Si Mariya Luiesa Inocencio ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Mag-isang itinaguyod ng ina at kapwa sandigan ang bawat isa. Kaya nang magkaroon ng malubhang karamdaman ang ina ay handa niyang gawin ang lahat upang maipagamot lamang ito. Kapalit ng sariling dignidad, pikit-matang isinalang ni Mariya ang sarili sa isang subasta. Ang matipunong binata na nakabili sa kaniya ay walang iba kundi si Montgomery Brylly Montañez III—isang tanyag at multibilyunaryong negosyante na nangangailangan ng anak upang makuha ang atensyon ng sariling ama na ninanais nitong lubos. Magawa kaya nilang punan ang pangangailangan ng isa’t isa? O ang mga paraan nilang iyon ang maghahatid sa kanila tungo sa mas komplikadong sitwasyon?
View MoreGleaming silver heels four inches high pairs with silver-black V-neck sequins long dress sleeveless mermaid gown which now makes Mariya Luiesa’s eyes dazzle. Halos hindi makilala ni Mariya ang kaniyang sarili matapos pagmasdan ang kabuuan sa tapat ng malaking salamin. Bagay na bagay sa kulay kayumanggi niyang balat ang suot na gown kung saan bakas ang pagkakaroon niya ng mahabang biyas gawa ng mahabang hiwa nito mula taas ng tuhod hanggang sakong. Namangha siya maging sa ayos ng kaniyang itsura. Isang batikan na make-up artist ang nag-ayos sa kaniya. Idagdag pa ang nakababa lamang niyang mahaba, pantay at itim na buhok na umayon sa hubog ng kaniyang katawan—na nagpapatunay na isa siyang matangkad at balingkinitang dalaga. Kung tutuusin ay puwede na siyang pambato sa Miss Universe pageant. Sa kabilang banda ay hindi paghahalataan sa bago niyang mukha at ayos ang tunay niyang estado sa buhay.
“Are you ready?” Naputol na lang ang ginagawa niyang pagmamasid sa sarili sa harap ng salamin, nang biglang sumulpot ang isang di-katabaang mestisang babae, na tumitingkad sa kulay pula ang suot nitong kasuotan. Idagdag pa ang mapupulang mga labi nito. Kung titingnan ang itsura ay mukhang nasa middle age na ang babae. Sandaling natigilan ang ginang nang tuluyang makita ang buong ayos niya. Hindi pa kasi siya nakapag-ayos nang iwan siya nito kanina. Basta na lang siyang binigay sa mga baklang nag-ayos sa kaniya. “Wow! Hinding-hindi talaga ako malulugi sa’yo,” natutuwang sambit ng mestisang ginang. Dahil sa narinig ni Mariya ay bigla na lang bumalik ang kaniyang diwa sa tunay niyang sitwasyon. Hindi dapat siya matuwa o ni mamangha sa nakikita sa sarili. Kaya nga siya inayusan ng ganito at narito sa event na ito ay para sa bagay na makapag pupuno ng halaga ng kinakailangan niya. “Hoy! Hoy! Huwag ka ngang sumimangot d’yan at nakakabanas. Kapag iyang mukha dinala mo mamaya sa gitna at walang magma-mine sa’yo babatukan talaga kita! Hindi pa naman basta-bastang subastahan itong pinuntahan natin. Halos magkandarapa at gumastos ako ng napakalaki para makapasok dito. Kita mo naman na nasa elegante at magarbong hotel tayo. Ibig sabihin lamang no’n ay hindi biro ang magiging kliyente natin. S’werte mo pa nga’t ’di sa kanto-kanto lang kita dinala kaya huwag mo ’kong ipapahiya! Huwag kang umakto na para bang napipilitan ka lang dito dahil ikaw ang nagmakaawa sa akin para sa kapakanan ng ina mo,” mahabang talastas ng ginang sa kaniya. Napansin pala ng ginang ang biglaang pagbabago ng kalagayang-loob niya. Totoo ang lahat ng iyon lalo na ang tungkol sa lugar. Isang Black Diamond Hotel kasi ang pinasukan nila at hindi ito basta-bastang hotel lamang. Napakalaki nito kung tutuusin. Na akala niya noon ay hanggang sa magazine niya lang makikita. Hindi niya inaasahang makakaapak siya sa ganitong klaseng lugar. Lagpas na yata iyan sa kaniyang imahinasyon at ambisyon. Kaya sumasang-ayon siya na hindi rin biro ang magiging kliyente nila. Akala nga niya noong una ay kung saan lang siya dadalhin ng ginang nang humingi siya ng tulong dito. Alam