Take Me, ELECTRA

Take Me, ELECTRA

last updateLast Updated : 2024-01-11
By:   IamNellah  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
42Chapters
1.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Nagtrabaho siya bilang isang babaeng bayaran sa club. Ipinambayad utang siya ng kanyang ama para sa mga bisyo nito. Sa murang edad natuto siyang maging isang breadwinner. Hanggang sa kunin siya ng mga pinagkakautangan ng ama at gawing isang prostitute. Niligtas siya ng isang matandang hasyindero mula sa masaklap na sitwasyon. Dito binihisan, pera’t karangyaan kanyang naranasan. Inahon siya nito sa dilim ng kanyang buhay. Ngunit may kapalit pala lahat ng ito– ang puso niyang nakatakda na bilang kabayaran. This is one of the Magdalena Series. Liam and Danie Story

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Danie POV“Tatay naman!” Lumapit ako sa kanya. Sinubukan na magmakaawa sa ‘di ko mabilang na beses na. “Hindi ko na po alam ang gagawin ko. ‘Tay naman, napapagod na po ako.” Humagulgol ako sa harap niya. Papaupo na sana ako sa kawayang upuan namin nang manlaki ang mga mata ko sa biglaang pagkilos niya. Napaigtad ako sa gulat.“Aba, nagrereklamo ka na?” malakas niyang tanong. Natakot ako sa boses niyang iyon. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko."H-hindi naman po sa ganoon, ‘tay. Ang laki na po kasi. . .”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang padarag siyang tumayo sa lamesang kinauupuan niya. Natumba ang plastic naming upuan na naglikha ng malakas na tunog kasabay ang pagbalibag nito sa kutsarang hawak.Nanlalaki ang mga mata ko sa takot. Sa kung anong susunod niya pang gagawin. Yumuko ako sa mga kamay kong magkasalikop. Nilalaro ang mga daliri ko para maibsan ang takot ko sa katawan.“Sinusumbatan mo na ba ako, ah? Namatay lang ang nanay mong walang kwenta ganyan na ang pinapa...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
42 Chapters
Chapter 1
Danie POV“Tatay naman!” Lumapit ako sa kanya. Sinubukan na magmakaawa sa ‘di ko mabilang na beses na. “Hindi ko na po alam ang gagawin ko. ‘Tay naman, napapagod na po ako.” Humagulgol ako sa harap niya. Papaupo na sana ako sa kawayang upuan namin nang manlaki ang mga mata ko sa biglaang pagkilos niya. Napaigtad ako sa gulat.“Aba, nagrereklamo ka na?” malakas niyang tanong. Natakot ako sa boses niyang iyon. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko."H-hindi naman po sa ganoon, ‘tay. Ang laki na po kasi. . .”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang padarag siyang tumayo sa lamesang kinauupuan niya. Natumba ang plastic naming upuan na naglikha ng malakas na tunog kasabay ang pagbalibag nito sa kutsarang hawak.Nanlalaki ang mga mata ko sa takot. Sa kung anong susunod niya pang gagawin. Yumuko ako sa mga kamay kong magkasalikop. Nilalaro ang mga daliri ko para maibsan ang takot ko sa katawan.“Sinusumbatan mo na ba ako, ah? Namatay lang ang nanay mong walang kwenta ganyan na ang pinapa
last updateLast Updated : 2023-08-07
Read more
Chapter 2
Danie POV“Hoy babae, gumising ka nga d’yan! Hindi ka prinsesa dito. Tayo na!”“Batugan!” sikmat niya muli bago ko marinig ang pagsara ng pintuan.Nagising ako sa isang malakas na sipa sa binti ko. Napaigit ako sa sakit na naramdaman. Napaungol ako nang sipain niyang muli ang isang binti ko, napahawak ako dito’t namaluktot sa sakit na naramdaman. Nabungaran ko siya sa harapan ko na nakangiwi. Kitang-kita ko ang inis niya sa mukha niya. Nakarolyo sa pulang rollers ang mahaba niyang buhok. Wala siyang saplot sa katawan kung hindi tuwalyang puti lamang.Mabilis akong umusog sa malamig na pader. Niyakap ko ang mga paa ko sa labis na takot. Nang maisara na niya ang pinto, bumuhos ang mga walang katapusang mga luha ko. Pagod na ako. Masakit ang buong katawan ko. Mugto ang mga mata ko na walang patid sa pagluha. Nanunuyo na din ang lalamunan ko. Ni wala pa akong ininom kahit tubig man lang pang-alis ng uhaw.Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon. Umiyak akong muli sa narar
last updateLast Updated : 2023-08-07
Read more
Chapter 3
Danie POVMaingay ang buong kwarto. Aligaga ang lahat para sa ngayong gabing performance nila. Rinig na rinig ko ang kanilang mga boses habang nakapikit ako ngunit mas malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako dumilat at hinayaan lang sila. Hindi mapakali ang mga daliri ko kakapisil sa isa’t isa sa aking kandungan.“Dilat ka nga, ganda!” anas ng babaeng tinatawag nilang Bebang. Siya ang assistant ng lahat dito. Taga-ayos ng mga damit at mga kalat na iiwanan ng lahat para mamaya.“A-ate, tulungan niyo po ako. . .” mahinang pagmamakaawa ko sa kanya.Hinawakan ko ang kamay niyang nakatapat sa akin. May hawak siyang brush na ginagamit sa mukha ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Luminga siya sa paligid at ganoon din ang ginawa ko. Pagbalik sa kanya, malamlam na ang mga mata nitong nakatunghay sa akin. Ibinaba niya ang hawak na compact sa lamesa kaharap ang malaking salaming may mga umiilaw na bumbilya sa gilid. Hinawakan niya ang kamay ko sa aking kandungan.“Ineng, huwag ka nang umasa
last updateLast Updated : 2023-08-07
Read more
Chapter 4
Danie POV Dinala niya ako sa isang pasilyo. Madilim dito at panay lakad ng mga waiter. May dala silang tray sa kanilang isang kamay. Iba’t ibang kulay ng inumin ang madalas na nakikita kong hinahatid nila sa loob ng isang kwarto. Tanging led lights lang sa baba ang meron para maaninag namin ang aming dadaanan. Ang naririnig ko, ito ang VVIP room na sinasabi nila. Kung saan nangyayari ang auction sa mga babaeng baguhan. “Ready ka na ba?” “Ale. . . maawa po kayo. H-hindi ko po talaga kaya.” “Hija, ano na nga ulit pangalan mo? Wala ka pa palang code name.” Napatampal siya sa kanyang noo. “And that Ale, eww. . .ganda ko kaya!” “Danie, ho. . .” May sinenyas siya sa isang waiter. Huminto kami sa isang pintuan. “Makinig ka, kung gusto mo maka-survive ngayong gabi, ayusin mo. Tumayo ka lang doon, mas maganda huwag ka ngumiti. Mas okay magmukha kang natatakot. Patok ‘yan dito karamihan ‘yan ang hinahanap. Mga baguhan sa ganitong klaseng kalakaran.” Hinagilap ko ang braso niya. “
last updateLast Updated : 2023-08-09
Read more
Chapter 5
Danie POV “Okay, girls. Kembot pa! That’s right. To the left and right— oh, spacing!” sigaw ng taga-turo ng sayaw. Nasa akin lagi ang mga mata niya. Naiinis na siya sa paulit-ulit kong mali. Halos alam na ng dalawang kasama ko, maging si Marga ang step. Ginagawa ko naman ang kaya ko pero ang hirap ikimbot ang bewang ko. Parang nag-uunahan ang mga paa ko kung sino ang unang gagalaw. “Stop!” sigaw niya. “Danie, ikaw nga lang mag-isa.” Pumalakpak siya. Ito ang ginagawa niya kung nagmamadali. “A-ako ho? Ay, hindi ko ho kasi maiganire ang balakang ko. . .” reklamo ko. Inimustra ko sa kaniya ang step na hindi ko makuha. “Kaya nga ikaw muna mag-isa. Atsaka, lahat ng step hindi mo talaga makuha.” Pumalatak siya’t umakyat ng stage. Ang ganda niyang babae, kay puti at payat ng legs. Hindi nga lang matangkad pero cute naman sa height niya. Hindi siya nagta-trabaho dito sa bar. College student daw ito at nakatira sa kabilang kanto. Cheerleader daw siya kaya malambot ang katawan. Libre pang
last updateLast Updated : 2023-08-10
Read more
Chapter 6
Danie POV Look in the mirror. I'm not surprised.I sympathize, ah.I can't deny. Your appetite, ah. Hinagod ko ang balakang ko paakyat sa leeg ko sabay inikot ang ulo ‘gaya ng sinabi nila. Sinabay ang katawan ko sa bawat halinghing ng babae sa kanta. Mabagal. . . Pumikit ako, dinama ang bawat lyrics. Pagdilat ko, tumitig ako sa unang taong makita ko. Tinignan ko siya ng masama. Sa una, hindi ko nagawa ng tama. Sa sumunod, humiga ako. Ipinitik ang mga daliri sa hangin, nilingon siya at giniling ang balakang. Tinuro siya bago ang sarili, pinapahiwatig ko na sa akin siya tumingin. Sa akin lang. Nagpalakpakan sila. Sinigaw ang mga bago sa pandinig ko. Tumalikod ako sa kanila’t tumuwad. Ini-slide ang isang paa ko and looked at them. “Fetish for my love. . .” “Grabe!” Pumapalakpak siyang pumasok sa dressing room. Napalingon ang lahat sa pagpasok niya. “Good luck sa inyo!” Bati niya sa mga lumalabas na babae. Sila ang susunod na magpe-perform sa labas. “I-beat niyo ang sigawan sa l
last updateLast Updated : 2023-08-12
Read more
Chapter 7
ELECTRA POVSa ilang buwan na nagdaan, hindi ko makita ang dating Danie Manalo. Wala na siya, I guess. The new version is more way darker than the night. Ako man ang bituin ng gabi, ako man ang matatawag na bituin ng sarili kong mundo, hindi mo makikita ang kaliwanag nito. Lalo na’t mas malawak ang dilim kaysa sa kining ko.Isa lang akong palamuti para sa mata ng iba. Pero ang mundo ko, hindi na kayang kuminang pa sa gusto ko. Nag-uumpisa pa lang akong umilaw nang kunin nila sa akin ang pagkakataon para magawa ko iyon.Dilim na lang ang nasa paligid ko. Walang katapusang dilim.“Kayo nga magtino nga kayo! Aba, ang mamahal niyang mga make-up ko. Wala naman nagbabago sa mga itsura niyo. Palibhasa mga chakabells ang mga biribumbum niyo kaya pati mga mukha niyo mukhang bumbum.”Dinilat ko ang isang mata ko, naririndi na sa mga sinasabi ni Bebang. Nilagay niya ang lashes ko at ina-adjust ang dikit nito. Kumurap-kurap ako bago siya nag-proceed sa isa ko pang mata.“May favorite ka lang. Beb
last updateLast Updated : 2023-08-14
Read more
Chapter 8
Electra POV “Mang-aagaw.” Naibaba ko ang s********p na milktea sa bibig ko. Binalikan ko siya ng tingin. Obvious naman nagpaparinig siya. Nasa hallway ako papunta sa kwarto ko nang makasalubong ko siya. Hindi ko siya pinansin nang magkalapit kami, sinabi niya ito sa mismong tenga ko. Kunwaring dumura pa sa daraanan ko. Hinarap ko siyang nakangisi sa akin. “What?” Nakataas na kilay na tanong niya. Pinaikot-ikot ang kulot niyang buhok. “Anong what?” balik tanong ko. Tinignan ang dala niyang malaking bag. “Oo nga pala hindi ka nakakaintindi ng basic English. Ang sabi ko ba—” pinutol ko ang sasabihin niya. “Ano na naman bang problema mo, Tricia?” Pinanliitan ko siya ng tingin. Sumasabay siya sa mga problema ko. Dinadagdagan pa nga. “It’s Orion. Don’t call me by my name. Hindi tayo close.” Mataray na aniya. Tumaas ang kilay ko sa kanya. “Orion, tutal nandito ka na. . . gusto ko lang sabihin sa ‘yo na pwede ba, tama na mga pinaggagawa mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin na sa ganit
last updateLast Updated : 2023-08-14
Read more
Chapter 9
Electra POV Hindi pumasok si Tricia matapos ang away namin kaninang umaga. Ang sabi nila, may sakit daw siya at kasalanan ko. Nagagalit ang ibang mga kaibigan niya sa akin at panay ang pagpaparinig nila ng kung ano-ano. Sa parteng iyon, alam kong mas maraming kaibigan si Tricia dito dahil sa tagal na niyang nandito. Kahit naman ganoon ang ugali niya, mas marami pa rin ang mga pinagsamahan nila kumpara sa amin ni Marga na wala pang-isang taon. Masama daw ang pakiramdam niya sabi ng isang kaibigan niya. Ang isa naman, baka daw dalhin pa sa ospital si Tricia at dapat lang daw na sagutin ko ang pagpapagamot sa kanya. Hindi ko na lang sila pinapansin. Sabi nga ni Marga, O. A naman. Sana nga daw magka-rabies ang babaeng iyon sa mga kalmot ko. “So, may rabies ako ganoon? Aso ako?” Sinamaan ko siya ng tingin. Kagigising lang namin pareho. Nakaligo na ako at kakain na lang. Siya naman nabusog na daw sa tinapay na kinain. “Ito naman! Hindi. Sana lang. . .” Inirapan ko siya. “Sana, matuluya
last updateLast Updated : 2023-08-17
Read more
Chapter 10
Electra POV “May kailangan ka pa ba? Alis na ako?” tanong ko kay Marga na nakahiga sa kama niya. Nanghihina pa siya at masakit ang lalamunan. Pinauwi din kami matapos gawin ang mga ilang test sa kanya kanina. Katatapos ko lang siyang pakainin at handa nang pumasok ngayong gabi. “Kailangan ko malaman kung sino sa kanila naglagay ng tinapay na iyon dito sa kwarto na ‘tin at paano sila nakapasok.” Aniyang nakatitig sa kisame. Huminga ako ng malalim. “Pareho tayong tulog nang time na iyon. Wala naman ‘yon bago tayo natulog, ‘di ba?” “Hmm. . .Halatang sinadya. Sinong mag-aakala na may mani ang eggpie. Ano iyon bagong recipe?” “Kung sino man ‘yon, alam na allergy ka sa mani. Dapat na ‘tin tingnan mga pagkain dito baka may hinalo sila.” Bigla ako kinabahan, paano kung hindi lang pala mani nilagay nila? O, baka— “Nagawa ko na ‘yan kanina bago natulog. Sa tingin ko, wala naman. Pa-refill na lang tayo ng tubig. Sa mga stock naman, wala na maliban sa mga noodles at in-canned. Hindi naman
last updateLast Updated : 2023-08-18
Read more
DMCA.com Protection Status