Share

My Vengeful Wife
My Vengeful Wife
Author: Blissy Lou

Prologue

Sa mahaba at paliko-likong kalsada ay walang takot niyang pinaharurot ang minamanyobrang chopper motorcycle. Halos paliparin na niya ang naturang sasakyan makarating lamang sa kaniyang patutunguhan—ang Gems Secret Agency Association.

“Calling the attention of Agent Veron Stacey Santibañez to please proceed to the agency right now,” anang pamilyar na tinig mula sa suot niyang hearing piece. 

“What’s the matter, Agent Blue?” nakakunot-noong bigkas ni Veron sa hidden mouthpiece na suot.

Naka-connect ang naturang aparato sa kaniyang magkabilang tainga na tila ear phone ngunit ang kaibahan lang niyon ay isa itong hikaw na hindi mo aakalaing secret device pala.

“I think the agency has a surprise for you. Guess what?” pahabol na biro ng nasa kabilang linya.

“I’m serious here. Kung wala naman iyang kinalaman sa ninanais kong hustisya, ’wag na lang. I’m busy tracking that demons place!” pigil ang inis niyang bigkas.

“Exactly! What if this is the moment that you’re waiting for?”

Natigilan si Veron dahil sa narinig. Bumundol ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Kakaibang kaba ang naramdaman niya nang marinig niya iyon. Kaba ng pagkasabik na malaman ang sagot mula sa nais niyang malaman.

“You mean, the devil is on my track?” Mahihiwagaan ang sinumang makaririnig ngunit isang siguradong buntong-hininga lamang mula sa kabilang linya ang naging tugon sa tanong niya.

Hindi misyon ang dahilan ng anunsyo ni Agent Blue kundi ang bagong impormasyong nasagap nito mula sa loob ng organisasyon. Ang totoo ay alam nito ang lihim niyang plano tungkol sa taong hinahanap niya. Katunayan niyan ay si Agent Blue ang tumutulong sa kaniya na makasagap ng impormasyon sa loob ng agency. He’s good at hacking and making weapons for spying. Ito ang nagsisilbing guardian angel niya habang isinasagawa ang lihim na misyon. At sa tingin ni Veron ay ito na ang pagkakataon upang makaharap niya ang taong iyon.

Matapos niyon ay mabilis na siyang umalis upang magtungo sa kanilang secret agency. Sabik na sabik na siyang makilala ang halimaw na iyon. Halos kilitiin ang buong sikmura niya ng pagkasabik na paulanan ng bala ang bungo ng taong iyon.

“Here I come, monsters!” halos ibulalas ni Veron at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.

“HELLO, AGENT Stans,” bati kay Veron ng mga kapuwa agent na nakakasalubong niya.

Bago pumasok sa may tatlumpung palapag na gusali ay ini-scan niya muna sa malaking pintuan ang sariling identification card. Matapos niyon ay muling ini-scan ang kaniyang buong katawan at tumigil ang pag-scan sa kaniyang mga mata. Nang maproseso at makilala ang kaniyang pagkakakilanlan ay malaya na siyang nakapasok sa loob. Mahigpit ang seguridad ng agency na iyon kaya walang ibang tao na basta-basta nakapapasok doon.

Nang makarating sa loob ay pumasok siya sa tablet shuttle. Isa iyong glass na tila isang elevator upang ihatid ka sa palapag ng gusali na pupuntahan mo. Automatic iyong aangat at dadalhin ka sa ‘mission room’ upang alamin kung ano ang pakay mo sa lugar na iyon.

Kusang bumukas ang pinto ng mission room na tila inaasahan na ang kaniyang pagdating. Naupo si Veron sa malaking black leather couch at prenteng naupo.

“Hi, Agent Stans. What can we do for you?” anang malaking speaker sa loob ng silid.

Biglang nag-flash ang malaking screen sa harapan niya at nakita roon ang mga nakaitim na kalalakihang may takip ang mga mukha. Nasa limang katao ang mga iyon at nakapaikot sa isang mesa. Tila ba may ginagawang pagpupulong ang mga ito na nagambala niya nang mga oras na iyon.

“I heard that the devil is here. How is he?” tila pilosopo niyang sagot.

“He’s fine, Agent Stans. Leave him alone right now. You don't know what kind of a person that devil is,” anang isa sa mga nakikita sa screen.

“I’m sorry not sorry. But I feel how devilish he is. A monster!” ganting-sagot ni Veron. 

Matigas ang ulo niya lalo na kung ang demonyong iyon ang pag-uusapan. Hindi niya mapigilan ang pagkulo ng dugo sa tuwing nakasasagap ng balita tungkol sa hayop na iyon. Even the whole secret agency organization knows how eager she is to send that devil to hell. Hindi siya maaaring magkamali dahil alam ng buong organisasyon kung sino ang taong hinahanap niya. Kilala ng mga taong ito ang taong iyon. At bakit tila pinipigilan siya ng mga ito na hanapin ang demonyong iyon? Dapat nga ay tulungan siya ng mga ito dahil minsan nang nanilbihan at naging kaibigan ng mga ito ang mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga ito. Hindi ba nila nais na makamit ang hustisya hinggil sa walang habas na kamatayan ng kaniyang mga magulang?

“Whatever it is, I will still look for that monster. My mission is to tear his head apart! Hindi niyo man sabihin sa akin ang impormasyon tungkol sa kaniya ay gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan upang mahanap siya. Even without your help.” Huling bigkas ni Veron at padabog na nilisan ang naturang opisina.

Kung kanina ay nanginginig siya sa pagkasabik, ngayon ay nanginginig siya sa pinipigilang galit. Bakit kailangang protektahan ng organisasyon ang taong iyon laban sa kaniya? Sadya bang ipinagkakait sa kaniya ang katarungan at katotohanan? 

Kuyom ang kamao na muli niyang binalikan ang sariling sasakyan—isang chopper motorcycle na higit na mas malaki kaysa ordinaryong motor. Mabilis itong imaneho at may espesyal na abilidad. Kayang lumipad ng motor na ito at literal kang dadalhin sa himpapawid na siyang ginagawa niya ngayon. May automatic parachute ring nakakabit sa kaniyang seatbelt kung sakaling magkaroon ng aberya sa ere.

Habang nasa himpapawid ay hindi na napigilan pa ni Veron na alalahanin ang nakaraan...

“So, you’re the sharp-shooter Veronica a.k.a Agent Nic. Napakagaling!” sigaw ng makisig na lalaking may hawak-hawak na laser gun at mariing nakatutok sa kaniyang ina.

Si Veron Stacey na bahagyang nakakubli sa loob ng maliit na cabinet ay pigil ang hininga at impit na sigaw upang hindi makalikha ng ingay. 

Gabi noon nang sugurin ng mga nakaitim na kalalakihan ang kanilang tahanan. Mabuti’t mabilis siyang nagising at nakapagtago sa loob ng closet bago pa man siya mahagilap ng mga ito. Hawak ng lalaking ito ang kaniyang ama at ina na kapuwa nahuli matapos makipaglaban sa mga ito ngunit ano nga ba ang silbi ng lakas at armas ng kaniyang mga magulang sa dami ng mga kalaban?

“Ano ba talaga ang kailangan mo?” mariing tanong ng kaniyang ama habang nakagapos sa isang upuan.

“Buhay ninyong mag-asawa. Iyon lang ang kailangan ko,” humahalakhak na sagot ng lalaki.

Halos mapasinghap ang batang si Veron ngunit kaagad niyang napigilan ng sariling kamay ang bibig. Mula sa loob ng closet ay aninag niya ang mga tao sa labas. Sa harap lamang niya nagaganap ang komosyong iyon at nasisilip niya ang mga kaganapang iyon.

Nakailang palitan pa ng mga salita ngunit sa huli ay pinaulanan pa rin ng mga ito ng bala ang katawan ng mga magulang niya. Sinisigurong malalagutan talaga ang mga ito ng hininga.

“Serves you right. Kayo ang tinik sa aking daan kaya dapat lang kayong alisin at sirain.” anas ng lalaki at naghubad ng suot na itim na jacket. “Napakainit naman sa bahay na ito.” Sinalo naman ng isang tauhan ang hinubad nitong jacket.

Nakasuot na ito ng sando na kulay itim at saktong pagtagilid nito ay nakita niya ang tattoo sa bandang braso nito. May nakatatak doong tinta ng isang ahas na may nakatusok na dalawang espada. Kakaiba ang tattoo na iyon dahil hindi iyon kulay itim kundi ginintuan. Tinandaan niyang mabuti ang bawat anggulo at disenyo ng tattoo na iyon.

“Paglaki ko, maghihiganti ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit ang hustisya.”

ISANG MALAKAS na tunog ng telepono ang bumungad sa kaniyang pandinig.

 Kinuha ng kung sinuman ang tumutunog na aparato.

“Yes?” anang may hawak ng telepono.

“You have an assignment,” ayon sa kabilang linya.

“What is it?” nakakunot-noo niyang tanong.

 “You should guard her,” sagot nito sa kaniya.

Alam niya kung sino ang tinutukoy nitong 'her.'

Ngumisi siya. “There’s nothing new.” 

“She's important to us, Mister. Please take care of her. Hindi ko maitatangging malakas at magaling siya ngunit sa pag-uugaling mayroon siya, siguradong makapagdedesisyon siya ng padalos-dalos. Walang laban ang lakas niya sa dahas ng taong nais niyang banggain. Hindi iyon basta-basta pader lang dahil ang taong hinahanap niya’y isang diablo,” mahabang habilin ng kaniyang kausap sa kabilang linya.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay ibinaba na niya ang telepono.

“Here we go again, the headaches of all,” bulong niya sa hangin.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Docky
ang gandaaaaaa
goodnovel comment avatar
reynagallos
Dito na ulit ako............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status