author-banner
Blissy Lou
Blissy Lou
Author

Novels by Blissy Lou

The Monster CEO's Twins

The Monster CEO's Twins

Ava Blythe Jones, isang maganda, masipag, at independiyenteng babae na may kakila-kilabot na nakaraan. Bago masaksihan ang ginawang karumaldumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang, ay tumatak sa kaniyang isipan ang kahuli-hulihang habilin ng mga ito, na magtago at lumayo sa makapangyarihang Fonteverde. Nang gabing ginulo na naman siya ng isang masamang panaginip at hindi na muling makatulog ay nagpasya siya na pumunta sa isang night club para pansamantalang makalimot. Hindi aakalain ni Ava na ang gabing iyon ang maglalapit sa kaniya sa anak ng taong matagal na niyang tinataguan. Ang mas malala pa roon ay may nangyari sa kanila. Nagkaroon sila ng kambal na anak, ngunit bago pa malaman ni Alas Fredo Fonteverde, ang makapangyarihan at kilala bilang isang halimaw na CEO, ay tumakbo at nagpakalayo na si Ava. Hindi nanaisin ni Ava na makilala ng kaniyang mga anak ang demonyong ama ng mga ito. Lalo pa nang dahil kay Alas ay nawalay sa kaniya ang kaniyang anak na babae. Sa muli niyang pagbabalik sa Pilipinas ay binabalak niyang paghigantihan ang mga magulang nito at bawiin ang kaniyang anak na babae. At sa pagbabalik na iyon ay malabo na siyang makilala ng isang Alas Fonteverde dahil sa ibang-iba na siya mula sa Ava noon; isa na siyang sopistikada at matalinong babae. Mapagtagumpayan kaya ni Ava ang kaniyang planong maghiganti at mabawi ang anak? O pati siya ay mapapahamak sa mga bisig ng isang kinikilalang “The Monster CEO?”
Read
Chapter: Chapter 83.3: Ang Pagwawakas
Nagulat ako nang mapansin ang pagliwanag ng sahig na kinaaapakan ko. May liwanag na hugis palaso na tila ba nais akong sundan ang guhit na iyon. Pakiramdam ko ay tila ba nasa loob ako ng isang malaking silid na computer-based ang sahig dahil sa biglang paglitaw ng liwanag nito. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino? Sinundan ko ang naturang arrow at tumigil iyon sa isang hugis bilog. Nang tingnan ko ang naturang liwanag ay may mga letra na biglang lumitaw roon. ‘Thank you for making me smile everytime I frown...’ Muli ay lumitaw ang arrow na liwanag sa sahig at tinuro na naman ako sa panibagong daan. Tila wala sa sarili na sinundan ko ang liwanag na iyon at tumigil sa liwanag na tatsulok ang hugis. Gaya ng unang hugis ay may mga letra ring lumabas doon. ‘Thank you for being a strength at my weakest...’ Muli ay lumitaw ang liwanag na arrow at muling gumuhit ang kahabaan niyon sa sahig na sinundan ko naman. Dinala ako niyon sa hugis parisukat na sahig. Muli
Last Updated: 2022-03-29
Chapter: Chapter 83.2: Ang Pagwawakas
“Maraming salamat din sa ’yo,” tugon ko.Mula sa malayo ang tingin ay inilipat niya ito sa akin at ngumiti.“You are special to me, Ava. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo. Alam kong matapang kang babae at matalino. Kaya alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero sana minsan turuan mo rin ang sarili mong sumandal sa iba. Hindi ka nag-iisa sa laban.”“Bawasan din ang pagiging kampante sa sarili na kaya mo, minsan matuto ka ring sumuko at tanggihan ang mga bagay na mahirap gawin. Hindi kasi lahat ng bagay ay kaya at kakayanin mo, minsan kaya mo nga pero masakit na.”“Narito naman kasi kami na handa kang tulungan pero binabalewala mo. Pinapamukha mo sa amin na wala kaming silbi para sa ’yo para akuin ang lahat ng pasanin na bitbit mo. Bilang kaibigan, nakatatampo. Pero dahil kinaya po nga, binabati kita. Ngunit sa susunod sana ay kumatok ka na. Ang kaibigan ay hindi lang maaasahan sa purong
Last Updated: 2022-03-29
Chapter: Chapter 83.1: Ang Pagwawakas
