Bargain Marriage

Bargain Marriage

last updateLast Updated : 2024-02-11
By:   Bebe  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
1.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Lara Foster, the girl who can do anything for her siblings. The girl who sacrificed her dream just for them. A girl who left by their mother, and became the coldest woman towards other man. But, destiny is always trying to ruin her life. Jacob Smith, a man who will offer her a marriage contract, a marriage that will make her life miserable. How can she love a man whose same as her - a cold one, and a man who had many secrets? Are they will end up being in love or not?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

"Ate, nagugutom na po ako." Napalingon ako sa kapatid kong sampung taong gulang pa lang. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan, at naghihintay sa noodles na aking niluluto para sa aming agahan. Pagkaluto ay ginising ko na ang isa ko pang kapatid na labing pitong gulang naman. "Cristine, gumising ka na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi rito habang niyuyugyog siya. Minulat naman nito ang kaniyang mata at pupungas-pungas na bumangon sa aming papag na higaan. Sabado ngayon kaya't hindi sila abala mag-asikaso ng sarili sa pagpasok. Napatingin na lamang ako sa dalawa kong kapatid na nakangiting humihigop ng sabaw ng noodles at nage-enjoy sa ilang pirasong pandesal na nagkakahalagang bente pesos. "Ate, kumain ka na. Baka lumamig iyang sabaw, sige ka. Ayaw mo pa naman no'n," usal ng aking kababatang kapatid. Siya si Kyle, grade 5 na sa pag-aaral. Si Cristine naman ang sumunod sa akin, junior high school naman siya. Tatlo lamang kaming magkakapatid. Sinimulan ko na ring kumain. Hindi...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Chapter 1
"Ate, nagugutom na po ako." Napalingon ako sa kapatid kong sampung taong gulang pa lang. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan, at naghihintay sa noodles na aking niluluto para sa aming agahan. Pagkaluto ay ginising ko na ang isa ko pang kapatid na labing pitong gulang naman. "Cristine, gumising ka na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi rito habang niyuyugyog siya. Minulat naman nito ang kaniyang mata at pupungas-pungas na bumangon sa aming papag na higaan. Sabado ngayon kaya't hindi sila abala mag-asikaso ng sarili sa pagpasok. Napatingin na lamang ako sa dalawa kong kapatid na nakangiting humihigop ng sabaw ng noodles at nage-enjoy sa ilang pirasong pandesal na nagkakahalagang bente pesos. "Ate, kumain ka na. Baka lumamig iyang sabaw, sige ka. Ayaw mo pa naman no'n," usal ng aking kababatang kapatid. Siya si Kyle, grade 5 na sa pag-aaral. Si Cristine naman ang sumunod sa akin, junior high school naman siya. Tatlo lamang kaming magkakapatid. Sinimulan ko na ring kumain. Hindi
last updateLast Updated : 2022-02-12
Read more
Chapter 2
Araw na ng lunes kaya't maaga kong ginising ang dalawa kong kapatid. Naghanda na rin ako ng kanilang kakainin bago ako pumasok sa café habang sila ay naliligo pa. "Ate, maligo ka na po. Ako na bahala sa paghain." Napangiti ako sa tinuran ni Cristine. Buti na lang talaga ay naiintindihan nila ang sitwasyon namin at hindi sila masyado mareklamo. Kaya't pangako ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari, magtatapos sila ng pag-aaral. "Ate, natulala ka na diyan. Baka ikaw po ang ma-late." Tila nabalik naman ako sa aking sarili. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa naisip. Kaya't madali kong kinuha ang tuwalyang ginamit ni Cristine at pumasok na sa maliit naming banyo. Halos iisa lang ang ginagamit na tuwalya dahil sa halip na ibili namin ng isa pang tuwalya ay mabuting sa pagkain na lamang namin ibili.Matapos kong maligo ay nagpalit na rin ako ng damit sa maliit naming kwarto na ang tanging pintuan lamang ay ang mahabang kurtina. Sinuot ko na ang uniporme naming polo s
last updateLast Updated : 2023-02-02
Read more
Chapter 3
Alam kong gising na ang diwa ko pero ang mata ko'y nananatiling nakapikit pa rin sapagkat pakiramdam ko ay lumulutang ako at may malambot na may katigasan na nakayapos sa aking katawan, kung hindi ako nagkakamali ay nasa bisig ako nito.Ngunit, maya-maya lang ay napalitan ng gulat ang aking pagkatao at napamulat dahil sa biglaang paghagis nito sa akin sa malambot na kama. "Sh*t!" usal ko."Tss. Bigat mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at mabilis na bumangon sa kama. "Aba, mister! Ikaw 'tong bigla akong binuhat at teka nga..." nilibot ko ang paningin ko sa lugar, "saan mo ako dinala?!" Napalinis ito ng kaniyang tainga dahil sa lakas ng pagkakasabi ko. "Woman, lower your voice. Wala ka sa palengke." "Aba't —" akmang aamba ako rito nang may dalawang kamay ang pumigil sa akin, ang isa ay nakahawak sa pulsuhan ko at ang isa naman ay sa balikat ko. Teka nga, kanina pa ba sila narito?! At saka sino ba talaga ang mga ito?! "Hep! Hep!" usal ng lalaking nakahawak sa pulsuhan ko at da
last updateLast Updated : 2023-03-26
Read more
Chapter 4
Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nakaupo na siya sa sahig tukod ang kaniyang siko para mabalanse ang kaniyang katawan sa pagkakasalampak nito sa sahig. Kahit ako ay nabigla sa nagawa ko. "Oh my God! So—sorry!" Mabilis akong lumapit dito at tinulungan siyang makatayo. Ngunit, hinawi lang nito ang kamay ko. Napakunot ang noo ko sa inis dahil sa ginawa niya. Tumayo rin ito tila inayos ang kaniyang panga dahil sa pagkakasuntok ko rito. "Wow, pre! Akalain mo 'yon nasuntok ka? At, babae pa talaga," ani ni Mark na tumatawa pa. Agad itong napatikom ng titigan siya nito ng masama. "Shut the f*ck up!" May diin sa bawat salitang binitawan nito. Nakakakilabot ang tono ng boses nito. "Easy, man. Ang mabuti pa ay huwag mo na lang muna pilitin si ateng maganda, bigyan mo muna ng ilang araw. Kahit ako bigla mo akong ayain magpakasal, hindi rin ako papayag, e. Stranger ka sa mata niyan." Tila namangha ako sa binitawang salita ng lalaking clean cut ang buhok. Buti pa
last updateLast Updated : 2024-02-03
Read more
Chapter 5
"A—anong sabi mo?!" Para akong nauubusan ng hininga habang nagsasalita. Para akong nabingi sa narinig ko. Parang nagsarado ang utak ko at hindi nito maproseso ang katagang binitawan ni Krisha. "Si Kyle... naaksidente. Kahapon ito nangyari kasabay ng barilan na naganap sa coffee shop na pinapasokan mo. Nag aalala rin ako kung nasaan ka na dahil sabi ni Stephanie ay huling kita niya sayo ay karga ka ng isang lalaki at mukhang duguan ka." Saka ko lang napagtanto na may tama nga pala ako dahil sa nangyari kahapon, parang nakalimutan ko itong indahin dahil sa nangyari. "Hindi ko rin naman alam kung paano ka kokontakin dahil naiwan mo ang cellphone mo sa coffee shop, nag aalala kami kung saang hos—" Sinenyasan ko itong tumigil sa pagsasalita dahil hindi ko pa naririnig ang nangyari kay Kyle. Wala na akong panahon pang intindihin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay wala rin naman na iyong silbi kung hindi ko makikita ngayon si Kyle. "Ano nangyari kay Kyle? Paano siya naaksi
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Chapter 6
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, beb?" Napasabunot na lang ako sa aking buhok habang iniisip ang gagawin kong desisyon. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa hospital magmula kahapon at ilang oras pa lang ang tulog ko. Si Krisha naman ay kakabalik lang kani-kanina lang, habang si Cristine naman ay pumasok na sa eskwela dahil hindi naman niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral niya kahit na nagpupumilit itong magbantay sa hospital. "Kailangan, Krisha. Ito na lang paraan ko para mapagamot si Kyle." Naikwento ko na nga pala sa kaniya ang tungkol sa desisyon kong pag payag na pagpapakasal ko sa lintek na lalaking iyon. Hindi ko alam kung nananadya ba ang kapalaran, e. "Hay. Hindi ito ang hinihiling ko sa'yo na magkaroon ng lalaking mamahalin, beb. Mukhang tadhana mo talagang kainisan ang mga lalaki, ah." Saglitan itong tumawa dahil natigil din sa talim ng tingin na pinukol ko sa kaniya. "Kung may iba lang ako choice, Krisha. Wala akong balak magpakasal kahit na sinong la
last updateLast Updated : 2024-02-11
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status