Tagaktak na ang pawis ngunit hindi pa rin tumitigil si Veron Stacey sa pagsuntok at pagsipa sa mga nakahilerang kahoy at bakal sa kaniyang harapan. Isa ito sa mga trainings na dapat niyang ipasa upang mapabilang sa secret agency na nais niyang pasukan. Hindi biro ang lahat ng pagod at hirap niya upang makapasok lamang sa sikat na secret agency na iyon.
Halos dumugo na rin ang buo niyang kamao at magkasugat-sugat ang kaniyang mga paa ngunit handa siyang tiisin ang sakit at hapdi maging magaling lamang. Lahat ng paraan ay pinag-aralan at pinaghandaan niya. Maging ang paggamit ng sibat, baril, katana, itak, espada at iba’t ibang armas ay nagawa na rin niya ngunit para sa kaniya ay hindi pa rin iyon sapat.
Ngayon ay nakapiring na ng itim na panyo ang kaniyang mga mata.
“Ito na ang huli mong pagsasanay. Sa loob ng labinlimang minuto ay kailangan mong mabaril ang mga dagang ikinalat namin sa buong paligid. Kapag may natirang isa ay siguradong babagsak ka!” mahigpit na paalala mula sa radio voice transmitter na pumapailanlang sa buong paligid ng training grounds.
Binundol ng kaba ang kaniyang dibdib. Paano siya makapapasa kung nakapiring siya at walang makita sa buong paligid?
Ramdam niya ang mesa na nasa kaniyang harapan. Nang kapkapin niya iyon ay puro baril at bala ang nakalatag doon. Wala siyang makita kahit isa ngunit nararamdaman niya ang kaniyang buong paligid. Kailangan niyang pumasa kahit ano pa man ang mangyari.
Kinuha ni Veron ang isa sa mga nakapa niyang armas. Huminga siya ng malalim at tumayo ng tuwid. Nang marinig niya ang hudyat ng pagsisimula ay tsaka rin niya narinig ang mumunting tunog ng mga daga sa buong paligid. Alam niyang limitado lang ang mga bala ng armas na iyon at malabong magkarga pa sa loob lamang ng labinlimang minuto. Huminga siya ng malalim at sinimulan na ang pagpapaulan ng bala sa direksyon ng mga naririnig niyang huni at kaluskos. Wala siyang tigil sa pagpapaulan ng bala hanggang sa humina na ang mga huning naririnig niya sa buong paligid. Pinigilan niya ang sariling paghinga dahil hindi siya makarinig ng maayos dulot ng kaniyang paghingal. Unti-unti ay inisa-isa niya ang pagbaril sa mga daga na ramdam niyang naroroon pa rin sa paligid.
“Time is up!” narinig niyang ani ng tinig sa radio voice transmitter, “I can’t believe this. You’re such a monster!”
Nang alisin niya ang suot na piring ay bumulaga ang nagkalat na dugo at katawan ng mga daga sa buong paligid. Walang natirang buhay kahit isa. Napangisi si Veron Stacey.
“Paano ba ‘yan? Pasado na ako,” taas-noo niyang bigkas kahit na hindi rin naman kaharap ang kausap.
“You should control your feelings, Veron or else, you'll lose out.”
“I don’t care,” bigkas niya at binaril ang speaker na pinagmumulan ng tinig na iyon.
Siguro naman ay handa na siyang harapin ang halimaw na iyon. She can be a monster, afterall.
ONE MONTH LATER…
Ngayon ay abala si Veron sa pagprepara para mamayang gabi. May nasagap kasi siyang balita na magkakaroon ng pagtitipon sa pagbubukas ng bagong negosyo ni Mr. Chua. Isa itong multi-billionaire business tycoon at kahit sino ay handang dumalo sa importanteng pagtitipong iyon. Oras na para mamingwit ng malalaking isda at mapabilang sa malaking korporasyong iyon. Ngunit hindi lang iyon ang nagustuhan niyang balita. Napag-alaman niyang dadalo rin sa pagtitipong iyon ang taong hinahanap niya. Ang taong pumatay sa kaniyang mga magulang.
After all this years na paghahanap ay sa wakas natunton na rin niya ang taong iyon. Bakit pa kasi nilihim sa kaniya ng kaniyang organisasyon ang patungkol sa taong iyon at pagkatapos ay malalaman din niya? Nakatatawa, hindi ba? Sa pamamagitan ng isinagawa niyang lihim na pag-iimbistiga sa pamamagitan ng pagkokonekta sa mga taong may posibilidad na sangkot sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang dalawampung taon na ang nakararaan, ngayon ay tila matutuldukan na ito. Halos isang buwan din niyang isinagawa ang plano dahil simula pa lang naman ay may hawak na siyang teorya.
Hindi niya nagustuhan ang pagtago sa kaniya ng impormasyon patungkol sa taong iyon ng kaniyang tinaguriang mga kakampi. Tila pinoprotektahan pa nila ito mula sa kaniya. Kaya simula ng siya ay magrebelde sa organisasyon dahil sa pagtanggi ng mga ito sa kagustuhan niyang maghiganti ay nagsagawa siya ng sarili niyang misyon. Ngayon ay heto na nga. Matigas man ang ulo kung ituring ng lahat ay wala siyang pakialam. Ayaw niya ang kilos pagong para sa hustisya ng kaniyang mga yumaong mga magulang.
Mabilis siyang tumungo sa sariling silid at kaagad na tumungo sa sariling banyo para maligo. Sa kaalamang hindi lang dapat mga armas ang dapat niyang ihanda kundi maging ang sarili.
Inihanda niya ang jacuzzi at nilagyan na rin ng sariwang talulot ng bulaklak at scented oil. Gusto niyang makapag-relax man lang bago sumabak sa giyera. Ibinabad ni Veron ang sarili sa jacuzzi habang iniisip ang mga plano kung paano niya papaslangin ang taong iyon—sa madaling paraan ba o sa mahirap na paraan na lang? Wala siyang ibang hangad kundi ang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng sariling mga magulang. Pero mas masaya kung unti-unti ang gagawin niyang pagpapahirap sa hayop na iyon kung saan magmamakaawa na itong patayin na lang niya. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi dahil sa tumatakbo sa kaniyang isipan.
Matapos maligo ay sumunod na hinanda ni Veron ang kaniyang mga armas. Suot ang kulay cream na roba ay hinarap niya ang sariling kama. May pinindot siyang pushbutton sa gilid ng kama at kusang umangat ang kaniyang queen size bed. Tumambad sa kaniyang paningin ang iba’t ibang klase ng armas na pinakatatago niya mula pa sa inimbentong gamit ng kaniyang mga magulang. Alam na niya kung paano gagamitin ang mga iyon.
Tinungo niya ang sariling walk-in closet at kumuha ng isang black silk long gown na may mahabang slit sa gilid bagay na ikinalitaw ng kaniyang mahaba at maputing mga hita. She wear that kind of gown not to attract boys but to access weapons all over her body.
Sa kaniyang mga hita ay nakakabit ang strap kung saan nakatago ang revolver gun na maliit lamang kung tingnan ngunit kayang barilin kahit gaano pa kalayo ang target. Marami rin iyong reserbang bala kaya kampante siyang sapat na ang k*****a niyon. Alam niyang hindi siya bibiguin ng mga armas ng sariling mga magulang. Sa dibdib niya ay nakatago ang singliit ng butones na recorder. Walang maghihinala na may nakatagong recorder sa parteng iyon ng kaniyang katawan. Baka kailanganin niya iyon habang naroroon sa pagtitipon. Magbabakasakali siyang baka may tumugon sa kaniyang imbitasyon para paslangin ang dapat paslangin.
Naka-pony tail ang kaniyang buhok na bahagyang nakababa ang iilang hibla ng buhok sa gilid ng mga tainga. Walang makakaisip na ang suot niyang hair clip ay gawa sa katana na kayang pumatay ng tao sa oras na masugatan nito. Maingat ang pagkakalagay niyon sa kaniyang buhok.
Hindi kumpleto ang kasuotan niya kung wala ang hearing device na tila hikaw na natatanging contact niya kay Agent Blue. Alam niyang kahit isa ito sa kanilang organisasyon na tutol sa mga padalos-dalos niyang desisyon ay narito pa rin ito at hindi makakatiis na tulungan siya. Kahit illegal ito sa kanilang organisasyon. Hindi niya dapat ito makakalimutan at baka maya-maya’y bigla siyang tawagan nito. Nakasuot rin siya ng contact lens na kayang makakita sa dilim. Kung sakali lang na magkaroon ng aberya sa pagtitipon at biglang mamatay ang lahat ng ilaw. Mainam na iyong handa ka lagi.
Syempre, hindi mawawala ang simpleng make-up at inosenteng awra ng isang Veron Stacey Santibañez. Napangiti siya nang sipatin ng tingin ang sarili sa salamin.
“You’re beautiful,” bigkas ni Veron sarili at malawak na ngumisi.
HABANG ABALA sa pag-aayos ng sarili ay narinig na ni Ynzo Abraham ang tinig ng ina mula sa labas ng silid.
“Ano ka ba naman, Ynzo. Ang tagal-tagal mo naman. Mahuhuli na tayo sa party, e!” sigaw ng ina sa labas.
“’Andiyan na po, Mom!” ganting sigaw niya at nakangiting lumabas ng sariling silid, “Si Mommy talaga ang apurado.”
“Ano’ng apurado ang pinagsasabi mo d’yan? Anong oras na, o! Mahuhuli na tayo!”
Dahil sa kapuputak ng ina ay napilitan na rin siyang sumunod sa mga ito at sumakay sa isang black limousine. Nakasuot siya ng itim na amerikana na ipinares niya sa american style neck tie, itim na slacks at sapatos. Maging ang ama ay nakasuot ng amerikana na angkop sa dadaluhang pagtitipon. Habang ang ina naman ay nakasuot ng gold long gown na bagay na bagay sa kaniya.
“Ikaw, Ynzo, ha. Siguradong maraming babae sa pagtitipong iyon. Bakit hindi ka maghanap ng maganda sa mga naroroon at asawahin mo na agad?” wala sa oras na suhestiyon ng ina.
“Mom, naman. Tingin n’yo po sa akin, atat na pong mag-asawa?” bigkas niya na ikinatigil ng ina.
“Aba’t loko kang bata, ah! Tingin mo ba’y bumabata ka pa? Mag-te-trenta ka na maya-maya pero wala ka pa ring ipinapakilala sa amin ng Daddy mo. Tingin mo ba’y makapapayag akong mawala sa mundo na hindi man lang nasisilayan ni anino ng magiging apo ko?” mahabang linyada ng kaniyang ina na ikinailing niya.
Ang totoo ay wala pa talaga siyang panahon sa gusto ng kaniyang ina. Marahil ay hindi pa niya natatagpuan ang babaeng tatali sa kaniyang leeg upang maisakal. Para sa kaniya, ang pag-aasawa ay hindi basta-basta. Kailangan ng mahabang panahon upang lubusang makilala ang babaeng makakasama mo habang-buhay.
“Aba’y kung ganiyang wala kang balak na mag-asawa mabuti pa sigurong huwag ka nang umasa pa sa iyong mamanahin. Mas mabuti pang ibigay iyon sa charity ng gobyerno para mapakinabangan naman.”
Nabigla si Ynzo sa sumunod na sinabi ng ina. Ano ba ang pinagsasabi nito? Hindi maaaring mapunta lamang sa charity ang kayamanang pinaghirapan ng pamilya. Nararapat lang iyon na mapunta sa kaniya.
Marahan niyang niyakap ang katabing ina. Nasa katapat na upuan lamang ang kaniyang ama at iiling-iling silang pinagmamasdan.
“Ano ka ba naman, Mommy. Sino ba ang may sabing hindi ako mag-aasawa?” paglalambing niya sa sariling ina.
“O, e bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring nobya na ipinapakilala?” nakangusong tanong ng ina.
“Because I want to surprise you, Mom,” aniya.
Bahagyang namilog ang mga mata ng ina. Kapagdaka’y pinaghahampas siya na ikinahiyaw niya.
“Walang hiya ka. Huwag mong sabihin na bakla kang lalaki ka!” sigaw ng kaniyang ina habang pinaghahampas siya.
Humihiyaw na iniwasan niya ang mga hampas ng ina at natatawang ikinulong ito sa sariling mga bisig upang matigil na sa paghampas.
“Syempre, lalaki po ako, Mom. Ano ka ba?” aniya na ikinatigil na nito. “I have a girlfriend at nasa States pa po kasi siya,” pagsisinungaling niya.
“Talaga? Hindi mo kami niloloko?” paniniguro nito.
“At bakit ko naman po kayo lolokohin?” pambobola niya.
“Pwes, gusto ko siyang makilala by next week. Pauwiin mo siya dito, Anak,” utos naman nito.
Bahagyang napakislot si Ynzo sa biglaang pag-uutos ng ina.
“But, Mom. She’s working abroad. Hindi ko siya puwedeng pauwiin na lang dito basta-basta,” pagdadahilan niya.
“Ah, walang basta-basta. Dapat mo siyang mapauwi rito para mapaniwala mo kami or else, hahanapin namin ang anak ng aming kumpare at kumare upang maipakasal sa iyo,” pananakot ng kaniyang ina.
Mula pa noon ay wala nang ibang bukambibig ang sariling ina kundi ang hanapin ang anak ng kumare at kumpare ng mga ito upang maipakasal sa kaniya. Siguro nga’y atat na ang mga ito na magkaapo lalo pa’t nag-iisang anak lang siya ng mga ito. Ayaw niya rin namang makilala ang anak ng kumare at kumpare ng mga magulang sa pag-aakalang mas pangit pa ito kaysa inaasahan. Wala siyang balak itali ang sarili sa taong hindi pa niya lubusang kilala. In fact, ang pag-ibig ay hindi kinakailangang madaliin. Kusa itong natututunan at nararamdaman.
“Sige na po. Sige na po. Pauuwiin ko na po siya rito at ipakikilala ko po sa inyo. Just give me time and more weeks para maihanda siya sa pagpapakilala sa inyo,” napipilitang usal niya na kaagad na ikinatuwa ng sariling ina.
“That’s my boy! A brave one!” hiyaw naman ng sariling ama. Sa wakas, nagsalita rin ito.
Bahagyang ginulo ng ama niya ang kaniyang buhok. Naging tabingi ang ngiting sumilay sa kaniyang mga labi habang nakatingin sa ina at ama na abot-tainga ang ngiti. Marahil ay excited na ang mga ito na makilala ang babaeng mapapangasawa niya.
Pero saan naman kaya siya makakakita ng babaeng ipapakilala sa mga magulang ngayon?
Kaagad na binuksan ni Veron Stacey ang koneksyon mula sa kaniyang pribadong telepono sa hearing device na suot-suot niya nang tumunog iyon.“Babe, where are you?” anang tinig-lalaki mula sa kabilang linya.“Sa bahay, Babe. I’m about to leave,” sagot niya habang sinusuot ang kulay itim at kumikinang na high heeled stilettoes. Kakaiba ang sandalyas na iyon na naglalabas ng kutsilyo sa oras na kailangan.Sinipat niya ng maigi ang sarili sa salamin.“You know what, Babe. I’m very very excited to see that demon,” bulong ni Veron habang nakapaskil sa labi ang isang malawak at matamis na ngiti. Ramdam niyang magtatagumpay na siya sa pagkakataong ito.Narinig niya ang isang malalim at m
Gigil na gigil si Veron Stacey sa galit dahil sa nabulilyaso niyang plano. Matagal niyang pinaghandaan na makuha at pahirapan ang kriminal na pumaslang sa sariling mga magulang ngunit hindi niya akalaing sa isang lalaking baliw lang masisira ang lahat. “Hey, cool down, Agent Stans. May susunod na pagkakataon pa naman,” pagpapakalma sa kaniya ni Agent Blue mula sa kabilang linya. Ramdam niya rin sa tinig ng kaniyang partner ang pagkadismaya dahil sa hindi pagtatagumpay ng kanilang mga plano. “I know, you’re disappointed, too. Matagal natin itong pinaghandaan, Agent Blue. Puwedeng-puwede kang mawalan ng trabaho oras mismo dahil sa pagli-link mo ng mga confidential information na dapat ay hindi mo ginagawa. Pero sa isang iglap lang ay mawawala na parang bula ang lahat ng pinaghirapan natin nang dahil lang sa siraulong ’yon!” Nanggagalaiti sa galit si Veron Stacey nang sabihin iyon. Kung hindi ba naman isa’t kalahating tanga ang lalaking iyon, sa dinami-rami ng n
Sana lang ay lubayan na si Veron Stacey ng kamalasan ngayon dahil ilang beses na rin silang nagkatagpo ng baliw na lalaking iyon at lahat ng plano nila’y pumalpak lahat. Ngayon nga ay naririto siya sa loob ng isang Chinese Restaurant at matamang sinusubaybayan ang taong sakay ng itim na sasakyan sa labas. Walang ibang laman ang mesang inookupahan niya kundi ang isang kopita ng wine na nilagyan niya ng pampatulog. Ayon kay Agent Blue ay paborito itong restaurant ng hayop na ’yon at isinisilbi rin dito ang pinakapaborito nitong wine na madalas nitong isadya sa naturang restaurant. Kung kaya’t tuwing lunes ay sa restaurant na ito ang lagi nitong destinasyon para lang matikman ang alak na bukod tanging sila lamang ang nagsisilbi. “Are you ready?” narinig ni Veron na tanong ni Agent Blue mula sa kabilang linya. “Aha!” tanging tugon niya na naintindihan naman ng kausap. Handang-handa na siya para sa planong ito. Natanaw na
Pinag-isipang mabuti ni Veron Stacey ang naging alok ni Ynzo Abraham. Pakakasalan niya ang lalaki kapalit ng pera at koneksyon na pinaka-kailangan niya upang makapaghiganti. Kung tutuusin ay magiging madali sa kaniya ang lahat kung may koneksyon at salapi siya upang mapalapit sa demonyong iyon. Lalo pa’t ang malamang malapit si Ynzo sa taong iyon ay tila ba abot-kamay na niya ang hustisyang ninanais. Ngunit papaano na ang lalaking minamahal niya ngayon? Ano na ang mangyayari sa kanila sa oras na magpakasal siya?Kaya naisipan niyang makipagkita kay Ynzo upang makausap ang binata hinggil sa desisyon niya. Madali lang makuha ang contact number nito, knowing Agent Blue ay expert na ito sa lahat ng bagay lalo na kung impormasyon ang hihingiin mo sa kaniya. He’s the best hacker and genius that she ever known.Kaagad na bumungad sa entrance ng isang restaurant ang lalaking may abot-taingang mga ngiti. Tila monggoloid na kanina pa pangiti-ngiti habang papalapit sa
LABIS ANG NARARAMDAMANG kaba ni Veron Stacey nang sabihin ni Ynzo na nais siyang makilala ng mga magulang nito. Nagsuot siya ng isang pormal na kulay asul na casual dress. Hanggang tuhod ang haba niyon at simple lang ang pagkakatabas. Pinaresan niya ng kulay puting sandalyas at puting shoulder bag. Hinayaan na rin niyang nakalugay ang mahaba at alon-along buhok. Naglagay lang siya ng kulay puti at asul na clip sa gilid ng buhok bago lumabas ng bahay. Bahagya siyang nagulat nang may bumusinang sasakyan sa tapat ng bahay niya. Isang kulay asul na kotse at sakay niyon ang lalaking hanggang ngayon ay baliw pa rin sa kaniyang paningin. Muntikan pa nga niyang makalimutan na binigay niya pala rito ang address ng kaniyang tinitirhang bahay. “Nice one, Hon. Para tayong nag-usap sa magiging suot natin, ah!” wika nito na ikinailing niya. Suot ni Ynzo ang isang kulay asul na long-sleeve polo at kulay puti ang panloob na white slacks ang pants. “I told Mom na ngay
Nang makababa ay mabilis na nakipag-beso-beso ang mag-asawa sa dalawa. “So, you’re Veron Stacey, right? My son's soon to be wife,” abot-tainga ang ngiti ni Mrs. Tolledo nang banggitin iyon. Alanganin ang nagawang pagtango ni Veron. Dapat na ba niyang sanayin ang sarili na maging Mrs.Tolledo imbes na Mrs. Florendo? Hindi niya lubos maisip na maiipit siya sa ganitong sitwasyon makamit lang ang hinahangad niyang hustisya. “Mom, my girlfriend feels tired. Please let us eat first,” bigkas ni Ynzo upang mailihis ang atensyon ng ina. “Ay, oo nga pala. The food is ready. Come here, hija. Feel at home. Huwag kang mahihiya.” Todo aliw na bigkas ng ina ni Ynzo. Hindi makapaniwala si Veron sa mga nakikitang pagkain na nakalatag sa h
