Share

Chapter 5

Author: IamNellah
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Danie POV

“Okay, girls. Kembot pa! That’s right. To the left and right— oh, spacing!” sigaw ng taga-turo ng sayaw.

Nasa akin lagi ang mga mata niya. Naiinis na siya sa paulit-ulit kong mali. Halos alam na ng dalawang kasama ko, maging si Marga ang step.

Ginagawa ko naman ang kaya ko pero ang hirap ikimbot ang bewang ko. Parang nag-uunahan ang mga paa ko kung sino ang unang gagalaw.

“Stop!” sigaw niya. “Danie, ikaw nga lang mag-isa.” Pumalakpak siya. Ito ang ginagawa niya kung nagmamadali.

“A-ako ho? Ay, hindi ko ho kasi maiganire ang balakang ko. . .” reklamo ko. Inimustra ko sa kaniya ang step na hindi ko makuha.

“Kaya nga ikaw muna mag-isa. Atsaka, lahat ng step hindi mo talaga makuha.” Pumalatak siya’t umakyat ng stage.

Ang ganda niyang babae, kay puti at payat ng legs. Hindi nga lang matangkad pero cute naman sa height niya. Hindi siya nagta-trabaho dito sa bar. College student daw ito at nakatira sa kabilang kanto. Cheerleader daw siya kaya malambot ang katawan. Libre pang nag-aaral. Binabayaran siya ni Boss Z para mag-choreo sa mga performance gabi-gabi.

Kainam nga! Nang malaman ko iyon, ginusto kong maging siya. Nakakapagaral na siya, kumikita pa ng marahal sa pagtuturo ng sayaw sa mga babae dito. Kaso— wala akong pag-asa sa pagsayaw.

“Ganito, step mo muna paa mo sa right, then sunod ang ulo ng slight. ‘Yan! Tapos, right hand mo sa baba ng baba. Naka-lihis ka ng kaunti. Then slight slide. Dahan-dahan lang. Down sa balakang. Ikot mo ang kamay sa likod kasabay ng katawan mo. Ang isang kamay sa baywang. Like this right, hahagod pababa kasabay ng katawan. Dahan-dahan ninyan. Yes, that’s right. May pose pa rin, bago mo iliyad pabalik sa 1st step then make a big snap. Ikaw nga!” Gumilid siya para magbilang.

Habang mabagal niyang sinasabi at ginagawa, sinusunod ko siya. Iniisa-isa niya ang pagtuturo sa akin mula umpisa hanggang sa matapos. Nanunuod ang iba sa amin. Ang iba naman nag-break para kumain. Ang iba, naiinis sa tagal ng practice nila na dapat matapos bago mag-alas singko ng hapon.

“Mag-overtime na lang tayo. The rest, pwede kayo mag-practice sa ibang side. Tutukan ko lang si Danie.” Aniya. “Isa pa. Try na ‘tin with music. Don’t think Danie, just move your body.” Sumenyas siya para ipatugtog ang music. Nag-thumbs up si Marga sa akin bago sumabay sa tugtog.

Magaling siyang sumayaw. Mabilis niya lang nakuha ang mga step. Kaya ko ‘to! Kung gusto ko makaalis sa lugar na ito, kayanin ko. Dapat kayanin ko.

“Kaya mo naman sumayaw. Nago-overthink ka lang, iniisip mo na agad next step kaya ka nalilito. Isa pa, huwag kang mahiya sa mga nandito. Mas lalo na mamaya. May mask naman na isusuot so just move your body. Isipin mo nand’yan ang boyfriend mo, nakaupo there, nanunuod sa ‘yo habang nagse-sexy dance ka. Your seducing him and gonna make love after.” payo niya.

Napangiwi ako. “Hindi ko kasi alam paano mag-seduce. Wala rin ako boyfriend. Unang beses ako makakasayaw ng ganito.”

Matagal niya akong tinitigan. Sinukbit niya ang bag sa kanyang balikat. Galing siyang paaralan nila kanina at dito didiretso para magturo sa amin ng sayaw. Tatlong oras ang inaabot ng practice usually pero ngayon inabot kami ng apat at kalahating oras dahil sa akin.

Huminga siya ng malalim na parang naiinip. “Then dance freely. Move your body like no one watching you. Isipin mo, nasa harap ka ng salamin, you are sexy and the only woman around. Danie, marunong ka sumayaw. May moves ka. Practice lang sa mga susunod mong performance gagaling ka pa.” Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. Inabot ang baunan niya ng tubig at umalis na. Naiwan ako doon na nagpupunas ng pawis.

“Tara na? Mag-aayos pa tayo.”

Bumalik kami ni Marga sa kwarto namin. Dalawa lang kami ditong umaakupa. Ito ang pinakamaliit na kwarto sa lahat. 2 double desk ang nandito. Sa magkabilaan kami ni Marga. May maliit na banyo at isang Durabox na walang mga takip.

Laba-suot ang ginagawa namin ni Marga sa aming mga damit. May nagbigay sa amin ng mga pinaglumaan nila. Wala akong kahit isang gamit ditong maituturing na akin. Lahat binigay o pinahiram na pinakiusap pa ni Aling Bebang. Matapos maligo, hinintay ko siya para sabay kaming pumunta sa kusina para maghapunan.

“Ang galing mo naman sumayaw. Dancer ka rin?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kusina.

“Sa T*ktok Academy. Uso ‘yon dito. Halos lahat marunong sumayaw dahil sa app na ‘yon.” Tumango ako dahil hindi ko naman alam kung ano ‘yon. Familiar lang ang tunog sa akin.

Puno ang kusina ng mga nagmamadaling babae. Ang iba, may nakapaikot na twulya sa kanilang mga ulo. Ang iba, nakatapis lang. Hindi inalintana na may ilang lalaki kaming kasama. Mga bouncer sila at waiter na nagtatrabaho din sa gabi.

“Danie, Marga! Dito na kayo, may binili akong ulam.” Tawag sa amin ni Cindy. Naka-short ito ng maikli at bra. Baby bra ang tawag namin ni nanay dito. Ganito ang suot ko noong nagdadalaga pa lamang ako. Dito pala, usong-uso. Karamihan ito ang mga suot nila panlabas. Sport bra kung tawagin ng iba.

“May kanin pa ba kami?” mahinang tanong ni Marga. Nilingon ang kaldero.

“Girl, kung gusto mo makakain, dapat ikaw ang nagluluto. Sa kanin, by group dito. Maghanap ka ng makakasama niyo.” Irap sa amin ng isang babae. Nakataas ang isang paa nitong kumakain ng nakakamay. Mabibilis ang mga subo niya. Inilayo pa sa amin ang kaldero’t inirapan kami.

“Shss, dami hanash!” awat ni Cindy. Nang bumalik tingin niya sa amin, nginitian niya kami. Hinila si Marga para maupo sa sahig. “Hati na lang tayo dito. 3 cups naman sinaing ko para sa aming tatlo. Pagkasyahin na na ‘tin.”

Pinagmamasdan ko sila habang sumusubo ako. Pinaghatian namin ni Marga ang isang pirasong piniritong tilapia na mula kay Cindy. Lahat kumakain at busy sa pakikipagusap sa kanilang mga kasama. Nandito kami sa pinakasulok, nakaupo sa sahig at nakakamay na kumakain sa selopen.

Dahil wala naman kaming gamit na plato, ito ang ginamit namin. Lahat daw ng gamit dito may kanya-kanyang nagmamay-ari na.

“Simula ngayon, dito na kayo sa amin sasabay. Sa kanin, 5 cups sa ating lima. Bawat group kasi limang cups lang dapat.” Sabi ni Cindy bago sumubo sa kanyang pagkain.

“Mababawasan pa pagkain niyo.”

“Naku, hindi! Talagang ganyan. Ngayon lang kami nag-tatlo. Umalis na kasi dalawang kasama namin kaya kayo na papalit.”

“Nasaan na sila?”

Nakisawsaw ako sa bagoong na meron sa harap namin. Nilagyan niya ito ng isang kalamansi. Mas masarap sana kung may talbos ng kamote. Perfect combo na.

“Yung isa, nabuntis ng costumer niya. Bawal ‘yon dito kaya aalis muna siya hanggang sa makapanganak. Yung isa naman, lalagay na sa tahimik.” Napalingon kami sa iba nang magtawanan sila. Nagtataka kami ni Marga dahil sa pagtawa nilang iyon. “Kung makakatagal sa gutom.” Muli silang tumawa sa idinagdag niya.

“Papanagutan ba naman siya ng nakabuntis sa kanya?”

May sumilay sa akin na idiya, kung iyon ang paraan para makaalis dito, bakit hindi? Pwede.

“Naku, day! Malabo mangyari ‘yan! Sa libro lang nagkakatotoo ganyang sitwasyon.” Nabubulol na saad ng isa sa kasama namin dahil sa puno ang kanyang bibig.

“Ang mga puking ina na ‘yan, p**e lang na ‘tin habol nila! Kung may lima tayong puke, sasambahin nila tayo. Yayaman pa tayo! Pero hanggang doon lang, after masarapan ng etits nila, who you ka.” Tumawa sila na parang biro lang iyon.

“Sa mga p****k na gaya na ‘tin, malabong may aako sa ipagbubuntis na ‘tin.” Dagdag ni Cindy.

Nilingon ko si Marga kung ano reaksyon niya sa sinabi nila, ngunit wala. Parang hindi na bago sa kanya na ganoon.

Sa probinsya, kasal muna bago magtabi, napakalaking kasalanan kung sisiping ka ng wala sa edad at kasal. Lalo na kung mabuntis pa. Dito, normal lang? O, dahil ito ang trabaho nila? Maging bayaran para sa panandaliang aliw.

“Another night! Good luck! Sana magkasakit ang bruhang Tricia para tayo naman ang kumita ngayong gabi.” Napaangat ang tingin ko sa babaeng kumukuha ng kanyang inumin.

“Asa ka, gurl. Balita ko, may nag-table sa kanya kagabi. Laspang na naman ang bruha. With blue-eye ba naman ang nag-out sa kanya. Kaya wala kanina sa practice.”

“Wala naman talaga siya performance mamaya. Sa VIP tuloy noon, ‘di ba nga itong newbies ang sasalang.” Inginuso kami ng lalaking bouncer.

“Sana maraming mayamang matanda mamaya. Madaling utuin. Sandali lang paligayahin sa kama, knockout kaagad. Pwede pa huthutan ng datung.” Singit ni Cindy sa usapan ng iba.

“Come on, girls! Magmadali na.” sigaw ng isa. Pinagpag ang kamay niya mula sa paghuhugas ng kanyang pinagkainan.

Tumalima ang iba at isa-isa nang tumayo. May mga bagong pasok naman na mga lalaking bouncer para kumain. May mga dala na silang mga supot na sa tingin ko ay mga ulam.

“Tang na, mo! Mauna ka na. Magpapalitada ka pa ng mukha mo.” Sigaw ng isa sa kanya.  Nag-asaran sila sa harap namin. Nakakarindi ang mga pagmumura nila sa isa’t isa.

“Meron bang oras na pwede kaming lumabas?” Maya-maya’y tanong ni Marga.

“Ahh, not sure. Tanong mo sa manager mo. Sino ba may hawak sa inyo?”

Ako ang sumagot. “Si Polaris.” Ilan ba manager meron dito?

“Ah, magkaiba pala tayo. Well, sa kanya niyo itanong. Iba kasi kayo sa amin. Kami anytime, huwag lang oras ng trabaho. Kayo yata, bawal.”

“Bawal?” Nagtatakang tanong ni Marga o nagkukunwari lang. Alam naman na niya sagot dito.

“Payo lang, kung gusto niyo maging maluwag si Madam at Boss sa inyo, lakihan niyo kita n’yo every night. Or, have some, regular costumer na kaya kayong i-takeout gabi-gabi.”

“Paano kung tumakas kami?” Napanganga ako sa tanong ni Marga. Hinawakan ko siya sa kanyang kamay. Maraming nakakarinig ng mga tinatanong niya.

Tumayo si Cindy at ang isa pa niyang kasama. Naiwan ang isa dahil uminom pa ito ng sabaw ng ulam niya.

“Hindi ka makakalabas dito ng buhay kung may utang ka pa.” mahinang bulong ng isa. “Ganyan ang nangyari sa isang kasamahan namin dito. Nawala na lang siya bigla.”

“Baka nakatakas na!” Umaasang tonong saad ni Marga.

“Tsk! Imposible. Girl, sa ganitong negosyo— nakasanla na ang buhay mo sa mga demonyo. Pay them or patay ka. Mas maganda nang gumiling, kumintod araw-gabi kaysa naman mamatay ng dilat. Pati pamilya mo, hawak nila sa leeg. Kaya kung tatakas ka, para mo nang hinila sa hukay buong pamilya mo.”

Natahimik kami ni Marga sa sinagot ng babae. Niligpit niya ang kanyang pinagkainan at nilagpasan sila Cindy na nakatayo sa gilid. Hinihintay matapos ang sinasabi ng babaeng maiksi ang buhok. Umalis siya doon na walang lingon-lingon.

“Hayaan niyo na siya. Kasabayan niya kasi ‘yong si Lea. Sabay silang dinala dito. Gaya ninyo, binenta lang din sila dito at may malaking utang. Si Lea nga lang, tumakas at nahuli. Siya naman, nagbabayad pa.”

“’Di ba sabi ni Boss, huwag na pag-uusapan ang tungkol d’yan?” Dudugtungan sana ng isa pa ang sinabi ni Cindy ngunit pinutol na ito ng isang bouncer. Pinapaalalahanan sila.

“Sino ang papatay? Si Boss Z?”

“Marga,” awat ko sa kanya. May kanin at ulam ang kamay kong hinawakan siya sa braso. Natatakot ako na baka ano mailabas niya sa bibig niya. Lalo na ang mga plano naming dalawa na wala pang kasiguraduhan.

Tumawa ang iba, ang iba naman ay pinagpatuloy ang pagkain. Nilunok ko ang nasa bibig ko at nagmadaling ubusin ang natitirang kanin. Binuhos ko ang bagoong at sinimot ito. Siniko ko si Marga para kumain na siya ulit.

“Syempre, hindi. May mas mataas pa kay Boss Z. Siya ang bahala outside sa management ng bar.”

Nagpasalamat ako nang tumahimik si Marga. Gusto kong malaman ang tungkol doon sa sinabi ng bouncer ngunit mukhang hindi dapat pag-usapan iyon. Lalo na nang makita ko ang ibang reaksyon nila. Umiiwas sila at parang takot na makarinig ng kahit kaunting inpormasyon ukol dito.

IamNellah

Hello! Yey! Ito me again! Please, do support Electra like ng support niyo kila Fier at Lisa. Si Electra ay isa sa mga Magdalena na pilit lumalaban sa kanilang mga pangarap. Apat na babaeng gagawin ang lahat mabago lang ang buhay nilang isinusumpa ng iba. Soon, mababasa sila dito, Polaris, Lyrae and Sirius. Pero dito muna tayo kay ELECTRA. Enjoy reading, follow and share your comment. Babasahin ko po 'yan.

| 1

Related chapters

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 6

    Danie POV Look in the mirror. I'm not surprised.I sympathize, ah.I can't deny. Your appetite, ah. Hinagod ko ang balakang ko paakyat sa leeg ko sabay inikot ang ulo ‘gaya ng sinabi nila. Sinabay ang katawan ko sa bawat halinghing ng babae sa kanta. Mabagal. . . Pumikit ako, dinama ang bawat lyrics. Pagdilat ko, tumitig ako sa unang taong makita ko. Tinignan ko siya ng masama. Sa una, hindi ko nagawa ng tama. Sa sumunod, humiga ako. Ipinitik ang mga daliri sa hangin, nilingon siya at giniling ang balakang. Tinuro siya bago ang sarili, pinapahiwatig ko na sa akin siya tumingin. Sa akin lang. Nagpalakpakan sila. Sinigaw ang mga bago sa pandinig ko. Tumalikod ako sa kanila’t tumuwad. Ini-slide ang isang paa ko and looked at them. “Fetish for my love. . .” “Grabe!” Pumapalakpak siyang pumasok sa dressing room. Napalingon ang lahat sa pagpasok niya. “Good luck sa inyo!” Bati niya sa mga lumalabas na babae. Sila ang susunod na magpe-perform sa labas. “I-beat niyo ang sigawan sa l

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 7

    ELECTRA POVSa ilang buwan na nagdaan, hindi ko makita ang dating Danie Manalo. Wala na siya, I guess. The new version is more way darker than the night. Ako man ang bituin ng gabi, ako man ang matatawag na bituin ng sarili kong mundo, hindi mo makikita ang kaliwanag nito. Lalo na’t mas malawak ang dilim kaysa sa kining ko.Isa lang akong palamuti para sa mata ng iba. Pero ang mundo ko, hindi na kayang kuminang pa sa gusto ko. Nag-uumpisa pa lang akong umilaw nang kunin nila sa akin ang pagkakataon para magawa ko iyon.Dilim na lang ang nasa paligid ko. Walang katapusang dilim.“Kayo nga magtino nga kayo! Aba, ang mamahal niyang mga make-up ko. Wala naman nagbabago sa mga itsura niyo. Palibhasa mga chakabells ang mga biribumbum niyo kaya pati mga mukha niyo mukhang bumbum.”Dinilat ko ang isang mata ko, naririndi na sa mga sinasabi ni Bebang. Nilagay niya ang lashes ko at ina-adjust ang dikit nito. Kumurap-kurap ako bago siya nag-proceed sa isa ko pang mata.“May favorite ka lang. Beb

