Nagtungo sina Mariya sa sakayan, ngunit nabigo ulit sila. Kagagaling lang nila sa paaralan at wala si Bennett doon. Nagtanong-tanong sila sa kung sino-sino at kung saan-saan na sila nakarating. “Kung i-report na kaya natin sa pulis, Mariya?” suhestiyon ni Rosela. “Wala pang twenty-four hours, ’nay,” ayon naman kay Nadine. “E, ano naman? Kailangan pa bang umabot ng twenty-four hours? Baka kung ano na ang nangyari sa bata.” Tumingin si Nadine kay Mariya na ngayon ay tahimik na nagmamaneho ng sasakyan. “Ano, best?” tanong ni Nadine sa kaniya. Sumang-ayon din sa suhestiyon ng ina. Labis din kasi ang pag-aalala niya. Walang naging tugon si Mariya. Maya-maya ay inihinto ni Mariya ang sasakyan na ipinagtaka ng mag-ina. Malalim ang ginawa niyang paghugot at buga ng hangin at isa-isang tiningnan ang mga kasama sa loob ng kotse. Hindi niya na napigilan pa ang sarili at tuloy-tuloy na umagos ang kaniyang luha sa magkabila niyang pisngi. “Kahit ano. Makita lang natin ang anak ko,” sa kabi
Last Updated : 2023-04-12 Read more