Josh Rain Montez
Mabilis kong nasalo ang ipinasang bola sa akin ni Ramil at agad ko naman iyong itinira sa basketball ring. And as expected, pasok na pasok at walang mintis ang laro ko ngayong araw.
“Whoa! Napakagaling mo talaga papa Josh!” nakatawang pang-aalaska sa akin ni Ramil kasabay ng pag-apir nito sa akin. Natatawang napailing naman ako dito saka ako naupo sa bench namin dahil tumawag ng time-out ang head coach ng kabilang team.
Kinuha ko ang bottled water saka ininom ang laman no’n. At pagkuwan ay narinig ko ang pag-iingay ng cellphone ko mula sa loob ng bag ko. Kinuha ko iyon at nakita ko ang pag-appear ng pangalan ni Sissy—ang pinsan kong si Ate Rica, sa screen ng cellphone ko. At bago pa man magsimula ulit ang laro ay mabilis ko na iyong sinagot.
"Bakit—” Ngunit agad din akong natigilan nang bigla akong putulin ni Sissy mula sa kabilang linya.
"Where are you now?" mabilis nitong tanong sa akin.
"Why—”
"We're going to Laguna. Samahan mo kami," putol ulit nito sa akin.
"What?!" manghang tanong ko dito.
"Bilis na, Josh—”
"I can't. Nasa laro ako ngayon, Sissy," putol ko naman ngayon sa kanya.
"What time ang tapos?" she asked.
"Mamaya pa ito."
"Sige, hintayin ka na lang namin matapos." Basta may maisipan talaga siya ay gagawin niya.
"Seriously, Sissy? Kung may pupuntahan ka, sa boyfriend mo ikaw magpa-drive," protesta ko sa kanya.
"Busy nga iyon sa pag-iipon para sa future namin," tugon niya sa akin.
Napapalatak naman ako. "Baka busy sa ibang babae kamo," pang-aasar ko sa kanya.
"Shut up, Josh! Hindi iyon tulad ng kaibigan mong si Ramil, 'no," asar na tugon niya sa akin na siyang ikinatawa ko na lang din dahil nadamay na ngayon ang walang kamalay-malay na si Ramil.
"Sige na, Sissy. Maghanap ka na lang ng ibang magda-drive sa inyo. Balik na ako sa game namin—”
"No, Josh! Hintayin ka namin," giit na naman niya sa akin.
"Come on, Sissy. Hindi lang ikaw ang may kaibigan. After this game ay may pupuntahan din kami nina Ramil—”
"Kasama ko si Aika ngayon," putol niya sa akin na siyang bahagyang nagpatigil sa akin. “May pupuntahan kami sa Laguna at pagkatapos ay dadaan na din tayo kay Yannie,” saad pa ni Sissy sa akin.
“Y-Yannie?” tanong ko dito saka ko naalala 'yong babaeng palaging ikinukwento niya sa akin. Iyon 'yong babaeng nakilala niya noong nag-attend siya sa public press conference ng 4SBLUE niya. At hanggang ngayon ay kinukulit niya ako tungkol sa babae na iyon.
“Yes, si Yannie. Nasabi ko na sa kanya na pupunta tayo sa kanya,” wika ni Sissy sa akin.
Hindi ko na nagawang makasagot pa kay Sissy dahil agad na akong pinabalik sa game. Kaya naman mabilis ko na lamang na tinapos ang tawag namin saka ako tuluyang bumalik sa laro. Maganda ang naging laban namin nang araw na iyon at sa huli ay kami ang nanalo. Hindi ko din kasi alam kung bakit bigla akong mas ginanahan na maglaro matapos kong malaman na nandito na si Aika ngayon.
“Congrats, Josh!” bati at lapit sa akin ng dalawang hindi pamilyar na babae na nanood ng laro namin kanina.
Ngumiti ako sa mga ito saka tipid na sumagot. “Thanks.” At nang akmang hahakbang na ako paalis ay agad naman nila akong pinigilan.
