Josh Rain Montez“Nice game, Josh!” nakangiting bati sa akin ni Byron sabay tapik nito sa braso ko.“Ang galing mo talaga, Papa Josh!” nakatawang sabi naman ni Ramil sabay akbay nito sa akin habang naglalakad kami pabalik sa bench namin.Pagod akong naupo doon saka nagpunas ng pawis ko. At pagkuwan ay inabutan ako ng bottled water ng isa kong ka-team at uhaw ko namang ininom iyon. Katulad ng palaging nangyayari ay panalo ulit kami sa basketball tournament ng University namin. At isang laban na lang ay makakarating na kami sa finals, kung saan ang mananalo ang siyang lalahok o magre-represent sa University para sa National Collegiate Basketball Tournament.Pagkainom ko sa bottled water ay agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko. Nakita ko ang unread text message sa akin ni Yannie kaya naman agad kong binuksan iyon.From Yannie Ace:Good luck sa game niyo (smiley emoji)Napangiti ako saka ako mabilis na nagtipa ng reply sa kanya.To Yannie Ace:Thank you. Tapos na ang game nami
Yannie Ace RuizHindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig lamang sa screen ng cellphone ko. Maya’t maya ko itong tina-tap ng mahina at nag-aabang lamang kung kailan ako makakatanggap muli ng mensahe mula kay Josh. Ang sabi niya kanina ay may gagawin lang daw siya pero halos apat na oras na ang nakalipas pero wala pa din siyang mensahe ulit sa akin. Nakauwi na ako mula sa palengke kanina, nakagawa na ng ibang gawaing bahay at nakapaghapunan na din pero wala pa din siyang text message ulit sa akin.“Kaninong text ba ang hinihintay mo, Ate?” pagkuwan ay biglang tanong sa akin ni Yuri na kanina pa pala ako pinagmamasdan sa aking tabi.“Huh?”“Kanina ka pa kasi nakatitig dyan eh,” puna niya.Umayos ako ng upo saka nagpatikhim. “Wala akong hinihintay na text,” pagkakaila ko sa kanya. Ilang sandali lang nang mabilis na umilaw at nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman iyong hinawakan at tiningnan. Pero mabilis din akong natigilan at napalingon kay Yuri nang maramdaman kong na
Yannie Ace RuizNagising ako nang mag-ingay ang alarm ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa iyon sa tabi ng higaan ko saka iyon pinatay. Nag-unat pa ako saka kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagmulat ko ng aking mga mata. Antok na antok pa ako sa totoo lang dahil late na akong nakatulog kagabi. Pero nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako late na nakatulog kagabi ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.Bumangon ako saka ko tiningnan ang cellphone ko. Mayroon akong unread text message. Nakangiting binuksan at binasa ko iyon.From Josh Rain: Good morning (smiley emoji)Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nagta-type ng reply sa kanya.To Josh Rain: Good morning din (smiley emoji)“Ate? Okay ka lang?” Napalingon ako nang marinig ang boses ng kapatid ko. Si James. Nakasilip ito mula sa pinto ng kwarto.“Huh?”“Kanina pa ako kumakatok. Gising ka na pala pero hindi ka naman sumasagot. Tapos… nakangiti ka diyan sa cellphone mo,” nagtatakang puna niya sa akin
Yannie Ace Ruiz“Nag-chat siya, Yannie!” sambit ni Veron saka niya ibinalik sa akin ang cellphone ko. Marahang kinuha ko naman iyon mula sa kanya saka ako nagpatikhim. “Anong sabi?” usisa pa ni Veron sa akin. Wala na tuloy akong nagawa kung ‘di ang buksan at tingnan ‘yong chat ni Josh Rain sa akin.Josh Rain: Hi! (smiley emoji)Bahagya naman akong nagulat ng tumili si Veron at Ivory sa tabi ko. “Ang gwapo naman niyan, Friend! Pero para mas makasiguro tayo, i-video call mo!” ani Ivory sa akin.“Ay, tama! I-video call mo, Yannie. Para makita natin kung siya talaga ‘yang nasa profile picture niya!” segunda naman ni Veron.“A-Ano ba kayo…”“Uy, anong mayroon?!” Nagulat kaming tatlo nina Veron at Ivory sa biglang pagdating naman ni Jenny. Kasabay niyang pumasok ng classroom si Jomar na deretsyong nakatingin sa akin.“Friend, ang gwapo no’ng textmate ni Yannie!” masiglang pagbabalita ni Veron kay Jenny. Narinig iyon ni Jomar kaya naman mas lumalim ang tingin nito sa akin. Umawang ang mga la
Josh Rain MontezPadabog kong hinagis sa ibabaw ng table ang cellphone ko na siyang nakaagaw naman ng pansin nina Ramil at Byron.“Oh? Problema mo?” tanong ni Ramil sa akin.“Wala,” tipid na sagot ko dito.“Wala pero salubong na salubong ‘yang dalawang kilay mo,” natatawang sabi naman ni Byron sa akin.Kinuha ni Ramil ang cellphone ko saka nito ito pinakialaman. Mabilis ko namang binawi sa kanya iyon pero mabilis lang din niyang naiiwas sa akin.“Don’t tell me dahil kay Yannie Ace kaya ka bad trip?” natatawang sabi ni Ramil sa akin habang hawak-hawak ang cellphone ko at tinitingnan ang kung ano doon.“Akin na nga iyan!” inis na sabi ko dito.“Yannie Ace?” tanong naman ni Byron.“Si Yannie Ace, Pre. ‘Yong bagong chicks nito,” tugon ni Ramil kay Byron.“Ah! ‘Yong textmate niya?”“Oo, iyon nga!”Sa huli ay nagtagumpay naman ako na mabawi ang cellphone ko mula kay Ramil. Mabilis kong itinago iyon sa loob ng bulsa ko.“L.Q kaagad kayo?” nakatawang tanong ni Byron sa akin.Hindi ko siya sin
Yannie Ace Ruiz“Aalis ako sa 23. Pinapupunta ako ng parents ko sa probinsya ng Samar para mag-representative sa mission ng foundation ng company nila. Ten days ako doon at mahirap ang signal doon. I hope na makita kita before that.”Mabilis akong napamulat ng aking mga mata dahil sa paulit-ulit na mga salita na bumabalik sa aking isipan. Ala una na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog dahil paulit-ulit kong naiisip ‘yong sinabi ni Josh sa akin kanina.Sinabi niya kasi sa akin sa chat na magkita na daw kami. Noong unang mabasa ko iyon ay nakaramdam talaga ng kakaibang kaba at pagkabog ang puso ko. Nae-excite ako na natatakot. Ganyan ang naramdaman ko kaya hindi ako kaagad nakasagot sa kanya at sa halip ay iniba ko na lang ‘yong topic namin. Pero kanina, bago siya tuluyang matulog ay tinawagan niya ako saka niya sinabi sa akin ang mga salitang iyon na gumugulo sa isipan ko ngayon.Sampung araw siyang mawawala. Sampung araw ko siyang hindi makakausap dahil
Josh Rain Mendez“Hey, Josh! Long time no see ah. Akala ko hindi ka pupunta?”“What made you think that I wouldn't go?” Tamad akong naupo sa tabi ni Ethan saka ko inabot ang bote ng alak na iniinom niya at nagsalin no’n sa shot glass. Tinungga ko iyon pagkatapos. Naramdaman ko naman ang pagguhit ng mainit na likido sa aking sikmura dahil doon.“Sabi kasi ni Rica eh good boy ka na daw ngayon,” nakangising tugon sa akin ni Ethan habang siya naman ang nagsasalin ng alak sa shot glass at pagkuwan ay tinungga ang laman no’n.“Talaga? Good boy ka na ngayon, Josh? Kaya pala wala ka noong nakaraang session,” biglang dating at singit naman ni Rodnie sa amin ni Ethan. Siniksik nito ang sarili sa pagitan namin ni Ethan saka ito naupo doon.“I was just busy these past few days because of our game,” tugon ko dito. Pinabubulaanan ang mga sinasabi nila sa akin.“Oh? Ganoon ba? Akala ko pa naman ay dahil sa may nagbabawal na,” nakangising sabi sa akin ni Rodnie.“What?”“Oy, Josh! Bakit nandito ka?”
Yannie Ace Ruiz“Hindi ko talaga siya ma-search sa akin,” wika ni Jenny habang abala sa pagkalikot sa cellphone niya.“Sa akin din eh. Siguro nag-deactivate siya ng social media account niya,” saad naman ni Ivory.“Baka nga,” ani Veron saka ito bumalin ng tingin sa akin. “Try mo na kasi siyang tawagan sa cellphone number niya kung hindi siya sumasagot sa mga text mo,” wika nito sa akin.Napasinghap ako kasunod ng pagkagat ko sa ibabang labi ko. Tatlong araw na mula nang tumigil sa pagkausap sa akin si Josh. Hindi siya sumasagot sa mga text message ko at nag-deactivate din siya ng social media account niya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanya na napag-isipan ko nang pumunta sa gathering ng fandom ng 4SBLUE sa darating na sabado, at makipagkita sa kanya.Wala naman na talaga akong balak na magbago pa ng isip no’n, pero nang sabihin ko kina Veron ang tungkol doon ay pinilit na nila ako na magpunta. Sa totoo lang, gusto ko din naman talagang magpunta at makipagkita sa kan
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma