(Kiray pov) Takot man ay umalis ako ng bahay. Dumaan ako sa sekretong labasan ko sa may banyo. Dumadaan ako dito kapag madaling araw at gabi dahil sumisilip ako sa mga binatang naliligo sa may poso sa kanto. Habang tumatakbo ng nakatalukbong ng aking mukha ay nagdarasal ako na sana ay hindi nila ako makita.
Tanghaling tapat naman kaya wala masyadong tao sa labas. Kung magpapagabi kasi ako ay papasukin na ako sa bahay. Ayokong mahuli nila ako dahil alam ko na ang plano nila sa akin. Kinabahan ako ng may humintong kotse sa aking harapan. Handa na sana akong tumakbo dahil akala ko mga pulis o tauhan ito ng pumatay kay Mayor pero nakita ko si Rayana. “Kiray, halika na bilisan mo!” Tawag nito sa akin. Nagmamadali akong tumakbo at sumakay sa kotse nito. Umiiyak na nagpasalamat ako ng makasakay ako. “S-salamat, Rayana. Mabuti nalang at dumating ka,” sabi ko sabay iyak at yakap sa kanya. “Please umalis na tayo dito, baka kasi maabutan nila tayo…” alam kong nasa paligid lang sila kaya natatakot ako na makita o madakip nila. Ayokong makulong, ayoko ding mamatay, gusto ko pang mabuhay at maging masaya. “Ayos ka lang ba?” Tanong ni Rayana sa akin pagkatapos nitong utusan ang driver na paandarin na ang sasakyan. Nang tumango ako ay nakahinga ito ng maluwag. “Mabuti naman kung gano’n. Tinawagan nga pala ako ni Mariz at sinabi niya sa akin ang nangyari. Nag-aalala siya dahil hindi ka daw lumalabas ng bahay. Alam niyang nasa loob ka kahit hindi mo sinasagot ang tawag at text niya. May hinala siyang tatakas ka kaya nakiusap siya na sunduin kita... alam niya na hindi mo magagawa ang binibintang sayo.” Umiyak ako. Kilalang-kilala talaga ako ni Mariz. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad nito. “W-wala akong kasalanan… wala akong pinapatay… hindi ako ang pumatay kay mayor, hindi ko iyon magagawa sa kanya huhuhu… nakita kong pinatay siya… nakita ko kung sino ang pumatay sa kanya…” “Nakita mo?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Tumango ako at umiiyak na sumagot. “Oo, nakita ko kung sino ang pumatay kay mayor. Balak ko sana na magsuplong sa pulisya pero balak pa nila akong idiin at palabasin na ako ang gumawa no’n sa kanilang lahat… mga wala silang puso!” Napakasama nila. Bakit ganon kadali para sa kanila na kumitil ng buhay ng iba? Bakit sa dinami-dami pa ng tao sa mundo, bakit si mayor pa na walang ibang ginawa kundi ang maging mabuti sa kapwa? Naalala ko kung paano ito barilin sa dibdib at ihulog sa ibaba ng terrace, kaya lalo akong naiyak. “A-ang sama nila, Rayana… napakasama nila! H-hindi na sila naawa at inubos nila sila.. mga wala silang puso…” “Shhh… tahan na, Kiray. Naniniwala naman kami sayo na inosente ka. Wag kang mag-alala, tutulungan kita na umalis muna ng bayan,” sabi nito sa akin. “Ayoko… hindi ako aalis.” Tumanggi ako sa sinabi ni Rayana. Hindi ko kayang umalis ng aming bayan ng hindi nalilinis ang pangalan ko at nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni mayor. Pero sinabi ni Rayana na mapapahamak lang ako. Mas mabuti daw na umalis muna ako ng bayan namin para sa kaligtasan ko. Nangako naman ito sa akin na tutulungan ako na linisin ang pangalan ko at mabigyan sa hustisya ang pagkamatay ni mayor. Kailangan ko lang daw muna na maghintay. Hinawakan nito ang kamay ko, nakikita ko sa kanyang mukha na talagang gusto akong tulungan nito. “Pangako, tutulungan kita na makamit ang hustisya para inyo…” “S-salamat, Rayana… maraming salamat!” Umiiyak na yumakap ulit ako sa kanya. Mabuti nalang at narito si Rayana para tulungan ako. Kung wala ito ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa kalagitnaan ng aming biyahe ay biglang nahilo si Rayana at sumuka kaya nag-stay muna kami sa isang hotel para makapagpahinga ito. Ayaw ko na sana itong pasamahin sa akin papunta sa kabilang bayan pero nagpumilit ito na samahan ako. Gusto ko sana itong samahan na magpa-check up dahil nag-aalala ako pero tumanggi ito. Ang sabi niya sa akin ay nahilo lang daw siya sa biyahe namin. Dahil nakatulog kaming dalawa ay alas 6 ng gabi na kami nagising. Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami. Pero sa kalagitnaan ng biyahe ay napansin namin na may mga sasakyan na sumusunod sa amin. “Ra-Rayana, natatakot ako…” takot na sabi ko. Nanlalamig at nanginginig akox Nahihirapan akong huminga sa takot. L “W-wag kang matakot… matatakasan natin sila. Saka kasama mo naman ako,” pagpapagaan niya sa aking loob, kahit ang totoo ay natatakot din ito. Pareho kaming nanginginig at pinagpapawisan ng malapot. Halos magyakap na kaming dalawa sa backseat ng sasakyan. “Ma’am Rayana, ano ho ang gagawin ko, hindi ko sila maligaw-ligaw?” Kabadong tanong ng driver, maging ito ay pinagpapawisan na rin. “Ba-basta bilisan mo lang ang pagda-drive, manong. Drive faster as you can!” Utos ni Rayana rito. “Oh my god!” “Ahhh!!!” Pareho kami ni Rayana na napasigaw sa takot ng bigla kaming paputukan ng mga ito. Pinapaulanan na nila kami ng bala kaya takot na takot kami… “Manong driver, pahinto po ang sasakyan please!” Utos ko sa rito at pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay ni Rayana. “Ayokong madamay ka… kung hindi ninyo ako ibababa rito ay patuloy nila tayong hahabulin. Ayokong madamay ka at mamatay kasama ako…” takot na takot ako pero nanaig sa akin ang konsensya ko. Sa maikling panahon na nakasama ko si Rayana ay naging mabuti siya sa akin, kaya ayaw ko siyang mapahamak ng dahil sa akin. Mariing umiling ito sa akin. “Hindi ako papayag, Kiray… hindi kita iiwan ng mag-isa dito para mamatay, saka hindi ako nang-iiwan ng kaibigan!” Naiyak ako. Kahit panget at hindi swerte sa aking magulang ay swerte ako dahil nagkaroon ako ng mabuting kaibigan. Pero ayoko talaga na madamay ito. Balak ko sana na buksan ang pinto para tumalon, pero biglang gumewang ang sasakyan. Gumewang ito at bumulusok pababa sa gilid ng bangin. “D-Diyos ko...” namumutlang sabi ni Rayana habang nakatingin sa bangin na pwede namin bagsakan. Isang maling galaw lang namin ay mahuhulog kami sa baba. “Bu-Bumaba ka na, Kiray… umalis ka na, iwan mo na ako dito…” Utos nito. “A-yoko! Hindi ako aalis, Rayana. Hindi ko rin kaya na mang-iwan ng kaibigan…” kahit baka mahulog kami sa bangin, hinila ko siya para makalabas kami. Pero hindi ko siya mahila dahil naipit pala sa mga binti niya sa nayuping bumper. “Ra-Rayana… ano ang gagawin ko… huhuhu…” para akong bata na humahagulhol na nakayakap sa kanya. “Kiray, p-please… umalis ka na. Wala ka ng magagawa para maligtas ako. Kapag nagmatigas ka ay pareho tayong mahuhulog dito… please go and save yourself…” hinawakan nito ang aking kamay. “S-sa maikli natin na magkasama ay nagpapasalamat ako sa’yo. Salamat dahil naging mabuti kang kaibigan sa akin, Kiray… at patawarin mo sana ako dahil nalagay ka sa ganitong sitwasyon…” malungkot at luhaan na sabi nito sa akin bago binitiwan ang aking kamay. “Ayoko hindi ako papayag… ayaw kitang iwan. Aalis tayo dito ng magkasama… kakain pa tayo sa labas ni Mariz…” sumisinok pang sabi ko rito. Bago ko pa siya muling mahawakan ay malakas na sumabog ang kotseng sinasakyan namin. Ang tangi kong naramdaman ay sobrang init at nakakabingi na pagsabog na nagpawala sa aking malay. ****** (Laxus King pov) Kakapasok ko lang sa loob ng luxury car ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si tita Juliana, ang kapatid ng namayapa kong ama. “Laxus, nahanap mo na ba si Rayana?” Bungad na tanong nito ng sagutin ko ang tawag nito. “Hindi pa, Tita Juliana.” Nang marinig nito ang sinabi ko ay nagsimula ng mag-histerikal sa kabilang linya. “Anong hindi pa?! Kailan mo siya balak hanapin, kapag trenta ka na? My god, Laxus! Alam mong kailangan mo siyang mahanap agad bago ka tumuntong ng trenta, dahil kung hindi ay mapupunta sa engratang mag-inang iyon ang lahat ng para sa ‘yo. Wag mong hayaan na mangyari iyon,” Wala itong tigil sa pagtalak kaya napahilot ako sa aking sintido. “Tita, please calm down. Ginagawa ko ang lahat para mahanap ang babaeng iyon—“ “Aba dapat lang na hanapin mo siya, Laxus. Kasalanan mo kung bakit siya umalis at lumayo. Kung naging mabuti ka lang sana sa kanya ay hindi mangyayari ito,” Ayokong marinig ang paninisi sa akin ni tita kaya pinutol ko na ang usapan namin. Sakto naman na lumapit sa akin si Jigs. “Mr. King, alam na namin ang lokasyon ni Madam!” Pagbabalita nito. Kumuyom ang aking kamao. Sa wakas ay nahanap din kitang babae ka. Paulit-ulit na ako nitong tinakasan. Sa pagkakataon na ito ay hindi na ako papayag na matakasan niya ako. “Ano pa’ng hinihintay ninyo? Puntahan at dalhin sa akin ang babaeng iyon!” Utos ko sa kanila. “P-Pero, Mr. King… “ alanganin na sabi nito. “Nasa hospital daw ho si Madam…” Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.LIKE
(Kiray pov) Nang magmulat ako ng mga mata ay tumambad sa akin ang puting kisame ng kwartong kinaroroonan ko. Nakarinig din ako ng tunog ng aparato sa bandang uluhan ko. Sigurado ako na nasa hospital ako. Kung gano’n, ibig sabihin ay buhay pa ako! Agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Akala ko ay mamamatay na ako sa pagsabog na ‘yon at tuluyan ng magpapaalam sa mundo. Kaya ang swerte ko dahil nagising pa ako. Naalala ko si Rayana. Bumangon ako pero laking gulat ko ng hindi ko makuhang igalaw ang katawan ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa aking buong katawan ng subukan ko muling gumalaw… hanggang sa ang kirot ay nauwi sa nakakamatay na sakit. “Tu-tu…long…” kahit ang boses ko ay paos at walang lakas, halos hindi ako makapagsalita. Saka ko lang napansin ang na ang tanging bibig at mata ko lang ang nagagalaw ko, nakabalot ng benda ang aking buong katawan. Para akong suman, nakabalot ako at hindi makagalaw.
Naapektuhan yata ang tenga ko sa pagsabog kaya nabibingi na ako at kung ano-ano na ang naririnig ko. “Iha, kung gusto mong bumawi sa anak ko, tulungan mo ako at magpanggap kang siya.” “Magpanggap? Hindi ko ho kayo maintindihan,” naguguluhan ako. “H-hindi kita gustong sisihan, iha.” Tumulo ang luha nito. “Pe-Pero dahil sayo nawala si Rayana… dahil sayo nawalan ako ng anak. I-ikaw ang may kasalanan kaya nawalan ako ng anak… ikaw.” Puno ng sakit at pagdadalamhating paninisi nito. Tumulo ang luha ko. Tama ito, ako ang dahilan kaya namatay si Rayana. Wala nang dapat sisihin kundi ako. “P-patawad po… patawad po…” kasalanan ko nga. Kung hindi dahil sa akin ay kasama pa sana nito si Rayana. “Hindi ko kailangan ng sorry mo, iha. Ang kailangan ko ay tulong… at magagawa mo lang iyon kung magpapanggap kang anak ko.” Natigilan ako sa huling sinabi nito. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako. “P-pero paano po? Anong klaseng pagpapanggap po ba ang kailangan na gawin ko?” Maingat nitong hina
(Kiray pov) Abot hanggang langit ang kaba ko. Ngayong araw ang schedule ng operation ko. Nandito kami ngayon sa Thailand para gawin ang procedure ng operation ng aking mukha. Marami kasi ang magagaling na doktor sa bansang ito pagdating sa cosmetic surgery. “Kaya ko ‘to…para kay mayor, kay Rayana at para sa sarili ko… kakayanin ko.” Pagpapalakas ko sa aking loob. Sinabi kasi sa akin kanina ng doktor na sa kabila ng anestisya ay makakaramdam pa rin ako ng matinding sakit. Sa tindi daw kasi ng mga pilat ko sa katawan at sa aking mukha ay kakailangan ng mahaba at matagal-tagal na operasyon. Tinanong ako ng doktor sa english kung handa na ba ako. “Y-Yes, Doc… I’m ready…” kinakabahan na sagot ko dito. Wala nang atrasan ito. Pagkatapos nito ay tuluyan ng magbabago ang buhay ko. Bago simulan ang operasyon sa akin ay taimtim akong nagdasal. Na sana ay successful ang patong-patong na operasyon sa akin. ****** (Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng marinig ang ulat ni Jigs. “ Din
(Laxus King pov) “Fvck!“ I cursed repeatedly when I found out I had to wait six months before that woman could recover from her operation. Hindi ko alam kung anong operasyon ang ginawa sa babaeng iyon at kinakailangan kong maghintay ng anim na buwan bago ito makalabas ng hospital. Inabot sa akin ni Jigs ang report tungkol sa kalagayan nito. “Mr. King, wala tayong magagawa kundi ang hintayin na makalabas siya ng hospital at makarecover. Tumawag na ako sa mga wedding planner at nagpaset ng bagong date para sa kasal niyo ni Madam.” Kumunot ang noo ko. “Sinet ko sa mismong araw ng kaarawan mo, Mr. King ang araw ng inyong kasal. Alam kong ayaw mong magdiwang sa araw na ‘yon pero wala tayong pagpipilian sa ngayon.” Muli akong napamura. Nang makalabas ito ay naglabas ako ng isang pakete ng imported na sigarilyo at nagsindi ng isa. Naalala ko ang kalagayan ng babaeng iyon kanina ng bisitahin ko ito sa hospital. Nababalot ito ng benda. Nilabas ko ang report tungkol sa kala
(Kiray pov) Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito? Nasaan na ang mapapangasawa ko? Sa picture kasi na pinakita sa akin ni tita ay long hair at balbas sarado na may guhit sa kilay at tattoo sa leeg— Awtomatikong dumako ang mata sa tattoo nito sa leeg at sa kilay nitong may guhit. “N-no way…” Nang pasadahan ko ang suot nito ay saka ko napagtanto na tama ako. Ito ang fiancee ni Rayana? Pero ang sinabi nito sa kanila noon ay tauhan ito fiancee niya? Napasinghap ako ng bigla nitong hilahin ang kamay ko para iakyat sa altar. “Don’t let me wait for you again, woman. Kanina pa naghihintay ang lahat sa’yo, hindi mo dapat ugaliin na paghintayin ang mga bisita at maging bast0s.” May inis sa boses na sabi nito. Naguguluhan ako na tumingin dito—at the same time ay natulala ako sa kagwapuhan nito. Wala itong pinagbago kahit kaunti mula ng huli ko itong nakita. Napakaganda ng kulay asul nitong mga mata, nakakahalina at mapapatulala ka nalang talaga. Bagay rito ang suot na white suit, bla
Mukhang hindi ako nito gusto—nagulat ako ng yakapin ako ng mahigpit ng kerida ng ama ni Laxus. Ang sabi sa akin ni mommy Nissa ay wala akong close sa mga ito, nagtataka tuloy ako kung bakit ganito ang kilos ni tita Mary. Hinawakan nito ang aking kamay, “Rayana, binabati ko kayo ni Laxus. Masaya kami ni Zack para sa inyo!” At muli ay yumakap ito sa akin. “Ano ba ang nakain mo, iha at paulit-ulit kang tumatakas sa kanya? Akala tuloy namin ay ayaw mong makasal sa kanya.” Sabi nito na ikinataka ko. “Ah… eh…” ang hirap naman mag-isip ng dahilan lalo na kapag clueless ka. “Nagkaroon lang po kami ng tampuhan ng asawa ko noon.” Dahilan ko. “Tampuhan? Grabe ka naman magtampo, Rayana… inaabot ng halos dalawang taon.” Singit ni Zack. Naging ngiwi ang ngiti ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, mabuti nalang at dumating si mommy Nissa para sumingit sa usapan namin. May mga edad na ang tatlong babae, pero kahit gano’n ay napakaganda parin nilang tatlo. Muntik akong manliit sa sari
“O-oh, I didn’t expect you to be so sweet tonight, iha. Ganito yata ang nagagawa ng bagong kasal, bigla nalang nagbabago ang tao.” may alanganin na ngiting sabi nito bago nagmamadaling umalis kasama ang asawa. “Bakit umalis agad ‘yon? May mali na sa ginawa ko?” Parang bigla naging iwas na iwas ito “Oh my god, Rayana!” Sigaw ng isang boses mula sa malayo, ito ang babaeng kausap kanina ni mommy Nissa. “Hindi ako makapaniwala na kinasal ka na talaga!” Sabi nito sabay yakap sa akin ng mahigpit. Napaawang ang labi ko ng maalala ko ito. ‘Bakit mo siya kinalimutan, Kiray!’ Kastigo ko sa sarili ko. Ito si Maureen, ang matalik na kaibigan ni Rayana. Mga bata palang daw ang dalawa ay matalik na silang magkaibigan. “I-i’m sorry, Rayana kung ngayon lang ako. But as I promised, dumating ako para dumalo sa kasal mo,” emosyonal na wika nito. Isa itong sikat na modelo sa ibang bansa at minsan nalang mamalagi dito sa Pilipinas. Halos wala itong patid sa pag-iyak habang nakayakap sa
(Kiray pov) Napaigik ako ng itulak at isandal ako nito sa pader. May pagkasuklam ang mata nito habang nakatingin sa akin, na para bang may ginawa ako sa kanya na malaking kasalanan. “Stop acting like we’re close, woman. Hindi ako madadala sa arte mo,” nilapit nito ang labi sa punong tenga ko at galit na nagsalita. Imbes kiligin, natakot ako sa sunod na sinabi nito. “You can’t wrap your hands around my neck, bago mo magawa, papatayin muna kita.” Banta nito bago ako nito binitiwan. Pigil ko ang paghinga ko, nang mawala ito ay saka ako dahan-dahan na nanghina na parang nauupos a kandila. Parang sirang plaka na paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang banta nito. Papatayin daw ako… ano ba ang ginawa ni Rayana para magalit ng ganito si Laxus? Nanginginig na hinanap ko ang cellphone na binigay sa akin ni mommy Nissa. Kailangan kong magreport dito tungkol sa nangyari. Natatakot na ako sa kinikilos nito. Paano kung hindi magtagal ay malaman nito na nagpapanggap lang ako? Baka maging
(Saddie pov) Sa mansion na kami tumuloy pagkagaling namin sa hospital. Mas maaalagaan daw kasi ako ni Tita Kiray kapag nasa mansion ako, lalo na kapag nasa trabaho si Morgan. Nahihiya ako dahil hindi pa naman kami pormal na mag asawa ni Morgan pero hindi pumayag ang mga ito na tumanggi ako. Para daw sa kanila ay pamilya na nila ako kaya hindi na ako iba sa kanila. Manghang-mangha ako ng makapasok sa kwarto na pinagdalhan sa akin ni Morgan. Mas malaki ito sa kwarto ni Morgan, kumpleto sa kagamitan at malawak pa. “Ito na ang magiging kwarto ko?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Akala ko kasi ay sa iisang kwarto lang kami ni Morgan matutulog. Doon kasi ako natulog noon kaya inisip ko na walang kaso na ‘yon kina Tita. Pero dinala ako dito sa pinakadulong kwarto dito sa ground floor. Ito daw ang pinalamalaking kwarto dito sa bahay. Parang hindi nga ito guestroom kung titingnan dahil sobrang laki talaga. Yumakap si Morgan mula sa aking likuran. Napahagikhik ako ng halikan ako nito sa
(Saddie pov) Nagulat ako sa alok ni Morgan. “M-masyado naman yatang biglaan… makakapaghintay naman ako.” hindi naman sa ayaw ko pero ayoko ko siyang madaliin dahil lang buntis ako. Pero naputol ako sa oag iisip ng ganapin niya ang kamay ko. “Wag mong isipin na minamadali kita dahil sa bata, Saddie. Minamadali kita kasi mahal kita at ayoko ko ng pakawalan ka.” Ani nito na parang nababasa ang nasa isip ko. Nakangusong tumango ako at kapagkuway napangiti sa saya. Sino ba ako para tanggihan ang alok ni Morgan. Nakakadala rin kasi ang nangyari sa amin. Baka mamaya ay makawala pa ito sa amin ng anak namin. Mukhang pareho kami ng iniisip. Nakahinga ng maluwag sila mama at tita Kiray ng makitang nagkasundo na kami. Humawak ako sa tiyan ko. ‘Sorry, anak. Naging pabaya si mama. Muntik ka tuloy mawala sa amin ng daddy mo.’ Kausap ko rito. Mabuti nalang nagmana ang anak namin sa akin na matatag. Kung hindi ay baka wala na ito sa patong-patong na stress na pinagdaanan ko nitong nakaraan. “
“My love, i’m sorry… i-i’m really sorry.” Gusto ko maging matatag dahil bukod sa akin ay mayro’ng ibang tao na naroon pero hindi ko napigilan at tuluyan ng nabasag ang tinig ko. Ang dami kong gustong sabihin pero tila nagbara ang lalamunan ko bigla. Gustong bumuhos ng emosyon ko bigla. Ang liit lang ng naging problema naming dalawa pero muntik na kaming nasira—at dahil iyon sa akin. Hindi ako naging matatag kagaya nito na siyang pinangako sa kanya na gagawin ko. “Ipinapangako ko sayo na babawi ako, Saddie. Babawi ako sa inyo ng anak natin. H-hindi na ako magiging mababaw at unang bibitaw…” makikinig na ako sa lahat ng sasabihin nito. Hindi na ako magpapadala sa galit ko para hindi ko na masaktan ito. Para akong bata na yumakap sa bewang nito. Naririnig ko si mommy na sumisinghot at ang mama ni Saddie sa tabi. Pareho na namang umiiyak ang dalawang matanda habang pinapanood ako. Samantalang si Kirk ay nakaalalay kay mommy. Madalas kasi na mawalan ng malay si mommy kapag naaalala si
(Morgan pov) Walang malay na binuhat ko si Saddie papasok ng sasakyan. Nagtangkang sumunod ang ama nito ngunit sumenyas ako kay Kirk na huwag itong hayaan na makalapit sa amin. I heard everything—batid ko na ngayon na nagsasabi ng totoo si Saddie. Damm! Ang tanga ko dahil nagpadala ako sa galit ko. Hindi ko man lang ito pinakinggan at hinayaan na lamunin ako ng galit ko. “Sa malapit na hospital tayo, Kirk!” “Alright!” Agad nitong pinaandar ang sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay hinaplos ko ang maputlang mukha ni Saddie pagkatapos kong balutin ng leather jacket kong suot ang bewang pababa sa hita nito. Napasabunot ako sa buhok ko. Sobra ang kaba ko dahil hindi ko alam kung bakit dinudugo si Saddie. Clueless ako kung ano ba ang kondisyon nito dahil wala naman akong nalaman sa hospital na pinanggalingan namin. Nagpaimbestiga ako kay Kirk noong pumutok ang balita at nalaman ko na sa stepmother pala ni Saddie galing ang balita tungkol rito. Sinabi ito ni Kirk sa akin kanina ng
(Saddie pov) Walang patid sa pagtulo ang luha ko habang lulan ng taxi papunta kina papa. Ang sama ng loob ko kay Morgan. Hindi man lang ako nito hinintay na magpaliwanag at sapilitan ako na ginamit kahit na may sakit ako. Humawak ako sa tiyan ko. Ang sabi ng doktor ay buntis ako. Kailangan ko daw magpahinga dahil mahina ang kapit ng baby namin ni Morgan. Kaya ng malaman ko iyon ay umalis ako ng hospital para protektahan ang pinagbubuntis ko. Natatakot kasi ako sa pwedeng gawin sa akin ni Morgan. Paano kung maglasing ulit ito at galawin ulit ako ng walang ingat. Paano na kami ng baby ko? “S-sorry, baby ha… hindi naman masama ang daddy mo. Nasaktan kasi siya ni mommy kaya siya gano’n.” Kasalanan ko naman talaga ‘yon. Pero sa ngayon ay iisipin ko muna ang anak namin. Ayoko kasi na mawala ito dahil sa magulo naming relasyon. Kaya nagsinungaling din ako sa doktor dahil ayokong sabihin nito kay Morgan ang kalagayan ko. Ayokong malaman nito na buntis ako. Saka na kapag nagkaayos na kaming
(Morgan pov) “Damn” hindi mabilang kung ilang beses akong napamura ng umalis si Saddie. Hindi ako nakatiis at hinabol ito pero nakasakay na ito ng taxi. Naglaro sa isip ko ang litrato nilang dalawa ni Navy ng magkasama. Muli na namang nabuhay ang panibugho at galit ko. “Sigurado ka ba na hindi ka aalis ngayon, Morgan?” Tanong ni mommy ng makita ako nito sa studyroom. “Yes.” Maikli kong tugon. “Mumu, hindi sagot ang pagmumukmok. Kung gusto mong ayusin ang relasyon niyo ni Saddie ay pag usapan niyo ito. Sige lalabas na ako, iiwan ko nalang ang meryenda mo dito.” nilapag nito ang tray na dala sa glass table bago lumabas. Kinuha ko ang cellphone konat tinawagan si Jerome. “Turn down that site about Saddie asap! Idemanda mo rin ang mga nagkalat ng maling balita tungkol sa kanya!” “Yes, Sir!” Galit ako sa nakita at paglilihim nito pero hindi ko maiwasan na mag alala para dito. Tangna. Masyado ko itong mahal para hayaan na pagpiyestahan online. “Sir, nasa loob si ma’am Flory naghih
“Naku huwag na po, nakakahiya. Saka hindi naman po ako nagugutom.” Magalang na tanggi ko sa matanda. Pinilit pa ako nito pero sumuko din sa huli. Umupo ako sa sofa malapit sa desk ng secretary ni Morgan at naghintay. Nang bumukas ang pintuan ay tumayo ako para salubungin ang nobyo ko pero laking gulat ko ng si Flory ang makita ko. Oo wala namang masama na makita ito. Baka kasi dumalaw lang o may pinag usapan sila na ilang mahalagang bagay… Pero ang makita na may bakas ng lipstick si Morgan sa gilid ng labi ay ibang usapan. Nag flyng kiss pa ang babae bago umalis ng may nang aasar na ngiti sa labi. Pumasok si Morgan sa opisina ng walang kibo. Nag atubili ako na sumunod pero sa huli ay sumunod ako. Kailangan kasi talaga naming mag usap. Hindi pwede na hindi kami magkalinawan. Pero kahit anong gawin ko na pagpapanggap na okay lang ako ay hindi ko magawa. Nagseselos talaga ako at nakakaisip ng hindi maganda. “M-mukhang may dumi ka pa sa gilid ng labi.” Lumapit ako dito at pina
Napasinghap ang lahat ng buhatin ako nito. Nakita ko ang ilan sa mga fans nito na nagalit at nanlilisik ang mata habang nakatingin sa akin. Hindi daw ako ng mga ito mapapatawad sa panglalandi sa idol nila at sa fiancee nitong si Flory. Yumakap ako sa leeg ni Morgan habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Wala akong tigil sa pag iyak habang karga nito. Bukod kasi sa masakit ang ulo ko ay naiiyak ako sa tuwa na binalikan ako nito. Pagdating sa loob ng sasakyan ay tahimik itong naupo. Buong biyahe ay hindi ito kumikibo kaya’t nag alala na naman ako. “Mumu…” iniwasan nito ang kamay ko. Nasaktan ako pero naiintindihan ko ito. “Y-yung nakita mo, hindi ‘yon totoo… maniwala ka sa akin.” “You’re naked with him… alone in that room. Why, Saddie? Mahal mo pa ba siya?” Umiiyak na umiling ako. “Ikaw ang mahal ko… maniwala ka. Hindi ko lang sinabi sayo dahil ayokong mawala ka—“ “So you knew about it?!” Napalundag ako ng malakas na suntukin nito ang bintana ng sasakyan, maging ang drive
(Saddie pov) Pagdating sa mansion ay nagtataka na nagtanong ako sa kasambahay. Wala kasi akong nadatnan, wala sila Morgan kahit sila Tita Kiray. “Naku ma’am, nasa hospital sila ngayon. Inatake na naman kasi si Ma’am Julianan!” “Po?!” Hindi na ako nagtaxi papunta ng hospital, nagpahatid na ako sa driver nila Morgan. Pagdating namin sa hospital ay agad ako na bumaba ng sasakyan, hindi ko na pinansin ang pagriring ng cellphone sa loob ng bag ko. Nag aalala na kasi ako kina lola Juliana. Habang naglalakad ako ay napapansin ko ang pagtingin sa akin ng mga taong nadaraanan ko, mahinang nagbubulungan pa ang mga ito kaya nagtaka ako. Hindi ko naman sila kilala pero pakiramdam ko ay pinag uusapan nila ako. Pagdating sa tapat ng ER sa VIP floor ay naabutan ko sila Tita Kiray at ang asawa nito, pero wala ro’n si Morgan. Lalapitan ko sana ito para kamustahin ng tumunog na naman ang cellphone ko. Nahihiyang dinukot ko ito para patayin dahil umalingawngaw ang malakas na ringtone nito sa bu