"Hoy, Yannie!" Nagitla ako sa malakas na pagtawag sa akin ni Belle na siyang katabi ko lang naman.
"Grabe, makasigaw wagas?" komento ko sa kanya habang sapo-sapo ko ang aking dibdib dahil sa gulat.
"Nakailang tawag na kasi kaya ako sa iyo pero hindi mo ako pinapansin. Baka malusaw na si Kris niyan sa kakatitig mo sa kanya," pagalit na sabi naman sa akin ni Belle. Naramdaman ko naman kaagad ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Alam mo, friend, halatang-halata naman na in love ka sa manliligaw mo. Bakit kasi hindi mo pa sagutin?" tanong niya pa habang paulit-ulit na pinapaypayan ang sarili.
Kasulukuyang nasa gymnasium kami ng school namin ngayon upang manood ng laban ng basketball. Intramurals kasi ng school namin at kabilang si Kris sa basketball player na naglalaro ngayon.
Mahigit dalawang buwan nang nanliligaw sa akin si Kris. At kahit na gusto ko na rin naman siya ay hindi ako makakuha ng tamang tyempo kung paano ko sasabihin sa kanya iyon. Bukod doon, iniisip ko rin kasi na baka magalit ang mga magulang ko kapag nalaman nila kung sakali na may boyfriend na ako. Madalas kasi akong pinapaalalahanan ng aking ama na hindi pa tamang panahon para pumasok ako sa isang relasyon. Bagay na tulad ng ilang mga kabataan, ay gusto kong pagrebeldehan. Ang hirap naman kasing pigilan ng puso kapag natuto na itong tumibok para sa iba.
"Bago tayo magtapos ng senior high ay baka doon ko na siya sagutin," kinikilig na tugon ko kay Belle.
"Ay iba rin. Nakaplano na pala talaga. Kaso ilang buwan pa iyon. Baka naman mainip 'yang si papa Kris mo. Sige ka, baka makahanap ng iba iyan," nakatawang biro sa akin ni Belle na siyang ikinabahala ko.
Gusto ko si Kris. Gusto kong siya na ang maging first and last boyfriend ko. Kaya naman... siguro nga tama si Belle. Kailangan ko na sigurong suklian ng matamis na oo ang matiyagang panliligaw sa akin ni Kris.
Nang matapos ang paglalaro nila Kris ay mabilis niya akong nilapitan.
"Congrats, ang galing mo kanina!" masayang bati ko sa kanya.
"Thank you. Ginanahan ako sa laro dahil nanonood ka," nakangiting sabi naman niya sa akin na ramdam kong nagpapula sa magkabilang pisngi ko. Pigil ko ang paglabas ng malapad at matamis na ngiti sa mga labi ko, pero sa huli ay bigo ako. Lalo pa nang masuyo niyang inabot at hinawakan ang mga kamay ko. "Napagod ako ng sobra, pero ngayon pakiramdam ko ay full of energy na ulit ako. Dahil nakita na ulit kita nang malapitan," malambing na wika niya pa habang nananatiling hawak ang mga kamay ko.
Kumabog ang dibdib ko dahil doon at hindi ko na nga maitatanggi pa, talagang gusto at hulog na hulog na ako sa kanya.
"Uhm... Kris, after ng intrams natin, sa sabado, magkita tayo sa harapan ng school natin. Kung saan ka... unang nagtapat sa akin," marahan na sabi ko sa kanya.
"Bakit? Anong mayroon no'n?" tanong niya.
"May sasabihin ako sa iyo sa araw na iyon. Kaya magkita tayo roon," tugon ko saka ko siya muling nginitian.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at tiningnan iyon. Napasinghap siya.
"Ang tagal pa ng sabado. Huwebes pa lang ngayon. Excited na akong malaman kung ano ang sasabihin mo," aniya.
"Huwag kang mag-alala, malalaman mo rin iyon sa darating na sabado," saad ko pagkatapos ay matamis kaming nagngitian na dalawa, habang hawak pa rin niya ang mga kamay ko.
"Sige na nga. Kayang-kaya ko namang maghintay eh," mayabang na sabi niya pa saka niya kinuha ang bag ko na nasa tabi at isinuot sa kanya. "Tara, ihahatid na kita sa sakayan pauwi sa inyo. Bawal kang gabihin ng uwi."
Nakangiting tumango ako sa kanya saka kami sabay na naglakad hanggang sa paglabas ng school.
Ngunit tunay nga na sadyang may hangganan ang lahat ng bagay. Dahil sa isang iglap, ang malambing, mainit at masuyong pakikitungo sa akin ni Kris ay siyang unti-unti nang nagbago. Noong biyernes ay maghapon niya akong hindi kinausap, kahit text message ay wala rin akong natanggap mula sa kanya. Mag-isa rin akong umuwi no'n dahil hindi niya ako inihatid sa sakayan, katulad nang madalas niyang ginagawa.
Hindi ko alam kung anong problema o kung may nangyari ba sa kanya. Hanggang sa, dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na ang buong akala ko ay siyang panimula ng mala-fairy tale na kwento ng buhay pag-ibig ko. Ngunit hindi ko alam na... isa pala iyon sa araw na siyang pagsisisihan ko.
Mahigit tatlong oras akong naghintay sa kanya sa lugar na kung saan ay napagkasunduan namin na pagkikitaan naming dalawa. Naghintay ako nang naghintay hanggang sa dumilim na. Naghintay ako nang naghintay hanggang sa dumating siya.
Dumating siyang may mga malamig na tingin sa akin. At mabilis na naramdaman ng puso ko ang sakit dahil doon.
"M-Mabuti at dumating ka," usal ko sa kanya.
Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. At labis ko iyong ikinabahala.
"Ano ‘yong sasabihin mo?" malamig na tanong niya sa akin.
"Uhm... Kris... m-may problema ba tayo?" tanong ko.
Marahan siyang tumingin sa akin na tila ba nagulat sa naging tanong ko sa kanya.
"What do you mean?" tanong niya pabalik sa akin.
"Kahapon kasi, hindi ka nagpakita sa akin. H-Hindi mo rin ako kinausap buong maghapon. Hindi ka rin... sumasagot sa mga tawag at text messages ko sa iyo. Nag-alala ako sa iyo. May... problema ba? May problema ba tayo?"
"Yannie, wala namang tayo.”
"Huh?"
Nakita ko ang walang emosyon na mga titig niya sa akin. Ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan noon. And I am wondering, anong nangyari?
Suminghap siya saka muling tumitig sa mga mata ko.
"May sasabihin din talaga ako sa iyo kaya ako nagpunta rito," wika niya.
"G-Ganoon ba?"
"Ano 'yong sasabihin mo?"
"Ikaw na ang mauna. Ano ba 'yong sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
Kinagat niya ang ibabang labi niya at sandaling natigilan na para bang nag-iisip ng mabuti sa mga salitang bibitiwan niya.
"Yannie... may girlfriend na ako," deretsyong sabi niya na parang nagpabingi sandali sa akin.
"Huh? A-Anong ibig mong... sabihin?" marahan na tanong ko.
"Kami na ni Belle," tugon niya.
"S-Si... si Belle?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "K-Kailan pa?"
"Kahapon," simpleng tugon niya.
"K-Kaya ba... maghapon mo akong hindi kinausap kahapon? Kasi... kayo na ng kaibigan ko?" Nagsimulang mag-ulap ang mga paningin ko pero nanatiling tahimik lamang si Kris sa harapan ko. Pinilit kong tatagan ang loob ko kaya kahit na nakakaramdam ng sakit ang puso ko, at gustong bumagsak ng mga luha ko ay pinigilan ko ang mga iyon. "Okay. Ang sasabihin ko lang naman sa iyo ay... bina-basted na kita," pagsisinungaling ko.
"Huh?"
"Hindi talaga kita gusto. Kahit anong pilit ko hindi kita magawang magustuhan. Kaya... mabuti na rin na kayo na ni Belle. At least hindi mabigat sa loob ko na baka nasaktan lang kita."
"Yannie..."
"Sige na, aalis na ako. Paalam." At nagsimula na nga akong tumalikod sa kanya at maglakad palayo.
Ang sayang nararamdaman ko noon dahil kay Kris ay hindi ko inaasahang magwawakas din pala sa huli. Pinakilig lang ako saglit. Tapos basta na lang itinapon na parang basura. Itinapon dahil biglang nagsawa na. Itinapon dahil may iba na agad na gusto.
Yannie Ace Ruiz"Veron, bilisan mo naman at baka ma-late tayo! Dali!" malakas na sigaw ko mula sa sala ng bahay nina Veron. At ilang sandali pa nang nagmamadali namang lumabas ng kwarto si Veron habang basang-basa pa ang magulo nitong buhok."Oo na nga. Ito naman taeng-tae lang 'te?" aniya sabay irap sa akin."Dalian mo! Baka ma-late tayo tapos sa dulo pa tayo mapapunta niyan!" pagmamadaling sabi ko sa kanya kasabay ng mabilis kong paghigit sa kanya palabas ng bahay nila."Sandali! Hindi pa ako nakakapagsuklay!" reklamo niya pero patuloy ko lamang siyang hinihila palabas."Tita, aalis na po kami ni Veron!" paalam ko sa nanay ni Veron na siyang abala ngayon sa pagwawalis sa tapat ng bahay nila."O, sige. Mag-iingat kayong dalawa ha. Malayo ang Manila at baka maligaw kayo!" Narinig pa naming sigaw nito.Mabilis kaming pumara ni Veron ng tricycle para sumakay roon. Ilang minuto pa ang lumipas ay ibinaba kami nito sa highway. Pagkatapos ay agad naman kaming naglakad ni Veron patungo sa te
Yannie Ace Ruiz"Ako po si Yannie Ace. Pero Yannie na lang po ang itawag mo sa akin," magalang na tugon ko kay ate mo girl. Halata naman din kasi sa itsura niya na hindi na siya estudyante katulad namin ni Veron. Na mas matanda siya sa amin siguro ng ilang taon.Nakangiting nakipagkamay sa akin si ate Rica. Hanggang sa, nilapitan na rin kami ng ibang mga babae na kasama niya."Hi! I'm Renalyn.""Ako naman si Becca.""Hello, I'm Christine!""Ako si Jan."Pagpapakilala sa akin ng mga kasama ni ate Rica. Isa-isa ko silang kinamayan at nagpakilala rin ako sa kanila. Bago kami tuluyang umuwi ni Veron ay sumama na muna kami sa grupo nila para sumabay sa pagkain ng dinner."So, ilang taon ka na, Yannie? Working ka na rin ba?" tanong sa akin ni ate Becca."20 years old na po ako. 2nd year college po. Pareho po kami ni Veron, classmate ko po siya," tugon ko."Really? Anong kurso mo?" tanong naman ni ate Rica."BSOA po. Bachelor of Sciene in Office Administration po.""Oh, saang school? Taga sa
Yannie Ace Ruiz"Minahal kita, Yannie. Minahal kita ng totoo."Malalim akong napasinghap dahil sa mga salitang iyon na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko. Bakit may mga taong ang dali na lang sabihin para sa kanila ang salitang mahal na hindi naman kayang panindigan? Nang dahil sa mga tulad nila, nawawalan na tuloy ng tunay na halaga ang mga salitang iyon. Na para bang nagagamit na lamang ang mga salitang iyon para makapanloko ng iba.Nang makita ko kanina si Kris ay wala naman na talaga akong naramdaman. Pwera na lang sa inis matapos niyang sabihin sa akin na minahal niya daw ako. Bakit kailangan niya pang sabihin sa akin iyon? Sino bang gusto niyang lokohin? Minahal niya ako pero ganoon ang ginawa nila sa akin ni Bella? Oo hindi naman naging kami, pero, niloko pa rin nila ako. ‘Yong dalawang buwan na panliligaw niya sa akin noon ay mabilis na natabunan ng isang araw nila ni Bella.Mabilis akong napailing para maalis na sa isipan ko sina Kris at Bella. Ayaw ko na silang isipin pa.
Josh Rain MontezMabilis kong nasalo ang ipinasang bola sa akin ni Ramil at agad ko naman iyong itinira sa basketball ring. And as expected, pasok na pasok at walang mintis ang laro ko ngayong araw.“Whoa! Napakagaling mo talaga papa Josh!” nakatawang pang-aalaska sa akin ni Ramil kasabay ng pag-apir nito sa akin. Natatawang napailing naman ako dito saka ako naupo sa bench namin dahil tumawag ng time-out ang head coach ng kabilang team.Kinuha ko ang bottled water saka ininom ang laman no’n. At pagkuwan ay narinig ko ang pag-iingay ng cellphone ko mula sa loob ng bag ko. Kinuha ko iyon at nakita ko ang pag-appear ng pangalan ni Sissy—ang pinsan kong si Ate Rica, sa screen ng cellphone ko. At bago pa man magsimula ulit ang laro ay mabilis ko na iyong sinagot."Bakit—” Ngunit agad din akong natigilan nang bigla akong putulin ni Sissy mula sa kabilang linya."Where are you now?" mabilis nitong tanong sa akin."Why—”"We're going to Laguna. Samahan mo kami," putol ulit nito sa akin."What
Josh Rain MontezMalakas akong tinawanan ni Sissy dahil sa sinabi ko. “Don’t worry, Josh. Soon mami-meet mo din siya,” saad nito sa akin.Hindi alam ni Sissy na ang best friend niyang si Aika ang first love ko. At ayaw ko din naman iyong ipaalam sa kanila dahil masaya naman na ako at kuntento sa pagiging magkaibigan namin ni Aika. Ayaw ko lang talaga na tinatrato siya ng ganoon ng ibang lalaki dahil hindi niya iyon deserve.At dahil ginabi na kami sa daan ni Sissy ay nag-drive thru na lang kami para sa dinner namin. Napansin ko naman na abalang-abala si Sissy sa kakatipa sa cellphone niya. Panay din ang pagtunog nito habang hawak niya.“Akala ko may flight pa si Rodnie ngayon?” pagkuwan ay tanong ko kay Sissy. Tinutukoy ang boyfriend nitong piloto.“Mayroon nga. Mamaya ko pa siya makakausap,” tugon naman nito sa akin.“Eh sino ‘yang kausap mo? Si Aika?” tanong kong muli dito.“No. Busy na iyon sa jowa niya dahil kasama na niya,” natatawang sagot ni Sissy sa akin na siyang hindi ko nam
Yannie Ace Ruiz“Huh?” gulat na reaksyon ko kay Jomar.Naglakad palapit sa akin si Jomar saka kinuha ang padlock ng store. Pagkatapos no’n ay dumeretsyo na siya sa labas. “Hindi ka pa lalabas?” tanong nito sa akin saka ako mabilis na kumilos. Kinuha ko ang bag ko saka ako sumunod sa kanya.Tuwing umaga lang bukas ang convenience store na ito dahil busy pa si Mrs. Maricel sa inaasikaso nito tungkol sa pamilya. Pero dati daw, ayon kay Jomar ay 24/7 itong bukas at si Mrs. Maricel ang nagbabantay sa gabi o sa tuwing wala si Jomar at hindi nakakapasok.Naging abala si Jomar sa pagsasara ng store. Mabuti na lang din talaga at dumating siya dahil mahihirapan din akong ibaba ang rolling steel door ng convenience store. At habang hinihintay ko siyang matapos sa pagsasara ng store ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang pangalan ni Josh na nag-appear sa screen ng cellphone ko. He is calling! At hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko dahil ito ang unang be
Josh Rain Montez“Nice game, Josh!” nakangiting bati sa akin ni Byron sabay tapik nito sa braso ko.“Ang galing mo talaga, Papa Josh!” nakatawang sabi naman ni Ramil sabay akbay nito sa akin habang naglalakad kami pabalik sa bench namin.Pagod akong naupo doon saka nagpunas ng pawis ko. At pagkuwan ay inabutan ako ng bottled water ng isa kong ka-team at uhaw ko namang ininom iyon. Katulad ng palaging nangyayari ay panalo ulit kami sa basketball tournament ng University namin. At isang laban na lang ay makakarating na kami sa finals, kung saan ang mananalo ang siyang lalahok o magre-represent sa University para sa National Collegiate Basketball Tournament.Pagkainom ko sa bottled water ay agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko. Nakita ko ang unread text message sa akin ni Yannie kaya naman agad kong binuksan iyon.From Yannie Ace:Good luck sa game niyo (smiley emoji)Napangiti ako saka ako mabilis na nagtipa ng reply sa kanya.To Yannie Ace:Thank you. Tapos na ang game nami
Yannie Ace RuizHindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig lamang sa screen ng cellphone ko. Maya’t maya ko itong tina-tap ng mahina at nag-aabang lamang kung kailan ako makakatanggap muli ng mensahe mula kay Josh. Ang sabi niya kanina ay may gagawin lang daw siya pero halos apat na oras na ang nakalipas pero wala pa din siyang mensahe ulit sa akin. Nakauwi na ako mula sa palengke kanina, nakagawa na ng ibang gawaing bahay at nakapaghapunan na din pero wala pa din siyang text message ulit sa akin.“Kaninong text ba ang hinihintay mo, Ate?” pagkuwan ay biglang tanong sa akin ni Yuri na kanina pa pala ako pinagmamasdan sa aking tabi.“Huh?”“Kanina ka pa kasi nakatitig dyan eh,” puna niya.Umayos ako ng upo saka nagpatikhim. “Wala akong hinihintay na text,” pagkakaila ko sa kanya. Ilang sandali lang nang mabilis na umilaw at nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman iyong hinawakan at tiningnan. Pero mabilis din akong natigilan at napalingon kay Yuri nang maramdaman kong na
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma