READ AT YOUR OWN RISK!!! MAFIA BOSS SERIES 2. Laxus King - Mr. King Dahil lumaki si Kiray ng hindi kagandahan, akala niya ay pagiging panget at kapos sa pera lang ang malaking problema na kahaharapin niya sa mundo ngunit mali siya. Mas mahirap pala magpanggap na ibang tao sa katauhan ng iba, lalo na kung pagiging soon to be wife ng isang MAFIA BOSS ang magiging papel niya. Matutunan kaya nilang mahalin ni Laxus King ang isa't isa? Matatanggap pa rin kaya siya nito kapag nalaman nito ang totoo tungkol sa kanyang pagkatao? O pipiliin siya nitong itaboy at saktan dahil isa siyang impostor?
Lihat lebih banyak(Saddie pov) Sa mansion na kami tumuloy pagkagaling namin sa hospital. Mas maaalagaan daw kasi ako ni Tita Kiray kapag nasa mansion ako, lalo na kapag nasa trabaho si Morgan. Nahihiya ako dahil hindi pa naman kami pormal na mag asawa ni Morgan pero hindi pumayag ang mga ito na tumanggi ako. Para daw sa kanila ay pamilya na nila ako kaya hindi na ako iba sa kanila. Manghang-mangha ako ng makapasok sa kwarto na pinagdalhan sa akin ni Morgan. Mas malaki ito sa kwarto ni Morgan, kumpleto sa kagamitan at malawak pa. “Ito na ang magiging kwarto ko?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Akala ko kasi ay sa iisang kwarto lang kami ni Morgan matutulog. Doon kasi ako natulog noon kaya inisip ko na walang kaso na ‘yon kina Tita. Pero dinala ako dito sa pinakadulong kwarto dito sa ground floor. Ito daw ang pinalamalaking kwarto dito sa bahay. Parang hindi nga ito guestroom kung titingnan dahil sobrang laki talaga. Yumakap si Morgan mula sa aking likuran. Napahagikhik ako ng halikan ako nito sa
(Saddie pov) Nagulat ako sa alok ni Morgan. “M-masyado naman yatang biglaan… makakapaghintay naman ako.” hindi naman sa ayaw ko pero ayoko ko siyang madaliin dahil lang buntis ako. Pero naputol ako sa oag iisip ng ganapin niya ang kamay ko. “Wag mong isipin na minamadali kita dahil sa bata, Saddie. Minamadali kita kasi mahal kita at ayoko ko ng pakawalan ka.” Ani nito na parang nababasa ang nasa isip ko. Nakangusong tumango ako at kapagkuway napangiti sa saya. Sino ba ako para tanggihan ang alok ni Morgan. Nakakadala rin kasi ang nangyari sa amin. Baka mamaya ay makawala pa ito sa amin ng anak namin. Mukhang pareho kami ng iniisip. Nakahinga ng maluwag sila mama at tita Kiray ng makitang nagkasundo na kami. Humawak ako sa tiyan ko. ‘Sorry, anak. Naging pabaya si mama. Muntik ka tuloy mawala sa amin ng daddy mo.’ Kausap ko rito. Mabuti nalang nagmana ang anak namin sa akin na matatag. Kung hindi ay baka wala na ito sa patong-patong na stress na pinagdaanan ko nitong nakaraan.
“My love, i’m sorry… i-i’m really sorry.” Gusto ko maging matatag dahil bukod sa akin ay mayro’ng ibang tao na naroon pero hindi ko napigilan at tuluyan ng nabasag ang tinig ko. Ang dami kong gustong sabihin pero tila nagbara ang lalamunan ko bigla. Gustong bumuhos ng emosyon ko bigla. Ang liit lang ng naging problema naming dalawa pero muntik na kaming nasira—at dahil iyon sa akin. Hindi ako naging matatag kagaya nito na siyang pinangako sa kanya na gagawin ko. “Ipinapangako ko sayo na babawi ako, Saddie. Babawi ako sa inyo ng anak natin. H-hindi na ako magiging mababaw at unang bibitaw…” makikinig na ako sa lahat ng sasabihin nito. Hindi na ako magpapadala sa galit ko para hindi ko na masaktan ito. Para akong bata na yumakap sa bewang nito. Naririnig ko si mommy na sumisinghot at ang mama ni Saddie sa tabi. Pareho na namang umiiyak ang dalawang matanda habang pinapanood ako. Samantalang si Kirk ay nakaalalay kay mommy. Madalas kasi na mawalan ng malay si mommy kapag naaalala si
(Morgan pov) Walang malay na binuhat ko si Saddie papasok ng sasakyan. Nagtangkang sumunod ang ama nito ngunit sumenyas ako kay Kirk na huwag itong hayaan na makalapit sa amin. I heard everything—batid ko na ngayon na nagsasabi ng totoo si Saddie. Damm! Ang tanga ko dahil nagpadala ako sa galit ko. Hindi ko man lang ito pinakinggan at hinayaan na lamunin ako ng galit ko. “Sa malapit na hospital tayo, Kirk!” “Alright!” Agad nitong pinaandar ang sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay hinaplos ko ang maputlang mukha ni Saddie pagkatapos kong balutin ng leather jacket kong suot ang bewang pababa sa hita nito. Napasabunot ako sa buhok ko. Sobra ang kaba ko dahil hindi ko alam kung bakit dinudugo si Saddie. Clueless ako kung ano ba ang kondisyon nito dahil wala naman akong nalaman sa hospital na pinanggalingan namin. Nagpaimbestiga ako kay Kirk noong pumutok ang balita at nalaman ko na sa stepmother pala ni Saddie galing ang balita tungkol rito. Sinabi ito ni Kirk sa akin kanina ng
(Saddie pov) Walang patid sa pagtulo ang luha ko habang lulan ng taxi papunta kina papa. Ang sama ng loob ko kay Morgan. Hindi man lang ako nito hinintay na magpaliwanag at sapilitan ako na ginamit kahit na may sakit ako. Humawak ako sa tiyan ko. Ang sabi ng doktor ay buntis ako. Kailangan ko daw magpahinga dahil mahina ang kapit ng baby namin ni Morgan. Kaya ng malaman ko iyon ay umalis ako ng hospital para protektahan ang pinagbubuntis ko. Natatakot kasi ako sa pwedeng gawin sa akin ni Morgan. Paano kung maglasing ulit ito at galawin ulit ako ng walang ingat. Paano na kami ng baby ko? “S-sorry, baby ha… hindi naman masama ang daddy mo. Nasaktan kasi siya ni mommy kaya siya gano’n.” Kasalanan ko naman talaga ‘yon. Pero sa ngayon ay iisipin ko muna ang anak namin. Ayoko kasi na mawala ito dahil sa magulo naming relasyon. Kaya nagsinungaling din ako sa doktor dahil ayokong sabihin nito kay Morgan ang kalagayan ko. Ayokong malaman nito na buntis ako. Saka na kapag nagkaayos na kaming
(Morgan pov) “Damn” hindi mabilang kung ilang beses akong napamura ng umalis si Saddie. Hindi ako nakatiis at hinabol ito pero nakasakay na ito ng taxi. Naglaro sa isip ko ang litrato nilang dalawa ni Navy ng magkasama. Muli na namang nabuhay ang panibugho at galit ko. “Sigurado ka ba na hindi ka aalis ngayon, Morgan?” Tanong ni mommy ng makita ako nito sa studyroom. “Yes.” Maikli kong tugon. “Mumu, hindi sagot ang pagmumukmok. Kung gusto mong ayusin ang relasyon niyo ni Saddie ay pag usapan niyo ito. Sige lalabas na ako, iiwan ko nalang ang meryenda mo dito.” nilapag nito ang tray na dala sa glass table bago lumabas. Kinuha ko ang cellphone konat tinawagan si Jerome. “Turn down that site about Saddie asap! Idemanda mo rin ang mga nagkalat ng maling balita tungkol sa kanya!” “Yes, Sir!” Galit ako sa nakita at paglilihim nito pero hindi ko maiwasan na mag alala para dito. Tangna. Masyado ko itong mahal para hayaan na pagpiyestahan online. “Sir, nasa loob si ma’am Flory naghih
“Naku huwag na po, nakakahiya. Saka hindi naman po ako nagugutom.” Magalang na tanggi ko sa matanda. Pinilit pa ako nito pero sumuko din sa huli. Umupo ako sa sofa malapit sa desk ng secretary ni Morgan at naghintay. Nang bumukas ang pintuan ay tumayo ako para salubungin ang nobyo ko pero laking gulat ko ng si Flory ang makita ko. Oo wala namang masama na makita ito. Baka kasi dumalaw lang o may pinag usapan sila na ilang mahalagang bagay… Pero ang makita na may bakas ng lipstick si Morgan sa gilid ng labi ay ibang usapan. Nag flyng kiss pa ang babae bago umalis ng may nang aasar na ngiti sa labi. Pumasok si Morgan sa opisina ng walang kibo. Nag atubili ako na sumunod pero sa huli ay sumunod ako. Kailangan kasi talaga naming mag usap. Hindi pwede na hindi kami magkalinawan. Pero kahit anong gawin ko na pagpapanggap na okay lang ako ay hindi ko magawa. Nagseselos talaga ako at nakakaisip ng hindi maganda. “M-mukhang may dumi ka pa sa gilid ng labi.” Lumapit ako dito at pina
Napasinghap ang lahat ng buhatin ako nito. Nakita ko ang ilan sa mga fans nito na nagalit at nanlilisik ang mata habang nakatingin sa akin. Hindi daw ako ng mga ito mapapatawad sa panglalandi sa idol nila at sa fiancee nitong si Flory. Yumakap ako sa leeg ni Morgan habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Wala akong tigil sa pag iyak habang karga nito. Bukod kasi sa masakit ang ulo ko ay naiiyak ako sa tuwa na binalikan ako nito. Pagdating sa loob ng sasakyan ay tahimik itong naupo. Buong biyahe ay hindi ito kumikibo kaya’t nag alala na naman ako. “Mumu…” iniwasan nito ang kamay ko. Nasaktan ako pero naiintindihan ko ito. “Y-yung nakita mo, hindi ‘yon totoo… maniwala ka sa akin.” “You’re naked with him… alone in that room. Why, Saddie? Mahal mo pa ba siya?” Umiiyak na umiling ako. “Ikaw ang mahal ko… maniwala ka. Hindi ko lang sinabi sayo dahil ayokong mawala ka—“ “So you knew about it?!” Napalundag ako ng malakas na suntukin nito ang bintana ng sasakyan, maging ang drive
(Saddie pov) Pagdating sa mansion ay nagtataka na nagtanong ako sa kasambahay. Wala kasi akong nadatnan, wala sila Morgan kahit sila Tita Kiray. “Naku ma’am, nasa hospital sila ngayon. Inatake na naman kasi si Ma’am Julianan!” “Po?!” Hindi na ako nagtaxi papunta ng hospital, nagpahatid na ako sa driver nila Morgan. Pagdating namin sa hospital ay agad ako na bumaba ng sasakyan, hindi ko na pinansin ang pagriring ng cellphone sa loob ng bag ko. Nag aalala na kasi ako kina lola Juliana. Habang naglalakad ako ay napapansin ko ang pagtingin sa akin ng mga taong nadaraanan ko, mahinang nagbubulungan pa ang mga ito kaya nagtaka ako. Hindi ko naman sila kilala pero pakiramdam ko ay pinag uusapan nila ako. Pagdating sa tapat ng ER sa VIP floor ay naabutan ko sila Tita Kiray at ang asawa nito, pero wala ro’n si Morgan. Lalapitan ko sana ito para kamustahin ng tumunog na naman ang cellphone ko. Nahihiyang dinukot ko ito para patayin dahil umalingawngaw ang malakas na ringtone nito sa bu
(Laxus king)Abala ako sa pag-aayos ng aking kurbata ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking opisina. Tumango ako sa kanang kamay kong si Jigs para buksan ang pinto. Nang makita ako nitong tumango ay lumapit ito sa pintuan para papasukin ang kumakatok. Nang makapasok ang nasa labas ay sumalubong rito ang malamig kong tingin. Magalang na bumati ‘to sa akin, habang nakatungo ang ulo na upang hindi ako masalubong ang aking tingin. Natural na sa akin ang pagkakaroon ng malamig na personalidad. Ayon nga sa iba ay may dinudulot ako na kakaibang awra. Ito daw ay nakakakilabot at nakakatakot… isa daw iyon sa dahilan kaya kahit sino ay pinapangilagan ako. Pero batid kong isa sa dahilan ng pag-iwas nila sa akin ay dahil sa pamilyang pinagmulan ko. “Nahanap na ba siya?” Tanong ko agad. “M-Mr. King, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya natatagpuan. P-pero ginagawa na namin ang lahat ng makakaya namin para matunton siya sa lalong madaling panahon.” Takot na sagot nito sa akin. ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen