Share

Chapter 4

“HEY, SON. You’re finally here. How’s your work?” Salubong ng ina kay Brylly pagkarating sa malaking bahay. Hinalikan siya ng ina sa pisngi at gayon din siya rito. Bumagay at lalong tumingkad ang mestisang ina sa suot nitong eleganteng kulay-rosas na bestida. Mukhang naghanda talaga ang ina sa gabing ito.

“All good. Where’s Dad?” kaagad niyang hanap sa ama. He’s already a thirty-two year old man but he is very excited to see his father and eager for his attention. A child-like act but he can’t deny it because this is all what he always wanted. Ang mapansin ng ama.

“He’s upstairs. Magbihis ka na at maghahapunan na tayo,” ngiti sa kaniya ng ina.

Tango na lamang ang naitugon ni Brylly sa ina at nagmamadaling umakyat sa itaas. Nang makarating sa harap ng pinto ay hinawakan niya ang doorknob. Bago pihitin iyon pabukas ay tumingin muna siya sa pinto ng kuwarto ng kaniyang mga magulang… kung saan ang ama ay nasa loob ng kuwartong iyon.

“SON, MAUPO ka na.” Ngiti sa kaniya ng ina nang makapasok siya sa dining area kung saan nakalapag na lahat ng putahe at nakaupo na ang mga magulang niya. Sinulyapan ni Brylly ang kaniyang ama na ngayon ay tahimik ng kumakain. Para itong hari na kailangang igalang sa lahat ng oras at pagkakataon. His silence symbolizes respect, authority and power. Isa sa mga nakuha niya sa ama. Iniidolo niya ang ama kaya halos lahat ng nakikita niya dito ay ina-apply niya sa kaniyang sarili. He is really obsessed with his father’s principles and perspectives.

“Good evening, Dad,” bati niya sa ama. Umasa siya na tutugunan siya ng ama, ngunit maski tanguan lang siya nito ay wala. Why did he always act like this? Na umaasa, kahit wala namang aasahan? Dismayado siyang naupo sa kaniyang upuan kung saan nasa kaliwang bahagi siya ng ama na nasa gitnang bahagi nila ng kaniyang ina.

Kahit hindi niya tinapunan ng tingin ang ina pagkatapos noon ay alam niyang nakatingin ito sa kaniya. Sobrang dismayado siya sa lahat ng bagay maging sa effort na ibinibigay ng kaniyang ina, matulungan lang siyang mapalapit sa kaniyang ama. Hindi niya alam kung anong mayroon kung bakit ba ganito na lang siya kung tratuhin ng ama. Bata pa lamang o sabihin na lang nating simula nang magkaisip ay ganito na siya kung ituring ng ama—isang multo. Hindi niya maintindihan.

“Benedict, honey, you know what…” pagbukas ng usapan ng ina bago mamuo ang nakaaasiwang atmospera sa kanilang tatlo. Nag-angat siya ng tingin sa ina at ngumiti ito sa kaniya bago inilipat ang tingin sa ama. “The Montanos have embraced the partnership that we have long wanted to happen. Our son made it. He did everything just to get the interest of the Montanos.” Sobrang pagmamalaki ng ina sa bago niyang nakamit. “You have a great son. Manang-mana—”

“Stop talking, Beatrice. We’re eating,” pagputol ng kaniyang ama sa ina pagkatapos nitong lunukin ang nginunguyang pagkain. Ayaw na ayaw ng kaniyang ama ang nag-uusap sa harap ng hapag-kainan bilang respeto sa pagkaing nakahanda.

“Okay. I’m sorry,” iyon lamang ang naging sagot ng ina.

Walang nagawa si Brylly kundi ang kumain na lang nang tahimik sa mga oras na iyon. Even though he was having a hard time swallowing because of the mixed emotions he felt.

Iniikot-ikot ni Brylly ang alak na gawa sa ubas na nasa loob ng kopitang kristal bago inamoy ito’t sinimsim. Narito siya nag-iisa sa beranda ng kaniyang kuwarto. He was deep in thought when his cellphone rang. He picks it up inside his pocket. He heard the chaotic and lively music on the other line when he answered the call.

“Yes?”

“How’s the dinner?” bungad na tanong ng nasa kabilang linya.

“Did you get on?” tanong niya rin imbes na sagutin ang tanong ng tumawag.

“Yes, dude. Walang makapipigil,” halakhak nito at base sa boses ay mukhang may tama na.

“Okay. Don’t leave there,” aniya.

“Okay but wh—”

Hindi pa tapos magsalita ang kausap sa kabila ay pinatay na niya ang tawag. Habang ang nasa kabilang linya na si Bryan ay napailing na lang. Ano pa ba ang bago sa kaibigan?

