Home / Romance / Sweetest Love / Chapter 3: Introduce

Share

Chapter 3: Introduce

Author: KheiceeBlueWrites
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Yannie Ace Ruiz

"Minahal kita, Yannie. Minahal kita ng totoo."

Malalim akong napasinghap dahil sa mga salitang iyon na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko. Bakit may mga taong ang dali na lang sabihin para sa kanila ang salitang mahal na hindi naman kayang panindigan? Nang dahil sa mga tulad nila, nawawalan na tuloy ng tunay na halaga ang mga salitang iyon. Na para bang nagagamit na lamang ang mga salitang iyon para makapanloko ng iba.

Nang makita ko kanina si Kris ay wala naman na talaga akong naramdaman. Pwera na lang sa inis matapos niyang sabihin sa akin na minahal niya daw ako. Bakit kailangan niya pang sabihin sa akin iyon? Sino bang gusto niyang lokohin? Minahal niya ako pero ganoon ang ginawa nila sa akin ni Bella? Oo hindi naman naging kami, pero, niloko pa rin nila ako. ‘Yong dalawang buwan na panliligaw niya sa akin noon ay mabilis na natabunan ng isang araw nila ni Bella.

Mabilis akong napailing para maalis na sa isipan ko sina Kris at Bella. Ayaw ko na silang isipin pa. Dalawang taon na ang lumipas. At siguro naman ay hindi ko na ulit sila makikita pa. Nagkataon lang ‘yong kanina at siguro naman ay hindi na iyon mauulit pa.

Kinuha ko ang cellphone ko saka ako nagbukas ng social media account ko. Agad akong napangiti nang makitang may bagong post ang 4SBLUE sa account nila. Ganito nila kayang baguhin ang mood ko. Sa tuwing nakikita ko lang ang mga pictures o sa tuwing makakapakinig lang ako ng mga kanta nila ay napapangiti na agad ako.

Nagpatuloy ako sa pagbo-browse sa social media nang makita ko ang isang post ng isang page na fino-follow ko.

‘Mahal ka niya, mahal niya rin ‘yong isa. Pati ba puso ngayon naka-dual sim na?’

‘Nga naman! Nagpapatawa yata.’ Komento ko sa nabasa ko. Nawala na sa isip ko kanina sina Kris, pero dahil sa nabasa kong ito ay muli na naman akong nakaramdam ng inis.

Nagpatuloy ulit ako sa pagbo-browse nang bigla namang tumunog ang notification ko.

Rica reacted to your comment…

Rica replied to your comment…

Agad kong tiningnan iyon at binasa ang reply ni Ate Rica sa comment ko doon sa post ng page na fino-follow ko.

‘Ay oh.’

Iyon ang reply niya with laugh emoji pa. Nag-react ako ng tawa sa reply niyang iyon at pagkatapos ay agad naman akong kinatok ng kapatid ko sa kwarto ko.

“Ate! Kakain na daw!”

“Nandyan na!” tugon ko saka ko mabilis na binitiwan ang cellphone ko at lumabas na ng kwarto.

“Anak, bukas ka na magsisimula sa part-time job mo, ‘di ba?” tanong sa akin ni Mama pagkalabas ko ng kwarto at habang naghahain ito ng pagkain sa hapag-kainan.

“Opo, Ma,” nakangiting tugon ko naman dito saka ko ito tinulungan sa kanyang ginagawa.

“Sigurado ka ba talaga diyan, Anak? Kaya mo ba talagang pagsabayin ang pag-aaral mo at ang trabaho?” tanong naman sa akin ni Papa.

“Opo naman po, Pa. Kaya huwag na po kayong mag-alala. Saka isa pa, madali lang din naman ang magiging trabaho ko po doon. At kasama ko naman po si Jomar,” tugon ko kay Papa.

“Sa bagay, medyo panatag naman ako dahil kasama mo si Jomar,” ani Mama.

“Pero, Anak, papaalalahanan lang kita huh. Hanggang magkaibigan lang muna kayo ni Jomar huh. Bawal pa kung hihigit pa doon,” wika naman ni Papa.

“Pa, naman! Magkaibigan lang naman po talaga kaming dalawa,” tugon ko.

“Kunwari pa si Ate, eh halata naman na gusto ka ni Kuya Jomar,” singit naman sa amin ng isa kong kapatid na si Yuri.

“Isa ka pa, Yuri. Kumuha ka nga ng tubig at baso doon,” utos ko dito na natatawang sinunod naman nito.

I have big and happy family. Big kasi madami kami. Lima kaming magkakapatid kaya bali pito kaming lahat, isama pa ang anim naming mga aso. Hindi malaki ang bahay namin pero hindi din naman ito kaliitan. Kumbaga ay sakto lang at nagkakasya naman kaming lahat.

Isang tricycle driver ang Papa ko, at si Mama naman ay isang tindera ng mga laruan at school supplies sa tapat ng isang elementary school sa kabilang barangay. Ang kuya ko naman ay isang street sweeper dito sa aming barangay. Limang taon ang tanda niya sa akin. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at hanggang elementary lamang ang naabot niya. Pangalawa ako sa aming lima na magkakapatid. At ang sumunod sa akin ay si James, 18 years old at kasulukuyang nag-aaral ng senior high school. Si Yuri ang sumunod kay James, 16 years old at ang bunso namin ay si Yumi na 15 years old. Pareho silang nasa junior high school ni Yuri.

Simple lang ang buhay na mayroon kami. Sa isang public university ako nag-aaral ng kolehiyo at mayroon akong financial assistance scholarship na nakukuha every semester. At iyon ang iniipon ko para panggastos sa ibang pangangailangan ko pagdating sa school. Ayaw ko na kasing makadagdag pa sa mga gastusin ng mga magulang ko. At mabuti na nga lang at ipinasok ako ni Jomar sa convenience store na pinagtatrabahuhan niya. Classmate ko si Jomar at isa din siya sa malapit kong kaibigan.

Nang matapos kami sa paghahapunan at pagliligpit ng pinagkainan ay maaga na akong bumalik sa kwarto para makapagpahinga. Friday bukas at wala kaming pasok sa school. Monday to Thursday lang kasi ang schedule namin sa school, kaya mayroon akong tatlong araw para makapagtrabaho sa convenience store. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may chat pala sa akin si Ate Rica.

Rica: Mukhang may pinagdadaanan ka ah (with laugh emoji)

Agad akong nag-reply sa chat niya sa akin.

Me: Wala naman po ate. Naka-move on na po ako.

Reply ko na may kasama ding laugh emoji. Wala pang ilang segundo ay nag-seen na siya sa chat ko at agad ding nag-reply.

Rica: Single ka ba ngayon?

Napataas ang isang kilay ko sa tanong na iyon sa akin ni Ate Rica. Pero agad ko din naman siyang ni-replyan ulit.

Me: Bakit, Ate? May ipapakilala ka po ba sa akin diyan?

Biro ko dito. Inilapag ko ang cellphone ko saka ko inayos ang higaan ko. Pumasok naman si Yuri at nahiga na sa higaan niya. Magkakasama kasi kaming tatlo nina Yuri at Yumi dito sa kwarto.

“Good luck sa work mo bukas, Ate,” wika ni Yuri sa akin.

“Thanks,” tugon ko dito saka ako nahiga.

“Ate, bili mo akong sapatos kapag nagkasahod ka na huh,” aniya na siyang mabilis ko namang ikinalingon dito.

“Hindi pa nga ako nakakapagsimula sa trabaho ko, nagpapabili ka na kaagad sa akin. Ikaw talaga, Yuri,” natatawa at medyo sarcastic na sabi ko sa kapatid ko.

“Joke lang ate!” natatawang tugon din naman niya sa akin.

Napailing na lamang ako dito saka ko kinuha muli ang cellphone ko para basahin ang reply ni Ate Rica sa chat ko.

Rica: Mayroon. Sakto at naghahanap ako ngayon ng magpapatino sa bebe boy ko.

Natawa ako sa reply na iyon ni Ate Rica sa akin. Hindi ko inaasahan na talagang may gusto siyang ipakilala sa akin. Kaya naman biniro ko na lang ulit ito.

Me: Sige po, Ate. Sa akin na lang siya hahaha!

Agad na nag-seen si Ate Rica sa reply ko sa chat niya at pagkatapos ay nag-heart react siya doon sa sinabi ko. Maya-maya lang ay nag-reply na din siya kaagad.

Rica: Hahaha! He is my cousin and super brat nito. Sarap ihagis sa North Korea.

Me: Huwag, Ate. Sa akin mo na lang ihagis, sasaluhin ko po.

Rica: Gusto ko iyan! Hahaha bigay ko number mo sa kanya later. Nasa galaan pa kasi kahit gabing-gabi na.

Me: Gala po pala iyan, Ate. Ayaw ko po sa gala hahaha.

Rica: Patinuin mo haha.

Noong una, natatawa lang talaga ako na replyan ang mga sinasabi ni Ate Rica sa akin. Pero hindi ko alam na ang mga biruan na iyon ay seseryosohin pala niya. I mean, sino pa ba ang pumapatol sa mga reto-reto ngayon? Madalas kong naririnig sa mga kaibigan ko na hindi na uso sa panahon ngayon ang mga reto na iyan. Pero heto ako at natagpuan ang sarili na pumapatol sa akala ko ay biro lang talaga.

Kinabukasan, maaga akong sinundo ni Jomar sa bahay gamit ang kanyang single na motor.

“Sana hindi ka na nag-abala pa, Jomar. Madali lang naman makasakay dito sa amin papunta sa store eh,” sabi ko kay Jomar nang matapos ako sa pag-aayos ng aking sarili.

“Okay lang iyon. First day mo kaya gusto lang din kitang i-support,” nakangiting tugon naman nito sa akin. Sa huli ay natatawang napailing na lamang ako dito saka ako nagpaalam sa mga magulang ko.

Nang makarating kami sa convenience store na pagtatrabahuhan namin ay agad kaming sinalubong ng boss namin.

“Magandang araw po,” masayang bati ko kay Mrs. Maricel.

“Magandang araw din sa iyo, Iha. So, paano? Si Jomar na ang bahala sa iyo huh,” wika nito sa akin.

“Po?”

“Ako sana ang magte-train sa iyo kaso may biglaang lakad naman ako na kailangang puntahan.”

“Ah… ganoon po ba?”

“Huwag kang mag-alala at hindi ka pababayaan nitong si Jomar. Tatlong taon na itong nagtatrabaho dito sa akin kaya maraming bagay na siyang maituturo sa iyo,” nakangiting sabi ni Mrs. Maricel sa akin.

Nakangiting napalingon ako kay Jomar na nasa aking tabi. Maliit itong nakangiti at nakatingin kay Mrs. Maricel.

“Sige po, Mrs. Maricel. Ingat po kayo sa pupuntahan ninyo,” pagkuwan ay nakangiting sabi ko dito.

Nakangiting tinanguan lang naman ako nito saka nagbilin pa ng ilang mga bagay kay Jomar. At pagkuwan ay tuluyan na din itong umalis.

Sinimulan muna namin ni Jomar ang pagtatrabaho sa paglilinis ng buong store. Pagkalipas ng kalahating oras ay saka na namin ito binuksan. Una akong tinuruan ni Jomar na maging pamilyar sa mga produkto na ibinebenta namin dito. Tinuruan niya din ako sa tamang pag-aayos ng mga products at kung paano mag-inventory. Natapos ang maghapon ko na napagod ako ng husto pero masaya naman ako.

“Jomar, thank you nga pala ulit sa pagpasok mo sa akin dito huh,” nakangiting sabi ko kay Jomar habang nagmo-mop ako ng sahig. Naghahanda na kasi kami sa pagsasara. Hindi kasi 24 hours ang store na ito. Sa umaga lamang ito bukas.

Matamis akong nginitian ni Jomar. “Anything for you, Yannie,” tugon niya sa akin.

Jomar Racoles is sweet and a very kind person. Matalino at masipag itong mag-aral. Gentleman, family oriented at maaasahan sa lahat ng bagay. Bukod doon ay gwapo din ito kaya naman madaming babae sa school ang nagkakagusto sa kanya. At siguro, kung hindi ko lang siya kaibigan ay baka isa na din ako sa mga babaeng iyon.

Madilim na nang matapos kami ni Jomar sa pagsasara sa convenience store.

“Gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi?” pagkuwan ay tanong sa akin nito. “May alam kong masarap na tapsilugan. Sagot ko,” dagdag niya pa.

Nakangiting tumango ako sa kanya bilang pagtugon. Ngumiti din naman siya sa akin saka niya inabot sa akin ang isang helmet. Isinuot ko iyon at pagkatapos ay saka ako umangkas sa motor niya.

Dinala ako ni Jomar sa sinasabi niyang masarap na tapsilugan. At habang naghihintay pa kami na maluto ang inorder namin ay kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Doon ko lang nakita na may text message pala sa akin si Ate Rica.

From Ate Rica:

Yannie, Saan ka? Daan kami ng Laguna. Kasama ko bebe boy ko. ‘Yong cousin ko.

Kaninang 8:36 ng umaga pa iyon message sa akin ni Ate Rica. At pasado alas syete na ng gabi ko iyon nakita. Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ako nagtipa ng reply sa kanya.

To Ate Rica:

Sorry, Ate! Ngayon ko lang nabasa ang message mo. Na-busy po kasi ako sa work.

“Bakit, Yannie? May problema ba?” tanong sa akin ni Jomar nang mapansin niyang tila nababalisa ako.

“Huh? Ah… wala naman… may text pala kasi sa akin si Ate Rica. Kanina pa itong umaga pero ngayon ko lang nabasa,” tugon ko kay Jomar.

“Ate Rica?” kunot-noong tanong ni Jomar sa akin.

“Ah si Ate Rica, new found friend ko. Fan din siya ng 4SBLUE,” nakangiting tugon ko kay Jomar.

“Talaga? Paano mo siya nakilala?” tanong ulit ni Jomar sa akin.

“Noong nagpunta kami ni Veron sa press conference ng 4SBLUE sa SM Megamall.”

“Ilang taon na siya?”

“24.”

“Taga saan?”

“Taga-Las Piñas.”

“Okay.” Sandali akong napatitig kay Jomar na agad din naman niyang napansin. “Bakit?” pagkuwan ay tanong niya sa akin.

“Bakit ang dami mong tanong tungkol kay Ate Rica?”

“Wala lang. Gusto ko lang masiguro na okay ‘yong mga nakikilala mo,” tugon niya sa akin na siyang ikinatawa ko.

“Daig mo pa ang Papa ko sa dami ng tanong pagdating sa mga bagong kaibigan ko,” saad ko dito saka ko muling ibinalin ang atensyon ko sa cellphone ko at nakita kong may reply na si Ate Rica sa akin.

From Ate Rica:

It’s Okay, Yannie. Hindi na din naman kami nakadaan ng Laguna. Bad trip nga cousin ko dahil hindi naman daw kami nakapunta sa iyo tapos sinama ko pa daw siya hahaha.

To Ate Rica:

Hala Ate! Seryoso ka po talaga na ipakilala sa akin ang cousin mo?

Reply ko kay Ate Rica at maya-maya lang ay dumating na ang inorder namin ni Jomar na agad din naman naming inumpisahan na kainin. Pagkalipas ng dalawang minuto ay muling tumunog ang cellphone ko dahil sa reply ni Ate Rica sa akin. Agad ko naman iyong tiningnan at binasa.

From Ate Rica:

Oo. Seryoso ako, Yannie. Hahaha. Nga pala, nagwo-work na ikaw? Hindi ba at nag-aaral ka?

“Sino ‘yan?” tanong sa akin ni Jomar nang akmang magtitipa ako ng ire-reply ko kay Ate Rica.

“Si Ate Rica,” tugon ko dito saka ako nag-reply kay Ate Rica.

To Ate Rica:

Nakakahiya, Ate. Nakikipagbiruan lang naman po ako noong nakaraan hahaha. Yes po nag-aaral ako. Tapos nagpa-part-time job din po.

“Unahin mo muna ang pagkain mo,” puna sa akin ni Jomar na siyang sinunod ko na lamang. Itinabi ko ang cellphone ko saka ako nagpatuloy sa pagkain. Nakita ko naman ang maliit na pagngiti ni Jomar dahil doon.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid na din ako ni Jomar sa bahay. Niyaya siya nina Mama na pumasok sa loob ng bahay at sumabay na maghapunan pero sinabi namin na nakapaghapunan na kaming dalawa sa labas. Kaya ang ending ay panay ang tukso sa akin ng mga kapatid ko.

Dumeretsyo ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Unang araw ko sa part-time job ko at pagod na pagod ang katawang lupa ko. Ang dami din kasing ipinagawa at itinuro agad sa akin ni Jomar. Tapos ang dami din ng mga dumating na customer kanina.

Nang magpapahinga na ako ay kinuha ko ang cellphone sa bag ko at nakita kong may text message sa akin galing kay Ate Rica. Natigil pala ako sa pakikipagpalitan ng mensahe sa kanya kanina dahil kay Jomar.

From Ate Rica:

Naku, Yannie. Seryoso ako doon hahahaha. Pero saka ko na pala ibibigay ang number mo sa kanya. Mas okay kung mag-meet muna kayo. Nice, ang sipag mo naman. Bali working student ka pala.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa sinabi ni Ate Rica na mag-meet muna kami ng pinsan niya. Mukhang seseryosohin niya talaga na ipakilala sa akin iyon.

To Ate Rica:

Hindi ka naman po mabiro, Ate. Hahaha nahiya po ako bigla.

From Ate Rica:

Huwag kang mahiya. Mabait naman ito saka for friends lang naman. Balik mo sa akin kapag hindi mo siya bet hahahaha.

Natatawang napailing na lamang ako sa reply na iyon ni Ate Rica. Wala na sana akong balak na mag-reply pa sa kanya dahil matutulog na sana ako, nang bigla namang tumunog ulit ang cellphone ko dahil sa text message niya ulit sa akin.

From Ate Rica:

21 years old siya. Josh Rain ang name niya. Basketball ang sports niya at mahilig siyang tumugtog ng guitar.

Napatitig ako sa screen ng cellphone ko. At talagang ibinebenta sa akin ni Ate Rica ang pinsan niya. Sa huli, imbis na matulog ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagre-reply pa ulit sa message ni Ate Rica.

To Ate Rica:

Josh Rain po pala ang name niya. Nice name po. Pero pass po talaga Ate hahaha.

From Ate Rica:

Aw. Reject mo agad siya? Hahaha.

To Ate Rica:

Nahihiya po ako, Ate. Hahaha.

From Ate Rica:

Huwag ka mahiya mabait naman siya hahaha. Ganito na lang, sa weekend puntahan ka namin para ma-meet mo siya sa personal.

Lalo akong kinabahan sa sinabing iyon ni Ate Rica. Bakit ba kasi gustong-gusto niya ipakilala sa akin ang pinsan niyang iyon?

Hindi na ako nag-reply pa kay Ate Rica dahil hindi ko na din naman alam ang ire-reply pa sa kanya. Pero nagulat ako nang muli na namang tumunog ang cellphone ko dahil sa text message na natanggap ko. Akala ko si Ate Rica ulit iyon, pero galing pala kay Jomar.

From Jomar:

Good night, Yannie. See you tomorrow.

Napangiti ako sa message ni Jomar habang nire-replyan ito.

To Jomar:

Good night din, Jomar. See you tomorrow.

At pagka-send na pagka-send ko ng reply ko kay Jomar ay muli na namang tumunog ang cellphone ko dahil sa isa na namang text message na natanggap ko.

From 09*********:

Hi. Text kita. Ayaw niya ibigay ang number mo. Can I get your number naman ‘di ba? Kinuha ko lang sa phone ni Sissy.

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa nabasa kong iyon. At pagkuwan ay agad akong nag-reply dito.

To 09*********:

Sino ‘to?

At wala pang ilang segundo ay agad din itong nag-reply sa akin.

From 09*********:

It’s Josh Rain.

Shocks.

Kaugnay na kabanata

  • Sweetest Love   Chapter 4: Pissed Off

    Josh Rain MontezMabilis kong nasalo ang ipinasang bola sa akin ni Ramil at agad ko naman iyong itinira sa basketball ring. And as expected, pasok na pasok at walang mintis ang laro ko ngayong araw.“Whoa! Napakagaling mo talaga papa Josh!” nakatawang pang-aalaska sa akin ni Ramil kasabay ng pag-apir nito sa akin. Natatawang napailing naman ako dito saka ako naupo sa bench namin dahil tumawag ng time-out ang head coach ng kabilang team.Kinuha ko ang bottled water saka ininom ang laman no’n. At pagkuwan ay narinig ko ang pag-iingay ng cellphone ko mula sa loob ng bag ko. Kinuha ko iyon at nakita ko ang pag-appear ng pangalan ni Sissy—ang pinsan kong si Ate Rica, sa screen ng cellphone ko. At bago pa man magsimula ulit ang laro ay mabilis ko na iyong sinagot."Bakit—” Ngunit agad din akong natigilan nang bigla akong putulin ni Sissy mula sa kabilang linya."Where are you now?" mabilis nitong tanong sa akin."Why—”"We're going to Laguna. Samahan mo kami," putol ulit nito sa akin."What

  • Sweetest Love   Chapter 5: Fetch

    Josh Rain MontezMalakas akong tinawanan ni Sissy dahil sa sinabi ko. “Don’t worry, Josh. Soon mami-meet mo din siya,” saad nito sa akin.Hindi alam ni Sissy na ang best friend niyang si Aika ang first love ko. At ayaw ko din naman iyong ipaalam sa kanila dahil masaya naman na ako at kuntento sa pagiging magkaibigan namin ni Aika. Ayaw ko lang talaga na tinatrato siya ng ganoon ng ibang lalaki dahil hindi niya iyon deserve.At dahil ginabi na kami sa daan ni Sissy ay nag-drive thru na lang kami para sa dinner namin. Napansin ko naman na abalang-abala si Sissy sa kakatipa sa cellphone niya. Panay din ang pagtunog nito habang hawak niya.“Akala ko may flight pa si Rodnie ngayon?” pagkuwan ay tanong ko kay Sissy. Tinutukoy ang boyfriend nitong piloto.“Mayroon nga. Mamaya ko pa siya makakausap,” tugon naman nito sa akin.“Eh sino ‘yang kausap mo? Si Aika?” tanong kong muli dito.“No. Busy na iyon sa jowa niya dahil kasama na niya,” natatawang sagot ni Sissy sa akin na siyang hindi ko nam

  • Sweetest Love   Chapter 6: Holding Back

    Yannie Ace Ruiz“Huh?” gulat na reaksyon ko kay Jomar.Naglakad palapit sa akin si Jomar saka kinuha ang padlock ng store. Pagkatapos no’n ay dumeretsyo na siya sa labas. “Hindi ka pa lalabas?” tanong nito sa akin saka ako mabilis na kumilos. Kinuha ko ang bag ko saka ako sumunod sa kanya.Tuwing umaga lang bukas ang convenience store na ito dahil busy pa si Mrs. Maricel sa inaasikaso nito tungkol sa pamilya. Pero dati daw, ayon kay Jomar ay 24/7 itong bukas at si Mrs. Maricel ang nagbabantay sa gabi o sa tuwing wala si Jomar at hindi nakakapasok.Naging abala si Jomar sa pagsasara ng store. Mabuti na lang din talaga at dumating siya dahil mahihirapan din akong ibaba ang rolling steel door ng convenience store. At habang hinihintay ko siyang matapos sa pagsasara ng store ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang pangalan ni Josh na nag-appear sa screen ng cellphone ko. He is calling! At hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko dahil ito ang unang be

  • Sweetest Love   Chapter 7: Like

    Josh Rain Montez“Nice game, Josh!” nakangiting bati sa akin ni Byron sabay tapik nito sa braso ko.“Ang galing mo talaga, Papa Josh!” nakatawang sabi naman ni Ramil sabay akbay nito sa akin habang naglalakad kami pabalik sa bench namin.Pagod akong naupo doon saka nagpunas ng pawis ko. At pagkuwan ay inabutan ako ng bottled water ng isa kong ka-team at uhaw ko namang ininom iyon. Katulad ng palaging nangyayari ay panalo ulit kami sa basketball tournament ng University namin. At isang laban na lang ay makakarating na kami sa finals, kung saan ang mananalo ang siyang lalahok o magre-represent sa University para sa National Collegiate Basketball Tournament.Pagkainom ko sa bottled water ay agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko. Nakita ko ang unread text message sa akin ni Yannie kaya naman agad kong binuksan iyon.From Yannie Ace:Good luck sa game niyo (smiley emoji)Napangiti ako saka ako mabilis na nagtipa ng reply sa kanya.To Yannie Ace:Thank you. Tapos na ang game nami

  • Sweetest Love   Chapter 8: Where You Are

    Yannie Ace RuizHindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig lamang sa screen ng cellphone ko. Maya’t maya ko itong tina-tap ng mahina at nag-aabang lamang kung kailan ako makakatanggap muli ng mensahe mula kay Josh. Ang sabi niya kanina ay may gagawin lang daw siya pero halos apat na oras na ang nakalipas pero wala pa din siyang mensahe ulit sa akin. Nakauwi na ako mula sa palengke kanina, nakagawa na ng ibang gawaing bahay at nakapaghapunan na din pero wala pa din siyang text message ulit sa akin.“Kaninong text ba ang hinihintay mo, Ate?” pagkuwan ay biglang tanong sa akin ni Yuri na kanina pa pala ako pinagmamasdan sa aking tabi.“Huh?”“Kanina ka pa kasi nakatitig dyan eh,” puna niya.Umayos ako ng upo saka nagpatikhim. “Wala akong hinihintay na text,” pagkakaila ko sa kanya. Ilang sandali lang nang mabilis na umilaw at nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman iyong hinawakan at tiningnan. Pero mabilis din akong natigilan at napalingon kay Yuri nang maramdaman kong na

  • Sweetest Love   Chapter 9: Picture

    Yannie Ace RuizNagising ako nang mag-ingay ang alarm ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa iyon sa tabi ng higaan ko saka iyon pinatay. Nag-unat pa ako saka kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagmulat ko ng aking mga mata. Antok na antok pa ako sa totoo lang dahil late na akong nakatulog kagabi. Pero nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako late na nakatulog kagabi ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.Bumangon ako saka ko tiningnan ang cellphone ko. Mayroon akong unread text message. Nakangiting binuksan at binasa ko iyon.From Josh Rain: Good morning (smiley emoji)Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nagta-type ng reply sa kanya.To Josh Rain: Good morning din (smiley emoji)“Ate? Okay ka lang?” Napalingon ako nang marinig ang boses ng kapatid ko. Si James. Nakasilip ito mula sa pinto ng kwarto.“Huh?”“Kanina pa ako kumakatok. Gising ka na pala pero hindi ka naman sumasagot. Tapos… nakangiti ka diyan sa cellphone mo,” nagtatakang puna niya sa akin

  • Sweetest Love   Chapter 10: Demand

    Yannie Ace Ruiz“Nag-chat siya, Yannie!” sambit ni Veron saka niya ibinalik sa akin ang cellphone ko. Marahang kinuha ko naman iyon mula sa kanya saka ako nagpatikhim. “Anong sabi?” usisa pa ni Veron sa akin. Wala na tuloy akong nagawa kung ‘di ang buksan at tingnan ‘yong chat ni Josh Rain sa akin.Josh Rain: Hi! (smiley emoji)Bahagya naman akong nagulat ng tumili si Veron at Ivory sa tabi ko. “Ang gwapo naman niyan, Friend! Pero para mas makasiguro tayo, i-video call mo!” ani Ivory sa akin.“Ay, tama! I-video call mo, Yannie. Para makita natin kung siya talaga ‘yang nasa profile picture niya!” segunda naman ni Veron.“A-Ano ba kayo…”“Uy, anong mayroon?!” Nagulat kaming tatlo nina Veron at Ivory sa biglang pagdating naman ni Jenny. Kasabay niyang pumasok ng classroom si Jomar na deretsyong nakatingin sa akin.“Friend, ang gwapo no’ng textmate ni Yannie!” masiglang pagbabalita ni Veron kay Jenny. Narinig iyon ni Jomar kaya naman mas lumalim ang tingin nito sa akin. Umawang ang mga la

  • Sweetest Love   Chapter 11: Let's Meet

    Josh Rain MontezPadabog kong hinagis sa ibabaw ng table ang cellphone ko na siyang nakaagaw naman ng pansin nina Ramil at Byron.“Oh? Problema mo?” tanong ni Ramil sa akin.“Wala,” tipid na sagot ko dito.“Wala pero salubong na salubong ‘yang dalawang kilay mo,” natatawang sabi naman ni Byron sa akin.Kinuha ni Ramil ang cellphone ko saka nito ito pinakialaman. Mabilis ko namang binawi sa kanya iyon pero mabilis lang din niyang naiiwas sa akin.“Don’t tell me dahil kay Yannie Ace kaya ka bad trip?” natatawang sabi ni Ramil sa akin habang hawak-hawak ang cellphone ko at tinitingnan ang kung ano doon.“Akin na nga iyan!” inis na sabi ko dito.“Yannie Ace?” tanong naman ni Byron.“Si Yannie Ace, Pre. ‘Yong bagong chicks nito,” tugon ni Ramil kay Byron.“Ah! ‘Yong textmate niya?”“Oo, iyon nga!”Sa huli ay nagtagumpay naman ako na mabawi ang cellphone ko mula kay Ramil. Mabilis kong itinago iyon sa loob ng bulsa ko.“L.Q kaagad kayo?” nakatawang tanong ni Byron sa akin.Hindi ko siya sin

Pinakabagong kabanata

  • Sweetest Love   Special Chapter

    "Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili

  • Sweetest Love   Epilogue

    "Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi

  • Sweetest Love   Chapter 110: True Love

    Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n

  • Sweetest Love   Chapter 109: Forget

    Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan

  • Sweetest Love   Chapter 108: Unconscious

    Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala

  • Sweetest Love   Chapter 107: The Revenge

    Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid

  • Sweetest Love   Chapter 106: In Danger

    Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni

  • Sweetest Love   Chapter 105: The Truth

    Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia

  • Sweetest Love   Chapter 104: The Mother's Love

    Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma

DMCA.com Protection Status