HALOS LUNURIN NG kaba ang puso ni Veron habang minamaneho ang sariling motorsiklo. Hindi siya makapaniwalang malalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Ynzo sa mga oras na ito ngunit base sa narinig mula sa ina ng lalaki ay mukhang kailangan na niyang maniwalang nasa bingit na nga kamatayan ang asawa. Nais mag-unahang tumulo ng mga luha niya gawa ng takot at kabang nararamdaman ngunit hindi dapat lalo na’t nagmamaneho pa siya ng motorsiklo. Kailangan niyang kumalma dahil baka imbes na makarating siya sa ospital ng matiwasay ay baka mauna pa siya kay Ynzo na magtungo sa kabilang buhay. “Ano ba kasing nangyayari, Ynzo? Akala ko ba ay ayos ka na? Si Skyler nga nagawang maka-recover kaagad, ikaw pa kaya?” himutok ni Veron habang nagmamaneho. Halos patayin na siya ng kabang lumulukob sa puso niya. Daig pa niya ang sinasakal dahil sa nadaramang takot. Takot na mawala ang taong pinakamamahal niya. Basta na lang iniwan ni Veron ang motorsiklo nang makarating siya sa tapat ng ospital. Mabuti
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ang sunod-subod na patak ng luha sa mga mata ni Veron nang makita si Ynzo sa sulok ng silid na biglang nagliwanag dahil sa kislap ng mga Christmas lights at iba’t ibang klase ng pampailaw. Kasunod ng pagpailanlang ng mabining tugtugin ay siya ring pagsaliw ng tinig ni Ynzo na ilang linggo niya ring kinapanabikang marinig. Naghalo-halo na sa puso ni Veron ngayon ang tuwa, saya, galit, inis at pagkagigil sa lalaking halos pasabugin ang puso niya sa labis na kaba. Hawak ang kulay puting rosas ay unti-unting lumapit si Ynzo sa kaniya. “Can you let me take away your tears? Can I see your smile always? Please let’s get together... Let our hearts stay forever...” Pag-awit ni Ynzo sa kaniyang harapan habang sinasabayan ang malamyos na tugtuging nagmumula sa isang violin. Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo nang pagsusuntukin siya ni Veron nang tuluyan itong makalapit sa babae. Natatawang sinalo ni Ynzo ang mga kamao niyang sumusuntok dito habang patuloy pa rin ang pagl
HALOS PAGTALUNAN PA nina Ynzo at Veron kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Oo nga at ikinasal na sila noon ngunit iba pa rin ang sitwasyon nila ngayon. Tila balewala sa kanilang dalawa ang preparasyon para sa pag-iisang dibdib nila noon kumpara ngayong may damdamin na silang dalawa para sa isa’t isa. “I want a church wedding, Wifey. Iba pa rin ang may basbas tayo at pagpapala mula sa Poong Maykapal,” pagdesisyon ni Ynzo habang kausap ang asawa. Bahagyang umiling si Veron bilang tugon. “No. I won’t let that happened, Hubby. Church wedding na ang naganap nating kasal noon. Napaka-boring naman yata kung ganoon ulit ngayon. Iba talaga ang pakiramdam kung bago ang venue at dekorasyon ng buong paligid. I insists for a garden wedding,” pagtatapos na tugon ni Veron habang nakikipagtitigan kay Ynzo. Napabuntong-hininga naman ang lalaki habang kumakamot sa sariling ulo. “Wifey, let’s have a church wedding again. Mas maganda kung sa bahay ng Diyos tayo ikakasal para mas basbasan pa ang a
SERYOSONG TINITIGAN ni Ynzo si Veron sa mga mata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito. Kung pupuwede lang matunaw sa mga titig ni Ynzo ay baka kanina pa natunaw na parang ice cream ang babae sa paraan ng pagkakatitig nito.“Today, in front of those we love, I give you my heart...” panimula ni Ynzo.Sa harap ng lahat ng mga mahal nila sa buhay, sa harap ng kaniyang mga magulang, kaibigan at mga kakilala ay buong katapatan niyang iniaalay ang puso kay Veron mula sa araw na ito.“I give it without hesitation, sure that it will be bruised at times by the chaos of life but sure also that it will know joy...” Madamdaming pagpapatuloy ni Ynzo.Hindi siya sigurado sa magiging takbo ng panahon at siguradong uulanin sila ng tukso at mga pagsubok sa buhay ngunit sisiguruhin niyang liligaya ang babae sa piling niya.“I give it without expectation or cost, for that is the only way it can truly belong to another. I give it only with hope, only with love, and only with joy that from this day
Sa mahaba at paliko-likong kalsada ay walang takot niyang pinaharurot ang minamanyobrang chopper motorcycle. Halos paliparin na niya ang naturang sasakyan makarating lamang sa kaniyang patutunguhan—ang Gems Secret Agency Association. “Calling the attention of Agent Veron Stacey Santibañez to please proceed to the agency right now,” anang pamilyar na tinig mula sa suot niyang hearing piece. “What’s the matter, Agent Blue?” nakakunot-noong bigkas ni Veron sa hidden mouthpiece na suot. Naka-connect ang naturang aparato sa kaniyang magkabilang tainga na tila ear phone ngunit ang kaibahan lang niyon ay isa itong hikaw na hindi mo aakalaing secret device pala. “I think the agency has a surprise for you. Guess what?” pahabol na biro ng nasa kabilang linya. “I’m serious here. Kung wala naman iyang kinalaman sa ninanais kong hustisya, ’wag na lang. I’m busy tracking that demons place!” pigil ang inis niyang bigkas. “Exactly! What if this
Tagaktak na ang pawis ngunit hindi pa rin tumitigil si Veron Stacey sa pagsuntok at pagsipa sa mga nakahilerang kahoy at bakal sa kaniyang harapan. Isa ito sa mga trainings na dapat niyang ipasa upang mapabilang sa secret agency na nais niyang pasukan. Hindi biro ang lahat ng pagod at hirap niya upang makapasok lamang sa sikat na secret agency na iyon.Halos dumugo na rin ang buo niyang kamao at magkasugat-sugat ang kaniyang mga paa ngunit handa siyang tiisin ang sakit at hapdi maging magaling lamang. Lahat ng paraan ay pinag-aralan at pinaghandaan niya. Maging ang paggamit ng sibat, baril, katana, itak, espada at iba’t ibang armas ay nagawa na rin niya ngunit para sa kaniya ay hindi pa rin iyon sapat.Ngayon ay nakapiring na ng itim na panyo ang kaniyang mga mata.“Ito na ang huli mong pagsasanay. Sa loob ng labinlimang minuto ay kailangan mong mabaril ang mga dagang ikinalat namin sa buong paligid. Kapag may natirang isa ay siguradong babagsak ka!&
Kaagad na binuksan ni Veron Stacey ang koneksyon mula sa kaniyang pribadong telepono sa hearing device na suot-suot niya nang tumunog iyon.“Babe, where are you?” anang tinig-lalaki mula sa kabilang linya.“Sa bahay, Babe. I’m about to leave,” sagot niya habang sinusuot ang kulay itim at kumikinang na high heeled stilettoes. Kakaiba ang sandalyas na iyon na naglalabas ng kutsilyo sa oras na kailangan.Sinipat niya ng maigi ang sarili sa salamin.“You know what, Babe. I’m very very excited to see that demon,” bulong ni Veron habang nakapaskil sa labi ang isang malawak at matamis na ngiti. Ramdam niyang magtatagumpay na siya sa pagkakataong ito.Narinig niya ang isang malalim at m
Gigil na gigil si Veron Stacey sa galit dahil sa nabulilyaso niyang plano. Matagal niyang pinaghandaan na makuha at pahirapan ang kriminal na pumaslang sa sariling mga magulang ngunit hindi niya akalaing sa isang lalaking baliw lang masisira ang lahat. “Hey, cool down, Agent Stans. May susunod na pagkakataon pa naman,” pagpapakalma sa kaniya ni Agent Blue mula sa kabilang linya. Ramdam niya rin sa tinig ng kaniyang partner ang pagkadismaya dahil sa hindi pagtatagumpay ng kanilang mga plano. “I know, you’re disappointed, too. Matagal natin itong pinaghandaan, Agent Blue. Puwedeng-puwede kang mawalan ng trabaho oras mismo dahil sa pagli-link mo ng mga confidential information na dapat ay hindi mo ginagawa. Pero sa isang iglap lang ay mawawala na parang bula ang lahat ng pinaghirapan natin nang dahil lang sa siraulong ’yon!” Nanggagalaiti sa galit si Veron Stacey nang sabihin iyon. Kung hindi ba naman isa’t kalahating tanga ang lalaking iyon, sa dinami-rami ng n