SARADO NA ang shop pagdating ni Mariya. Dis oras na rin kasi ng gabi. Dumaan na lang siya sa likod kung saan may pintuan doon papasok sa kusina.

“Kakauwi mo lang?”

Mabilis siyang napaharap sa nagsalita at halos matutop ang dibdib sa gulat.

“Nadine!” eksaherada niyang tawag sa pangalan ng kaibigan. “Nakakagulat ka naman. Oo, bumiyahe pa kasi akong Manila bago dumeretso na ng uwi,” sagot niya ng mahimasmasan at naglakad palabas ng kusina papasok sa shop. “Bakit pala bumaba ka pa rito para uminom ng tubig? Kompleto naman ang gamit natin sa ’taas, ah,” dagdag niya pa.

“Wala lang. Hindi lang ako makatulog. So, tama pala ang sabi ni Bennett.” Pagsunod ni Nadine habang hawak ang isang basong babasagin na may lamang tubig.

Nilapag ni Mariya ang dalang bag sa mesang kwadrado na gawa sa well-furnished na kahoy at umupo sa malambot na sopa. Isinandal niya ang likod sa sandalan nito at doon ay nakaramdam siya ng kaginhawaan. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Napapikit siya.

“Anong sinabi niya?” Pagkamulat niya ay nakaupo na rin si Nadine sa kabilang sopa kung saan magkaharap silang dalawa.

“Na death anniversary ng lola niya ngayon at baka dumalaw ka,” may mariing titig na sagot ni Nadine sa kaniya. Para bang sa paraan ng pagtitig na iyon ng kaibigan ay may hinuhuli itong kung ano sa kaniya.

Tumango-tango siya.

“Kumusta ang pagkikita n’yo?” dugtong ni Nadine. Pagkatapos ubusin lahat ng lamang tubig sa dalang baso ay inilapag niya rin iyon sa mesa.

Pagak na natawa si Mariya. “Paano kami magkikita e, patay na ’yon.” At umiling-iling. May himig na kapaitan ang tono ng boses.

“Ibig ko kasing sabihin ay kumusta ang puso nang makita mo ang puntod ng nanay mo? At for sure nag-reminiscing ka na naman. Kilala kita! Hindi ba’t ayaw na ayaw mong makita ang kahit anong bakas ng iyong ina dahil naaalala mo siya? Kahit nga pag-usapan siya, e,” pagdiin ni Nadine sa gusto niyang iparating.

Tahimik na napabuntong-hininga si Mariya. “Hindi ko alam.”

“Anong hindi mo alam?” kunot-noong tanong ng kaibigan.

“Hindi ko alam. Hindi ko alam kung okay ako? Kung okay lang ba ’tong ganito ako? Normal pa ba ’to? Ang hirap. Iyong makakausad ka na sana, pero kaunting bakas lang ng mga masasakit na alaala… bumabalik. Parang nagsimula ka ulit sa una. Ayaw kong sisihin ang sarili ko, pero may kasalanan ako, eh.”

“G*g*! Ikaw lang naman kasi ang nag-iisip ng ganyan. Sana multuhin ka ng nanay mo at pagsabihan dahil sa mga iniisip mong ’yan.” Si Nadine.

Pagak na natawa si Mariya dahil sa sinabi ng kaibigan. “Sana nga multuhin na lang niya ako at sumbatan, sisihin at kamuhian sa lahat. Kaysa hanggang ngayon simula nang mamatay siya ay wala man lang siyang paramdam sa akin. Pakiramdam ko tuloy galit siya sa akin kaya ayaw niyang magpakita sa ‘kin,” tatwa niya.

Sa kabila ng biro ni Mariya ay may bakas iyon ng katotohanan. Simula kasi nang magluksa si Mariya sa pagkamatay ng ina ay pinagdarasal niya sana na isa sa mga gabi ay dalawin siya nito kahit sa panaginip man lang. Gusto niyang makausap ang ina. Gusto niyang humingi ng tawad. Gusto niyang ilabas ang lahat ng kaniyang nararamdaman. Gusto niyang masagot nito ang lahat ng kaniyang mga katanungan. Katulad ng bakit tinago nito ang sakit… anong dahilan? Dahil ba mahirap lang sila? Dahil ba porke pakiramdam ng ina ay baka mahirapan siya? Bakit siya nito iniwan ng ganoon kaaga? Paano ang mga pangarap nila na tutuparin nila ng magkasama? Bakit hindi man lang siya nito hinintay?

“Best, hindi ba’t sinabi mo na mahal na mahal ka ng iyong ina? Sabi mo pa nga, wala siyang inaksayang pagkakataon noong nabubuhay pa siya para hindi maipakita o maiparamdam sa ‘yo kung gaano ka niya kamahal. Best, walang nagmamahal na ina ang gustong mahirapan ang anak nila. Iyang ginagawa mo sa sarili mo, ‘yang sinisisi mo ang sarili mo sa pagkamatay niya… hindi mo ba iniisip na baka nasasaktan ang nanay mo kasi nakikita ka niyang ganyan? Parang pinagduduhanan mo ang pagmamahal niya sa ‘yo.”

Halos matahimik si Mariya sa mga sinabi ni Nadine. Habang sinasabi sa kaniya iyon ng kaibigan ay unti-unting kumikirot ang kaniyang ngalangala. Hindi niya matanggap ang mga sinabi nito. May punto kasi iyon. Sino nga bang nagmamahal na ina ang gustong mahirapan ang anak nila? Ngunit bakit kailangan pang mag sakripisyo ng kaniyang ina nang dahil sa pagmamahal na iyon sa kaniya. Hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataon na maipakita rin niya ang pagmamahal rito. Maya-maya’y muli na namang umagos ang butil ng luha mula sa kaniyang mga mata, na akala niya’y naubos na kanina sa harap ng puntod ng kaniyang ina. Hindi niya pa rin maintindihan ang sarili na kahit anong pilit na ipaunawa sa kaniya na walang dapat sisihin dahil wala namang may kasalanan sa nangyari ay pilit niya pa ring sinisisi ang sarili.

Wala siyang nagawa kundi takpan na lang ang mukha at doon binuhos ang lahat. Hindi nagtagal ay nakaramdam na lang siya ng isang yakap. Isang yakap ng pagdamay mula sa taong isa sa mga tumulong sa kaniya noon nang halos mawalan na siya ng pag-asa sa buhay.

“Shh… tahan na, best. Mahal ka ng nanay mo at iyon ang pakatatandaan mo,” ani ni Nadine sa kaniya habang hinahagod ang ngayon ay maalun-alon niya ng itim na buhok.

PAREHONG lango na sa alak ang magkaibigang Bryan at Brylly. Ngunit kahit na mag-ingay katulad ng ibang lalaking nalalasing ay kapwa silang tahimik at ni isa ay walang nagsasalita. Parehong malayo ang isip—lumilipad. Habang ang nasa paligid nila ay nagsisiingayan na at pinagpapawisan na sa kaiindak sa gitna ng magulong tugtugin at umiikot-ikot na iba’t ibang kulay na ilaw.

Narinig ni Brylly na panaka-nakang tumatawa si Bryan kaya puno ng pagtatakang tinitigan niya ito.

“Buti na lang may alak na matatakbuhan sa tuwing wala na tayong mapuntahan,” ayon kay Bryan sa kabila ng pagtawa nito.

Napangisi na lang si Brylly pagkatapos ay binalingan muli ang isang basong alak at itinungga.

“How was the dinner with your parents, Dude? Let me guess, for sure kumain na naman kayo na tila ba may sumesermong pari sa gitna niyo,” tawa nito.

“Well, what’s new?” tugon na lamang niya.

“Kung bakit ba naman kasi nawala pa ‘yong babaeng sagot na sana sa problema mo. Happy and big family na sana kayo ngayon,” may panghihinayang sa tono ng boses nang sabihin iyon ni Bryan.

Dahil doon ay sumeryoso ang mukha ni Brylly at hinawakan nang mariin ang basong may bagong laman na namang alak. Mabilis niyang tinungga ito. At tumingin ng diretso sa grupo ng mga babaeng kanina pa niya napapansing malalagkit ang tingin sa kanila. Halos umabot hanggang tainga ang mga ngiti ng mga kababaihan dahil sa wakas ay napabaling sa kanila ang tingin ng isa sa sa dalawa na kanina pa nila pinagpapantasyahan. Dahil sa ginawa niya ay napadako din ang tingin ni Bryan sa mga ito nang sinundan ng kaibigan ang bahagi kung saan siya nakatingin. Tila kiniliti ang mga babae at mahagyang nagsimulang magsiingay nang ngumiti sa kanila si Bryan.

“Don’t tell me… may natitipuhan ka sa mga ‘yan, Dude. That’s new,” pang-uuyam ng kaibigan.

“There’s no new. Pare-pareho lang sila na ang habol sa’yo ay pera. Give me another one.” Pagbaling niya sa bartender na kanina pa sa harapan nilang dalawa, nagsisilbi sa kanila. Nang malagyan muli ng alak ang baso ay mabilis at diretso niya iyong tinungga.

Napaismid naman si Bryan dahil sa sinabi niyang iyon. “May punto.”

Hindi niya mapigilan ang sarili kundi ang mainis sa tuwing nakakakita ng mga babaeng kung tumitig sa kaniya ay malagkit at napakamakahulugan. Naaalala niya ang babaeng iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status