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 8

    Electra POV “Mang-aagaw.” Naibaba ko ang s********p na milktea sa bibig ko. Binalikan ko siya ng tingin. Obvious naman nagpaparinig siya. Nasa hallway ako papunta sa kwarto ko nang makasalubong ko siya. Hindi ko siya pinansin nang magkalapit kami, sinabi niya ito sa mismong tenga ko. Kunwaring dumura pa sa daraanan ko. Hinarap ko siyang nakangisi sa akin. “What?” Nakataas na kilay na tanong niya. Pinaikot-ikot ang kulot niyang buhok. “Anong what?” balik tanong ko. Tinignan ang dala niyang malaking bag. “Oo nga pala hindi ka nakakaintindi ng basic English. Ang sabi ko ba—” pinutol ko ang sasabihin niya. “Ano na naman bang problema mo, Tricia?” Pinanliitan ko siya ng tingin. Sumasabay siya sa mga problema ko. Dinadagdagan pa nga. “It’s Orion. Don’t call me by my name. Hindi tayo close.” Mataray na aniya. Tumaas ang kilay ko sa kanya. “Orion, tutal nandito ka na. . . gusto ko lang sabihin sa ‘yo na pwede ba, tama na mga pinaggagawa mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin na sa ganit

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 9

    Electra POV Hindi pumasok si Tricia matapos ang away namin kaninang umaga. Ang sabi nila, may sakit daw siya at kasalanan ko. Nagagalit ang ibang mga kaibigan niya sa akin at panay ang pagpaparinig nila ng kung ano-ano. Sa parteng iyon, alam kong mas maraming kaibigan si Tricia dito dahil sa tagal na niyang nandito. Kahit naman ganoon ang ugali niya, mas marami pa rin ang mga pinagsamahan nila kumpara sa amin ni Marga na wala pang-isang taon. Masama daw ang pakiramdam niya sabi ng isang kaibigan niya. Ang isa naman, baka daw dalhin pa sa ospital si Tricia at dapat lang daw na sagutin ko ang pagpapagamot sa kanya. Hindi ko na lang sila pinapansin. Sabi nga ni Marga, O. A naman. Sana nga daw magka-rabies ang babaeng iyon sa mga kalmot ko. “So, may rabies ako ganoon? Aso ako?” Sinamaan ko siya ng tingin. Kagigising lang namin pareho. Nakaligo na ako at kakain na lang. Siya naman nabusog na daw sa tinapay na kinain. “Ito naman! Hindi. Sana lang. . .” Inirapan ko siya. “Sana, matuluya

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 10

    Electra POV “May kailangan ka pa ba? Alis na ako?” tanong ko kay Marga na nakahiga sa kama niya. Nanghihina pa siya at masakit ang lalamunan. Pinauwi din kami matapos gawin ang mga ilang test sa kanya kanina. Katatapos ko lang siyang pakainin at handa nang pumasok ngayong gabi. “Kailangan ko malaman kung sino sa kanila naglagay ng tinapay na iyon dito sa kwarto na ‘tin at paano sila nakapasok.” Aniyang nakatitig sa kisame. Huminga ako ng malalim. “Pareho tayong tulog nang time na iyon. Wala naman ‘yon bago tayo natulog, ‘di ba?” “Hmm. . .Halatang sinadya. Sinong mag-aakala na may mani ang eggpie. Ano iyon bagong recipe?” “Kung sino man ‘yon, alam na allergy ka sa mani. Dapat na ‘tin tingnan mga pagkain dito baka may hinalo sila.” Bigla ako kinabahan, paano kung hindi lang pala mani nilagay nila? O, baka— “Nagawa ko na ‘yan kanina bago natulog. Sa tingin ko, wala naman. Pa-refill na lang tayo ng tubig. Sa mga stock naman, wala na maliban sa mga noodles at in-canned. Hindi naman

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 11

    Electra POV “Teka, ano bang nangyayare dine?” Hinawi ko ang dalawang babae sa daraanan ko. Pagdating ko dito sa bahay, sinabi sa akin ng isang kasamahan namin na nasa office daw ni Boss Z at si Marga. Kaya dali-dali akong nagtungo doon para malaman kung bakit. “Ang kapal din ng mukha ng babaeng ‘to! Boss Z, ganoon na lang ba ‘yon?” Dinuro niya ang mga kaharap. “Sinong may pakana nito?” naiinis na tanong ni Boss. Sumilip ako sa nakaawang na pintuan. “Nagkaroon na naman ng rambol kanina sa kusina. Nasugatan ni Marga sa mukha si Tricia. 3 vs 1 nga ang laban.” Napasinghap ako. Tumingin muli sa loob ng opisina. Nakaupo si Boss Z sa kanyang desk, nakapanjama pa at halatang wala pang sapat na tulog. Sa gilid niya si Polaris, samantalang nakatalikod sa amin si Marga, kaharap ang tatlong nanlilisik ang mga mata sa kanya. Nakahawak si Tricia sa pisngi niyang may puting benda. “Boss, sinira niya mukha ko. Paano pa ako nito ngayon?” naiiyak na aniya. “Dapat magbayad siya! Paalisin niyo na a

