ELECTRA POV
Sa ilang buwan na nagdaan, hindi ko makita ang dating Danie Manalo. Wala na siya, I guess. The new version is more way darker than the night. Ako man ang bituin ng gabi, ako man ang matatawag na bituin ng sarili kong mundo, hindi mo makikita ang kaliwanag nito. Lalo na’t mas malawak ang dilim kaysa sa kining ko.
Isa lang akong palamuti para sa mata ng iba. Pero ang mundo ko, hindi na kayang kuminang pa sa gusto ko. Nag-uumpisa pa lang akong umilaw nang kunin nila sa akin ang pagkakataon para magawa ko iyon.
Dilim na lang ang nasa paligid ko. Walang katapusang dilim.
“Kayo nga magtino nga kayo! Aba, ang mamahal niyang mga make-up ko. Wala naman nagbabago sa mga itsura niyo. Palibhasa mga chakabells ang mga biribumbum niyo kaya pati mga mukha niyo mukhang bumbum.”
Dinilat ko ang isang mata ko, naririndi na sa mga sinasabi ni Bebang. Nilagay niya ang lashes ko at ina-adjust ang dikit nito. Kumurap-kurap ako bago siya nag-proceed sa isa ko pang mata.
“May favorite ka lang. Bebs, Dati hindi ka naman nagre-reklamo sa mga make-ups. Pinapagamit at ikaw pa nag-aayos sa amin. Pero ngayon, kay Electra ka na at Lyrae. Grabe siya! May talent fee, ‘yarn?”
“Shss. . . ingay mo, p**i-bebs! Sila kasi madaling ayusan. Eh, kayo? Ang kakapal na nga wala pa rin, ile-level up ang ganda.”
Kinindatan ko siya ng mailagay niya ito pareho. Tinagilid ko ang mukha para makita ang ayos ko ngayong gabi. “Ganduuuh!” Pumalakpak siya gamit ang mga brushes na hawak. “See? Wala pa isang oras, tapos na kami.” Inilayo niya ang mukha para makita ang kabuuan ng mukha ko.
“Ganda.” Puri ko sa gawa niya. Suot ko na ang contact lens na kulay blue. Naka-kulot ang mahaba kong buhok na inuna niyang gawin. On fleek rin ang kilay ko na walang bahid ng pagkakamali. In-adjust ko ang suot kong puting roba. Naka-suot na sa ‘kin ang uniporme ko ngayong gabi.
“Help mo naman ako sa kilay ko, bebs. Gusto ko ganyan kay Electra.” Pakiusap ng isa sa mga kasama ko dito sa dressing room. Inilaan sa amin ni Marga ang kwartong ito para sa pag-aayos, hindi ko lang matanggihan ang ibang mga babaeng kasamahan namin. Naawa naman ako. Maluwag ang kwartong ito kumpara sa isang dressing room na ang sikip at nagsisiksikan sila.
“Sige na nga! Uy, may milk tea ako nito, ah?”
“Sure! Kung gusto mo dagdagan ko pa ng etits.” Nagtawanan kami sa biruan nila.
Sanay na ako sa araw-araw na ganito sila kaingay. Mas gusto ko, ayaw ko nang tahimik. Tumayo ako’t nag-umpisa nang mag-handa para sa performance namin mamayang gabi.
Tinukod ko ang mga kamay ko sa lamesa, tinitigan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Kumikinang ang mga pekeng diyamante sa tenga at leeg ko, mukhsng mamahalin ngunit gaya ko, puno ng pagpapanggap ang pagkatao. Puno ng flaws sa ganda ng panlabas na anyo.
“Electra, in 5 minutes kayo na ang sasayaw.” Informa ng floor director ng bar.
Naiwan akong mag-isa dito, silang lahat nasa labas na at busy sa mga kanilang kasama.
“Susunod na,” ngumiti ako sa kanya. Isang beses pang sinuri ang katawan at ayos ko bago sumunod sa kanya.
Maingay ang bar, malikot ang mga ilaw at malakas din ang tugtog sa background. Pinadyak ko ang mga paa ko para siguraduhing fit ang boots na pinasuot sa akin ni Bebang, hanggang tuhod ko ito, leather color red ang kulay, terno sa suot kong pulang lingerie.
“Nasaan na si Lyrae?” tanong ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at tinuro ang daan.
“Nasa likod na ng stage, kausap si Madam Polaris. Hinahanap ka na nga rin niya.”
Agad kong pinuntahan ang sinasabi niya, nakita ko agad ang kulay itim na terno ng damit ko. Napangiti ako ng marinig ang pagtatalo nilang dalawa.
“Paano na lang kung hindi ka napuntahan ng mga escort mo kagabi? My God! Ikaw pa nauna nalasing sa guest mo. Ano ba ‘yan, Lyrae? Muntikan na mapahamak si Sirius sa ginawa mo!” sigaw ni Polaris.
Sa edad niya, maganda at naihihilera pa rin siya sa amin as the star ng bar na ito. May asim pa nga gaya ng sabi niya. Kaya pang kumaldag sa edad na 50 plus, may edad man, palaban pa rin.
Siya ang nag-aalaga sa amin. Manager at taga-kuha ng mga ibinabayad ng mga parokyano namin. Siya rin taga-ayos ng details kung saan kami ilalabas ng costumer.
Ito ang pinagkaiba namin sa ibang mga babae dito, kami, kailangan, documented, may oras at may kasama para sa sarili naming kapakanan.
Hindi lang basta mga manyakis ang kumukuha sa service namin, mga bigatin. Pagsinabing mga bigatin— madalas alagad ng batas, gobyerno o mga taga-ibang lahi.
“Come on, madam! Kalma! Malaki naman ang nakuha kong tip kagabi, ah? May gift nga ako sa ‘yo mamaya. Sa ‘yo na binigay na bag ng isang parokyano ko kahapon. Ang cheap! Pang-mall ba ang ganda ko?” maarteng aniya.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Very Margarita. Tsk!
Lasing na naman siya. Halata sa boses niya.
“Anong brand ba ‘yan?” sabad ko. Lumapit at kumapit sa braso n’ya.
“Secosana. Kalat lang sa kwarto ko. Guess what? Naka-dalawang Channel bag ako kagabi.” Pinakita niya ang dalawang daliri niya. Proud sa kanyang naipon na collection.
“Tsk! Akin na ‘yan, sabi mo, ha?” Paninigurado ni Polaris. Pinag-crossed niya ang mga braso sa kanyang malulusog na dibdib. “May pupuntahan akong birthday sa makalawa, ireregalo ko.”
“Ibenta mo na lang, sayang din.” Pareho namin siyang sinipat, kahit anong tago n’ya, kita pa rin ang taas-baba ng kanyang dibdib. Hinihingal na naman ito.
“Hey! Gentlemen, kalma! Sa ilang sandali, lalabas na ang ating mga pinakahihintay na stars ngayong gabi. Hawakan ang mga tinatago d’yan at pakalmahin.” Malakas na alingawngaw na saad ng baklang emcee sa speaker. Super sexy rin ang suot nito. Transgender siya, ngunit hindi maihahalata sa boses at sa anyo. Thanks, doc!
Nagpalakpakan ang mga nangingibabaw na mga boses ng mga lalaki.
“Electra!”
“Lyrae, babe! Come to Daddy!”
“They are wild again.” Giggles ni Marga. Inabot ang isang baso na dala ng isang waiter.
“Bayad ‘yan, Lyrae.” Reklamo niya. “Ito naman, doon ka kumuha.”
“Kuha ka na lang ulit, utang ko ‘to.” Itinungga niya ang baso at ibinalik sa hawak na tray ng waiter ang walang lamang baso.
“Kapag ikaw talaga. . .” nanggigigil na anas ni Polaris.
“Tama na ‘yan, sasayaw pa tayo.” awat ko sa kanila. Nag-agawan pa nang kukuha si Marga ng isa pang baso. Pinagtulakan ni Polaris ang waiter paalis doon para hindi na makahirit ang babaeng ito. Inakay ko naman si Marga sa hagdanan paakyat sa stage.
Itim na kurtina ang nakatakip dito sa backstage, nag- stretching ako ng katawan. Pina-practice naman ni Marga ang giling na gagawin niya para mamaya.
“And the wait has come to an end. Let the light off for our stars of the night. . . Electra and Lyrae!”
Palakpakan ng mga nanunuod ang maririnig namin. Isinuot ko ang mask na naghihintay na sa amin. Inabot ito sa amin ni Bebang, nag-good luck siya at niyakap kami. Natawa kaming dalawa sa ka-dramahan ng taong ito.
We step one-step before the last stand ng stage then tunog ng malumanay na violin ang hudyat para pumasok na kami. Magkahawak kamay kaming pumasok ni Marga, nagtitinginan, nakangisi.
I put a spell on you.
Because you are mine. . .
Itinaas ko ang kamay ko at pumikit. Giniling kasabay ng pag-ikot ng ulo ko. Naglakad ako na parang sarili ko ang mundo. Nakatutuk sa amin ang spotlight. Tinakpan ko iyon ng kamay ko at tumalikod sa kanila. Tumuwad. Inikot-ikot ang pang-upo ko na ikinabaliw ng mga kalalakihang nasa harap. Hiyawan at kanyawan nila ang nagpahina sa tugtugin.
“Sampung libo! Akin ka naaah!”
“Fifty thousand,” sunod-sunod na sigawan. May mga nagliliparan na pera sa stage mula sa kanila. Inabot ko iyon at siniksik sa dibdib ko. Lumuhod at sensual na gumiling. Nilingon ko si Marga na itinuturo ang isang lalaki. Kinindatan niya ito bago hinipo ang kanyang dibdib.
“Baby,” Ngumiti ako papalapit sa kanya. Agad na ipinulupot ko ang mga kamay sa kanyang leeg.
“Late ka,” maktol ko, hinalikan niya ako sa labi na hindi ko tinugunan. Pumalatak siya at may kinapa sa kanyang coat. “Yee! You’re the best, Daddy!” Matunog ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi. Kinuha ang ilang libo sa kamay niya.
“Tsk! I hate watching you dance like that. Gusto ko sa akin ka lang sumasayaw ng ganoon. . .” pinisil niya ang baywang ko.
“Ah! Ah!” Hinaplos ko ang labi niya. “You know naman na malaki ang kinikita ko sa pagsasayaw.”
“Hindi pa ba sapat ang perang binibigay ko? Sa isang gabi, 30 thousand ka.”
“Nagrereklamo ka? Hindi mo ba naririnig mga lalaking gusto akong makuha? 100 thousands. May house and lot pa,” lumayo ako sa kanya ngunit bago pa man, niyakap niya akong muli. Pinalapit ang kasamang security.
Iniuwang nito ang isang leather bag. Naglabas ng 100 thousand mula doon at binigay sa akin. Napangiti ako.
“Sapat na ba ito para matikman ka ngayong gabi?”
“You can do whatever you like, my daddy,” bulong ko sa tenga niya. Napahagikgik ako nang kagatin niya ang exposed kong balikat.
Dinala niya ako sa isang exclusive subdivision kung saan madalas niya ako iuwi. Buong gabi, I served him right. Pinaligaya siya at siniguradong babalik-balikan, hahanap-hanapin ang bawat parte ng katawan ko.
“You want this?” nanggigigil na pisil niya sa isang dibdib ko. Habang pinagsasawa ang bibig sa ibaba ko. “Ako lang ba gumagawa sa ‘yo nito?”
Napangisi ako, dumilat at tinignan siya sa pagitan ng mga hita ko.
“Yes, senator.” Kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa pagkasabi ko noon. Tumayo siya sa gitna ko at pumuwesto sa akin.
Electra POV “Mang-aagaw.” Naibaba ko ang s********p na milktea sa bibig ko. Binalikan ko siya ng tingin. Obvious naman nagpaparinig siya. Nasa hallway ako papunta sa kwarto ko nang makasalubong ko siya. Hindi ko siya pinansin nang magkalapit kami, sinabi niya ito sa mismong tenga ko. Kunwaring dumura pa sa daraanan ko. Hinarap ko siyang nakangisi sa akin. “What?” Nakataas na kilay na tanong niya. Pinaikot-ikot ang kulot niyang buhok. “Anong what?” balik tanong ko. Tinignan ang dala niyang malaking bag. “Oo nga pala hindi ka nakakaintindi ng basic English. Ang sabi ko ba—” pinutol ko ang sasabihin niya. “Ano na naman bang problema mo, Tricia?” Pinanliitan ko siya ng tingin. Sumasabay siya sa mga problema ko. Dinadagdagan pa nga. “It’s Orion. Don’t call me by my name. Hindi tayo close.” Mataray na aniya. Tumaas ang kilay ko sa kanya. “Orion, tutal nandito ka na. . . gusto ko lang sabihin sa ‘yo na pwede ba, tama na mga pinaggagawa mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin na sa ganit
Electra POV Hindi pumasok si Tricia matapos ang away namin kaninang umaga. Ang sabi nila, may sakit daw siya at kasalanan ko. Nagagalit ang ibang mga kaibigan niya sa akin at panay ang pagpaparinig nila ng kung ano-ano. Sa parteng iyon, alam kong mas maraming kaibigan si Tricia dito dahil sa tagal na niyang nandito. Kahit naman ganoon ang ugali niya, mas marami pa rin ang mga pinagsamahan nila kumpara sa amin ni Marga na wala pang-isang taon. Masama daw ang pakiramdam niya sabi ng isang kaibigan niya. Ang isa naman, baka daw dalhin pa sa ospital si Tricia at dapat lang daw na sagutin ko ang pagpapagamot sa kanya. Hindi ko na lang sila pinapansin. Sabi nga ni Marga, O. A naman. Sana nga daw magka-rabies ang babaeng iyon sa mga kalmot ko. “So, may rabies ako ganoon? Aso ako?” Sinamaan ko siya ng tingin. Kagigising lang namin pareho. Nakaligo na ako at kakain na lang. Siya naman nabusog na daw sa tinapay na kinain. “Ito naman! Hindi. Sana lang. . .” Inirapan ko siya. “Sana, matuluya
Electra POV “May kailangan ka pa ba? Alis na ako?” tanong ko kay Marga na nakahiga sa kama niya. Nanghihina pa siya at masakit ang lalamunan. Pinauwi din kami matapos gawin ang mga ilang test sa kanya kanina. Katatapos ko lang siyang pakainin at handa nang pumasok ngayong gabi. “Kailangan ko malaman kung sino sa kanila naglagay ng tinapay na iyon dito sa kwarto na ‘tin at paano sila nakapasok.” Aniyang nakatitig sa kisame. Huminga ako ng malalim. “Pareho tayong tulog nang time na iyon. Wala naman ‘yon bago tayo natulog, ‘di ba?” “Hmm. . .Halatang sinadya. Sinong mag-aakala na may mani ang eggpie. Ano iyon bagong recipe?” “Kung sino man ‘yon, alam na allergy ka sa mani. Dapat na ‘tin tingnan mga pagkain dito baka may hinalo sila.” Bigla ako kinabahan, paano kung hindi lang pala mani nilagay nila? O, baka— “Nagawa ko na ‘yan kanina bago natulog. Sa tingin ko, wala naman. Pa-refill na lang tayo ng tubig. Sa mga stock naman, wala na maliban sa mga noodles at in-canned. Hindi naman
Electra POV “Teka, ano bang nangyayare dine?” Hinawi ko ang dalawang babae sa daraanan ko. Pagdating ko dito sa bahay, sinabi sa akin ng isang kasamahan namin na nasa office daw ni Boss Z at si Marga. Kaya dali-dali akong nagtungo doon para malaman kung bakit. “Ang kapal din ng mukha ng babaeng ‘to! Boss Z, ganoon na lang ba ‘yon?” Dinuro niya ang mga kaharap. “Sinong may pakana nito?” naiinis na tanong ni Boss. Sumilip ako sa nakaawang na pintuan. “Nagkaroon na naman ng rambol kanina sa kusina. Nasugatan ni Marga sa mukha si Tricia. 3 vs 1 nga ang laban.” Napasinghap ako. Tumingin muli sa loob ng opisina. Nakaupo si Boss Z sa kanyang desk, nakapanjama pa at halatang wala pang sapat na tulog. Sa gilid niya si Polaris, samantalang nakatalikod sa amin si Marga, kaharap ang tatlong nanlilisik ang mga mata sa kanya. Nakahawak si Tricia sa pisngi niyang may puting benda. “Boss, sinira niya mukha ko. Paano pa ako nito ngayon?” naiiyak na aniya. “Dapat magbayad siya! Paalisin niyo na a
Electra POVPagod na napabuntong hininga ako. Katatapos ko lang linisin ang mga gamit dito sa kwarto namin. Pagod at hindi ko alam kung paano aayusin ang mga natatanggap kong regalo mula sa mga costumer ko.Tumingin ako sa estante ng mga gamit ni Marga. Pinagawan niya ito ng mga lalagyan. Mga sapatos sa ibaba, mga bag naman sa susunod na hilera bago ang mga kung ano-anong gamit. May ilan din sa akin dito, nakikilagay lang sa kanya.Sa isang storage box ko nilagay ang mga naka-paper bag na gamit. Apat na nga ito at sakop na ang ilalim ng higaan ko. Sa isang shoe rack naman, nakahilera ang mga ginagamit kong sapatos. Ang iba dito, bago pa at may tagged.Mas lalo ako napapagod sa nakikitang kasikipan ng kwarto namin. Dalawang double deck na may mga gamit na sa itaas. Karamihan doon mga damit rin at ilang personalized props. Sa gilid ang banyo na sapat lang sa isang tao. Sa paanan ng kama ko nakalagay ang shoes rack katabi ng double sitter na upuan. Sa paanan naman ni Marga ang malaking c
Electra POVNapapa-wow ako sa bawat sulok ng bahay— hindi! Palasyo na ito. Ang gara! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito ka-modern style ng bahay. Lahat ng sulok may ilaw, magaganda ang mga gamit. As in pang-sosyal. Totoong sosyal o beyond pa sa pinaka-sosyal. Ay, ginoon— kaya pala ganire na lang umasta ang lalaking ‘to.Ang gara ng salaming pader sa likod ng mahahabang kurtina. Ang lalaki ng mga makikislap na chandelier na nakasabit sa taas ng ceiling. Talaga naman sa mga magaganda at mamahaling gamit. Oh, wow! Ito na lang yata ang bukang bibig ko mula pa kanina sa labas ng gate nila.Halos umikot ang leeg ko 360 degrees sa pagkamangha. Hindi malaman kung saan ako lilingon sa dami ng magagandang gamit na ngayon lang ako nakakita.Walang-wala ito sa bahay ni Senator. Nasa exclusive din na sub ito, pero mas malalaki ang mga bahay at mas magagara. Iyon kasi, tahimik na halos layo-layo ang mga bahay at matataas ang mga gate.Mas maganda ‘to ng ‘di hamak. Mas bigatin pala ang kliyente ni
Electra POV Sumilip ako mula sa likod ng stage, mula sa nakatabing na itim na tela, kitang-kita ko ang buong crowd na masayang nag-iinuman, nagku-kwentuhan at mga gawaing dito mo lang makikita. Maraming tao, karamihan mga kalalakihan sa iba’t ibang edad. Busy ang mga waiter kaka-served sa mga costumer. Sa likod naman ng stage dumadaan ang mga waiter papunta sa VIP room na ‘gaya dito, marami na ring tao. Huminga ako ng malalim, naramdaman ko ang presenya ni Marga sa tabi ko, sumilip din siya bago hinarap si Bebang na nagpa-final retouched sa kanya. Inayos niya ang kulot nitong buhok bago pinahiran ng panibagong layer ng lip gloss. Pareho lang kami ng kulay ng suot ngayon at make-ups ang ipinagkaiba lang ang mga mask namin at suot na kulay ng contact lenses. Black and Blood ang theme ngayong gabi. Ang mga stuff, nakasuot ng mala-vampire na costume. Dahil malapit na ang Halloween kaya ginawa nila ito. Ngayon lang may theme ang bar sabi na rin nila. Wala ka makikitang makikinang na iba
Electra POV Walang magawang pilit kong sinasabayan ang trip ng mga bisita ni Senator. Nakakandong sa kanya si Tricia. She’s all smile and being her sweet, loving girl self. Napapairap ako sa tuwing tatawagin niya akong, ‘sis’. Parang close kami. Magaling nga talaga siya umarte. Gustong-gusto siya ng mga kasama ni Senator. Wiling-wili sa mga kinukwento niyang mga nagiging kliyente niya. Talagang nage-entertain siya ng mga bisita. Ang iba sa kanila, first time makapunta dito. Ang isa, naisama na niya dati at si Polaris naman ang dati niyang nakakasama. “I love this place. No wonder nagtagal. Ilang taon ako sa ibang bansa at last na punta ko dito, 8 years ago and – still, magaganda pa rin ang mga babae.” Aniya. Humithit sa kanyang sigarilyo. Humawak sa hita ko pataas sa slit ng damit ko. “Yeah. I support the owner of this. His a good friend than an enemy.” Nabaling ang tingin ko kay Senator ng sabihin niya ito. Kilala niya? Sa tinagal-tagal ko dito, never ko pa na meet ang sinasa
Danie POVIniiyak ko ang buong gabi.Ang haba ng gabing iyon para sa akin.Hindi ako lumabas ng kwarto buong araw at sinabi na lang na masama ang pakiramdam ko. Na partly true naman. I felt exhausted, drained and guilty.Ilang beses pumasok dito si Mamang para dalhan ako ng makakain. Maging si Liam, kumatok rin. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.Mabuti na lang na ‘di siya nagpumilit. Tumawag ang Don sa telepono ko nang hapon na iyon para kamustahin ako. Sinagot ko iyon para hindi na siya mag-alala pa. Gusto niyang umakyat dito sa kwarto ko para siguraduhin ayos lang ako. Bawat sinasabi niya, pinapakinggan kong mabuti. Napapapikit. Na gu-guilty ako ng sobra. Hindi ko dapat ginawa iyon.Hindi ko naman balak itago. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan.Binuksan ko ang laptop ko para simulan ang mga gagawin. Kahit na mabigat ang katawan, kailangan kong gawin ang mga trabaho ko. Naupo ako sa kama, nilagay sa kandungan ko ang nakabukas na laptop. Nag-type ako ng email sa unang-unang em
Danie POV Bawat pagsubo sa aking pasta, ang bigat sa lalamunan. Hindi ko malunok ito dahil sa pares ng mga matang nakatingin sa akin. Pasimple ko siyang sinulyapan at nahuling nakahinang sa akin ang mga mata niya. Binabantayan bawat galaw ko. Iniawang n’ya ang kanyang pagkain sa bibig habang wala man lang hiyang nakatitig sa akin, nakikinig sa mga sinasabi ng ama niya ngunit ang utak niya alam kong nasa akin pa rin. Kapal ng mukha! Tumikhim ako at inabot ang juice sa aking harapan. Nasa garden kami at nagmemeryenda. Nasa harap ko siya at sa kaliwa ko naman ang Don. Sa kanan ang attorney. Pasta, cake and plain toasted bread na request ng Don ang nakahain sa pabilog na lamesa. Tumutugtog ang isang kantang masarap sa tenga na paboritong pinapakinggan ng Don kapag gusto niyang mag-relax. Wala talagang pakiramdam ang taong ‘to. Wala man lang isip tumigil sa paninitig na akala mo ako ang kinakain niya. I cringed. Duh, may mga kasama kaming iba! At kahit wala kaming kasama, hindi siya da
Danie POV Paglabas ko ng kwarto ng Don, nakasalubong ko ang Donya paakyat ng hagdan, looking so elegant and young at her age. Mayroon na naman siyang dalang mga paper bags na hindi mabilang sa dami. Nakangiti siya habang naglalakad, sayang-saya, ngunit nang makita ako, para bang nilipad ito ng hangin at napalitan ng kung ano. Bahagya akong yumuko bilang paggalang sa kanya. “Nandito ka pala. I heard nagpatawag si Samuel ng party para sa graduation mo. Wow! Magsasayang pa ang matanda para lang sa palamunin niyang scholar.” Tumawa siya matapos sabihin iyon. Hirap na hirap siyang pinaglipat sa kabilang kamay ang mga paper bag na dala. I wonder kung hindi pa napupuno ang kwarto niya sa dami ng mga pinagbibili simula ng umuwi sila dito. “Oh, by the way! Kamusta pala ang mga investors? Nagpadala ka na ba ng mga bagong contracts?” Excited siyang humarap sa akin. May mga ningning ang mga mata niya na parang sigurado na sa isasagot ko. “Yes, ma’am. But some of them hindi pa nakakapirma. Baka
Danie POV“Bakit ang baho dito?”Napabaling ang tingin naming lahat sa taong nasa pintuan. Hindi niya maituloy ang pagpasok sa loob ng kusina, hawak ang ilong niyang napapaatras. Naibaba ko ang sandok sa katabing platito malapit sa kalan. Sa masayang pagku-kwentuhan namin, hindi namin napansin ang pagdating niya. Lahat kami may kanya-kanyang ginagawa, pinagtutulungan ang pagluluto at paglilinis dito sa kusina.“Ma’am, good morning po,” alanganing bati ng isang kasambahay malapit sa kanya. Nanliliit ‘tong yumuko.“Ano bang niluluto niyo? Basura?” aniya, pinaypayan ang mukha.“Ah, ma’am, nagluluto po kami ni m’am Danie ng binagoongang karne.” Mahinang saad niya after ng ilang minutong walang sumagot, nagkakatinginan kami. Nag-aalangan akong patayin ang apoy sa kalan, itago o itapon ang niluluto ko para hindi na siya mabahuan.Pero hindi naman mabaho! Ang sarap nga ng amoy. Sa sarap nito, hindi na namin mahintay maluto pa. Sinigurado din ni Manang na maraming kanin para hindi magkulang
Danie POVNangyari na nga ang kinakatakutan ko.Hindi ako handa. Walang may handa sa ganitong problema.Lumalala ang kundisyon ng Don. Makailang beses kaming pabalik-balik sa hospital. At ngayon, nandito na naman ako sa labas ng malaking salamin. Sarado. Tanging kulay blue-ng kurtina ang makikita sa loob. ICU. Tatlong letra. Sa tuwing madadako ang mga mata ko sa taas ng pinto, itong mga letrang ito ang nakikita ko. Yumuko ako’t muling nagdaos ng dasal.Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa aking baba. “Iligtas mo po siya. H’wag mo po muna siyang kukunin sa akin. Siya na lang po ang meron ako. Sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas ng loob sa araw-araw.” Usal ko. Pumikit ako’t mas lalong kinausap ang D’yos para magmakaawa.“Danie, uminom ka muna.”Tinapik niya ang balikat ko. Inabot sa akin ang isang boteng mineral water. Ayaw ko man, hindi man ako nakakaramdam ng uhaw, kinuha ko na lang ito. Inipit ko sa dalawang kamay ko ang bote. Nakaka-relax kahit papaano ang kaunting lamig nito sa k
Danie POV“Son . . .”Nilibot ng mata ko ang buong kwarto, iba’t ibang ekspresyon ang nakikita ko sa mga mukha nila. Si Manang, ngumiting nakakaintindi sa kanyang kaibigan, walang nang pagkabigla sa kanyang mukha. Ang isang kasambahay, gulat pati na rin ang doctor. Ang abugado tumango lang siya sa Don, hindi na nagulat sa sinabi nito. Nagtagal ang tingin ko kay Liam na hindi pa rin ma-proseso ang sinabi ng kanyang ama.Maging ako, hindi ko akalaing— akala ko, mahal niya ang Donya. Na kahit may iba na siya, hindi niya magawang maghanap ng iba.“The fvck! Totoo ba ‘to?”Hindi malaman ni Liam kung kanina niya itatanong. Panay ang taas ng kamay n’ya at maingay na ibaba ito sa kanyang tagiliran. Magpapamaywang at muling magsasalita ngunit naiipit ito sa kanyang lalamunan.Walang sign akong nakita. Aware ako sa mga baklabush na kilusan at salitaan sa bar noon. Ngunit sa Don, wala akong nakita. Maliban sa gusto n’yang malinis lagi. Maging organize lagi na tinuro niya sa akin na nadadala ko
Danie POV“Hindi ako papayag! Kailangan matanggal mga— bastos mong empleyado. Hahayaan mo na lang bang gano’n nila ako sagot-sagutin, Samuel?”Nanggagalaiting n’yang winaksi ang kamay ni Liam. Pinapatigil niya ‘to sa pagwawala. Hindi s’ya nagpapaawat. Mula kaninang nagkagulo, nagsisigaw na s’ya, hanggang sa kailangan na siyang matignan ng doctor. Mabuti na lang araw ng check-up ngayon ng Don at nandito ang kaibigan nilang doctor, inaanak pa.Nalaman ng Don ang nangyari, pinapunta niya kaming lahat dito sa opisina niya. Si Liam, ang nanay niya at ang bago nitong asawa na si Berdon. Halos mabugbog nito si Mang Gaston kanina. Mabuti na lang naawat ng iba pang mga tauhan na— sa ‘di sinasadya, nasuntok siya nang akmang susuntukin niya si Mang Gaston na nasa likod ko, umalalay sa akin para makatayo. Mabilis ang mga pangyayari, napapahiyaw ako, hindi ko alam kung aawat ba.Mas lalong lumaki ang gulo. Magsasampa ng demanda ang pamilya para sa mga tauhan namin. Nakakapanlumo ang nangyayari. S
Danie POV “Hija, kumain ka na muna.” Ibinaba ni Manang ang sinangag sa lamesang pahaba. Kasunod niya ang isa pangkasambahay na may hawak naman ng mga piniritong hotdog at itlog. “Papasok ka ba ngayon?” tumayo siya ng tuwid, may pag-aalala sa kanyang mga mata. Umiling ako. “Hindi po. Papa-set ko sana ang naudlot na meeting kahapon. Kailangan ko rin bisitahin ang slaughterhouse ngayon.” “Kumain ka muna. Kamusta pala ang Don?” “Ayos naman na po Manang. Sasabayan ko po siyang kumain ng almusal.” “Mabuti naman kung ganoon para madami siyang makain.” Tumango ako. Tinulungan silang maghanda ng pagkain. “Sa t’wing magsasabay ang tatlo, wala silang ginawa kung hindi magbangayan sa hapag. Ayun, hindi na sila makakain ng maayos.” Tipid akong ngumiti sa kumento niya. Napansin ako ang mga aluminum tray na inilabas ng isang katulong. “Manang, may mga tira pa kagabi?” Diniretso niya ang mga laman nito sa timbang nasa ibaba saka tinakpan. Diniretso naman niya ang mga nagamit sa isang trans bag n
Danie POV “Why not? Siya naman—” Napalingon kaming lahat sa nagsalita sa likod ko. Ilang sandaling walang nakaimik sa gulat. Lumapit siya sa pagitan namin ng Don at doon tumayo. Binalingan niya kami ng tingin bago balingan ang nagsalita. He tilted his head and smirked. Tripled na naman ang takbo ng puso ko. Parang sasabog ang mga ugat ko sa katawan. Mula kanina, ang tension mas dumoble pa ngayong nandito siya. Binitawan ng Don ang hawak na fork and knife. While me, yumuko. I was about to hold Don’s hand near me para pakalmahin siya. Nakikita ko sa mga mata niyang may— galit. Kung kanino, hindi ko alam. Kung bakit, mas hindi ko alam. “Fonso.” Babala ng isa nilang kaibigan. “Son—” tawag niya sa anak ngunit parang tunog bitin ‘to. “Yes, Dad? Hindi ka pa rin ba nakakapag-decide?” Nagsukatan sila ng tingin. Pinaglipat ko ang tingin sa lamesa namin. Lahat sila nag-aabang sa isasagot ng Don. Ang ibang mga bisita’y, napapalingon na rin sa amin. Malakas ang boses ni Liam, halatang pinap