“Wait lang, Josh. Para sa iyo pala,” sabi ng isang babae sabay abot ng isang cake na nasa box sa akin. “Ako mismo ang nag-bake niyan para sa iyo. Kaya sana ay magustuhan mo,” matamis na nakangiting sabi nito sa akin.
“Oh, thank you,” tugon ko dito saka ko tinanggap ang inaabot niya sa akin. May maliit na card doon at binasa ko ang pangalan na nakalagay doon. “Bam,” saad ko saka ako ngumiti dito. Kumislap ang mga mata nito habang naroroon pa rin ang matatamis na ngiti sa mga labi.
“Josh, tara na!” Napalingon kami kay Ramil na siyang tumatawag na sa akin palabas ng gymnasium.
“I have to go. Thank you ulit dito,” saad at paalam ko sa babae. Nakangiting tinanguan naman ako nito saka ako mabilis na tumalikod at tuluyan nang umalis.
“Sino ‘yon? Bagong chicks mo?” nakangising tanong sa akin ni Ramil pagkalapit ko dito.
“Gaya mo pa ako sa iyo,” tugon ko dito saka ko inabot sa kanya ang cake na ibinigay sa akin ng babae kanina habang nagpapatuloy ako sa paglalakad.
“Sa akin na lang?” tanong ni Ramil habang sumusunod naman ito sa akin. Hindi ko na siya sinagot pa at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad patungo sa sasakyan ko. “Uy, Josh. Wala pa sina Byron—”
“Kayo na lang muna ngayon,” putol ko kay Ramil saka ako sumakay sa loob ng sasakyan ko.
“Huh?”
“Hinihintay kasi ako ni Sissy.”
“Pero nauna na ‘tong lakad nating ito. Sabihin mo kasi kay Ate Rica na sa boyfriend niya siya magpaistorbo,” reklamo ni Ramil.
“Sige na. Mayayari ako doon kapag naghintay ng matagal iyon.”
“Tsk. Ikaw talaga. Kahit kailan ay hindi mo natiis ang pinsan mong iyon.”
“Syempre. Alam mo namang para ko na ding kapatid iyon kahit na madalas na nakakarindi iyon,” natatawang tugon ko dito at sa huli ay tuluyan ko na ngang binuhay ang makina ng sasakyan. Nang makapagpaalam na ako kay Ramil ay mabilis na akong umalis.
Dumeretsyo muna ako sa condo para makaligo at makapagpalit ng damit. Malapit lang naman kasi ang condo ko sa university. Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili ay mabilis na din akong nagtungo sa lugar kung saan naghihintay sa akin si Sissy kasama si Aika.
Pagkadating ko naman doon ay unang nahanap ng mga mata ko si Aika na masayang nakikipagkwentuhan kay Sissy. Best friend ni Sissy si Aika, and to be honest, Aika is my first love and my ideal girl. Pero dahil sa best friend siya ni Sissy ay itinuring na din ako nitong best friend. Kaya naman hindi ko ito magawang pormahan dahil parang kapatid lang din ang turing niya sa akin. Tanggap ko naman ang bagay na iyon at ayaw ko din naman na masira ang mayroon kami. Kaya nga nagawa ko ding makipagrelasyon sa iba, pero lahat naman ng naging girlfriend ko ay minahal ko ng totoo.
Binusinahan ko sila saka ako nagbaba ng salamin ng bintana ng sasakyan at kinawayan sila. Agad din naman silang tumingin sa akin at mabilis na lumapit.
“Mas maaga ka pa sa inaasahan ko,” wika ni Sissy sa akin.
“Hi, Josh! Long time no see. Kumusta ka na?” nakangiting bati naman sa akin ni Aika.
“Hi, Patty! Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko susunduin ngayon ang pinsan ko,” nakangiting sabi ko kay Aika na siyang ikinatawa niya at ikinasimangot naman ni Sissy. Nakasanayan kong tawaging Patty si Aika dahil sa pagiging cute at chubby nito.
Sumakay silang dalawa sa back seat kaya naman mas nagmukhang driver lang talaga nila ako.
“Ano bang gagawin niyo sa Laguna?” pagkuwan ay tanong ko sa mga ito habang nasa byahe na kami.
“Ihahatid natin si Aika doon,” tugon ni Sissy sa akin.
“Huh?” kunot-noong tanong ko.
“Doon kasi muna ako mag-iistay kina Aga,” this time ay si Aika na ang sumagot sa tanong ko. Aga is her boyfriend for two years.
“Bakit naman doon ka mag-iistay?” tanong kong muli dito.
“Bakit? Wala namang masama kung doon siya mag-stay kina Aga dahil boyfriend naman niya iyon, ‘di ba?” singit ni Sissy sa amin ni Aika.
“Yes, I know. Pero hindi ba at sa Manila ang OJT ni Patty? At mas okay kung sa iyo na lang siya mag-stay—”
“Eh bakit ka ba kasi nakikialam sa gusto ni Aika?” putol na tanong ni Sissy sa akin.
“Nagsasabi lang naman ako,” saad ko saka ko sila sinulyapan sa rearview mirror ng sasakyan. Galing Zambales si Aika, sa probinsya namin, at ngayon nga ay naririto siya para sa OJT niya sa Manila.
“Okay lang iyon, Josh. Ihahatid sundo naman ako ni Aga sa OJT ko,” nakangiting sabi ni Aika sa akin.
“Eh bakit hindi ka niya sinundo ngayon?” tanong ko dito na siyang bahagyang nagpatigil dito.
“Josh,” saway sa akin ni Sissy at pagkatapos no’n ay katahimikan na ang bumalot sa aming tatlo.
Dalawang taon ng boyfriend ni Aika si Aga pero hanggang ngayon ay mabigat pa din ang loob ko sa lalaki na iyon. Hindi dahil sa gusto ko kasi si Aika, kung ‘di dahil may kakaiba talaga akong pakiramdam sa lalaki na iyon. Na para bang hindi niya deserve si Aika.
“Sa Sta. Rosa muna tayo, ihatid muna natin si Aika,” pagkuwan ay sabi ni Sissy sa akin.
“Thank you, Rics huh, pasensya na at hindi ako makakasama sa inyo sa pagpunta kay Yannie,” ani Aika na siyang nagpaangat ng tingin ko sa rearview mirror upang tingnan sila doon.
“Kilala mo ‘yong Yannie?” takang tanong ko dito. Nilingon ako ni Aika saka ito ngumiti sa akin.
“Oo. Naikwento siya sa akin ni Rica noon pa,” tugon ni Aika sa akin. Tinapunan ko naman ng tingin si Sissy sa pamamagitan ng rearview mirror pa din.
“Wow. Gustong-gusto mo talaga ang babae na iyon?” manghang tanong ko naman kay Sissy.
“Yes. Gusto ko siya for you,” deretsyong sagot sa akin ni Sissy na siyang ikinasinghap at maliit kong ikinailing.
“Ako din, Josh! I like that girl for you,” nakangiting sabi naman ni Aika sa akin.
“How can you say that? Eh hindi mo pa naman nakikita at nakikilala ‘yon,” tanong ko dito saka ko na tuluyang ibinalin ang buong atensyon sa pagmamaneho at sa kalsadang tinatahak namin.
“Well, nakita ko naman na siya, sa pictures nga lang, but I can say na cute siya at mukha siyang mabait at matinong babae,” tugon sa akin ni Aika.
“Here siya oh. Look!” singit naman ulit ni Sissy sabay pakita niya sa akin ng cellphone niya. Napatingin ako doon at nakita ko ang picture doon ng babaeng pinipilit nila sa akin. Si Yannie. At ang unang napansin ko sa larawan niyang iyon ay ang mga mata niyang nakangiti din sa larawan. “She’s cute, right? She’s very simple at hindi mahirap mahalin. Malayong-malayo sa mga bitch na nagiging girlfriend mo,” dagdag pa ni Sissy sa akin.
