Share

3.

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2024-12-20 02:26:30

“Mariz, please isama mo naman ako. Pangako hindi ko ipapakita ang mukha ko.” Pamimilit ko sa kaibigan ko. Isang cleaner si Mariz sa isang Cleaning Service Company. Sa biyernes kasi ay kasama ito sa mga cleaners na maglilinis ng buong bahay ni mayor para sa gaganapin na banquet sa Villa nito. Magkakaroon daw kasi ng malaking announcement si mayor.

Gusto kong sumama para masilayan ang mukha ni mayor. Baka kasi abutin na naman ng ilang buwan bago ko ito makita. “Gusto kitang isama, Kiray. Pero hindi pwede. Alam mo naman na masungit ang amo ko at mahigpit pagdating sa trabaho. Baka matanggal ako sa trabaho kapag nalaman niya na nagsama ako ng iba. Mabuti na yung nag-iingat tayo. Saka makikita mo naman si mayor sa plaza sa pasko. Tiyak na magbibigay na naman siya ng pamasko sa lahat…”

Nanghinayang ako. Akala ko ay makikita ko na ulit si mayor. Ayoko naman na matanggal si Mariz sa trabaho kaya hindi na ako nagpumilit pa.

Pagdating sa palengke ay naroon na ang mga banyera ng isda na ititinda ko. Ang pagtitinda sa palengke ang ikinabubuhay namin ng lola ko. Malaki sana ang kita namin dito pero dahil sa utang na iniwan ng magulang ko ay hindi kami umaasenso.

“Nasaan na ang hulog mo?” Tanong ni Brando, ang naniningil sa amin ni lola araw-araw noong nabubuhay pa ito. Ang sabi nila kapag patay na daw ang tao ay kasamang namamatay niyon ang mga utang nito. Pero hindi namin magawa na hindi sila bayaran dahil binabantaan nila ang buhay namin ni lola. Kaya wala kaming magawa kundi ang bayaran sila. Malaki daw ang utang ni tatay. At lahat ng iyon ay pinatalo lang nito sa sugal, at ganun din ang nanay ko. Kaya nga namatay nalang ang lola ko na may sama ng loob sa kanila. Masama din ang loob ko sa kanila… pero wala na akong magagawa kundi saluhin ang iniwan nila.

Inabutan ko ito ng limang libo, pagkatapos nito matanggap ang pera ay mayabang itong nagsalita. “Mas madali kang kausap kaysa sa lola mo. Magpasalamat kang panget ka at mabait ang boss ko, kung hindi ay baka sumunod ka na sa lola mo sa liit ng binabayad mo sa amin!”

Sumisipol pa na umalis si Brando… lumapit si Mariz sa akin at inis na bumulong. “Ang yabang talaga ng lalaking iyon… kung maka-panget siya sa’yo ay wagas… eh panget din naman siya.”

“Hayaan mo na… ang mahalaga ay ligtas ako mula sa kanila.” Sagot ko rito.

“Iyon na nga… ligtas ka nga pero magbabayad ka naman sa kanila hanggang sa pagtanda. Ang iresponsable naman kasi ng magulang mo. Pagkatapos ng ginawa sayo ay nag-iwan pa ng mga utang!” Nang makita niya ang paglungkot ang aking mukha ay humingi ito ng pasensya. “Naku, pasensya ka na, Kiray… nadala lang ako ng inis ko.” Sabi nito.

“Wala iyon. Sanay na ako…” ani ko sabay talikod sa kanya. Ayaw ko kasi na pag-usapan ang mga magulang ko.

Gabi na, habang nagliligpit ako at naghahandang umuwi ay narinig ko ang boses ni Rayana. “Kiray!“ Tawag nito sa akin. Pinunas ko ang kamay ko sa apron na suot ko. “May nakita akong bagong bukas na restaurant di’yan sa bayan. Tara, kain tayo.” Yaya nito sa akin. Isang buwan na kaming magkaibigan ni Rayana. Mabuti ito sa akin katulad ni Mariz kaya nagkasundo kaming dalawa.

“Nakakahiya naman sayo, Rayana… palagi mo nalang kami nililibre. Hayaan mo kapag nakaluwag-luwag ay ako naman ang manlilibre sa inyo.” Inuuna ko ang magtabi ng pambayad sa aming utang kaya hindi ko sila malibre ni Mariz. Kapag naluwag-luwag ako ay nangangako namam ako na babawi.

Pagdating namin sa restaurant ay namangha kami ni Mariz. Halatang mamahalin ang restaurant na pinagdalhan sa amin ni Rayana. Mabuti nalang at may baon akong scarf para itago ang aking mukha, baka kasi mawalan ng gana ang mga kumakain dito kapag nakita ang aking mukha.

Habang hinihintay ang order namin, napansin namin na may suot si Rayana na magandang singsing. Nang makita nito na nakatingin kami ay kinikilig na tinaas nito ang kamay upang ipakita sa amin ang kanyang singsing.

Engagement ring pala ito ni Rayana at ng fiancee niya. Plano na daw nito magpakasal at invited daw kaming dalawa ni Mariz.

Habang nagkukwento si Rayana ay halatang napakasaya niya, kitang-kita namin iyon sa kislap ng mata. Bigla tuloy ako nakaramdam ng inggit. Sana maranasan ko dib na magmahal at mahalin. May lalaki kaya na nakatadhana sa akin katulad ng sinabi ni lola?

Naku mukhang malabo. Sa panget kong ito ay hindi na dapat ako umasa. Malungkot na putol ko sa isip ko.

“A-ano ang ginagawa niya dito…” gulat at takot na bulalas ni Rayana ng makita ang ilang kalalakihan na papasok palang sa entrance ng restaurant. Biglang tumayo si Rayana at nagmamadaling tumakbo at iniwan kami. Nagkatinginan kami ni Mariz, nagkahinala kami na hinahanap ng mga ito si Rayana kaya ito umalis. Mukhang desidido ang mga lalaki na mahanap si Rayana kasi kahit ilalim ng mesa ay sinisilip nila.

Tinanggal ko ang scarf ko para ma-distract ko sila at hindi nila mapansin si Rayana na tumatakbo papunta sa kabilang exit ng resto. Pero imbes na sila ang ma-distract, ako itong napatulala ng humarap sa akin ang isang matangkad na lalaki.

Makapagil-hininga ang kakisigan nito. Mas matangkad pa ito kay mayor na nasa 5’9 lang, ito ay nasa 6’2 ang taas.

Pumasada ang aking mata sa kabuohan ng gwapo nitong mukha. Bagay na bagay rito ang prominante nitong panga, makapal na kilay, matangos na ilong at katamtaman na nipis na labi.

Para itong mga Mexican actor na napapanood ko sa telebisyon no’ng bata pa ako. Matapang ang features ng mukha nito. Semi-kalbo ang gupit at may guhit pa sa kilay na halatang pinasadya. Napa-astig ng dating ng lalaki… makalaglag panga ang kagwapuhan nito.

Bumaba ang aking mata sa kanyang katawan. Napalunok ako ng laway… mas gwapo at mas maganda ang katawan nito sa mga lalaki na nakikita ko sa mga mens magazine na collection ko. Maskulado at halos pumutok ang muscles nito na tila gustong kumawala sa fitted v-neck nitong suot. Nang bumaba ang mata ko sa pagitan ng hita nito ay muli akong napalunok. Kung hindi pa ako malakas na sinipa ni Mariz ay hindi ako matatauhan at mananatiling nakatingin sa malaking umbok sa pagitan ng hita nito.

Binantaan ako ni Mariz sa pamamagitan ng tingin. Kaya umayos ako ng upo at tumingala sa lalaki. Nang magtama ang aming mata ay natulala na naman ako… para akong hinipnotismo at tanging kami lang dalawa ang tao sa mundo… ngayon lang kasi ako nakakita ng ganito kakisig na lalaki na mayrong asul na kulay ng mata. Sigurado ako na hindi ito purong dugong pinoy.

Napalunok ako ng laway ng makita kung gaano kalamig ang tingin nito. Makapanindig balahibo ang dulot ng tingin nito. Misteryoso at mukhang delikado.

Malayong-malayo ang awra nito kay mayor na mukhang mabait at palakaibigan.

Tumayo ako at ngumiti ng matamis rito. Gusto ko sanang kausapin ito pero hindi niya ako pinansin. Nilagpasan lang ako nito na parang hangin.

Hmp… tama nga ang hula ko, mukhang masama ang ugali nito. Sayang… ang gwapo pa naman sana nito. Isip-isip ko habang nakasunod ang aking tingin dito.

Pagkaalis ng lalaki at ng mga kasama nito, mayamaya ay bumalik si Rayana. Halatang kabado pa rin ito“Sino sila?” Usisa ko agad rito ng makabalik ito.

“Tauhan sila ng fiancee ko.“ sagot nito.

Kung tauhan ito nang fiancee ni Rayana, bakit mukhang tinatakasan nito ang mga lalaking iyon… Nagtaka ako sa sagot niya sa akin pero hindi na ako nag-usisa pa, halata kasi na ayaw niyang pag-usapan namin ang tungkol rito. Pagkatapos namin kumain ay umuwi agad kami…

******

(Kiray pov) Biyernes na. Alas sais palang ng umaga ng biglang may kumatok. Mamaya pa ako magtitinda ng alas 10 ng umaga kaya imposible naman si Mariz ito. Saka may pasok ito ngayon.

Kumunot ang noo ko ng mapagbuksan ko si Aling Marites, ang nanay ni Mariz. “Aling Marites, bakit ho?” Tanong ko rito. Noon pa man ay hindi ako nito gusto, kaya nakapagtataka na kumatok ito ng ganito kaaga ngayon.

“Mataas ang lagnat ni Mariz ngayon, ang sabi niya ay sunduin kita dahil kailangan niya ng kapalit sa trabaho. Kung may iba lang akong mapipili ay hindi ikaw ang ipapalit ko sa kanya hmp!” Umismid pa na sabi nito. “Dapat ay nasa kanto ka ng mga alas 7 kaya gumayak ka na. Ayusin mo ang trabaho mo at wag mong ipapahiya ang anak ko!”

Hindi daw makakapasok si Mariz kaya ako muna ang papalit dito. Natuwa ako dahil ibig sabihin ay makikita ko si mayor. “Wag kang mag-alala, aling Marites, pangako gagalingan ko sa trabaho!“

Nagsuot ako ng bonnet at binalot ang mukha ko ng scar para hindi makita ang mukha ko… habang naghihintay sa kanto ay hindi mabura ang ngiti sa labi ko.

Kaugnay na kabanata

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   4.

    Napapantastikuhang nakatingin sa akin ang lahat ng mga katrabaho ni Mariz. “Mainit ang panahon ngayon. Bakit naka-bonnet ka? Hindi ka ba naiinitan?” Tanong sa akin ng isang may edad na babae. Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan at tinatahak ang daan patungo sa Villa ni mayor. Alam kong nagtataka sila kung bakit hindi ko tinatanggal ang bonnet na aking suot simula kanina ng sumakay ako. “Hindi po sanay na ako,” pagsisinungaling ko. Baka kasi magbago ang isip nila na isama ako kapag nakita nila ang aking mukha. Pagdating sa tapat ng Villa ni Mayor ay hindi ako mapakali. Sabik na sabik na akong makita siya. Pagbaba namin ng sasakyan ay pumila muna kaming lahat. Bale tatlong van kami na maglilinis ng buong Villa. Nasa mahigit bente katao kami. Malawak at malaki kasi ang Villa kaya kailangan talaga na marami kami. Lahat kami ay kinapkapan. Nang makita ng nag-iinspekyon na nakasuot ako ng bonnet ay pinaalis ito sa akin, kaya kahit ayaw ko ay wala akong nagawa. Silang lahat ay

    Huling Na-update : 2024-12-20
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   5.

    (Kiray pov) Takot man ay umalis ako ng bahay. Dumaan ako sa sekretong labasan ko sa may banyo. Dumadaan ako dito kapag madaling araw at gabi dahil sumisilip ako sa mga binatang naliligo sa may poso sa kanto. Habang tumatakbo ng nakatalukbong ng aking mukha ay nagdarasal ako na sana ay hindi nila ako makita. Tanghaling tapat naman kaya wala masyadong tao sa labas. Kung magpapagabi kasi ako ay papasukin na ako sa bahay. Ayokong mahuli nila ako dahil alam ko na ang plano nila sa akin. Kinabahan ako ng may humintong kotse sa aking harapan. Handa na sana akong tumakbo dahil akala ko mga pulis o tauhan ito ng pumatay kay Mayor pero nakita ko si Rayana. “Kiray, halika na bilisan mo!” Tawag nito sa akin. Nagmamadali akong tumakbo at sumakay sa kotse nito. Umiiyak na nagpasalamat ako ng makasakay ako. “S-salamat, Rayana. Mabuti nalang at dumating ka,” sabi ko sabay iyak at yakap sa kanya. “Please umalis na tayo dito, baka kasi maabutan nila tayo…” alam kong nasa paligid lang sila kaya na

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   6.

    (Kiray pov) Nang magmulat ako ng mga mata ay tumambad sa akin ang puting kisame ng kwartong kinaroroonan ko. Nakarinig din ako ng tunog ng aparato sa bandang uluhan ko. Sigurado ako na nasa hospital ako. Kung gano’n, ibig sabihin ay buhay pa ako! Agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Akala ko ay mamamatay na ako sa pagsabog na ‘yon at tuluyan ng magpapaalam sa mundo. Kaya ang swerte ko dahil nagising pa ako. Naalala ko si Rayana. Bumangon ako pero laking gulat ko ng hindi ko makuhang igalaw ang katawan ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa aking buong katawan ng subukan ko muling gumalaw… hanggang sa ang kirot ay nauwi sa nakakamatay na sakit. “Tu-tu…long…” kahit ang boses ko ay paos at walang lakas, halos hindi ako makapagsalita. Saka ko lang napansin ang na ang tanging bibig at mata ko lang ang nagagalaw ko, nakabalot ng benda ang aking buong katawan. Para akong suman, nakabalot ako at hindi makagalaw.

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   7.

    Naapektuhan yata ang tenga ko sa pagsabog kaya nabibingi na ako at kung ano-ano na ang naririnig ko. “Iha, kung gusto mong bumawi sa anak ko, tulungan mo ako at magpanggap kang siya.” “Magpanggap? Hindi ko ho kayo maintindihan,” naguguluhan ako. “H-hindi kita gustong sisihan, iha.” Tumulo ang luha nito. “Pe-Pero dahil sayo nawala si Rayana… dahil sayo nawalan ako ng anak. I-ikaw ang may kasalanan kaya nawalan ako ng anak… ikaw.” Puno ng sakit at pagdadalamhating paninisi nito. Tumulo ang luha ko. Tama ito, ako ang dahilan kaya namatay si Rayana. Wala nang dapat sisihin kundi ako. “P-patawad po… patawad po…” kasalanan ko nga. Kung hindi dahil sa akin ay kasama pa sana nito si Rayana. “Hindi ko kailangan ng sorry mo, iha. Ang kailangan ko ay tulong… at magagawa mo lang iyon kung magpapanggap kang anak ko.”

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   8.

    (Kiray pov) Abot hanggang langit ang kaba ko. Ngayong araw ang schedule ng operation ko. Nandito kami ngayon sa Thailand para gawin ang procedure ng operation ng aking mukha. Marami kasi ang magagaling na doktor sa bansang ito pagdating sa cosmetic surgery. “Kaya ko ‘to…para kay mayor, kay Rayana at para sa sarili ko… kakayanin ko.” Pagpapalakas ko sa aking loob. Sinabi kasi sa akin kanina ng doktor na sa kabila ng anestisya ay makakaramdam pa rin ako ng matinding sakit. Sa tindi daw kasi ng mga pilat ko sa katawan at sa aking mukha ay kakailangan ng mahaba at matagal-tagal na operasyon. Tinanong ako ng doktor sa english kung handa na ba ako. “Y-Yes, Doc… I’m ready…” kinakabahan na sagot ko dito. Wala nang atrasan ito. Pagkatapos nito ay tuluyan ng magbabago ang buhay ko. Bago simulan ang operasyon sa akin ay taimtim akong nagdasal. Na sana ay successful ang patong-patong na operasyon sa akin. ****** (Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng marinig ang ulat ni Jigs. “ Di

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   1.

    (Laxus king)Abala ako sa pag-aayos ng aking kurbata ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking opisina. Tumango ako kay Jigs para buksan ang pinto, ito ang aking assistant, o kanang kamay. Ito ang pinaka pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng ginagawa ko. Nang makita ako nitong tumango ay lumapit ito sa pintuan para papasukin ang kumakatok. Nang makapasok ang nasa labas ay sumalubong rito ang malamig kong tingin. Yumuko naman ito at magalang na bumati sa akin. “Nahanap na ba ninyo siya?” Tanong ko rito habang matiim akong nakatingin sa kanya. Hindi ito tumingin sa akin at mas lalong yumuko pa. Para itong natatakot na tumama ang aking tingin rito. Natural na sa akin ang pagkakaroon ng malamig na personalidad. Ayon nga sa iba ay may dinudulot ako na kakaibang awra. Ito daw ay nakakakilabot at nakakatakot… isa daw iyon sa dahilan kaya kahit sino ay pinapangilagan ako. Pero ako batid kong isa sa dahilan ng mga pag-iwas nila sa akin ay dahil sa pamilyang pinagmulan ko. Dahil isa akon

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   2.

    (Kiray pov) “Magkano po ito?” Tanong ko sa ale habang hawak ang isang pulang bestida. Iniwan ko muna ang mga paninda ko para bumili. Nadaanan ko kasi at nakita kanina ang bestidang ito. Naagaw nito ang aking pansin. “Naku hindi bagay ang bestidang ito sayo. Hindi ka naman maganda. At saka wag mo itong hawakan at baka malasin ako!” Tahasang sabi ng matandang tindera sabay tabig sa aking kamay. Sanay na ako sa panghahamak sa akin simula ng bata pa ako. Hindi kasi kaaya-aya ang aking itsura. Kapag nakatingin ako sa salamin ay pinandidirihan ko din ang mukha ko. Kahit sino ay hindi kayang tingnan ang aking mukha ng matagal dahil sa nakakadiri nitong itsura. Pagkauwi ay hinaplos ko ang aking mukha sa tapat sa salamin. Sa tuwing nalalait kasi ako ay tumitingin ako sa salamin. Pinapaalala ko sa aking sarili na wala akong dapat ikagalit dahil totoo naman ang mga sinasabi nila sa akin. Mula sa noo ko pababa hanggang sa leeg ay lapnos ang aking balat. Kahit ang mata ko ay halos hindi na m

    Huling Na-update : 2024-12-20

Pinakabagong kabanata

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   3.

    “Mariz, please isama mo naman ako. Pangako hindi ko ipapakita ang mukha ko.” Pamimilit ko sa kaibigan ko. Isang cleaner si Mariz sa isang Cleaning Service Company. Sa biyernes kasi ay kasama ito sa mga cleaners na maglilinis ng buong bahay ni mayor para sa gaganapin na banquet sa Villa nito. Magkakaroon daw kasi ng malaking announcement si mayor. Gusto kong sumama para masilayan ang mukha ni mayor. Baka kasi abutin na naman ng ilang buwan bago ko ito makita. “Gusto kitang isama, Kiray. Pero hindi pwede. Alam mo naman na masungit ang amo ko at mahigpit pagdating sa trabaho. Baka matanggal ako sa trabaho kapag nalaman niya na nagsama ako ng iba. Mabuti na yung nag-iingat tayo. Saka makikita mo naman si mayor sa plaza sa pasko. Tiyak na magbibigay na naman siya ng pamasko sa lahat…” Nanghinayang ako. Akala ko ay makikita ko na ulit si mayor. Ayoko naman na matanggal si Mariz sa trabaho kaya hindi na ako nagpumilit pa. Pagdating sa palengke ay naroon na ang mga banyera ng isda na i

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   2.

    (Kiray pov) “Magkano po ito?” Tanong ko sa ale habang hawak ang isang pulang bestida. Iniwan ko muna ang mga paninda ko para bumili. Nadaanan ko kasi at nakita kanina ang bestidang ito. Naagaw nito ang aking pansin. “Naku hindi bagay ang bestidang ito sayo. Hindi ka naman maganda. At saka wag mo itong hawakan at baka malasin ako!” Tahasang sabi ng matandang tindera sabay tabig sa aking kamay. Sanay na ako sa panghahamak sa akin simula ng bata pa ako. Hindi kasi kaaya-aya ang aking itsura. Kapag nakatingin ako sa salamin ay pinandidirihan ko din ang mukha ko. Kahit sino ay hindi kayang tingnan ang aking mukha ng matagal dahil sa nakakadiri nitong itsura. Pagkauwi ay hinaplos ko ang aking mukha sa tapat sa salamin. Sa tuwing nalalait kasi ako ay tumitingin ako sa salamin. Pinapaalala ko sa aking sarili na wala akong dapat ikagalit dahil totoo naman ang mga sinasabi nila sa akin. Mula sa noo ko pababa hanggang sa leeg ay lapnos ang aking balat. Kahit ang mata ko ay halos hindi na m

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   1.

    (Laxus king)Abala ako sa pag-aayos ng aking kurbata ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking opisina. Tumango ako kay Jigs para buksan ang pinto, ito ang aking assistant, o kanang kamay. Ito ang pinaka pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng ginagawa ko. Nang makita ako nitong tumango ay lumapit ito sa pintuan para papasukin ang kumakatok. Nang makapasok ang nasa labas ay sumalubong rito ang malamig kong tingin. Yumuko naman ito at magalang na bumati sa akin. “Nahanap na ba ninyo siya?” Tanong ko rito habang matiim akong nakatingin sa kanya. Hindi ito tumingin sa akin at mas lalong yumuko pa. Para itong natatakot na tumama ang aking tingin rito. Natural na sa akin ang pagkakaroon ng malamig na personalidad. Ayon nga sa iba ay may dinudulot ako na kakaibang awra. Ito daw ay nakakakilabot at nakakatakot… isa daw iyon sa dahilan kaya kahit sino ay pinapangilagan ako. Pero ako batid kong isa sa dahilan ng mga pag-iwas nila sa akin ay dahil sa pamilyang pinagmulan ko. Dahil isa akon

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status