Hindi makapaniwala sina Ynzo Abraham at Veron Stacey na maiisahan sila ng mga magulang ng binata. Ang buong akala nilang pagpapakilala pa lang at pormal na imbitasyon ay tila naging pamamanhikan na. Halos bukambibig ng mga magulang ni Ynzo ang araw ng kasal na pinlano at nais ng mga ito. Naglabas rin ng larawan si Mrs. Tolledo na kasama ang ina ni Veron noong kabataan pa nila patunay na totoo ngang mag-best friends ang mga magulang nila.“Ibang klase rin ang tadhana, ano? Sino ang mag-aakalang hindi pa tayo isinisilang e nakatadhana na ’agad tayo sa isa’t isa,” halos hindi makapaniwalang bulalas ni Ynzo, “Pero ’wag kang mag-alala, malabo rin namang magustuhan kita. I’m more than enough to be yours.”Bahagyang naitirik ni Veron ang mga mata. “Even me. Hinding-hindi ako magkakagusto sa childish na katula
THE MOST AWAITED moment has been perpended. Ang araw ng pag-iisang dibdib nina Ynzo Abraham Tolledo at Veron Stacey Santibañez. Marami ang dumalo at gustong masaksikan ang kapanapanabik na araw na iyon. Ang pinakamasaya sa araw na iyon ay ang mag-asawang Mr. at Mrs. Tolledo na mangiyak-ngiyak pa habang inaakay ang dalaga papunta sa harap ng altar. At dahil wala nang mga magulang na maghahatid sa dalaga ay silang mag-asawa na rin ang boluntaryong gumawa niyon dahil anak na rin daw ang turing nila kay Veron.Punong-puno ang buong paligid ng mga mamahaling bulaklak at mga bonggang dekorasyon na pawang angkop sa kasal. Kulay pink at blue ang naging color motif nila na napagdesisyunan ni Mrs. Tolledo. Iyon raw kasi ang paborito nilang kulay ng bestfriend na si Veronica na dapat raw nilang gamiting motif sa araw ng kasal ng kanilang mga anak.Veron Stacey is n
SERYOSONG TINITIGAN ni Ynzo si Veron sa mga mata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito. Kung pupuwede lang matunaw sa mga titig ni Ynzo ay baka kanina pa natunaw na parang ice cream ang babae sa paraan ng pagkakatitig nito.“Today, in front of those we love, I give you my heart...” panimula ni Ynzo.Sa harap ng lahat ng mga mahal nila sa buhay, sa harap ng kaniyang mga magulang, kaibigan at mga kakilala ay buong katapatan niyang iniaalay ang puso kay Veron mula sa araw na ito.“I give it without hesitation, sure that it will be bruised at times by the chaos of life but sure also that it will know joy...” Madamdaming pagpapatuloy ni Ynzo.Hindi siya sigurado sa magiging takbo ng panahon at siguradong uulanin sila ng tukso at mga pagsubok sa buhay ngunit sisiguruhin niyang liligaya ang babae sa piling niya.“I give it without expectation or cost, for that is the only way it can truly belong to another. I give it only with hope, only with love, and only with joy that from this day
HALOS PAGTALUNAN PA nina Ynzo at Veron kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Oo nga at ikinasal na sila noon ngunit iba pa rin ang sitwasyon nila ngayon. Tila balewala sa kanilang dalawa ang preparasyon para sa pag-iisang dibdib nila noon kumpara ngayong may damdamin na silang dalawa para sa isa’t isa. “I want a church wedding, Wifey. Iba pa rin ang may basbas tayo at pagpapala mula sa Poong Maykapal,” pagdesisyon ni Ynzo habang kausap ang asawa. Bahagyang umiling si Veron bilang tugon. “No. I won’t let that happened, Hubby. Church wedding na ang naganap nating kasal noon. Napaka-boring naman yata kung ganoon ulit ngayon. Iba talaga ang pakiramdam kung bago ang venue at dekorasyon ng buong paligid. I insists for a garden wedding,” pagtatapos na tugon ni Veron habang nakikipagtitigan kay Ynzo. Napabuntong-hininga naman ang lalaki habang kumakamot sa sariling ulo. “Wifey, let’s have a church wedding again. Mas maganda kung sa bahay ng Diyos tayo ikakasal para mas basbasan pa ang a
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ang sunod-subod na patak ng luha sa mga mata ni Veron nang makita si Ynzo sa sulok ng silid na biglang nagliwanag dahil sa kislap ng mga Christmas lights at iba’t ibang klase ng pampailaw. Kasunod ng pagpailanlang ng mabining tugtugin ay siya ring pagsaliw ng tinig ni Ynzo na ilang linggo niya ring kinapanabikang marinig. Naghalo-halo na sa puso ni Veron ngayon ang tuwa, saya, galit, inis at pagkagigil sa lalaking halos pasabugin ang puso niya sa labis na kaba. Hawak ang kulay puting rosas ay unti-unting lumapit si Ynzo sa kaniya. “Can you let me take away your tears? Can I see your smile always? Please let’s get together... Let our hearts stay forever...” Pag-awit ni Ynzo sa kaniyang harapan habang sinasabayan ang malamyos na tugtuging nagmumula sa isang violin. Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo nang pagsusuntukin siya ni Veron nang tuluyan itong makalapit sa babae. Natatawang sinalo ni Ynzo ang mga kamao niyang sumusuntok dito habang patuloy pa rin ang pagl
HALOS LUNURIN NG kaba ang puso ni Veron habang minamaneho ang sariling motorsiklo. Hindi siya makapaniwalang malalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Ynzo sa mga oras na ito ngunit base sa narinig mula sa ina ng lalaki ay mukhang kailangan na niyang maniwalang nasa bingit na nga kamatayan ang asawa. Nais mag-unahang tumulo ng mga luha niya gawa ng takot at kabang nararamdaman ngunit hindi dapat lalo na’t nagmamaneho pa siya ng motorsiklo. Kailangan niyang kumalma dahil baka imbes na makarating siya sa ospital ng matiwasay ay baka mauna pa siya kay Ynzo na magtungo sa kabilang buhay. “Ano ba kasing nangyayari, Ynzo? Akala ko ba ay ayos ka na? Si Skyler nga nagawang maka-recover kaagad, ikaw pa kaya?” himutok ni Veron habang nagmamaneho. Halos patayin na siya ng kabang lumulukob sa puso niya. Daig pa niya ang sinasakal dahil sa nadaramang takot. Takot na mawala ang taong pinakamamahal niya. Basta na lang iniwan ni Veron ang motorsiklo nang makarating siya sa tapat ng ospital. Mabuti
Ipinagpatuloy ni Veron ang pagbabasa sa iba pang pahina ng kwaderno ni Ynzo. May iilang doodle at drawings doon na ginuguhit nito. May ibang pahina na ginuhitan nito ng babaeng nag-eensayo sa parang at kagubatan. Lahat ng iyon ay guhit ng isang babaeng nakatalikod o hindi kaya ay nakatagilid. ‘Ilang buwan o taon na ba akong hindi nakapagsusulat dito? I thought everything will end up on a piece of paper. But mind you, notebook! I saw her right now! Iba man ang tindig niya sa suot niyang black suit, when I saw her eyes, alam kong siya ’yon! Nakasalubong ko lang siya habang papalabas ng Secret Agency at kahit na salubong ang kaniyang mga kilay at tila ba galit na galit, ramdam ng puso ko ang kakaibang kaba nang magtagpo ang paningin namin. But she doesn’t even recognized me. Ang sakit! Iyong tingin niya na para bang isa lang akong estranghero para sa kaniya...’ Napailing-iling si Veron nang mabasa iyon. Marahil ay ang tagpong iyon ay nang magsimula siyang magrebelde sa kanilang organis
“I know that a little doubt playing on your head right now, Anak... But let me give you this,” bigkas naman ni Ginang Tolledo. “And I hope time will come that you will forgive our son.” Dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak ni Ginang Tolledo at marahang iniabot sa kaniya iyon. Nang tingnan niya ang mag-asawa ay kababakasan ng luha ang mga mata ng mga ito. “Hindi ko dapat pinakailaman iyan sa mga gamit ni Ynzo pero alam kong makatutulong ang bagay na iyan upang mas malinawan ka. Hope that you will soon understand why our son did that things to you...” sunod-sunod na bigkas ng butihing Ginang. “Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat, Veron anak,” nakangiting bigkas ni Ginoong Tolledo. Muling dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak. Kumg titingnan ay may kalumaan na ang aklat na iyon ngunit halatang iningatan at inalagaan sa loob ng ilang taon. Kulay ginto at pilak ang pangunahing kulay ng pabalat ng kwadernong iyon. At nang buksan ni Veron ay k
NANINIWALA NA SI Veron na ang masamang damo ay matagal mamatay. Napatunayan niya iyon sa kalagayang natamo ni Mr. Thurn dahil nakikipaglaban pa rin ang katawan nito mula sa tadtad ng balang natamo mula sa sariling pamangkin. Hindi niya akalaing mabubuhay pa rin ang matanda sa kabila ng lahat ngunit ipinagpapasalamat pa rin iyon ni Veron dahil may pagkakataon siyang matunghayan kung paano nito pagbayaran ang mga kasalanan sa piitan kung sakaling gumaling na ito. Ang buong Gem Secret Agency Association ang nagpagamot sa tatlong importanteng tao na lubhang naapektuhan ng sagupaang naganap. Sina Mr. Thurn, Skyler at higit sa lahat ay si Ynzo. Buong akala ni Veron ay maayos na ang kalagayan ni Ynzo dahil dadalawang bala lang naman ang natanggap nito ngunit laking kaguluhan ng lahat nang mawalan ng malay tao ang kaniyang asawa habang dinadala ito sa ospital. Unang naisip niya ay umaarte lang ang lalaki ngunit napatunayan iyon nang maramdamang halos humina na ang pintig ng pulso nito nang
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ANG masaganang luha sa mga mata ni Veron. Hindi alam kung sino sa dalawang lalaki ang unang dadaluhan. Nang mapadako ang kaniyang paningin kay Mr. Thurn, tahimik na itong nakahiga sa lupa habang naliligo sa sarili nitong dugo. Nakapikit na rin maging ang mga mata nito. “W—Wifey...” Ang katagang iyon ay tila isa lamang ungol dahil sa hirap ng paghinga ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron ang asawa. “Go... T—Talk to h—him...” paanas nitong pakiusap. Lumatay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Veron ngunit ang mukha ni Ynzo ay nagpapakita ng pagiging determinado. Nais nitong kausapin niya si Skyler ngayon mismo. Ginawaran ni Veron ng marahang halik sa labi si Ynzo bago ito inilapag ng dahan-dahan sa lupang nalalatagan ng mga tuyong dahon at sanga ng mga punong-kahoy. “I’ll be right back, Hubby. Just hold on and don’t leave me,” mahigpit na bilin dito ni Veron. Tanging ngiti lamang ang naitugon ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron si Skyler na kagaya ni Mr. Th
“CAN YOU PLEASE slow down, Wifey?” malakas na pakiusap ni Ynzo kay Veron nang halos paliparin na nito ang pagpapaandar ng motorsiklo sa gitna ng kakahuyan. “I have no time to slow down, Ynzo! Makakalayo na ang mga hayop na ’yon!” ganting sigaw niya. Napakalapit lang naman nila sa isa’t isa at halos magkayakapan na nga ngunit nagagawa pa rin nilang magpalitan ng malakas na sigaw para mag-usap. Para kay Veron ay masyadong bingi si Ynzo kaya niya nagagawa ang bagay na iyon. “I hate you for being a spoiled brat and being a ‘headaches of all’,” turan ni Ynzo. “But still I don’t have a choice but to love you more.” Nagkasalubong naman ang mga kilay ni Veron nang dahil sa narinig. Sa gitna ng napakadelikadong sitwasyon, nagagawa pa rin nitong magpakawala ng ganoong klase ng salita. “Ano na naman ang ginawa ko?” Napailing pa siya habang kunot-noong nakatingin sa dinadaanan. “There! Iyang mga biglaang kilos mo! Hindi mo alam kung paano nahulog ang puso ko nang makita kitang nakatayo sa i