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 12

    Electra POVPagod na napabuntong hininga ako. Katatapos ko lang linisin ang mga gamit dito sa kwarto namin. Pagod at hindi ko alam kung paano aayusin ang mga natatanggap kong regalo mula sa mga costumer ko.Tumingin ako sa estante ng mga gamit ni Marga. Pinagawan niya ito ng mga lalagyan. Mga sapatos sa ibaba, mga bag naman sa susunod na hilera bago ang mga kung ano-anong gamit. May ilan din sa akin dito, nakikilagay lang sa kanya.Sa isang storage box ko nilagay ang mga naka-paper bag na gamit. Apat na nga ito at sakop na ang ilalim ng higaan ko. Sa isang shoe rack naman, nakahilera ang mga ginagamit kong sapatos. Ang iba dito, bago pa at may tagged.Mas lalo ako napapagod sa nakikitang kasikipan ng kwarto namin. Dalawang double deck na may mga gamit na sa itaas. Karamihan doon mga damit rin at ilang personalized props. Sa gilid ang banyo na sapat lang sa isang tao. Sa paanan ng kama ko nakalagay ang shoes rack katabi ng double sitter na upuan. Sa paanan naman ni Marga ang malaking c

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 13

    Electra POVNapapa-wow ako sa bawat sulok ng bahay— hindi! Palasyo na ito. Ang gara! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito ka-modern style ng bahay. Lahat ng sulok may ilaw, magaganda ang mga gamit. As in pang-sosyal. Totoong sosyal o beyond pa sa pinaka-sosyal. Ay, ginoon— kaya pala ganire na lang umasta ang lalaking ‘to.Ang gara ng salaming pader sa likod ng mahahabang kurtina. Ang lalaki ng mga makikislap na chandelier na nakasabit sa taas ng ceiling. Talaga naman sa mga magaganda at mamahaling gamit. Oh, wow! Ito na lang yata ang bukang bibig ko mula pa kanina sa labas ng gate nila.Halos umikot ang leeg ko 360 degrees sa pagkamangha. Hindi malaman kung saan ako lilingon sa dami ng magagandang gamit na ngayon lang ako nakakita.Walang-wala ito sa bahay ni Senator. Nasa exclusive din na sub ito, pero mas malalaki ang mga bahay at mas magagara. Iyon kasi, tahimik na halos layo-layo ang mga bahay at matataas ang mga gate.Mas maganda ‘to ng ‘di hamak. Mas bigatin pala ang kliyente ni

Latest chapter

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 42

    Danie POVIniiyak ko ang buong gabi.Ang haba ng gabing iyon para sa akin.Hindi ako lumabas ng kwarto buong araw at sinabi na lang na masama ang pakiramdam ko. Na partly true naman. I felt exhausted, drained and guilty.Ilang beses pumasok dito si Mamang para dalhan ako ng makakain. Maging si Liam, kumatok rin. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.Mabuti na lang na ‘di siya nagpumilit. Tumawag ang Don sa telepono ko nang hapon na iyon para kamustahin ako. Sinagot ko iyon para hindi na siya mag-alala pa. Gusto niyang umakyat dito sa kwarto ko para siguraduhin ayos lang ako. Bawat sinasabi niya, pinapakinggan kong mabuti. Napapapikit. Na gu-guilty ako ng sobra. Hindi ko dapat ginawa iyon.Hindi ko naman balak itago. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan.Binuksan ko ang laptop ko para simulan ang mga gagawin. Kahit na mabigat ang katawan, kailangan kong gawin ang mga trabaho ko. Naupo ako sa kama, nilagay sa kandungan ko ang nakabukas na laptop. Nag-type ako ng email sa unang-unang em

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 41

    Danie POV Bawat pagsubo sa aking pasta, ang bigat sa lalamunan. Hindi ko malunok ito dahil sa pares ng mga matang nakatingin sa akin. Pasimple ko siyang sinulyapan at nahuling nakahinang sa akin ang mga mata niya. Binabantayan bawat galaw ko. Iniawang n’ya ang kanyang pagkain sa bibig habang wala man lang hiyang nakatitig sa akin, nakikinig sa mga sinasabi ng ama niya ngunit ang utak niya alam kong nasa akin pa rin. Kapal ng mukha! Tumikhim ako at inabot ang juice sa aking harapan. Nasa garden kami at nagmemeryenda. Nasa harap ko siya at sa kaliwa ko naman ang Don. Sa kanan ang attorney. Pasta, cake and plain toasted bread na request ng Don ang nakahain sa pabilog na lamesa. Tumutugtog ang isang kantang masarap sa tenga na paboritong pinapakinggan ng Don kapag gusto niyang mag-relax. Wala talagang pakiramdam ang taong ‘to. Wala man lang isip tumigil sa paninitig na akala mo ako ang kinakain niya. I cringed. Duh, may mga kasama kaming iba! At kahit wala kaming kasama, hindi siya da

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 40

    Danie POV Paglabas ko ng kwarto ng Don, nakasalubong ko ang Donya paakyat ng hagdan, looking so elegant and young at her age. Mayroon na naman siyang dalang mga paper bags na hindi mabilang sa dami. Nakangiti siya habang naglalakad, sayang-saya, ngunit nang makita ako, para bang nilipad ito ng hangin at napalitan ng kung ano. Bahagya akong yumuko bilang paggalang sa kanya. “Nandito ka pala. I heard nagpatawag si Samuel ng party para sa graduation mo. Wow! Magsasayang pa ang matanda para lang sa palamunin niyang scholar.” Tumawa siya matapos sabihin iyon. Hirap na hirap siyang pinaglipat sa kabilang kamay ang mga paper bag na dala. I wonder kung hindi pa napupuno ang kwarto niya sa dami ng mga pinagbibili simula ng umuwi sila dito. “Oh, by the way! Kamusta pala ang mga investors? Nagpadala ka na ba ng mga bagong contracts?” Excited siyang humarap sa akin. May mga ningning ang mga mata niya na parang sigurado na sa isasagot ko. “Yes, ma’am. But some of them hindi pa nakakapirma. Baka

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 39

    Danie POV“Bakit ang baho dito?”Napabaling ang tingin naming lahat sa taong nasa pintuan. Hindi niya maituloy ang pagpasok sa loob ng kusina, hawak ang ilong niyang napapaatras. Naibaba ko ang sandok sa katabing platito malapit sa kalan. Sa masayang pagku-kwentuhan namin, hindi namin napansin ang pagdating niya. Lahat kami may kanya-kanyang ginagawa, pinagtutulungan ang pagluluto at paglilinis dito sa kusina.“Ma’am, good morning po,” alanganing bati ng isang kasambahay malapit sa kanya. Nanliliit ‘tong yumuko.“Ano bang niluluto niyo? Basura?” aniya, pinaypayan ang mukha.“Ah, ma’am, nagluluto po kami ni m’am Danie ng binagoongang karne.” Mahinang saad niya after ng ilang minutong walang sumagot, nagkakatinginan kami. Nag-aalangan akong patayin ang apoy sa kalan, itago o itapon ang niluluto ko para hindi na siya mabahuan.Pero hindi naman mabaho! Ang sarap nga ng amoy. Sa sarap nito, hindi na namin mahintay maluto pa. Sinigurado din ni Manang na maraming kanin para hindi magkulang

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 38

    Danie POVNangyari na nga ang kinakatakutan ko.Hindi ako handa. Walang may handa sa ganitong problema.Lumalala ang kundisyon ng Don. Makailang beses kaming pabalik-balik sa hospital. At ngayon, nandito na naman ako sa labas ng malaking salamin. Sarado. Tanging kulay blue-ng kurtina ang makikita sa loob. ICU. Tatlong letra. Sa tuwing madadako ang mga mata ko sa taas ng pinto, itong mga letrang ito ang nakikita ko. Yumuko ako’t muling nagdaos ng dasal.Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa aking baba. “Iligtas mo po siya. H’wag mo po muna siyang kukunin sa akin. Siya na lang po ang meron ako. Sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas ng loob sa araw-araw.” Usal ko. Pumikit ako’t mas lalong kinausap ang D’yos para magmakaawa.“Danie, uminom ka muna.”Tinapik niya ang balikat ko. Inabot sa akin ang isang boteng mineral water. Ayaw ko man, hindi man ako nakakaramdam ng uhaw, kinuha ko na lang ito. Inipit ko sa dalawang kamay ko ang bote. Nakaka-relax kahit papaano ang kaunting lamig nito sa k

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 37

    Danie POV“Son . . .”Nilibot ng mata ko ang buong kwarto, iba’t ibang ekspresyon ang nakikita ko sa mga mukha nila. Si Manang, ngumiting nakakaintindi sa kanyang kaibigan, walang nang pagkabigla sa kanyang mukha. Ang isang kasambahay, gulat pati na rin ang doctor. Ang abugado tumango lang siya sa Don, hindi na nagulat sa sinabi nito. Nagtagal ang tingin ko kay Liam na hindi pa rin ma-proseso ang sinabi ng kanyang ama.Maging ako, hindi ko akalaing— akala ko, mahal niya ang Donya. Na kahit may iba na siya, hindi niya magawang maghanap ng iba.“The fvck! Totoo ba ‘to?”Hindi malaman ni Liam kung kanina niya itatanong. Panay ang taas ng kamay n’ya at maingay na ibaba ito sa kanyang tagiliran. Magpapamaywang at muling magsasalita ngunit naiipit ito sa kanyang lalamunan.Walang sign akong nakita. Aware ako sa mga baklabush na kilusan at salitaan sa bar noon. Ngunit sa Don, wala akong nakita. Maliban sa gusto n’yang malinis lagi. Maging organize lagi na tinuro niya sa akin na nadadala ko

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 36

    Danie POV“Hindi ako papayag! Kailangan matanggal mga— bastos mong empleyado. Hahayaan mo na lang bang gano’n nila ako sagot-sagutin, Samuel?”Nanggagalaiting n’yang winaksi ang kamay ni Liam. Pinapatigil niya ‘to sa pagwawala. Hindi s’ya nagpapaawat. Mula kaninang nagkagulo, nagsisigaw na s’ya, hanggang sa kailangan na siyang matignan ng doctor. Mabuti na lang araw ng check-up ngayon ng Don at nandito ang kaibigan nilang doctor, inaanak pa.Nalaman ng Don ang nangyari, pinapunta niya kaming lahat dito sa opisina niya. Si Liam, ang nanay niya at ang bago nitong asawa na si Berdon. Halos mabugbog nito si Mang Gaston kanina. Mabuti na lang naawat ng iba pang mga tauhan na— sa ‘di sinasadya, nasuntok siya nang akmang susuntukin niya si Mang Gaston na nasa likod ko, umalalay sa akin para makatayo. Mabilis ang mga pangyayari, napapahiyaw ako, hindi ko alam kung aawat ba.Mas lalong lumaki ang gulo. Magsasampa ng demanda ang pamilya para sa mga tauhan namin. Nakakapanlumo ang nangyayari. S

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 35

    Danie POV “Hija, kumain ka na muna.” Ibinaba ni Manang ang sinangag sa lamesang pahaba. Kasunod niya ang isa pangkasambahay na may hawak naman ng mga piniritong hotdog at itlog. “Papasok ka ba ngayon?” tumayo siya ng tuwid, may pag-aalala sa kanyang mga mata. Umiling ako. “Hindi po. Papa-set ko sana ang naudlot na meeting kahapon. Kailangan ko rin bisitahin ang slaughterhouse ngayon.” “Kumain ka muna. Kamusta pala ang Don?” “Ayos naman na po Manang. Sasabayan ko po siyang kumain ng almusal.” “Mabuti naman kung ganoon para madami siyang makain.” Tumango ako. Tinulungan silang maghanda ng pagkain. “Sa t’wing magsasabay ang tatlo, wala silang ginawa kung hindi magbangayan sa hapag. Ayun, hindi na sila makakain ng maayos.” Tipid akong ngumiti sa kumento niya. Napansin ako ang mga aluminum tray na inilabas ng isang katulong. “Manang, may mga tira pa kagabi?” Diniretso niya ang mga laman nito sa timbang nasa ibaba saka tinakpan. Diniretso naman niya ang mga nagamit sa isang trans bag n

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 34

    Danie POV “Why not? Siya naman—” Napalingon kaming lahat sa nagsalita sa likod ko. Ilang sandaling walang nakaimik sa gulat. Lumapit siya sa pagitan namin ng Don at doon tumayo. Binalingan niya kami ng tingin bago balingan ang nagsalita. He tilted his head and smirked. Tripled na naman ang takbo ng puso ko. Parang sasabog ang mga ugat ko sa katawan. Mula kanina, ang tension mas dumoble pa ngayong nandito siya. Binitawan ng Don ang hawak na fork and knife. While me, yumuko. I was about to hold Don’s hand near me para pakalmahin siya. Nakikita ko sa mga mata niyang may— galit. Kung kanino, hindi ko alam. Kung bakit, mas hindi ko alam. “Fonso.” Babala ng isa nilang kaibigan. “Son—” tawag niya sa anak ngunit parang tunog bitin ‘to. “Yes, Dad? Hindi ka pa rin ba nakakapag-decide?” Nagsukatan sila ng tingin. Pinaglipat ko ang tingin sa lamesa namin. Lahat sila nag-aabang sa isasagot ng Don. Ang ibang mga bisita’y, napapalingon na rin sa amin. Malakas ang boses ni Liam, halatang pinap

DMCA.com Protection Status