Share

Kabanata 4

Author: Ririmavianne
last update Last Updated: 2023-08-07 11:53:29

Nakakamangha ang mga kulay na bumabalot sa buong paligid. Kabi-kabila ang mga nagtitinda at ang mga bumibili. Ni hindi nga ako sigurado kung makikita ko ba si Manong dito ngayon. Sa gitna ay may nagpe-perform na banda na pinapaligiran din ng mga manunuod. Ngayon lamang ako nakapunta rito dahil palagi kaming pinagbabawalan ni papa. Delikado raw kasi.

“Doon tayo!” turo ko sa nagtitinda ng pares.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta roon. Siguro naman kumakain din siya nito. Kumain naman siya kanina, e.

“Dalawang pares nga po,” saad ko.

“Sige, iha. Maupo muna kayo roon,” turo niya sa mesang nakahanda. Tumango ako at hinila si Fourth papunta roon. Nauna akong umupo at tinapik ang katabi kong upuan.

“Dito ka”

Bumuntong hininga muna siya bago sumunod. Manghang-mangha kong pinapanuod ang mga tindero’t tindera sa tabi. May mga batang naglalaro, nagtatabukhan, at nagtatawanan habang nasa malapit lang ang mga nagbabantay sa kanila.

“Ito na po ang order niyo” sabay lapag ng bata ng order namin sa mesa. Ngumiti ako sa kaniya.

“Salamat!”

Kita ko ang pamumula ng magkabila niyang pisngi at gumanti ng ngiti bago bumalik sa pagtulong sa mama niya. Mas lalo pa akong napangiti. Ang cute naman, at ang sipag pa.

Binalingan ko si Fourth na nakatingin na rin sa ’kin.

“Kain na,” pagyayaya ko at nauna nang kumain. Pasimple ko siyang pinanuod habang kumakain. Masyado siyang misteryoso sa paningin ko. Hindi siya palasalita at palagi pang seryoso ang mukha na para bang naka-program siya para hindi magpakita ng kahit anong emosyon. Ang mga pilik mata niya ay maihahambing sa alon sa dagat, mahaba at makurba. Napanguso ako. Nakakainggit. Sana ganiyan rin ang akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga tingin namin. Mabilis kong itinuon ang atensiyon sa kinakain at umakto na parang hindi niya ako nahuling nakatingin sa kaniya.

Naisip kong kung matutuloy ang pagpapatayo nila ng mall dito sa lugar namin, ang ibig bang sabihin nun palagi ko na siyang makikita? Dito na ba sila titira?

O bibisita lang sila rito para sa negosyo nila? Mariin kong iniling ang ulo. Bakit ko ba ‘yun iniisip.

Magbabayad na sana ako matapos kaming kumain pero naunahan niya na ako. Ni hindi ko pa nakuha ang pitaka ko sa bag, naibigay na niya ang bayad kay Manang. Pati ang bata ay binigyan niya. Pagkatapos nun ay nauna na siyang maglakad habang nakasilid sa bulsa ang mga kamay.

“T-Teka!” habol ko sa kaniya.

“Salamat pero ako ang nagyaya kaya sana hinayaan mo na lang na ako ang magbayad,” sabi ko habang sumasabay sa paglalakad niya.

“Don’t worry about it. You already paid for the street foods we bought earlier”

Napabuntong hininga ako. Gusto kong sabihin na ayos lang naman kasi may pera naman ako pero hindi na lang ako nagsalita. Huminto kami sa harapan ng bandang nagpe-perform. Love song ang kinakanta nila kaya may mga nagsasayaw na sa gilid at sa gitna. Napangiti ako. Pangarap ko rin na maisayaw. Naalala ko ang kuwento ni mama noon. Isinayaw siya ni papa sa prom nila. Tumatak iyon sa isip niya dahil iyon rin ang gabi kung kailan niya sinagot si papa.

Ang sarap siguro nun sa pakiramdam ano?

Ang maisayaw ng taong mahal mo. Wala pa kasi akong naging boyfriend. May mga nakakuha na ng atensiyon ko pero hanggang doon lang ‘yun. Kumbaga, hanggang sa paghanga lang ako. May mga nagtangka rin namang manligaw pero hindi ko pinapayagan. Hindi ko kasi sila gusto.

“Gusto mong sumayaw?”

“Hmm?” wala sa sarili kong sagot. Nang mapagtanto ko ang tanong niya, mabilis ko siyang binalingan. “H-Ha?” kabado kong tanong. Nakakatakot ang bilis ng pintig ng puso ko ngayon. Unti-unti ring gumapang ang kakaibang kaba sa katawan ko dahilan kaya mas lalo akong nanginig nang ilahad niya ang kamay niya.

“Let’s dance,” bahagyang umangat ang gilid ng labi niya habang nakatingin sa ’kin at  hinihintay ang sagot ko.

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad. Gusto ko iyon kunin. Gusto ko nang maranasan ang maisayaw. Gusto kong maramdaman ang naramdaman ni mama noong isinayaw siya ni papa.

Pero...

Tipid akong ngumiti sa kaniya.

“H-Hindi na,” mahina kong sagot.

Nawala ang ngiti sa labi niya at dahan-dahang ibinalik ang kamay sa bulsa.

Tinalikuran niya ako at nagsimula nang maglakad paalis. Gulat ko siyang pinanuod habang pino-proseso ang naging reaksyon niya. Galit ba siya? Galit siya dahil hindi ko tinanggap ang alok niya?

Wala sa huwisyo akong sumunod sa kaniya.

Anong gagawin? Hihingi ba ako ng sorry?

Hihilahin ko ba siya pabalik doon para magsayaw?

Bago ko pa man maisip ang sagot, nakita kong papunta na kami sa sasakyan niya. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at bumuntong hininga. Sa tingin ko ay nasira ko ang mood niya kaya gusto na niyang umuwi.

Dumiretso siya papasok sa driver’s seat at ako naman ay naupo katabi niya. Kabado ko siyang tinapunan ng tingin pero nanatili ang atensyon niya sa harap. Galit nga yata.

“Sorry,” panimula ko at umiwas ng tingin.

“Gusto ko kasi na kung sino man ang magiging una kong kapares sa pagsayaw, ay siya rin ang magiging huli” paliwanag ko sa mahinang boses. Si mama, si papa lang ang naging una at huli niyang kapares sa pagsayaw. Gusto kong ganoon rin ako. Kahit na ba hindi ganoon si papa.

“Okay,” tipid niyang sagot saka pinaandar ang kotse.

“Galit ka?”

“No.”

“Totoo?” paninigurado ko pa kahit na hindi na naman kita sa mukha niyang galit siya. Hindi kagaya kanina.

“Naiintindihan ko,” aniya at pinatakbo na ang kotse paalis. “Ihahatid na kita sa inyo”

Wala na maski isa saamin ang nagsalita habang nasa byahe. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang minamasdan ang maliwanag na buwan. Mas lalo pang gumanda ang langit dahil sa kumikinang na mga bintuin. Nakakagaan ng loob ang tahimik na tanawin. Madilim pero ramdam ko ang kapayapaan.

Naisip ko na parang masarap pumunta sa tabing dagat ngayon pero alam kung hindi siya papayag. Lumalalim na rin ang gabi.

Baka pareho pa kaming mapagalitan kapag sinagad namin ang oras. Binuksan ko nang kaunti ang bintana at pumikit habang dinadama ang malamig na hangin na humahalik sa balat ko. Ni hindi ko namalayan na unti-unti na akong nilukob ng dilim.

Related chapters

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 5

    Nagising ako dahil sa init na humahaplos sa balat ko. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala na nakatulog ako sa kotse ni Fourth. Pero nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid, wala na ako sa kotse kundi nasa kuwarto na. Kuwarto ko. Ang init na naramdaman ko ay dahil sa araw na sumisilip mula sa bintana. Hinatid ako ni Fourth panigurado iyon. Siguro binuhat ako ni papa patungo rito at si Tita naman ang nagbihis sa ’kin. O ‘di kaya’y si Dani. Tumayo na ako para iligpit ang higaan at mag-ayos. Sabado ngayon. Tutulungan ko ang mga katulong sa paglilinis. Kailangan ko rin asikasuhin ang hardin sa harap at likod ng bahay. Matapos makaligo at makapagbihis, lumabas ako para puntahan si Dani. Yayayain ko siyang tumulong din ngayon kung wala siyang gagawin. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro habang nakahiga sa kama niya. “Anong binabasa mo?” tanong ko at umupo sa tabi niya. “Hindi mo maiintindihan,” aniya at ngumisi.Napanguso ako dahil nabasa ko ang cover ng libro. Tungkol na naman sa

