Home / Romance / Sweetest Love / Chapter 5: Fetch

Share

Chapter 5: Fetch

last update Huling Na-update: 2023-01-03 07:23:06

Josh Rain Montez

Malakas akong tinawanan ni Sissy dahil sa sinabi ko. “Don’t worry, Josh. Soon mami-meet mo din siya,” saad nito sa akin.

Hindi alam ni Sissy na ang best friend niyang si Aika ang first love ko. At ayaw ko din naman iyong ipaalam sa kanila dahil masaya naman na ako at kuntento sa pagiging magkaibigan namin ni Aika. Ayaw ko lang talaga na tinatrato siya ng ganoon ng ibang lalaki dahil hindi niya iyon deserve.

At dahil ginabi na kami sa daan ni Sissy ay nag-drive thru na lang kami para sa dinner namin. Napansin ko naman na abalang-abala si Sissy sa kakatipa sa cellphone niya. Panay din ang pagtunog nito habang hawak niya.

“Akala ko may flight pa si Rodnie ngayon?” pagkuwan ay tanong ko kay Sissy. Tinutukoy ang boyfriend nitong piloto.

“Mayroon nga. Mamaya ko pa siya makakausap,” tugon naman nito sa akin.

“Eh sino ‘yang kausap mo? Si Aika?” tanong kong muli dito.

“No. Busy na iyon sa jowa niya dahil kasama na niya,” natatawang sagot ni Sissy sa akin na siyang hindi ko naman ikinatuwa. “Si Yannie itong kausap ko. Sabi ko sa kanya bad trip ka dahil hindi tayo nakadaan sa kanya.”

“What?” gulat na balin ko kay Sissy saka ko muling ibinalik ang tingin sa daan na tinatahak namin.

“Yea. ‘Di ba sabi mo kanina naiinis ka dahil hindi na tayo makakadaan sa kanya?” Napalunok ako. Oo nga pala at iyon ang nasabi ko. Pero kailangan pa bang sabihin niya talaga ang bagay na iyon sa Yannie na iyon? Bigla naman tuloy akong nahiya. “Ang sabi ni Yannie ay hindi din pala siya pwede kanina dahil nasa work siya,” dagdag pa ni Sissy sa akin.

“Work?”

“Yup. She is a working student.”

“Ilang taon na ba siya?” pagkuwan ay tanong kong muli kay Sissy habang patuloy ako sa pagmamaneho ng sasakyan.

“20. 2nd year college siya. Sa P.U.P Biñan siya nag-aaral,” wika ni Sissy.

“Tinanong ko lang naman kung ilang taon na siya. Bakit ang dami mo nang sinabi kaagad sa akin?”

“Sus! Kunwari ka pa eh mukha namang curious ka na din sa kanya,” nakangisi at makahulugang sabi ni Sissy sa akin. Natatawang napailing na lamang ako sa kanya dahil doon. “May gusto ka pa bang malaman tungkol sa kanya?” pagkuwan ay tanong pa niya sa akin.

“Nevermind, Sissy. Mas maganda kung ako mismo ang makikipagkilala sa kanya—” Hindi ko naituloy ang sinasabi ko sa kanya dahil bigla na lamang itong malakas na tumawa sa tabi ko. Napalingon naman ako sa kanya saka mabilis ding ibinalik sa daan ang tingin. “Nababaliw ka na naman diyan,” saad ko dito.

“Tingnan mo naman kasi, sinabi ko sa kanya ang pangalan mo. Alam mo anong reply niya sa akin? Nice name daw pero pass daw siya. Oh my gosh, Josh, pangalan mo pa lang, na-reject ka na kaagad!” Tawang-tawa na sabi ni Sissy sa akin habang pinapakita sa akin ang palitan nila ng text message no’ng Yannie.

Napasinghap ako. “Kapag nakita o nakausap na ako niyan, magbabago ang isip niyan.”

“Taas ng confident ah?” pang-aalaska sa akin ni Sissy at sakto naman na nakarating na kami sa tinutuluyan niya. Inihinto ko ang sasakyan saka ko kinuha ang cellphone ko at bumalin sa kanya.

“What’s her number?” tanong ko kay Sissy.

Mabilis naman nitong inilayo sa akin ang cellphone niya. “Hindi ko ibibigay. Ang sabi ko sa kanya ay magmi-meet muna kayong dalawa—” Hindi na naituloy pa ni Sissy ang sinasabi niya sa akin dahil mabilis ko nang naagaw ang cellphone niya sa kanya saka ako mabilis na bumaba ng sasakyan.

Panay ang sigaw sa akin ni Sissy at mabilis ko namang hinanap sa contacts niya ang number no’ng Yannie. Dalawang beses kong binasa ang number niya at nasaulo ko kaagad iyon bago pa ako maabutan ni Sissy at mabawi ang cellphone niya sa akin. I am very good at memorizing things.

“Magmi-meet muna kayo bago kayo magkapalitan ng number,” sabi ni Sissy sa akin.

“Bakit pa? Ganoon din naman iyon ‘di ba? Gusto mo siyang ipakilala sa akin so, here, ako na ang makikipag-usap sa kanya,” pang-aasar ko kay Sissy.

“No, Josh! Mas maganda kung magkikita muna kayo bago ang ganyan—”

“I’m leaving,” balewalang putol ko kay Sissy saka ako bumalik na sa sasakyan ko. Sinundan naman niya ako pero mabilis kong ni-lock ang pintuan ng kotse ko para hindi niya ako mahuli.

“Josh, sinasabi ko talaga sa iyo!” pagbabanta niya sa akin. Tinawanan ko siya saka ako nagsimulang magtipa sa cellphone ko.

To 09*********:

Hi. Text kita. Ayaw niya ibigay ang number mo. Can I get your number naman ‘di ba? Kinuha ko lang sa phone ni Sissy.

“I’ll make it sure na magugustuhan niya ako kahit pa hindi niya pa ako nakikita,” nakangising sabi ko sa pinsan ko pagkatapos kong mag-text kay Yannie.

Pinanlakihan ako ng mga mata ni Sissy. “Sinasabi ko talaga sa iyo. Huwag kang gagawa ng kalokohan kay Yannie. Yari ka talaga sa akin,” pagbabanta niyang muli na siyang ikinakibit-balikat ko na lamang saka ako tuluyang umalis.

Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang reply ni Yannie sa akin.

From 09*********:

Sino ‘to?

Napangisi ako at mabilis na nag-reply habang dahan-dahan na nagmamaneho.

To 09*********:

It’s Josh Rain.

Pagka-reply ko sa kanya ay itinabi ko na muna ang cellphone ko saka ako nag-ayos ng pagmamaneho pauwi ng condo.

Nang makarating ako sa condo ko ay saka ko tiningnan ang cellphone ko para i-check kung may reply ba sa akin si Yannie, at hindi ako makapaniwala nang makitang wala man lang itong naging reply pagkatapos kong sabihin kung sino ako. Kaya naman nag-text ulit ako sa kanya.

To 09*********:

Is this Yannie ba?

Tanong ko dito dahil baka mamaya ay nagkakamali pala ako ng number na tine-text. Pero sigurado naman akong tama ang nasaulo kong number kanina at malabo na magkamali ako.

Habang naghihintay ako ng reply ni Yannie ay nag-half bath na muna ako bago makapagpahinga ng tuluyan. At pagkatapos no’n ay saka ko tiningnan ang cellphone ko at nakita kong may reply na sa akin si Yannie.

From 09*********:

Oo. Sorry nahihiya kasi ako.

Reply niya sa akin na siyang ikinangiti ko, at pagkatapos ay agad ko din namang ni-replyan.

To 09*********:

Nahihiya? Bakit naman?

Nahiga ako sa kama saka muling nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa reply niya.

From 09*********:

Si Ate Rica kasi. Hindi ko alam na seseryosohin niya ‘yong sinabi ko. Joke lang naman ‘yon.

Mabilis akong nagtipa ulit ng reply sa kanya pagkabasa ko ng text niya.

To 09*********:

Ano ba ‘yong sinabi mo sa kanya? Pwede malaman?

Tanong ko dito. Lumipas ang isa, dalawa hanggang tatlong minuto ay wala na naman itong naging reply sa akin. And I can’t imagine na mararanasan ko ito sa kanya. I mean, sanay ako na nire-replyan kaagad ako ng mga babaeng nakaka-text ko. Pero kung sa bagay, hindi pa naman kasi niya ako nakikita kaya siguro ganito siya. But for sure, kung makikita niya din ako ay baka isa din naman siya sa mga babaeng nagmamadali at naghihintay palagi sa atensyon ko.

Lumipas ang limang minuto na walang naging reply si Yannie sa akin. Kaya naman muli akong nag-text sa kanya.

To 09*********:

Bawal malaman? Sorry, baka nagiging uncomfortable ka sa akin. Sabi kasi ni Sissy ay okay ka daw at gusto niyang makilala kita. I’m sorry to bother you.

After 10 seconds pagka-send ko ng text kong iyon kay Yannie ay nag-vibrate ulit ang cellphone ko. Tiningnan at binasa ko ang reply niya sa akin at sa huli ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakangiti sa sinabi niya.

From 09*********:

Ako dapat ang mag-sorry. Ang sabi ko kasi sa kanya no’n ay sa akin ka na lang.

I saved her number on my contacts saka ako nagtipa ng reply sa kanya.

To Yannie:

Don’t say sorry. Okay lang naman. Mula ngayon, sa iyo na ako.

Nakangiting reply ko sa kanya.

***

Yannie Ace Ruiz

“Sino ‘yan? Iyong Ate Rica mo ulit?” tanong sa akin ni Jomar habang hawak-hawak ko ang cellphone ko at abala sa pagtitipa dito.

“Huh?”

“Kahapon pa kita napapansin na lagi mong hawak ang cellphone mo. Tulad ngayon, imbis kumain ka muna ay inuuna mo pa rin iyan. Sino ba ‘yang lagi mong kausap?” puna ni Jomar sa akin habang nasa kalagitnaan kami ng pagla-lunch sa convenience store na pinapasukan naming dalawa.

Dalawang araw na mula nang magka-text kami ni Josh Rain, ‘yong pinsan ni Ate Rica. Noong una ay nag-aalangan talaga ako na makipag-text sa kanya dahil hindi ko naman siya lubusang kilala. Pero hindi ko din maunawaan ang sarili ko kung bakit ang gaan ng loob ko na makipag-usap sa kanya. Na napansin na din pala ni Jomar ang pagiging abala ko sa paghawak ng cellphone ko. Na bawat text niya ay napapa-reply kaagad ako hanggang sa tuloy-tuloy na ‘yong nagiging pag-uusap naming dalawa.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi ko magawang makasagot sa tanong ni Jomar sa akin hanggang sa naagaw niya ‘yong cellphone ko at tiningnan kung sino ang kausap ko. Nanlalaki ang mga matang inawat ko naman siya pero bigo ako dahil nakita niya na nang tuluyan kung sino ang kausap ko.

“Josh Rain?” kunot-noong tanong niya sa akin saka ko mabilis na nahablot ang cellphone ko sa kanya. “Sino naman ‘yan, Yannie?”

Napakamot ako sa batok ko. “Pinsan ni Ate Rica,” tugon ko kay Jomar.

“Lalaki?” tanong niya na tinanguan ko bilang pagtugon. “Bakit kayo magka-text?” tanong niya ulit sa akin.

“Wala lang. Nakikipagkaibigan lang,” tugon ko sa kanya saka ako nag-iwas ng tingin. Pumalatak naman siya saka muling nagsalita.

“Pero hindi mo naman iyan kilala ng lubusan para makipag-usap at makipagkaibigan ka dyan,” saad ni Jomar sa akin.

“Text lang naman. Wala naman sigurong masama dito,” giit ko naman sa kanya sabay subo ko sa pagkain ko.

“Kahit pa—” Natigilan si Jomar sa panenermon sa akin nang biglang may dumating na customer sa store. Wala siyang ibang choice kung ‘di ang tumayo at asikasuhin ang customer na iyon. At pagkaalis niya ay saka naman ako mabilis na nag-text kay Josh Rain.

To Josh Rain:

Text na lang kita ulit mamaya. Medyo madami na kasi akong ginagawa ngayon.

Reply ko dito saka ko itinago ang cellphone ko at nagpatuloy na sa pagkain hanggang sa bumalik na si Jomar. Nag-open kaagad ako ng ibang topic kay Jomar para hindi na namin mapag-usapan ang tungkol sa pakikipag-text ko kay Josh Rain.

“May nagawa ka na bang assignment sa Steno natin?” tanong ko dito.

“Oo mayroon na,” tugon nito sa akin. “Ikaw? Hindi ba at tapos ka na din naman doon?”

Nakangiti akong tumango dito bilang pagtugon. “Eh ‘yong sa P.E natin? Sinong kagrupo mo?” tanong ko ulit dito at bago pa man makasagot si Jomar sa akin ay may dumating na naman na tao sa store. Tumayo ulit si Jomar pero agad ding natigilan nang makita kung sino ang dumating.

“Chelle?” tanong ni Jomar. Mabilis ko naman iyong nilingon at nakita ko si Chelle na matamis na nakangiti kay Jomar. Pero nang dumapo ang mga tingin niya sa akin ay unti-unting naglaho ang mga ngiti sa mga labi nito na para bang nadismaya siya na makita ako ngayon dito.

“Yannie? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Chelle sa akin. Tumayo ako at agad na ngumiti sa kanya.

“Nagpa-part-time job din ako dito. Ipinasok ako ni Jomar,” nakangiting tugon ko kay Chelle.

Chelle Landrito is one of our classmates. She is the top 2 in our class habang ang nangunguna palagi sa buong klase namin ay si Jomar.

Hindi ako nginitian man lang pabalik ni Chelle at sa halip ay ibinalin na lamang niya ang tingin niya kay Jomar. Kung sa bagay ay sanay naman na ako sa ganitong pakikitungo niya sa akin. Noon pa lang ay ganito na talaga siya sa akin. Hindi niya ako masyadong kinakausap sa school kaya wala nang bago ngayon.

“Anong ginagawa mo dito, Chelle?” tanong ni Jomar kay Chelle.

Niligpit ko naman ang mga pinagkainan namin ni Jomar dahil tapos na din naman kami sa pagkain.

“May practice tayo mamaya sa P.E natin,” narinig kong tugon ni Chelle kay Jomar.

“Pero hanggang alas syete pa ng gabi ang pasok ko dito. Pwede bang next week na lang tayo mag-practice? O kaya ay bukas sa vacant class natin?” tugon at tanong naman ni Jomar kay Chelle.

“Hindi pwede,” mabilis na sagot naman ni Chelle kay Jomar.

“Huh?”

“Nandyan naman si Yannie. Pwede naman sigurong mauna ka nang mag-out sa trabaho dahil nandyan naman siya, ‘di ba, Yannie?” balin sa akin ni Chelle.

“Huh? O-Oo naman. Sige lang, Jomar. Kaya ko na naman dito,” saad ko.

“Pero, Yannie—”

“Mamayang alas tres ang practice natin,” mabilis na putol ni Chelle kay Jomar saka ito tuluyan nang umalis.

“Okay lang, Jomar. Kaya ko na dito,” pangungumbinsi ko kay Jomar pagkaalis ni Chelle.

Next month pa naman ang presentation namin sa P.E pero dahil sa alam kong competitive talaga si Chelle kaya siguro ganito niya kaaga gustong may masimulan na sila ng grupo niya.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa umalis na nga si Jomar at naiwan na akong mag-isa na bantay ng store. Wala namang gaanong customer at kanina ay natulungan na din ako ni Jomar sa paglilinis para mamaya ay magsasara na lang ako nito. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at nakita kong may 3 messages ako. Lahat ng iyon ay galing kay Josh kaya agad kong binuksan at binasa ang mga iyon.

From Josh Rain:

Sige, I’ll wait for your message.

Ito ‘yong reply niya sa akin sa text ko kanina sa kanya. Si Jomar kasi, ang daming tanong tungkol kay Josh at hindi ako komportable doon. Hindi ko alam kung bakit. Pero nang pagsabihan ako ni Jomar kanina tungkol sa pakikipag-text ko kay Josh ay parang napaisip ako. Masama ba talagang makipag-text ako sa taong hindi ko naman talaga kilala ng lubusan? Pero kilala naman siya ni Ate Rica, pinsan pa nga siya. At may tiwala naman ako kay Ate Rica na hindi siya magpapakilala sa akin ng taong hindi katiwa-tiwala. At sa dalawang araw na pakikipag-usap ko kay Josh ay okay naman ako. I mean, nae-enjoy ko ang pakikipag-usap sa kanya.

Binasa ko pa ulit ang dalawa niya pang text sa akin.

From Josh Rain:

Busy pa rin ikaw? Maagang natapos ang game namin, nagyayaya si Ramil sa akin na tumambay sa kanila sa Taguig, but I declined.

From Josh Rain:

Ang busy mo naman palagi. Saan ba ‘yang store na pinapasukan mo? Sa iyo na lang ako pupunta kaysa kay Ramil.

Nanlaki ang mga mata ko sa huling text niya na nabasa ko. May laugh emoji iyon kaya alam kong nagbibiro lang naman siya pero hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko.

To Josh Rain:

Sorry, medyo madami lang akong ginawa. Samahan mo na ang friend mo.

Reply ko dito at ilang segundo lang ay nag-reply na din naman kaagad ito sa akin.

From Josh Rain:

Hindi ka na busy?

Reply sa akin ni Josh with laugh emoji ulit. Na para bang tuwang-tuwa ito sa pagre-reply ko sa kanya. Kaya naman hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil doon.

To Josh Rain:

Busy pa din ako.

From Josh Rain:

Ah. Busy ka pa rin but you make time to reply on my message. (blush emoji)

Pinamulahanan ako sa reply niya sa akin, lalo na sa blush emoji na ginamit niya.

Nagpatuloy kami sa pagpapalitan ng message ni Josh kahit na may kanya-kanya kaming ginagawa. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at kinakailangan ko nang magsara ng store.

From Josh Rain:

Malapit ka nang umuwi. Makakapagpahinga ka na. Ang sipag mo kasi masyado.

To Josh Rain:

Ganoon talaga kailangan magsipag (laugh emoji) magsasara lang ako ng store.

From Josh Rain:

Ikaw lang mag-isa magsasara niyan?

To Josh Rain:

Oo. Wala kasi si Jomar, maagang nag-out kanina.

From Josh Rain:

Jomar?

To Josh Rain:

Classmate at friend ko. Siya ‘yong nagpasok sa akin dito sa part-time job ko.

From Josh Rain:

Lalaki?

To Josh Rain:

Oo.

Lumipas ang halos limang minuto ay wala nang naging reply si Josh sa akin. Naghanda ako ng sarili at sa pagsasara ng store nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong tiningnan at binasa

From Josh Rain:

I-text mo sa akin ‘yong address kung nasaan ka ngayon. Sunduin kita. Mag-isa ka lang pala dyan. Tsk.

Kumabog ang dibdib ko at ilang segundo akong natulala sa screen ng cellphone ko dahil sa text niya sa akin. Pero mabilis akong napaangat ng tingin nang biglang may pumasok sa loob ng convenience store.

“Jomar?” gulat na tanong ko dito. “A-Anong ginagawa mo dito?”

“Ano pa eh ‘di sinusundo ka. Hindi kita pwedeng pabayaan umuwi ng mag-isa,” tugon ni Jomar sa akin saka ito maliit na ngumiti.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Gina Benoyo
bkit dk maopen sb dito ang karugtung
goodnovel comment avatar
Alona simbahan
libre mgnasa bkit d mbuksan
goodnovel comment avatar
Marly Higado
hello miss khei dito n po ako sorrynow ko lng naopen un announcement m
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Sweetest Love   Chapter 6: Holding Back

    Yannie Ace Ruiz“Huh?” gulat na reaksyon ko kay Jomar.Naglakad palapit sa akin si Jomar saka kinuha ang padlock ng store. Pagkatapos no’n ay dumeretsyo na siya sa labas. “Hindi ka pa lalabas?” tanong nito sa akin saka ako mabilis na kumilos. Kinuha ko ang bag ko saka ako sumunod sa kanya.Tuwing umaga lang bukas ang convenience store na ito dahil busy pa si Mrs. Maricel sa inaasikaso nito tungkol sa pamilya. Pero dati daw, ayon kay Jomar ay 24/7 itong bukas at si Mrs. Maricel ang nagbabantay sa gabi o sa tuwing wala si Jomar at hindi nakakapasok.Naging abala si Jomar sa pagsasara ng store. Mabuti na lang din talaga at dumating siya dahil mahihirapan din akong ibaba ang rolling steel door ng convenience store. At habang hinihintay ko siyang matapos sa pagsasara ng store ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang pangalan ni Josh na nag-appear sa screen ng cellphone ko. He is calling! At hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko dahil ito ang unang be

    Huling Na-update : 2023-01-04
  • Sweetest Love   Chapter 7: Like

    Josh Rain Montez“Nice game, Josh!” nakangiting bati sa akin ni Byron sabay tapik nito sa braso ko.“Ang galing mo talaga, Papa Josh!” nakatawang sabi naman ni Ramil sabay akbay nito sa akin habang naglalakad kami pabalik sa bench namin.Pagod akong naupo doon saka nagpunas ng pawis ko. At pagkuwan ay inabutan ako ng bottled water ng isa kong ka-team at uhaw ko namang ininom iyon. Katulad ng palaging nangyayari ay panalo ulit kami sa basketball tournament ng University namin. At isang laban na lang ay makakarating na kami sa finals, kung saan ang mananalo ang siyang lalahok o magre-represent sa University para sa National Collegiate Basketball Tournament.Pagkainom ko sa bottled water ay agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko. Nakita ko ang unread text message sa akin ni Yannie kaya naman agad kong binuksan iyon.From Yannie Ace:Good luck sa game niyo (smiley emoji)Napangiti ako saka ako mabilis na nagtipa ng reply sa kanya.To Yannie Ace:Thank you. Tapos na ang game nami

    Huling Na-update : 2023-01-05
  • Sweetest Love   Chapter 8: Where You Are

    Yannie Ace RuizHindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig lamang sa screen ng cellphone ko. Maya’t maya ko itong tina-tap ng mahina at nag-aabang lamang kung kailan ako makakatanggap muli ng mensahe mula kay Josh. Ang sabi niya kanina ay may gagawin lang daw siya pero halos apat na oras na ang nakalipas pero wala pa din siyang mensahe ulit sa akin. Nakauwi na ako mula sa palengke kanina, nakagawa na ng ibang gawaing bahay at nakapaghapunan na din pero wala pa din siyang text message ulit sa akin.“Kaninong text ba ang hinihintay mo, Ate?” pagkuwan ay biglang tanong sa akin ni Yuri na kanina pa pala ako pinagmamasdan sa aking tabi.“Huh?”“Kanina ka pa kasi nakatitig dyan eh,” puna niya.Umayos ako ng upo saka nagpatikhim. “Wala akong hinihintay na text,” pagkakaila ko sa kanya. Ilang sandali lang nang mabilis na umilaw at nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman iyong hinawakan at tiningnan. Pero mabilis din akong natigilan at napalingon kay Yuri nang maramdaman kong na

    Huling Na-update : 2023-01-09
  • Sweetest Love   Chapter 9: Picture

    Yannie Ace RuizNagising ako nang mag-ingay ang alarm ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa iyon sa tabi ng higaan ko saka iyon pinatay. Nag-unat pa ako saka kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagmulat ko ng aking mga mata. Antok na antok pa ako sa totoo lang dahil late na akong nakatulog kagabi. Pero nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako late na nakatulog kagabi ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.Bumangon ako saka ko tiningnan ang cellphone ko. Mayroon akong unread text message. Nakangiting binuksan at binasa ko iyon.From Josh Rain: Good morning (smiley emoji)Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nagta-type ng reply sa kanya.To Josh Rain: Good morning din (smiley emoji)“Ate? Okay ka lang?” Napalingon ako nang marinig ang boses ng kapatid ko. Si James. Nakasilip ito mula sa pinto ng kwarto.“Huh?”“Kanina pa ako kumakatok. Gising ka na pala pero hindi ka naman sumasagot. Tapos… nakangiti ka diyan sa cellphone mo,” nagtatakang puna niya sa akin

    Huling Na-update : 2023-01-11
  • Sweetest Love   Chapter 10: Demand

    Yannie Ace Ruiz“Nag-chat siya, Yannie!” sambit ni Veron saka niya ibinalik sa akin ang cellphone ko. Marahang kinuha ko naman iyon mula sa kanya saka ako nagpatikhim. “Anong sabi?” usisa pa ni Veron sa akin. Wala na tuloy akong nagawa kung ‘di ang buksan at tingnan ‘yong chat ni Josh Rain sa akin.Josh Rain: Hi! (smiley emoji)Bahagya naman akong nagulat ng tumili si Veron at Ivory sa tabi ko. “Ang gwapo naman niyan, Friend! Pero para mas makasiguro tayo, i-video call mo!” ani Ivory sa akin.“Ay, tama! I-video call mo, Yannie. Para makita natin kung siya talaga ‘yang nasa profile picture niya!” segunda naman ni Veron.“A-Ano ba kayo…”“Uy, anong mayroon?!” Nagulat kaming tatlo nina Veron at Ivory sa biglang pagdating naman ni Jenny. Kasabay niyang pumasok ng classroom si Jomar na deretsyong nakatingin sa akin.“Friend, ang gwapo no’ng textmate ni Yannie!” masiglang pagbabalita ni Veron kay Jenny. Narinig iyon ni Jomar kaya naman mas lumalim ang tingin nito sa akin. Umawang ang mga la

    Huling Na-update : 2023-01-13
  • Sweetest Love   Chapter 11: Let's Meet

    Josh Rain MontezPadabog kong hinagis sa ibabaw ng table ang cellphone ko na siyang nakaagaw naman ng pansin nina Ramil at Byron.“Oh? Problema mo?” tanong ni Ramil sa akin.“Wala,” tipid na sagot ko dito.“Wala pero salubong na salubong ‘yang dalawang kilay mo,” natatawang sabi naman ni Byron sa akin.Kinuha ni Ramil ang cellphone ko saka nito ito pinakialaman. Mabilis ko namang binawi sa kanya iyon pero mabilis lang din niyang naiiwas sa akin.“Don’t tell me dahil kay Yannie Ace kaya ka bad trip?” natatawang sabi ni Ramil sa akin habang hawak-hawak ang cellphone ko at tinitingnan ang kung ano doon.“Akin na nga iyan!” inis na sabi ko dito.“Yannie Ace?” tanong naman ni Byron.“Si Yannie Ace, Pre. ‘Yong bagong chicks nito,” tugon ni Ramil kay Byron.“Ah! ‘Yong textmate niya?”“Oo, iyon nga!”Sa huli ay nagtagumpay naman ako na mabawi ang cellphone ko mula kay Ramil. Mabilis kong itinago iyon sa loob ng bulsa ko.“L.Q kaagad kayo?” nakatawang tanong ni Byron sa akin.Hindi ko siya sin

    Huling Na-update : 2023-01-13
  • Sweetest Love   Chapter 12: Refuse

    Yannie Ace Ruiz“Aalis ako sa 23. Pinapupunta ako ng parents ko sa probinsya ng Samar para mag-representative sa mission ng foundation ng company nila. Ten days ako doon at mahirap ang signal doon. I hope na makita kita before that.”Mabilis akong napamulat ng aking mga mata dahil sa paulit-ulit na mga salita na bumabalik sa aking isipan. Ala una na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog dahil paulit-ulit kong naiisip ‘yong sinabi ni Josh sa akin kanina.Sinabi niya kasi sa akin sa chat na magkita na daw kami. Noong unang mabasa ko iyon ay nakaramdam talaga ng kakaibang kaba at pagkabog ang puso ko. Nae-excite ako na natatakot. Ganyan ang naramdaman ko kaya hindi ako kaagad nakasagot sa kanya at sa halip ay iniba ko na lang ‘yong topic namin. Pero kanina, bago siya tuluyang matulog ay tinawagan niya ako saka niya sinabi sa akin ang mga salitang iyon na gumugulo sa isipan ko ngayon.Sampung araw siyang mawawala. Sampung araw ko siyang hindi makakausap dahil

    Huling Na-update : 2023-01-13
  • Sweetest Love   Chapter 13: Upset

    Josh Rain Mendez“Hey, Josh! Long time no see ah. Akala ko hindi ka pupunta?”“What made you think that I wouldn't go?” Tamad akong naupo sa tabi ni Ethan saka ko inabot ang bote ng alak na iniinom niya at nagsalin no’n sa shot glass. Tinungga ko iyon pagkatapos. Naramdaman ko naman ang pagguhit ng mainit na likido sa aking sikmura dahil doon.“Sabi kasi ni Rica eh good boy ka na daw ngayon,” nakangising tugon sa akin ni Ethan habang siya naman ang nagsasalin ng alak sa shot glass at pagkuwan ay tinungga ang laman no’n.“Talaga? Good boy ka na ngayon, Josh? Kaya pala wala ka noong nakaraang session,” biglang dating at singit naman ni Rodnie sa amin ni Ethan. Siniksik nito ang sarili sa pagitan namin ni Ethan saka ito naupo doon.“I was just busy these past few days because of our game,” tugon ko dito. Pinabubulaanan ang mga sinasabi nila sa akin.“Oh? Ganoon ba? Akala ko pa naman ay dahil sa may nagbabawal na,” nakangising sabi sa akin ni Rodnie.“What?”“Oy, Josh! Bakit nandito ka?”

    Huling Na-update : 2023-01-14

Pinakabagong kabanata

  • Sweetest Love   Special Chapter

    "Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili

  • Sweetest Love   Epilogue

    "Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi

  • Sweetest Love   Chapter 110: True Love

    Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n

  • Sweetest Love   Chapter 109: Forget

    Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan

  • Sweetest Love   Chapter 108: Unconscious

    Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala

  • Sweetest Love   Chapter 107: The Revenge

    Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid

  • Sweetest Love   Chapter 106: In Danger

    Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni

  • Sweetest Love   Chapter 105: The Truth

    Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia

  • Sweetest Love   Chapter 104: The Mother's Love

    Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma

DMCA.com Protection Status