“Salamat po.”“You’re welcome,” nakangiti at magkasabay na tugon nina Hera at Herald sa batang ulila nang bigyan nila ito ng isang set na gamit pang eskuwela, na may kasamang laruan na naaayon sa kasarian ng bata kung ito ba ay babae o lalaki.Sunod-sunod na nakapila ang sari-saring mga bata sa kanila na mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi at hindi na makapaghintay pa na tanggapin ang para sa kanila. Samantala ang mga nakakuha na ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan at pinapakita sa kasama ang mga gamit na natanggap nila kahit na pare-pareho lang ay tila ba pinapasikat pa rin nila sa isa’t isa. Nakatutuwang tingnan.“Marami po talagang salamat, Mr. at Mrs. Fonteverde sa tulong ninyo sa mga bata at sa donasyon po ninyo sa ampunang ito. Malaking bagay po ito sa mga bata.” Pagkuha sa aming atensyon ng Senior Sister na siyang namumuno ng bahay-ampunan na napili ng kambal na lugar pagdarausan para sa kanilang
Last Updated: 2022-03-28
Chapter: Chapter 82
Isang mahigpit na yakap at dampi ng mga labi ang nagpaputol sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napangiti ako nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Simula nang maamoy iyon noon ay ito na ang naging paborito kong amoy. Nang imulat ko ang aking mga mata’y tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa salaming dingding. Naalala kong hinayaan lang pala namin itong nakabukas kagabi para mapanood ang di-mabilang na mga tala na kumikislap sa kalangitan. Hanggang sa tumungo na nga kami sa bagay na kalimitang ginagawa ng mag-asawa. “Good morning, Love. I love you,” bulong niya sa aking tainga dahilan upang dumaloy sa buong sistema ko ang init ng kaniyang hininga nang dumampi ito sa leeg ko. Hindi ko napigilang mapapikit dahil sa sensasyon na bumubuhay ulit sa aking katawang-lupa. Naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi at ngayon nga’y gu
Last Updated: 2022-03-27
Chapter: Chapter 81.2
“Love, tutal ay naging bukas na rin tayo sa isa’t isa para pakinggan ang sarili nating mga dahilan at doon ay nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan. Bakit hindi natin hayaang pakinggan din ang iyong tiyo sa kaniyang mga sasabihin para naman maunawaan din natin ang bahagi niya? Love, kasi kung puro na lang galit ang nasa puso natin, hinding-hindi tayo uusad. Magiging ganito tayo habang-buhay.” Napayuko ng ulo si Alas dahil sa mga sinabi ko.“Please, hayaan natin siyang magsalita para sa sarili niya at doon na lang tayo huhusga. Ang hirap kasing humusga na lang na wala naman tayong alam sa mga pinagdaanan niya.” Tumingin ako kay Jemuel na kagaya rin ni Alas ay nakayuko na.“Wala akong magandang rason o dahilan na magsisilbing depensa sa sarili dahil mga mali naman ang ginawa ko.” Napatingin ako kay Mr. Segundo sa sinabi niya.“Mr. Segundo, hindi ako naniniwala na wala lang lahat ng mga ginawa mo. Alam kong may pinag
Last Updated: 2022-03-26
Chapter: Chapter 81.1
Dahil sa mga katotohanang naihayag ay walang sino man ang naglakas-loob na kumibo. Binalot kaming tatlo ngayon ng nakabibinging katahimikan. Isang tao lang pala ang siyang puno’t dulo ng mga ito. Dahil sa kaniya ay halos magdusa kaming lahat.Tiningnan ko si Alas na ngayon ay nakayuko lang at nakatuon sa tasa ng kape ang atensiyon. Sa aming dalawa ay siya itong tunay na nabilog at naloko ng taong iyon. Buong buhay niya ay ang taong iyon na ang kaniyang tinatakbuhan at pinagkakatiwalaan. Nakaramdam ako ng awa sa aking asawa. Naaawa ako sa kaniya sapagkat pinaglaruan lang siya ng mga taong nasa paligid niya at iyong mga taong kinakapitan pa niya.“Kung alam n’yo lang kung gaano kaganda ang relasyon ng mga magulang ninyo noon. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nadala sila sa panunukso ng isang Segundo. Napakagahaman talaga ng taong iyon. Kahit noon pa man ay may nararamdaman na akong hindi maganda sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali, nagtagumpay nga siyan
Last Updated: 2022-03-26
Faulty Love

Faulty Love

When Katalina first saw Vicente, she knew the man was different from everyone else. But why after she gave everything to him, the man only give her pain and resentment? After a few years, they met again. Will she be able to keep her promise to herself that she will never get fooled by this man again… especially this time the man is going to marry her twin sister?
Read
Chapter: 17: Like Father, Like Daughter
Napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan habang pauwi na sa mansyon sina Silli, Katalina at Angielyn na ipinagtaka naman ng kanilang drayber na si Jerry.“Ano ba ang nangyari at mukhang ang saya-saya ninyo yata?” hindi na mapigilan pang tanong nito.“Ito kasing si Katalina pinagtsismisan sa palengke e, sa huli naman ay ang mga palengkera ang napahiya. Buti nga sa kanila,” sabat ni Silli.“Talaga ho?! Ang mga tsimosa talaga walang pinipiling tao, lugar at panahon kung kailan, saan at sino ang pagpipiyestahan nila. Buti na lang itong si Senyorita Katalina palaban sa mga ganiyan.”“Kanino pa ba magmamana ng improntuhan kundi sa ama,” birit pa ni Silli.Tila napawi ang ngiti ni Katalina nang mabanggit nito ang kaniyang ama sa usapan. Napatingin siya sa labas ng bintana. Marami ang nagsasabing magkasing ugali sila ng kanilang ama, pero kahit kailan ay hindi siya naging matigas at mataas ang pride kagaya ng ama. “Mama, basta po kahit hindi ko po alam ang mga nangyayari sa inyo ng Ale kanina
Last Updated: 2022-07-20
Chapter: 16: Poor Gossiper
“Ang anak ko. Si Vicente. Parang ikaw siya noong bata pa siya.”Halos natigilan ang lahat dahil sa inihayag ng alkalde. Habang hindi makagalaw si Katalina sa kaniyang kinatatayuan ay siyang pagtaas ng tingin ni Katarina sa fiance bago ibinaba kay Angielyn ang paningin. Samantala ay nakatitig lamang si Vicente sa bata na siyang ikinailing naman ni Carlito.“Talaga po?” Malawak ang pagkakangiti ni Angielyn at tumingala kay Vicente. Ngumiti ang bata na halos ikinasingkit ng mga mata nito.Muling natawa si Miguel Guerrero. “Oo, ngunit sa pambabaeng bersyon naman.” Bigla naman nitong ginulo ang buhok ng bata. Muli ay bumalik sa alkalde ang tingin ni Angielyn at ngumiti. Labis ang kaniyang nadaramang tuwa sa sinabi nito. “MAMA, NARINIG ninyo po ba iyong sinabi ni Lolo Mayor kanina? Kamukha ko raw po si Tito Vicente.” Napahinto siya sa pagsusuklay sa buhok ng anak nang banggitin ulit nito ang nangyari kanina. Pagkatapos ng eksenang iyon ay ngani-ngani niyang kinuha ang anak at nagpaalam s
Last Updated: 2022-07-12
Chapter: 15: Angielyn’s Resemblance
“P’wede po ba tayong bumaba sa ’baba, Tito Vicente?” Pagtingala ni Angielyn kay Vicente. “Oo naman. Para makita ninyo ng mama mo sa malapitan ang farm.” Kahit hindi man iyon sabihin ni Vicente ay bababa talaga siya’t gusto niyang makita nang malapitan at mahawakan ang mga ito. “Mama, tara po!” nasasabik na paanyaya sa kaniya ng anak. Gaya niya ay hindi rin makapaghintay ang kaniyang anak. Hindi lang kasi siya ang mahilig sa halaman dahil maging ang anak ay kinahihiligan din ang mga iyon. “Let’s go.” Paghawak niya sa kamay ni Angielyn. “Careful, ate. Medyo madulas.” Si Katarina nang magmadali silang dalawa ng kaniyang anak sa pagbaba. Ngunit namalayan na lang niyang nakababa na sila ng kaniyang anak. Pagdating sa ibaba ay agad din silang nagkahiwalay nito para lapitan at tingnan ang kani-kaniyang gustong hawakang halaman o pananim. Sa kalagitnaan ng paghanga niya sa mga dahon ng gulay na malalago at bungang sariwa ay naagaw nina Vicente at Katarina ang kaniyang tingin. Malawak an
Last Updated: 2022-07-09
Chapter: 14: The Cloud Castle
Pagkatapos nga niyon ay sinimulan na nga silang sukatan ni Ruby. Pink and violet ang color motif ng kasal nina Vicente at Katarina kaya magkahalo ang kulay lila at rosas sa kanilang susuotin sa kasal ng mga ito. At nang matapos kunan ay nagpaalam muna ang dalawa—sina Katarina at Ruby—upang tingnan ang itaas na bahagi ng natahi na nitong gown. Hindi nga makapaniwala ang kakambal niyang si Katarina dahil kamakailan lang siya sinukatan pero kaagad nitong natapos ang pang-itaas na bahagi ng isusuot nitong bridal gown.“Mama, p’wede po ba akong pumunta roon? Gusto ko pong matingnan ’yong mga gowns po, ang gaganda po kasi,” paalam ni Angie sa kaniya sabay turo sa unahang bahagi, kung saan nakasabit at nakasuot sa mga manikin ang pambatang mga gown.“Sure. Basta tingin lang, huwag mangialam ng kung ano-ano,” habilin niya.“Yes, Mama.” At masaya itong tumakbo sa lugar na kanina pa nito gustong puntahan. “Totoo pala ang sinasabi nila na alam ng puso kung sino ang itinatangi nito.”Napakunot-n
Last Updated: 2022-07-04
Chapter: 13: Rodriguez’s Twins
NAPAKUNOT-NOO SIYA. “Ano ba ’tong pinaggagawa mo sa akin, Katarina?” Naguguluhan siya nang matapos nitong bawasan ang buhok niya kapantay sa haba ng buhok ni Katarina, ngayon ay nilagyan siya ng bangs ng kapatid.“Ops! Walang atrasan kundi hindi papantay ’tong bangs mo. Saka um-oo ka nang tanungin ko kung p’wede ko bang pakailaman ang buhok mo.” Tuwang-tuwa ito.“Baka malito sa atin ang tao kapag tinitigan tayong parehong-pareho.” Natawa naman siya sa sinabing iyon.Minsan kasi ay ginawa na nila ito noon, kaya sobrang nalito ang mga taong nakasasalamuha nila sa loob ng bahay kung sino si Katarina at si Katalina—pareho pa man din silang mahinhin. Kaya nga binigyan talaga sila ng pagkakaiba ng mga magulang nila para hindi malito; nilagyan nila ng bangs si Katarina samantalang siya ay wala. Palaging nakatali ang buhok ni Katarina, siya ay nakalugay lang ang mga buhok.“Iyon nga ang gusto ko, e. Na-miss ko na tuloy ang mga kakulitan natin noon.” Si Katarina.“Oo, iyong tinatawag kang Kat
Last Updated: 2022-06-29
Chapter: 12: A Lady From The Past
“MAMA, P’WEDE po ba akong bumili ng marshmallows?” Turo ng anak nang makita ang mga marshmallow sa stante na naroroon. Narito sila ngayon sa isang grocery store sa bayan. Nagyaya kasi ang anak na mamili pagkagising. Mahilig kasing kumain nang kumain ang anak kaya lumulobo na ang katawan.“Oo naman,” ngiti niya at nagdiwang naman ang anak.Tumungo siya sa mga pagkaing may halong keso dahil paborito rin ito ng kaniyang anak. Maliban doon ay paborito rin niya ito. Hindi nawala ang pagkahumaling niya sa mga keso simula nang bata pa siya. Kukuhanin na sana niya ang crackers na may halong keso nang may taong kumuha rin niyon kaya napatingin siya sa taong iyon. Natigilan siya nang muling makita ang taong hindi niya inaasahan na makikita ngayong araw.“Katalina? Oh my gash! How are you?” Bahagyang napataas ang kaniyang kilay nang kumustahin siya nito na para bang close sila. Hindi man lang nahiya sa ginawa nito o sabihin na lang na ‘nila’ sa kaniya noon.“Ayos lang. Gusto mo rin pala ito?”
Last Updated: 2022-06-26
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Read
Chapter: Chapter 80 Finale
SERYOSONG TINITIGAN ni Ynzo si Veron sa mga mata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito. Kung pupuwede lang matunaw sa mga titig ni Ynzo ay baka kanina pa natunaw na parang ice cream ang babae sa paraan ng pagkakatitig nito.“Today, in front of those we love, I give you my heart...” panimula ni Ynzo.Sa harap ng lahat ng mga mahal nila sa buhay, sa harap ng kaniyang mga magulang, kaibigan at mga kakilala ay buong katapatan niyang iniaalay ang puso kay Veron mula sa araw na ito.“I give it without hesitation, sure that it will be bruised at times by the chaos of life but sure also that it will know joy...” Madamdaming pagpapatuloy ni Ynzo.Hindi siya sigurado sa magiging takbo ng panahon at siguradong uulanin sila ng tukso at mga pagsubok sa buhay ngunit sisiguruhin niyang liligaya ang babae sa piling niya.“I give it without expectation or cost, for that is the only way it can truly belong to another. I give it only with hope, only with love, and only with joy that from this day
Last Updated: 2022-09-18
Chapter: Chapter 79
HALOS PAGTALUNAN PA nina Ynzo at Veron kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Oo nga at ikinasal na sila noon ngunit iba pa rin ang sitwasyon nila ngayon. Tila balewala sa kanilang dalawa ang preparasyon para sa pag-iisang dibdib nila noon kumpara ngayong may damdamin na silang dalawa para sa isa’t isa. “I want a church wedding, Wifey. Iba pa rin ang may basbas tayo at pagpapala mula sa Poong Maykapal,” pagdesisyon ni Ynzo habang kausap ang asawa. Bahagyang umiling si Veron bilang tugon. “No. I won’t let that happened, Hubby. Church wedding na ang naganap nating kasal noon. Napaka-boring naman yata kung ganoon ulit ngayon. Iba talaga ang pakiramdam kung bago ang venue at dekorasyon ng buong paligid. I insists for a garden wedding,” pagtatapos na tugon ni Veron habang nakikipagtitigan kay Ynzo. Napabuntong-hininga naman ang lalaki habang kumakamot sa sariling ulo. “Wifey, let’s have a church wedding again. Mas maganda kung sa bahay ng Diyos tayo ikakasal para mas basbasan pa ang a
Last Updated: 2022-09-18
Chapter: Chapter 78
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ang sunod-subod na patak ng luha sa mga mata ni Veron nang makita si Ynzo sa sulok ng silid na biglang nagliwanag dahil sa kislap ng mga Christmas lights at iba’t ibang klase ng pampailaw. Kasunod ng pagpailanlang ng mabining tugtugin ay siya ring pagsaliw ng tinig ni Ynzo na ilang linggo niya ring kinapanabikang marinig. Naghalo-halo na sa puso ni Veron ngayon ang tuwa, saya, galit, inis at pagkagigil sa lalaking halos pasabugin ang puso niya sa labis na kaba. Hawak ang kulay puting rosas ay unti-unting lumapit si Ynzo sa kaniya. “Can you let me take away your tears? Can I see your smile always? Please let’s get together... Let our hearts stay forever...” Pag-awit ni Ynzo sa kaniyang harapan habang sinasabayan ang malamyos na tugtuging nagmumula sa isang violin. Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo nang pagsusuntukin siya ni Veron nang tuluyan itong makalapit sa babae. Natatawang sinalo ni Ynzo ang mga kamao niyang sumusuntok dito habang patuloy pa rin ang pagl
Last Updated: 2022-09-15
Chapter: Chapter 77
HALOS LUNURIN NG kaba ang puso ni Veron habang minamaneho ang sariling motorsiklo. Hindi siya makapaniwalang malalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Ynzo sa mga oras na ito ngunit base sa narinig mula sa ina ng lalaki ay mukhang kailangan na niyang maniwalang nasa bingit na nga kamatayan ang asawa. Nais mag-unahang tumulo ng mga luha niya gawa ng takot at kabang nararamdaman ngunit hindi dapat lalo na’t nagmamaneho pa siya ng motorsiklo. Kailangan niyang kumalma dahil baka imbes na makarating siya sa ospital ng matiwasay ay baka mauna pa siya kay Ynzo na magtungo sa kabilang buhay. “Ano ba kasing nangyayari, Ynzo? Akala ko ba ay ayos ka na? Si Skyler nga nagawang maka-recover kaagad, ikaw pa kaya?” himutok ni Veron habang nagmamaneho. Halos patayin na siya ng kabang lumulukob sa puso niya. Daig pa niya ang sinasakal dahil sa nadaramang takot. Takot na mawala ang taong pinakamamahal niya. Basta na lang iniwan ni Veron ang motorsiklo nang makarating siya sa tapat ng ospital. Mabuti
Last Updated: 2022-09-11
Chapter: Chapter 76
Ipinagpatuloy ni Veron ang pagbabasa sa iba pang pahina ng kwaderno ni Ynzo. May iilang doodle at drawings doon na ginuguhit nito. May ibang pahina na ginuhitan nito ng babaeng nag-eensayo sa parang at kagubatan. Lahat ng iyon ay guhit ng isang babaeng nakatalikod o hindi kaya ay nakatagilid. ‘Ilang buwan o taon na ba akong hindi nakapagsusulat dito? I thought everything will end up on a piece of paper. But mind you, notebook! I saw her right now! Iba man ang tindig niya sa suot niyang black suit, when I saw her eyes, alam kong siya ’yon! Nakasalubong ko lang siya habang papalabas ng Secret Agency at kahit na salubong ang kaniyang mga kilay at tila ba galit na galit, ramdam ng puso ko ang kakaibang kaba nang magtagpo ang paningin namin. But she doesn’t even recognized me. Ang sakit! Iyong tingin niya na para bang isa lang akong estranghero para sa kaniya...’ Napailing-iling si Veron nang mabasa iyon. Marahil ay ang tagpong iyon ay nang magsimula siyang magrebelde sa kanilang organis
Last Updated: 2022-09-05
Chapter: Chapter 75
“I know that a little doubt playing on your head right now, Anak... But let me give you this,” bigkas naman ni Ginang Tolledo. “And I hope time will come that you will forgive our son.” Dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak ni Ginang Tolledo at marahang iniabot sa kaniya iyon. Nang tingnan niya ang mag-asawa ay kababakasan ng luha ang mga mata ng mga ito. “Hindi ko dapat pinakailaman iyan sa mga gamit ni Ynzo pero alam kong makatutulong ang bagay na iyan upang mas malinawan ka. Hope that you will soon understand why our son did that things to you...” sunod-sunod na bigkas ng butihing Ginang. “Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat, Veron anak,” nakangiting bigkas ni Ginoong Tolledo. Muling dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak. Kumg titingnan ay may kalumaan na ang aklat na iyon ngunit halatang iningatan at inalagaan sa loob ng ilang taon. Kulay ginto at pilak ang pangunahing kulay ng pabalat ng kwadernong iyon. At nang buksan ni Veron ay k
Last Updated: 2022-09-01
The Famous Billionaire and His Secret Child

The Famous Billionaire and His Secret Child

Si Mariya Luiesa Inocencio ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Mag-isang itinaguyod ng ina at kapwa sandigan ang bawat isa. Kaya nang magkaroon ng malubhang karamdaman ang ina ay handa niyang gawin ang lahat upang maipagamot lamang ito. Kapalit ng sariling dignidad, pikit-matang isinalang ni Mariya ang sarili sa isang subasta. Ang matipunong binata na nakabili sa kaniya ay walang iba kundi si Montgomery Brylly Montañez III—isang tanyag at multibilyunaryong negosyante na nangangailangan ng anak upang makuha ang atensyon ng sariling ama na ninanais nitong lubos. Magawa kaya nilang punan ang pangangailangan ng isa’t isa? O ang mga paraan nilang iyon ang maghahatid sa kanila tungo sa mas komplikadong sitwasyon?
Read
Chapter: Note
Hello po. Pasensya na po sa long no updates. Dumaan po kasi sa trangkaso ang inyong lingkod na manunulat. Idagdag pa na malapit na rin po ang due date ko at lalabas na po ang first baby ko po. Hindi ko po alam kung kailan po ako magpapatuloy muli, pero isa lang po ang sigurado ako... tatapusin ko 'tong kuwentong ito. Bibigyan ko ng justice ang bawat kaganapan po rito. Salamat po lalo na sa mga nagbabasa po ng story na ito. Heart ‘Hi’ naman po sa sumusuporta ng book na ito. ^^ Please do pray my coming labor and delivery. Sana safe po kami ni baby at hindi po ako mahihirapang ilabas siya.🙏
Last Updated: 2023-04-26
Chapter: Chapter 10
“Damn you, Bryan!” halos singhal ni Brylly sa kaibigan. Nakaupo ito sa coach na nasa loob ng kaniyang opisina. Habang siya naman ay hindi mapakali sa kinatatayuan. Namaywang na lang siya sa sobrang kabiguan. Nandoon na kasi ay nawala pa. “I’m sorry, dude. I didn't know that woman was the woman you were searching for so long.” Bryan sincerely apologizes to his friend, Brylly. “Sigurado ka ba talaga na siya ’yon?” Ang naalala kasi ni Bryan kung babalikan ang panahon na binili ito ng kaibigan, ay naka-maskara ang babaeng iyon, kaya wala talaga siyang nabuong imahe sa alaala niya. “Did you just tell me and describe her look, didn't you?” Parang tanga namang napatango si Bryan. Oo nga at naipaliwanag niya ang mukha nito nang tanungin siya ng kaibigan. Naikuwento niya kasi ang engkwentro nila ng babaeng hinahanap nito sa mall. Kaya naitanong nito kung ano ang itsura ng babae at nakumpirma nga ni Brylly na siya iyon. He will never forget that woman. Nang gabing may nangyari sa kanila ay a
Last Updated: 2023-04-17
Chapter: Chapter 9
Biglang kumulo ang dugo ni Mariya nang marinig ang pag-uusap ng lalaki at ng sales lady. Anong akala nito sa kaniya? Hindi niya kayang tumbasan ang ini-o-offer nito? Dahil sa inis ay halos sugurin niya ang lalaki para lamang tapatan ang kayabangan nito, hanggang sa may pumasok. “Brylly, dude.” Napalingon siya sa lalaking biglang sumulpot. Nang ibalik ang paningin sa lalaking tinawag ay halos kumitid ang puwestong kinatatayuan niya. Mula sa pagkakatalikod nito sa kaniya kanina, na ngayon ay nakaharap na ang kalahating bahagi ng mukha. Mabilis na hinila siya mula sa nakaraan kung kailan una niyang nakita ang lalaki. Hinding-hindi niya makakalimutan ang itsura nito kahit matagal na panahon pa ang lumipas. Para bang ginawa ang taong ito para maging bangungot sa kaniya, na hindi mabura-bura kahit anong gawin niya. “Ang dami mo nang collection n’yan. Hayaan mo na sa naunang bumili n’yan, dude. Tara na,” ayon sa kararating lang na mukhang nagmamadali. “No one can stop me if I want a thing
Last Updated: 2023-04-15
Chapter: Chapter 8
Nagtungo sina Mariya sa sakayan, ngunit nabigo ulit sila. Kagagaling lang nila sa paaralan at wala si Bennett doon. Nagtanong-tanong sila sa kung sino-sino at kung saan-saan na sila nakarating. “Kung i-report na kaya natin sa pulis, Mariya?” suhestiyon ni Rosela. “Wala pang twenty-four hours, ’nay,” ayon naman kay Nadine. “E, ano naman? Kailangan pa bang umabot ng twenty-four hours? Baka kung ano na ang nangyari sa bata.” Tumingin si Nadine kay Mariya na ngayon ay tahimik na nagmamaneho ng sasakyan. “Ano, best?” tanong ni Nadine sa kaniya. Sumang-ayon din sa suhestiyon ng ina. Labis din kasi ang pag-aalala niya. Walang naging tugon si Mariya. Maya-maya ay inihinto ni Mariya ang sasakyan na ipinagtaka ng mag-ina. Malalim ang ginawa niyang paghugot at buga ng hangin at isa-isang tiningnan ang mga kasama sa loob ng kotse. Hindi niya na napigilan pa ang sarili at tuloy-tuloy na umagos ang kaniyang luha sa magkabila niyang pisngi. “Kahit ano. Makita lang natin ang anak ko,” sa kabi
Last Updated: 2023-04-12
Chapter: Chapter 7
“Pasok.” Si Mariya nang may kumatok mula sa pinto ng kaniyang opisina. “’Nay Rosela,” ngiting bigkas niya nang makita ang ina-inahan. “Pinadalhan kita ng kape at paborito mong mammon bread. Alam ko kasing hindi ka pa nag-agahan.” Umupo si Rosela sa sopa ng munting sopa set sa loob ng opisina ni Mariya. Nilapag niya sa glass table na kuwadrado ang dala-dalang tray. Sinara ni Mariya ang laptop at tumayo. Umupo siya sa isahang upuan na katabi ng inuukupahan ng kaniyang Nanay Rosela. “Salamat ho. Nag-abala pa ho kayo. Lalabas naman ako. Tatapusin ko lamang ang ginagawa ko.” At kaagad na humigop ng kape. Doon niya lang din napansin na kumikirot na rin pala ang kaniyang sikmura dahil sa nalipasan na naman siya ulit ng gutom. “Naku! ’Wag mong sabihin ’yan. Tungkulin ko rin na ina n’yo ang alagaan kayo lalo ka na, nakakalimutan mo nang kumain dahil sa katututok mo d’yan sa trabaho mo.” “Salamat ho ’nay, ha. Simula nang kinupkop mo ako at tanggapin maging si Bennett na nasa sinapupunan ko
Last Updated: 2023-04-09
Chapter: Chapter 6
“’Nay?” pagbasag ni Bennett sa tahimik nilang hapunan. “Hmm… bakit?” tanong ni Mariya pagkatapos ay uminom ng tubig. “Kailan po uuwi si tatay?” Biglang nabulunan si Mariya na ikinabaling naman ng atensyon ng mag-inang, Rosela at Nadine, sa isa’t isa bago tiningnan si Mariya na ngayon ay nagpupunas na ng kaniyang bibig. Napatingin si Mariya sa mag-ina bago bumaling sa kaniyang anak. Nakatingin na si Bennett sa kaniya, naghihintay sa magiging sagot niya. Sirkulo ang hugis ng kanilang hapag-kainan. Kaya ang ayos ay tila magkakaharap lang silang lahat sa isa’t isa. “Bakit mo naitanong, anak?” Ipinagtataka niya ang biglaang tanong na iyon ng anak. Dahil ang huli nitong pangungulit sa kaniya patungkol sa ama ay halos mag-iisang taon na rin ang nakalilipas. “Hindi na po kasi ako makapaghintay. Miss na miss ko na po si tatay. Buti pa si Yanie nakita niya na ang daddy niya. Ako kaya kailan?” Iba-iba ang emosyong nakikita ni Mariya sa anak habang sinasabi iyon. Hindi niya alam kung ano a
Last Updated: 2023-04-07
You may also like
One Night Darker (Tagalog)
One Night Darker (Tagalog)
Romance · Blissy Lou
61.9K views
Divorce Now, Marry Me Later
Divorce Now, Marry Me Later
Romance · Blissy Lou
61.8K views
The Billionaire's Baby Maker
The Billionaire's Baby Maker
Romance · Blissy Lou
61.6K views
THE BILLIONAIRE'S CONTRACT
THE BILLIONAIRE'S CONTRACT
Romance · Blissy Lou
61.5K views
Heiress of Fire
Heiress of Fire
Romance · Blissy Lou
61.0K views
DMCA.com Protection Status