    Last Updated : 2023-08-07
  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 6

    “Anong ginagawa mo rito?” pag-iwas ko ng tingin. Nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan. Simula nang makilala ko siya, ganito na lagi ang nararamdaman ko. Palagi akong kabado sa tuwing nasa malapit lang siya, sa tuwing nagtatagpo ang mga tingin namin, at sa tuwing may lumalabas na salita sa bibig niya. Nakakamanghang pakiramdam pero may parte sa ’kin na natatakot na sa nararamdaman sa kaniya. “Binisita ko si Mang Kanor and he told me to check on you,” sagot niya at umupo sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya. Ramdam ko ang tingin niya sa ginawa kong paglayo. “Ayos lang ako. Hindi na ulit ako mahuhulog huwag kang mag-alala”“That’s good. You should try to learn how to swim”Mahina akong umiling. “Gusto ko rin matuto pero masyadong maraming ginagawa si papa. Ganoon din naman si Dani. Paminsan-minsan nga lang iyon pumupuntang dagat para maligo,” paliwanag ko. Tanging si mama lang noon ang nakakasundo ko kapag dagat na pinag-uusapan. Siguro nga

    Last Updated : 2023-08-12
  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 7

    Hindi na ako nagpahatid sa kaniya pauwi. Tinawagan ko na lamang si Manong para sunduin ako. Ayoko kasing baka may masabi na naman si Dani tungkol sa kaniya o ang mas malala, kapag si papa na ang nagtanong kung bakit kami magkasama. Payapa akong nagpahinga sa silid ko matapos ang hapunan. Hindi ko matanggal sa labi ko ang ngiti habang inaalala ang nangyari kanina hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan, sumama ako kina Manang sa simbahan. Namalengke na rin siya habang ako naman ay pumunta sa isang grocery store dahil may gusto akong bilhin. Gusto kong kumain ng chocolates. “Ysa?” Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa ’kin. Hindi ako magaling sa pagtanda ng mga pangalan pero kung hindi ako nagkakamali, siya ‘yung kasama ni Fourth noong iniligtas niya ako mula sa pagkakalunod. “Cavin?” nag a-alangan kong saad.Ngumiti siya at marahang hinawakan ang ulo ko. “Naalala mo,” sambit niya bago binawi ang kamay. Sumulyap siya sa hawak-hawak kong mga tsokolate at mas lalo pang ng

    Last Updated : 2023-08-14
  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 8

    Lahat ay abala sa paparating kong kaarawan. Ilang araw na lang kasi ang natitira. Ginagawa na rin ang gown na gusto kong isuot. Nakapili na rin si Dani at tita Dette ng gusto nila. Matapos ang klase namin, hindi muna pinalabas ng guro namin ang lahat dahil may ia-anunsyo pa ako. Kinakabahan akong naglakad papuntang gitna at ngumiti sa kanila.“Uhm...,” lumunok ako nang malaki. Kita kong itinaas pa ni Josh ang hinlalaki niya para mapagaan ang loob ko. “Iniimbitahan ko pala kayong lahat sa birthday ko. Uh, ito...” sabay bigay ko sa mga invitation cards. Pinasa-pasa naman nila iyon sa iba. “Nariyan ang tema, lugar, at oras kung kailan magsisimula ang party”“Kaming lahat? Sigurado ka?” tanong ni Arianne. “Hindi ba magagalit si Mayor?”“Huwag kayong mag-alala, si papa mismo ang nagsabi na imbitahan ko kayong lahat”Nagsimula ang bulong-bulongan sa buong silid. “Himala ‘yun ah?”“Excited na ako. Tiyak magarbo ‘yun”“Sasabihan ko agad si mama”“Sayang, wala akong pera para bumili ng gown.

    Last Updated : 2023-08-14
  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 9

    Naging usap-usapan ang gulo na iyon nang ilang araw. Inireklamo nina papa at tita Dette ang tatlo sa presinto na agad ding nahuli. Pareho nasa legal na kaya agad na kinasuhan. Wala sa sarili akong nakaupo sa higaan ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Bukas na ang kaarawan ko. Nararamdaman ko pa rin naman ang magkahalong kaba at excitement sa dibdib ko ngunit hindi lang talaga maalis sa isipan ko ang nangyari. May parte sa ’kin ang naiintindihan na ang nararamdaman ni papa. Ayaw niya sa mga hindi ka-estado dahil ang iba ay gahaman sa pera at oportunidad. Tandang-tanda ko pa rin ang nangyari. Nagising na lamang ako sa Hospital noong araw ring ‘yon. May mga pasa ako sa katawan lalo na bandang leeg, braso at likuran kung saan nila ako hinawakan nang mariin para maidiin sa sahig. Ang sabi ng doctor ayos lang naman raw ako. Kailangan ko lang magpahinga. Nag-alala ako kay Josh dahil baka sinisi rin siya ni papa. Pero nabalitaan ko kay Dani na pinasalamatan pa siya ni papa sa pagdalo s

    Last Updated : 2023-08-14
  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 10

    Sa muling pag-ihip ng malamig na hangin, kasabay nun ang pagtanggap ni Fourth sa nakahain kong kamay. Inilagay niya iyon sa kaniyang dibdib at kinuha ang isa para maging kapares sa isa niyang kamay. Titig na titig lamang kami sa isa’t-isa habang nagsisimula kaming gumalaw. Ang buwan ang nagsilbing liwanag namin at ang hampas ng alon at ang tunog ng pag-ihip ng hangin ang nagsisilbing musika. Ramdam ko ang kakaibang pakiramdam sa dibdib kagaya ng dati sa tuwing kasama ko siya. Ang kaibahan nga lang, mas malalim ito ngayon. “Mabuti at nakapunta ka,” panimula ko.“Hindi puwedeng hindi,” mahina naman niyang sagot habang nasa akin pa rin ang tingin. Marahan niya akong iniikot at muling hinawakan sa bewang bago muling gumalaw sa pagsayaw. “Narinig ko ang nangyari. Are you okay now?” Tumango ako. “Na-trauma ako dahil sa nangyari pero ayos na naman. Uuwi ka ba ulit ng Maynila bukas?” Gusto kong makiusap na huwag muna pero magiging makasarili ako kapag ginawa ko ‘yun. Nasa Maynila siya nak

    Last Updated : 2023-08-14
  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 11

    “Pagod na ako,” reklamo ni Josh matapos magawa ang plates niya at sumandal sa upuan. Mahina akong tumawa at sumulyap sa gawa niya. Maayos naman. Sa totoo nga niyan, sa tingin ko mas maayos ang pagkakagawa ng kaniya kung ikukumpara sa gawa ko. Mas malinis tingnan. Sabagay, mas magaling siya sa mga ganito. Siya nga ang nagturo sa ’kin noong nagsisimula pa lang ako. Mas madali ka siyang matuto kung ikukumpara sa ’kin. “Sana lahat tapos na,” sabay tawa ko ulit at nagpatuloy sa ginagawa ko. Ngumuso naman siya at tumingin sa ’kin. “Gusto mong tulungan kita?” tanong niya na agad ko ring tinanggihan. “Kaya ko naman,” sagot ko. Sa tingin ko kasi, kung patuloy akong aasa sa kaniya, mas lalo lang akong mahihirapan. Mabait si Josh kaya lang, ayokong gamitin ang kabaitan niya sa pansariling interes.“Sabihan mo ako kapag 6 na. Kailangan ko pang maghanda para sa shooting ko mamaya” dagdag ko pa. Noong kasisimula ko pa lang sa kolehiyo, sinubukan ko ang modeling nang may mag-offer nun sa ’kin. No

    Last Updated : 2023-08-15
  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 12

    Matagal akong naghahanda sa loob ng aking silid para sa araw na ito. Ang sabi ni papa, maglilibot kami sa kabilang municipalidad na hindi pa nila napupuntahan. Maagang tumawag si Josh para ipaalam sa ’kin na hindi siya makakasama sa lakad namin ngayong araw dahil may importante rin siyang lalakarin. Sinabihan ko na naman siya na ayos lang at mag-iingat kung saan man siya pupunta. Bumaba ako dala-dala ang bag na may lamang damit at iba pang importanteng bagay subalit hindi ko inasahan na madadatnan ko ulit doon si Fourth. Buhat-buhat niya ang ilang karton ng mga flyers na ipamimigay namin mamaya. Nang makita ako, saglit niya lamang akong tinapunan ng tingin at dumiretso sa labas para ihatid ang mga karton. Mabilis din siyang nakabalik agad bago pa man ako tuluyang makababa sa hagdanan. “Good morning,” bati ko sa kaniya. Napakurap-kurap ako nang hindi man lang niya ako tiningnan. Ni hindi siya bumati pabalik. Anong problema niya?“Sasama ka ngayong araw?” subok kong tanong. “Yes.”

    Last Updated : 2023-08-15

Latest chapter

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 30

    “Mommy, who’s that man?” Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang pagsagot sa tanong na iyon. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagkabog sa dibdib ko. Ang makita si Fourth sa isang hindi inaasahang lugar... “Maybe he’s just a friend, Yvi” Napatingin ako kay Carson. Matalino si Carson, at alam kung nahalata na niya ang kinikilos ko kanina. At sa tingin ko ay nakilala niya si Fourth. May pagkakahawig kasi sila dahil sa kaniya nagmana ang anak namin. Hindi ko alam kung napansin ba iyon ni Fourth o ni Yvianne. “A friend? Like Tito Josh?” inosenteng tanong ni Yvianne. Tumango-tango naman si Carson. “Yes” Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Ang marinig na tinatawag nilang kaibigan ang sarili nilang ama... Mariin akong napapikit at inisip kung anong dapat gawin. Alam kong hindi iyon ang magiging una at huling pagkikita namin ni Fourth. At nangako rin naman ako sa mga bata ma ipakikilala ko sila sa ama nila. Pero papaano? Ni hindi ko mahagilap nang tama ang mga salit

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 29

    Pinawi ko ang mga nakatakas na luha habang nakatingin kay Yvianne na mahimbing na natutulog. Gabi na akong nakauwi dahil nagpalipas pa ako ng oras sa isang bar. Hindi naman ako masyadong naglasing. Umasa kasi ako na mawawala ang nararamdaman kong sakit. Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa mga anak ko na imposible nang maging kami ng ama nila. Hindi ko masisisi si Fourth. Pero ang daya. Bakit sa lahat ng tao, si Dani pa? Bakit kapatid ko pa? Mariin akong pumikit bago tumayo at lumabas sa silid ni Yvianne. Napangsihap ako sa gulat nang makita ko si Carson sa labas ng pintuan. “Carson? Bakit ka pa gising?” nag-aalala kong tanong at binuhat siya. Nilakad ko ang daan patungo sa silid niya saka siya marahan na inilapag sa sarili niyang kama. “Gabi na, baby. You have to rest” Inayos ko ang kumot niya at saglit siyang pinatakan ng halik sa noo. “Uminom ka po?” mahina niyang tanong. Inamoy ko ang sariling hininga at pilit na ngumiti. “Konti lang, baby. Take a rest, okay? Maliligo a

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 28

    “Welcome back po sa inyo, ma’am!” salubong sa amin ng sekretarya ni lola. Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang mga anak ko. Nagpaiwan si lola sa Hong Kong dahil may gagawin pa raw siya roon kaya kami na lamang ang umuwi. Bago pa man ako nag-desisyon, kinausap ko muna ang dalawa lalo na si Carson. Pumayag naman siya kahit na nakikita ko sa mga mata niya ang kaba. “Saan po tayo, ma’am?” tanong ng driver nang makapasok kami sa sasakyan. Ibinaba ko ang suot na salamin. “Sa bahay po, Manong”Sa loob ng maraming taon, sinubukan naming kontakin si Dani subalit ni isa sa mga tawag, texts, at emails, ay hindi niya sinagot. Tapos malalaman kong kasama niya si Fourth sa pagpapakilos sa kaso? Akala ko ba galit siya sa kaniya? Napatunayan na bang walang kasalanan si Fourth? Gusto kong malaman ang lahat. “Jess, nalaman mo na ba kung nasaan si Dani ngayon?” tanong ko habang inaayos ang buhok ni Yvianne na nililipad na ng hangin dahil nakabukas an

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 27

    “Sigurado ka na ba talaga sa plano mo, apo?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ‘yang itinanong ni lola. Ngumiti ako habang hawak-hawak ang maliit ko pang tiyan. “Opo, lola. Bubuhayin ko po siya” “Sige, susuportahan kita sa desisyon mong ‘yan. Akong bahala sa ‘yo at sa magiging anak mo” Naikuwento ko na kay lola ang tungkol kay Fourth matapos naming makumpirma na nagdadalang tao nga ako. Halo-halo ang naramdaman ko. Kaba, saya, takot, at iba pa. Maraming “papaano” ang pumasok sa isip ko pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong makita niya ang mundo. Hindi ko alam kung anong bukas ang naghihintay sa ’min. Pero ngayong alam ko nang hindi ako nag-iisa, desidido na akong bumangon at maging matatag para sa magiging anak ko. Matapos ang ilang buwan ay napagdesisyunan naming lumipat na sa ibang bansa. Maliit lamang ang Pilipinas, at kung gugustuhin ni Fourth na hanapin ako ay mahahanap at mahahanap niya talaga ako. At ayokong mangyari iyon. Hindi pa ako handa. Lumipad kami patung

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 26

    Nagising ako sa isang magarbong silid. Agad akong bumangon at inilibot ang tingin. Pamilyar ang kuwartong ‘to. Hindi ko lang maalala kung kailan ako nakapasok dito. Napatingin ako sa maliit na mesa katabi ng kama. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang makita ko ang picture namin ni lola kasama sina mama at papa. Inabot ko iyon para tingnan.Ito ‘yung panahon kung kailan maayos pa ang lahat. Dahan-dahan kong pinadaan ang hinlalaki sa mukha ni mama. Nami-miss ko na siya. Ang maamo niyang mukha at ang ngiti niyang nakakasilaw. “Kumusta ka na, ma?” naiiyak kong tanong sa hangin. “Miss na miss na kita” Kumilos ang daliri ko sa mukha ni papa. Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti niya. Niyakap ko iyon at umiyak nang umiyak. Nakakapanghina ang nangyayari sa buhay ko. Ano bang naging kasalanan ko para maranasan ang lahat ng ‘to?Nawala na si mama. Ngayon naman ay pati si papa at Tita Dette ay wala na rin. Ano nang gagawin ko? Saan ako magsisimula?“Ysa? Apo? Gising ka na ba?” Mabilis

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 25

    “Mayaman ang pamilya niyo bago pa man tumakbo ang papa mo sa pagka-mayor. Naging malapit siya sa mga tao rito. Lalo na ang mama mo. Naging malapit ang papa ni Fourth at ang mama mo sa isa’t-isa. Ngunit iba ang naging pagtingin ni Yohann sa pagkakaibigan nila. Nang mamatay ang mama mo dahil sa sakit, nagkaroon din ng sakit si Fourth. Kakapanalo pa lamang ng papa mo sa pagka-mayor noon at palaging bumabagyo kaya hindi namin nagagawang pumalaot sa dagat. Nagbakasakali siyang matulongan ni Yohann kaya siya pumunta sa inyo. Bata ka pa lang nun kaya siguro hindi mo na naaalala.”Diyan siya nagkakamali. Oo, bata pa lamang ako noon pero may nakita ako sa labas ng bahay namin sa isang maulan na gabi. Isang lalaki na basang-basa sa ulan na nagsisigaw sa labas. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nga sa malakas na buhos ng ulan pero sigurado akong iyon ang tinutukoy niya. “Hindi tinulongan ng papa mo si Fernando dahil nga sa selos. Iyon ang naging dahilan kaya ka niya nagawang kidnapin.”Nap

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 24

    “Dani!” sigaw ko nang maabutan ko ang mga nagkukumpulang mga tao sa labas ng gate ng bahay namin. Nagkalat rin ang mga pulis at pinipigilan pa akong makapasok.“Nasa loob ang kapatid ko, ano ba!” patakbo kong pinasok ang bahay namin. Nagulat ako dahil sobrang gulo ng mga gamit. Nagkalat rin ang mga dugo sa bawat parte ng bahay. Inakyat ko ang hagdanan at dumiretso sa silid niya. “Dani!” muli kong tawag. Bumukas ang pintuan ng walk-in closet namin at sinugod niya ako ng yakap habang umiiyak. “Wala na sila. Wala na sila, Ysa. Patay na sila. Wala na...” paulit-ulit niyang wika at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa ’kin. “Nagbibiro ka lang ‘di ba? Nasaan si papa? Nasa trabaho ba? Si tita? May nilakad? Hindi ko sila nakita sa baba kaya—”“Sabing wala na sila!” sabay tulak niya sa ’kin kaya napaupo ako sa sahig. Umupo siya sa kama at ginulo ang sariling buhok saka muling humagulhol. “N-Nanalo si Papa sa eleksiyon. Gusto niya iyon ibalita sa ‘yo nang personal kaya tinawagan niy

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 23

    “Are you sure that you’re okay now?” nag-aalala niyang tanong matapos huminto sa harapan ng building kung saan ako nagtatrabaho. Ngumiti ako sa kaniya at mabilis na pinatakan ang labi niya ng halik. “Ayos na ako. Nakakalakad na ako nang maayos ngayon. Huwag ka nang mag-alala” halakhak ko dahil kita talaga sa mukha niya ang pangamba. Ilang araw na ang nakalipas matapos may mangyari sa aming dalawa. Nilagnat ako kinaumagahan kaya mabilis niya akong inuwi at tumawag ng kakilalang doctor. Ang sabi, nagkasugat sa loob ko dahil uh... masyado siyang malaki. Ilang araw rin akong nagpagaling. Sinabi ko na nga lang kay Luce na may sakit ako kaya hindi muna ako makakapasok. At dahil ayos na ako ngayon. Kinumbinse ko siyang ihatid ako rito. “I’m sorry” mahina niyang sabi. Ngumuso ako at mahina siyang tinampal sa balikat. “Tama na ang kaka-sorry. Hindi naman kita sinisisi dahil ginusto ko rin naman ang nangyari. Mauuna na ako. Tatawagan na lang kita mamaya,” saad ko bago lumabas sa kotse niy

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 22

    “Okay! That’s it! Good job, Ysa!” papuri ng photographer sabay palakpak. Ngumiti ako at nagpasalamat. Agad na lumapit si Luce para bigyan ako ng tuwalya. Basang-basa kasi ako dahil kung ano-ano ang pinaggagawa ko sa dagat. Umupo ako sa bakanteng upuan at uminom. Nakakakalma ang simoy ng hangin. Sinadya rin yata nilang mag-shoot dito ngayong gabi dahil bilog na bilog ang buwan. Mas lalo pa ‘yung gumanda dahil litaw na litaw rin ang mga nagsisikislapan na mga bituin. Maganda naman dito pero mas gusto ko ang dagat sa amin. “Good job, everyone. Puwede niyo nang gawin ang gusto niyong gawin. Maligo, uminom, magsaya, kayo na ang bahala. Magpapahinga na ako,” saad ni Madame Queenie. “Yes!” sigaw naman ng marami. Tumayo na ako at nagpaalam na rin sa kanila. “Sige, Ysa. Rest well!” Tinapik ako ni Luce bago tumabi sa kanila. Binalot ko ang sarili sa tuwalya at nagsimulang naglakad paalis. “Ysa!” Tumigil ako para tingnan kung sino ang tumawag. Tumakbo si Deither palapit sa ’kin at ngumi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status