Sweetest Love

Sweetest Love

last updateHuling Na-update : 2023-11-18
By:  KheiceeBlueWritesKumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 Mga Ratings. 4 Rebyu
113Mga Kabanata
11.0Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Nagmula si Yannie Ace Ruiz sa isang simple at payak na pamilya. Pangalawa siya sa limang magkakapatid. Wala sa bokabularyo niya ang pagkakaroon ng kasintahan, sapagkat abala siya sa kanyang pag-aaral ng mabuti, pag-aalaga ng mga kapatid, at pagtulong sa kanyang mga magulang. Bukod sa mga nabanggit ay abala rin siya sa pagiging fan girl ng 4SBLUE. Mahal na mahal niya ang nasabing banda at masayang-masaya siya sa tuwing napapanood ang mga ito. Kaya naman kuntento na siya at ayos lang sa kanya kung wala siyang nobyo 'di tulad ng kanyang mga kaibigan. But, not until he met Josh Rain Montez. Nakilala niya ang binata dahil sa naging online slash virtual friend niya na fan din ng 4SBLUE at iba pang mga kpop group. At mula nang ipagkatiwala niya ang puso niya rito ay nagbago na ang takbo ng kanyang buhay. Ang dating simple at payapa, ay nagkaroon na ng kakaibang gulo at saya. Malayong-malayo kasi ito sa inaasahan niya. Mayaman ang binata, nag-iisang anak, famous, habulin ng mga babae, gwapo, talented, sweet, at possessive pagdating sa kanya! Pakiramdam niya ay napakahaba ng kanyang buhok dahil patay na patay ito sa kanya. Na kahit hadlangan sila ng sibat o anomang bagyo ay nakahanda nitong ipaglaban ang pagmamahal para sa kanya. 'Yong dating sa mga libro lang niya nababasa, o 'di kaya'y sa mga drama sa telebisyon lang niya napapanood, ay nangyayari ngayon sa kanya. Will their love win overall?

view more

Kabanata 1

Prologue:

"Hoy, Yannie!" Nagitla ako sa malakas na pagtawag sa akin ni Belle na siyang katabi ko lang naman.

"Grabe, makasigaw wagas?" komento ko sa kanya habang sapo-sapo ko ang aking dibdib dahil sa gulat.

"Nakailang tawag na kasi kaya ako sa iyo pero hindi mo ako pinapansin. Baka malusaw na si Kris niyan sa kakatitig mo sa kanya," pagalit na sabi naman sa akin ni Belle. Naramdaman ko naman kaagad ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Alam mo, friend, halatang-halata naman na in love ka sa manliligaw mo. Bakit kasi hindi mo pa sagutin?" tanong niya pa habang paulit-ulit na pinapaypayan ang sarili.

Kasulukuyang nasa gymnasium kami ng school namin ngayon upang manood ng laban ng basketball. Intramurals kasi ng school namin at kabilang si Kris sa basketball player na naglalaro ngayon.

Mahigit dalawang buwan nang nanliligaw sa akin si Kris. At kahit na gusto ko na rin naman siya ay hindi ako makakuha ng tamang tyempo kung paano ko sasabihin sa kanya iyon. Bukod doon, iniisip ko rin kasi na baka magalit ang mga magulang ko kapag nalaman nila kung sakali na may boyfriend na ako. Madalas kasi akong pinapaalalahanan ng aking ama na hindi pa tamang panahon para pumasok ako sa isang relasyon. Bagay na tulad ng ilang mga kabataan, ay gusto kong pagrebeldehan. Ang hirap naman kasing pigilan ng puso kapag natuto na itong tumibok para sa iba.

"Bago tayo magtapos ng senior high ay baka doon ko na siya sagutin," kinikilig na tugon ko kay Belle.

"Ay iba rin. Nakaplano na pala talaga. Kaso ilang buwan pa iyon. Baka naman mainip 'yang si papa Kris mo. Sige ka, baka makahanap ng iba iyan," nakatawang biro sa akin ni Belle na siyang ikinabahala ko.

Gusto ko si Kris. Gusto kong siya na ang maging first and last boyfriend ko. Kaya naman... siguro nga tama si Belle. Kailangan ko na sigurong suklian ng matamis na oo ang matiyagang panliligaw sa akin ni Kris.

Nang matapos ang paglalaro nila Kris ay mabilis niya akong nilapitan.

"Congrats, ang galing mo kanina!" masayang bati ko sa kanya.

"Thank you. Ginanahan ako sa laro dahil nanonood ka," nakangiting sabi naman niya sa akin na ramdam kong nagpapula sa magkabilang pisngi ko. Pigil ko ang paglabas ng malapad at matamis na ngiti sa mga labi ko, pero sa huli ay bigo ako. Lalo pa nang masuyo niyang inabot at hinawakan ang mga kamay ko. "Napagod ako ng sobra, pero ngayon pakiramdam ko ay full of energy na ulit ako. Dahil nakita na ulit kita nang malapitan," malambing na wika niya pa habang nananatiling hawak ang mga kamay ko.

Kumabog ang dibdib ko dahil doon at hindi ko na nga maitatanggi pa, talagang gusto at hulog na hulog na ako sa kanya.

"Uhm... Kris, after ng intrams natin, sa sabado, magkita tayo sa harapan ng school natin. Kung saan ka... unang nagtapat sa akin," marahan na sabi ko sa kanya.

"Bakit? Anong mayroon no'n?" tanong niya.

"May sasabihin ako sa iyo sa araw na iyon. Kaya magkita tayo roon," tugon ko saka ko siya muling nginitian.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at tiningnan iyon. Napasinghap siya.

"Ang tagal pa ng sabado. Huwebes pa lang ngayon. Excited na akong malaman kung ano ang sasabihin mo," aniya.

"Huwag kang mag-alala, malalaman mo rin iyon sa darating na sabado," saad ko pagkatapos ay matamis kaming nagngitian na dalawa, habang hawak pa rin niya ang mga kamay ko.

"Sige na nga. Kayang-kaya ko namang maghintay eh," mayabang na sabi niya pa saka niya kinuha ang bag ko na nasa tabi at isinuot sa kanya. "Tara, ihahatid na kita sa sakayan pauwi sa inyo. Bawal kang gabihin ng uwi."

Nakangiting tumango ako sa kanya saka kami sabay na naglakad hanggang sa paglabas ng school.

Ngunit tunay nga na sadyang may hangganan ang lahat ng bagay. Dahil sa isang iglap, ang malambing, mainit at masuyong pakikitungo sa akin ni Kris ay siyang unti-unti nang nagbago. Noong biyernes ay maghapon niya akong hindi kinausap, kahit text message ay wala rin akong natanggap mula sa kanya. Mag-isa rin akong umuwi no'n dahil hindi niya ako inihatid sa sakayan, katulad nang madalas niyang ginagawa.

Hindi ko alam kung anong problema o kung may nangyari ba sa kanya. Hanggang sa, dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na ang buong akala ko ay siyang panimula ng mala-fairy tale na kwento ng buhay pag-ibig ko. Ngunit hindi ko alam na... isa pala iyon sa araw na siyang pagsisisihan ko.

Mahigit tatlong oras akong naghintay sa kanya sa lugar na kung saan ay napagkasunduan namin na pagkikitaan naming dalawa. Naghintay ako nang naghintay hanggang sa dumilim na. Naghintay ako nang naghintay hanggang sa dumating siya.

Dumating siyang may mga malamig na tingin sa akin. At mabilis na naramdaman ng puso ko ang sakit dahil doon.

"M-Mabuti at dumating ka," usal ko sa kanya.

Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. At labis ko iyong ikinabahala.

"Ano ‘yong sasabihin mo?" malamig na tanong niya sa akin.

"Uhm... Kris... m-may problema ba tayo?" tanong ko.

Marahan siyang tumingin sa akin na tila ba nagulat sa naging tanong ko sa kanya.

"What do you mean?" tanong niya pabalik sa akin.

"Kahapon kasi, hindi ka nagpakita sa akin. H-Hindi mo rin ako kinausap buong maghapon. Hindi ka rin... sumasagot sa mga tawag at text messages ko sa iyo. Nag-alala ako sa iyo. May... problema ba? May problema ba tayo?"

"Yannie, wala namang tayo.”

"Huh?"

Nakita ko ang walang emosyon na mga titig niya sa akin. Ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan noon. And I am wondering, anong nangyari?

Suminghap siya saka muling tumitig sa mga mata ko.

"May sasabihin din talaga ako sa iyo kaya ako nagpunta rito," wika niya.

"G-Ganoon ba?"

"Ano 'yong sasabihin mo?"

"Ikaw na ang mauna. Ano ba 'yong sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya.

Kinagat niya ang ibabang labi niya at sandaling natigilan na para bang nag-iisip ng mabuti sa mga salitang bibitiwan niya.

"Yannie... may girlfriend na ako," deretsyong sabi niya na parang nagpabingi sandali sa akin.

"Huh? A-Anong ibig mong... sabihin?" marahan na tanong ko.

"Kami na ni Belle," tugon niya.

"S-Si... si Belle?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "K-Kailan pa?"

"Kahapon," simpleng tugon niya.

"K-Kaya ba... maghapon mo akong hindi kinausap kahapon? Kasi... kayo na ng kaibigan ko?" Nagsimulang mag-ulap ang mga paningin ko pero nanatiling tahimik lamang si Kris sa harapan ko. Pinilit kong tatagan ang loob ko kaya kahit na nakakaramdam ng sakit ang puso ko, at gustong bumagsak ng mga luha ko ay pinigilan ko ang mga iyon. "Okay. Ang sasabihin ko lang naman sa iyo ay... bina-basted na kita," pagsisinungaling ko.

"Huh?"

"Hindi talaga kita gusto. Kahit anong pilit ko hindi kita magawang magustuhan. Kaya... mabuti na rin na kayo na ni Belle. At least hindi mabigat sa loob ko na baka nasaktan lang kita."

"Yannie..."

"Sige na, aalis na ako. Paalam." At nagsimula na nga akong tumalikod sa kanya at maglakad palayo.

Ang sayang nararamdaman ko noon dahil kay Kris ay hindi ko inaasahang magwawakas din pala sa huli. Pinakilig lang ako saglit. Tapos basta na lang itinapon na parang basura. Itinapon dahil biglang nagsawa na. Itinapon dahil may iba na agad na gusto.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Pennieee
Highly recommended!! ♡♡
2023-11-04 20:14:46
1
user avatar
KheiceeBlueWrites
Read Sweetest Love now!
2023-10-05 16:22:08
0
user avatar
Misha
kakilig po. thank you ms a
2023-02-04 13:53:18
1
user avatar
Lian Heart
exciting po bawat chapter...
2023-02-04 13:47:56
1
113 Kabanata
Prologue:
"Hoy, Yannie!" Nagitla ako sa malakas na pagtawag sa akin ni Belle na siyang katabi ko lang naman."Grabe, makasigaw wagas?" komento ko sa kanya habang sapo-sapo ko ang aking dibdib dahil sa gulat."Nakailang tawag na kasi kaya ako sa iyo pero hindi mo ako pinapansin. Baka malusaw na si Kris niyan sa kakatitig mo sa kanya," pagalit na sabi naman sa akin ni Belle. Naramdaman ko naman kaagad ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Alam mo, friend, halatang-halata naman na in love ka sa manliligaw mo. Bakit kasi hindi mo pa sagutin?" tanong niya pa habang paulit-ulit na pinapaypayan ang sarili.Kasulukuyang nasa gymnasium kami ng school namin ngayon upang manood ng laban ng basketball. Intramurals kasi ng school namin at kabilang si Kris sa basketball player na naglalaro ngayon.Mahigit dalawang buwan nang nanliligaw sa akin si Kris. At kahit na gusto ko na rin naman siya ay hindi ako makakuha ng tamang tyempo kung paano ko sasabihin sa kanya iyon. Bukod doon, iniisi
last updateHuling Na-update : 2022-12-20
Magbasa pa
Chapter 1: Fan Girling
Yannie Ace Ruiz"Veron, bilisan mo naman at baka ma-late tayo! Dali!" malakas na sigaw ko mula sa sala ng bahay nina Veron. At ilang sandali pa nang nagmamadali namang lumabas ng kwarto si Veron habang basang-basa pa ang magulo nitong buhok."Oo na nga. Ito naman taeng-tae lang 'te?" aniya sabay irap sa akin."Dalian mo! Baka ma-late tayo tapos sa dulo pa tayo mapapunta niyan!" pagmamadaling sabi ko sa kanya kasabay ng mabilis kong paghigit sa kanya palabas ng bahay nila."Sandali! Hindi pa ako nakakapagsuklay!" reklamo niya pero patuloy ko lamang siyang hinihila palabas."Tita, aalis na po kami ni Veron!" paalam ko sa nanay ni Veron na siyang abala ngayon sa pagwawalis sa tapat ng bahay nila."O, sige. Mag-iingat kayong dalawa ha. Malayo ang Manila at baka maligaw kayo!" Narinig pa naming sigaw nito.Mabilis kaming pumara ni Veron ng tricycle para sumakay roon. Ilang minuto pa ang lumipas ay ibinaba kami nito sa highway. Pagkatapos ay agad naman kaming naglakad ni Veron patungo sa te
last updateHuling Na-update : 2022-12-20
Magbasa pa
Chapter 2: Moved On
Yannie Ace Ruiz"Ako po si Yannie Ace. Pero Yannie na lang po ang itawag mo sa akin," magalang na tugon ko kay ate mo girl. Halata naman din kasi sa itsura niya na hindi na siya estudyante katulad namin ni Veron. Na mas matanda siya sa amin siguro ng ilang taon.Nakangiting nakipagkamay sa akin si ate Rica. Hanggang sa, nilapitan na rin kami ng ibang mga babae na kasama niya."Hi! I'm Renalyn.""Ako naman si Becca.""Hello, I'm Christine!""Ako si Jan."Pagpapakilala sa akin ng mga kasama ni ate Rica. Isa-isa ko silang kinamayan at nagpakilala rin ako sa kanila. Bago kami tuluyang umuwi ni Veron ay sumama na muna kami sa grupo nila para sumabay sa pagkain ng dinner."So, ilang taon ka na, Yannie? Working ka na rin ba?" tanong sa akin ni ate Becca."20 years old na po ako. 2nd year college po. Pareho po kami ni Veron, classmate ko po siya," tugon ko."Really? Anong kurso mo?" tanong naman ni ate Rica."BSOA po. Bachelor of Sciene in Office Administration po.""Oh, saang school? Taga sa
last updateHuling Na-update : 2022-12-20
Magbasa pa
Chapter 3: Introduce
Yannie Ace Ruiz"Minahal kita, Yannie. Minahal kita ng totoo."Malalim akong napasinghap dahil sa mga salitang iyon na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko. Bakit may mga taong ang dali na lang sabihin para sa kanila ang salitang mahal na hindi naman kayang panindigan? Nang dahil sa mga tulad nila, nawawalan na tuloy ng tunay na halaga ang mga salitang iyon. Na para bang nagagamit na lamang ang mga salitang iyon para makapanloko ng iba.Nang makita ko kanina si Kris ay wala naman na talaga akong naramdaman. Pwera na lang sa inis matapos niyang sabihin sa akin na minahal niya daw ako. Bakit kailangan niya pang sabihin sa akin iyon? Sino bang gusto niyang lokohin? Minahal niya ako pero ganoon ang ginawa nila sa akin ni Bella? Oo hindi naman naging kami, pero, niloko pa rin nila ako. ‘Yong dalawang buwan na panliligaw niya sa akin noon ay mabilis na natabunan ng isang araw nila ni Bella.Mabilis akong napailing para maalis na sa isipan ko sina Kris at Bella. Ayaw ko na silang isipin pa.
last updateHuling Na-update : 2022-12-20
Magbasa pa
Chapter 4: Pissed Off
Josh Rain MontezMabilis kong nasalo ang ipinasang bola sa akin ni Ramil at agad ko naman iyong itinira sa basketball ring. And as expected, pasok na pasok at walang mintis ang laro ko ngayong araw.“Whoa! Napakagaling mo talaga papa Josh!” nakatawang pang-aalaska sa akin ni Ramil kasabay ng pag-apir nito sa akin. Natatawang napailing naman ako dito saka ako naupo sa bench namin dahil tumawag ng time-out ang head coach ng kabilang team.Kinuha ko ang bottled water saka ininom ang laman no’n. At pagkuwan ay narinig ko ang pag-iingay ng cellphone ko mula sa loob ng bag ko. Kinuha ko iyon at nakita ko ang pag-appear ng pangalan ni Sissy—ang pinsan kong si Ate Rica, sa screen ng cellphone ko. At bago pa man magsimula ulit ang laro ay mabilis ko na iyong sinagot."Bakit—” Ngunit agad din akong natigilan nang bigla akong putulin ni Sissy mula sa kabilang linya."Where are you now?" mabilis nitong tanong sa akin."Why—”"We're going to Laguna. Samahan mo kami," putol ulit nito sa akin."What
last updateHuling Na-update : 2022-12-30
Magbasa pa
Chapter 5: Fetch
Josh Rain MontezMalakas akong tinawanan ni Sissy dahil sa sinabi ko. “Don’t worry, Josh. Soon mami-meet mo din siya,” saad nito sa akin.Hindi alam ni Sissy na ang best friend niyang si Aika ang first love ko. At ayaw ko din naman iyong ipaalam sa kanila dahil masaya naman na ako at kuntento sa pagiging magkaibigan namin ni Aika. Ayaw ko lang talaga na tinatrato siya ng ganoon ng ibang lalaki dahil hindi niya iyon deserve.At dahil ginabi na kami sa daan ni Sissy ay nag-drive thru na lang kami para sa dinner namin. Napansin ko naman na abalang-abala si Sissy sa kakatipa sa cellphone niya. Panay din ang pagtunog nito habang hawak niya.“Akala ko may flight pa si Rodnie ngayon?” pagkuwan ay tanong ko kay Sissy. Tinutukoy ang boyfriend nitong piloto.“Mayroon nga. Mamaya ko pa siya makakausap,” tugon naman nito sa akin.“Eh sino ‘yang kausap mo? Si Aika?” tanong kong muli dito.“No. Busy na iyon sa jowa niya dahil kasama na niya,” natatawang sagot ni Sissy sa akin na siyang hindi ko nam
last updateHuling Na-update : 2023-01-03
Magbasa pa
Chapter 6: Holding Back
Yannie Ace Ruiz“Huh?” gulat na reaksyon ko kay Jomar.Naglakad palapit sa akin si Jomar saka kinuha ang padlock ng store. Pagkatapos no’n ay dumeretsyo na siya sa labas. “Hindi ka pa lalabas?” tanong nito sa akin saka ako mabilis na kumilos. Kinuha ko ang bag ko saka ako sumunod sa kanya.Tuwing umaga lang bukas ang convenience store na ito dahil busy pa si Mrs. Maricel sa inaasikaso nito tungkol sa pamilya. Pero dati daw, ayon kay Jomar ay 24/7 itong bukas at si Mrs. Maricel ang nagbabantay sa gabi o sa tuwing wala si Jomar at hindi nakakapasok.Naging abala si Jomar sa pagsasara ng store. Mabuti na lang din talaga at dumating siya dahil mahihirapan din akong ibaba ang rolling steel door ng convenience store. At habang hinihintay ko siyang matapos sa pagsasara ng store ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang pangalan ni Josh na nag-appear sa screen ng cellphone ko. He is calling! At hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko dahil ito ang unang be
last updateHuling Na-update : 2023-01-04
Magbasa pa
Chapter 7: Like
Josh Rain Montez“Nice game, Josh!” nakangiting bati sa akin ni Byron sabay tapik nito sa braso ko.“Ang galing mo talaga, Papa Josh!” nakatawang sabi naman ni Ramil sabay akbay nito sa akin habang naglalakad kami pabalik sa bench namin.Pagod akong naupo doon saka nagpunas ng pawis ko. At pagkuwan ay inabutan ako ng bottled water ng isa kong ka-team at uhaw ko namang ininom iyon. Katulad ng palaging nangyayari ay panalo ulit kami sa basketball tournament ng University namin. At isang laban na lang ay makakarating na kami sa finals, kung saan ang mananalo ang siyang lalahok o magre-represent sa University para sa National Collegiate Basketball Tournament.Pagkainom ko sa bottled water ay agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko. Nakita ko ang unread text message sa akin ni Yannie kaya naman agad kong binuksan iyon.From Yannie Ace:Good luck sa game niyo (smiley emoji)Napangiti ako saka ako mabilis na nagtipa ng reply sa kanya.To Yannie Ace:Thank you. Tapos na ang game nami
last updateHuling Na-update : 2023-01-05
Magbasa pa
Chapter 8: Where You Are
Yannie Ace RuizHindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig lamang sa screen ng cellphone ko. Maya’t maya ko itong tina-tap ng mahina at nag-aabang lamang kung kailan ako makakatanggap muli ng mensahe mula kay Josh. Ang sabi niya kanina ay may gagawin lang daw siya pero halos apat na oras na ang nakalipas pero wala pa din siyang mensahe ulit sa akin. Nakauwi na ako mula sa palengke kanina, nakagawa na ng ibang gawaing bahay at nakapaghapunan na din pero wala pa din siyang text message ulit sa akin.“Kaninong text ba ang hinihintay mo, Ate?” pagkuwan ay biglang tanong sa akin ni Yuri na kanina pa pala ako pinagmamasdan sa aking tabi.“Huh?”“Kanina ka pa kasi nakatitig dyan eh,” puna niya.Umayos ako ng upo saka nagpatikhim. “Wala akong hinihintay na text,” pagkakaila ko sa kanya. Ilang sandali lang nang mabilis na umilaw at nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman iyong hinawakan at tiningnan. Pero mabilis din akong natigilan at napalingon kay Yuri nang maramdaman kong na
last updateHuling Na-update : 2023-01-09
Magbasa pa
Chapter 9: Picture
Yannie Ace RuizNagising ako nang mag-ingay ang alarm ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa iyon sa tabi ng higaan ko saka iyon pinatay. Nag-unat pa ako saka kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagmulat ko ng aking mga mata. Antok na antok pa ako sa totoo lang dahil late na akong nakatulog kagabi. Pero nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako late na nakatulog kagabi ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.Bumangon ako saka ko tiningnan ang cellphone ko. Mayroon akong unread text message. Nakangiting binuksan at binasa ko iyon.From Josh Rain: Good morning (smiley emoji)Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nagta-type ng reply sa kanya.To Josh Rain: Good morning din (smiley emoji)“Ate? Okay ka lang?” Napalingon ako nang marinig ang boses ng kapatid ko. Si James. Nakasilip ito mula sa pinto ng kwarto.“Huh?”“Kanina pa ako kumakatok. Gising ka na pala pero hindi ka naman sumasagot. Tapos… nakangiti ka diyan sa cellphone mo,” nagtatakang puna niya sa akin
last updateHuling Na-update : 2023-01-11
Magbasa pa
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status