niyang maling tao ang hiningian niya ng tulong, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian. Wala siyang kakilalang kamag-anak at mas lalong walang kamag-anak na ipinakilala sa kaniya ang ina na puwedeng lapitan. Silang dalawa lang ang magkaagapay simula’t sapol. Tumango siya. “Oho, Madam R. Pagpasensyahan n’yo na po,” tugon niya sa di-katabaang mestisang ginang, na Madam R pala ang ginagamit na pangalan. “Good! O s’ya, suotin mo ‘to at mag-uumpisa na.” Abot sa kaniya ng silver-black na maskara na terno sa suot niyang long gown. Ang nasa taas na bahagi lamang ng kaniyang mukha ang natatakpan ng maskarang iyon. Ibig sabihin, maliban sa mga mata, ay nakikita ang tangos ng kaniyang ilong at manipis na mga labi, maging ang dalawang pisngi. Habang sinusuot ang bigay na maskara ay patuloy sa pagbibigay ng tagubilin si Madam R, “Kapag tinawag ang numero mo ay lumabas ka na. Napag-usapan na naman natin ang gagawin mo, hindi ba? Graceful lang ang gagawin mong paglalakad. Be like ‘Dalagang Pilipina’ which is suited naman sa personality mo. Huwag mong OA-an ang ngiti, dapat ang ngiti mo ay makikita sa mga mata mo. ‘Yang mga mata mo ayusin mo, huwag na huwag mong hahaluan ng ibang emosyon ‘yan dahil iyan ang makakahatak sa atin ng bigating kliyente. Nauunawaan mo ba?” Wala siyang ginawa kundi tumango lang nang tumango sa mga sinasabi ni Madam R kahit na nagsisimula ng mangatog ang kaniyang mga tuhod dulot ng kaba. “Okay, go! Excited na ako,” natutuwang sambit nito sabay palakpak at iginiya siya patungo sa mga babaeng katulad niya, na nakapila na sa likod ng entablado, kung saan ay naghihintay na sila ay tawagin. “O s’ya, aalis na ako. Panonoorin kita,” bilin pa ni Madam R kasabay ng pagturo nito sa sariling mga mata at pagkatapos ay tinutok sa kaniya. Pagkaalis ni Madam R ay nag-umpisang tumambol nang napakabilis ang kaniyang puso. “First time mo ba ’to?” Napabaling siya sa nag salita mula sa kaniyang likuran. Kahit na nakamaskara ito katulad niya ay alam niyang isa itong magandang babae. May manipis at matangos kasi itong ilong at hugis puso ang mga labi. Idagdag pa ang kulay gatas nitong balat na sa sobrang kinis ay matatakot kang hawakan ito. Tumango siya. Ngumiti ang babae sa kaniya kung saan lumabas ang mga ngipin nitong tila perlas sa pagkaputi at maganda ang pagkakapantay. Kung isa siya sa mga lalaking nakaupo sa harapan ng entablado sa loob ng malaking bulwagan ay hindi siya titigil hangga’t hindi makukuha ang mala-anghel na babaeng ito sa harapan niya. “Third times ko naman. Ganyan na ganyan ako noong first time ko. Hindi mapakali, natatakot sa susunod na mangyayari. Pero wala akong magawa dahil itong gawain ang ibinigay sa akin. Dating spoiled brat at nang kinunan ng kayamanan at mana ay heto ang naging hantungan ko,” mga kwento nito. Bigla siyang nalungkot sa ibinahagi ng babae tungkol sa buhay nito. Kahit nakangiti ito habang nagsasalita ay hindi pa rin nakatakas ang lungkot at pagtutol sa mga mata nito sa gawaing pinasukan. “Alam mo kung ano iniisip ko noong una para maka-survive? Inisip ko ang dahilan kung bakit ko pinasok ang gawaing ito… para sa anak kong umaasa sa akin.” Nagsimula na ring kumirot ang ngalangala ni Mariya dahil sa naging karanasan ng magandang babae lalo na nang maalala rin niya ang kaniyang ina—ang dahilan kung bakit naman siya narito at nakikipagsapalaran katulad ng kaharap niya. “Salamat,” naging tugon na lang ni Mariya. Tumango sa kaniya ang babae, “Sana hindi maging katulad ng first time ko ang magiging first time experience mo ngayon.” Napakunot ang kaniyang noo sa huling sinabi nito bago tinawag ang kaniyang numero. “Ikaw na.” Mahinang tulak nito sa kaniya papalabas ng entablado na medyo ikinagulat pa ni Mariya. Gusto niya sanang itanong kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng babae kaya nagawa niya pang balingan ito, ngunit nakalabas na siya sa itim na kurtina na tanging nakaharang lamang mula sa likod at harap ng malaking bulwagan na iyon. Napapikit si Mariya nang sumalubong ang nakasisilaw na liwanag pag kaharap niya. At nang tuluyang maagaw ng paningin ang liwanag ay napahinto siya. Halos bumulaga sa kaniya ang labas na kalagayan ng itim na kurtina—ang buong bulwagan. Nalula siya sa sari-saring tao na ngayon ay nasa harapan niya at hindi alam ang gagawin sa mga mata na ngayon ay nakatutok sa kaniya. Halos sumisigaw ng karangyaan at awtoridad ang buong paligid. Mas nangatog ang kaniyang mga tuhod dahil dito. Mukha kasi siyang usa na pinalilibutan ng mga leon na handa siyang lapain sa anumang oras at pagkakataon. Nagdadalawang-isip si Mariya kung tatakbo at tatakas na lang ba o hayaan na lang ang anumang mangyari sa kaniyang harapan. Ngunit nang maalala ang sinabi ng babaeng nakausap niya sa likod ng entablado ay lumitaw sa kaniyang isipan ang mga ngiti at tawa ng ina. Hindi siya dapat sumuko. Higit na walang katumbas ang ginawang sakripisyo ng ina niya para sa kanilang dalawa kumpara sa magiging sakripisyo niya ngayon. Gagawin niya ang lahat para sa ina dahil ganoon niya ito kamahal. Kapalit man ng lahat ay ang pagbebenta niya ng sariling puri at dignidad. “Lady eight looks like young and innocent,” rinig niyang wika ng tagapagsalita o tagapagbenta sa kanila kaya napabaling siya sa kinaroroonan nito, at sa abot-tanaw lamang ay nakita niya si Madam R na ngayon ay sinesenyasan siya. Mukhang naiinip na ito sa ginagawa niyang pag tingin lang. Muli ay binalik niya ang paningin sa lahat. Humugot siya ng napakalalim na hininga at sinimulang gawin ang mga bilin sa kaniya. Mariya walked with full of seduction in the eyes. Mayroon siyang mga mata na katulad ng isang magnet na may kakayahang manghatak ng atensyon. Ngunit sa kabila niyon ay ang unti-unting pamumuo ng tubig sa kaniyang mga mata na dahilan kung bakit tila kumikinang ito sa paningin ng mga taong nakatingin sa kaniya. “… yet sexy and hot. Panigurado mapapalaban ang makakakuha sa kaniya ngayong gabi. The way she walk was like your whole night will be on fire with passion,” the emcee announced with full of confident. Pagkatapos niyang maglakad sa entablado at irampa ang sarili sa lahat ay huminto siya sa gitnang bahagi niyon. Muling nagsalita ang tagapagsalita sa event na iyon senyales na magsisimula na ang pagsusubasta sa kaniya, “Bid starting with half million.” Halos mawala ang pustura niya nang marinig ang paunang presyong binigay sa kaniya. Ganoon nga kagarbo at kasagana ang mga lalaking nasa loob ng subastahang pinasukan niya. Hindi niya alam kung legal ba ito o hindi, pero alam naman nating lahat na ang gawain ng mga mayayaman kahit illegal ito ay nagiging legal. “Mine for half million.” Hinanap niya kung saan nanggagaling ang boses hanggang sa makita niya ang lalaking halos pumutok na ang butones sa suot na business suit dahil sa malaking tiyan nito. Nakataas ang number card nito habang pangiti-ngiti sa kaniya. Bigla siyang napalunok. “Seven hundred thousand pesos,” ayon naman sa malaking lalaki na puno ng balbas ang mukha. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Isa rin sa dahilan kung bakit sila madaling mahanap o matunton ang pinanggalingan ng boses kahit napakarami nila, maliban sa number card na tinataas, ay dahil sa may kani-kaniyang lapel ang mga ito o mikroponong maliit na nakasabit lamang sa kuwelyo ng kanilang suot. “One million bids for that innocent young lady.” Halos nabigla siya sa laki ng agwat ng presyong binagsak at agarang sinuyod ang bulwagan. Doon ay nakita niya ang isang may edad na lalaki. Mas okay pa nga siguro na ito ang makakuha sa kaniya kaysa sa dalawang nauna, dahil kahit nasa middle age na ang lalaki ay may dating pa rin ito at malinis tingnan. Pero ang isang milyon ay kulang pa. Wala pa ang porsyento doon ng organisasyong nagpapatakbo ng subastahang ito at porsyento naman para kay Madam R, ang nagpapasok sa kaniya rito. Ilan na lang ang matitira sa kaniya no’n? Kulang na kulang pa sa dalawang taong pagamutan ng kaniyang ina. May sakit sa dugo ang ina ni Mariya at kailangan niyang gawin ito para madugtungan ang buhay ng ina. Lalo pa at naapektuhan na ng sakit maging ang B cells nito. Kapag ganito raw ay sampu o dalawampung taon na lang ang posibilidad na mabuhay si Aling Luz, ang kaniyang ina. At sa kalagayan ng ina ay halos sampung taon na nitong dinadala ang sakit. Naapektuhan na pati bone marrow at maging daluyan ng dugo nito. Wala man lang siyang kaalam-alam na ang simpleng pagkakasakit ng ulo ng ina at pagkahilo minsan ay nagpapakita na pala ng sintomas ng sakit. Naniwala kasi siya sa ina na simpleng sakit o pagod lang iyon kung kaya’y nararanasan ang mga ito. Na nadadaan lang sa paggamot-gamot. At siya namang tanga ay naniniwala sa mga sinasabi ng ina. Hindi man lang nagawang suriin ang tunay na kalagayan ng ina. At masakit iyon para sa kaniya. Dahil lumalim ang pag-iisip niya at naapektuhan na rin pati ang nararamdaman niya ay halos hindi na niya marinig ang mga presyong binibitiwan ng mga gustong bumili sa kaniya. Sa kabilang banda ay ikinalula ng lahat dahil ngayon lamang nagkaroron ng record na ganoon. Nagkakainitan at nag-aagawan na kasi ang mga ginoong gustong iuwi siya kaya wala ng pakialam sa binibitawang napakalaking halaga. Hanggang sa isang malalim na boses ang bumasag ng tensyon. “Stop selling that lady because I will buy her for one billion pesos.” Napahinto ang lahat at naiwan na lang ang gulat na reaksyon sa kanilang mukha. Maging si Mariya ay napabalik sa kaniyang ulirat sa laki ng halagang narinig niya. Hindi niya alam kung totoo o guni-guni lamang ang narinig. Kaya hinanap ng paningin niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. At hindi niya alam na ito pala ang lalaking pinakuan niya ng tingin bago lumipad ang kaniyang utak. Walang emosyon ang paraan ng pagkakatitig ng lalaki sa kaniya. Napakalalim nito at puno ng pananabik sa isang bagay na hindi nito makuha-kuha. Para bang nagsasabing siya ang kailangan nito para makuha ang bagay na iyon.Pagpasok ni Mariya sa coffee shop na pagmamay-ari nila ay sinalubong kaagad siya ng kaniyang nakangiting kaibigan. “Kumusta, best? Ano-ano ang mga pinag-usapan ninyo? Bakit ka raw niya pinapapunta roon?“ sunod-sunod na tanong ni Nadine habang sinusundan si Mariya papuntang kusina. Kumuha ng tubig ang bagong dating at uminom. “P’wede bang mamaya na lang, best? Napagod kasi ako," sabat ni Mariya kay Nadine. Biglang nawala ang malawak na pagkakangiti ni Nadine. Nasasabik na sana siya sa kuwento mula sa kaibigan, na kanina pa niya hinihintay, pero nauunawaan naman niya si Mariya kaya napatango na lamang siya. Pagkatapos ay napatingin siya sa kaniyang nanay di-kalayuan sa kanila, na may hawak ng tray at matamang inoobserbahan ang dalawang matalik na magkaibigan. Katatapos lang din pagsilbihan ni Rosela ang kanilang customer. Napansin din nito ang kakaiba sa kilos ni Mariya pagkapasok ng shop kaya nagkibit-balikat na lamang siya sa anak nang tingnan siya ni Nadine. Pagkatapos niyon
“Ano ’to?“ tanong ni Mariya nang abutan siya ni Brylly ng isang tablet. “Just look at it,“ ayon na lang sa lalaki at itinuro ang bagay na hawak niya. Nang tingnan ni Mariya ay napakunot-noo siya ngunit napalitan kaagad ito ng pagkamangha. She can't help but to drop her jaw from the luxurious and glamorous event venue she saw on the tabloid. “Swipe it up. There are a lot of venues to choose from there. Just tell me and I’ll manage everything. Our wedding coordinator will arrive soon from L.A. You will meet him soon,“ sabi ni Brylly at umupo sa tapat ng kaniyang kinauupuan kung saan may glass table na hugis parihaba sa gitna. “Teka! ine-expect kong simple lang ang kasal natin. Seryoso ka bang totohanin mo na magiging big celebration ito?“ maang ni Mariya. “Saka ang mamahal ng mga ito.“ Pagturo niya sa kung anumang nakita sa hawak niyang tablet. “At hindi pa nga natin nakausap ang mga magulang mo. Mr. Montañez, importante na kasama natin sa plano ang mga magulang mo. Ano na lang
Habang naglalakad papasok ng lobby ay halos lahat ng mga mata ngayon ay nakatitig kay Mariya. Sari-sari ang mga nababasa niya mula sa mga mata ng mga ito. Mayroong humahanga at namamangha. Mayroong tila ba wala pa nga siyang ginagawa ay hinuhusgahan na kaagad ang buong pagkatao niya. No surprise lalo pa’t kahit hindi siya magpakikala ay kilalang-kilala na siya dahil sa ginawa ng ama ng anak niya. Simula kasi nang araw na iyon ay laman na siya sa kahit saang social media. Hindi nga siya nagkamali. May maganda at hindi magaganda siyang nababasa lalo na sa mga comment section ng mga online tabloid ng balita. Sabi nga ng kaibigan niyang si Nadine ay huwag ng pansinin dahil mga insecure o naiinggit lang ang mga ito. Lalo pa at galing siya sa isang simpleng pamilya na wala pang pangalan sa industriya ng pagnenegosyo. Ganoon naman daw talaga ang mundo. Balanse palagi. Even though she's not comfortable and feels anxious, still, she needs to be in figure while walking. Ayaw niyang mapahiya an
From the 30th floor of the building owned by his family, Brylly is now standing in front of the glass wall inside of his office and enjoying the scenery outside wherein the sun is rising. Hindi pa sumisilip ang araw sa umaga ay nasa opisina na si Brylly. Minsan lamang siya inuumaga ng pasok kung may out of town siya o hindi kaya ay early meeting sa labas. Kaya nga’y ang mga empleyado niya ay nahihiya sa kaniya sa tuwing papasok silang late. “Oh, sh*t!“ sigaw ni Bryan nang biglang pumasok na wala man lang abiso o katok sa pinto. “What the damn news! Bro, believe me. Ang ganda ng gising ko. Hihigop pa lang ako ng kape ko when this news flashes on my handsome eye and gives me goosebumps!“ Mula sa peripheral vision ay may tinapon ang kaibigan sa kaniyang lamesa bago narinig ang pag-uga ng sopa. Nakahalukipkip ang mga kamay na hinarap niya ang kaniyang kaibigan na ngayon ay nakahilata na sa sopa---nakaupo ito at nakasandal sa sandigan ng upuan, ngunit nakabukaka ang mga paa at kamay
“Are you okay?“ Napatingin si Mariya nang tanungin siya ni Brylly. Ngayon ay nasa loob na sila ng kotse pauwi sa Tagaytay. Brylly insists on driving them home kahit na marami naman silang driver na puwede niyang utusan. “I’m just thinking about something...“ sagot ni Mariya na ikinakunot-noo ni Brylly. “I am willing to listen if you allow me.“ Hilaw na napangisi si Mariya. Napatingin siya sa back seat kung saan mahimbing na natutulog si Bennett. “Mukhang ikaw nga ’yong maraming iniisip d’yan. Sa sobrang seryoso mo sa pagda-drive parang nasa racing tayo at maraming obstacle d’yan sa daan.“ Pagturo ni Mariya sa unahan. Tila wala kasi sa pagmamaneho ang isipan ng lalaki at hindi nito maiwasang magpatakbo ng mabilis. Kung hindi lang siguro natutulog sa backseat si Bennett, marahil ay kanina pa sila lumipad patungong Tagaytay o baka nga byaheng langit na ang abutin nila ngayon. Si Brylly naman ngayon ang hilaw na napangisi. “Nothing. I apologize for that,“ naging sagot na lan
“Wow! Ang laki ng bahay ni tatay, nanay!“ namamanghang sigaw ni Bennett habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Papasok pa lang ang itim na kotse sa tila garahe ng bahay, kung bahay pa ba ito kung tatawagin, dahil kasing laki lang naman ito ng malacañang. Hindi rin masasabing garahe ang patutunguhan nila sa laki at lawak ng paligid. Mula sa mataas at malaking gate na tila ba takot manakawan ang may-ari hanggang sa naggagandahang bulaklak na tila hardin sa ganda at kulay na may munting fountain sa gitna ng lugar na may kumikinang na liwanag na parang christmas lights. Hindi maipaliwanag ang ganda ng paligid dahil tila hindi ordinaryo sa mag-ina ang klase ng lugar na pinagdalhan sa kanila ng ama ni Bennett. Parang may mahika na sa isang pitik lang ay hindi na namalayan ni Mariya ang mga nangyayari. Naging mabilis para sa kaniya ang lahat. Ang alam nalang niya ay dinala sila rito ng sasakyang sumundo sa kanila at ngayon ay kaharap na ang mansyon ng mga Montañez. “Ma’am, please fol
Matapos maligo si Mariya at mag-ayos ng sarili ay bumaba na siya mula sa second floor ng kanilang shop. She's not prepared for this kaya tila ba kinakabahan siya. Habang pababa ng hagdan ay nakita niya ang anak kasama ang ama nito. Kapwa nakangiti ang dalawa at mukhang nasisiyahan sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan. At sa huli ay napako ang kaniyang tingin kay Mr. Montañes. Kahit naka puting plane t-shirt lang ang lalaki at maong pants ay napakalakas pa rin ng dating nito. She can’t deny it. She is always amazed by the looks of Mr. Montañez. “Best, kanina ka pa ba d’yan?“ tanong ni Nadine na nagpaputol ng kaniyang paghanga sa lalaki. Napatingin siya sa kaibigan na ngayon ay may dalang special mammon at juice. Kaharap kasi ng hagdan ang pintuan ng kusina nila sa ibaba. “Ah, not really,“ sagot niya bago tumingin sa dalawang nag-uusap na kanina ay pinapanood niya. Nakatingin na ang dalawa ngayon sa kaniya. “Nanay!“ masiglang sigaw ng kaniyang anak at tumakbo papalapit sa
TULALANG nakatingin si Mariya sa kisame habang inaalala ang mga sinabi ni Mr. Montañez. Oo, nalaman na nga niya ang buong pangalan ng lalaki nang bigyan siya ng contact card nito pagkatapos nilang mag-usap. Tila bumalik siya sa kasulukuyan niyang kalagayan nang may biglang kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto. “Pasok. Bukas ’yan,“ wika niya at umayos ng upo. Nilagay niya ang contact card na binigay sa kaniya ni Mr. Montañez na kanina niya pa tinititigan, sa mesang katabi ng kaniyang kama. Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa kaniya ang mukha ni Nadine. Ngumiti ang kaibigan nang magtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti rin siya pabalik. “Oh? Gising ka pa?“ nagtatakang tanong niya sa kaibigan. Magmamadaling araw na kasi at dis oras na rin ng gabi sila nakauwi. “Hindi makatulog, e. P’wede bang pumasok?“ nangingiti at tila nahihiya pa nitong tanong. Tumango siya bilang tugon. Hinintay niya itong makapasok ng tuluyan. Umupo si Nadine sa kaniyang kama, sa may paanan banda, kung sa
Halos nasuyod na nina Mariya, Nadine at Rosela ang buong bahagi ng beach resort. Sapo ang kanilang dibdib, ulo at baywang ng mapahinto sila para magpahinga. Nakakaramdam na rin sila ng pagod. “Is that Bennett with a man?“ turo ni Yanie na hawak-hawak ni Rosela. Lahat sila ay napatingin sa direksyon na tinuro ni Yanie. Doon ay nakita nilang nagkakasiyahan ang dalawang lalaki habang nakaupo sa ilalim ng maliit na puno ng niyog. Halatang nakukuwentuhan ang dalawa base sa mga aksyong ginagawa ng mga ito. Napatingin si Nadine kay Mariya na diretso ang tingin sa mag-ama. Nakikita sa mga mata ni Mariya ang bigat at halo-halong emosyon. Sa hindi malamang dahilan ay tumalikod si Mariya at akmang maglalakad paalis sa lugar na iyon. “Mariya, saan ka pupunta?“ tanong ni Nadine. Napailing siya. “Hindi ko alam,“ maikling sagot nito. Ngunit bago pa man humakbang si Mariya paalis ay narinig niya ang tawag ng kaniyang anak sa kaniya. “Nay!“ Napapikit siya. Gusto niyang umiyak, para maila
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments