Paano ba maging mabait na bestfriend.Yun ba yung pagtatakpan mo lahat ng mga mali na kanyang nagagawa o tatanggihan mo siya para ipaunawa sa kanya ang mga mali nakanyang nagawa. Si Moira isang probisyana na lumuwas sa maynila para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nakakuha kasi siya ng scholarship sa isang unibersidad. Habang nag-aaral nagpa-partime din siya bilang taga-gawa ng mga projects at reports ng mga kaklase niyang anak mayaman. At isa na nga ang kanyang bestfriend na si Gregory Grant. Gustong-gusto niya ito kapag magpapagawa sa kanya ng mga projects at reports kasi doble binabayad ni Grant sa kanya. Pero paano kung hindi na projects at reports ang ipapagawa nito sa kanya. At hihilingin nito na ipaalaga sa kanya ang naging anak nito sa ex- girlfriend na si Beverly. Kapalit ang malaking halaga para maging mommy ng anak nito. Tatanggapin o tatanggihan ba niya ang kanyang bestfriend kasi may sarili din siyang pangarap na nais matupad. Kung aalagaan nya ang anak nito, ano ang mangyayari sa kinabukasan nya. Gusto niyang tanggihan ang kanyang bestfriend,pero naguguluhan siya nang ihatid nila ang bata sa bahay-ampunan. Nakonsensya siya kaya tinanggap niya ang alok ni Grant . Binigyan siya ng malaking halaga ni Grant para magsimula ng panibagong buhay kasama ang anak nito, hiniling din ng kanyang bestfriend na hindi muna sila magkita pa.Malungkot na lumayo si Moira kasama ang batang si Prince na inabandona ng mga magulang nito. Lumipas ang pitong taon, nabalitaan ni Moira na ikakasal na si Grant isa sa anak ng mga kasosyo nito sa negosyo. Kaya tinitulan niya ang kasal nito para sa anak niya na si Prince. Sobrang galit ni Grant sa ginawa ni Moira, pero hindi nagsisi si Moira tama lang ito sa taong walang puso tulad ni Grant at pera lang mahalaga.
View MoreNakatitig lamang si Grant kay Moira habang sila ay nagmi -meeting, sobra niyang namiss ang kanyang bestfriend at minamahal. Sobrang palaisipan din sa kanya kung anak niya ba ang batang si Garrett na pangalawang anak nito. Kung titigan ang abta ay kamukha niya talag ito. Pero mahirap din ang mag- assumed dahil may asawa na ito at nasa ibang bansa lamang at doon nagtatrabaho. Malaki na rin ang pinag- bago nito, lalo pang gumanda at nakkatakam ang katawan nito. "Nasa benguet ang flower farm ko, pwede kayong pumasyal doon kung gusto niyo. Mag- sabi lamang kayo sa akin pag pupunta na kayo para masamahan at ma- schedule ko." saad ni Moira. "Mas okey yan Moira para makadalaw din kami sa farm mo, mas maganda din kung isasama mo ang fiance mo Grant." Suhestiyon ni Brylle. "Oo.. tama nga yun Mr. Grant, para makilala din namin siya. May maliit na transient house sila Moira doon at talagang mag- eenjoy kayo at makakapag- relax." Suhestiyon ni Janessa sa kanilang mga kliyente. "Wow! Very n
Nakipag- meeting si Moira sa kanyang business partner na flowershop dahil may malaking event daw ang susuplayan nito ng mga bulaklak at nais daw sia makausap ng personal ng assistant ng kumpanyang iyon. Sa coffee shop lang niya ang meeting place nila kaya hindi na siya nag- abala pang mag - ayos. Naka- suot pa siya ng apron ng dumating ang mga ito, dahil maraming customer ang kanyang coffee shop at nakaday- off din ang iba niyang staff. Nakita niyang pumasok si Janessa na naging kaibigan at business partner niya. Florist at event coordinator ang dalaga, siya ang nag- susupply ng mga bulaklak sa mga events nito kaya sila nagkakilala. Sinalubong niya ito at binati..." Janessa... ang aga mo naman yata dumating." Pabiro niyang sabi sa kaibigan."Gusto ko kasi makita ang mga anak ko noh... na- miss ko na kasi sila." Pabiro ding sagot nito sa kanya."Tita Janessa!...." Sigaw ng dalawang cute na mga bata, sila Prince at Garret. "Hayyy... naku! Sobra ka nilang na- miss, alam mo ba na kinuli
GRANT'S POVAgad na bumiyahe pauwe si Grant pabalik ng pilipinas. Dahil utos ng kanyang daddy, hindi niya alam kung ano ang plano nito. Kaya naiinis man siya rito ay kailangan niya itong sundin, at heto na siya ngayon nasa eroplano na. Naalala niya ang kanyang bestfriend na si Moira, kamusta na kaya ito at kanyang anak na si baby Prince. Nag- asawa na kaya ito at may sarili nang pamilya... Pitong taon na rin ang nakaklipas, pero hindi na siya nagkaroon pa ng pag- kakataon na ipahanap ito dahil nasa ibang bansa siya. Nasa mansiyon na siya at sinalubong siya ng kanyang mommy at daddy."Grant anak ko... sobrang namiss ka ni mommy." Pag- lalambing na salubong ng kanyang mommy at niyakap siya ng mahigpit nito."I miss you too, mommy!" Sabik niyang sagot sa ina at yumakap rin ng mahigpit rito."Parang pumayat ka anak ko... Nakaka- kain ka ba ng maayos doon ahh, di bale nandito an si mommy. lagi kitang ipag- luluto ng mga paborito mo baby ko." Saad ng kanyang mommy at hanggang ngayo ay bab
GRANT'S POVNasa ibang bansa na si Grant at wala na din siyang naging balita pa kay Moira at sa aknyang anak na si baby Prince. Pinanindigan an siguro nito ang pagtatago sa kanyang anak. Nag- aral siyang mabuti para matapos ang kurso na pinakuha ng kanyang ama at kung gugustuhin niya ng babae ay hindi problema sa kanya, dahil kahit sa ibang bansa ay mga babae pa rin ang kusang lumalapit sa kanya. Tulad ngayon ay may kumakatok sa kanyang condo. Kaya agad niya itong pinag- buksan."Hi Grant... do you remember me." Malanding tanong ng babae sa kanya, pero hindi niya ito maalala at kilala."Hmmm... i forgot your name and can you please introduce yourself to me." Malakong sabi niya sa babae. Kaya agad naman siyang hinalikan ng babae at hinubad nito ang kanyang suot na sando. Hinalikan nito kanyang labi pababa sa kanyang leeg at nang hindi ioto nakuntento ay tinulak siya nito sa kanyang kama at pumaibabaw sa kanya at doon ito naghubad ng kanyang damit. Hinayaan lamang ni Grant na ito ang
MOIRA'S POVMalapit na si Moira sa kanilang munting tahanan, sa probinsiya. Kasama niya si baby Prince. Mag- iisang linggo na rin mula nang umalis si Grant at wala na siyang naging balita rito. Huminto ang sinasakyan niyang tricycle sa tapat nang kanilang bahay, sinalubong siya nang kanyang nanay at tatay. Masaya ang mga ito at naaliw kay baby Prince."Anak ko... Moira" Naluluha na saad ng kanyang nanay."Nanay... sorry po.." Pag- hingi niya nang tawad rito at hindi na niya napigilan ang maiyak."Hsshh... tahan na anak ko... Okey lang yan." Naka- ngiti nitong sagot sa kanya."Tay... sorry po binigo ko po kayo." Pag- hingi niya rin nang tawad sa kanyang tatay at yumakap nang mahigpit rito."Akin na nga yang cute na baby na yan..." Saad ng kanyang nanay at binuhat si baby Prince."Ang gwapo nman ng baby na ito anak..." Ani rin nang kanyang tatay."Opo tay mana sa akin... at sa inyo." Birong sago niya sa kanyang tatay.''Pasok na muna tayo sa loob anak..." Pag- aya nang kayang nanay, at
GRANT'S POVSa apartment ni Moira na nagpalipas ng gabi si Grant... Dahil gusto niya makasama ng matagal ang kanyang mahal at anak na si Prince. Naalimpungatan sila sa lakas ng katos sa pintuan ng apartment. Nauna nang bumangon si Grant dahil alam niyanmg pagod at puyat si Moira. Pag- bukas ng pinto ay malakas na suntok ang kanyang nabungaran. Ang kanyang Daddy pala ang kumakatok kasama ang mga tauhan at personal bodyguards nito."Anong kalokohan itong pinaggagawa mo ahh???!" Galit na sigaw at tanong ng kanyang daddy."Dad... Let me explain, please try to understand us daddy." Magalang na pakiusap at sagot ni Grant sa kanyang ama."Wala akong pakialam Grant! Let's go home!" Ma- awtoridad na sabi nito sa anak, kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa kanyang daddy.Wala silang imikan mag- ama sa loob ng sasakyan, napailing na lamang siya. "Tomorrow you will go to america,and that's an order...! Kung ano- ano ang pinag- gagawa mo dito sa maynila!" Galit na saad ng kanyang daddy.
SPG"Sweetheart... Dinner na tayo,!" Saad ni Grant at lumapit kay Moira at niyakap niya ito mula sa likuran ng mahigpit."Hhmmm... Pinapatulog ko pa si baby Prince Grant." Ani ni Moira at humarap kay Grant."Tulog na siya ahh... Akin na ako na maglalapg sa kanyan sa kuna. Ayusin mo na lang yung sapin." Pagprisinta ni Grant at kinuha si baby Prince mula kay Moira. Hinele niya muna ang sanggol at sinayaw nang malumanay hanggang sa nakatulog na ang kanyang anak."Bakit sayo ang bilis nakatulog ni baby Prince sa akin, ang dami ko nang kinanta sa kanya gising pa rin at nakatulala lang sa mukha ko.. hmmm" Pagrereklamo ni Moira."Nag- eenjoy kasi siya na pakinggan ang boses mo... Tara na lalamig na ang pagkain natin." Natatawang saad ni Grant at inaya na si Moira para mag- hapunan."Paano ka natutong magluto ahhhh??? Eh diba puro pambabae lang ang alam mo..." Pang- aasar na tanong ni Moira."Hayan ka na naman... Anong akala mo sa akin, porke't anak mayaman ako hindi na ako marunong maglut
Nagising sila Grant at Moira sa lakas ng iyak ni baby Grant, unang bumangon si Grant at agad pinuntahan ang sanggol. Si Moira naman ay humiga ulit dahil parang sumakit ang kanyang ulo at mahapdi ang kanyang pagkababae. Naalala niya ang mga nangyari kanina at gabi na pala nang tumingin siya sa labas ng bintana. Napalingon siya sa pintuan ng pumasok si Grant karga si baby Prince at ganda ng ngiti nito nang makita siya ng sanggol."Ayan na si Mommy Moira mo... napagod yan kaninakaya ako muna ang mag- aalaga sa iyo." Masayang sabi ni Grant at ngumiti kay Moira."Masaya ka...???" Masungit na tanong ni Moira."Oh bakit ka naman nagsusungit..??? Nabitin ka ba...Sweetheart???" Natatawang saad ni Grant at hinalikan ang noo ng kanyang bestfriend."Hayyy naku tumigil ka nga sa kaka- ganyan mo... Nawiwerduhan ako sayo eh!"Salubong ang kilay na saad ni Moira."Hindi ka lang sanay kasi lagi tayong nag- aaway pag magkasama, pero ngayon gusto kong maglambing sayo." Malambing na sagot ni Grant sa dala
Tahimik lang sila habang nasa byahe, si baby Prince naman ay nakatulog na. Malungkot si Grant dahil aalis na sila Moira at kanyang anak . Hindi niya alam kung magkikita pa ba silang muli. Pagkarating nila apartment ay inalalaya niya sa pagbaba sila Moira at baby Prince."Mag- usap tayo sa loob Grant." Saad ni Moira at nauna ng pumasok sa kanyang apartment."Okey sige... akin na si baby Prince, ako na maglalapag sa kanya." Pagpresinta niya na buhatin ang kanyang anak. At tinugunan naman ni Moira kaya binigay niya ang sanggol sa ama nito.Pagkabukas ng pinto ay agad ng pumasok sa loob si Grant at dahan- dahan nilapag ang sanggol sa higaan nito. Nag- timpla naman ng kape si Moira para sa kanilang dalawa. At iniabot niya ito Grant at magkaharap silang umupo sa lamesa. "Gagawi mo talaga... kaya mong isakripisyo ang mga pangarap mo para sa anak ko..???" Seryosong tanong ni Grant sa kanyang bestfriend."Oo naman... May isa akong salita Grant, at ako na lang ang meron kay baby Prince. Hindi
Maaga gumising si Moira para gawin pa ang ibang projects at reports ng kanyang mga kaklase, sideline niya ito para pang dagdag sa kanyang allowance. Pangbayad sa kanyang renta ng apartment, tubig, kuryente, pagkain at ibang expenses niya sa school. Isang taon na lang gagraduate na siya. Gusto na talaga niya makahanap ng trabaho na may maayos na sweldo at pang matagalan pra makatulong sa kanyang pamilya sa probinsya. Alas-onse pa naman ang kanyang pasok sa first subject, kaya matatapos pa niya lahat ng kanyang gagawin. Nagtitimpla siya kanya kape ng bigla tumunog ang kanyang celphone at nkarehistro ang pangalan ng kanyang bestfriend na si Gregory Grant. Agad naman niya itong sinagot, mainitin pa naman ang ulo nito." Hello Grant, napatawag ka...?" Nagtatakang tanong ni Moira."Moi... Punta ka muna dito sa condo ko,at pakibilisan mo!" Iritableng sabi ni Grant sa kabilang linya."Sige, sandali lang kasi may mga tatapusin lang ako na mga projects at reports. Pupunta ako diyan bago ako pum...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments