Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
View MoreSERYOSONG TINITIGAN ni Ynzo si Veron sa mga mata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito. Kung pupuwede lang matunaw sa mga titig ni Ynzo ay baka kanina pa natunaw na parang ice cream ang babae sa paraan ng pagkakatitig nito.“Today, in front of those we love, I give you my heart...” panimula ni Ynzo.Sa harap ng lahat ng mga mahal nila sa buhay, sa harap ng kaniyang mga magulang, kaibigan at mga kakilala ay buong katapatan niyang iniaalay ang puso kay Veron mula sa araw na ito.“I give it without hesitation, sure that it will be bruised at times by the chaos of life but sure also that it will know joy...” Madamdaming pagpapatuloy ni Ynzo.Hindi siya sigurado sa magiging takbo ng panahon at siguradong uulanin sila ng tukso at mga pagsubok sa buhay ngunit sisiguruhin niyang liligaya ang babae sa piling niya.“I give it without expectation or cost, for that is the only way it can truly belong to another. I give it only with hope, only with love, and only with joy that from this day
HALOS PAGTALUNAN PA nina Ynzo at Veron kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Oo nga at ikinasal na sila noon ngunit iba pa rin ang sitwasyon nila ngayon. Tila balewala sa kanilang dalawa ang preparasyon para sa pag-iisang dibdib nila noon kumpara ngayong may damdamin na silang dalawa para sa isa’t isa. “I want a church wedding, Wifey. Iba pa rin ang may basbas tayo at pagpapala mula sa Poong Maykapal,” pagdesisyon ni Ynzo habang kausap ang asawa. Bahagyang umiling si Veron bilang tugon. “No. I won’t let that happened, Hubby. Church wedding na ang naganap nating kasal noon. Napaka-boring naman yata kung ganoon ulit ngayon. Iba talaga ang pakiramdam kung bago ang venue at dekorasyon ng buong paligid. I insists for a garden wedding,” pagtatapos na tugon ni Veron habang nakikipagtitigan kay Ynzo. Napabuntong-hininga naman ang lalaki habang kumakamot sa sariling ulo. “Wifey, let’s have a church wedding again. Mas maganda kung sa bahay ng Diyos tayo ikakasal para mas basbasan pa ang a
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ang sunod-subod na patak ng luha sa mga mata ni Veron nang makita si Ynzo sa sulok ng silid na biglang nagliwanag dahil sa kislap ng mga Christmas lights at iba’t ibang klase ng pampailaw. Kasunod ng pagpailanlang ng mabining tugtugin ay siya ring pagsaliw ng tinig ni Ynzo na ilang linggo niya ring kinapanabikang marinig. Naghalo-halo na sa puso ni Veron ngayon ang tuwa, saya, galit, inis at pagkagigil sa lalaking halos pasabugin ang puso niya sa labis na kaba. Hawak ang kulay puting rosas ay unti-unting lumapit si Ynzo sa kaniya. “Can you let me take away your tears? Can I see your smile always? Please let’s get together... Let our hearts stay forever...” Pag-awit ni Ynzo sa kaniyang harapan habang sinasabayan ang malamyos na tugtuging nagmumula sa isang violin. Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo nang pagsusuntukin siya ni Veron nang tuluyan itong makalapit sa babae. Natatawang sinalo ni Ynzo ang mga kamao niyang sumusuntok dito habang patuloy pa rin ang pagl
HALOS LUNURIN NG kaba ang puso ni Veron habang minamaneho ang sariling motorsiklo. Hindi siya makapaniwalang malalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Ynzo sa mga oras na ito ngunit base sa narinig mula sa ina ng lalaki ay mukhang kailangan na niyang maniwalang nasa bingit na nga kamatayan ang asawa. Nais mag-unahang tumulo ng mga luha niya gawa ng takot at kabang nararamdaman ngunit hindi dapat lalo na’t nagmamaneho pa siya ng motorsiklo. Kailangan niyang kumalma dahil baka imbes na makarating siya sa ospital ng matiwasay ay baka mauna pa siya kay Ynzo na magtungo sa kabilang buhay. “Ano ba kasing nangyayari, Ynzo? Akala ko ba ay ayos ka na? Si Skyler nga nagawang maka-recover kaagad, ikaw pa kaya?” himutok ni Veron habang nagmamaneho. Halos patayin na siya ng kabang lumulukob sa puso niya. Daig pa niya ang sinasakal dahil sa nadaramang takot. Takot na mawala ang taong pinakamamahal niya. Basta na lang iniwan ni Veron ang motorsiklo nang makarating siya sa tapat ng ospital. Mabuti
Ipinagpatuloy ni Veron ang pagbabasa sa iba pang pahina ng kwaderno ni Ynzo. May iilang doodle at drawings doon na ginuguhit nito. May ibang pahina na ginuhitan nito ng babaeng nag-eensayo sa parang at kagubatan. Lahat ng iyon ay guhit ng isang babaeng nakatalikod o hindi kaya ay nakatagilid. ‘Ilang buwan o taon na ba akong hindi nakapagsusulat dito? I thought everything will end up on a piece of paper. But mind you, notebook! I saw her right now! Iba man ang tindig niya sa suot niyang black suit, when I saw her eyes, alam kong siya ’yon! Nakasalubong ko lang siya habang papalabas ng Secret Agency at kahit na salubong ang kaniyang mga kilay at tila ba galit na galit, ramdam ng puso ko ang kakaibang kaba nang magtagpo ang paningin namin. But she doesn’t even recognized me. Ang sakit! Iyong tingin niya na para bang isa lang akong estranghero para sa kaniya...’ Napailing-iling si Veron nang mabasa iyon. Marahil ay ang tagpong iyon ay nang magsimula siyang magrebelde sa kanilang organis
“I know that a little doubt playing on your head right now, Anak... But let me give you this,” bigkas naman ni Ginang Tolledo. “And I hope time will come that you will forgive our son.” Dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak ni Ginang Tolledo at marahang iniabot sa kaniya iyon. Nang tingnan niya ang mag-asawa ay kababakasan ng luha ang mga mata ng mga ito. “Hindi ko dapat pinakailaman iyan sa mga gamit ni Ynzo pero alam kong makatutulong ang bagay na iyan upang mas malinawan ka. Hope that you will soon understand why our son did that things to you...” sunod-sunod na bigkas ng butihing Ginang. “Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat, Veron anak,” nakangiting bigkas ni Ginoong Tolledo. Muling dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak. Kumg titingnan ay may kalumaan na ang aklat na iyon ngunit halatang iningatan at inalagaan sa loob ng ilang taon. Kulay ginto at pilak ang pangunahing kulay ng pabalat ng kwadernong iyon. At nang buksan ni Veron ay k
NANINIWALA NA SI Veron na ang masamang damo ay matagal mamatay. Napatunayan niya iyon sa kalagayang natamo ni Mr. Thurn dahil nakikipaglaban pa rin ang katawan nito mula sa tadtad ng balang natamo mula sa sariling pamangkin. Hindi niya akalaing mabubuhay pa rin ang matanda sa kabila ng lahat ngunit ipinagpapasalamat pa rin iyon ni Veron dahil may pagkakataon siyang matunghayan kung paano nito pagbayaran ang mga kasalanan sa piitan kung sakaling gumaling na ito. Ang buong Gem Secret Agency Association ang nagpagamot sa tatlong importanteng tao na lubhang naapektuhan ng sagupaang naganap. Sina Mr. Thurn, Skyler at higit sa lahat ay si Ynzo. Buong akala ni Veron ay maayos na ang kalagayan ni Ynzo dahil dadalawang bala lang naman ang natanggap nito ngunit laking kaguluhan ng lahat nang mawalan ng malay tao ang kaniyang asawa habang dinadala ito sa ospital. Unang naisip niya ay umaarte lang ang lalaki ngunit napatunayan iyon nang maramdamang halos humina na ang pintig ng pulso nito nang
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ANG masaganang luha sa mga mata ni Veron. Hindi alam kung sino sa dalawang lalaki ang unang dadaluhan. Nang mapadako ang kaniyang paningin kay Mr. Thurn, tahimik na itong nakahiga sa lupa habang naliligo sa sarili nitong dugo. Nakapikit na rin maging ang mga mata nito. “W—Wifey...” Ang katagang iyon ay tila isa lamang ungol dahil sa hirap ng paghinga ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron ang asawa. “Go... T—Talk to h—him...” paanas nitong pakiusap. Lumatay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Veron ngunit ang mukha ni Ynzo ay nagpapakita ng pagiging determinado. Nais nitong kausapin niya si Skyler ngayon mismo. Ginawaran ni Veron ng marahang halik sa labi si Ynzo bago ito inilapag ng dahan-dahan sa lupang nalalatagan ng mga tuyong dahon at sanga ng mga punong-kahoy. “I’ll be right back, Hubby. Just hold on and don’t leave me,” mahigpit na bilin dito ni Veron. Tanging ngiti lamang ang naitugon ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron si Skyler na kagaya ni Mr. Th
“CAN YOU PLEASE slow down, Wifey?” malakas na pakiusap ni Ynzo kay Veron nang halos paliparin na nito ang pagpapaandar ng motorsiklo sa gitna ng kakahuyan. “I have no time to slow down, Ynzo! Makakalayo na ang mga hayop na ’yon!” ganting sigaw niya. Napakalapit lang naman nila sa isa’t isa at halos magkayakapan na nga ngunit nagagawa pa rin nilang magpalitan ng malakas na sigaw para mag-usap. Para kay Veron ay masyadong bingi si Ynzo kaya niya nagagawa ang bagay na iyon. “I hate you for being a spoiled brat and being a ‘headaches of all’,” turan ni Ynzo. “But still I don’t have a choice but to love you more.” Nagkasalubong naman ang mga kilay ni Veron nang dahil sa narinig. Sa gitna ng napakadelikadong sitwasyon, nagagawa pa rin nitong magpakawala ng ganoong klase ng salita. “Ano na naman ang ginawa ko?” Napailing pa siya habang kunot-noong nakatingin sa dinadaanan. “There! Iyang mga biglaang kilos mo! Hindi mo alam kung paano nahulog ang puso ko nang makita kitang nakatayo sa i
Sa mahaba at paliko-likong kalsada ay walang takot niyang pinaharurot ang minamanyobrang chopper motorcycle. Halos paliparin na niya ang naturang sasakyan makarating lamang sa kaniyang patutunguhan—ang Gems Secret Agency Association. “Calling the attention of Agent Veron Stacey Santibañez to please proceed to the agency right now,” anang pamilyar na tinig mula sa suot niyang hearing piece. “What’s the matter, Agent Blue?” nakakunot-noong bigkas ni Veron sa hidden mouthpiece na suot. Naka-connect ang naturang aparato sa kaniyang magkabilang tainga na tila ear phone ngunit ang kaibahan lang niyon ay isa itong hikaw na hindi mo aakalaing secret device pala. “I think the agency has a surprise for you. Guess what?” pahabol na biro ng nasa kabilang linya. “I’m serious here. Kung wala naman iyang kinalaman sa ninanais kong hustisya, ’wag na lang. I’m busy tracking that demons place!” pigil ang inis niyang bigkas. “Exactly! What if this ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments