niya at ginantihan din siya ng isang tipid na ngiti.“Ysabelle,” pagpapakilala ko at agad na bumitaw. “Pasensiya na kayo sa nangyari. Nadulas kasi ako” nahihiya kong pag-amin.“Okay lang. The important thing is you’re safe now. Kung papayag ka, ihahatid ka na namin sa inyo”Napakagat-labi ako at agad na umiling.“Hindi na, magpapasundo na lamang ako sa driver namin. Pero salamat sa offer”Kita ko ang disappointment sa mukha ng lalaki pero hindi ko naman pinagsisihang ang desisyon ko. Baka iba ang isipin ni papa kapag nagpahatid pa ako.“Sige ha. Uuwi na ako, Mang Kanor, Aling Matilda, Cavin, at...” tumingin ako kay Fourth at ngumiti.“Fourth, right? Salamat ulit ha?”Nakita ko ang pagdaan ng emosyon sa mga mata niya pero agad rin iyong napawi.“Huwag ka nang babalik pa ulit doon—”“Ay! ‘Yung mga gamit ko at ‘yung nahuli kong isda!” Isinauli ko kay Aling Matilda ang tuwalya niya at tumakbo patungo roon ngunit bago ko pa man masimulan ang pag-akyat sa naglalakihang mga bato, may humawak na sa braso ko.Para akong naubosan ng hangin nang paglingon ko ay bumungad sa ’kin ang madilim niyang mukha. Nagtagis ang bagang niya at marahan akong hinila sa tabi.“Ako na,” matigas niyang saad at inakyat ang naglalakihang mga bato para kunin ang mga gamit ko.Hindi ko mapigilan ang mapangiti.Nang makababa siya, ibinigay niya sa ’kin ang mga gamit ko pero siya ang nagbitbit sa balde at pamingwit. Kita kong buhay pa ang isda sa loob ng balde at may laman na rin iyong tubig, dahil siguro sa alon na humahampas sa bato kanina.“Mang Kanor, puwede ko po bang iwan inyo ang pamingwit? Gagamitin ko pa rin naman ulit iyan sa susunod. Pero puwede niyo rin naman pong gamitin kung gusto niyo,” saad ko at kinuha ang pingwit mula kay Fourth.“Sige, Ysa. Kunin mo na lang sa bahay kapag gagamitin mo ulit,” sagot niya at kinuha mula sa ’kin ang pamingwit. “Mauuna na kami ha? Mag-iingat ka sa pag-uwi”“Sige po, salamat”Nang maglakad na sila ni Aling Matilda paalis, muli kong binalingan si Fourth.“Uhm... ‘Yang isda, sa ‘yo na ‘yan bilang pasasalamat. I think mabubuhay pa naman iyan kung gusto mong gawing alaga. Pero kung ayaw mo, lutuin mo na lang”Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at tiningnan ang isda. Napakagat labi ulit ako dahil sa kahihiyan.“S-Sige ha? Uuwi na ako. Salamat ulit!” dali-dali ko silang tinalikuran at naglakad paalis.“Ysa!” Napalingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa ’kin. Ngiting-ngiti na tumakbo si Josh palapit sa ’kin at nang nasa harap ko na siya ay agad na napakamot sa batok. “Uuwi ka na?” tanong niya habang namumula. Kumunot naman ang noo ko at itinaas ang kamay para mahawakan ang noo niya. Nanlaki ang mga mata niya at mas lalo pang pumula. Hindi naman siya mainit ah? “A-Anong—”“May sakit ka ba?” putol ko sa sasabihin niya at ibinaba ang kamay. Mabilis siyang umiling at napakamot ulit sa batok. “W-Wala...”“Ah, okay. Oo, uuwi na ako. Hinihintay ko lang si Manong. Ikaw ba? Gusto mong makisabay?” aya ko dahil naalala kong madadaanan naman namin ang bahay nila. Katulad ng ibang estudyante rito, normal lang ang pamumuhay nila. Hindi mayaman, pero hindi rin mahirap. Pero kadalasan ko siyang nakikitang naglalakad lang pauwi at nilalampasan lang ng kapatid niyang naka-motor. Hindi ko alam kung anong meron pero sa tingin ko ay magkaaway sila. “Ayos lang ba?” Agad akong tumango. “Oo,
“So gusto ng Dad mong papasukin ko ang negosyo niyo rito sa lugar namin?” pag-uulit ni papa sa sinabi ni Fourth o Jacques. Mas maganda ang Fourth kaya iyon na lamang ang itatawag ko sa kaniya. Marahan siyang tumango bago sumubo ng pagkain. “I see, sabihin mong ayos lang naman sa ’kin pero dapat muna kaming mag-usap ng personal. Gusto ko rin siyang makilala,” dagdag pa ni papa. “Makakarating po,” sagot naman ni Fourth.Tiningnan ko si Dani kung nagtataka rin siya gaya ko ngunit nakatuon lamang ang atensyon niya sa kinakain. Parang walang pakialam sa pinag-uusapan ngayon. “Ilang taon ka na nga ulit, iho?” tanong ni Tita Dette. “20 po”Nalaglag ang panga ko sa sagot niya. 20? Kaya pala mas mukha siyang nakatatanda sa ’kin. 17 pa lang ako at si Dani naman ay 19. Kung ganoon, nasa kolehiyo na siya? Saan kaya siya nag-aaral?“Anong kurso ang kinuha mo?” dagdag na tanong ni Tita. Hinintay ko ang sagot niya. “Business related din po”Tumango na lamang si Tita. “Sabagay, ikaw ang nag-ii
Nakakamangha ang mga kulay na bumabalot sa buong paligid. Kabi-kabila ang mga nagtitinda at ang mga bumibili. Ni hindi nga ako sigurado kung makikita ko ba si Manong dito ngayon. Sa gitna ay may nagpe-perform na banda na pinapaligiran din ng mga manunuod. Ngayon lamang ako nakapunta rito dahil palagi kaming pinagbabawalan ni papa. Delikado raw kasi. “Doon tayo!” turo ko sa nagtitinda ng pares. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta roon. Siguro naman kumakain din siya nito. Kumain naman siya kanina, e. “Dalawang pares nga po,” saad ko.“Sige, iha. Maupo muna kayo roon,” turo niya sa mesang nakahanda. Tumango ako at hinila si Fourth papunta roon. Nauna akong umupo at tinapik ang katabi kong upuan. “Dito ka”Bumuntong hininga muna siya bago sumunod. Manghang-mangha kong pinapanuod ang mga tindero’t tindera sa tabi. May mga batang naglalaro, nagtatabukhan, at nagtatawanan habang nasa malapit lang ang mga nagbabantay sa kanila. “Ito na po ang order niyo” sabay lapag ng ba
Nagising ako dahil sa init na humahaplos sa balat ko. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala na nakatulog ako sa kotse ni Fourth. Pero nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid, wala na ako sa kotse kundi nasa kuwarto na. Kuwarto ko. Ang init na naramdaman ko ay dahil sa araw na sumisilip mula sa bintana. Hinatid ako ni Fourth panigurado iyon. Siguro binuhat ako ni papa patungo rito at si Tita naman ang nagbihis sa ’kin. O ‘di kaya’y si Dani. Tumayo na ako para iligpit ang higaan at mag-ayos. Sabado ngayon. Tutulungan ko ang mga katulong sa paglilinis. Kailangan ko rin asikasuhin ang hardin sa harap at likod ng bahay. Matapos makaligo at makapagbihis, lumabas ako para puntahan si Dani. Yayayain ko siyang tumulong din ngayon kung wala siyang gagawin. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro habang nakahiga sa kama niya. “Anong binabasa mo?” tanong ko at umupo sa tabi niya. “Hindi mo maiintindihan,” aniya at ngumisi.Napanguso ako dahil nabasa ko ang cover ng libro. Tungkol na naman sa
“Anong ginagawa mo rito?” pag-iwas ko ng tingin. Nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan. Simula nang makilala ko siya, ganito na lagi ang nararamdaman ko. Palagi akong kabado sa tuwing nasa malapit lang siya, sa tuwing nagtatagpo ang mga tingin namin, at sa tuwing may lumalabas na salita sa bibig niya. Nakakamanghang pakiramdam pero may parte sa ’kin na natatakot na sa nararamdaman sa kaniya. “Binisita ko si Mang Kanor and he told me to check on you,” sagot niya at umupo sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya. Ramdam ko ang tingin niya sa ginawa kong paglayo. “Ayos lang ako. Hindi na ulit ako mahuhulog huwag kang mag-alala”“That’s good. You should try to learn how to swim”Mahina akong umiling. “Gusto ko rin matuto pero masyadong maraming ginagawa si papa. Ganoon din naman si Dani. Paminsan-minsan nga lang iyon pumupuntang dagat para maligo,” paliwanag ko. Tanging si mama lang noon ang nakakasundo ko kapag dagat na pinag-uusapan. Siguro nga
Hindi na ako nagpahatid sa kaniya pauwi. Tinawagan ko na lamang si Manong para sunduin ako. Ayoko kasing baka may masabi na naman si Dani tungkol sa kaniya o ang mas malala, kapag si papa na ang nagtanong kung bakit kami magkasama. Payapa akong nagpahinga sa silid ko matapos ang hapunan. Hindi ko matanggal sa labi ko ang ngiti habang inaalala ang nangyari kanina hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan, sumama ako kina Manang sa simbahan. Namalengke na rin siya habang ako naman ay pumunta sa isang grocery store dahil may gusto akong bilhin. Gusto kong kumain ng chocolates. “Ysa?” Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa ’kin. Hindi ako magaling sa pagtanda ng mga pangalan pero kung hindi ako nagkakamali, siya ‘yung kasama ni Fourth noong iniligtas niya ako mula sa pagkakalunod. “Cavin?” nag a-alangan kong saad.Ngumiti siya at marahang hinawakan ang ulo ko. “Naalala mo,” sambit niya bago binawi ang kamay. Sumulyap siya sa hawak-hawak kong mga tsokolate at mas lalo pang ng
Lahat ay abala sa paparating kong kaarawan. Ilang araw na lang kasi ang natitira. Ginagawa na rin ang gown na gusto kong isuot. Nakapili na rin si Dani at tita Dette ng gusto nila. Matapos ang klase namin, hindi muna pinalabas ng guro namin ang lahat dahil may ia-anunsyo pa ako. Kinakabahan akong naglakad papuntang gitna at ngumiti sa kanila.“Uhm...,” lumunok ako nang malaki. Kita kong itinaas pa ni Josh ang hinlalaki niya para mapagaan ang loob ko. “Iniimbitahan ko pala kayong lahat sa birthday ko. Uh, ito...” sabay bigay ko sa mga invitation cards. Pinasa-pasa naman nila iyon sa iba. “Nariyan ang tema, lugar, at oras kung kailan magsisimula ang party”“Kaming lahat? Sigurado ka?” tanong ni Arianne. “Hindi ba magagalit si Mayor?”“Huwag kayong mag-alala, si papa mismo ang nagsabi na imbitahan ko kayong lahat”Nagsimula ang bulong-bulongan sa buong silid. “Himala ‘yun ah?”“Excited na ako. Tiyak magarbo ‘yun”“Sasabihan ko agad si mama”“Sayang, wala akong pera para bumili ng gown.
Naging usap-usapan ang gulo na iyon nang ilang araw. Inireklamo nina papa at tita Dette ang tatlo sa presinto na agad ding nahuli. Pareho nasa legal na kaya agad na kinasuhan. Wala sa sarili akong nakaupo sa higaan ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Bukas na ang kaarawan ko. Nararamdaman ko pa rin naman ang magkahalong kaba at excitement sa dibdib ko ngunit hindi lang talaga maalis sa isipan ko ang nangyari. May parte sa ’kin ang naiintindihan na ang nararamdaman ni papa. Ayaw niya sa mga hindi ka-estado dahil ang iba ay gahaman sa pera at oportunidad. Tandang-tanda ko pa rin ang nangyari. Nagising na lamang ako sa Hospital noong araw ring ‘yon. May mga pasa ako sa katawan lalo na bandang leeg, braso at likuran kung saan nila ako hinawakan nang mariin para maidiin sa sahig. Ang sabi ng doctor ayos lang naman raw ako. Kailangan ko lang magpahinga. Nag-alala ako kay Josh dahil baka sinisi rin siya ni papa. Pero nabalitaan ko kay Dani na pinasalamatan pa siya ni papa sa pagdalo s
“Mommy, who’s that man?” Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang pagsagot sa tanong na iyon. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagkabog sa dibdib ko. Ang makita si Fourth sa isang hindi inaasahang lugar... “Maybe he’s just a friend, Yvi” Napatingin ako kay Carson. Matalino si Carson, at alam kung nahalata na niya ang kinikilos ko kanina. At sa tingin ko ay nakilala niya si Fourth. May pagkakahawig kasi sila dahil sa kaniya nagmana ang anak namin. Hindi ko alam kung napansin ba iyon ni Fourth o ni Yvianne. “A friend? Like Tito Josh?” inosenteng tanong ni Yvianne. Tumango-tango naman si Carson. “Yes” Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Ang marinig na tinatawag nilang kaibigan ang sarili nilang ama... Mariin akong napapikit at inisip kung anong dapat gawin. Alam kong hindi iyon ang magiging una at huling pagkikita namin ni Fourth. At nangako rin naman ako sa mga bata ma ipakikilala ko sila sa ama nila. Pero papaano? Ni hindi ko mahagilap nang tama ang mga salit
Pinawi ko ang mga nakatakas na luha habang nakatingin kay Yvianne na mahimbing na natutulog. Gabi na akong nakauwi dahil nagpalipas pa ako ng oras sa isang bar. Hindi naman ako masyadong naglasing. Umasa kasi ako na mawawala ang nararamdaman kong sakit. Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa mga anak ko na imposible nang maging kami ng ama nila. Hindi ko masisisi si Fourth. Pero ang daya. Bakit sa lahat ng tao, si Dani pa? Bakit kapatid ko pa? Mariin akong pumikit bago tumayo at lumabas sa silid ni Yvianne. Napangsihap ako sa gulat nang makita ko si Carson sa labas ng pintuan. “Carson? Bakit ka pa gising?” nag-aalala kong tanong at binuhat siya. Nilakad ko ang daan patungo sa silid niya saka siya marahan na inilapag sa sarili niyang kama. “Gabi na, baby. You have to rest” Inayos ko ang kumot niya at saglit siyang pinatakan ng halik sa noo. “Uminom ka po?” mahina niyang tanong. Inamoy ko ang sariling hininga at pilit na ngumiti. “Konti lang, baby. Take a rest, okay? Maliligo a
“Welcome back po sa inyo, ma’am!” salubong sa amin ng sekretarya ni lola. Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang mga anak ko. Nagpaiwan si lola sa Hong Kong dahil may gagawin pa raw siya roon kaya kami na lamang ang umuwi. Bago pa man ako nag-desisyon, kinausap ko muna ang dalawa lalo na si Carson. Pumayag naman siya kahit na nakikita ko sa mga mata niya ang kaba. “Saan po tayo, ma’am?” tanong ng driver nang makapasok kami sa sasakyan. Ibinaba ko ang suot na salamin. “Sa bahay po, Manong”Sa loob ng maraming taon, sinubukan naming kontakin si Dani subalit ni isa sa mga tawag, texts, at emails, ay hindi niya sinagot. Tapos malalaman kong kasama niya si Fourth sa pagpapakilos sa kaso? Akala ko ba galit siya sa kaniya? Napatunayan na bang walang kasalanan si Fourth? Gusto kong malaman ang lahat. “Jess, nalaman mo na ba kung nasaan si Dani ngayon?” tanong ko habang inaayos ang buhok ni Yvianne na nililipad na ng hangin dahil nakabukas an
“Sigurado ka na ba talaga sa plano mo, apo?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ‘yang itinanong ni lola. Ngumiti ako habang hawak-hawak ang maliit ko pang tiyan. “Opo, lola. Bubuhayin ko po siya” “Sige, susuportahan kita sa desisyon mong ‘yan. Akong bahala sa ‘yo at sa magiging anak mo” Naikuwento ko na kay lola ang tungkol kay Fourth matapos naming makumpirma na nagdadalang tao nga ako. Halo-halo ang naramdaman ko. Kaba, saya, takot, at iba pa. Maraming “papaano” ang pumasok sa isip ko pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong makita niya ang mundo. Hindi ko alam kung anong bukas ang naghihintay sa ’min. Pero ngayong alam ko nang hindi ako nag-iisa, desidido na akong bumangon at maging matatag para sa magiging anak ko. Matapos ang ilang buwan ay napagdesisyunan naming lumipat na sa ibang bansa. Maliit lamang ang Pilipinas, at kung gugustuhin ni Fourth na hanapin ako ay mahahanap at mahahanap niya talaga ako. At ayokong mangyari iyon. Hindi pa ako handa. Lumipad kami patung
Nagising ako sa isang magarbong silid. Agad akong bumangon at inilibot ang tingin. Pamilyar ang kuwartong ‘to. Hindi ko lang maalala kung kailan ako nakapasok dito. Napatingin ako sa maliit na mesa katabi ng kama. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang makita ko ang picture namin ni lola kasama sina mama at papa. Inabot ko iyon para tingnan.Ito ‘yung panahon kung kailan maayos pa ang lahat. Dahan-dahan kong pinadaan ang hinlalaki sa mukha ni mama. Nami-miss ko na siya. Ang maamo niyang mukha at ang ngiti niyang nakakasilaw. “Kumusta ka na, ma?” naiiyak kong tanong sa hangin. “Miss na miss na kita” Kumilos ang daliri ko sa mukha ni papa. Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti niya. Niyakap ko iyon at umiyak nang umiyak. Nakakapanghina ang nangyayari sa buhay ko. Ano bang naging kasalanan ko para maranasan ang lahat ng ‘to?Nawala na si mama. Ngayon naman ay pati si papa at Tita Dette ay wala na rin. Ano nang gagawin ko? Saan ako magsisimula?“Ysa? Apo? Gising ka na ba?” Mabilis
“Mayaman ang pamilya niyo bago pa man tumakbo ang papa mo sa pagka-mayor. Naging malapit siya sa mga tao rito. Lalo na ang mama mo. Naging malapit ang papa ni Fourth at ang mama mo sa isa’t-isa. Ngunit iba ang naging pagtingin ni Yohann sa pagkakaibigan nila. Nang mamatay ang mama mo dahil sa sakit, nagkaroon din ng sakit si Fourth. Kakapanalo pa lamang ng papa mo sa pagka-mayor noon at palaging bumabagyo kaya hindi namin nagagawang pumalaot sa dagat. Nagbakasakali siyang matulongan ni Yohann kaya siya pumunta sa inyo. Bata ka pa lang nun kaya siguro hindi mo na naaalala.”Diyan siya nagkakamali. Oo, bata pa lamang ako noon pero may nakita ako sa labas ng bahay namin sa isang maulan na gabi. Isang lalaki na basang-basa sa ulan na nagsisigaw sa labas. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nga sa malakas na buhos ng ulan pero sigurado akong iyon ang tinutukoy niya. “Hindi tinulongan ng papa mo si Fernando dahil nga sa selos. Iyon ang naging dahilan kaya ka niya nagawang kidnapin.”Nap
“Dani!” sigaw ko nang maabutan ko ang mga nagkukumpulang mga tao sa labas ng gate ng bahay namin. Nagkalat rin ang mga pulis at pinipigilan pa akong makapasok.“Nasa loob ang kapatid ko, ano ba!” patakbo kong pinasok ang bahay namin. Nagulat ako dahil sobrang gulo ng mga gamit. Nagkalat rin ang mga dugo sa bawat parte ng bahay. Inakyat ko ang hagdanan at dumiretso sa silid niya. “Dani!” muli kong tawag. Bumukas ang pintuan ng walk-in closet namin at sinugod niya ako ng yakap habang umiiyak. “Wala na sila. Wala na sila, Ysa. Patay na sila. Wala na...” paulit-ulit niyang wika at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa ’kin. “Nagbibiro ka lang ‘di ba? Nasaan si papa? Nasa trabaho ba? Si tita? May nilakad? Hindi ko sila nakita sa baba kaya—”“Sabing wala na sila!” sabay tulak niya sa ’kin kaya napaupo ako sa sahig. Umupo siya sa kama at ginulo ang sariling buhok saka muling humagulhol. “N-Nanalo si Papa sa eleksiyon. Gusto niya iyon ibalita sa ‘yo nang personal kaya tinawagan niy
“Are you sure that you’re okay now?” nag-aalala niyang tanong matapos huminto sa harapan ng building kung saan ako nagtatrabaho. Ngumiti ako sa kaniya at mabilis na pinatakan ang labi niya ng halik. “Ayos na ako. Nakakalakad na ako nang maayos ngayon. Huwag ka nang mag-alala” halakhak ko dahil kita talaga sa mukha niya ang pangamba. Ilang araw na ang nakalipas matapos may mangyari sa aming dalawa. Nilagnat ako kinaumagahan kaya mabilis niya akong inuwi at tumawag ng kakilalang doctor. Ang sabi, nagkasugat sa loob ko dahil uh... masyado siyang malaki. Ilang araw rin akong nagpagaling. Sinabi ko na nga lang kay Luce na may sakit ako kaya hindi muna ako makakapasok. At dahil ayos na ako ngayon. Kinumbinse ko siyang ihatid ako rito. “I’m sorry” mahina niyang sabi. Ngumuso ako at mahina siyang tinampal sa balikat. “Tama na ang kaka-sorry. Hindi naman kita sinisisi dahil ginusto ko rin naman ang nangyari. Mauuna na ako. Tatawagan na lang kita mamaya,” saad ko bago lumabas sa kotse niy
“Okay! That’s it! Good job, Ysa!” papuri ng photographer sabay palakpak. Ngumiti ako at nagpasalamat. Agad na lumapit si Luce para bigyan ako ng tuwalya. Basang-basa kasi ako dahil kung ano-ano ang pinaggagawa ko sa dagat. Umupo ako sa bakanteng upuan at uminom. Nakakakalma ang simoy ng hangin. Sinadya rin yata nilang mag-shoot dito ngayong gabi dahil bilog na bilog ang buwan. Mas lalo pa ‘yung gumanda dahil litaw na litaw rin ang mga nagsisikislapan na mga bituin. Maganda naman dito pero mas gusto ko ang dagat sa amin. “Good job, everyone. Puwede niyo nang gawin ang gusto niyong gawin. Maligo, uminom, magsaya, kayo na ang bahala. Magpapahinga na ako,” saad ni Madame Queenie. “Yes!” sigaw naman ng marami. Tumayo na ako at nagpaalam na rin sa kanila. “Sige, Ysa. Rest well!” Tinapik ako ni Luce bago tumabi sa kanila. Binalot ko ang sarili sa tuwalya at nagsimulang naglakad paalis. “Ysa!” Tumigil ako para tingnan kung sino ang tumawag. Tumakbo si Deither palapit sa ’kin at ngumi