Napalunok ako at agad ng nag-iwas ng tingin sa picture na iyon ng babaeng ibinibida nila sa akin.
“Try her, Josh. I think, she’s the one for you,” nakangiting sabi pa ni Aika sa akin na siyang bahagyang nagbigay naman ng kakarampot na kirot sa puso ko.
I like Aika, at tulad nga ng nasabi ko kanina ay siya ang first love ko at ang ideal girl ko. Isang tulad niya ang babaeng gusto kong seryosohin sa susunod na pagpasok ko sa relasyon. Pero sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya nagtulak ng ibang babae ng ganito sa akin. Palagi siyang walang comment sa mga babaeng dine-date ko noon at sineseryoso. Kaya naman… hindi ko maiwasang hindi mapaisip tungkol sa Yannie na iyon. Ano bang mayroon sa kanya at bakit gustong-gusto siya ni Sissy? Na pati si Aika ay ipinipilit din siya sa akin.
Ilang sandali pa ang lumipas nang makarating na kami ng Sta. Rosa, sa apartment na tinutuluyan ni Aga. At nagulat kami nang wala man lang katao-tao doon.
“Alam ba ni Aga na ngayon ang uwi mo sa kanya?” tanong ni Sissy kay Aika.
“Oo, alam niya,” tugon naman ni Aika habang abala ito sa pagte-text sa cellphone niya.
“Eh nasaan na siya? Bakit wala siya dito? Alam naman pala niyang darating ka bakit siya umalis? Hindi ka na nga niya sinundo, hindi ka pa niya hinintay na dumating dito?” sunod-sunod na tanong ko kay Aika. Agad naman akong siniko ni Sissy upang sawayin sa mga sinabi ko.
“Manahimik ka nga dyan,” senyas sa akin ni Sissy. Hindi ko na kasi napigilan ang inis ko. Alam naman ni Aga na darating ang girlfriend niya pero wala siya dito?
Hindi sumagot si Aika sa akin. At sa halip ay balisa lamang siya na sinubukang tawagan ang numero ng kanyang nobyo. Pero bigo din siya dahil nakapatay daw ito. Lalo tuloy umusbong ang inis na nararamdaman ko. Napakagago talaga ng lalaki na iyon.
“Ang mabuti pa ay iwan niyo na ako dito. Darating din naman si Aga dito. Baka may biglaan lang na pinuntahan,” pagkuwan ay nakangiting sabi sa amin ni Aika. At habang pinagmamasdan ko siya na pinipilit na maging okay sa harapan namin ni Sissy ay mas lalo akong naiinis. Hindi niya deserve ang ganitong treatment ng lalaki. Hindi siya dapat binabalewala.
“Hindi kami aalis hangga’t hindi dumarating ang boyfriend mo,” malamig na sabi ko dito saka ko sila tinalikuran ni Sissy. Lumabas ako ng gate ng apartment saka ako naiinis na bumalik sa loob ng sasakyan ko.
Naghintay kami doon ng halos apat na oras at saka lamang dumating si Aga. Hindi ko pinakinggan ang naging dahilan niya dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko siyang suntukin sa mukha. Pero ang pinaka nakakainis lang ay nakangiti pa si Aika sa harapan nito na para bang ayos lang dito na pinaghintay siya ng ganoon katagal ni Aga.
Binuksan ni Aga ang unit niya saka niya mabilis na binuhat papasok sa loob ang mga gamit ni Aika. “Pasok muna kayo sa loob,” nakangiting alok pa nito sa amin ni Sissy.
“Naku, hindi na, Aga—”
“Hindi na,” sinapawan ko ‘yong sinasabi ni Sissy. “Nakita mo ba ‘yong oras? Babyahe pa kami pabalik ng Manila.”
“Josh,” mahinang saway naman sa akin ni Sissy.
“Ah ganoon ba? Pasensya na, Bro—”
“Hindi tayo magkapatid, huwag mo akong tawaging Bro,” putol ko dito saka ko sila tinalikuran at bumalik na ako sa sasakyan ko. Pero nang akmang sasakay na ako sa loob ay…
“Josh!” Nilingon ko si Aika na siyang naglalakad papalapit sa akin. “Pasensya ka na, alam kong naiinis ka dahil kay Aga. Sorry,” saad nito sa akin.
“Kailangan ba talagang magpatrato ka ng ganyan sa kanya?” malamig na tanong ko kay Aika.
“Mahal ko siya, Josh,” tugon naman niya sa akin.
“At siya? Gaano ka ba niya kamahal?” tanong ko ulit sa kanya.
Maliit siyang ngumiti sa akin. “Josh, kapag mahal mo ang isang tao, minsan mas nagiging mahalaga lang ang nararamdaman mo kaysa sa nararamdaman din nila sa iyo.”
“Anong klaseng pananaw ‘yan, Patty?” naiinis na tanong ko sa kanya.
“Maiintindihan mo ako kapag naranasan mo nang magmahal talaga ng todo. Na lahat kaya mong gawin para sa kanya. Na lahat ng chances ibibigay mo huwag lang siyang mawala sa buhay mo,” tugon niya saka niya tinapik ng marahan ang balikat ko. “Ingat kayo sa byahe and thank you ulit sa araw na ito. Sorry din dahil mukhang hindi na kayo matutuloy kina Yannie,” dagdag niya pa sa akin.
Maya-maya lang ay lumabas na din si Sissy at tuluyan na nga kaming umalis.
“Gabi na, sa susunod na lang tayo siguro dumaan kina Yannie, ‘no?” wika ni Sissy na siyang hindi ko pinansin. “Uy, Josh. Galit ka ba? Saan ka ba nagagalit? Kay Aga? O dahil hindi na tayo makakadaan kay Yannie?”
Naiinis ako kay Aga dahil ayaw kong nakikitang nababalewala si Aika. Pero sa halip na iyon ang sabihin ko ay iba ang naisagot ko kay Sissy. “Naiinis ako dahil hindi tayo makakadaan kay Yannie.”
Josh Rain MontezMalakas akong tinawanan ni Sissy dahil sa sinabi ko. “Don’t worry, Josh. Soon mami-meet mo din siya,” saad nito sa akin.Hindi alam ni Sissy na ang best friend niyang si Aika ang first love ko. At ayaw ko din naman iyong ipaalam sa kanila dahil masaya naman na ako at kuntento sa pagiging magkaibigan namin ni Aika. Ayaw ko lang talaga na tinatrato siya ng ganoon ng ibang lalaki dahil hindi niya iyon deserve.At dahil ginabi na kami sa daan ni Sissy ay nag-drive thru na lang kami para sa dinner namin. Napansin ko naman na abalang-abala si Sissy sa kakatipa sa cellphone niya. Panay din ang pagtunog nito habang hawak niya.“Akala ko may flight pa si Rodnie ngayon?” pagkuwan ay tanong ko kay Sissy. Tinutukoy ang boyfriend nitong piloto.“Mayroon nga. Mamaya ko pa siya makakausap,” tugon naman nito sa akin.“Eh sino ‘yang kausap mo? Si Aika?” tanong kong muli dito.“No. Busy na iyon sa jowa niya dahil kasama na niya,” natatawang sagot ni Sissy sa akin na siyang hindi ko nam
Yannie Ace Ruiz“Huh?” gulat na reaksyon ko kay Jomar.Naglakad palapit sa akin si Jomar saka kinuha ang padlock ng store. Pagkatapos no’n ay dumeretsyo na siya sa labas. “Hindi ka pa lalabas?” tanong nito sa akin saka ako mabilis na kumilos. Kinuha ko ang bag ko saka ako sumunod sa kanya.Tuwing umaga lang bukas ang convenience store na ito dahil busy pa si Mrs. Maricel sa inaasikaso nito tungkol sa pamilya. Pero dati daw, ayon kay Jomar ay 24/7 itong bukas at si Mrs. Maricel ang nagbabantay sa gabi o sa tuwing wala si Jomar at hindi nakakapasok.Naging abala si Jomar sa pagsasara ng store. Mabuti na lang din talaga at dumating siya dahil mahihirapan din akong ibaba ang rolling steel door ng convenience store. At habang hinihintay ko siyang matapos sa pagsasara ng store ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang pangalan ni Josh na nag-appear sa screen ng cellphone ko. He is calling! At hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko dahil ito ang unang be
Josh Rain Montez“Nice game, Josh!” nakangiting bati sa akin ni Byron sabay tapik nito sa braso ko.“Ang galing mo talaga, Papa Josh!” nakatawang sabi naman ni Ramil sabay akbay nito sa akin habang naglalakad kami pabalik sa bench namin.Pagod akong naupo doon saka nagpunas ng pawis ko. At pagkuwan ay inabutan ako ng bottled water ng isa kong ka-team at uhaw ko namang ininom iyon. Katulad ng palaging nangyayari ay panalo ulit kami sa basketball tournament ng University namin. At isang laban na lang ay makakarating na kami sa finals, kung saan ang mananalo ang siyang lalahok o magre-represent sa University para sa National Collegiate Basketball Tournament.Pagkainom ko sa bottled water ay agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko. Nakita ko ang unread text message sa akin ni Yannie kaya naman agad kong binuksan iyon.From Yannie Ace:Good luck sa game niyo (smiley emoji)Napangiti ako saka ako mabilis na nagtipa ng reply sa kanya.To Yannie Ace:Thank you. Tapos na ang game nami
Yannie Ace RuizHindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig lamang sa screen ng cellphone ko. Maya’t maya ko itong tina-tap ng mahina at nag-aabang lamang kung kailan ako makakatanggap muli ng mensahe mula kay Josh. Ang sabi niya kanina ay may gagawin lang daw siya pero halos apat na oras na ang nakalipas pero wala pa din siyang mensahe ulit sa akin. Nakauwi na ako mula sa palengke kanina, nakagawa na ng ibang gawaing bahay at nakapaghapunan na din pero wala pa din siyang text message ulit sa akin.“Kaninong text ba ang hinihintay mo, Ate?” pagkuwan ay biglang tanong sa akin ni Yuri na kanina pa pala ako pinagmamasdan sa aking tabi.“Huh?”“Kanina ka pa kasi nakatitig dyan eh,” puna niya.Umayos ako ng upo saka nagpatikhim. “Wala akong hinihintay na text,” pagkakaila ko sa kanya. Ilang sandali lang nang mabilis na umilaw at nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman iyong hinawakan at tiningnan. Pero mabilis din akong natigilan at napalingon kay Yuri nang maramdaman kong na
Yannie Ace RuizNagising ako nang mag-ingay ang alarm ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa iyon sa tabi ng higaan ko saka iyon pinatay. Nag-unat pa ako saka kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagmulat ko ng aking mga mata. Antok na antok pa ako sa totoo lang dahil late na akong nakatulog kagabi. Pero nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako late na nakatulog kagabi ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.Bumangon ako saka ko tiningnan ang cellphone ko. Mayroon akong unread text message. Nakangiting binuksan at binasa ko iyon.From Josh Rain: Good morning (smiley emoji)Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nagta-type ng reply sa kanya.To Josh Rain: Good morning din (smiley emoji)“Ate? Okay ka lang?” Napalingon ako nang marinig ang boses ng kapatid ko. Si James. Nakasilip ito mula sa pinto ng kwarto.“Huh?”“Kanina pa ako kumakatok. Gising ka na pala pero hindi ka naman sumasagot. Tapos… nakangiti ka diyan sa cellphone mo,” nagtatakang puna niya sa akin
Yannie Ace Ruiz“Nag-chat siya, Yannie!” sambit ni Veron saka niya ibinalik sa akin ang cellphone ko. Marahang kinuha ko naman iyon mula sa kanya saka ako nagpatikhim. “Anong sabi?” usisa pa ni Veron sa akin. Wala na tuloy akong nagawa kung ‘di ang buksan at tingnan ‘yong chat ni Josh Rain sa akin.Josh Rain: Hi! (smiley emoji)Bahagya naman akong nagulat ng tumili si Veron at Ivory sa tabi ko. “Ang gwapo naman niyan, Friend! Pero para mas makasiguro tayo, i-video call mo!” ani Ivory sa akin.“Ay, tama! I-video call mo, Yannie. Para makita natin kung siya talaga ‘yang nasa profile picture niya!” segunda naman ni Veron.“A-Ano ba kayo…”“Uy, anong mayroon?!” Nagulat kaming tatlo nina Veron at Ivory sa biglang pagdating naman ni Jenny. Kasabay niyang pumasok ng classroom si Jomar na deretsyong nakatingin sa akin.“Friend, ang gwapo no’ng textmate ni Yannie!” masiglang pagbabalita ni Veron kay Jenny. Narinig iyon ni Jomar kaya naman mas lumalim ang tingin nito sa akin. Umawang ang mga la
Josh Rain MontezPadabog kong hinagis sa ibabaw ng table ang cellphone ko na siyang nakaagaw naman ng pansin nina Ramil at Byron.“Oh? Problema mo?” tanong ni Ramil sa akin.“Wala,” tipid na sagot ko dito.“Wala pero salubong na salubong ‘yang dalawang kilay mo,” natatawang sabi naman ni Byron sa akin.Kinuha ni Ramil ang cellphone ko saka nito ito pinakialaman. Mabilis ko namang binawi sa kanya iyon pero mabilis lang din niyang naiiwas sa akin.“Don’t tell me dahil kay Yannie Ace kaya ka bad trip?” natatawang sabi ni Ramil sa akin habang hawak-hawak ang cellphone ko at tinitingnan ang kung ano doon.“Akin na nga iyan!” inis na sabi ko dito.“Yannie Ace?” tanong naman ni Byron.“Si Yannie Ace, Pre. ‘Yong bagong chicks nito,” tugon ni Ramil kay Byron.“Ah! ‘Yong textmate niya?”“Oo, iyon nga!”Sa huli ay nagtagumpay naman ako na mabawi ang cellphone ko mula kay Ramil. Mabilis kong itinago iyon sa loob ng bulsa ko.“L.Q kaagad kayo?” nakatawang tanong ni Byron sa akin.Hindi ko siya sin
Yannie Ace Ruiz“Aalis ako sa 23. Pinapupunta ako ng parents ko sa probinsya ng Samar para mag-representative sa mission ng foundation ng company nila. Ten days ako doon at mahirap ang signal doon. I hope na makita kita before that.”Mabilis akong napamulat ng aking mga mata dahil sa paulit-ulit na mga salita na bumabalik sa aking isipan. Ala una na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog dahil paulit-ulit kong naiisip ‘yong sinabi ni Josh sa akin kanina.Sinabi niya kasi sa akin sa chat na magkita na daw kami. Noong unang mabasa ko iyon ay nakaramdam talaga ng kakaibang kaba at pagkabog ang puso ko. Nae-excite ako na natatakot. Ganyan ang naramdaman ko kaya hindi ako kaagad nakasagot sa kanya at sa halip ay iniba ko na lang ‘yong topic namin. Pero kanina, bago siya tuluyang matulog ay tinawagan niya ako saka niya sinabi sa akin ang mga salitang iyon na gumugulo sa isipan ko ngayon.Sampung araw siyang mawawala. Sampung araw ko siyang hindi makakausap dahil
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma