Share

Chapter 4

Author: IamNellah
last update Last Updated: 2023-08-09 14:28:51

Danie POV

Dinala niya ako sa isang pasilyo. Madilim dito at panay lakad ng mga waiter. May dala silang tray sa kanilang isang kamay. Iba’t ibang kulay ng inumin ang madalas na nakikita kong hinahatid nila sa loob ng isang kwarto. Tanging led lights lang sa baba ang meron para maaninag namin ang aming dadaanan. Ang naririnig ko, ito ang VVIP room na sinasabi nila.

Kung saan nangyayari ang auction sa mga babaeng baguhan.

“Ready ka na ba?”

“Ale. . . maawa po kayo. H-hindi ko po talaga kaya.”

“Hija, ano na nga ulit pangalan mo? Wala ka pa palang code name.” Napatampal siya sa kanyang noo. “And that Ale, eww. . .ganda ko kaya!”

“Danie, ho. . .” May sinenyas siya sa isang waiter. Huminto kami sa isang pintuan.

“Makinig ka, kung gusto mo maka-survive ngayong gabi, ayusin mo. Tumayo ka lang doon, mas maganda huwag ka ngumiti. Mas okay magmukha kang natatakot. Patok ‘yan dito karamihan ‘yan ang hinahanap. Mga baguhan sa ganitong klaseng kalakaran.”

Hinagilap ko ang braso niya. “Huwag niyo po ako ibibigay sa mga lalaki sa loob. K-kahit maghugas, magluto, maglinis na lang po ako nitong buong lugar— kakayanin ko. Huwag lang po niyo ako ibenta. Nagmamakaawa po ako.” Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa harap niya. Pinapanalangin na dingin niya ang hiling ko.

Bumuntong hininga siya't hinaplos ang lalamunan. “Pst!” Napalingon ako sa tinawag niyang lalaki. Kinabahan ako. Magmamakaawa sana ako ulit nang magsalita siyang muli. “Ano lagay sa loob? Tiba- tiba ba tayo?”

“Hindi nga madam, e. Hindi nila pinili ang dalawang baguhan sa loob. Mas nagustuhan pa ‘yong babaeng maingay at pala mura. Palaban yata ang gusto ng Kano.”

“Iinit na naman ulo ni Boss Z niyan. May isa pa naman, ‘di ba?” Pinatunog niya ang kanyang mga labi. Nagmamadaling umalis ang lalaki nang may tumawag sa kanya. “Oh, narinig mo naman, ‘di ba? Dalawa lang ang VVIP ngayon. Ang iba sa VIP, sila ‘yung mga may dati nang babeng nilalabas. Baka hindi mo pa gabi ngayon para makakuha ng big clients. Pagdasal mo, hindi ka piliin ng isa pa. May the best virgin wins.” Tumawa siya. Sumilip sa nakaawang na pintuan. Sa gilid nito, kumikislap ang kulay pulang ilaw.

“Ito tandaan mo, Denise, ako ang manager mo. Walang iba, okay? Polaris ang pangalan ko. Kung sakaling ikaw ang piliin, sabihin mo sa lalapit sayong assistant ang pangalan ko. Then, hintayin mo ako. Sasabihin ko sa ‘yo ang gagawin mo.” Saad niyang hindi ako nililingon.

“Naiintindihan mo ba?” Mabilis akong tumango-tango. Natakot sa tono niya. Hindi ko na kinorek ang tinawag niya sa akin. “Mas bata lang sa ‘yo ang anak ko. Nasa VIP room siya ngayon.” Aniya.

Anak niya? Dito. . . dito rin nagta-trabaho?

Nawala ang pag-iisip ko nang itulak niya ako papasok sa kwarto. Nahigit ko ang hininga ko nang makita ang dalawa pang babae. Umiiyak ang isa. Ang isa naman ay nakayuko. Pinaglalaruan ang mga daliri niya. Hindi rin mapakali ang paa niya sa panginginig. Tumaas ang tingin niya sa akin. Lalapitan ko sana siya nang lumapit sa amin ang isang babae.

“Okay, girls! Ayos naman na kayo. Make-up, okay! Dress, the legs— ikaw, tigilan mo na kakaiyak. Babaha na dito. Okay, on count of three, sampa sa stage and smile. Give the guest your best pose.”

Isa-isa niya kaming tinulak. Kumapit ang isa sa braso niya. Nagpapapigil. Ang isa naman, nagmamakaawa. Pinunasan ko ang luha ko. Kung sila wala magagawa, ako pa kaya. Naisalang na sila at swerte lang na ‘di sila napili. Ngayon kaya? Sino malas sa aming tatlo?

Halakhak ng mga lalaki ang narinig namin pag-akyat sa stage. Amoy ng matapang na sigarilyo ang nangangamoy. Nagtatawanan sila sa hindi ko maintindihan na lenguahe.

“Gentlemen, here are the lovely ladies. Please, choose the best girl you prepare.”

Napalunok ako ng ituro niya kami. Nangilabot ako nang sa amin lumingon ang tatlong lalaki. Kulay puti ang buhok ng lalaking nasa gitna, mayroon siyang hawak na matabang sigarilyo. Ang dalawa ay pinapasadahan kami ng tingin.

Pinaikot-ikot nila kami bawat angulo.

“These three are both young, fresh, and we assure you they are 100% innocent.”

Hindi ako makahinga sa bawat minutong nakatitig sa amin ang tatlong lalaki. Hinahagod niya kami sa kanyang mga tingin.

“I want that lady.”

Hagulgol ng babaeng tinuro nila ang sunod na narinig.

“Please. No, sir. Please. . .”

Nilapitan siya ng dalawang babae at hinila papunta sa lalaking may mga malapad na ngiti. Kami naman, inakay palabas ng kwarto. Hindi ko inalis ang tingin sa babaeng pinili nila. Panay pa rin siya sa pagmamakaawa. Ang isang lalaking kasama ng tinatawag nilang sir ay kinausap ang babaeng nagpakilala sa amin. May pinirmahan sila at nag-abutan ng kapirasong papel.

“Malaki ang bayad kung virgin ka. Kaya ang iba, ito na pinipili kaysa sa VIP. One night para sa ilang pursyento ng kita ng boss. Kung ako sana ang pinili, gagawin ko lahat para hindi na ako makabalik sa empernong lugar na ito.”

Napalingon ako sa babae. Nawala na ang panginginig niya sa kanyang katawan. Tinignan ko ang mukha niya. May sugat siya sa may pisngi. Hindi naitago ng make-up ‘yon.

“B-bago ka lang din?” tanong ko sa kanya. Baka pareho kami ng sitwasyon.

“Oo. Binenta ako ng tiyahin ko kapalit ng boyfriend niyang adik. Ikaw? Ano pangalan mo? Bago ka lang din?”

“O-oo, n’ung isang araw lang ako dinala dito. Binenta naman ako ng pinagkakautangan ni tatay sa Boss Z nila.”

“Hmm. . . ‘yung baklang matanda?”

Nagkibit balikat ako sa sinabi niya. Habang sumusunod kami sa dalawa, nagpalinga-linga ako. Nadaanan namin ang sinasabi nilang VIP. Maraming kwarto dito kaysa sa VVIP. Labas masok din ang mga babaeng maiiksi ang mga suot at mga waiter. Bawat madaanan naming bukas na pinto, sinisilip ko. Malalakas ang tunog na nagmumula doon. May couches din gaya sa VVIP.

Dinala nila kami sa kwarto kung saan ako inayusan kanina. Wala ng mga babae dito at tanging kami na lang dalawa ang naiwan.

“Ako nga pala si Marga. Ikaw? Tama ba magkasing-edad lang tayo?”

“Ewan ko, 18 na ako. Ikaw ba? Danie nga pala pangalan ko.”

“18 na rin. Sana hindi na mag-19.”

“Kailan ka pa dito? Bakit hindi kita nakita?”

Bumuntong hininga siya sa huling sinabi. Pasimple kong pinagmasdan ang katawan niya. Gaya ko, may mga pasa rin siya at galos. Maganda siya at matangkad. Maputi din.

“Kanila lang ako dinala dito. Kaninang umaga ako binenta ng tiyahin ko. Basta nagising na lang ako, nandito na. Maraming babaeng walang malay kasama ko sa kwartong nagisingan ko.”

“W-walang malay?” Napanganga ako sa kanyang sinabi. Mga patay kaya?

Umirap siya. “Lasing or naka-drugs or ewan ko.”

Napanguso ako. Hindi siya natatakot sabihin iyon? Parang hindi ito ang unang beses niyang nakakita ng walang malay na mga babae.

“Taga-saan ka?” takhang tanong ko sa kaniya. Tumayo siya at kumuha ng inumin sa water dispenser. Dalawang baso ang nilagyan niya ng malamig na tubig. Nakaramdam ako ng uhaw nang makita ko iyon.

“Dito lang ako sa Tondo. Ikaw? Sa probinsya ka, ano? Sa Batangas?” Sandali niya ako nilingon bago muling ibinalik sa ginawa ang atensyo niya.

“Bakit mo alam?”

“Nasa accent mo.”

Binigay niya sa akin ang tubig. Ini-straight ko iyon at gusto ko pa. Tumayo ako para kumuha ulit. Nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Aling Lenita na nasamid pa bago kami binate.

“Hey, ladies! Nandito na pala kayo. Well, tapos na muna ang gabi niyo ngayon, magpahinga muna kayo then tomorrow, same pa rin. Manunuod kayo ng practice sa hapon, manunuod sa gabi ng show and iyon lang. Sa Friday ulit ang auction niyo. Okay? Dahil mukhang magkakilala na kayo, sa room ka na ni Denise. . .?”

“Danie po.” Pagliliwanag ko sa kanya.

“Yes, Danie. Sa room ka niya matutulog Marga. Gotcha go! Have a nice rest, ladies.”

Bumuntong hininga ako habang kumukuha ng tubig. Gusto ko magpasalamat ngayon dahil nakaligtas ako. Malayo sa sinasabing panghihinayang ni Marga na sana raw siya ang pinili para makaalis siya rito.

“Ano pala pangalan ng babae kanina? Bago din iyon, ano?”

“Hindi ko alam. Kakarating lang kanina noon. Mukhang pinangbayad lang din. Sa narinig ko, 16 pa lang iyon. Sana okay lang siya. And good luck to her.”

Napasinghap ako sa sinabi niya. Nakakatakot talaga sa lugar na ito. Masasamang mga tao ang mga nandito. Walang awa. Parang mga hayop lang kami na binebenta nila sa kung sino. Mga walang kunsensya.

Nagising kami ni Marga sa mga katok sa pintuan. Nagtatawag na si Aling Bebang para sa mga gagawin. Masakit ang ulong tumayo ako. Ganoon din si Marga. Wala kaming gaanong tulog dahil sa takot na may manguha sa amin. Ilang gabi na ako ganito. Trauma sa mga nangyayari.

“Tayo na mga, girls! Huwag niyo na ako pahirapan. Puyat pa ako, my gad!” maarteng anas niya sa hamba ng pinto. Binuksan ng mas malaki ang pintuan para makita kami. “Dahil wala pa kayong mga costumer at wala pang trabaho, kailangan niyo tumulong sa mga gawain dito sa club at house. Kaya let’s go!” sinenyas niya sa amin ang labas.

Nauna si Marga sa banyo para maghilamos. Sandali lang siya sa loob at ako naman. Dumiretso kami sa kitchen pagkatapos ko. Gaya sa unang dating ko dito, mga sampay ang bumungad sa akin ngunit wala ang mga babaeng nakita ko nang araw na iyon. Mga lalaki at ang cook nila ang nandito. Kumain kami ng sabay-sabay. Gutom na gutom kami ni Marga. Nakiusap kaming dagdagan ang sukat ng kanin namin at isa pang itlog.

“Grabe sila. Magtira naman kayo!” reklamo ng isang lalaki.

“Tsk! Sige, dahil parang gutom na gutom kayo— sa inyo na itong itlog ko.” Nagpasalamat ako sa isang lalaking may salamin. Siya iyong naglilinis sa club kahapon.

“Kayo, hindi ko pa pala sinasabi mga bebe na dito— share sa kung anong meron. Libre naman, pero dapat pagpaguran. At rules talaga one cup of rice and 1 egg lang ang pwede sa umaga. Kung gusto niyo pwede naman kayo bumili ng sarili ninyo stock. Dalhin niyo niyon sa room niyo pero— sa ngayon, bawal kayo lumabas at wala pa kayong pera pambili, ‘di ba?”

Tumango kami. Kahit gusto ko pa, ininuman ko na lang ng maraming tubig ang gutom ko. Nakakahiya naman. Wala na rin itlog, tanging mantika na lang ang naiwan sa plato ng pinaglagyan nila.

Pinaglinis nila kami ng banyo, club at mga VIP rooms. Ganito pala ang trabaho nila. Sa umaga, may mga taga-linis ng bawat kwarto. Sa hapon, magpa-practice ang mga babae sa kanilang performance. Sa gabi hanggang alas-4 ng umaga ang operasyon naman ng club. Kaya walang mga babaeng makikita ngayon dito dahil sa tulog sila sa araw at lalabas na lang pag-oras ng practice nila.

Pagod na pagod kami ni Marga na bumalik sa aming kwarto. Naligo kami at natulog matapos kumain ng tanghalian. Ginising kami muli ni Aling Bebang para manuod sa practice ng mga sayaw nila. Tutulong din kami sa pag-aayos sa mga babae mamayang gabi. Ito muna ang ina-assigned nila sa aming trabaho hanggang sa susunod na auction.

Nang sumapit ang gabi, nagmamatiyag ako sa mga nangyayari. Malaki ang club. Hinati ito sa tatlong palapag. Club ang baba at pangalawang floor. Sa pangatlo naman ang VIP at VVIP. Sa likod ang aming tinatawag na house. Doon ang mala-boarding house ng mga ibang babaeng stay-in, staff at ilang mga bouncer. Libre ang tirahan at pagkain sa walang makain. Kahit papaano, maayos naman ang mga naging araw namin ni Marga kahit na bawat araw, dinadalangin kong tumagal ang oras para ‘di dumating ang araw ng auction.

“Marga and Danie. . .” tawag sa amin ni Aling Lenita. Nakalimutan ko ang sinabi niyang pangalan niya. Nakasuot siya ng fit na fit na damit. May hawak siyang papel at isang paper bag. “Isasalang kayo bukas ng gabi sa dance floor. Mag-practice kayo kasama si Bebang. Ito ang mga isusuot niyo.” Inabot niya sa amin ang paper bag.

Nagsalita si Marga para umalma. Tinitigan ko ang damit para sa akin. Pareho kami. Magkaiba lang na kulay. Ang liit ng bestidang ito! Para lang siyang pantulog ngunit ang design ay parang sa isang katulong gaya sa uniporme sa hasyenda sa amin.

“No more reklamo. Rinding-rindi na ako d’yan. Gawin niyo na lang, pwede? Manunuod ang VVIP na ‘tin, so, galingan niyo! Ito nga pala mga code name niyo.”

Inabot niya sa amin ang kakulay na mask ng damit namin. Nakasulat dito ang bagong pangalan ko. Pangalan na magpapabago sa buhay ko oras na gamitin ko ito.

Related chapters

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 5

    Danie POV “Okay, girls. Kembot pa! That’s right. To the left and right— oh, spacing!” sigaw ng taga-turo ng sayaw. Nasa akin lagi ang mga mata niya. Naiinis na siya sa paulit-ulit kong mali. Halos alam na ng dalawang kasama ko, maging si Marga ang step. Ginagawa ko naman ang kaya ko pero ang hirap ikimbot ang bewang ko. Parang nag-uunahan ang mga paa ko kung sino ang unang gagalaw. “Stop!” sigaw niya. “Danie, ikaw nga lang mag-isa.” Pumalakpak siya. Ito ang ginagawa niya kung nagmamadali. “A-ako ho? Ay, hindi ko ho kasi maiganire ang balakang ko. . .” reklamo ko. Inimustra ko sa kaniya ang step na hindi ko makuha. “Kaya nga ikaw muna mag-isa. Atsaka, lahat ng step hindi mo talaga makuha.” Pumalatak siya’t umakyat ng stage. Ang ganda niyang babae, kay puti at payat ng legs. Hindi nga lang matangkad pero cute naman sa height niya. Hindi siya nagta-trabaho dito sa bar. College student daw ito at nakatira sa kabilang kanto. Cheerleader daw siya kaya malambot ang katawan. Libre pang

    Last Updated : 2023-08-10
  • Take Me, ELECTRA   Chapter 6

    Danie POV Look in the mirror. I'm not surprised.I sympathize, ah.I can't deny. Your appetite, ah. Hinagod ko ang balakang ko paakyat sa leeg ko sabay inikot ang ulo ‘gaya ng sinabi nila. Sinabay ang katawan ko sa bawat halinghing ng babae sa kanta. Mabagal. . . Pumikit ako, dinama ang bawat lyrics. Pagdilat ko, tumitig ako sa unang taong makita ko. Tinignan ko siya ng masama. Sa una, hindi ko nagawa ng tama. Sa sumunod, humiga ako. Ipinitik ang mga daliri sa hangin, nilingon siya at giniling ang balakang. Tinuro siya bago ang sarili, pinapahiwatig ko na sa akin siya tumingin. Sa akin lang. Nagpalakpakan sila. Sinigaw ang mga bago sa pandinig ko. Tumalikod ako sa kanila’t tumuwad. Ini-slide ang isang paa ko and looked at them. “Fetish for my love. . .” “Grabe!” Pumapalakpak siyang pumasok sa dressing room. Napalingon ang lahat sa pagpasok niya. “Good luck sa inyo!” Bati niya sa mga lumalabas na babae. Sila ang susunod na magpe-perform sa labas. “I-beat niyo ang sigawan sa l

    Last Updated : 2023-08-12
  • Take Me, ELECTRA   Chapter 7

    ELECTRA POVSa ilang buwan na nagdaan, hindi ko makita ang dating Danie Manalo. Wala na siya, I guess. The new version is more way darker than the night. Ako man ang bituin ng gabi, ako man ang matatawag na bituin ng sarili kong mundo, hindi mo makikita ang kaliwanag nito. Lalo na’t mas malawak ang dilim kaysa sa kining ko.Isa lang akong palamuti para sa mata ng iba. Pero ang mundo ko, hindi na kayang kuminang pa sa gusto ko. Nag-uumpisa pa lang akong umilaw nang kunin nila sa akin ang pagkakataon para magawa ko iyon.Dilim na lang ang nasa paligid ko. Walang katapusang dilim.“Kayo nga magtino nga kayo! Aba, ang mamahal niyang mga make-up ko. Wala naman nagbabago sa mga itsura niyo. Palibhasa mga chakabells ang mga biribumbum niyo kaya pati mga mukha niyo mukhang bumbum.”Dinilat ko ang isang mata ko, naririndi na sa mga sinasabi ni Bebang. Nilagay niya ang lashes ko at ina-adjust ang dikit nito. Kumurap-kurap ako bago siya nag-proceed sa isa ko pang mata.“May favorite ka lang. Beb

    Last Updated : 2023-08-14
  • Take Me, ELECTRA   Chapter 8

    Electra POV “Mang-aagaw.” Naibaba ko ang s********p na milktea sa bibig ko. Binalikan ko siya ng tingin. Obvious naman nagpaparinig siya. Nasa hallway ako papunta sa kwarto ko nang makasalubong ko siya. Hindi ko siya pinansin nang magkalapit kami, sinabi niya ito sa mismong tenga ko. Kunwaring dumura pa sa daraanan ko. Hinarap ko siyang nakangisi sa akin. “What?” Nakataas na kilay na tanong niya. Pinaikot-ikot ang kulot niyang buhok. “Anong what?” balik tanong ko. Tinignan ang dala niyang malaking bag. “Oo nga pala hindi ka nakakaintindi ng basic English. Ang sabi ko ba—” pinutol ko ang sasabihin niya. “Ano na naman bang problema mo, Tricia?” Pinanliitan ko siya ng tingin. Sumasabay siya sa mga problema ko. Dinadagdagan pa nga. “It’s Orion. Don’t call me by my name. Hindi tayo close.” Mataray na aniya. Tumaas ang kilay ko sa kanya. “Orion, tutal nandito ka na. . . gusto ko lang sabihin sa ‘yo na pwede ba, tama na mga pinaggagawa mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin na sa ganit

    Last Updated : 2023-08-14
  • Take Me, ELECTRA   Chapter 9

    Electra POV Hindi pumasok si Tricia matapos ang away namin kaninang umaga. Ang sabi nila, may sakit daw siya at kasalanan ko. Nagagalit ang ibang mga kaibigan niya sa akin at panay ang pagpaparinig nila ng kung ano-ano. Sa parteng iyon, alam kong mas maraming kaibigan si Tricia dito dahil sa tagal na niyang nandito. Kahit naman ganoon ang ugali niya, mas marami pa rin ang mga pinagsamahan nila kumpara sa amin ni Marga na wala pang-isang taon. Masama daw ang pakiramdam niya sabi ng isang kaibigan niya. Ang isa naman, baka daw dalhin pa sa ospital si Tricia at dapat lang daw na sagutin ko ang pagpapagamot sa kanya. Hindi ko na lang sila pinapansin. Sabi nga ni Marga, O. A naman. Sana nga daw magka-rabies ang babaeng iyon sa mga kalmot ko. “So, may rabies ako ganoon? Aso ako?” Sinamaan ko siya ng tingin. Kagigising lang namin pareho. Nakaligo na ako at kakain na lang. Siya naman nabusog na daw sa tinapay na kinain. “Ito naman! Hindi. Sana lang. . .” Inirapan ko siya. “Sana, matuluya

    Last Updated : 2023-08-17
  • Take Me, ELECTRA   Chapter 10

    Electra POV “May kailangan ka pa ba? Alis na ako?” tanong ko kay Marga na nakahiga sa kama niya. Nanghihina pa siya at masakit ang lalamunan. Pinauwi din kami matapos gawin ang mga ilang test sa kanya kanina. Katatapos ko lang siyang pakainin at handa nang pumasok ngayong gabi. “Kailangan ko malaman kung sino sa kanila naglagay ng tinapay na iyon dito sa kwarto na ‘tin at paano sila nakapasok.” Aniyang nakatitig sa kisame. Huminga ako ng malalim. “Pareho tayong tulog nang time na iyon. Wala naman ‘yon bago tayo natulog, ‘di ba?” “Hmm. . .Halatang sinadya. Sinong mag-aakala na may mani ang eggpie. Ano iyon bagong recipe?” “Kung sino man ‘yon, alam na allergy ka sa mani. Dapat na ‘tin tingnan mga pagkain dito baka may hinalo sila.” Bigla ako kinabahan, paano kung hindi lang pala mani nilagay nila? O, baka— “Nagawa ko na ‘yan kanina bago natulog. Sa tingin ko, wala naman. Pa-refill na lang tayo ng tubig. Sa mga stock naman, wala na maliban sa mga noodles at in-canned. Hindi naman

    Last Updated : 2023-08-18
  • Take Me, ELECTRA   Chapter 11

    Electra POV “Teka, ano bang nangyayare dine?” Hinawi ko ang dalawang babae sa daraanan ko. Pagdating ko dito sa bahay, sinabi sa akin ng isang kasamahan namin na nasa office daw ni Boss Z at si Marga. Kaya dali-dali akong nagtungo doon para malaman kung bakit. “Ang kapal din ng mukha ng babaeng ‘to! Boss Z, ganoon na lang ba ‘yon?” Dinuro niya ang mga kaharap. “Sinong may pakana nito?” naiinis na tanong ni Boss. Sumilip ako sa nakaawang na pintuan. “Nagkaroon na naman ng rambol kanina sa kusina. Nasugatan ni Marga sa mukha si Tricia. 3 vs 1 nga ang laban.” Napasinghap ako. Tumingin muli sa loob ng opisina. Nakaupo si Boss Z sa kanyang desk, nakapanjama pa at halatang wala pang sapat na tulog. Sa gilid niya si Polaris, samantalang nakatalikod sa amin si Marga, kaharap ang tatlong nanlilisik ang mga mata sa kanya. Nakahawak si Tricia sa pisngi niyang may puting benda. “Boss, sinira niya mukha ko. Paano pa ako nito ngayon?” naiiyak na aniya. “Dapat magbayad siya! Paalisin niyo na a

    Last Updated : 2023-08-19
  • Take Me, ELECTRA   Chapter 12

    Electra POVPagod na napabuntong hininga ako. Katatapos ko lang linisin ang mga gamit dito sa kwarto namin. Pagod at hindi ko alam kung paano aayusin ang mga natatanggap kong regalo mula sa mga costumer ko.Tumingin ako sa estante ng mga gamit ni Marga. Pinagawan niya ito ng mga lalagyan. Mga sapatos sa ibaba, mga bag naman sa susunod na hilera bago ang mga kung ano-anong gamit. May ilan din sa akin dito, nakikilagay lang sa kanya.Sa isang storage box ko nilagay ang mga naka-paper bag na gamit. Apat na nga ito at sakop na ang ilalim ng higaan ko. Sa isang shoe rack naman, nakahilera ang mga ginagamit kong sapatos. Ang iba dito, bago pa at may tagged.Mas lalo ako napapagod sa nakikitang kasikipan ng kwarto namin. Dalawang double deck na may mga gamit na sa itaas. Karamihan doon mga damit rin at ilang personalized props. Sa gilid ang banyo na sapat lang sa isang tao. Sa paanan ng kama ko nakalagay ang shoes rack katabi ng double sitter na upuan. Sa paanan naman ni Marga ang malaking c

    Last Updated : 2023-08-24

Latest chapter

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 42

    Danie POVIniiyak ko ang buong gabi.Ang haba ng gabing iyon para sa akin.Hindi ako lumabas ng kwarto buong araw at sinabi na lang na masama ang pakiramdam ko. Na partly true naman. I felt exhausted, drained and guilty.Ilang beses pumasok dito si Mamang para dalhan ako ng makakain. Maging si Liam, kumatok rin. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.Mabuti na lang na ‘di siya nagpumilit. Tumawag ang Don sa telepono ko nang hapon na iyon para kamustahin ako. Sinagot ko iyon para hindi na siya mag-alala pa. Gusto niyang umakyat dito sa kwarto ko para siguraduhin ayos lang ako. Bawat sinasabi niya, pinapakinggan kong mabuti. Napapapikit. Na gu-guilty ako ng sobra. Hindi ko dapat ginawa iyon.Hindi ko naman balak itago. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan.Binuksan ko ang laptop ko para simulan ang mga gagawin. Kahit na mabigat ang katawan, kailangan kong gawin ang mga trabaho ko. Naupo ako sa kama, nilagay sa kandungan ko ang nakabukas na laptop. Nag-type ako ng email sa unang-unang em

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 41

    Danie POV Bawat pagsubo sa aking pasta, ang bigat sa lalamunan. Hindi ko malunok ito dahil sa pares ng mga matang nakatingin sa akin. Pasimple ko siyang sinulyapan at nahuling nakahinang sa akin ang mga mata niya. Binabantayan bawat galaw ko. Iniawang n’ya ang kanyang pagkain sa bibig habang wala man lang hiyang nakatitig sa akin, nakikinig sa mga sinasabi ng ama niya ngunit ang utak niya alam kong nasa akin pa rin. Kapal ng mukha! Tumikhim ako at inabot ang juice sa aking harapan. Nasa garden kami at nagmemeryenda. Nasa harap ko siya at sa kaliwa ko naman ang Don. Sa kanan ang attorney. Pasta, cake and plain toasted bread na request ng Don ang nakahain sa pabilog na lamesa. Tumutugtog ang isang kantang masarap sa tenga na paboritong pinapakinggan ng Don kapag gusto niyang mag-relax. Wala talagang pakiramdam ang taong ‘to. Wala man lang isip tumigil sa paninitig na akala mo ako ang kinakain niya. I cringed. Duh, may mga kasama kaming iba! At kahit wala kaming kasama, hindi siya da

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 40

    Danie POV Paglabas ko ng kwarto ng Don, nakasalubong ko ang Donya paakyat ng hagdan, looking so elegant and young at her age. Mayroon na naman siyang dalang mga paper bags na hindi mabilang sa dami. Nakangiti siya habang naglalakad, sayang-saya, ngunit nang makita ako, para bang nilipad ito ng hangin at napalitan ng kung ano. Bahagya akong yumuko bilang paggalang sa kanya. “Nandito ka pala. I heard nagpatawag si Samuel ng party para sa graduation mo. Wow! Magsasayang pa ang matanda para lang sa palamunin niyang scholar.” Tumawa siya matapos sabihin iyon. Hirap na hirap siyang pinaglipat sa kabilang kamay ang mga paper bag na dala. I wonder kung hindi pa napupuno ang kwarto niya sa dami ng mga pinagbibili simula ng umuwi sila dito. “Oh, by the way! Kamusta pala ang mga investors? Nagpadala ka na ba ng mga bagong contracts?” Excited siyang humarap sa akin. May mga ningning ang mga mata niya na parang sigurado na sa isasagot ko. “Yes, ma’am. But some of them hindi pa nakakapirma. Baka

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 39

    Danie POV“Bakit ang baho dito?”Napabaling ang tingin naming lahat sa taong nasa pintuan. Hindi niya maituloy ang pagpasok sa loob ng kusina, hawak ang ilong niyang napapaatras. Naibaba ko ang sandok sa katabing platito malapit sa kalan. Sa masayang pagku-kwentuhan namin, hindi namin napansin ang pagdating niya. Lahat kami may kanya-kanyang ginagawa, pinagtutulungan ang pagluluto at paglilinis dito sa kusina.“Ma’am, good morning po,” alanganing bati ng isang kasambahay malapit sa kanya. Nanliliit ‘tong yumuko.“Ano bang niluluto niyo? Basura?” aniya, pinaypayan ang mukha.“Ah, ma’am, nagluluto po kami ni m’am Danie ng binagoongang karne.” Mahinang saad niya after ng ilang minutong walang sumagot, nagkakatinginan kami. Nag-aalangan akong patayin ang apoy sa kalan, itago o itapon ang niluluto ko para hindi na siya mabahuan.Pero hindi naman mabaho! Ang sarap nga ng amoy. Sa sarap nito, hindi na namin mahintay maluto pa. Sinigurado din ni Manang na maraming kanin para hindi magkulang

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 38

    Danie POVNangyari na nga ang kinakatakutan ko.Hindi ako handa. Walang may handa sa ganitong problema.Lumalala ang kundisyon ng Don. Makailang beses kaming pabalik-balik sa hospital. At ngayon, nandito na naman ako sa labas ng malaking salamin. Sarado. Tanging kulay blue-ng kurtina ang makikita sa loob. ICU. Tatlong letra. Sa tuwing madadako ang mga mata ko sa taas ng pinto, itong mga letrang ito ang nakikita ko. Yumuko ako’t muling nagdaos ng dasal.Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa aking baba. “Iligtas mo po siya. H’wag mo po muna siyang kukunin sa akin. Siya na lang po ang meron ako. Sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas ng loob sa araw-araw.” Usal ko. Pumikit ako’t mas lalong kinausap ang D’yos para magmakaawa.“Danie, uminom ka muna.”Tinapik niya ang balikat ko. Inabot sa akin ang isang boteng mineral water. Ayaw ko man, hindi man ako nakakaramdam ng uhaw, kinuha ko na lang ito. Inipit ko sa dalawang kamay ko ang bote. Nakaka-relax kahit papaano ang kaunting lamig nito sa k

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 37

    Danie POV“Son . . .”Nilibot ng mata ko ang buong kwarto, iba’t ibang ekspresyon ang nakikita ko sa mga mukha nila. Si Manang, ngumiting nakakaintindi sa kanyang kaibigan, walang nang pagkabigla sa kanyang mukha. Ang isang kasambahay, gulat pati na rin ang doctor. Ang abugado tumango lang siya sa Don, hindi na nagulat sa sinabi nito. Nagtagal ang tingin ko kay Liam na hindi pa rin ma-proseso ang sinabi ng kanyang ama.Maging ako, hindi ko akalaing— akala ko, mahal niya ang Donya. Na kahit may iba na siya, hindi niya magawang maghanap ng iba.“The fvck! Totoo ba ‘to?”Hindi malaman ni Liam kung kanina niya itatanong. Panay ang taas ng kamay n’ya at maingay na ibaba ito sa kanyang tagiliran. Magpapamaywang at muling magsasalita ngunit naiipit ito sa kanyang lalamunan.Walang sign akong nakita. Aware ako sa mga baklabush na kilusan at salitaan sa bar noon. Ngunit sa Don, wala akong nakita. Maliban sa gusto n’yang malinis lagi. Maging organize lagi na tinuro niya sa akin na nadadala ko

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 36

    Danie POV“Hindi ako papayag! Kailangan matanggal mga— bastos mong empleyado. Hahayaan mo na lang bang gano’n nila ako sagot-sagutin, Samuel?”Nanggagalaiting n’yang winaksi ang kamay ni Liam. Pinapatigil niya ‘to sa pagwawala. Hindi s’ya nagpapaawat. Mula kaninang nagkagulo, nagsisigaw na s’ya, hanggang sa kailangan na siyang matignan ng doctor. Mabuti na lang araw ng check-up ngayon ng Don at nandito ang kaibigan nilang doctor, inaanak pa.Nalaman ng Don ang nangyari, pinapunta niya kaming lahat dito sa opisina niya. Si Liam, ang nanay niya at ang bago nitong asawa na si Berdon. Halos mabugbog nito si Mang Gaston kanina. Mabuti na lang naawat ng iba pang mga tauhan na— sa ‘di sinasadya, nasuntok siya nang akmang susuntukin niya si Mang Gaston na nasa likod ko, umalalay sa akin para makatayo. Mabilis ang mga pangyayari, napapahiyaw ako, hindi ko alam kung aawat ba.Mas lalong lumaki ang gulo. Magsasampa ng demanda ang pamilya para sa mga tauhan namin. Nakakapanlumo ang nangyayari. S

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 35

    Danie POV “Hija, kumain ka na muna.” Ibinaba ni Manang ang sinangag sa lamesang pahaba. Kasunod niya ang isa pangkasambahay na may hawak naman ng mga piniritong hotdog at itlog. “Papasok ka ba ngayon?” tumayo siya ng tuwid, may pag-aalala sa kanyang mga mata. Umiling ako. “Hindi po. Papa-set ko sana ang naudlot na meeting kahapon. Kailangan ko rin bisitahin ang slaughterhouse ngayon.” “Kumain ka muna. Kamusta pala ang Don?” “Ayos naman na po Manang. Sasabayan ko po siyang kumain ng almusal.” “Mabuti naman kung ganoon para madami siyang makain.” Tumango ako. Tinulungan silang maghanda ng pagkain. “Sa t’wing magsasabay ang tatlo, wala silang ginawa kung hindi magbangayan sa hapag. Ayun, hindi na sila makakain ng maayos.” Tipid akong ngumiti sa kumento niya. Napansin ako ang mga aluminum tray na inilabas ng isang katulong. “Manang, may mga tira pa kagabi?” Diniretso niya ang mga laman nito sa timbang nasa ibaba saka tinakpan. Diniretso naman niya ang mga nagamit sa isang trans bag n

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 34

    Danie POV “Why not? Siya naman—” Napalingon kaming lahat sa nagsalita sa likod ko. Ilang sandaling walang nakaimik sa gulat. Lumapit siya sa pagitan namin ng Don at doon tumayo. Binalingan niya kami ng tingin bago balingan ang nagsalita. He tilted his head and smirked. Tripled na naman ang takbo ng puso ko. Parang sasabog ang mga ugat ko sa katawan. Mula kanina, ang tension mas dumoble pa ngayong nandito siya. Binitawan ng Don ang hawak na fork and knife. While me, yumuko. I was about to hold Don’s hand near me para pakalmahin siya. Nakikita ko sa mga mata niyang may— galit. Kung kanino, hindi ko alam. Kung bakit, mas hindi ko alam. “Fonso.” Babala ng isa nilang kaibigan. “Son—” tawag niya sa anak ngunit parang tunog bitin ‘to. “Yes, Dad? Hindi ka pa rin ba nakakapag-decide?” Nagsukatan sila ng tingin. Pinaglipat ko ang tingin sa lamesa namin. Lahat sila nag-aabang sa isasagot ng Don. Ang ibang mga bisita’y, napapalingon na rin sa amin. Malakas ang boses ni Liam, halatang pinap

DMCA.com Protection Status